H l n m 15

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 15

"May balat ba 'ko sa pwet, o sadyang maswerte ka lang?"

 

 

"Nakakatamad na mag aral!" Sinubsob ni Jisoo ang mukha sa lamesa. Habang si Jennie na tutok na tutok kanina sa librong binabasa ay na-distract na.

 

"Wag ka nga maingay! Pare-pareho lang tayong tinatamad—" Napatingin si Jennie sakin. "–si Irene pala hindi."

 

Natawa nalang ako. 

 

Inangat na ni Jisoo yung mukha niya. "Tips nga, 'Rene, para di tamarin."

 

"Normal lang naman tamarin, ang hindi normal; pag mas marami na yung pahinga kaysa sa nagawa." 

 

"Sheesh." Nag dab pa si Jisoo.

 

"My god, kakabasa mo ng philo books yan." Napailing si Jennie saka tinuloy ang pag re review. Habang si Jisoo tuluyan nang sumuko sa katamaran at napili nalang mag phone.

 

Nasa benches kami na nasa field, medyo ban parin kasi 'tong dalawa sa library. Kaya dito na namin napiling mag review. Malapit na rin kasi midterms.

 

Iilang beses kami napapatingin kay Jisoo dahil sa panunuod niya ng video sa phone niya. Nang mainis sinubukan agawin 'yon ni Jennie pero agad niyang naiwas.

 

"Ibabato ko talaga 'yan. Isa pa." 

 

"Sorry na, wala kasi yung earphones ko." 

 

"Edi wag ka manuod!"

 

Sinimangutan siya ni Jisoo, na hindi naman nakita nung isa. Lumipat nalang si Jisoo sa tabi ko, saka doon nanuod sa pinaka mahinang makakaya ng phone niya. 

 

Na naririnig ko parin. Di ko papigilan di makinig sa pinapanuod ni Jisoo. Mukhang documentary 'yon base sa kung pa'no mag salita yung narrator. 

 

Ini- explain in scientific way na totoo yung love at first sight. Sabi do'n, love is a brain system daw that can be triggered at any moment. Lahat daw tayo is may love map, which is the unconscious and conscious list of qualities na gusto natin mahanap for a partner. Kaya if we saw someone for the first time and automatically fell in love. Ayun na 'yon, Pasok siya sa love map mo. Pero sabi din na attachment is to be followed, kasi it takes time to grow. But all in all, love at first sight is real.

 

Naputol yung nagsasalita.

 

Nilipat niya ata.

 

Ano ba 'yan, masyado akong naging interested sa pinanuod ni Jisoo. Hanapin ko nga 'yan mamaya.

 

"Uy si Sam, oh." Napalingon ako sa katabi. Akala ko nakita niya dito sa campus pero tutok parin naman yung mata niya sa phone.

 

"Astig!" Napansin ata ni Jisoo yung tingin ko sakanya kaya napalingon sakin saka pinakita yung kung ano sa phone niya. "Naghahagis siya ng orange sa lamp post." Natawa siya.

 

Si Sam nga. Naka-live 'yon habang paulit ulit niyang hinahagis yung mga orange sa tuktok ng poste ng ilaw. 

 

Anong ginagawa niya?

 

Focus na focus ako do'n nang biglang sumigaw ni Jennie.

 

" ka, Jisoo!"

 

Agad napatingin yung katabi ko. "Ha? Bakit? Bakit ano nangyari?"

 

"Bwiset ka! Hindi mo pinaalala!" Nagsimula na magligpit ng gamit si Jennie.

 

"Ang alin?" Nag panic na rin si Jisoo.

 

"Ngayon ko kukunin sa vet si Kai at Kuma!"

 

Napatigil si Jisoo. "Akala ko naman kung ano na."

 

"Anong akala? Bilisan mo na, magsasara yung clinic ng five pm, four-thirty na ngayon!"

 

"Ito na wait lang," Nag simula na mag ligpit ng libro si Jisoo. "palitan mo nga name ng isa mong aso, pangit pangit."

 

Agad siyang binato ni Jennie ng G-tech, na tumama sa noo niya. "How dare you.."

 

Napangiwi ako para sa g-tech. Ang mahal mahal nun.

 

Dinampot nalang ni Jisoo 'yon.

 

"Sabay ka na 'Rene?" Si Jennie, nasa gilid niya si Jisoo na nanahimik lang. Hawak yung noo.

 

"Hindi na. Tapusin ko pa 'to." o baka may puntahan.

 

"Sure? Wag ka na mag pagabi, ah." 

 

Nakangiti tumango ako kay Jennie. Kumaway na rin kay Jisoo.  "Ingat kayo."

 

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Sam, hindi ko alam kung hindi lang talaga naglalandas yung buhay namin, o hindi talaga siya pumapasok. 

 

Na na-konpirma ko ngang hindi, nung isang beses makita ako nung prof na pinagalitan siya dati. Nagtanong siya kung alam ko ba daw kung bat di pumapasok si Sam. Sumagot lang ako na hindi ko alam. Hindi ko nga din alam bakit ako yung tinatanong. Siguro dahil don sa nangyari sa auditorium.. 

 

Bago ako umalis, may inabot siyang mga activity papers na para daw kay Sam. Hindi na 'ko nagtanong, tinanggap ko nalang saka umalis. Doon ko lang din nalaman na history subject niya pala 'to.

 

Kaya nung nakita ko siya live kanina. Alam ko na kailangan ko nang ibigay 'tong mga activities niya. Friday na ngayon at sa lunes na yung deadline niya. Kita rin naman sa live kung nasan siya kaya hindi na 'ko mahihirapan mag hanap.

 

Nasa pinaka malayong building siya, lumang building kaya hindi masyado puntahan ng mga estudyante. Pwera nalang kung gusto mong tumambay, gumawa ng kababalaghan o magtago. 

 

Hindi naman ako nabigo nang makita si Sam. Nakaupo na sa damuhan, kaliwang bahagi lang ng katawan niya ang nakikita 'ko. Humihinga ng malalim.

 

Nang makalapit, napansin ko ang iilang tingin do'n ng mga nakatambay. Mga lalaki na naninigarilyo.

 

Tumayo lang ako sa gilid niya. Alam kong alam niyang nandito ako. Halata dahil sa magkatabi naming anino.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??