H l n m 10

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 10

 

"Ang busy ng mundo, patuloy lang umiikot kahit tumigil ang sayo."

 

 

"So, ano? Galit ka ba sakin?" Hindi ko natiis tanungin.

 

"Papahila ba ko kung galit ako?" Nagpatuloy siya sa paglalakad, sinabayan ko siya.

 

Halata ang kuryusong tingin sakanya ng mga nakakasalubong namin. Sino nga naman ang maglalakad ng naka gown sa gabi. At puti pa!

 

"Seryoso kasi, Kang." 

 

"Seryoso din, Palma." 

 

Tumigil ako sa paglalakad. "So, hindi ka galit?"

 

"Bakit susuyuin mo ba ko kung sakali?" Halata ang pang aasar sa tono niya.

 

Hindi ako sumagot. 

 

Hinila ko siya papasok sa isang convenient store, napahinto nang mag isip saang aisle pupunta pero diretso lang ang lakad ni Sam. Sumunod lang ako hanggang sa makarating kami sa beverages section. 

 

Kumuha siya ng dalawang tubig pagtapos naglakad ulit hanggang makarating kami sa aisle ng mga ready to eat items. Lumingon siya sakin. "Ano sayo?"

 

Nilibot ko pa ang mata ko para tignan kung anong mayroon doon.

 

"Tagal, ito nalang." Sa huli si Sam na rin ang pumili para sakin. Umiling akong nakangiti sakanya. 

 

Pagkalapag niya sa counter nung mga kinuha niya, gumilid na siya agad kaya ako na yung kaharap nung cashier. Tumingin ako sakanya.

 

"Wala akong dalang pera." Kaswal niyang sabi.

 

Napakagat labi at pikit ng mata ako para pigilan ang sarili tumawa. 

 

"Paano kung wala rin akong dalang pera?" Natatawang tanong ko kay Sam. Napa angat tuloy ng tingin yung cashier saamin habang nasa kalagitnaan ng pag i-scan, mas nagtagal lang ang tingin kay Sam at sa suot nito.

 

Sa suot palang niya di mo iisipin na wala siyang pera.

 

"Mag huhugas nalang tayong plato, o mag mop ng sahig. Di ba kuya?" Sabi ni Sam.

 

"Ay ma'am bawal po yon.. One thirty four pesos po lahat." Palipat-lipat ang tingin nito sakin at kay Sam. 

 

Mas lumapit na ko saka nilabas ang wallet. Nakakakonsensya yung kalokohan namin ni Sam.

 

"Kinabahan ka Kuya?" Tanong ni Sam habang natawa.

 

"Medyo po" Sagot nito habang inaabot ko yung pera. "Artista po ba kayo?" Nahihiyang tanong nung cashier.

 

"Tangina" Tumawa ng malakas ni Sam. Agad ko naman siyang tinampal sa braso.

 

"Bakit?" Sinamaan niya ko ng tingin.

 

"Bibig mo." Feeling ko na offend yung lalaki.

 

"Nakakabit." 

 

Umirap lang ako sa sagot niya.

 

Nung sinabi ni Kuya na iinitin niya na yung pagkain, hinila ko na agad si Sam sa lamesa. Nag antay lang kami doon, nakatitig lang siya sa labas na parang may hinahanap. Kaya napatingin na lang din ako doon.

 

"Nangangati na ko." Bigla niya sabi. Nakakalahati niya na yung tubig niya hindi pa nga kami nagsisimulang kumain.

 

Hindi ko alam sasabihin ko sa sinabi niya, hindi rin naman siya nakatingin sakin nung sinabi niya yon kaya di nalang ako nagsalita. Lumipat ang tingin ko sa lalaking crew nang mahuling nakatitig saamin. Tinuro niya yung pagkain namin na nasa tray. 

 

Tinapik ko yung kamay ni Sam na nakapatong sa lamesa, napatingin siya sa kamay namin tapos sa mata ko. Nginuso ko yung counter. Lumingon naman siya doon sabay balik ng tingin sakin.

 

"Wow, inuutusan mo ko?" Sarkastikong niyang tanong.

 

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

 

Hindi ko alam kung bakit ang kumportable kong magpaka— ang pangit ng word pero, sakanya.

 

"Birthday gift mo bang alipinin ako? Thankyou ha, nakaka-touch." Banat niya. Nanggi-gigil niya munang pinisil ang kamay ko bago tumayo.

 

Nginitian ko lang.

 

Tumingin ulit ako sa labas ng may ngiti sa labi. 

 

Ang busy ng mundo, patuloy lang umiikot kahit tumigil ang sayo. 

 

Naalala ko bigla sila Jisoo, oo nga pala di ako nakapag paalam. Bigla ko nalang kasi hinila si Sam. 

 

Di ko rin alam bakit ako naging padalos dalos kanina. Hindi naman ako ganito dati.

 

Jennie:

Hoy Irene san ka?

 

Jennie:

Gaga ka badtrip ako kaya wag ka ngayon magpa kidnap

 

Jennie:

Seryoso rene pag di ka pa nag reply, kahit patay ka na bubuhayin kita para lang sampalin.

 

Natawa ako sa sunod sunod na text ni Jennie, mayroon din iilang text at missed call si Jisoo doon.

 

To Jennie:

Hi! Okay lang ako, don't worry wala kang bubuhayin para sampalin. Sorry ngayon ko lang naalala mag paalam. Hahahaha pasabi na rin kay Jisoo. Sorry ulit!

 

Pagsend ko nun, ilang segundo lang, tumunog agad ang phone ko para sa tawag ni Jennie.

 

"Gaga ka, bwiset maaga kaming mamamatay ni Jisoo sayo."

Tumawa muna ako bago magsalita.

 

"Sorry, biglaan kasi."

 

"Biglaan ang alin? Alam mo bang papunta na kami ni Jisoo sa apartment nyo? I even urged her to go straight to the police station eh. Good thing she stop me kasi magpapanic lang pala ako for nothing!"

 

"Sorry hassle, Im really okay, nakalimutan ko lang mag text! Im about to go home too, nasa convenient store lang ako to buy water."

 

"With? Tubig lang pala lalayo ka pa? Saka pwede nama— tama na Jen she's okay na nga daw. Let her rest, you need to rest too." Sumabat si Jisoo "Nag aalala lang eh, bawal mag alala?—" At ayon nag away na naman sila..

 

Tuloy lang sagutan nila nung sumabat ako.

 

"Guys? Hello? Tama na, okay? Kasalanan ko, di ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??