Chapter 17

Istranded

    Its been a week...     

    Its been a week and seulgi's still not coming back to us.   

    Sabi rin sa balita, extended raw ang community quarantine and we're all bummed about it.. Although some restrictions are already lifted up like traveling from province to manila. 

    Which gave us an opportunity to go home basta raw magpa test kami na hindi kami positive sa virus.     

    

    "Dika parin na cocontact ni seul ulit?" Tanong ni byul kay Jisoo.     

    Umiling lang ito saka bumuntong hininga. "Kayo ba?" tanong nito.     

    "Anong kami eh ikaw lang naman laging kinokontact nun na una kapag nawawala sya." Sagot ko naman. 

    "Hays, may favoritism talaga sa pamilyang ito." Sagot naman ni Lisa. "Konti nalang lalayasan kona talaga kayo." 

    "Ok." Sagot naman ni byul. 

    "No problem, Lisa." Sabi rin ni Jisoo. 

    "Tangina nyo talaga." Sagot nalang ni Lisa. 

 

    Nakatambay kami ngayon sa rooftop na nadiscover nila jisoo noong araw na nakita nila si seul na nakahiga dito. Medyo maganda pala yung view dito. Lalo na kapag palubog na yung araw. 

 

    "Actually, minemessage ko yung phone number na ginamit nya nung last na nag update sya." Sabi ni Jisoo ulit.. "Inuupdate ko lang naman sya sa mga nangyayari dito then isang beses nag reply sya.. Last Wednesday ata?"     

    "Huh? Bakit dimo agad sinabi samin?!" Tanong ko agad. 

    "Nakalimutan ko wends!!! Nag message kasi sya saktong araw nung nag announce na medyo lifted na ayung restriction sa pag byahe from province pa manila. Then pinasend nya sakin number ng tatay ni Irene.. Tapos after ko naman isend wala na ulit reply." 

    "Huh??" Takang tanong naming tatlo. 

    "Bakit tatay ni Irene????" Tanong ni Byul.

    nagkibit balikat lang rin si Jisoo. "Baka si Tito doc kakausapin nya para maging ok sila ni irene ulit?" 

    "Boang kaba? Eh hindi nga alam ng Tito doc na baccla mga anak nya tapos dun pa magkukwento si seulgi ng nangyari???" Sabat naman ni byul.     

    "Hindi ko naman sinabing ikukwento lahat ni seulgi yung nangyari sa kanila ni Irene????? Ikaw ang boang." sagot ni Jisoo.   

    "Kelan sabi mong nag reply si seul?" Tanong ko. 

     "nung nag announce ng extension.." 

    "Baka humingi nga sya ng tulong kay tito doc?" Sagot ko. 

    "Anong tulong baga?! anong.. hindi naman tanga si seulgi para humingi ng tulong sa tatay ni Irene dahil lang sa nabroken sya ng anak nya?" Sagot ni Jisoo.    

    Binatukan naman ni Lisa si Jisoo. "Tanga.."     

    Napatingin naman kami dito. "Kayo ang mga boang mag isip. Baka kaya kinuha ni seul yung number ng tatay ni Irene para humingi ng tulong para makauwi tayo sa manila." paliwanag nito.     

    "Yun din ang sasabihin ko, tangina kasi neto ni jisoo eh masyadong bonak.. Saka diba doktor tatay ni irene, eh diba required ng test para makalampas papuntang manila! Baka tinawagan nya para magpadala ng mga mag tetest dito satin galing ospital na tinatrabahuhan nung tatay ni Irene." Dagdag ko naman.

       

    Napakamot naman sa ulo sila Byul at Jisoo dahil ngayon lang nila na realize yung dahilan. 

    

    "Ibig sabihin babalik na si seul?" Tanong ni Byul.

    "Sooner or later.." Sagot ko naman. 

    

     Sanay naman kami talaga sa ganitong ugali ni seulgi noon. Pero alam din namin kung sino ang nakakasama at kung saan nag iistay si seulgi.. At yun ay si Irene. 

          

     "Sky." Napatingin naman kami lahat sa tumawag sakin. Oo lahat kami lumingon kahit ako lang naman yung tinawag.

     

     Ngumiti ako, well sino bang hindi mapapangiti kung yung ligaya mo yung bumubungad sayo.

     

     "Luh anong sky? Kayo na ulit?????" Intrigang tanong ni Lisa sakin.      

     "Medyo." Si Joy na ang sumagot.      

     "Sus medyo, aarte nyo. Wag na kayong mag hiwalay! May nakahanda na kaming isusuot sa kasal nyong dalawa." Sabi naman ni Byul.     

     "Kayo ni Solar mauuna gagi." Sabi ko naman.      

     "Speaking of Solar, tawag ka nga pala nun may itatanong daw sayo." Sabi naman ni Joy.      

     "Sama na kami sayo brad, alam naming mag lalandian lang tong dalawang to dito. Nakakaumay na." Sabi naman nila Jisoo kaya nakatanggap sila ng sapak mula sakin bago mag si babaan. 

     

     After umalis ng mga gago, tinignan ko si Joy. Wala tinignan ko lang sya while leaning against the railing of the rooftop. 

     

     "Anong tingin yan?" Tanong nito. 

     

     Napangiti ako kasi nakita kong pinipigilan nyang ngumiti rin nung nagtama ang mga mata namin. 

     

     "Wala. Gusto ko lang i admire yung view." Sagot ko.      

     "View? Eh nakatalikod ka nga sa view."      

     "Mas maganda yung view na tinitignan ko ngayon." I said while looking directly at hers.      

     She smirked. "Dyan ka magaling eh no."      

     Tinawanan ko lang sya ng bahagya at ganon din sya. "Pareparehas talaga kayong mag totropa." Dagdag pa nya. 

 

    Napangiti nalang ako. Hinila ko naman sya palapit sakin at kita ko sa mukha nya na medyo nagulat sya.   

    Hindi naman ganoon ka lapit yung distansya namin pero enough na para maamoy ko yung pabango nya at matignan yung mukha nya ng malapitan.     

    Napansin kong namula ng konti yung pisngi nya.. Lumayo sya ng konti at tumabi sakin sa railings pero nakaharap sya sa dagat. 

    

    "Tigil tigilan mo nga ako sa mga pasimple mo seungwan. Jojowain mo ba ako ha?!" Pabiro nyang tanong na ikinatawa ko naman ng bahagya.     

    "Hindi." Napatingin ka naman agad sakin ng seryoso. "Kasi aasawahin kita." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa kanya. Napansin kong pati tenga nya namula na. 

       

    Ngumiti sya pero pinigilan nya at kinagat ang baba ng labi nya. 

    Tumungo muna sya at tumingin sa malayo ng ilang segundo bago tumingin sakin. Nagiba yung aura nya. Ewan pero parang biglang may pumasok sa isip nya. 

    

    "Wendy, Do you want us to get back together?" Straight to the point nyang tanong.     

    I was taken a back a little pero sumagot naman agad ako. "Ang out of nowhere ah? Of course i do."   

    "Hindi ka ba natatakot?" Tanong nya ulit. 

    

    This time medyo inabot ng ilang segundo bago ako makasagot. 

    Nag-iisip ako. 

    

    Hindi na nga ba ako takot? 

       

    "Hindi na, Joy." Nag iisip ako pero yan yung unang lumabas sa bibig ko. Maybe that's the real me talking. Maybe that's not the coward wendy anymore. 

 

    Nginitian mo ako. Pero bahagya lang. 

    

    "Makakapag hintay ka pa ba?" Tanong mo. 

    

    Ipinatong ko yung kamay ko sa malamig mong kamay na nakapatong sa railings. 

    

    Tinignan kita sa mata saka ngumiti sayo. Tinanguan kita ng masinsin. "Of course i do. I still wasn't able to repair my damage to you, after all."     

    "Sorry." 

    "Nooo, Dont. Hindi ko tatanggapin yan kasi wala ka namang ginawang kasalanan. It's not your fault kung hindi ka pa ready. Andito lang naman ako. Hindi naman ako mapapagod mag hintay at i prove sayo na deserve mo ang buong mundo, Joy."     

    "Pero feeling ko im just wasting the time wends.." 

    "There's plenty of time, Sooyoung." I said.    

     Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. "There's no need to rush. Wag mong i pressure ang sarili mo. We have time. We will always have time for everything. Okay?"     

     "Thankyou." Sagot mo saka lumapit sakin at inisiksik ang mukha mo sa pagitan ng leeg ko habang nakayakap.     

      "I will always assure you." Sabi ko.

     

     Although it was a little difficult for you to hug me like kasi mas matangkad ka sakin. Grr. But nevermind that. 

     Pinat kita at umangat naman ang ulo mo.         

     Hinila kita papunta sa may hagdanan. Nagtataka kang sumunod sakin.      

     Pinababa kita ng isang stair habang ako nasa taas parin.      

     Narealize mo.. Narealize mo yung ano yung naging pwesto natin. Mas matangkad na ako sayo ngayon. 

     Niyakap ulit kita at ngayon natatawa kana lang kasi ginawa ko to para mas maging komportable yung pwesto mo na mayakap ako ng maayos. 

     Natawa nalang din ako sa ginawa ko. 

          

     "Alam ko na kung anong ireregalo ko sayo sa next birthday mo." Sabi mo habang nakatingala sakin.      

     "Huh? Ano?"      

     "Gloxi."    

     "Bwisit." Sabi ko naman agad saka ko narinig yung tawa mo. 

          

       From this day i am sure that this isn't the coward wendy anymore. I'll give you all the love you deserve, Joy.

       

       

 

 

~~~

 

 

      Kasalukuyang nasa kusina si moonbyul at solar. 

      

      "Moonbyul tignan mo to.." Lumapit naman agad ang jowa nya "Chineck ko yung pancit canton.. Bakit ganon?" Sabi ni Solar saka tumingin kay moonbyul.       

      "Huh, bakit? Expired na?" Takang tanong ni Byul saka kumuha ng isang canton na hot and spicy na flavor.      

      "Bakit yung original ayaw mo galawin?" Seryosong tanong ni Solar.       

      "Huh? Anong kinalaman-" di na natapos si byul kasi nag salita na ulit si solar.      

      "Pero ito." Sabay abot nung pancit canton na kulay orange. "Etong sweet and spicy saka hot and spicy wala na agad?" Pagpapatuloy nito saka tinignan si byul habang hawak yung canton.

      "Oh?" Natatawang sagot ni byul pero seryoso parin syang tinitignan ni Solar.      

      "Ano yon?! Gusto mo sweet? yung hot gusto mo?!"       

      "Ano nanaman ba-"      

      "Bakit yong original? Ano yon pinapamukha mo saken na nakakasawa kapag original ha?! Ayaw mona ha?!"      

      "Yong naman, nag hahanap ka nanaman ng away-"       

      "Kung ayaw mo saken, sa original, sabihin mo na! hindi yung dinadaan mo pa sa pancit canton!"     

      "Hindi ako kumakain nyang sweet and spicy saka hot and spicy! Sila lisa kumakain nyan! Kita mo naman dami dami natin dito sa bahay oh!" Nagpaliwanag parin si Moonbyul kahit walang sense naman yung pinag tatalunan nila.      

       "Saka alam mo naman na chilimansi ang favorite kong flavor ng pancit canton, mahal. Never akong nag original." 

       "AH NEVER?????"       

       "Original flavor ng pancit canton! Yong naman." 

       "Ewan ko sayo. Bahala ka dyan. Dyan kana sa sweet at hot mong canton!!" Sabi nito saka nilayasan si byul.        

       "Yonggggg!!!" 

       

       "Ano. Wag kana kakain ng canton pre. Sinasabi ko sayo. Pahamak yan." Sabi ni Jisoo na lumapit kay byul para kumuha at magluto ng original na pancit canton.        

       "Nagutom tuloy ako sa bangayan nyo." Sunod naman ni Lisa saka kumuha ng calamansi.        

       "Oh eto." Inabot nya kay byul. "Puntahan mo jowa mo, Pigaan mo ng kalamansi. Tinotoyo eh."      

       Binatukan naman ni byul si Lisa saka binato yung calamansi sa kanya. "Inanyo!" 

       

          

 

      "Where's your ate?" the man on the other line said.      

      "Nasa kwarto nya." Sagot ni Yeri.      

      "Bakit hindi ko ma contact? Is there something wrong with her?"       

      "Hindi ko alam, dad. I'll go there at sasabihin kong gusto mo syang kausapin." 

      

      Lumakad si Yeri mula sa salas papunta sa kwarto ng ate nya. 

      They still haven't talk since their fight. Paano hindi rin naman sya makahanap ng chance dahil palaging nag kukulong sa kwarto ang ate nya. 

            

       Unang katok nya pero hindi sya pinag buksan. Pangalawang katok- "Uy yerms." Si Rose and bumungad sa kanya.        

       "Ginagawa mo dyan? Si ate?"       

       "Im just checking up on her.. Baki-" Di na natapos si Rose sa pagsasalita nya kasi pumasok na si Yeri sa loob.        

       "May sakit ba yan at kailangan bantayan?" Pabardang sagot ni Yeri.

       

       Pumunta ito sa kabilang side ng kama kung saan nakaharap ang kapatid nya. 

       

       "Si dad." Sabi nito saka hinarap ang phone nya sa ate nya. "Kausapin mo daw sya." 

       

       Tinignan ni Irene ang phone ni Yeri bago ito kuhanin at itapat sa tenga nya. 

       

       "Yes dad?" Mahinang tugon ni Irene saka umupo at sumandal sa headboard ng kama.

       

        Lumabas naman na si Rose at silang dalawa nalang ni Yeri ang naiwan sa loob. 

        

        "What's happening? Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?"         

       Irene cleared up . "Dead bat dad. Nasira yung charger ko. I wasn't able to.. to charge my phone kasi magkakaiba kami ng charger dito." She lied. 

         

       Wala lang talaga sya sa mood kausapin ang tatay nya. 

         

      "Oh.. Okay buti nalang at nacontact ko ang kapatid mo." 

      Napatingin naman si Irene sa kapatid nya.       

      "By the way, Seulgi called me." 

      

      Agad namang nalipat ang atensyon nya nang mabanggit sa kabilang linya ang bestfriend nya.       

      

      "S-seulgi did?? Bakit daw?" Her heart was beating fast. Napatingin rin si Yeri dahil sa nabanggit ng kapatid nya.            

      "She said they wanted you all there to be tested for the virus para makauwi na kayo dito sa manila. I was about to do it naman na without her call. Naunahan nya lang ako." Her dad chuckled a little. "Napaka attentive ng batang yun talaga."       

      "Oh..." Tanging sagot ni Irene.      

      "Is she with you? Give her the phone, i wanna talk to her again."       

      "N-no dad.. Uhm.. She's.. She's out.. Bumisita sa bahay nila dito sa batangas.." agad na sagot ni Irene.. Lying again. Well she kinda hoped na ganoon nga ang ginawa ni Seulgi.      

      "Oh.. Okay.. Maybe that's why iba yung number na ginamit nya.. Then tell her pagdating nya na i will be sending the frontliners from the hospital there sa batangas tomorrow.. Then after nyong ma test dyan, 2 to 3 days you will be able to come back here in manila na." Paliwanag ng tatay nito.            

      "Yes dad.. I will." Simpleng sagot ni Irene.       

      "And.. joohyun.." Habol ng tatay nito. Irene sense something because her dad used her birthname.       

      "Po?" she answered politely. She always answer politely whenever her parents call her by her birthname.       

      "Im sorry.. About your birthday.. I know that it wasn't the right time to say those things to you.. Im really sorry, anak." 

      

      Irene doesn't know what to feel. She feel upset that day because of him. And a lot of things happened dahil don. 

      

      "I don't know, dad.. But i understand. I'm okay.. We're okay."      

      "We met last week pero we're going to meet again.. And she needs to meet the both of you too. I dont know what is it for pero she said na gusto nya kayong makita.. Siguro para humingi ng tawad sa inyong dalawa ni Yerim.." Her dad sighed at the other line. "But don't worry about it, Rene.. Your mom and i.. We're already in good terms. I've already accepted and forgave her."       

      "Well..." Bumuntong hininga si Irene bago magpatuloy "Good for the both of you.. Glad you're okay, dad." 

      

       Napaisip si Irene.. If her dad assured her that he's already okay and moved on. 

       Maybe its time for her too. Maybe its time to think about herself now. 

              

       "Thankyou, anak." Her dad finally said. It was on the phone call pero irene knew that it meant a lot. 

       

       Irene smiled. A tear escaped her eyes pero pinunasan nya agad ito dahil naalala nyang kasama pa nga pala nya si yeri. 

           

       "Uhm, dad.. I think we need to tell you something too." Sabi ni Irene habang nakatingin kay Yeri. 

 

      Nanlaki naman ang mata ni Yeri. Sinenyasan nya ang ate nya ng wag at nag panic habang nag ccross ng kanyang braso. 

      

      "We'll tell you when we're back... Okay... And hey.. Dad, pwedeng isend mo sakin yung number na ginamit ni seulgi sayo?... Oh, no no.. I mean here kay yeri.. Yeah kay yeri. Okay.. Thankyou... See you soon.. Yeah.. Bye..." 

      

      Medyo nawala naman yung pagiging bugnitin ni Irene. Medyo naging magaan na yung aura sa paligid nya kaya medyo naging komportable na rin si Yeri sa kapatid nya.

      

      "What was that????" Intriga sa kanya ni Yeri saka inabot ang phone nya mula sa ate nya pero nilayo agad ito ng ate nya.            

      "Wait." Buti nalang at sinend agad ng tatay nya yung number kaya finorward nya muna ito sa cellphone nya at binura sa phone ni yeri.             

      "Okay now tell me." Tanong ulit ng kapatid nya sa kanya.      

      "Okay first of all. I am sorry." sincere na sabi ni Irene.       

      "Yeah i am to. Now tell me what did dad say to you." Seryosong sabi din ng kapatid nya.       

      "Tsk." ekspresyon nito saka hinampas si yeri sa braso. "Mag usap muna tayo okay?! Yung matino."    

      Humiga sa kama si Yeri mula sa pagkakaupo nito sa may paanan ng ate nya. "Fine."       

      "How's things going between you and saeron?" Tanong ng ate nya.       

      "Ewan.." Bumuntong hininga si Yeri habang nakatingin sa kisame.       

      "Sorry." Napatingin naman sa ate nya si yeri habang nakahiga. "Sorry for making you think and worried about your relationship."       

      "Wow.. Nag rerepent kana?" Biro ni Yeri.

      

      Binato naman sya ng ate nya ng unan.

      

      "Seryoso, yerim." Sagot nito. "Sorry sa mga sinabi ko. Masaya ako para sayo.. Really.. I envy you. You were able to stand by yourself. You were able to fight for her. Im kinda proud."       

      "Dapat lang." Yeri said with her pride na mas mataas pa sa height nya. Magkapatid na magkapatid talaga.      

      "Pakyu." Kantyaw ng ate nya dahil na aasar na ito sa kayabangan ng kapatid nya.      

      "Sorry din." Sabi ni yeri. "Sorry i triggered you... Hindi ko alam na something happened between you and bogum at sya pala yung bungol na nagsabi sayo."       

      "Kung hindi nya ba sinabi, wala kang balak na sabihin?"       

      "Meron.. Hinahanda ko lang yung sarili ko ate. I wasn't strong.. May takot din akong nararamdaman katulad mo. Its just that Saeron really occupied a lot of space on my heart and my mind kaya nilakasan ko yung loob ko." Kwento ni Yeri.       

      "Sa kanya ako kumukuha ng lakas ng loob. Kapag magkasama kami, She always assures me na she'll wait hanggang sa ready na akong sabihin sayo.. Sa inyo."       

      "Edi wow. ang landi mo." Asar ng ate nya.       

      "Ang gagi naman. Wag na nga mag kwento nakakainis ka." Sagot ni Yeri.      

      "Yieee. Joke lang oh dali na. Kwento na. Kilig na kilig ka naman dyan."      

      "Ewan ko sayo te.. Anyways yun nga.. Then dumagdag si Ate seulgi sa nakakaalam.. Then si Joy rin."       

      "So seulgi did really knew.."       

      "Nahuli nya ako. And she kept her promise na hindi nya ako ibubuking sayo kasi gusto nya na ako mismo ang maglakas ng loob magsabi sayo."             

      Irene felt upset pero at the same time she's glad. Seulgi doesn't want to get involve. She's always like that. You can vent out to her pero hinding hindi sya makikisali sayo. She'll give you advices pero its still will be up to yourself kung anong gagawin mo. 

      

      "Pero bakit hindi mo parin sinabi nung may nga nakakaalam na?" Tanong ng ate nito.      

      "Kasi medyo takot parin ako. At concerned para sayo. Naging saksi ako kung paano mo kinamuhian si mama.. Natatakot ako na baka ganoon rin ang maramdaman mo sakin. We already experienced something like this ate. And it was the worst for you and for dad. Nag aalala ako na baka maremind lang kayo sa mga ginawa ni mama sa pamilya natin." Malungkot na sabi ni Yeri. 

  "I did blamed myself noon din ate, my own identity.. Pinilit ko na hindi pansinin. Just like what you're doing to yourself right now.. Pero patagal ng patagal parang hindi na ako to eh. Parang hindi na ako nagiging totoo sa sarili ko." Kwento ni Yeri 

      

    This was the first time na nagkausap sila ng ganito katino. Telling each other what they've been into. Irene never knew because she was busy always looking out for her dad. 
              
    "Kung hindi ko tatanggapin kung ano yung tunay na ako, parang habang buhay akong makukulong sa paulit ulit na cycle ng buhay ko. Yung magpanggap.." tumingin si yeri sa ate nya. "Ayoko naman ng ganong buhay ate. Gusto kong maging malaya habang bata pa ako. Kasi parang simula pagkabata ko never akong biniyayaan ng normal na buhay." Natawa ng bahagya si Yeri pagtapos sabihin yun pero mey lungkot na nakikita si Irene sa mga mata nito.     

    "Alam mo te, dati iniisip ko, siguro ako yung black sheep sa pamilya kasi simula nung dumating ako dun na nagsimula magkanda leche leche yung buhay natin.. Pero dati lang yun ha! Ngayon okay na ako." Huling sabi nito saka ngumiti sa kapatid nya.       

     "Im sorry.. Yeri.." Irene said once again. Saka hinila si yeri at niyakap. 

     
      Yeri is their youngest. At a young age naranasan nya magkaroon ng family problems and witnessing her dad being suicidal just because of their mom instead of experiencing a normal childhood.        
      She's sorry kasi hindi nya nabigyan ng gaanong atensyon ang kapatid nya noon. 

      
      "Thankyou... Thankyou for telling me those things yerim.."  

         
       Naramdaman ni Irene na parang may basa sa may balikat nya.. Umiiyak din siguro ang kapatid nya kaya mas niyakap nya ito ng mahigpit at hinimas ang buhok. 
       
       Ramdam na ramdam naman ni Yeri ang sincerity ng kapatid nya.. Pinat ni yeri ang ate nya. "Tama na gagi kadiri na ano ba." Disgusted na sabi nito. Saka pasimpleng pinunasan ang luha nya bago humarap sa kapatid nya.

       
       "Kaya ikaw teh, ayusin mona buhay mo ha. Kakaltukan kita dyan eh. Kaya minsan mas nag mumukhang matanda ako sayo kasi iniistress moko bwisit ka."  Kantyaw nito sa kapatid nya.       

       "Sus dahilan kapa, mukha ka naman talagang mas matanda kesa sakin." Asar ng ate nya. Binawian nya naman ito sa pagbato ng unan sa kapatid nya.        

      "Teka nga, dimo pa sinasabi kung anong kinalaman ni seulgi at ni dad! Narinig ko yun kanina!!! Wag mokong kinekeme keme dyan!!!"       

      "Oh.. Right.. She talked to dad."       

      "ANO? Nakausap nya tatay naten pero dito sa bahay hindi sya nag paparamdam????? Boang talaga yang kaibigan mo." Inis na sabi ni Yeri. "Ay... Friendship over na nga pala kayo..." Singit nito.       

      Agad namang sinabunutan ni Irene ang kapatid nya. "Bwisit ka talaga.. Tumawag daw kasi ipapa test daw tayo. Uuwi na tayo ng manila next week siguro."       

      "Ay weh? Edi babalik na rin sya?" 

     "Hindi ko rin alam yeri.." malungkot na sabi ng kapatid nya saka bumuntong hininga.. "Anyways. We're gonna need to meet her din daw pala.."      

     "Sino si seulgi???"      

     "Si mama!"      

     "Ahhh. Okay noted." 

     "At sinabi ko rin na we have something to tell him after makipag usap kay mama. And you know what is it yerms." Banta ng ate nya.      

     "Seryoso kana dyan te?"      

     "Oo? Maybe.. He's now healed.. I think he can handle it na. Matanda na sya. "     

     "Yan. Yan yung sinasabi ko sayo. Ngayon mo lang na realize?" Asar ni Yeri. 

     "Oo na."      

     "Saka hiningi mo yung number na ginamit ni seulgi diba?! At bakit????? Ang kapal ng mukha mo????"      

     "I dont know.. I was planning on contacting her kanina... Pero ngayon parang nag dadalawang isip nanaman ako.. I just want to check on her pero baka ayaw nya parin akong kausapin. A lot of damage was done after all.."      

     "Ehhh... Oo talaga ang kapal ng mukha mo... Pero might as well try.. Malay mo naman gumana parin soft spot nung tao sayo.."      

     "Oo na paulit ulit na makapal ang mukha ampota.. One of the reason din kung bakit gusto ko nang sabihin kay dad ang lahat at makipag usap kay mama para mapayapa na ako yerms. Then after non, i'll try to pursue her.. Kaya naisip kong kontakin sya.."      

     "Wow???? Namotivate kaba sa drama ko kanina?"     

     "Medyo." 

     "Ako lang to te.. Ano ba. I am the back bone of this story."

     "Yabang mo lumabas kana nga."      

     "Yieee tatawagan mo lang yung number eh."      

     "Oo nga kaya lumabas kana bwiset. Ayoko ng asungot sa tabi ko. Shoo na." Sabi ni Irene saka tinaboy si yeri palabas ng kwarto nya.      
     
     After mawala ni Yeri sa paningin nya, inabot nito ang cellphone nya at binuksan.      
     Medyo disappointed kasi since pinatay nya yung phone nya wala manlang message mula don sa number na ginagamit ni seulgi. And as expected panay tatay nya lang ang nag missed call.     
     Pero may isang unknown number na nag message sa kanya. Tapos "Sorry." lang yung laman nung message.     

 

     Why is she expecting that its from seul anyway?? Why would she say sorry eh sya yung nasaktan ng sobra.  Malamang hindi sya i memessage non. Baka so Bogum lang to or na wrong send.     


     She opened the conversation of her and yeri saka idinaial sa cellphone nya ang number na binigay ng tatay nya. 
     
    Pinindot nya ang call button.. Is she really doing this??? 
    
    Kinakabahan si Irene. It feels like her heart were going to burst any minute. Ang dami nyang nararamdaman. Nanlalamig, nasusuka, pinagpapawisan..
    


    Minutes passed and finally someone answered...
    
    
    
    It felt like her heart stopped beating for a moment.
    
    
    
    "Hello?" the woman joyfully said from the other line.
    
    
    
    But something's wrong...

         

    

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1165 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
894 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1165 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1049 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun