Chapter 8

Istranded

   Bogum.... babe... Bogum... Irene.... Babe...

   BABE?!!!!! 

   WHAT THE FAKENING IS HAPPENING BAKIT. WHY. O M G. 


   Okay so, yung sitwasyon namin ngayon, grabe.. As in, yung mga panga namin kulang nalang humiwalay sa mukha namin kasi kanina pa kami naka nganga dahil sa mga nangyayari. Walang nag expect na dadating si bogarts este bogums. at lalong walang nag expect sa napaka corny nilang endearment. 'babe?' eww.. 
   
    Oo may conclusion na agad ako, sino ba naman ang magtatawagan ng babe habang nag liligawan palang? Syempre its either sinagot na ni irene si bogarts or trip lang talaga netong si bogarts na tumawag ng ganun kay irene kasi uso yun ngayon diba? Sa mga walang label. Tas magoghost lang naman
    
    (awts gege lods Wendy mapanakit) 

     Truth lang siz..
     

   bale lahat kami ngayon gising na. Si byul at lisa nasa likod nila seulgi since kakalabas lang din nila ng kwarto, kaming tatlo, ako si jennie at jisoo nasa kusina nag peprepare na din kami ng bfast, si rose at solar nasa salas kasi sila yung nag entertain kay bogarts ayy bogums nung dumating sya. 
   


   So right now, all of our attention are on irene and bogum. 

   "Wendy.." Bulong sakin ni jisoo. Napatingin naman ako sa kanya agad. 

    "Yung niluluto mong pancakes..." Sabi nito.

    Agad ko namang nilingon yung niluluto ko. "Bat dimo pa pinatay yung stove!! ikaw kakain nito ah." Reklamo ko kay jisoo.. Nilagay ko na sa plato yung nasunog na pancake. Tas bumalik na ulit atensyon ko sa kanila. Last na drop na din naman yun.


   
   "Why are you here?" Rinig naming tanong ni Irene. 


    "To see you ofcourse. Ayaw mo ba?" Sagot naman ni koya bogarts nyo. 


     "Ye- No. I mean.. No. But paano? Why didn't you tell me?" Natawa naman ako sa unang sagot ni Irene. Pftt

      "That doesn't matter. Ang mahalaga nakita na kita. I missed you so much babe." Korning sabi ni bogarts tas niyakap si irene.

     Anyways, my attention divert towards seulgi. She looks... Uhm... Ewan?? hindi ko din maipaliwanag kung galit ba sya? or okay lang ba sya kasi she's smiling pero yung mata nya hindi umaayon sa pag ngiti nya.

     But i think no.. She's not okay ofcourse. Even kami ngang mga nandito sa bahay hindi makapaniwala sa 'babe' nyang si bogarts, paano pa kaya yung pinakang bestfriend nya? kung kami lumaglag lang yung panga, si seulgi siguro iniwanan ng kaluluwa nya.


    Niyakap ni bogarts si irene pero hindi ganun kahigpit yung binalik ni Irene na yakap, instead hinila nya ito papunta sa may poolside. She doesn't even bother to explain and look at seulgi ah?
    
    Nang mawala sila sa paningin namin, we all looked at each other. Especially dun sa mga nakatayo sa may hallway papunta sa mga bedrooms namin. 


    "Goodmorning mga kups. gutom nako.. Anong oras na ba? Anong meron dyan?" Tanong samin ni seulgi tapos lumakad na papuntang kusina, looking calm.

     "Ha? uh eto pancakes. Kung gusto mo ng kanin meron din nag luto sila jisoo ng bacon and eggs." Sagot ko tapos nilagay ko na sa lamesa yung niluto kong pancakes. Hiniwalay ko yung nasunog tas inabot ko kay jisoo. 


    "Uyy nice. Buti nalang nagluto na kayo, Sabi kasi ni joy si Irene daw ang naka toka ngayon dyan." Sagot ni seulgi habang kumukuha ng pancakes

    "Hmm. Sarap neto ah. May magic sarap ba to?" Tanong ni seulgi habang nguminguya ng pancakes.

    "At san ka naman nakakita ng pancakes na nilalagyan ng magic sarap?!" Natatawang sagot ko sa kanya.

     "Kay yeji." Seryosong sagot nya.

     "Ampota?! seryoso?!" Tanong naman ni jisoo

     Ngumiti lang si seulgi samin with her cheeks stuffed with the pancakes that she's eating.

     "Hoy kain na kayo! Bat nakatayo padin kayo dyan?! Bala kayo sarap nitong pancakes ni langit oh!" Tawag ni seulgi kila byul na naiwang nakatayo sa pwesto nila kanina. 

      "Solar, Rose kumain na ba kayo? Kain na kayo dito." Sunod na sabi ulit ni seul.


      Agad naman silang tumugon lahat. Nasa Hapagkainan na kaming lahat ngayon except kay irene. 
      
      
      "Tirhan nyo si Irene at yung plus 1 nya. Baka hindi pa kumakain yun." Sabi ni Seulgi na ngayon eh kakatapos lang kumain.

      "Naipag tabi ko na." Sabi ko.

      "Anong oras ba dumating si gums dito?" Tanong ni byul.

      "Mga mag 8 na ata yun." Sagot naman ni solar. 

      "Bat nyo pinapasok. Tsk tsk. Baka mamaya may dalang kobid yon." Sabi naman ni yeri. 
       Balasubas talaga tong batang to. Simula una talagang against na against kay bogarts yan eh. Never silang naging close nan kapag sumasama si bogarts kay irene pag nag bobonding kami. Madalas pa ngang barahin nyan si bogarts at maging blocker nung dalawa eh.
       
       "Uy grabe naman, Pinag sanitize ko muna sya bago pumasok no. Iisprayan ko pa nga sana ng baygon.. Ay ano pala yung lysol ba yun? Kaso sabi nya allergic daw sya. Ayun pinaliguan ko nalang ng alcohol." paliwanag ni solar
       
       "Bakit daw sya nandito?" Tanong naman ni Joy. 

       Nagkibit balikat lang si solar. "Syempre dahil kay irene." 
       
       "I mean, bakit? Sila na ba? Di ba sya makaintay ng 2 weeks para magkita ulit sila?" Sabi ulit ni joy. Minsan nakakairita din yung pagka straightforward netong babaeng to eh.


       We all looked at seulgi matapos tanungin ni Joy yun. Pero mukhang clueless din si gaga. 
       
       
      "Bat ako? Hindi ko alam. Haha" Awkward na sabi nya. Tas uminom ng tubig.


       Sunod naming tinignan si jennie since sya din yung pangalawang malapit kay Irene. 
       
       
       Tinaas nya yung dalawang kamay nya parang sumusuko. "I have no idea too. I swear." Sabi nito.
       
       
       "But you know what, based on bogum's cheesy endearment and how he acts towards irene, I think they are... dating..." Sabi naman ni Rose sa tabi ko. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Clueless padin.


     "Oh no no.. I dont know something, i just guessed okay.. Irene and i rarely talk about her lovelife." Sabi nya ulit. 


     "Baka naman trip lang ni bogarts tawagin ng ganun si Rene." Sabi ko ulit. 

      Napansin ko na din kasi yung pagbago ng aura ni seulgi. Wala lang feeling ko nagiging uncomfortable na sya kasi nakikinig nalang sya samin at hindi na nag sasalita tapos kanina pa nya nilalandi yung pancake na sunog. Hinihimay nya pero di nya naman kakainin. 
      
      
      "Hindi pumapayag si ate ng ganun. Lahat ng sumubok manligaw dun hindi tumatawag kay ate ng mga callsigns... Unless sila na." Dagdag naman ni Yeri.


     "Sino bang naging manliligaw nun?" Tanong ni Lisa.

      "Hmm, si jackson, si suho.. basta many to mention.." Sagot ulit ni yeri. "Nun ngang nabasa ko sa convo nila ni suho na lumalandi tong si suho sa kanya at tinatawag tawag na baby, kinabukasan nalaman ko binusted na amp." Kwento ni Yeri.


     "Niligawan ni suho ate mo?" Tanong ni seulgi. 

      "Hindi mo alam? Wow himala.. Diba kaklase nyo yun?" Sagot ni yeri.

       "Yes, suho did court irene.. Uhmm nung grade 9 siguro yun.. I remember suho will always wait for her kada uwian." Kwento naman ni Jennie. 


      Napaisip naman ako, is it that time when laging kami ni seul yung magkasama? siguro mga 3 weeks din yun na laging MIA si Irene tapos once a week lang namin sya nakikita kasama sila jen sa cafeteria. 
      I didn't know na hindi pala alam ni Seulgi. 
      
      
     "Feeling ko sila na nga." Agree ni Joy kay Rose

      "Ako din.." Sunod ni byul at lisa.

      Sinipa ko naman yung dalawa sa ilalim. Napatingin naman sila sakin tapos sinensyasan ko silang ng tingin na mag ingat dahil kay seulgi.
      
     "Hinatayin nalang natin si Irene na mag sabi. Feel ko naman hindi eh base sa reaksyon ni madam kanina." Sabi naman ni Jisoo. Yep, dats my jisoo. Siguro pansin na din nya. Kami lang talaga ni soo yung matino sa tropahan namin guys.
      
      "Pustahan wendy?" Tanong sakin ni Byul.

      "Tanga kayo." Sabi ko tas tumayo na ako para ayusin yung pinag kainan namin.

      Seulgi remained silent habang nag babangayan yung mga kupal na naiwan, Ewan tinuloy ata talaga yung pustahan.
      
      
      Sumunod naman si seul sakin sa lababo kasama yung mga naiwang plato. Tinulungan nya na din akong mag hugas ng pinggan. 
      
      
      Habang nag iingay padin sila byul tinanong ko si seulgi.
      
      "Ikaw anong pusta mo?" 

      Napatingin naman sya sakin. Natawa sya ng konti. "Tangi." Sabi lang nito habang patuloy yung pagsasabon nya.
      
       Ofcourse i can feel it. Matagal na din kaming magkaibigan ni seulgi. Medyo basa ko na din kung may hindi ba sya gusto or kung natutuwa ba sya sa mga nangyayari. It shows in her eyes. 
       
       
       "Sabihin mo lang kung hindi ka goods ha." Sabi ko sa kanya while washing those plates na nasabunan nya na.

      I wont pressure her to say something for now, I just want to reassure her na nandito parin kaming mga kaibigan nya. 
      
      
      Tinignan nya ako tas ngumiti nanaman sya. "Yes po maam" 
      
      "Wag ka ngang ngumiti. Ang creepy kasi hindi ka naman talaga natutuwa." Sabi ko. 

      "Masaya naman ako... but wendy..You know what's bothering me?" 

      Tinignan ko sya.
      
     "Their relationship... Lam mo yun? Haha nag sisimula palang ako tapos ligwak ganern na agad. Haha." 

      
     "Oh Irene kain na kayo!" Alok ni Solar kay Irene. Hindi ko na nasagot si seulgi kasi nakabalik na pala yung dalawa ni Irene. 

     "Later." Sabi ni Irene. Si seulgi hindi lumilingon. Nakita kong tumingin saamin si Irene, kay seulgi rather. Bago sila pumunta ni bogarts sa kwarto nya. 


~~~

    "Bogum, you didn't answer my question." Medyo irita kong sabi. Simula kasi kanina lagi nyang iniiba yung topic. Nag ikot lang sya sa resort kanina.

     "What question?"

      "Why are you here? why didn't you call me? How did you came here? and also, why did you call me 'babe'?" 

      Natawa naman sya. How dare he laugh in this situation? im so pissed for goodness sake.
      I didn't  even washed my face pa simula kanina. Jusko.
      And also to confirm it guys, bogum and i aren't dating yet. Ok? I just dont understand why he called me 'babe' all of a sudden.
      
      
      "Kalma.. Isa isa lang pwede?" Natatawang sabi nya tas hinawakan nya yung kamay ko. At pinaupo ako sa tabi nya.


       "Ang ganda netong resort ah. It must be nice to stay here for a while." And again, iniiba nanaman nya yung topic.


      "Come on, tama na sa pag iba ng topic..Answer my damn questions first."

      Again he held my hand. "Okay okay. Kalma lang. Why are you so fired up? Ayaw mo bang nandito ako? Arent you glad that im here?" 
      
      
      "No, its not that. Its just that i need to explain this to my friends. Sigurado akong kung ano ano nang tumatakbo sa isip ng mga yun..." Bumuntong hininga ako.. "Especially seulgi..." Sunod kong sabi. 


     "Why would you worry about them? Let them think what they want."


     "Seul and i had a misunderstanding. Kakabati lang namin kagabi." 


      "Oh, that explains kung bakit sabay kayong lumabas ng kwarto mo kanina.. But why? Bakit? Magagalit ba si seulgi? Why do you always need to explain things to her?"

      
     "Because... Uh.. duh, She's my bestfriend? Like my sister pero magkaibang dugo??"


 ofcourse she needs to know these things... Or nah? im just afraid na well have a misunderstanding again?
     

      "Teka nga, bakit ako yung sumasagot sa mga tanong mo ngayon eh ikaw tong una kong tinatanong dyan. And you still dont answer my questions."


     "Oh right.. What was it again?"

     Bumuntong hininga ako at nag cross arms bago magsalita ulit. "Why are you here?"


     "Of course to see you. I missed you so much na."

      "Okay. So how did you get here?" 

      "My mom, you know she's a doctor too right? Na destino sya dito sa batangas for 3 days since kulang ng doctor yung hospital dito. Ayun, nagmakaawa ako sa kanya, sabi ko i'll stay here since you are here din naman. And i wanted to be with you kahit 3 days lang. And i think its okay if you come with us na pabalik sa manila." 


     "Oh wait.. What did you say? Sasama ako pabalik ng manila? No.. Im sorry but I wont come with you."

     "Ha? Bakit?" 

     "Bogum, yeri's here too-"

     "Yes i know. Yeri will come too. The both of you can come with us."

     "Still a no. I wont leave my friends here alone. Sabay sabay kaming pumunta dito, sabay sabay din kaming aalis." i said firmly.

     "Is that the real reason why you came here?" I asked her firmly.

      "N-no.. Of course not. Gusto lang talaga kitang makita." 

     "Bakit hindi mo sinabi saakin agad?" 

     "Surprise?" he said while smiling.

     "Really? But you know that i dont really like this kind of surprises right?" I said in a serious tone.

     "Oh, hey, sinubukan kitang tawagan kagabi but you were out of reach." 

      Kagabi? naka silent ata yung phone ko kagabi.. Inabot ko yung cellphone ko from the side table. Ngayon ko lang din sya na check and may mga missed call nga sya. 
      
      "Oh, sorry.. Naka silent pala sya. i was with seulgi the whole night din kasi. Ngayon ko lang din na check." 

       "Nah its okay, Nakalimutan ko na din tumawag kanina habang nasa byahe kami kasi tulog din ako." paliwanag nya din.
        
       "Ano? No more questions? settled na tayo?" 

      "one more." "Why did you call me 'that' earlier?" 

     "What?"

     "You know what is it."


     Tinignan nya lang ako while smirking. Tapos nag kibit balikat sya.
     You know what? i think sometimes, men are annoying too..
     
     
     "Hindi ko alam? ano ba yun?"

     "I swear bogum.. Stop teasing." i said seriously.

      "Okay okay.. I dont actually know why i called you that. Its just like i feel like its suited in the situation."

      "What do you mean?" 

      "What i mean is that, the reactions of your friends. They were all in shocked. And its kinda funny for me." 

       "But alam mo na its not funny for me right? Malalim mag isip yung mga yun. And now, i think they were discussing kung anong meron tayong dalawa."

        Its kinda annoying for me, I dont really liked to be called like that especially kung hindi pa naman kayo talaga. Kung mamimili man ako ng endearment yung unique na pero yung super common? awts, ekis po.
        
        
        "Well, hindi ba dun din naman ang punta? I mean.. Kelan mo ba balak mag decide?" 


       Oh.. yeah.. tama naman sya.. But.. So many things are running through my mind right now.. Hindi naman sa hindi ako sure na dun ang punta but.. Kasi i dont know why im being confused right now. 
       
       And seulgi... hindi ko alam kung bakit nasasagi sa isip ko si seulgi everytime na pag iisipan kona kung sasagutin ko na ba si bogum or nah. 
       
       Like nung nag date kami after graduation.. I was ready back then. Napag isipan ko na lahat i was really confident on my decision. But when seulgi texted me, nag tatanong lang if anong oras ako uuwi since pinapapunta nya din ako sa kanila, ni tita actually.. 
       
       My mind went into confusion again. Asking myself if am i really ready to gave the 50% of my time and attention to bogum? Am i really ready to slightly step away from seulgi? Or am i really ready to have someone special in my life aside from seulgi? What if si seulgi na yung mismong umiwas to gave me and bogum the time? 

 

      "Irene?" nabalik lang ako sa mundo nang tawagin ako ng katabi ko.

      "Oh? yeah.. What?" 

      "You were spacing out.."

      "Oh? am i?" 

      Natawa naman ng slight si bogum. "Yes you are. Hindi mo sinagot yung tanong ko actually." 
      
      
      "Ahhh.. Baka ano, gutom na din kasi ako eh." 


      "hmm. akala ko kasi bubustedin mo nako eh haha. I thought you were thinking na hindi ako makapag intay ng sagot mo and i am forcing you to answer me... Well, if that's what you are thinking, Mali yon.. I am always willing to wait Irene.. even if it takes so much time to finally say your 'yes'.. I am willing to wait until the God has finally gave you to my life. i dont want you to think that its a burden for you. Hindi naman siguro ako tatagal ng ganito kung hindi ako consistent right?"


     Ngumiti lang ako at tumango. "Right." sabi ko nalang. Kahit di naman talaga yun yung iniisip ko.
     Bogum and her words. Ang cringe pero i dont know, it made my heart slightly flatter.
     
     
     "Lets go. kumain na tayo. actually gutom na din ako eh." 


      Tumayo na kami parehas at lumabas para kumain. They are all in the living room watching some netflix movie except for seulgi. 
      
      
       'Nasa kwarto ba sya?' tanong ko sa isip.


     Nang mapansin nila kami they all smilled at us except kay yeri. Hay nako. The attitude of this girl.
     
     
     Sinenyasan nyako na lumapit but i ignored her. 
     Later yerim. I know you are curious as well.
     
     

~~~


     At ayun nga, sabi nga ni irene kanina, lahat sila nasa living room na except kay seulgi. 

    After i ignore ni Irene ang kapatid nya nag deretso na sila ni bogum sa kusina. Yeri on the other side, Inirapan nito ang dalawa habang nakatalikod ito sa kanya. 
    
    
    It was really irritating for yeri. Mas irita pa sya kesa sa bida natin. Lalo nat hindi nya ineexpect na yung mga nangyayari ngayon.
    
    Yeri knows something about bogum but syempre hindi nya yun sinasabi sa iba unless talagang nakitaan nya na si bogum na gawin yun sa ate nya. But ngayon kasi, bogum has been always nice to her sister. Even to her actually, kahit na pinapakitaan ito ni yeri na hindi nya ito gusto para sa ate nya. 
    
    Consistent nga talaga ang ating second lead.


    Tumayo si wendy para tulungan si Irene magpainit nung mga natirang pagkain para sa kanila.
    
    "Ako na dyan, accompany mo nalang bisita mo, mukhang na bobored eh." Sabi nito kay Irene at sabay naman silang napatingin kay bogum na nakaupo na sa dinning table.


     "Uy hindi.. Im actually enjoying the view. Mukha kasing nakikita ko na yung future ko." Sagot ni bogum.

    Narinig din yun nung mga nasa living room kaya naman maririnig mo din yung mga papigil na tawa nila. 

     Irene didn't say a thing, tumingin lang sya kay wendy saka natawa. 
     
     
     "Yung totoo teh? san ka natawa? sa mukha ko o sa banat nya?" 


     "Diko din alam.. Pfft. Yung reaksyon mo kasi eh." Sagot ni irene


      "Diko kasi inexpect! Right in front of my pancakes pa talaga?" sagot ni wendy. Mas natawa naman si Irene.


      "Anong future ba ang tinutukoy mo? Customer na nag iintay ng order sa pancake house habang pinapanood kung anong ginagawa nila sa pancake mo?" Sagot naman ni yeri sa salas pero hindi sila tinitignan. 


     Narinig nanaman nila yung pigil na tawa nung mga taong kasama ni yeri sa living room si byul at lisa dina napigil. 
          
      Si wendy tumalikod kay bogum para magpigil din ng tawa. 
      

      "Wag ka nga maingay yeri. Dina maintindihan sinasabi nung palabas eh." reklamo naman ni Joy.

    "Keme ka, sadyang hindi mo maiintindihan yan at korean yan."

     "May subtitle sis."

     "as if naman na naiintindihan mo din yang subtitles? Iniintay mo lang naman dyan yung scene nung mag asawa sa couch habang binabantayan anak nila mag camping."

      "Spoiler ka, pakyu." 

    They continue bickering hanggang sa sila na ang sumuko sa isa't isa. Ganyan naman yan lagi. Partner in asaran, partner in pantatrashtalk basta lagi naman magkasundo yang dalawang yan. Mas muka pa ngang magkapatid yang dalawang yan minsan eh. 
    

    Anyways, Tinulungan na nga ni wendy si irene mag init ng pagkain then pinag servan nya na din yung dalawa tas dumiretso na ulit sa salas habang kumakain na sila bogs at irene. 
    
    
    Minutes later eh natapos na din ang dalawa, nag paalam si bogum kung pwede daw bang makitulog muna for 3 days.. Kaso sabi ng mga tao sa bahay kay seulgi daw sya dapat mag paalam. And speaking of seulgi, she's still nowhere to be found. 
    Irene were slightly getting bothered na din.


    

    Nag paalam si bogum na matutulog daw muna sya saglit since hindi sya nakakuha ng sapat na tulog kanina dahil sa byahe. Pinastay naman muna ito ni Irene sa kwarto nya. 
    
    
    Naiwan si Irene sa kusina para hugasan yung pinagkainan nila ni bogum. 
    
    Tumayo si jisoo para kumuha ng tubig at snacks, napansin ito ni Irene kaya naman nagtanong sya kay jisoo.
    
    
    "Jisoo." Tawag nito.

    Agad namang tumingin si Jisoo.

    "Do you know where she is?" Tanong nito, enough lang para marinig ni jisoo.


    Dahil hindi naman slow si jisoo at alam nyang isang tao lang naman ang nawawala ngayon, alam na nya agad kung sinong tinutukoy ni kumareng irene nyo. 
    
    "Ah, huling pansin ko sa kanya kanina pa eh pagtapos namin mag breakfast. Di ko na din napansin kung san nagpunta." Sagot ni jisoo habang kumukuha ng chichirya. 


     Tumango lang si irene at tumuloy na sa ginagawa nya. Nagsalita ulit si jisoo bago bumalik sa salas.
     
     
     "Andyan lang yun. Di yun mawawala. Baka nag papahangin lang." Sabi nito. Napatingin naman sa kanya si Irene saka nginitian ito. 


     Ngumiti nalang din si Irene pabalik. Everything is okay naman.. Pero bakit na coconcious sya? bakit parang laging si seulgi ang pumapasok sa isip nya? 
     
     
    After nitong mag hugas ng plato, Naupo na din sya kasama ng iba sa salas. 
    Syempre pagkaupong pagka-upo nya, nasa kanya na agad lahat ng atensyon ng mga mag totropa.
    
    "Okay... Alam kong agaw pansin yung ganda ko pero pls, Pay attention to the movie. na yan oh." Mayabang na sabi ni Irene.


    Some of her friends cringed on what she said. Especially yeri and joy cause its been a while since they have seen her with an overflowing confidence. 
    
    
    "We dont care about the movie now, because you're here na.. Spill the tea na sis. We wont be surprised naman. We're just waiting for you" Jennie started since sa tabi nya naupo si Irene. 


    "Ang arte naman ng chikahan ng mga to boi, parang mga mayayamang spoiled brat eh no?" Sabi ni Lisa kay byul. 

    "Sizt, that's because you're taga skwater. Ganito naman talaga us always pag mag spill ng tea diba girls?" maarteng sagot ni byul na ikinatawa naman ng lahat. 

    "Eh kung tapunan kaya kita ng kumukulong tea dyan?" Sagot naman ni lisa. 
    "You're so pikon naman sizt ha. Okay stop na let miss alcantara spill the tea na." Sagot ulit ni byul. Halos lahat nag ccringe na dahil sa way ng pananalita ng bargas na to. Yung jowa nya naman tuwang tuwa naglalabas na ng mga high pitched na tawa. Ganun din si irene na aliw na aliw at may kasama pang pag palakpak habang tumatawa ng mala chismosa nyang tawa.


    Etong dalawang to ni yongsun kapag pinagsama talagang mabibingi ka eh. Pero okay lang cute naman eh. Atleast ang huli mong narinig eh tawa nilang dalawa.
    
    
    "Oh ligayang ligaya, ano ngang chika." Nagsalita na si Yeri.

    "Bat ba atat ka?" Sagot naman ng ate nito. 

    "Para masabunutan na kita."

    "Eh kung ikaw kaya unahin kong sabunutan dyan ha. ate moko baka nalilimutan mo." dahil malapit lang yung distansya nya kay yeri, Naabot nito yung buhok ni yeri tas hinila ng medyo harsh lang naman. Syempre lab padin nila isa't isa kahit madalas mag bangayan. 

    "aa!! susumbong kita kay mama!!" 

    "Osige lang. sana makausap mo."

    Well sa totoo lang naman kasi, concerned lang naman talaga kasi si yeri sa ate nya.. Hindi dahil mas kinoconsider nya yung feelings ni seulgi kundi dahil din kay bogs. Even though bogum has been so kind to them these past months na nililigawan nito ang ate nya, bogum only showed his christian and angel side. Pero malay pa ba nila kung anong ibang ugali nun diba. 
    
    
    Kaya nga may nalaman si yeri about sa kanya eh. hmmm


   
    Anyways back to the main topic, Irene didn't spill any tea. Instead ay binigyan nya ito ng idea para magkaroon ng conclusion ang mga kaibigan nya. 
    
    
    "Well, its up to what you think guys. Kung sinong tumama ililibre ko ng shopping pagbalik ng manila."


    "Ay true baaa? Mukhang madami akong kikitain ngayon ah.  kelan ba deadline nyan?" Sagot ni Lisa.


    "Kapag nakita kona si seulgi." Sagot ni irene. "Asang lupalop ba kasi yun? Bat di nag papakita?" 


    "Hello?" Napatingin naman lahat kay jisoo. 
    "Ha? Anong ginagawa mo dyan?" 

    Lumapit naman sila byul at lisa kay jisoo para marinig kung sinong kausap nito. 
    
    "Oh! Seul!!! uwi kana!!! magpakita kana kay ire-" natigil naman si byul kasi hinalbot ni yeri yung cp kay jisoo saka lumayo sa mga kaibigan nya. Sumunod sa kanya si joy papunta sa may garden na chichismis din. 


    bago pa makasunod din di Irene eh isinara na agad ni yeri yung pintuan palabas ng garden. Naka stand by lang muna sila ni joy dun para hindi makapasok ang ate nya.
    

     "Hoy sis in law. San ka nanaman? Bat ba layas ka ng layas ng walang paalam? Alam mong may covid labas ka ng labas. Kaya nga tayo na lockdown dito diba?!" 


      "Sino to? Si mama o si yeri?" 


      "Si yering maganda malamang! bat ka naman tatawaging sis in law ng mama mo. Sampalin kaya kita."


        "Akala ko si mama, sermon kasi agad narinig ko eh." 


        "Hoy seulgi! Alis ka ng alis porket hometown mo to. Pag ikaw may dalang covid pag uwi mo ipapa cremate ka na agad namin." Sabat naman ni joy sa tabi ni yeri.


   "Yie miss mo lang ako eh." Naka loudspeak na si seulgi ngayon at malutong na mura lang ang natanggap nya mula kay sooyoung. 


   "So nasan ka nga?" tanong ulit ni yeri. 


   "Nandito sa kwarto. Bat ba ang gulo nyo."  


   "Tangina mo. Anong kwarto?!" 


    "Kwarto natin buang ka ba?!" 


    Pumasok na ulit sa loob sila yeri. Agad na pumunta sa kwarto nila pero pag bukas nila ng pinto wala naman ang hinahanap nila.
    
    
    "Alam mo ikaw, pakyu."


    "Its a prank!" 


    "Prank mo mama mo!"


    "Charot lang hb ka agad. Hinay hinay sa pagkain ng chicharon ha. Nandito lang ako sa tabing dagat. Silipin mo dyan sa bintana kakawayan kita." seryosong sabi ni seulgi.


    Sumilip naman nya si yeri sa bintana pero wala padin syang nakita. "Alam mo pakyu ka sagad talaga. Wag kanang uuwi dito-" natigil sya kasi nag salita na si seulgi ulit.
    
    
    "Buang dito sa kaliwang side!" tumingin naman agad si yeri at nakita na nya nga si seulgi na tawang tawa sa kanya. "Ano? Hahahaha. Bat nyo bako hinahanap. Balik mo na kay jisoo yung phone. Mag papadala lang ako ng maiinom eh masyado kang oa akala ko naman kung anong meron."


    "Ako na mag dadala. Tangina mo." Huling sabi nito saka binaba yung phone. 


    Nang maibalik ni Yeri kay jisoo yung phone nito hinarang to ni irene bago sya makalabas papunta kay seulgi. 
    
    
    Kukuhanin sana nito kay yeri yung inumin pero naiiwas agad ni Yeri kaya nag aagawan yung dalawa ngayon. Irene now knew where seulgi is since nasabi na din sa kanila ni jisoo. Para less alala na din.
    
    
    Nakatanggap naman ng message si jisoo mula kay Seulgi. Sabi, wag na daw si yeri ang papuntahin kasi for sure mag aagawan yung magkapatid knowing irene, she's too competitive at yun nga ang nangyayari ngayon. 
    
    
    Tumayo si jisoo. Tinignan nito si lisa, byul at wendy. Tumayo din ang tatlo saka naglakad papuntang kusina para kumuha ng bagong can ng beer. 
    
    
    "Take care of yeri. Sa likod na kami dadaan. I think seulgi doesn't want to talk to one of them pa muna.." Sabi ni wendy kay joy. 


     "Make irene spill the tea." Sabi naman ni jisoo kila jennie.


    Lumabas naman na ang apat para puntahan si seulgi. 
    Knowing seulgi, they all know that she's not that expressive when it comes to her feelings and emotions. Mas gusto nito na sinasarili nalang para hindi na makadamay ng ibang tao kahit pa sa mga kaibigan nya. She'll just express herself to irene kapag may family problem or any personal problems, but now that her problem is the one that she leans on when she have a problem,
    
    
    She doesn't know kung kanino na sya mag lelean on. And she's probably thinking na its okay to keep it all inside her without letting anyone know how she really feel right now.
    
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1159 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
888 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1159 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1044 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun