Chapter 3

Istranded

 Day 2 padin    

    Pagkatapos mag share ni Irene, Napag desisyunan nilang mag jamming. Para ma lighten up yung mood. 
    
    Wenseul started to strum their guitars. Habang nag iistrum nagsimulang kumanta si Wendy.
    
    "Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan,
     May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay~"

     

    "Naks eheads!!" Kantyaw ni Byul.


    "Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo~"
Sunod ni Seulgi


      Sinundan ito ni Rose at solar.
      Nagsabay sabay sila pagdating ng pangalawang chorus.

     
    "Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan~"


    Wendy sang the last line of the song.. After wendy finished, They all sighed. 
    
    "Walang magkakalimutan ha? Ang makalimot mag kakaron ng kamot sa pwet." Sabi ni Lisa. Nagtawanan naman sila.

   "Oh sinong gusto mag request ng kanta dyan?" Tanong ni Seulgi.

   "200 lang kapag hanggang unang chorus, kapag buong kanta 500." Sabi naman ni Wendy.

   "Presyong Zenpro ka pre ah branded ba yang boses nyo?.. Ako nalang kakanta. Mag gitara nalang kayo dyan." Sabi naman ni Byul na lumapit kila seulgi. 

   "Maalam ka kumanta? Diba rapper ka ng hambog ng sagpocrew dati?" 

   "Naman ako pa. Kaya ko lahat. All in one ako kaya crush na crush ako nan ni yong eh." Sinamaan lang sya ng tingin ni Solar.


   "Kaya nyo chords ng ako'y sayo, ika'y akin?" Tanong nito kila Seul.

   "Kakayanin para sayo brader." Sabi naman ni Wendy. Nagtinginan sila ni Seulgi saka tumango sa isat isa tapos nag simula nang mag strum.

   "Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin~" Simula ni Byul. 
    Everyone is amazed because of her low register. Di nila akalain na kaya ni byul abutin yung mga panlalaking kanta.
   Pero tumigil sya pagtapos nung unang line. Tumigil naman sila Seulgi sa pag tugtog.


   "Ano ngang kasunod?" Tanong ni Byul

   Binatukan sya ng dalawa. "Tanginang to umuwi kana sa maynila! sauluhin mo muna yung kanta hayop ka." Sabi sa kanya ni Jisoo.
   
   "De joke lang. Sa chorus na nga tayo. Game na seryoso na. Yongsun Solar Alvero. This is 4 u. Happy 20th Monthsary. aluvyu." bangit ni byul with matching flying kiss.


   Nagsimula na ulit sila wends tumugtog. Pero sa chorus na sila nag simula.

   "At kahit ano'ng mangyari
Ang Pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin.."
kanta ni byul

   Pero tumigil ulit sila wendy. "Sabi mo chorus?! pangalawang verse na yan eh! di tuloy sabay yung tugtog." Inis na sabi ni Wends.

   "Ay pangalwa na ba yun? oh sya game na. Seryoso na talaga hahaha." Natatawang sabi ni byul tapos nag simula na ulit sila wends. This time nagka intindihan na talaga sila nila byul.

    "Ang mahaaaalll~ Maghihintay ako kahit kailannnn
Kahit naaaaa~ 
Umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyoooo~ Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang~"
banat ni byul tapos lumapit kay solar. 

  Inabot nito ang mga kamay ni Yong tapos tumayo sila. 

   Lumuhod si Byul. nag hiyawan ang lahat. Nagkunwaring may kinukuha sa bulsa si Byul. Pero pag labas nya nung kamay nya finger heart lang pala. 
   Sinapak sya ni Solar tapos pinatayo saka niyakap. 
   Nag kantyawan naman ang mga kaibigan nila.

   "Walamporeberr!!!" Kantyaw ni Lisa

   "Ang luma naman ng line mo." Sabi sa kanya ni Jennie. Natawa naman sila sa sagot nito kay Lisa.

   Tinapos na ni Byul ang kanta nya dahil chorus lang pala ang alam ni gaga.    
   
   Si joy ang sunod na nag request. Sya nalang din daw ang kakanta. 
   
   "Hindi mo lang alam naiisip kita
Baka sakali nga maisip mo ako~"
Kanta ni joy kahit wala pang tumutugtog.

    "Teka lang anong kanta yan?" tanong ni Seul

    "Oo." Sagot ni Joy

    "Ha?" 

    "Ako seul! akina ako mag tutugtog alam ko yun!" Sabi naman ni Rose tapos lumapit kay seul para kuhanin yung gitara.

    "Game Joy.." Sabi nito saka nagsimulang mag strum. Joy cleared bago mag simulang kumanta.

    "Nagtapos ang lahat sa di inaahasahang
Panahon at ngayon akoy iyong iniwan
Luhaan, sugatan, di mapakinabangan
Sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam~"
kanta ni joy.

    siniko ni seulgi si Wendy sa tabi nya na ngayon eh mesmerized na mesmerized sa kanta ni Joy.
    
    "Ako'y iyong nasakatan
Baka sakaling lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako'y nandrito parin hanggang ngayon para sayo~"
Sunod ni joy tapos napatingin sya kay Wendy.

    Bumulong si Seulgi sa kaibigan nya. "Andyan padin naman pala sya para sayo eh." Biro ni Seul. Siniko lang sya ni wendy.
    
    
    Sumunod ang pangalawang chorus at sinabayan sya ni Rose sa pagkanta. Si wendy nakatitig lang. Feeling nya para sa kanya yung kanta ni Joy.
    Pero tama naman sya, para sa kanya naman talaga yun.
    
    
    
    
    "Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa tuwing nakukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang hindi mo lang alam
Matalino ka naman."

    Joy's last lyrics hit wendy. Kintanta ito ni joy habang nakatingin sa kanya kaya mas lalong kumabog ang dibdib nya. 
    Si Rose na yung nagtuloy nung huling chorus.
    
    "Ano? Kaya pa?" sabi ni seul kay wendy habang pinupuri ng mga kaibigan nila si Joy at Rose.

    Sinamaan lang nya si seul ng tingin. 
    
    "I made up my mind." Sabi ni wendy kay seulgi.

    "Hindi tayo pwedeng umalis dito sa batangas hanggat hindi ko sya nakakausap." Sabi ulit ni wendy.

    Ngumiti naman si Seulgi sa kanya.. Pinat nya yung balikat ni Wendy. "Isang araw nalang natitira sayo. Gawin mo nalang." Proud sya dito dahil nagkaroon na si wendy ng lakas ng loob.
    
    Bumuntong hininga si Seulgi. 
    
    'Ako kaya? Kelan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob? Magagawa ko din kaya yun habang nandito pa kami sa batangas?' sabi nito sa isip. 

    
    "Ikaw naman seul." Umangat ang ulo nito at tumingin kay Irene.

    "Ha?" 

   "Ikaw naman kumanta." Sabi ni Irene.. "I want to hear your voice.." 

    Ngumiti si Seulgi. Nabuhayan sya. Naisip nya na ikanta nalang yung nararamdaman nya.
    
    "Okay.." Sabi lang nito. Inabot naman na ulit ni Rose sa kanya yung gitara.


    Huminga sya ng malalim. 
    
    "Dami pang gustong sabihin.. Ngunit wag nalang muna~" Simula ni Seulgi tapos nag strum ng gitara. Sinabayan din sya ni Seungwan sa pag tugtog.

  
     She choose the song pagtingin. Dahil ang dami dami nya nga namang gustong sabihin. Kaso hindi ito pwedeng ilabas ng basta basta nalang.
     Kaya ilalabas nya nalang ito sa pamamagitan ng pagkanta.
     Maybe also to gave a hint to Irene.. Because while singing, she only stared at irene.
     
     
     
     "Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin~"


    'Sana hindi ka magbago, sana walang magbago sa ating dalawa hyun..' Seulgi's thoughts


    "Pahiwaaatiggggg~" Sabay sabay na kanta ng mag totropa.

     "Sana di magbago ang tingin~" Kanta ni seulgi.

     
    "Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman"
Pagdating sa part na to, iniwas ni seulgi ang tingin nya kay Irene at nag focus nalang sa mga tropa nyang sumasabay din sa kanya because they are all getting hype, tumayo sya.


    Ibinigay nilang lahat ang huling part kay seulgi. Humarap sya kay Irene bago banggitin ang huling lyrics ng kanta.
    Their eyes met.
    
    
    "Subukan ang manalangin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Baka bukas, ika'y akin
Sana 'di magbago ang pagtingin~" 


    Ngumiti sa kanya si Irene. She never knew.. Irene never knew na yung kanta ni seulgi ay para sa kanya.. She never knew that it was a message for her. 
    
    Ngumiti din si Seulgi. Nag thumbs up naman sa kanya si Irene for complement.

~~
Last Day (Dapat)

 

     "Dylan, Parang feeling ko naiilang si cortez saakin." 

     "Dylan? May tama ka na ba?"

     "Tipsy lang. I just want to call you dylan. Bakit ba."

     "Then allow me to call you jade."

     Irene rolled her eyes. "Fine.. But just for tonight."
     
     I smiled. I like to call irene by her second name because I'm the only one who can call her that. "So, anong meron kay byul?"

     "Feeling ko naiilang sya sakin... Paulit ulit tayo dylan? O bingi ka lang talaga?"

     "Bakit?"

     "About kahapon.. Kasi diba.. The issue about my fam.. And also my curiosity about her relationship with solar.."

     "Tigil tigilan mo nga ako sa kaka english mo jade. Nasa pilipinas tayo mag tagalog ka. punyeta." Sagot ko saka uminom ng hawak kong san mig. 
      Di na ako kumuha ng hard na inumin kasi aalis na din kami bukas at mag mamaneho pa ako.. Ayaw ko ng hangover.

     "Wala ka kwenta kausap kainis ka." Tatayo na sana si Irene pero pinigilan ko sya habang tinatawanan ko.

    "Alright sorry.." Sagot ko. Naupo naman na ulit si Irene. "Masyado ka kasing seryoso.. pano mo naman nasabing naiilang sayo si byul?" 

    "Di ko din alam. Basta feel ko lang.." 

    "Hoy buwan! halika nga dito." Tawag ko sa kaibigan ko.

    "Huy! bakit mo tinawag gaga ka talaga! Kakasabi ko lang na naiilang eh." 

    "Mag usap kayo." Sabi ko kay byul nang makarating ito. May tama na si byul pero mukhang makakausap pa din naman ng matino.

    "Ha? Bakit? May problema ba?" Takang tanong ni Byul tapos hinila ko sya paupo.

    "Naiilang ka ba kay irene?" Diretsuhang tanong ko kay byul.

    "Ha? Ahh ehh... H-hindi namann.. Bakit??"

   "Sure ka? Mukhang naiilang ka nga eh. Halata sa salita mo."

    Napaisip si byul. Nag buntong hininga ito. "Sorry.." 
    
    Gets naman na namin ang pinupunto ni byul.
    
    "No.. Hindi mo kaylangan mag sorry.. Ako dapat yun.. Im sorry byul.." Sabi naman agad ni Irene

    "Naiilang ako kasi nung nabanggit mo yung issue about sa family mo, feeling ko pinapaalala namin ni solar yung nangyari between your mom and dad.. You know, being in a relationship with the same gender... Naisip ko na baka hindi mo talaga pabor yung mga ganyong relationship.. Naisip ko na baka na weweirduhan ka saakin.. Saamin ni Solar kaya medyo nailang ako sayo.." paliwanag ni byul.

    "Im not against your relationship cortez, syempre buhay mo yan.. Wala dapat akong pakeelam dyan.. Oo nung una hindi ko talaga gusto yang mga ganyang relationship kasi bukod sa nangyari nga sa family namin, i also find it weird and i hated it... Pero ngayon, since i've always noticing the both of you na you are always happy with each other's company.. I guess its normal naman pala to be in a relationship with the same gender.. And also the issue about my mom, kinalimutan na namin ni Yeri yun.. 6 years na din naman ang nakalipas.." 

    Ngumiti si Irene kay Byul.. Ganun din si byul sa kanya.

    "Cheers nga tayo!" Sabi ni Byul tapos inangat yung hawak nyang baso. Nag cheers naman sila ni Irene.

    "Ano goods na tayo?" Tanong ni Irene kay byul.

    "Opkors madam! Basta kapag curious ka, ready kaming sumagot." Sabi naman ni Byul. Nagtawanan lang silang dalawa.

      Napatingin si Byul saakin. "Hindi naman pala anti yang si beshie mo eh.. Bakit di mo subukan?" bulong nito saakin. Medyo malakas din yung videoke at malakas din yung boses ng mga kumakanta kaya hindi yun rinig ni Irene.

     "OY ALCANTARA! Kanta mo na to!" Sigaw sa kanya ni Joy.

    Tumayo naman na si Irene saka nagpunta kila Joy. Si wendy naman yung pumalit kay Irene. Naupo sya sa tabi ni Seulgi.
            
     "Natatakot padin ako. 6 years na friendship namin yung nakasalalay brad eh. Miski nga pagkatao ko hindi ko maamin." sagot ko nung nakaalis si Hyun.

      "Tanga, kulang ka lang sa confidence. Alam mo, kung gusto mo talaga syang mapasayo, lahat gagawin mo. Kahit malubog pa sa hukay yang 6 years of friendship nyo. Lagi ka kasing tumingin sa bright side seul. Sa tingin ko naman, kung sakaling umamin ka, hindi ka naman nya iisawan eh.."

      "Laging tumingin sa bright side eh wala nga akong makitang bright side. Puro dilim ang nakikita ko. Siguro kapag nakakita ako ng kahit isang ilaw dun sa dilim na yun, dun ko mapapagdesisyunan na sabihin sa kanya lahat."

     "6 years of friendship can me more seul.. May positive at negative side yan. Pero dahil sabi ko nga sayo, always look at the bright side, malay mo hindi lang dumami yung years dahil sa friendship nyo.. Dadami yung years kasi magkasama na kayong tatanda dahil sa pag iibigan nyo."

    Napangiti naman ako sa advice ni gaga.. Paano nga kaya? Am i ready to risk those 6 years? Am i ready to take the consequences?
    
    
      "salamat ah." Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat.

      "walang anuman brader basta ikaw." 

     "Ano ikaw? Wala ka namang nai ambag lumayas ka na dito. Naki chismis ka lang kupal ka." Sabi ko kay Wendy.

     "Ano pa bang aasahan mo sakin?" Sabi naman nito.

     Nagtawanan kami tapos uminom.

    "De seryoso, salamat talaga buwan. Iba talaga ang payo ng kaibigan kapag inlove. eto kasi si langit wala ding kwenta eh.. Patango tango lang.. Pinagmana siguro to ni tita lydiah sa patatango" 

    "Jusko jan ka pa umasa eh boplaks din yan pagdating sa pagibig. Tignan mo nga oh patingin tingin padin kay aleah, alam naman nilang mahal padin nila ang isa't isa, iniintay pa atang si Aleah ang gumawa ng unang move."

     "Ewan ko ba dyan, umaastang top kahit bottom naman." 

     "Tanga kayo." Sabi lang ni Wendy. Tinatamad ata makipagtalo kaya di na kami pinatulan.. Mukhang wala sa mood tong gagang to.. Bakit kaya?


  
   "Catch me, I'm falling for you
And I don't know what to do~"
Napatingin naman kami kila joy.

      Kasalukuyang kumakanta si Joohyun.. 

     "Oh brad saluhin mo daw.. Na fafall na pala eh.." Biro ni Byul.

     "Tangek.. Malay mo kay gums pala na fa-fall, hindi kay dylan." Sagot ni Wendy.

     "Ay oo nga palaaa...." Marahang sagot ni byul tapos tinignan ako ng nakakaasar. 

     Parang kanina lang g na g sa pag aadvice tapos ngayon nang aasar na.
     
     
     "Hoy dito nga kayo! umiiwas kayo sa alak eh! Ano ba pinag uusapan nyo dyan?" Tawag saamin ni Lisa.

     Tumayo naman na kaming tatlo tapos nag punta kung nasaan sila. Rumenta sila ng videoke kanina para daw mas feel.. Mga mag iingay lang naman.
     
     
     Pero not when irene started to sing.. Hindi ingay ang hatid ng boses ni hyun saaking tenga..
     May tama na siguro to.. Napapakanta na sa videoke eh.
     

    "How can something so wrong feels so right all along? Catch me, i'm falling for you~"

          
     Kumuha ako ng bagong can ng san mig tapos tinitigan ko lang si joohyun habang kumakanta sya. 
     Napatingin naman sya saakin.
     Kinindatan pa ako ni gaga. Lasing na nga. Tinawanan ko lang sya tapos sinabayan ko yung sinod na lyrics. Favorite nyang kantahin yan sa videoke eh kaya saulo ko na din.
     
     
     "I know we can't ever be
More than friends, you and me
But why do I feel this way~" 


     Ngayon ko lang napansin na tumatama din pala saakin yung lyrics nung kanta.
     Salamat miss toni gonzaga ha. Mapanakit pala yung kanta mo.
     Dati kasi pabiro lang namin kinakanta ni hyun yan eh.. Not knowing what was the real meaning of the lyrics.
     
     
     "Catch me, I'm falling for you
And I don't know what to do~"


      Oo Joohyun, Na fafall na ako sayo at hindi ko alam ang gagawin ko.
      Sasaluhin mo naman kaya ako kung sakaling sabihin ko sayo lahat? 
      
      Minsan naiisip ko, akala ko ba babae at lalake lang yung hindi pwedeng maging mag bestfriends for life kasi hindi nila mapipigilan na mahulog sa isa't isa?
      Eh bakit sa case ko? Taena parehas naman kaming babae pero nafall padin ako? posible pala yun?      
      Kung bakit ba naman kasi napaka wrong timing ng oras tapos kung ano yung bawal yun pa yung mas nakakatemp at hindi mo mapipigilang gawin.
      
      
      
      "Maybe someday I'll see
Why love did this to me
'Cause I can't go along pretendIIIINNGGGGG~" 

     "HOOOOOOO!!! TAGAY PAAAA!"
     "ANG GALEEENGGG!!! DAIG MO PA SI TONI!!!" kantyaw ng mga kaibigan namin.
    

     Ayan na potah, nag highnote na si ate mo ghorl. Ang lakas ng loob ngayon ah. Dati rati ako lagi pinapakanta nya kapag mag hihighnote na si Toni G.
     

     "And is it wrong for me to feel this way~
'Cause I don't know what to do without YOUUUU
I'm falling for YOUUUUUU~"
Huling birit nya. Natawa naman ako. Lasing na talaga to. 

     Palakpakan with matching hiyawan ang binigay sa kanya ng mga kaibigan namin.

     Tumingin sya saakin saka kinanta yung huling lyrics. I smiled tapos sinabayan ko sya.
     
     Please catch me hyun.. Because i don't ing know what to do without you... When i confessed to you how much i like you..
     
     
~~~~

      "Truth or dare? Apaka common naman nan katie."

      "Syempre hindi lang to basta basta truth or dare no. Kapag hindi mo gusto yung idadare namin, o kapag hindi mo nasagot yung truth.. tatagay ka."

     Its already 10pm, dahil may curfew tinigilan na namin yung videoke. Nasa loob na kami ng bahay ngayon nasa living room kaming lahat nakaupo sa sahig. 
     
     Katabi ko si joohyun. Nagulat ako ng bigla syang humiga at umunan sa lap ko.

    Na estatwa ako ng sagit. "Dylaaann i relax mo yung legs mo. Sakit sa ulo nararamdaman ko yung buto mo." Sabi nya. 

    Tumango lang ako tapos nag try ko mag relax. "Bakit kasi hindi ka don sa sofa mahiga. Mas komportable naman don." Sabi ko nang maka kalma ako. 

    Tumingin sya sa may sofa. Napatingin din ako.
    Nakita ko naman na naglalampungan si Byul at solar sa may sofa.
    Jusko kaya naman pala.


   "Ok nako dito.. Kaya irelax mo yang katawan mo. Bat ka ba natetense lagi ko naman tong ginagawa dati diba?"

    Hinawakan ko yung ulo nya tapos pinatayo ko sya. Tumayo naman sya pero naka pout.


    "Dati yun jade.." Sabi ko tapos nginitian ko sya. Inirapan nya lang ako.

     Iba na ngayon hyun.. Iba na yung pakiramdam kapag ginagawa mo ngayon yung mga ginagawa natin dati.

    
    "Ay hindi! alam ko na!" Sabi naman ni Joy. "Meron akong dinalang jengga. Alam nyo yun?" Tumayo sya tapos kinuha yung jengga sa maleta nya.

    "Oh anong thrill dyan?" Tanong naman ni Jennie

    "Bawat blocks may naka dikit na question dyan. Meron ding dares. Kung ano yung number ng kukuhanin mong blocks yun yung gagawin mo. Kapag di mo ginawa yung dare or di mo sinagot yung tanong, Iinom ka." paliwanag ni Joy tapos inayos sa gitna yung jengga.

    "Kung sinong makapag pa tumba, mag shashot ng limang baso." Sunod na sabi nya pagtapos ayusin.

    "Pota limang baso?" Reklamo naman ni Lisa

    "Oo limang baso kasi bopols ka, kasi napatumba mo yung tower."

    "San mo naman nalaman yang larong yan? di ka naman suki ng mga party ah?" sabi naman ni Irene

    "Nag bago nako." Proud na sagot ni Joy. 

    Napatingin ako kay wends na nasa tabi ni yeri. Napatingin din sya sakin. Pero natawa lang kami sa isa't isa. 
    Nagbago na daw pala si aleah.. HAHAHA. Sana yung feelings nya hindi. Lol ship ko sila ni langit eh HAHAH
    
    kwento ko sa inyo ng saglit love story ng dalawang yan.. 
    Grade 8 kami, nagkaroon kami ng swimming.. Tropa ko tapos tropa nila irene. dun din kami nag simulang maging mag totropa lahat. 
    May jowa pa si joy nung mga kasagsagan nun, pero nung nasa resort na kami, ay jusko laging magkasama yang si joy at langit. Laging nasa gilid ng pool nag kukwentuhan.
    Minsan may dala pang red horse tong si wendy tapos mag 1 on 1 sila. 
     
    Tapos yun, Umamin samin si wendy na fafall na daw sya kay joy.. Kasi apaka sweet daw sa mga message. Pokpokmaru tong si langit eh.
    Salamat naman kasi nag hiwalay na din sila nung jowa nya kasi dahil nga dun sa swimming na naganap kasama kami. HAHAH. Kaya pala ang lakas ng loob netong si bujoi na landiin aports ko.   

    Eh etong si bujoi, sobra sobra naman pala mag mahal.. Halos umabot na sa point na hindi na mapantayan ni wendy yung pagmamahal nya. 
    
    Etong bonak naming kaibigan, hiniwalayan. Sabi nya samin di nya daw deserve si joy. Pero nag babalikan padin sila.
    
    Sabi naman namin, tanga lang sya humawak ng relationship kasi bata pa kami nun. HAHAHAHA
    
    Ayun, Last na hiwalay nila eh nung pagtapos ulit namin mag swimming nung grade 10 kami. Isang taon na silang hiwalay ngayon.. yun na yung pinakamatagal nilang hiwalayan.. 
    
    Pero feeling ko naman may pag-asa pa sila eh. Gisingin lang talaga ang natutulog na puso ng dalawang to.


   "Hoy seulgi ikaw na!" Nabalik ako sa mundi nang hampasin ako ni jisoo sa kabilang tabi ko.

    "Ako na kaagad?" Tanong ko. Kinuha ko naman na yung dice tapos ni roll ko na.

    "20"

    Binunot ko yung number 20 na block, at dahil hindi pa naman umiikot ang paningin ko, nabunot ko sya ng maayos.
    
    
    Binasa ko yung nakasulat "Give the smallest person within the group a kiss."

    Nagtinginan kaming lahat kay wendy. Pero tumingin din yung iba kay Irene.

   ??? HOY TEKA MAGKASING TANGKAD LANG SILA.. SINONG I KIKISS KO????

    Yung iba tumingin din kay Yeri. 

   "Oh teka teka. Mas matangkad ako kay ate saka kay wendy!" Protesta ni Yeri.

   "Tayo nga kayo." utos ni joy kay Wendy at Irene.

    "Its definitely wendy! Ayoko magpakiss kay dylan!" Protesta ni Irene.

    "ABA AKO DIN NO! Kaya tumayo ka dyan sukatin natin height naten!!" protesta din ni Wendy.

    "Di ko alam kung masasaktan ba ako dapat o ano." Pabirong sabi ko.

    "Oh game game." Naglabas naman ng medida si Lisa. 
    San nya nakuha yun????


    Una nilang sinukat si Irene

   "158" sabi ni Lisa

    Sumunod naman si Wendy. 

    Tumitingkayad pa si gaga.

   "Wag kang madaya! Umisteady ka." Sabi ni Irene tapos hinawakan yung balikat ni seungwan para di sya maka tingkayad.

    "one fifty..." Pabitin ni Lisa

    "One fiftyyyyyy FIVEEEE!!!" 


    SALAMAT PO GSAUCE HNGGGG. SALAMAT AT HINDI SI IRENE.

    lumapit ako kaagad kay wendy tapos hinawakan ko yung mukha nya.

    "Magpasalamat ka kasi madadampian ka ng aking holy lips HAHAHA." Sabi ko tapos kiniss ko sya sa pisngi. 

    "Yuck taena mo." Sabi nya lang tapos pinunasan yung pisngi nya.

    "BADUYY BAKIT SA PISNGI!!" Kanyaw nila

    "WALA NAMANG SINABI DUN SA DARE AH! BASTA KISS LANG. SAKA AYOKO NAGING SI SKY FIRST KISS KO NO!!"

     "SAME BRO SAME." Sabi lang ni wendy tapos naupo na ulit kami.


      Tuloy tuloy lang yung laro. Masyaa nama kasi panay dare din yung nakasulat tapos puro kagaguhan haha. Madalang lang may maka bunot ng question.
      Nakakailang round na din kami kasi laging napapatumba ni Lisa yung tower kaya ayun laging shot ng limang baso.
      
      "Bilisan nyo umiikot na paligid ko00" Reklamo ni Lisa.

    "37" Sabi ni Irene. 

    Binunot nya yung Number 37. At dahil wala na yung nasa gitna na block, Napatumba nya yung tower.    
    
    "OHHHH SHOT SHOT SHOT!!!" 

   "Madaya." Sabi lang ni Irene. 

   Kinuha nya yung shot glass na tinagayan ni Joy. 

    "Wag mo punuin gaga ka." Sabi ko kay Joy 

    "Kaya ko yan." Sabi naman ni Irene

    "Feeling strong ka teh. Tapos mamaya susuka." Sabi ko 

     "Nyenye." 

   Sinunod sunod nya yung limang shot. Taena lakas sa alak ng babaeng to. 

    Tinignan ko sya pagkatapos. Namumula na sya.

    "Huy? ano? Kaya mo pa?" Bakas sa tono ng pananalita ko ang pagka concerned.

   Nginitian nya lang ako tapos tumango sya.

      
   "Hoooo ang tapangggg!! Oh game! Ano yung nakasulat sa number 37?" Tanong ni Yeri.

    Uminom muna ng tubig si Irene tapos namulutan bago mag salita. 
    
    Binasa nya yung nasa nakasulat "Kung maiinlove ka sa isa sa mga kasama mo ngayon, sino at bakit?"

    "Psh ano ba naman to. wala namang lalaki dito pano ako pipili? Mag shot nalang ulit ako." Sabi ni Irene

     "Kung magiging lalaki kami. Isipin mo nalang." Sabi naman ni Rose

     Nagiintay kaming lahat sa sagot nya. Tinignan nya kami isa isa. bakas na sa mukha nya na lasing na sya. Yung mata nya pumupungay na.


    "Kayong tatlo, ekis na kayo." Sabi nya tapos tinuro si Jen, rose, saka Joy. "Kasi kung magiging lalaki kayo, siguro mas maarte pa kayo sakin!" Sabi nya. Tapos tunawa.

    Tumingin sya kay yeri. "Ikaw.. Ayoko sayo pangit ka. Kamukha mo si mama." Sabi nya sa kapatid nya. Nagtawanan naman kami.

    "Wow ha. Porket nakuha mo lahat ng genes ni papa!" Sagot naman ni Yeri.

    "Manahimik ka dyan." 

    Tumingin sya kay byul. "Si byul?? pwede sana kaso babaero." Sabi nya. Napakamot naman ng ulo si Byul. "Si solar negats na din kasi inlab na yan kay Byul eh." 

    "Inisa isa mo pa kami, alam naman namin si Seulgi din naman pipiliin mo! i skip mo na yang dalawa ni Lisa at Jisoo!" Sabi naman ni Jennie.

     Natawa naman si Irene. "Eto si dylan? Di ko din pipiliin to." Sabi nya. 

    Uhh?? Wait.... anong dapat kong maramdaman?? sign na ba yun na tumigil na ako???

     "Gusto ko man syang piliin kaso, ayokong i risk yung 6 na taon naming friendship kasi baka mamaya ma reject ako. Tapos syempre ano bang magiging resulta non? awkwardness. Iiwasan ang isa't isa. Hahaha" Paliwanag nya.

     Tumingin sya sakin. Di ko alam pero i want to avoid her stares pero di ko magawa. 
     We have the same thoughts kung sakali man na may mafall nga saamin. 
     But it is not the real life. Its just a question that she needs to answer.. Why does it affect me so much?

     "Pero tama kayo.. Si dylan yung padin yung pipiliin ko kasi she knows me well... Higit pa sa pagkakakilala ko sa sarili ko."

    I want to record those last words that she said.. My heart went oops mga dre. HAHAHSHHZ
    Pero talaga.. Sana totoo nalang lahat ng to.. Sana totoo yung mga sinasabi nya..
    AT ANG BIGGEST SANA.. 

    SANA NAGING LALAKI NALANG AKO.
    

~~~

      Halos lahat ng kasama namin ngayon sa batangas ay mga naglupagi na sa sahig dahil sa sobrang kalasingan pagkatapos namin mag laro. Sumuko na ang mga gago.

       Lumabas ako para magpahangin at para na din mag sober up ng konti. Naupo ako sa Bench sa garden ng kanilang penthouse kung saan matatanaw mo ang dagat.

"Gi.." 

      Boses palang ay kilalang kilala ko na kung sino ang tumawag sakin.

      Hinarap ko si Irene na ngayon ay papalapit sakin. Medyo gumegewang gewang pa sya papunta kay sakin dahil sa tama ng alak. 

      Tumayo ako para alalayan si Irene hanggang sa makaupo na silang dalawa sa bench na inuupuan ni Seulgi.

      Irene lay her head in my shoulder as soon as we sit down.

     I sighed. 'Eto nanaman tayo..' I thought. Umayos ako ng pwesto para maging komportable si Irene sa pag lean.

     "Bakit dito ka nagpunta? Dumiretso kana sana sa kwarto mo kung inaantok kana hyun.." Sabi ko. Tinignan ko si Irene at nakita kong nakapikit na ito.

     "Gusto ko magpahangin bakit bawal ba? Sagot nya.

    Bumuntong hininga lang ako.
    Nagpunta ako dito para ma clear yung isip ko sa mga sinabi mo kanina.. Tapos ngayon andito ka nanaman..
    Leaning on my shoulder like we were some kind of lovers on a vacation..
    
    Im still curious.. If she really meant what she said earlier..
    Gusto kong malaman.. Kasi baka kapag nalaman ko, magkaroon ako ng konting chance diba?

    "Hyun?" Tawag ko.

    "Hmm?" 

    "Did you mean it?"

    "Alin?"

    "Yung mga sinabi mo kanina.. About sa pag pili sakin?"    

   "Of course i mean it. Kung lalaki ka lang talaga seulgi.." Sagot nito.

    Putanginang ual orientation yan. bwisit.

   "Siguro you will be the man of my dreams." 
   "Psh.. Wala na corny na." Sabi ko. Kinikilig ako wag kayong ano kaya iniwas ko na yung topic.

   "Totoo yun seulgi. Nasayo na lahat ng ugali na gusto ko sa lalaki.." Sabi nya. "Alam mo, siguro maiingit ako sa magiging jowa mo in the near future."

   "Bakit ka naman maiingit sa sarili mo?" Pabulong kong sabi.

   "Ha?" 

   "Hatdooog." Sabi ko tapos piningot ko yung ilong nya.

   Umangat ang ulo ni nya mula sa balikat ko tapos hinawakan nya yung ilong nya. "Masakit!" 

   Tinawanan ko sya. "Mainggit ka talaga." Biro ko. "Teka nga, kung kaugali ko yung type mo, bakit si bogs?Sobrang magkaiba kami ng ugali nun??"

    "Bogum is kind. He's kinda cute."

    "Mas cute ako no." 

    "Oo na. Mas cute ka na.. But you know, kapag pala nakitaan mo ng super effort yung tao, yung affection mo towards sa kanya lumalalim din.." Sabi nya.

     Oo kaya nga yung feelings ko mas lumalalim na din eh.

    Tumango lang ako.. Tapos nginitian ko sya. Hindi nako sumagot. Ayoko nang makarinig ng magagandang papuri kay bogs mula sa bibig nya.
    Wala naman akong pakeelam don.

   We both stayed quiet for a minute.. Nakatitig ako sa dagat habang sya nakatitig sa langit. 
   She likes the sky.. She always like to stare at the sky..

   
    I can feel that Irene stared at me for a minute.. Pero hindi ko sya nililingon. 
Ayoko. Baka kung ano pang magawa ko.


    "Im wondering..." Nagsalita sya. Almost like a wispher to my ear.

     Humarap ako sa kanya. Nagulat pa ako kasi ang lapit ng distansya ng mukha namin sa isa't isa.
     
     Nakita kong bumaba yung tingin nya sa labi ko...
     Jusko rold.. Anu nanaman ba tooo?? pagsubok nanaman baa?? nakaiwas nako kanina dibaa?? bakit bumabalik nanaman tayo dunn??? 

    Bumalik ako sa pagiging kalmado nung nagsalita sya ulit.

 

    
     
"What does it feel.... to kiss you?"

 

 


     
     Amen. Sumalangit nawa ang baklang kaluluwa ni dylan..


     

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1149 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
878 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1149 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1034 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun