ORDER #10

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #10

 

 

"Gleeh apo, ikaw muna magdeliver nito.."
tawag ng matanda kay Seulgi. Nakasanayan niya nang tawagin si Seulgi sa ganoong paraan, kahit yung mga staff ng resto yun na rin ang tawag sakanya.

"Ah sige po.."

Dahil may one week pa bago magsimula ang klase, napag isipan ni Seulgi na magpartime muna. Dalawang araw matapos yung orientation, marami na ang naganap na kabaliwan sa buhay niya, bukod sa mga taong biglang sumulpot sa buhay niya. Roller coaster ride talaga ang magiging buhay kolehiyo niya.

Napakamot nalang siya at ibinaba yung ballpen na hawak, nagiinventory kasi siya sa may stockroom.

Saglit na hinubad yung apron na suot at nagtungo sa may counter, kung saan bumungad ang isang bulto ng order.
2 bucket ng chicken, isang bilao ng pancit-bihon, 1 special tteokbokki, 50 pieces na lumpiang shanghai.

"Ano to, pang birthday?" tanong niya habang iniinspect yung mga order.

"Wala namang sinabi. Basta ihatid mo nalang." sagot ng matanda saka nagabot ng papel, kung saan nakasulat yung address, "Umalis na kasi yung isa nating taga deliver, hindi na naihabol."

"Ah okay po.." binasa niya yung address, "...Unit 306, 3rd floor, 123456 condominium, Kalabaw st... familiar yung address.." nagisip pa siya kung saan niya nabasa yung address.

Nagsink in sa utak niya, "Hala pota.. Si Lisa nalang ipadeliver niyo La.." mabilis na sabi ni Seulgi, pinitik naman siya ng lola niya sa noo.

"Language.. busy si Lisa sa cashier.." tugon niya saka tinuro si Lisa na busy mag entertain ng costumer, "Ikaw na.." saka tinulak na siya papalayo.

Simula kasi nong nagstay si Lisa sa bahay nila, naawa naman si Seulgi at pinakiusapan ang lola na baka pwedeng mag partime si Lisa, kahit yung kalahati nalang nong sweldo niya, ibigay kay Lisa.
Saka na muna nila iisipin kung anong gagawin sa tatat niyang gago.

Still hindi pa rin sila makapaniwala na, halos magkapitbahay lang sila.

"GAGO PAANO KUNG NAKITA KA DITO??"

"Tangina nag abduct lang ng kapitbahay.."

Pansamantala munang room mate ni Seulgi si Lisa, aayusin pa kasi yung isang vacant room na ginawang stockroom.

"Tsk.. naman e.." kamot ulo siyang nagayos ng sarili. Saka binitbit yung mga order at nilagay sa delivery box.

Suot- suot ang helmet, saka nagtungo na sa kaniyang scooter na bulok. Mabuti nalang at hindi ito nagloko ngayon.

Agad na pinaharurot yung sasakyan, at nagtungo sa mga daan na unti- unti na niyang nakakabisa, lalo na't nung isang gabi lang siya, napadaan dito.

Agad na bumaba nang marating niya yung lugar, yung pamilyar na building. Nagflashback yung gabing nanggaling siya dito, matapos ihatid ang isang lasing na Irene. Wala siyang magawa nung mga oras na iyon, siya lang daw kasi yung pinaka mapagkakatiwalaan na maghatid sakanya sa condo niya. Sino bang hindi mapapasunod, si Joy yung tumawag sakanya? Oo nalang kahit labag sa loob.

Napabuntong hiningang tinungo ang elevator at nagpunch ng floor number.

'Ibigay ko lang to, kukunin yung bayad, saka aalis. Okay. Alis agad Seulgi.' remind niya sa saril.

Nang matunton niya yung pinto ng unit. Nagdadalawang isip pa siya kung magdodoorbell o tatawagan yung number na ibinigay.

In the end, pinili niyang magdoorbell.

Isang pindot pa lang at bumukas yung pinto, pagkatapos may nagsalita mula sa loob.

"Pasok.."

At ito namang si tanga, pumasok din. Naghubad pa ng sapatos bago dumiretso sa loob. Bastos naman kasi diba, pag hindi ka nagtanggal ng sapatos.

Madilim yung buong paligid, saglit na may nagfaflash na pulang ilaw mula sa kisame. May mga naka hang na mga anik- anik sa mga pader, saka may isang stuffed toy na gagamba na naka hang sa may gilid.

Napalunok si Seulgi, last time na naalala niya, hindi ganito ka creepy ang loob ng unit ni Irene.

"Uhh... excuse po?" mahina niyang tanong sa hangin, hindi niya alam kung nasaan y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe