H l n m 3

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 3

"Anong pakielam ko sakanya? At sino si Gustav Klimt? Seryoso ba siya? Gaano siya nakakasiguro na gagawin ko 'to? Si Yeri nga di naging ganito ka.. confident?"

  

Walang bato, o basura.

 

Walang kahit anong kakaibang bagay ako'ng nakita sa bag ko. Natakot pa ko'ng umuwi kahapon sa pag aakalang anytime sasabog ako kasama ng bag 'ko. Pero mukhang tinatakot lang talaga ako ng singkit na yon. 

 

Notebook at ballpen lang naman yung laman ng bag ko. May flash driive na di ko matandaang dinala ko, pero baka kay Yeri 'to. Yung flash drive na may lamang— 'di dapat mapunta sa kamay ng mga bata.

 

Naalala ko pa kung gaano ko kagustong lumubog sa lupa nung hiniram ko yung flash drive niya. Kaya pala ngingiti- ngiti pa siya nung last minute kinailangan ko yung flash drive niya, dahil ako na- assign para mag pasa nung file sa prof. Pagkasaksak ko sa laptop ni Jisoo. Boom.

 

Folder names: Manga R, xx..

 

Para akong lalagnatin sa init ng mukha ko 'nun. Mabuti nalang talaga at si Jisoo lang nakakita, kilala naman niya si Yeri kaya may ideya na siya agad.

 

"Lalim ng iniisip, ah." Nakatapat sa mukha ko yung camera ng phone niya. Agad naman ako nag lakad palapit sakanya.

 

"Burahin mo yan, Yeri Reese, o tatawagan ko si ate Tiffany." Banta ko sabay abot nung flash drive.

 

Agad nawala yung ngiti sa mukha niya, takot niya lang sa Ate niya.

 

"Ano 'to? Wow 128gb. Akin nalang?"

 

"Sayo yan." Sinuri niya pa 'to ulit.

 

"Hindi ah, Eto akin oh. Nagd download ako." Napatingin naman ako sa mga tabs na nasa screen.

 

"Ang aga aga, Yeri."

 

"Ang berde mo. May bago akong kina aadikan." Pinakita naman niya sakin yung korean t.v. series na dina- download nya. Nagustuhan niya daw dahil sa favorite niyang character sa valorant— si Jett.

 

Eh 'di kanino yung flash drive?

 

Nasagot lang yung tanong ko nang makita yung laman nito; isang document.

 

Reseach about Gustav Klimt life and works. Printed in an A4 size paper and minimum of 5 pages. Font: Times New Roman, size: 12 DO NOT JUST COPY PASTE, I will read your work. DEADLINE is on FRIDAY.

 

P.s Hi! Pambawi mo na sa hoodie ko. Ikaw nalang pag asa ko :(( please.

 

Anong pakielam ko sakanya? At sino si Gustav Klimt? Seryoso ba siya? Gaano siya nakakasiguro na gagawin ko 'to? Si Yeri nga di naging ganito ka.. confident?  Mag pagawa ng project sakin. Saka babasahin ba talaga ng prof yung buong research? 

 

At uulitin ko anong pakielam ko sakanya?

 

Akala ba niya, makokonsensya ako? Na magre- research talaga ako tungkol kay Gustav klimt, na isang painter na taga Vienna Austria, na may museum rin don. At favorite subject niya ang mga babae? Gusto niya rin ang mga pusa!

 

 

Di ko alam kung bakit ko ba 'to ginawa, pwede k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??