H l n m 8

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 8

"Paano siya naging malaya gamit ang kulay ng buhok?"

 

 

"Kilala mo si Buzz Aldrin?

 

Pagkatapos ng mahabang tahamikan, rinig na rinig ang mahinang tanong ni Sam. Patay na ang ilaw, nasa baba siya, nakahiga sa extra naming kutson. Habang ako nasa kama. 

 

Nang mahimasmasan ako sa pagkagulat nung makita siya dito sa Sagada, wala akong ibang choice kundi iuwi siya sa bahay. Naaalala kong naitext ko sakanya kahapon bago umalis ng manila na uuwi ako ng Sagada. Inaya niya kasi ako na pumunta kung saan sa Makati, kaya nasabi ko ang dahilan ng pagtanggi. Pagkatapos noon sunod-sunod na ang tanong niya tungkol sa lugar namin. Nabanggit ko rin ang shop kami kaya siguro doon ang tungo niya pagkakita sakin kanina. Hindi ko inakala na pupunta siya agad dito.

 

Ang weird talaga ng singkit na 'to.

 

"Tulog ka na ba?" Pagtatanong ulit nito.

 

"Oo." Maikli ko lang tugon.

 

Kasama ko siya sa kwarto, si Mama ay natulog sa kwarto ni Karina. May turista kasing galing shop ang naghahanap ng matutuluyan ng ilang araw, kaya iyon ang nag ukupa ng pangatlong kwarto. Hindi ko na nagawang ipakilala si Sam dahil siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya habang kumakain kami ng dinner kasama si Mama at Karina. Pinagpasalamat ko yon, kasi wala pa ako sa kondisyon para kausapin si Mama pagkatapos nung nangyari sa shop. At hanggang ngayon naiisip ko yon kaya siguro hindi ako dinadalaw ng antok.

 

"Sleep talker ka pala." Sarkastiko niyang tugon.

 

"Uhuh.." 

 

"Mabuti yan," Nakita ko ang pagharap ng katawan niya sa gawi ko. "atleast may kausap parin ako."

 

Nilingon ko siya saglit, pareho kaming balot na balot ng makapal na kumot. Binalik ko ang tingin sa kisame saka pumikit bago siya sinagot.

 

"Hindi ko kilala." Sagot ko sa tanong niya kanina.

 

Matagal siya bago nagsalita, dumilat pa ko para tignan kung tulog na ba siya, nagsalubong ang mata namin.

 

"Di ko gets, what make firsts special." 

 

Kumunot ang noo ko. "Ano connect ni..." di ko matandaan yung pangalang binanggit niya.

 

"Buzz Aldrin, second man walked in the moon."  Pagpapatuloy niya.

 

"Ah, si Neil Armstrong lang kilala ko." Binalik ko ang tingin sa kisame.

 

"Kaya nga, bakit yung mga nauna lang yung mas naalala?" Tanong niya.

 

"Kasi first sila?" 

 

"Anong espesyal sa pagiging first?"

 

Napaisip ako. 

 

"Ewan, first sila kaya sila special." Nilingon ko ulit siya. Nakanguso lang na nakatingin sakin. Hindi siguro nasiyahan sa sagot ko. Bumuntong hininga ako. "I think, firsts are testimony na totoo ang mga bagay? Like for example, Neil Armstrong voyage to the moon solidify that moon is real.

 

"They're on the same ship.. Nauna lang ng nineteen minutes si Armstrong." Tinaasan niya ako ng kilay. Nag aantay sa isasagot ko.

 

"Ah ewan, matulog ka na." Tinalikuran ko siya.

 

"Kj." Bulong niya pero narinig ko.

 

"Matulog ka na, kung hindi, mag isa kang mag-t trekking papuntang Bomod-ok falls." 

 

"Kay Karina nalang ako magpapasama." Pagmamalaki niya.

 

Umismid lang ako. "Feeling close ka."

 

"Yup, kaya ako may malambot na higaan at makapal na kumot ngayon is dahil naki-FC ako sayo." Her statement makes me wonder. Paano kami napunta sa sitwasyon namin ngayon? She first approached me sa bar, pinahiram ng hoodie kahit di ko kailangan, hanggang sa nanganak nalang ang interaksyon namin dahil sa hoodie niyang di ko naman nagamit.

 

"Yan lang dahilan bakit mo ko kinaibigan no?"  Mahina kong nasabi ang tanong yon dahil sa pagdalaw ng antok.

 

Hindi siya nagsalita, dumaan pa ang ilang minuto, narinig ko pa ang pag galaw niya. Hinihila na talaga ako ng antok, hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero narinig ko kahit sobrang hina.

 

"Crush kasi kita."

 

 

Nagising ako sa pangalawang pag alarm ng phone ko. Nagulat pa ko dito dahil sobrang lapit ng phone sa tenga ko. Narinig ko ang pagsisipilyo niya sa banyo, sinamaan ko agad siya ng tingin pagkalabas niya. Pero di niya nakita yon, dahil diretso ang lakad niya sa bag niya na malapit sa paahan ko. Alam kong siya ang naglapit ng phone ko dahil siya lang naman ang kasama ko dito.

 

"Epal mo." Mahina kong sabi.

 

Napalingon na siya nakataas ang dalawang kilay, nagtatakang naka tingin sakin. Umirap lang ako. Maang maangan pa siya.

 

"Problema mo?" Kumunot ang noo niya.

 

"Nilapit mo to sa tenga ko?" Garalgal ang boses ko. Sa itsura niya mukhang wala nga siyang alam. Binitawan ko na ang cellphone.

 

"Bintangera ka." Ngumisi muna siya bago ako talikuran. Nagpakabusy sa backpack niya.

 

Baka si Karina?

 

Tumulala pa ko, habang si Sam, kanina pa palakad lakad sa kwarto ko. Dami na siguro niyang nagawa habang ako rito'y nakahilata parin. 

 

"Gugutom na ko." I said that so so quietly, garalgal parin ang boses. Nagulat pa ko ng marinig ni Sam yon.

 

"Huh?" 

 

"Gugutom na ko." Ulit ko. Hindi ko alam bakit naging malambing ang tunog nun.

 

"Get up, so you can eat. Pumunta dito si Karina, nag aaya kumain, kala ko ginising ka na." Nakaharap na siya, nasaakin na ang buong atensyon.

 

So galing nga si Karina dito.

 

Pagkalipas ng ilang sandali, nagpasya na akong tumayo. Dapat bago mag alas-cinco ng hapon, makabalik na kami dito sa bahay para naman mag ready pauwi sa manila.

 

Dahil siguro bagong gising ako, nakakailang hakbang palang ako nang mawalan ng balanse. Nakatawang napatingin ako kay Sam, napaupo na ko sa kutsong hinigaan niya kanina. Umamba pa siyang abutin ako kanina pero dahil malayo siya, di na umabot. Naiwan tuloy sa ere yung kamay niya. 

 

Umiling iling siya habang nakangiti. "Gising na diwa mo?"

 

 

Bumaba na rin kami agad ni Sam pagkatapos ko makapag ayos. Si Karina nalang ang naabutan namin doon, nanunuod ng t.v. Inosenteng ngitian pa ako nito nang makitang nakatitig ako sakanya. Alam niyang alam ko ang kalokohang ginawa niya. Naputol ang titig ko nang dumaan si Sam sa harapan ko para batiin ang kapatid. Halatang excited na sa pag alis 'tong isa, mabilis natapos sa pagkain at minamadali na ako. Lalo ko lang tuloy binagalan. 

 

The more they told me not to do things, the more I want to do it.

 

Nginingitian ko lang ang babaeng naka simangot sa aking harapan. 

 

"Tanginaaa, sinasadya mong bagalan, no?" Nakatayo siya sa harap ko, suot na ang backpack. Ready na umalis habang ako ninanamnam ang pag inom ng tubig.

 

"Isa pang mura tatagalan ko talaga." Nakailang mura na siya, kaya panay din tuloy ang lingon ni Karina sa gawi namin. Di pa naman sanay sa mga ganoong salita ang kapatid.

 

Bumuntong hininga ito pagkatapos ay naglakad para tabihan si Karina. Tumagal pa ko ng ilang minuto dahil sa paghuhugas ng plato. Nang matapos, umakyat na ko para kunin ang mga dadalhin na nasa kwarto. Di ko napansin na sumunod pala si Sam, lukot parin ang mukha habang nag aantay sa pintuan. Mabilis ko nang kinuha ang sariling backpack at sinalubong siya.

 

"Para kang bata," Sinundot ko ang pisngi nito. "Ito na ho, Baby. Aalis na." Iniwas nito ang mukha. Tumawa ako, nilampasan siya para maglakad palabas ng bahay. Nakasunod parin siya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??