H l n m 12

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 12

 

"Crush parin 'ata kita. Mali, gusto parin 'ata kita."

 

 

"May bibilhin ka ba?" Nilingon ako ng babae sa harap ko.

 

Umiling ako. "Nakuha mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong ko pabalik.

 

"Hm.. I think.. yes. Let's go." Nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa kamay ko. Hindi na ko umangal nung hinila niya ko papunta sa counter.

 

Dumiretso kami ni Wendy sa mall na malapit sa campus. Kumain muna kami bago dumiretso dito sa National bookstore. Iniwan din muna namin si Jisoo dahil may isa pa daw subject ni Jennie na a-attend-an niya. Hindi ko makalimutan yung sinabi ni Jisoo. For a minute napaniwala niya ako na anak ng presidente si Sam, syempre I assume na sa korea. Pero kung hindi ko lang nakita yung pagpipigil niya ng tawa siguro di ko na matitignan ng normal si Sam. Though, yung family ni Sam is involved talaga sa government dahil diplomat daw ang Dad niya dito saka sabi pa ni Jisoo may kapatid itong actor na sobrang sikat sa korea.

 

Kaya siguro ang dami niyang bodyguards?

 

Napabalik lang ako sa realidad nang tapikin ni Wendy. "You okay?"

 

"Hm, tapos na?"

 

"Oo, may pupuntahan ka pa ba?" Tanong niya. Nagsimula na kaming maglakad.

 

"Wala naman. Diretso na tayo SB patapos na rin naman klase ni Jen." Sagot ko.

 

"Bakit siya pala pumapasok sa klase nung isang mong friend?" Kuryuso niyang tanong.

 

"Tinakbuhan daw ng kapartner niya sa project, eh physics pa naman kaya naghahabol siguro." Pag explain ko.

 

Nang makarating kami sa pababang escalator pinauna niya ko. Mas naging matangkad tuloy siya ng isang baitang. Humarap ako sakanya.

 

"First time mo maging mas matangkad sakin." Asar ko.

 

"Wow yabang kala mo six footer kung magsalita." Tawa niya. 

 

Agad ko naman hinampas sa braso. 

 

"Bwiset."

 

"Oh ano? Ikaw unang nang aasar dyan tapos ikaw pa mapipikon?" 

 

Inirapan ko lang siya bago binalik ang tingin sa. harap. Rinig ko parin yung mahina niyang tawa.

 

Maraming tao pagkadating namin sa coffee shop, karamihan estudyante rin. Buti nakahanap parin kami ng mauupuan. Si Wendy na ang nag presenta umorder kaya naiwan ako mag isa sa lamesa. 

 

Tinignan ko nalang ang ilang mensahe sa phone ko. Kay Yeri.. na nakauwi na, syempre nakita agad yung mga dala ni Wendy kanina. Nag send pa ng selfie kasama yung chocolates. Si Jisoo naman na nagsabi lang na kakaalis niya lang daw ng campus. At panghuli kay Mama..

 

Mama:

Nakausap mo ang papa mo? Kamusta?

 

Alam kaya niya nangyari sa bahay? Hindi ko alam paano niya nalaman pero sigurado akong kay Yeri niya nalaman.

 

Mabilis lang akong nag reply.

 

Ako:

Hindi ko po alam, tinext ko pero di naman po sumagot.

 

Naalala ko yung text ko kagabi, sinabihan ko siyang mag pa check sana naman ginawa niya. Pero di naman ako sigurado kung ginawa niya nga.

 

Hays bahala na nga. Hindi rin naman ako mapapakali pag wala akong ginawa.

 

Matagal muna nag ring ang kabilang linya. Kinabahan agad ako nang biglang sagutin ang tawag.

 

"Irene.."

 

"Nagpa check ka na?" Diretsahan kong tanong.

 

"Hindi.. gastos lang." Tumawa siya kahit wala naman nakakatawa sa sinabi niya. 

 

Hindi ako nagsalita. Galit parin ako at lalo pang nagagalit. Ewan, mukhang maiipon lang yung gusto kong isumbat sakanya. Hindi ko alam paano sabihin, at wala rin naman akong lakas ng loob para sabihin.

 

"Kamusta 'nak? Salamat at tumawag—"

 

"Wag ka na pumunta sa apartment." Pagputol ko sakanya. Natahimik siya pero rinig na rinig parin ang paghinga. "Hindi ko kailangan ng pera mo—"

 

"Irene—"

 

"Saka mag pa check up ka... magpa check up ka na, 'Pa. Please lang." Mabilis ko binaba ang tawag. Napahinga nalang ako ng malalim pagkatapos. 

 

Maikling tawag lang 'yon pero nakakaubos.

 

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatulala doon. Kung hindi lang umupo sa harap ko si Jisoo, hindi pa ko matatauhan. 

 

"Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag." Agad niyang tanong pagkadapo ng tingin ko sakanya.

 

Tumango ako. "Nag iisip lang."

 

"Ba't mag isa ka? Sa'n si Wendy?" Maingat niya akong tinitignan gamit ang mapanuri niyang mata.

 

"Umorder." Ngiting sagot ko. 

 

Lumingon naman siya sa counter kaya napatingin na rin ako. 

 

"Wala naman?" Bumalik yung tingin niya sakin.

 

"Baka nag cr— ah! ayun nga." Turo ko nang makita siya sa dagat ng tao. May hawak nang take out bags.

 

"Tara na?" Aya ni Wendy pagkalapit sa'min.

 

Sasakyan ni Jisoo ang gamit namin papuntang Antipolo, nag presenta siya kanina. Pambawi niya daw sa pangg- goodtime niya sakin. Wala rin naman siyang choice dahil gamit ng Dad ni Wendy ang kotse nila.

 

"Thank you sa pakape, Wendy." Sabi ni Jisoo habang tinatanaw sa rear mirror si Wendy. Mag isa siya sa backseat, habang nasa tabi naman ako ni Jisoo. Nakatigil lang kami sa red light ngayon.

 

Nagthumps up lang si Wendy "Sobra pala trapik dito."

 

"Wag ka, hindi pa 'to yung pinaka malala." Natatawang sagot ni Jisoo.

 

"It's alot more harder for sure sa commuters."

 

Tinuro ako ni Jisoo. "Si Irene, lagi yan nagc- commute."

 

Napunta tuloy yung atensyon sakin ni Wendy.

 

"Malapit lang naman inuuwian ko, di naman ganun ka hassle." Totoo naman isang jeep at tricycle lang naman ang pauwi sa apartment. Ang mahirap lang ay yung haba ng pila at madalang na jeep. Minsan may jeep nga pero puno naman.

 

"Sus, nasanay ka lang kamo." Pambabara ni Jisoo. "Hindi rin kasi pina- prioritize public transpo satin."

 

"Yung mga pulitiko kasi di nararanasan mag commute kaya di nararamdaman yung urge to improve it." Dagdag ko.

 

"Truth!" Mahinang sigaw ni Jisoo. "Sa canada ba?"

 

"It's okay, I guess. I don't have complains in their transport system, may traffic din naman but I think part na siya ng traveling." Mahabang sabi ni Wendy.

 

Tumango tango lang si Jisoo. Hanggang sa mapunta na sila sa topic na sila lang nakakaintindi. Puro numbers and terms na di ko ma-gets. Hinayaan ko lang sila mag usap.

 

Mabuti yan para magka close friends siya dito, although, friendly naman na talaga si Wendy. Parang hindi na nga niya kailangan ng tulong ko. Kanina nga nung nagpaalam nang umalis si Jisoo tapos di pa siya bumabalik, naabutan ko siya sa tapat ng rest room na may kausap. Matangkad at mahaba ang buhok. 

 

Medyo nagtagal din siya do'n. Hindi na 'ko nagusisa kung sino, nasanay na 'ko. Ganyan din kasi siya nung highschool, she's close with everyone habang ako siya lang. Hirap kasi ako makipag kaibigan. Palagi akong awkward.

 

After almost an hour on the road, tumigil kami sa tapat ng isang bahay— o akala ko lang 'yon. Hindi mo aakalain resort pala siya kung hindi pa kami pumasok. Diretso lang kami sa loob dahil wala naman guard or staff sa labas.  Pumarada lang din si Jisoo sa tabing kalsada nito. Masyadong tago 'tong resort, wala sa main highway.

 

Mas naririnig na namin yung malakas na tugtog habang papalapit sa tanggapan. May babaeng nakangiti do'n, isa ata sa mga staff.

 

"Good evening, Welcome po." Masiglang bati nito. 

 

Ngumiti lang rin ako. "Good evening.."

 

Mula rito kitang kita yung mga iilang naliligo sa pool. Tanaw rin yung kumpulan ng tao sa isang gilid. May hawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??