Chapter 6

Istranded

  "Umupo ka nga. Masyado kang na tetense dyan baka mahimatay ka. Hinga boi. Ako lang to." natatawa kong sabi.

   Huminga sya ng malamim bago umupo sa kabilang side ng kama.
   
   "So may jowa ka?" Tanong ko ulit sa kanya. This time tumango na sya.

    "Sino? Kilala ko ba?"

    "Si... Uhmm.. Sae..ron"

   "Saeron? Yung bestfriend mo?"

   Tumango sya. Wow. Daig pako ng batang to. Apaka speed.
   
   Ngumiti ako. "wowww!!! Congrats bansot!!! Kailan pa? Bakit dika nag kukwento samin?" Excited na tanong ko sa kanya. 

  Mukhang medyo gumaaan naman yung pakiramdam nya. 
  
  "Nung nag moving up.. Uhmm umamin sya then ayun.. Same naman kami ng nararamdaman so.." Medyo nahihiyang kwento nya.


  "Actually, ipapakilala ko naman na dapat sya sa inyo. Sasama sana sya sa vacay naten dito. Kaso nga lang may plans din pala yung family nya kaya ayun.. Hindi sya nakasama.." paliwanag nya.

  "Ikaw ha bata bata mo pa. Jumojowa ka kaagad dyan." Kunwaring sermon ko.

  "Anong pa bang magagawa ko? Andyan na eh." natatawang sagot nya.

  "Bakit mukhang kinakabahan ka nung nahuli kita?" Tanong ko naman. 

  "Uhmm, Kasi baka sabihin mo?.. kay ate.." 

  Nagtaka naman ako.  Bakit naman? Hindi ba ok na malaman ni Irene?


  "Huh? Bakit? Hindi nya alam? Ako palang nakakaalam?"

   Tumango naman sya. 


   "Bakit?" 

   "Ayokong malaman nya.."

   "Yeri kapatid mo sya? Dapat nga sya pa yung unang makaalam."

   "I know.. Pero kasi.. Tingin ko hindi papayag si ate. Magagalit lang yun."

   "At bakit naman?"

   "Si mama iniwan si papa dahil mas pinili nyang makipag relasyon sa babae. Tapos ako, ganun din pala.. Nag woworry lang ako kung anong mararamdaman nya. Feeling ko i hahate nya ako katulad ng sobrang pagka hate nya kay mama.." malungkot na sabi ni Yeri.

  "Akala ko ba wala na sa inyo yun? Saka mukhang ok naman ang ate mo eh. Ok nga sya kila byul at solar." 

  "Hindi ko din alam. Pero feeling ko kasi hindi nya matatanggap kung pati ako ganyun din.."

   
   "Lam mo yerms, Ano naman kung babae yung gusto mo? Hindi ka katulad ng mama mo na tinalikuran kayo.. Kahit naman babae yung gusto mo, hindi mo naman iiwan sila ate at papa mo diba?"


   Lumapit ako at pinat ko nalang yung balikat nya. Nalulungkot din tuloy ako.
   

  "Hindi ko naman sila iiwan, ang nasa isip ko kasi baka hindi nila... matanggap..." sagot nya.

  "Saka sa totoo lang ate seul.."

  "Wow ate? Himala?" medyo natatawa kong sabi. Minsan lang kasi tumawag na ate to sakin eh.

  "Tsk wag na nga. Ginagalang na nga eh." 

  "Ano ba yun? Tuloy mo na."

  Inirapan nyako tapos bumuntong hininga sya. "Nagkaka contact padin kami ni mama."

  "Oh? mabuti naman."

  "Oo nga, pero kasi.. Iniisip ko si ate lagi.. Ever since kasi nung umalis si mama sa bahay lahat ng connection ni mama samin naputol na. Kasi ayaw ni ate.."

   "Yeri.." Wala nakong masabi. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob ng batang to. 

    Bumuntong hininga ako. 

   
   "Secret nalang muna sa ngayon ha." sabi nya tas tumingin sya saken.


   Tumango ako. "Pero kaylangan mo padin sabihin yan. Isipin mo yung mararamdaman ni saeron kung sakaling hindi ka willing na ipakilala sya kila tito. Saka yang kay mama nyo."
   
   "Gagawin ko yun. Kapag ready nako. Paglalaban ko pa si sae." Proud na sabi nya. 


   "So, sinong top?" natatawang tanong ko. Lokohin ko nga para medyo mag lighten yung mood nya.


   Ngumiti sya, sabay turo sa sarili nya. 


   "Wehhhhh????" Sagot ko tas nag tawanan kami.


  Napatigil kami nang may biglang kumatok sa pintuan. 
  
  
  "Ginagawa nyo? Kakain na." Bumungad samin ang mukha ng ate ni Yeri. 


   "Kanina ka pa?" tanong ko.

   "Why do you always ask me kung kanina pako? Ano bang pinag chichikahan nyo?" binuksan nya ng ayos yung pinto tapos nakapamewang syang tumayo sa may pintuan. Lookin like our mom.


  Natawa naman ako sa itsura nya. 


  "May nakakatawa ba ha?! Dylan Seulgi Ramirez?!"

   Napatigil ako sa pag tawa. The way she calls my full name.. Shet goosebumps.


   Tumayo ako, ganun din si yeri. Naglakad na si yeri palabas. 
   
   "Una nako ah gutom nako eh." Sabi nya ng makarating sa ate nya.

    She held her sister's shoulder and said "Wag ka mag alala, Tinuturuan lang ako ng kabalbalan nyan ni Seulgi. Sabi nya nag seselos ka daw kay jennie.."


  "What-"

  "HOY HINDI! EPAL KA! WAG MOKO SUBUKAN YERI SINASABI KO SAYO." 

   Dinilaan lang ako ni gaga saka umalis. Ah talagang dinagdagan pa ang gas sa nag babagang apoy. Jusko Yeri.
   
   
   "Labas na, kakain ka o hindi?" tanong nya. Medyo kalma.

   "Kakain po mama." sabi ko tas lumapit ako sa kanya. 

    "Di moko mama."

    "But you act like one." medyo natatawa kong banggit. "Awww!!!"

 


    Syempre malutong na hampas nanaman natanggap ko. Ano pa nga ba? 

 

    "I told you already earlier that im not jealous."

    Napatingin naman ako sa kanya.

   "Pfft- naniwala ka talaga kay yeri?" 

    She just glared at me. "malay ko ba kung anong mga pumapasok dyan sa isip mo."
    
    "Wala akong sinasabi sa kanya!" 

    "Eh anong pinag usapan nyo?"

    "Chismosa." 

    "Tsk, ano nga?!"

    "Basta.. Kaylangan ba lahat malalaman mo? Di pwedeng sakin lang?" 


    Nagbago yung ekspresyon ng mukha nya. Kumunot yung noo nya tapos umuna sya sakin hanggang sa sya na yung naunang dumating sa dinning table. 
    

   "Hyun?" tawag ko pero di na nyako nilingon.
    
    
    well done seulgi. Ngayon galit na talaga sya. Sure na yun. 


   "Bonak mo dun, Di mo dapat sinabi yon." 

    Nagulat ako kasi biglang sumulpot si jisoo sa likod ko. 
    
    "Alam mo, diko alam na may mga kaibigan pala akong pinaglihi sa kabute no?"


    Magkatabi lang pala kami ng kwarto. Oo nga pala. 


    "Well, gusto ko lang naman kumain. Di ko naman akalaing may ganung scene palang nagaganap dito sa may labas."


     Napakamot ako sa batok, nginitian ko lang si soo tas lumakad na. 
     
     
     Well yeah, i shouldn't have said that. First time ko din sinabi yun kay hyun. All these years naman kasi i always tell her kung anong mga napaguusapan namin with friends and she would also do the same din syempre kapag kaming dalawa nalang.
     Never kaming nagkaron ng secret sa isa't isa. Pati nga yung nunal ko sa likod alam nya eh. Pati sweldo ng tatay ko alam nya den. 
     Syempre alam ko den sweldo ni tito alcantara hehez. Yayamanin yang mga yan kala nyo ba.


     But, except the fact that i like her. That's the only secret that i keep to myself.
     
     
     Pero napaka childish naman ata kung magagalit sya ng sobra dahil lang dun? 
     
     
     Ahh ewan bahala na. Baka naman tampo lang.
     Mamamansin din yan.. Mamaya?? Sana.

 

~~~


    Habang kumakain silang lahat napansin na agad ng magkakaibigan na hindi nag kikibuan si Irene at Seulgi through out their dinner. 
    
    
    Naunang natapos si Jisoo, sumunod naman sa kanya si jennie tas sabay na nilang binanlawan sa lababo yung pinagkainan nilang dalawa. 
    
    
    "Ramdam mo din no?" tanong ni jisoo kay jennie habang nag babanlaw sila ng pinagkainan nila.

    "Hmm?" Napatingin naman si jennie sa kanya.

    Ngumuso si jisoo kay irene at seul. Nagets naman agad ni jennie. 
    Although akala ni jennie nung una humihingi ng kiss si jisoo sa kanya kasi una nyang tinignan yung labi ni jisoo. 
    Hmp landi.
    
    
    
    "I was wondering kung ako ba yung dahilan kung bakit mukhang magkasira nanaman sila." sabi ni jennie.


    "luh. Hindi. Hindi ikaw ang dahilan. May nasabi lang si seul kanina."


     "Mga boss padamay na din. Ayoko na mag stay dun kahit gusto ko pa kumain, na susuffocate ako sa tinginan nung dalawa." Sumulpot naman sa tabi nila si Lisa.
    

     "Ulul kanya kanya." Sabi naman ni jisoo tapos umalis na sya. Sumunod na din si Jennie. 


    "Lisa iwan mo na lang dyan ako na muna mag huhugas." Sigaw ni seul kay Lisa. 

    Humarap naman agad si Lisa sa kanya tas ngumiti. "Thanks br-"
    
    
    "Ako na mag huhugas ng plato." Singit ni Irene sabay tayo tas dumiretso sa sink.


    At dahil tapos na din si seulgi at ayaw nya magpatalo, sinundan nya si Irene.
    
    
    "Ako na." Sabi nito nang makalapit. Binaba yung pinagkainan nya tapos hinablot kay irene yung pinagkainan nito. 


     "Ako na nga." Sagot ni Irene, kinuha ulit kay seul yung pinagkainan nito tas binuksan yung gripo at nag simulang banlawan yung pinagkainan nya.


     Pinatay ni seulgi yung gripo tapos kinuha ulit kay irene yung hawak nyang plato. 
     "Ako na nga sabi. Mag pahinga ka na don. Tinulungan mo na si wendy kanina mag luto masyado ka nang madaming nagawa. Baka mapasma yang kamay mo." Kalmadong sabi nito saka iniusog ng marahan si Irene sa tabi.
     
     
    "Seulgi, Ako na." Irene said in a serious tone as she turned off the faucet.
      Pero hindi padin natinag si Seulgi. 
      
      
    "Come on seulgi. Just let me. Makipag kwentuhan ka nalang don kila yeri at jennie and mind your own business. Mind your own privacy." 


    "Yun ba yung dahilan kung bakit ganyan ka?" Seulgi said looking at irene. 


    Irene smirked and raised her right eyebrow.
    A thing she usually do when she's pissed.
   

  'Hindi pa ba obvious?!' she said in her mind.


   "No." Sabi nya then umiwas na ng tingin. 


   She said no but seulgi can feel that the answer to her question is definitely a yes.
   
   
   "Okay." Sagot ni seul tas binuksan ulit yung gripo.


   'Okay? OKAY?!' Humarap ulit sa kanya si Irene looking more pissed than before.


  "Ako na nga kasi. Umalis kana dyan." Sabi ni irene tas tinulak ng slight si seulgi to take over the dishes.

  Gusto lang namang mag hugas ni Irene ng plato para ma ibsan ng konti ang pagka inis nya.


   Pero hindi bumitaw si seul sa platong hawak nya. 
   
   "Ako na." Sabi nito sabay hila sa plato na hawak din ni irene at hindi binitawan.


   "Ako na sabi." Irene said as she gave seulgi a stern look, never letting go on the plate.


   Ramdam ni seulgi na tumayo yung balahibo nya sa batok ng tignan sya ni Irene. Pero di padin sya natinag. 
   Medyo na inis na din si seulgi sa sobrang pagkataas ng pride ni irene kaya nakipag titigan ito kay Irene. 
   
   You can feel the tense between the two. Lalo na yung mga kasama nila sa bahay na nanonood ng bangayan nila.
   
   
   Siniko ni byul si Wendy na katabi nya sa dining table hudyat na kaylangan na nilang pigilan ang dalawa.
   
   Naayos na din nila yung pinagkainan nilang lahat hindi nga lang nila madala sa lababo kasi nga dahil sa bangayan ng dalawang tao na nandun.

    "Sana ganyan din kami ni ryujin sa bahay." Sabi ni wendy. 

    "Huh?" Napatanong si byul sa tabi nya.

   "Nag aagawan sa pag huhugas ng pinggan.. Kami kasi nag papasahan kung sinong mag huhugas ng pinggan." Natawa naman sila sa sagot ni wendy. 


   "Aba sino ba naman kasi ang may gustong makipag agawan sa paghuhugas ng pinggan? Kung ako din yun, Siguro nagpasamalat pako kasi may nag volounteer na mag hugas" Sabi naman ni byul.

   Nabalik naman agad ang atensyon nila sa dalawang nag aagawan sa pag huhugas ng pinggan kase nag simula nanaman silang mag agawan. 

   
   "Ako na nga kasi irene. Wag nang makulet."

  "Ako na nga Ramirez."

  "Ang sabi ko magpahinga ka na kase kanina ka pa galaw ng galaw."


  "Wala kang pake."

 

  Seulgi stopped of a moment. 

 

  "Ahh walang pake. Okay sige." sabi nya. 

  "Oh ayan sige ikaw na." Sabi nya ulet tapos napalakas na itinulak kay irene yung platong hawak nya kaya sabay nilang nabitawan yun. 


  Pumatak sa lapag yung platong hawak nila.  

  "Tsk." Sabi ni irene sabay upo para ayusin yung nabasag na plato. 


   "Ouch." Inda nito habang inaayos yung basag na plato.


   Agad na umupo si seul. "Ano?!" Sabi nito tapos tinignan yung dumudugong daliri ni Irene. 
   
   
   "Bat kasi inaayos yung nabasag na plato ng kamay lang." Inabot ni seulgi yung kamay ni irene na nasugatan pero iniwas agad ni irene yung kamay nya. 


   "Wag na. Umalis kana. Ako na mag aayos nito" Sabi nito saka tinuloy yung ginagawa nya.


   "Nasugatan ka na't lahat nagmamatigas ka padin." medyo inis na sabi ni seulgi.


   Hinawakan nito yung isang braso ni irene tas hinila nya patayo. 


   "Ano ba seulgi. Ang kulit mo! Ako na nga sabi diba?!" Medyo lumakas na yung boses ni Irene. 


   "Ikaw ang makulit! Tignan mo nasugatan ka pa dahil dyan sa pagmamatigas mo!"


   "Kung di mo tinulak ng malakas yung plato edi sana hindi ko nabitawan at nabasag!"


   "Eh kung hinayaan mo nalang kasi na ako na yung mag hugas ng plato edi sana hindi na nangyari lahat to! Mas inuuna mo kasi yang galit mo! Dahil lang sa napaka babaw na dahilan irene!"


   Magsasalita pa sana si Irene kaso hindi nya na alam kung anong sasabihin nya kasi inis na inis na sya. Nagulat din sya kasi seulgi can't seem to control herself now.
   
   Hindi katulad nung mga past na away nila na hindi sasagot si seulgi sa kanya at iintayin lang na kumalma muna sya bago sila mag usap. 
   

   'So now its my fault.. Am i being too childish?'


  She just smiled at seulgi. Pero kita mo padin sa mata nya yung inis at lungkot. 


   "Hep hep." Putol ni wendy sa kanilang dalawa. 


   Pumagitna si wendy sa dalawa. Kinuha ni wendy yung hawak na basag na plato ni Irene tas nilagay sa hawak nyang plastic bag. 
   
   Nakita nito na may sugat na din yung kamay na pinang hawak nya sa basag na plato kaya nagulat sya. Mukhang medyo malalim kasi medyo madami yung dugo kesa dun sa dugo na nasa daliri nya. 


  Napadiin na din siguro yung hawak ni irene dahil sa inis kaya nag sugat. 


   Nakita din yun ni seulgi, lalapit sana sya kaso pinigilan sya ni wendy. 


   "Alam nyo, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka intense na away kasi nag aagawan sila sa pag huhugas ng plato. Minsan nga ipapa hire ko kayong dishwasher sa bahay para di na kami nag papasahan kung sinong mag huhugas. Mukhang hobby nyo parehas ang mag hugas ng pinggan eh."


   Lumapit naman si Joy sa kanila dala dala yung iba pang pinagkainan. "Tumabi na kayong tatlo dyan, ako na mag aayos nyan, ako na din mag huhugas ng plato. Jusko."
   

   Dumating naman si Yeri na may dalang first aid. 
   
   
   Hinila ni Wendy si Irene papuntang living room. Sumunod naman si Yeri sa kanila
   Bumitaw si Irene kay wendy tapos kinuha nya kay yeri yung first aid.

   "Ako na." tinignan lang sya ng dalawa. Halatang nag aalala. 

   "Rene.." sabi ni wendy kaso pinutol din sya agad ni Irene.

   Ngumiti si Irene sa kanilang dalawa. "Ako na promise. Kaya ko na to. Sa kwarto nalang ako." Kalmadong sabi ni Irene saka nagpatuloy lumakad papunta sa kwarto nya.
   

  Susunod sana si Seulgi kaso si joy naman yung pumigil sa kanya ngayon. 


   "Kumalma muna kayo parehas, pwede ba? Kung susundan mo sya ngayon baka mag sigawan lang ulit kayo.." sabi nito. 

  Tinignan lang sya ni seulgi. Halata sa mata nito na nag aalala sya pero may konting inis padin. 
  Inis kay irene o inis sa sarili?


 "Kumuha ka ng dustpan dun tapos walisin mo yang pinagbasagan." Utos ni Joy kay seulgi.


  Kaso lutang ang utak ni seulgi ngayon kaya hindi nya pinakinggan si Joy at umalis na lang din saka pumunta sa kwarto nila ni yeri.
  
  
  Nang makaalis ang dalawang kakatapos lang magbangayan nagkatinginan silang lahat ng naiwan sa salas at kusina sabay buntong hininga.


  "Yeri, puntahan mo ate mo. Tulungan mo mag linis ng sugat nya. Sure ako hindi nya maayos ng sarili lang yun kasi kanan yung nasugatan sa kanya." Sabi ni wendy kay Yeri. Agad naman na nagpunta si Yeri sa kwarto ng Ate nya. 

 

 

 

 


   Kumalma naman na yung paligid kaya bumalik na sa ok ang lahat. Yung iba dumiretso na sa kwarto nila yung iba naman naiwan sa salas para mag harutan, tulad nila byul at solar. 
   
   
   "Ang sakit nyo sa mata grabe." Reklamo ni Wendy nang makita sila byul sa sofa na nag lalampungan.


   Dinilaan sya ni byul. "Inggit ka lang." Asar nito.


  "Nye nye." Sagot nito. 


  "Sa tingin nyo? Okay lang kaya silang dalawa?" tanong naman ni Solar na nakaunan sa lap ni byul. 

  "Anong klaseng tanong yan mahal. Kita mo naman yung nangyari kanina tas tatanungin mo kung ok lang sila." natatawang sagot ni byul sa jowa nya.


  "Well, Sana maging ok na sila. Ayoko na makakita ng ganung scene ulit." Sagot naman ni Wendy.


  "Pero mukhang matatagalan bago mag ayos yung dalawang yun. Di katulad dati na konting keme lang ni seulgi bati na agad sila." Sabi naman ni Joy habang nag huhugas ng plato.


  Tumango naman si byul, "Nainis na din si seulgi eh. So, kung sino nalang ang unang mag baba ng pride." Sabi nito.


  Si wendy na din ang nag ayos nung nabasag na pinggan ng seulrene kanina kaya malapit sya kay joy ngayon. 
  
  
  Napansin nya na mukhang nahihirapan si joy sa buhok nya kasi kanina pa to hawi ng hawi kasi humaharang sa mukha nya yung buhok nya habang nag huhugas sya ng pinggan. 
  
  
  
  Tinabi ni Wendy yung dustpan at walis na hawak nya. 
  
  
  Pagtapos nun eh bumalik sya kay joy.

  Pumwesto sya sa likod nito. 


  Nagulat si joy ng may biglang humawi ng buhok nya at tinipon ito para i ponytail.
  Napatingin sya sa likod nya at nakita nya si wendy na inaayos yung pagkakatali sa buhok nya. 
  
  
  Both of their heart beats so fast when their eyes met. 
  
  
  "U-uhhm, m-mukhang nahihirapan ka kaya ano, naisipan kong i ipit yung b-buhok mo.." Paliwanag ni wendy.


  ngumiti sa kanya si Joy, na nag resulta ng mas pagbilis ng tibok ng puso ni wendy.
  Ramdam nya din na medyo uminit yung pisngi nya. 


  "Thanks. Gagawin ko na din sana kaso naunahan moko." sabi ni Joy. 


   Ngumiti naman si Wendy pabalik sa kanya. "Tulungan na kita dyan para mapabilis ka. Ako na mag babanlaw." Sabi ni wendy saka tumabi kay joy para banlawan yung mga nasabunang plato ni Joy.

 

  "Wushuu wushhuu ano tong nakikita ko??? Bakit may mukhang mag asawang nag lalandian dito sa may lababo? parang kanina lang may mag asawang nag babangayan dyan ah?" Asar ni Lisa na kumukuha ng tubig sa Ref. 


  "Boi lika dito dali na videohan ko yon! tignan mo kung gano kapigil ng kilig si langit!!" Sabi naman ni byul at agad na lumapit si Lisa sa kanya. 


  "Send mo sa gc pang blackmail!!" 


  Bigla namang may lumipad na tsinelas papunta sa direksyon nila byul at saktong natamaan silang dalawa nito. 
  
  
  "SUBUKAN NYO MGA LECHE KAYO! Sa susunod plato na lilipad papunta sa inyo." Sabi ni wendy. Nagtawanan naman sila. Pati si Joy natawa nalang din.

 

 


~~~

 

   Almost 10pm na nang bumalik si Yeri sa kwarto namin. 
   Naalimpungatan ako dahil dun.. Diko alam nakaidlip na din pala ako.
   Dahil na din siguro sa kakaisip. 
   
   
   Agad akong umupo at hinarap si yeri. 
   
   "Ano???" Tanong ko.


   "Anong ano?" 


   "Anong nangyari?"


   "Anong anong nangyari, lutang ka ba? Nakalimutan mo bang nag away kayo ng ate ko?"


   "I mean, anong nangyari sa ate mo? Kamusta yung sugat? Kamusta sya?"  


   "Bat dimo i check don? Galit din ako sayo wag moko kausapin." Sabi nya tapos humiga na sya sa kama. 


   Bumuntong hininga ako. Tapos bumalik na din ako sa pagkakahiga. 
   Tumalikod ako kay yeri.
   
   
   "Wala kang balak?" Tanong nya.


   Hindi ako sumagot. Sino bang may kasalanan? Ako ba? Sya ba? Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Naguguilty ako pero at the same time ayokong ibaba yung pride ko for the first time kasi may 30% na sinasabi ng utak ko na wala naman akong kasalanan. 
   She's the one who started it. Bigla bigla nalang hindi mangkikibo. Im willing to say sorry naman na kanina nung nasa lababo kami.. She's just being too childish. 
   
   Hindi naman siguro masama maging mataas yung pride minsan no? Masyado kasi akong mabait. Hmp.
   
   
   "Alam kong iniisip mo na mas malaki yung percentage na kasalanan ni ate kaya nauwi sa ganyan yung away nyong nag simula sa pagkaliit liit na bagay." Nagsalita ulit si Yeri. Diko padin sya hinaharap. Di padin ako umiimik.


   "Alam ko naman na hindi mo matitiis yan. Marupok ka. And to think na hanggang ngayon hindi mo padin sya kinakausap, hanga ako sayo. Proud ako ng konti kasi pinipilit mong tiisin." 

 

  "Akala ko ba galit ka bat napaka dami mong dada dyan? Gusto ko nang matulog yeri. Manahimik kana." Sagot ko pero diko padin sya hinaharap. 


   ano bang pinopoint nitong batang to? Pinapagaan nya ba yung loob ko o mas dinadown nyako????
   
   
   "Arte. Bala ka nga dyan. Basta hindi lang si ate may kasalanan! ikaw din! kasalanan mo kung bakit nagkasugat yung kamay nya!" Naramdaman kong tumalikod na din sakin si Yeri. 


   Bumuntong hininga ulit ako. 
   
   Yung sugat sa kamay nya.. Yes, tama si yeri. Kasalanan ko yun. Alam kong nagalit sya ng sobra kaya dun nya tinuon yung pwersa sa pagkakahawak nya sa basag na plato.
   
   Kasalanan ko nga. Oo kasalanan ko simula una. Kung bakit sya nainis. My words offended her. And to think na galing yun sa bestfriend nya, syempre masakit yun. 

   

  Umupo ulit ako. Tinignan ko si Yeri sa tabi ko mukhang patulog na din sya. 
  
  Pinat ko yung ulo nya. "Sorry." Mahinang sabi ko. 
  Wala lang, Feel ko lang na kaylangan ko den mag sorry sa kanya since magkapatid sila. 
  
  "Okay lang si ate. Okay na din yung sugat nya." Biglang nagsalita si Yeri. 

  Sinapak ko sya ng mahina kasi nasa ulo nya padin yung kamay ko.


  "Kala ko tulog kana." Napatingin naman sya saken tas inirapan ako. 

   "Bat kaylangan may sapok! Sampalin kita dyan eh." Sabi nya with matching taas ng kamay kunware mananampal.

   Tumayo naman nako. 

   "San ka punta?" Tanong ni yeri nang magsimula akong maglakad.

   "Sa ate mo." Sagot ko saka tuluyang lumabas ng pinto. 


   Marupok nga ako, hindi ko nga talaga matitiis.. Kahit isang araw lang, hindi tumatagal eh.


   Hinawakan ko yung door knob ng pintuan ng kwarto ni Irene. Andito nako sa may labas ng kwarto nya. 
   
   
   Pipihitin ko na sana kaso narinig kong parang may kausap sya sa loob. 
   Syempre curious ako, taena magisa lang sa kwarto si Irene, Baka mamaya may nakakausap tong di namin nakikita.


   Pinihit ko yung doorknob ng dahan dahan para hindi nya marinig. Dahan dahan ko din binuksan ng konti yung pintuan enough na para makita ko sya.
   Buti nalang mula sa pintuan medyo makikita mo na yung kama nya. Kaya kita ko na din sya na nakasandal sa headboad nung kama. 
   Hindi pa nyako nanonotice kasi busy sya sa kausap nya sa cellphone nya.
   
   
   "Hmm? Ah tinulungan ako ni yeri. Hindi naman na masakit ngayon." Rinig kong sabi nya. Kita ko din na nakangiti sya habang tinitignan yung kamay nyang nasugatan.


   is it bogum? 
   Uh siguro? Sya lang naman laging tumatawag kay Irene so.. May posibility. Mataas na posibility. Lol.


   "Hey, no it's not her fault.. It's my fault. Seulgi seems to lose her cool kanina. Maybe because she's annoyed na din.. Because of my stubbornness." Medyo nawala yung pagkamasaya yung tono nya nung sinabi nya yun.


   After all ng nangyari, dinedepensahan nya padin ako. 


   "Magiging okay din kami. I dont know when exactly but im sure we'll both be okay." She sighed then she faked a smile. 


   "Okay? Ang random ha, anong joke yan?"

   "Im not sad. Okay na ako, since you called na din naman. I have someone to talk to."

   "Alright, so ano na yung joke mo? if you want to make me laugh that should be really funny.." 
   
   

   

   Bakit parang pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko? Bakit why???
   Bakit why kaylangan ko pang marinig yun? Ambopols ko talaga. Haha nag hahanap ng sariling sakit sa puso amp. 
   
   
   Nabalik lang ako sa atensyon ko sa kanya nang marinig kong tumawa sya. 
   Yung tawa nyang pang chismosa. Yung tawa nyang sakin nya lang nilalabas ng sobra. Nung una nag pipigil pa sya pero di nya na napigilan kaya tawang tawa na sya ngayon.
   
   
   Ano na yung jinoke ng gilagid na yon?! Ganon ba ka bibo sa mga jokes yang si bogs ha?!
   Dati ba syang comedian ha?! 
   Dati ba syang clown?!!!!!


   But, its nice to see her like that...
   Kahit na hindi dahil saakin yung mga tawa nya.. 
   Its nice to see her smile and laugh like that because of someone.. 
   Kahit masakit. Haha 

 

   Diko na tinuloy yung balak ko, bukas nalang siguro or the other day? Bahala na. 
   Dahan dahan ko ulit sinara yung konting awang yung pintuan.


   Bumalik ako sa kwarto naming medyo walang gana.
   Dumiretso agad ako sa kama para mahiga. Itutulog ko nalang lahat to. 
   Busy pa din si Yeri sa phone nya. Kachikahan siguro jowa. Hmp sana ol.


   "Uy ano? bat mukhang nalugi ka? Di padin kayo okay?" Tanong nya ng mapansin nyako.


   Nagkibitbalikat lang ako. "Bukas nalang siguro. Mukhang okay naman sya ngayon baka ma badtrip nanaman kapag nakita ako." sabi ko tapos umayos nako ng higa. 


   "Tulog na bansot. Tama na landi." Sabi ko habang nakapikit na.


   "Mauna kana. Bebe time pa eh." 


   "Taenang bebe time yan alas onse ng gabe?"


   "Bakit ba, matulog kana wag mo nako pansinin. Inggit ka lang eh."


   "Nyenye. Sumbong kita eh." Huling sagot ko bago tuluyang antukin. 

   
   Di na din naman sya sumagot kaya natulog na din ako. Bibisita nga din pala ako kila lola bukas. hehez.

 

 


~~~

Extra 


   "Hindi ako natawa sa joke mo, natawa ako kasi ang-." 

   Napalingon ako sa may pintuan kasi narinig kong nag click yung doorknob. Parang kakasara lang nung pinto.


   Tumayo ako para tignan kung may tao ba, Pagbukas ko ng pintuan nakita ko si seulgi naglalakad na pabalik sa kwarto nya.
   
   "Seu-"

   "Rene? dyan kapa? Ano nangyari?" 


   Tatawagin ko sana si seulgi kaso nagsalita si bogum sa phone na hawak ko.


   Agad akong bumalik sa linya. "Oh dito pako." Sagot ko tapos sinara ko na ulit yung pinto.


   "What happened?" 

   "Wala, may tinignan lang ako." sagot ko tapos bumalik nako sa kama.


   Dito ba sya galing? Did she heard it all? 
   
   Ano naman kung narinig nya lahat Irene? Wala namang dapat ipag-alala?? Psh. 

   But why is she here? Mag sosorry na ba sya? bat diko sya napansin agad? Tsk ang bonak naman irene.


  "Irene? Are you there?" 

 Nabalik lang ako sa mundo ng marinig ko ulit si bogum.

 "Huh? Oo dito pa. Ano nga ulit yun? sorry medyo inaantok na din kasi ako.." 


  Our convo went short nalang since hindi ko na din naman mafocus kay bogum yung atensyon ko at diko na din maintindihan yung mga sinasabi nya kasi si seulgi nalang yung sumasagi sa isip ko.

  Galit dapat ako pero pocha bat medyo naguguilty ako? Ng slight. slightest pa.


  ah ewan itulog ko nalang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1150 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
879 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1150 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1035 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun