Chapter 5

Istranded

     So ayun guys, Nakauwi na kami!!!

 

 

 

 

     Nakauwi na ulit sa resort dito sa batangas. :(
     
     
     Everyone is busy talking to their families through phone call. 
     Dahil hindi kami pinagbigyan nung mga nagbabantay sa checkpoint, at syempre ayaw din naman namin maging pasaway...
     
     
     Wala na kaming choice kundi ang bumalik kung saan kami nanggaling.
     Hindi din naman kasi namin nabalitaan na may nag positive na din pala dito sa batangas kaya nag lockdown na din sila.


    "Anla ma, hindi nga pwede. Hindi na nag papalampas kaya hindi nyo din kami masusundo." Rinig kong paliwanag ni Lisa sa nanay nya.

 


     "Mamimiss ko kayo ma!! alagaan nyo ng mabuti sarili nyo ha si papa wag nyo muna payagan sa inuman, walang lalabas ng bahay! Wala din magpapapasok ng ibang tao sa bahay! Miski sila wheein wag nyo papasukin." Bilin naman ni Byul.
     
     
     Di padin ako makapaniwala, Pinag uusapan lang namin ni wendy to kagabi, Tapos ngayon nangyari nga talaga.
     We are under quarantine.. Dahil sa hinayupak na kumain ng paniki sa china.


    Sa di kalayuan nakita ko si Irene. Medyo malapit lang din sya saakin kaya mas rinig na rinig ko kung sinong kausap nya.


    "Can you please calm down? mas nag papanic ka pa kesa sakin." Medyo natatawang sabi nya pero medyo may inis na din.

     "I know.. Its just for 2 weeks bogum. Dont worry too much. Safe kami dito."

     Si bogs pala kausap.. Psh.. Ngayong araw na to bilang na bilang ko kung ilang beses tumawag yan si bogs kay irene simula kaninang umaga eh.
    
     
     Nag ring nanaman ang cellphone ko at galing naman kay papa yung caller.
     Hindi ko na narinig yung ibang pinag uusapan nila kasi lumayo na din ako.
     Nagkausap na din naman kami ni mama at ok naman daw sya na dito muna kami pansamantala for our safety na din. 
     Lumabas ako ng bahay at nag lakad lakad sa may garden habang kausap si papa.
     
     
    "Seulgi?"

    "Pa?"

    "Ano kamusta? Nakabalik na ba kayo sa resort? Tinawagan ako ng mama mo."

    "Oo pa.. Pero pa, hindi na ba talaga pwedeng makiusap? First day palang naman ng lockdown diba? Ganun na ba talaga ka higpit?"

    "Kinausap ko na yung kapitan ng barangay dyan. Kaso wala din kasi hindi din naman sya makakapag decide kasi yung mga frontliners lang talaga ang pwedeng magpalampas. Bakit? May problema pa ba kayo dyan?"

    "Yung ibang kaibigan ko lang pa. Nag aalala kasi yung magulang nila eh.."

    "Miski kami din ng mama mo dylan, nag aalala sa inyo.. Lalo na sayo."

     Bumuntong hininga nalang ako. "Nasan ka ngayon pa? Makakauwi ka ba kila mama?"


     "Ayun nga din anak ang problema eh. Nasa laguna ako ngayon kasi may tinatapos pa akong trabaho, Pero susubukan kong makalampas ng maynila para may kasama sila mama mo doon. Siguro kapag lumuwag na yung sitwasyon."

    "Hahanapan ko din kayo ng paraan para makauwi na din kayo ng maynila. Sana naman ay wag nang mag extend pa itong lockdown para hindi na kayo magtagal dyan... Kapag may problema kayo dyan sa resort itawag mo kaagad saakin....."


    Ayun, tuloy tuloy lang yung payo ni papa na halos narinig ko na din naman na kay mama kanina. 
    Wala na din kasi kaming kasamang iba dito sa resort kasi nung makaalis kami, nag si uwian na din pala yung mga staff dito kasi nga dahil sa lockdown gusto nila makasama yung pamilya nila syempre.
    Buti nga at naabutan pa namin yung guard kanina nung bumalik kami kaya pinapasok nya ulit kami. Pero umalis na din sya at pinaubaya nalang sakin yung mga susi.

 

    "Gi! Usap daw tayo lahat." Tawag saakin ni Irene. Napatingin naman ako sa kanya. 

    Mukhang na sense nya na may kausap pa ako kaya nag sorry sya. "Sino?" Tanong nya reffering to the phone call.

     "Papa." Sagot ko. 

     "Sabihin mo hi!"

     Narinig ko naman si papa sa kabilang linya "Sino yun?" tanong nya.


     "ah, Si Irene lang pa."

    "Ah yung maganda mong kaibigan?"

     "Oo pa yun nga."

     "Yung favorite ng mama mo?"

     "Oo nga pa. Kaylangan ipag diinan na favorite si irene? Bye na nga. Kakausapin ko pa din yung mga kaibigan ko pa. Ingat ka dyan." Sabi ko tapos binaba ko na yung telepono.


     "Ano daw sabi?" Tanong ni Irene sakin pagkalapit ko sa kanya.


     "Ayun, panay payo lang din. Kapag may problema tawagan lang daw sya. At hi din daw sayo" Sabi ko nalang tapos hinila ko na sya sa loob. 


     Pumasok kami sa loob, nadatnan namin silang kalmado at nakaupo lahat sa living room.
     
     
     "Anong meron? Bat ang bait nyo?" tanong ko nang makalapit kami sa kanila.


     "Ikaw bakit ang kalmado mo?" Tanong ni jennie. 

     "Jen.." Sabi ni Joy na nasa tabi ni jennie.

     "Huh?" 

     Anong meron? akala ko ba okay naman sila? Jennie sounds like she's mad at me.

     "Nakausap mo na ba si tito?" Tanong ni wendy.

     "Oo kanina lang, Sabi nya okay lang naman daw na mag stay tayo dito for 2 weeks.." Paliwanag ko sa kanila. "Bakit? May problema ba?"

     "Wala naman. Okay naman kami.." Sagot ni Wendy.

     "Mabilis nang lilipas ang 2 weeks. Makakauwi din tayo." Sabi naman ni Lisa.

     "Ang unexpected naman nito. Sana pala di natin inubos yung alak agad kagabi. Tsk, kung alam ko lang na ma eextend yung bakasyon natin edi sana dinala ko na yung closet ko sa bahay." Birong sabi naman ni Byul.

    "Oh ayan mag sawa kayo sa dagat saka sa swimming pool.. Tayo tayo nalang din naman yung tao dito, wala na yung mga staff." Pabirong sabi ko din. 

 

    "And you are all okay with this idea? Seriously?" sabi ni jennie.

     "Hindi ka ba hahanap ng solusyon para dito? para makauwi tayo?" Sabi naman ulit ni jennie. Napunta lahat ng atensyon sa kanya. Siniko sya ni rose na katabi nya.
   

     "Why? I mean,  hindi ba dapat humahanap ka ng paraan para makauwi tayo? Why are you so calm though? Are you seriously okay with this idea? Us staying here together for 2 weeks? How about our parents? Pano yung mga nag aalala samin? And also, paano yung pangangailangan natin for 2 weeks?!" Medyo may pagkairita sa tono ng pananalita nya. Hindi ako sumasagot. 

     Bakit nagagalit mama? akala ko ba okay naa?? jusko ang mukhang ang hirap pa naman kalabanin nito si rubyjane.

     
     "Jennie.. Nag hanap naman ng paraan si seul. Kaya nga kinausap nya si tito.. We are staying here until the quarantine is done jennie. Just for 2 weeks." Pagpapakalma ni Irene sa kanya.

     Yes my love tama ka dyan. Thanks for defending me. 
     

     "Those 2 weeks can be more Irene! pano kung mag extend? Hindi ganon kadali masusulusyunan ng gobyerno yang virus na yan."

     "My parents are worried about me. I need to go home." Sabi ulit ni jennie.


     "Lahat ng parents natin nag aalala for us jen. We all need to go home. Pero wala tayong magagawa. It will be more dangerous for us kung sasaway tayo sa mga rules ngayon.." Sabi naman ni Jisoo.

   "How about you Irene? How can you agree in this situation? pano si Tito? Nag tatrabaho yun sa ospital. Hindi ka ba na bobother? Okay lang ba kay tito na nandito ka? For 2 weeks?"

    Nabaling ang atensyon ng lahat kay Irene. Oh right. Doktor si tito.. Mas delikado yung sitwasyon nya ngayon..
    
    Nakita kong naging mas seryoso yung mukha ni Irene. 
    Hindi naman sya sumasagot. Tumabi sa kanya si yeri tapos hinawakan yung kamay ng ate nya.
    Hindi pa ba nila nacocontact si tito??


    "Alam nyo, Kumalma nga kayo. Lalo na ikaw rubyjane. Wag kang magalit sakin, samin rather.. kasi hindi ako gumagawa ng paraan, kahit gumagawa naman talaga ako." Medyo sarcastic na sabi ko. Medyo naiirita na din kasi ako eh. Its not just my responsibility. Hindi lang ako yung dapat gumawa ng paraan no... 

   "Then why are we still here? kung gumagawa ka ng paraan? Ano? Mag iintay nalang tayo ng milagro dito?! Do you think we can survive those 2 weeks ng ganito lang?!" Sumagot ulit si ate mo rubyjane at medyo kinilabutan nako don. Pero that didn't stop me. Medyo umiinit na yung pakiramdam ko eh. Nag babaga na yung inis ko guys.


    "Tinawagan ko na si papa para humingi ng tulong since kilala nya yung barangay captain dito pero wala hindi din sya nakagawa ng paraan para makauwi tayo kasi sobrang higpit ng mga nag babantay kada checkpoint. And if you're worried sa mga pangangailangan natin, dont worry. we can survive those 2 weeks rubyjane. Wag kang mag alala.. Hindi ka uuwing buto't balat sa bahay nyo." Sarcastic na sabi ko ulit dun sa dulo na medyo pabiro pa.. huminga ako bago magpatuloy ulet.

   "But my-" Pinutol ko na sya kasi nag salita na ulet ako.


    "At kung nag aalala yung mga magulang mo sayo, pwes ano tigin mo sa mga magulang namin? walang pake samin? Hindi kami mahal? Pumayag sila na mag stay muna tayo dito for 2 weeks. Just for 2 weeks! Kasi mas priority nila na wag na tayong lumabas kasi nga may kumakalat nang virus kung saan saan! Kung gusto mong umuwi sa inyo ngayon na, ikaw ang humanap ng paraan! Sabihin mo sa mga magulang mo-"


    "Seulgi." Pag pigil ni Irene. Nagkatinginan kami. Tapos hinawakan nya yung kamay ko habang pinipisil pisil nya ng bahagya.

    That's her way of calming me down... And it always work.. Of course.


    Medyo tumataas na din kasi yung boses ko. Minsan lang ako maging ganito. Never akong nag taas ng boses sa mga kaibigan ko. Talagang nadadala lang ako ng emosyon ngayon.. Kasi feeling ko talaga nasaakin lang yung responsibilidad ngayon. Buti nalang pinigilan nako ng irene bago pa may lumabas na masasakit na salita sa bibig ko. 
    She already knows kung saan tutungo itong inis ko. 
    


   Tumayo si Wendy para himasin yung likod ko. "Boss kalma." Bulong nya sakin. 


  Bumuntong hininga ako. Hindi na din nagsalita si Jennie.
  Alam kong sa mag kakaibigan nila irene si jennie yung pinaka spoiled. Guilty naman na kaagad ako kasi nasigawan ko sya.
  Kaya din siguro gustong gusto umuwi kasi nag aalala din sya sa mga magulang nya. Naiintindihan ko naman sya. 
  Kami din naman no. Lahat din naman kami dito nag aalala. 
  Especially irene.. and yeri..
  

  Nang kumalma na yung paligid nag salita si Byul.

  
  "Alright, alam nyo guys, walang patutunguhan kung mag tatalo talo tayo. And jen, Its not just seulgi's responsibility to find a way. Its all our responsibility. Lahat tayo kailangan gumawa ng paraan ok? Pero sa ngayon na wala pa tayong magagawa, Mag settle nalang muna tayo dito sa resort. 2 weeks lang naman yun. Madali nang matatapos yun."


  Tumayo si Ruby Jane. Hindi na kami inimikan tapos nag punta sa kwarto nila ni Jisoo.


  Sinundan lang namin sya ng tingin.


  "Oh sino pa dyan may gusto sabihin? Sabihin nyo na ngayon palang."

   "Dylan." Sita ulit ni irene. Seryoso na yung tono nya. 

    "Kausapin mo yung kaibigan mo." Sabi ko sa kanya tapos umalis nako sa salas. Naiinis kasi ako eh. 

 

 


     Nasa garden ako, naupo ako sa bench. Pumikit ako at dinama yung hangin na dumadampi sa balat ko at pinakinggan ang tunog ng alon.


    "Hindi ka ba bibili ng hapunan natin?" Biglang may nag salita sa tabi ko. Napamulat ako tapos tinignan ko kung sino. Si Joy pala.

    Saglit ko lang syang tinignan tapos pumikit ulit ako.

    "Ako nanaman?" 

    "Malamang ikaw yung lumaki dito? Malay ba namin kung san palengke dito sa batangas?" 

    psh, oo nga pala. 

    Tinawanan ko lang sya. "Kamusta sa loob? si jennie?" tanong ko.

    "Andun kinakausap na ni Irene." sabi nya. "Pag pasensyahan mo na si jennie ha."


    Nginitian ko si Joy. "Naiintindihan ko. Nabanggit na din naman ni Irene saakin na spoiled si Rubyjane."
    
    "Hanga nga ako sayo kasi nasagot mo sya kanina eh. Si Irene lang kaya nakakapag patiklop dun. Miski kami ni Rose di namin nilalabanan. Nakakakilabot magalit yun."

    "Psh, lakasan nyo lang lagi yung loob nyo, kung alam nyong nasa tama kayo, ipaglaban nyo."

    "Wow attorney sison ikaw ba yan? Pag nasa katuwiran ipaglaban mo?" Natatawang sabi ni Joy.

    "Ungas. Pero hindi, sa totoo lang kinilabutan din ako kanina nung sinigawan ako ni rubyjane. Gagi mukhang mangangain ng tao dahil sa inis." 

    "Kita ko nga din kanina." Sagot nya tapos tinawanan ako. 

     Nagkwentuhan kami sandali ni joy, at gumaan naman yung pakiramdam ko. 
     


     "Seul...gi" Napalingon kami ni joy sa taong tumawag sa pangalan ko. It's jennie.

     Nagkatinginan kami ni Joy. Ngumiti sya saakin. "See? told yah, only irene can." Sabi nya saka tumayo at naglakad paalis sa pwesto ko. 
     
     "Joy!" huling tawag ko. Lumingon naman sya pabalik. "Mag grocery kayo ni wends ng makakain natin mamaya. Sabihin mo babayadan ko sya pagbalik nyo."

     "Si wendy talaga? Hindi pwedeng si Yeri? Or rose? Or ate solar???"

     "Si wendy ang cook naten. Baka mamaya kapag si yeri ang kasama mo, panay snacks bilhin nyo. Wag kanang umangal, Babe time nyo na din ni langit yun." sabi ko ulit tapos tinawanan ko sya.

     She just glared at me, Inirapan ako tapos pumasok na sa loob. Napunta naman yung tingin ko kay jennie. Nginitian ko naman sya. 
     Habang nag lalakad si jen palapit sa pwesto namin ni joy kanina, na pansin ko naman si Irene na nasa may pintuan. 
     
     Nagtama ang mga mata namin, Nag thumbs up sya at nginitian ako bago sya umalis at bumalik papuntang living room.


    Nabalik lang ang atensyon ko kay rubyjane nang makaupo na sya sa tabi ko.
    
    
    We stayed silent for a minute bago pa sya mag simula.

    "Sorry./Sorry." sabay naming sabi.

    Natawa naman kami parehas. 
    
    Well jennie, she's been my friend too. Everytime irene and i have a misunderstanding. Yung away bestfriends, Jen would always talk to me and say some things na makakapag pakalma kay Irene. Although alam ko naman na din yung mga yun, Jen would still say some advice to me. Akala mo naman mag jowa kami ni Irene. Eh apaka childish naman ng mga pinag-aawayan namin.


    "Sorry seul... Yung mga nasabi ko kanina, uhm its just.. You know.. nadala lang ako ng emotions. Na carried away kung baga. Thinking only about myself. Not about all of us. Worried lang talaga ako kung anong mangyayari saating lahat. For the rest of those 2 weeks.."

   Ngumiti ako. "Si Irene lang pala makakapag pakalma sayo. Ang angas talaga nun."

  "I would say sorry to you even without irene's words no. Naunahan nya lang ako." 

   Tinawanan ko naman sya. Napaka magkalapit talaga ng ugali ng dalawang to.

   "Alam ko, naiintindihan ko. Pwede naman kasi nating pag usapan kung anong magiging plano natin for 2 weeks ng kalmado lang. Ang dami dami natin dito. 11 people, 11 na utak din yung gagana.. And also sorry din... Kung hindi ako napakalma ni Irene kanina, Siguro nasabihan na kita ng masasakit na salita."


    "She really knows you well.. No wonder why.." Medyo pabulong nyang sabi pero narinig ko padin. 

    "no wonder why?"

    "Hm? Wala.." Ngumiti sya. 

   Uhm? Weird..


    "Anyways, Pag-usapan na natin yung magiging plano for the rest of 2 weeks. I might call my mom to deliver some of my clothes here."

    "Anong deliver, lockdown nga rubyjane. Maglaba ka nalang araw araw."

    "I dont know how to."

    Tinawanan ko sya. "Spoiled brat. Alam ko na kung sinong i aasign sa pag lalaundry."

    "Kasalanan ko bang pinanganak akong may gintong kutsara sa bibig?!" 

    Nagulat ako kasi nag straight na tagalog sya. Wowers marunong palang mag tagalog to. Akalain mo yun? 
    
    "Atleast you know those terms.. at silver yun rubyjane hindi ginto. Masyado ata kayong mayaman kaya ginto yung sayo." Tinawanan ko ulit sya.

 

    "You know what, you really have a pretty face when you laugh." 

     Uhm?? Okay.. Nagulat ako wait lang. Haha crush nya ba ako? Bat sya bigla biglang nampupuri amp.


   "Uhm? Thanks?... Pero... Crush mo bako? Sorry rubyjane. I already have someone i like..." 


   "Aray!" Hampas lang naman yung natanggap ko mula sa kanya. "Pwede naman umoo o hindi lang rubyjane bat kaylangan manakit" Sabi ko habang hinihimas yung braso ko. 
    "Magkaibigan nga talaga kayo ni Jade."

 

    "Hindi kita crush! Hindi ka si jisoo. Ang assuming mo." Sabi nya sakin pero may binulong pa sya,
    "Jusko papatayin ako ni Irene kung narinig nya lahat ng to." 

     "Huh?" Narinig ko yung sinabi nya. Pero syempre nag huh ako para kunware lang diba.

    Bakit naman sya papatayin ni Irene? psh. And wait, Crush nya si Jisoo????!!!
    


    "Im just wondering why irene never liked you... In a romantically way. She always see you smiling and she never falls for you..And your dumb smile."

   okay medyo masakit yon. 

    "Huh? Anong romantic sinasabi mo? We're bestfriends. she's straight." Ngumiti si jennie sa huli kong sinabi. Parang nag pipigil ng tawa.

    "And you're not. And you like her." sabi nya.


    "H-ha! haha! Sinasabi mo bonak ka.. Of course i-i do like her. Kaya nga bestfriend ko diba?" Awkward akong tumawa at dumepensa. Does she know?


    "No, you like her more than bestfriends. You like her romantically seulgi." Tinawanan nya ako. "You think i wouldn't notice na you're into girls too? Sus seulgi. Unang kita ko palang sayo, your actions when you're with your friends.. Byul, lisa.. I already knew it. Alam mo natatawa nga ako kapag bigla kang nagiging girly in front of irene. Mas mukha pang straight si Jisoo kesa sayo."


   Di talaga ako magaling magtago. Leche.

 

    "So lagi mo akong na nonotice? Alam mo rubyjane, malapit nakong hindi maniwalang si jisoo ang crush mo." inasar ko sya.

 

    Okay. Hindi ko na dineny. Leche sawa na ako. Gusto ko nang lumabas sa comfort zone ko. And i think naman lahat sila nahahalata na din so bakit itatanggi ko pa. I couldn't control my actions anymore.

 

    "Dont change the topic Ramirez. And i swear to God seul. i dont have a crush on you. I never had. Kung meron man siguro patay na ako ngayon." Umirap sya, "Jisoo's been my interest ever since you introduced them to us."

    "Oh kalma. Joke lang eh.. Wag mo isama si papa susej dito." Tinawanan ko sya. 


   Inirapan nya ulit ako. "Demonyo. Lord please forgive her." Natawa naman ako sa panalangin nya. 
   "Anyways, Dont tell jisoo or else i'll tell irene too." 
   
   "Psh, magaling ako magtago ng secrets. Pero wag moko sisisihin kapag nadulas ako. You should make a move din kasi."

   "I think you should too. You need it more than me."

   Napangiti naman ako. They are really rooting for our relationship. 
   
   
   "Mahirap rubyjane. Madaming hindrances. You know, her mom... bogum... But thankyou for supporting me. Atleast i have peoples on my back, rooting for me."


   "You know, bogum.. He's not a hindrance. They aren't in a relationship yet. And i think pinag iisipan pa ni Irene yun. She still have to know bogum more no." Tumingin sya sakin. "And also her mom, i was surprised din nung nalaman ko... But hindi ba sabi nya nakalimutan na nga nila yun. I think naman wala na para sa kanya yun.. And she wouldn't be comfortable around byul and solar kung issue padin para sa kanya ang relationship between same gender."


   She's right.. Naalala ko yung mga nangyari samin kahapon. Kaninang madaling araw actually. 


   "Sa tingin mo ba okay din sya na makipag relationship sa same gender?" 

 

    Natahimik si Rubyjane.. Siguro hindi nya din sure. Hindi namin alam ang nararamdaman ni Irene syempre. 


   "Only her could answer that seul. If you try." Sabi nya then she smiled at me. I smiled at her too.


   "Sino?" Nagulat kami ng may biglang magsalita sa likod namin. 


   "What the hell! Irene!" 
   "JUSKO SANTISIMO!"


    Gulat na sabi namin parehas. 


   "Bat gulat na gulat kayo?" Natatawang sabi nya. Then tumingin sya kay jennie.


   "You just popped out of nowhere panong hindi kami magugulat?!" Sabi naman ni Jennie.


    "I guess okay na kayo? You were smiling at each other na." Kay jennie padin sya nakatingin habang sinasabi yun at nag iba na din yung expresyon ng mukha nya. Naging seryoso. 


    "Kanina ka pa nandyan?" tanong ko. Bumaling naman ang atensyon nya sakin.

    "Nope. Kadadating ko lang and yung huling sentence lang ni jen yung narinig ko kaya nagtanong ako kung sino." Sabi nya, tumingin ulit sya kay jennie habang sinasabi yung huling line nya. "So who is it? Mukhang may pinag uusapan kayo?"


    They just stared at each other. Mukhang nag uusap yung mga mata nila base sa pag unawa ko. Nababasa ba nila ang utak ng isa't isa? Weird.
    
    
    "Its none of your business rene." Sabi lang ni Jennie tapos tumayo na sya. Pero nginitian nya si Irene.


    "Really jennie?" Seryosong tono ni Irene. Staring intensely at jennie. 


   "Just... one of my crushes. Irene. I swear. I won't steal your 'bestfriend'. We just talk." Natatawang sabi padin ni Jen pero mukhang natatakot na din sya base sa tono ng pananalita nya. 


   Umubo ako to get their attention. Sabay naman silang napatingin saakin. 
   
   Jennie smiled at me tapos pinat nya yung ulo ko. "It was nice talking to you. Im sorry again seul. And thankyou." 
   

   I can feel irene's deadly stare at us.. 
   Bakit? I dont know. I just can feel it. 
   Inaasar ba sya ni jennie? Tinetesting ba ni rubyjane kung magseselos si Irene? 


   Cause i think it's working though..


   Ngumiti din ako kay jennie. "Thankyou din. And sorry. We're good na ha. Wala nang sisihan?" Sabi ko. 


   "Of course we're good!" Sabi nya tapos pinisil yung ilong ko. 

   "Aray!" Sabi ko tas bumitaw na sya hinawakan ko naman yung ilong ko. 


   Lumakad na si rubyjane papasok sa loob. Sinundan lang ito ng tingin ni Irene. 

~~~~~

Irene's thoughts??


   Jennie's testing my patience. Really. Minsan nakakainis din talaga yun. Muntik ko nang makalimutan na kaibigan ko sya. 
   I don't know what they talked about but i can feel that they talk about me. 
   Did she just spill some teas to seulgi?! 
   No.. I dont think she did. Kung meron man syang binanggit kay seul, it will be very awkward right now.

   bago makapasok sa loob tumingin ulit si jennie sakin. Palihim ko syang pinakyuhan at nakita naman ata nya.

~~~~


    "Anong pinag-usapan nyo? Malapit na mag dilim, mukhang napasarap ng kwentuhan ah?" Tanong ni Irene ng makapasok si jen sa loob. 


    "About kanina lang. Nag sorry then explain. And some stuffs."

    "Some stuffs? About?"

    Bakit ba napaka curious netong babaeng to. Pagtripan ko nga din.


    Ngumiti ako. "None of your business Miss Alcantara."


    She let out a small gasp, Then she smiled. "What the hell Dylan Seulgi."


    Tinawanan ko sya. Tumayo na din ako. "Tara na sa loob. Kaylangan natin mag usap usap ng matino." sabi ko then inabot ko yung kamay nya para hilahin papasok sa loob. 
    
    
    "Hindi mo talaga sasabihin kung anong pinag usapan nyo?" Tumigil sya sa paglalakad.


    Tinignan ko sya. Umiling lang ako tapos hinila ko na ulit sya. "Si jen nalang tanungin mo. Nakakatamad mag kwento."
    
    
    "Pero kay jennie kwentong kwento ka?" 


    Tumigil ulit ako. Hinarap ko sya. "Alam mo hyun, you're starting to sound like you're jealous."


    Natahimik sya.. Mga ilang segundo lang siguro tapos nag smirk sya. "I am not seulgi. Im just curious. Bakit naman ako mag seselos? Both of you are my bestfriend. Magkaibigan din kayo."
    
    Nagkibit balikat ako. "I dont know. Ngayon ko nalang kasi ulit narinig yung ganyang tono ng pananalita mo." 


   "What do you mean?"

   Hindi ako sumagot. Nginitian ko lang sya. Nag lakad nalang ulit kami papasok. 


    Naalala ko lang, last time kasi na narinig at naramdaman kong parang nag seselos sya eh nung grade 9 pa, when i started to became close to wendy at laging kami yung magkasama.
    Naramdaman ko lang naman na nag seselos sya kay wends at hindi nya inamin yun sakin. 
    Maybe she just hates the thought of me getting so close to someone.. without her consent?


    
    
    "Hindi padin kayo umaalis?" Tanong ni Seulgi kila wendy at joy na nasa may kusina.

    "Actually, kababalik lang namin. Akina bayad mo. 2k lahat to." Sagot ni Wendy. 


    Napatagal nga talaga yung usap namin ni ruby. 
    Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko yung resibo. 


    "Ano bang pinamili nyo, bat umabot ng 2k?" 

    "Good for 1 week na yan." sagot naman ni Joy.

    "Pocha. Sabi ko pang hapunan lang muna."

    "Ok na yan kesa naman magpabalik balik pa. Sobrang dami pa naming dinaanang checkpoint. Halos lahat ininspeksyon kame." sabi ni wendy habang inaayos yung mga pinamili nila. 


    "At may alak pa talaga?" sabi ko nang makakita ako ng tatlong box ng chamisul na may kasamang tatlong maliit na standee ni Irene ng red velvet, beer at red horse. Tapos may tatlong bote ng empi at gin.


    "Sale yan eh. Mag liliqour ban na daw kasi. Sinamantala na namin." sagot ni Joy


   "Nice one joy!" Sigaw naman ni Byul. Mga manginginom ng taon talaga. Leche.


   "Langit, Si byul at Joy ang singilin mo dyan sa alak. Diko babayadan yan." Sabi ko kay wends. 

   "Actually si joy ang nag bayad nan." Sabi ni Wendy.

   "Pano kayo nakabili? Kakagraduate nyo lang ng grade 12?" Tanong naman ni Irene. 

   "Cards and connections lang yan Irene." sagot ni Joy tas kumindat pa. Meron nga palang supermarket na pagmamay ari ang lolo ni Joy. Siguro dun sila nag grocery kaya pinayagan.

    "Binili din namin si Yeri ng yakult, chucky, saka banana milk. Para kapag mag nonomi tayo, may iinumin sya." sabi ulit ni Joy.

    "Ulul. Ikaw uminom nan." Sabi naman ni Yeri. 

    "Oh sige. Wag kitang makikitang umiinom ng isa sa mga to ha." Sabi ni joy pabalik habang nilalagay yung inuming pambata sa ref.

 
   Naglakad nako pabalik sa living room. "Neways, Kaylangan natin pag usapan kung anong magiging plano for 2 weeks." Sabi ko tapos naupo ako sa tabi ni hyun. 


   "Panong plano?" Tanong ni Lisa.

   Pumunta na din sila Joy at Wendy sa living room. "Linis ng bahay, laundry, luto, etc.." Paliwanag ko. 


   "And also, kung ano yung kwarto nyo nung nakaraan, dun padin kayo mag iistay. Walang palitan. Byul. Wendy." Sabi ko ulit. Tapos tinignan si byul at wends.

    "Corny mo talaga." Sabi ni byul. 

    "Bat pati ako?" Tanong naman ni Wendy. 

    Tinignan ko lang sya. Sumenyas naman sya saken na wag na ako maingay. Tumango nalang ako.
    

   "Magkakaron ng toka sa mga gawaing bahay ha. Lalo na sa paglalaba ng mga damit." 

   Tumayo ako. Kinuha ko yung resibo nung grocery tapos nag sulat ako don ng monday to sunday. 
   
   "Oh bunot. Kung anong mapili yun ang araw nyo."


   Nakabunot naman na kaming lahat at nakapag toka nadin kami ng gawain sa isa't isa. 
   Naisipan ko na din na kumuha ng mga extrang damit ko dun sa bahay ng lola ko since dun kami nag iistay dati at may mga damit naman ako dun. 
   Siguro bukas nalang ako kukuha or sa isang araw? Basta.
   
   "Any reklamos?" 

   "Di ako maalam mag laba seul. Kakasabi ko lang sayo kanina." si jennie nag salita.

   "Kayang kaya mo yan. Pag balik mo sa inyo maalam kanang mag laba. Sure ako mapaproud sayo nanay at tatay mo." Sabi ko. 

   Inirapan nya lang ako. Tinawanan ko naman sya. 
   
   
   "Wala na? Ang hindi susunod sya mag lilinis ng buong penthouse. Pati pool lilinisin din." Sabi ko ulit. Di naman na sila umangal kasi kaylangan din naman namin lahat maging productive. Kesa naman mag intay lang kami ng milagro dito.


   Nag okay naman na ang lahat. Yung iba bumalik sa kwarto nila, si wendy nasa kusina sya na daw muna ang mag luluto ng hapunan ngayon. 
   Pumunta si Irene sa kusina para tulungan si Wendy. Mahirap din magluto ng para sa labing isang tao no.

 


   Pumunta ako sa kwarto namin ni Yeri. Pag pasok ko sa loob may kausap sya sa phone nya. Mukhang hindi pa nya ako na nonotice.
    
   "I miss you too babi." Sabi nya sa malungkot na tono.

   babi???? teka?? Sino kausap nito???


   Bigla syang napaharap saken. Nag katinginan kami at bakas sa mukha nya ang pagkagulat. 
   
   "T-tawag nalang ulit ako mamaya. hm? sige.." sabi nito sa kausap nya sa phone nya tapos binaba nya na yung tawag.


    Nakatingin lang ako sa kanya. Confused. Sinara ko yung pinto tapos lumapit ako sa kanya. 

    Umupo ako sa kama. Sya nakatayo padin.


   "Babi??" tanong ko. Hindi sya sumasagot.


   "Boyfriend?"

   Umiling sya.

   "Dont tell me.. Girlfrienddd????"

 


   Hindi sya sumasagot. Well, silence means yes to me yeri. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1150 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
879 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1150 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1034 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun