Chapter 12

Istranded

    "Tangina.. What the hell was that." Sabi ni Yeri. "Gusto kong itape yung bibig nya kanina sa totoo lang. That was so cringe!!! ewww" 


    Natawa naman ang mga natira sa reaksyon ni Yeri. 
    
    "Bakit ba napaka anti bogarts mo?" Tanong ni Joy kay Yeri.

    "Because he's an ." 

    "Paano mo naman nasabi? He's been good to Irene naman. Pati saatin. I dont see anything wrong with him." Sabi ni Joy. 

    "Hay nako joy. Wag mo akong simulan. at wag mong sabihing you're okay with them being together?" Sagot ni Yeri.

    "Slight?" 

    "Bakit?!!!!" 

    "Eh kasi, He's been treating irene good naman nga. Saka hindi natin alam kung anong nararamdaman ng Ate mo.. Tignan mo, Years na yung friendship natin and lagi natin syang inaasar at pinupush kay seulgi pero anong nakuha natin? Diba wala? Stuck padin sila sa bestfriendzone nilang dalawa." Paliwanag ni Joy.

    "And simply because your sister is still straight as a ruler." Dagdag naman ni Rosé.  

    "They are right yeri.. Pero maiba nga tayo, bakit ba ayaw mo maging bro in law tong si bogum? He's an because?" tanong ni Wendy.

     Bumuntong hininga si Yeri. "Sad boi yan."
     
     "Huh? anong sad boi?" tanong ng nakakarami

     "Manipulative sadboi? si bogum? HAHAHAHA weh?" Tanong ni Lisa.
    
     "Oo nga! Nakakarinig ako ng chismis about sa kanya sa building ng mga junior high. Tapos meron syang naging ex na kaklase ko. Ang sabi pa daw sa kanya ni bogum nung nakikipag hiwalay na yung classmate ko, magpapakamatay daw sya pag iniwan sya. Eh hanggang ngayon naman buhay padin. Tapos pa victim pa daw eh si bogum naman may dahilan talaga kung bakit nakipag hiwalay yung clasm8 ko." Kwento ni Yeri.

    "Eh alam nyo naman si ate, makarinig lang ng ganun papatawarin na nya agad, and she easily accept her fault pagdating sa pakikipag relationship. Ayokong ma stress sya dahil lang sa victim effect nitong si bogarts kahit di naman si ate may kasalanan no!! Kaya ngayon palang di na sya deserve ni bogum!" dagdag pa ni Yeri.

   "Pfft- Nanghuhunting pala ng junior high yan eh." Sagot ni Jisoo.

    "Oo gagi. Lalo na nung grade 11 kayo. Laging nasa building namin yan nagpapanggap na junior high din tuwing lunch, sa caf namin dumadayo." Kwento pa ni Yeri. 

    "I swear to god, if irene says yes to that childish guy i'll probably hit her head para magising sya." Sabi ni jennie.

    "Paunahin mo na ako, kasi umaasa talaga akong seulrene ang end game nito. She even told me that she likes seulgi yesterday." Sabi naman ni Solar.

    "SHE WHAT???" Sabay sabay na sabi ng lahat..

    Solar just gasp.. Damn her and ..
    
    "She.. Uhm she likes seulgi. They like each other!" Pag amin ni solar.

    "Well, Tho expected naman na namin, Based on what we observe pero.. God, Irene confessed to you??? that is new. I feel betrayed as her bestie.." Jennie said.

    "Well, if that's what she truely feels then we dont need to worry." Sabi naman ni Wendy. 

    "Pero, anyways since alam nyo naman na lahat. Wag nyo munang ipahalata na alam nyo na, It might pressure her.. Lalo na ngayon sumabay pa si bogum.. Let her figure it out with seulgi first.." Payo naman ni Solar. Tumango naman ang lahat.

    "Aren't you guys gonna go to seulgi?" tanong ni Rosé kila jisoo.

   "Hindi muna siguro.. Byul's there naman.. Mamaya nalang.. Hindi gusto ni seul na nakikita sya sa ganung estado ng madaming tao." Sagot ni Jisoo.


   "Sya, Tumagay nalang muna tayo dito. Sayang yung videoke gamitin na natin bago mag curfew." Sabi naman ni Joy. 


    Lumipas ang oras at ang sinasabi kanina nila yeri na dapat sila seulgi ang malalasing ay hindi na nangyari.. At nabaligtad lang ang plano nila dahil ngayon, si Joy at yeri na ang may tama dahil sa alak. 
    
    Kukuha pa ulit sana si joy ng isang shot ng soju kaso naunahan sya ni wendy na kuhanin yung bote at ilayo ito kay Joy. 
    
    "Tama na. You've had enough. You can't even handle yourself kapag nalalasing ka ng sobra." Wendy said. 

    "Tch.. Ano bang pake mo? Akin na yan.. Come on wendy wag kang kj.." Sabi ni Joy saka tumayo para kuhanin yung nilayo ni wendy na alak. 

     Wendy gritted her teeth because of what joy said. She also inhaled a sharp breath. There was a small pang of pain pero hindi na nya ininda since she knows na nasabi lang yon ni Joy cause she's under the influence of alcohol. 
     
     Medyo na out of balance pa si joy ng tumayo ito pero naalalayan naman agad sya ni wendy. 
     
     "Joy.. I still do care for you.. So stop drinking.. Lasing kana.." Pagmamatigas ni wendy. 

     Medyo naiinis na si joy sa pagpigil sa kanya ni wendy. Bakit ba? Ano ba sila? Ano bang karapatan ni wendy para magkaroon padin ng consent sa buhay ni Joy? How can wendy still care for her after what she had done to Joy?

     "Hindi ako lasing but, Fine." Madiing sagot ni Joy. Saka lumayo kay wendy at umupo sa tabi nila Rose. Uminom nalang ito ng tubig to sober up ng konti. Tinigilan na din ni Joy na uminom at nakipag kwentuhan nalang kila Rose.


      "Oh kaninong kanta to?! Kung wala ka?" Sigaw ni Jisoo


      "KAY JOY!! KAY JOY!!!" Sagot naman ni Yeri. Nagkatinginan naman sila ni Joy. 

      "Anong sakin wala naman akong nilalagay tanga ka?" Sagot ni Joy kay Yeri.

      "SAYO YAN!! pinalagay mo saken kanina sabi mo gusto mong maglabas ng sama ng loob!!" Sagot naman ni Yeri.

     Wala naman talagang pinapalagay si joy na kanta kasi wala sya sa mood at gusto nya lang malasing at alam nitong pinag titripan lang sya ni Yeri. 
     Pero binigay na din ni jisoo sa kanya yung mic kaya wala na syang choice.
     
     Nakakatangina pa naman yung lyrics ng kantang kakantahin nya.
     
     "Natapos na ang lahat... Nandito parin ako.." Simula ni Joy. 

     Inis lang dapat sya pero unti unting nadadagdagan yung emosyon nya habang kumakanta sya. 
     
     "Oooh~ Hindi ko maisip kung wala ka~" Kanta nito, Napatingin sya kay wendy pero nakikipag usap ito kay Lisa kaya hindi nya napansin na tumingin si Joy. 


     Natapos ni Joy ang kanta. Ibibigay na sana nya sa iba yung mic kaso nagsalita nanaman si Yeri.
     
     "Oh, sayo padin yan gaga ang dami mo kayang pinalagay kanina!!! HAHAHAHA" 

     "Anong ako nanaman? Tangina lakas ng trip mo ah." Sagot ni joy. 

     Mukhang wala naman na ang atensyon ng iba sa karaoke kaya tinuloy nya nalang ang pag kanta. Wala na din naman syang magawa. 
     
     
     Nag play ang intro ng Dahilan kanta nang silent sanctuary.
     
     "Pano yon? Joy pangalan mo pero sad girl ka? HAHAHAHAHAH." Asar ni Yeri.
     
     "Tarantado ka talaga Yeri." Sabi ni Joy kay Yeri at tinawanan nalang sya nito.


    "Gusto kitang umamin, reklamo mo saakin... Sumabog ka't sabihin, at aagapan natin.." 
     

     If joy were to describe what she feels and what was her thought about their breakup, Siguro itong kantang to na ang mag rerepresinta sa kanya. 
     
     She reached up the chorus and this time napatingin na sa kanya si Wendy. 
     
     "Ano ba ang dahilan at nakuha mong lumisan, 'Di ko alam ang nais na mangyari ng iyong isipan.. Ano ba ang dahilan at pinili mong lumisan... Lihim na paalam, ano ang dahilan?"

    Joy's emotion were becoming one with the song. Kinakanta nya ito na para bang tinatanong nya talaga si wendy. 
    She didn't dare to look at wendy pero sinigurado nyang nasasalo ni wendy ang gusto nyang ipahiwatig. 
          
    
    "Sa iba ka nawiwili, nasa akin ba ang sisi?
Nanahimik ka lamang, ikaw lang ang may alam..." 

      She wanna know the truth so bad to the point na pati sya hinihusgahan na din ang sarili nya. Maybe she's not enough, maybe she's not worth it to love, Siguro nakakasawa syang mahalin, Siguro kulang pa yung binibigay nya.. And many more reasons are piled up in her head. 
      She may seem jolly and cool on how they act toward each other but deep inside she's deeply hurt..everytime wendy would still treat her like nothing happened between them.. Gusto nya yon oo, pero minsan pumapasok din sa isip nya na pinag mumukha nya lang tanga ang sarili nya. 
      
      
      Wendy on the other hand didn't know what to feel. She's sad, and hurt too. 
      
      "She's so desperate to know your reasons.." Rose said beside wendy. Lumipat pala ito sa tabi nya hindi nya na napansin dahil nakay joy lang ang atensyon nya. 

      Wendy didn't answer pero tinignan nito si Rose. 
      

      "Everytime you guys break up, sasabihin nya na okay lang kasi babalik ka din naman. She became too confident kaya dati okay lang sa kanya na hindi malaman yung dahilan mo kung bakit bigla ka nalang umaayaw... Kasi sabi nya baka kaylangan mo lang daw ng space.." Kwento ni Rose


      "But now she's.. She's in pain.. Wendy. She doesnt know the truth and she's always doubting herself.. Noong una she's cool about it.. But then months have passed and she still doesn't inform us na kayo na ulit. That's when we realized that she's already in pain.. And i've been with her since that day.. I've became her drinking buddy.. Her crying shoulder.. And it hurts me too Wen."


     "I actually hate you wen. I probably hate you more than what joy feels... Imagine being left off without any reasons? Thats such a bull move right there. And to think na meron kayong pinagsamahan ng matagal na panahon, damn wendy.. I really hate you." 


     "Rosé.. I'm.. I'm sorry.." the only thing that wendy said. She's now blaming herself. She doesnt know that she would cause so much pain to the one that she loved the most. She hate herself too.


    "Don't say it to me wendy.. She's the one who probably wants to hear it... If i were to be frank.., you honestly doesn't deserve her love. you dont deserve joy if you're doing this to her." Sabi ni rosie.


   Wendy feels like something is weird with rosie's words. So she asked.. "Do you like her?" 
   
   Rose was taken aback by the sudden question. But she just smiled then looked at joy for a second. And that was the time Joy had finished singing her song. 
   
   "I did.." Sagot ni Rose saka bumalik ng tingin kay Wendy. 

   Hindi alam ni wendy kung anong dapat nyang isagot. Well that was the reason why Rose was reaching out to her right now. Tama nga ang naiisip nya..
   
   "I did.. Before you came.." Dagdag pa ni rose.

   The pressure on wendy was now being doubled up. She did not take care of joy well and if she probably didnt met joy back then, Rose must have taken care of joy so well. 
   
   Kinuha ni wendy yung nilayo nyang alak kay joy kanina. She drink it to lessen up what she feels right now and to feel somewhat calm. 
   
   "Bakit hindi mo tinuloy? You must have taken care of her well.. She probably wouldnt be in pain right now because of me." Wendy bravely asked.

    "Because she choose you.. She's happy with you.. You're the one who brings up her mood.. That cheesy and talkative wendy who caught her attention way back then.." She said then she chuckled.

    "Oh god, dont mind what i feel for her. I said, i DID liked her but right now i've settled my feelings. I've received too much pain from her too.. I've tried confessing but it's always you wen.. You may have leave her but you still remain in her heart wendy. That's why i gave up." Paliwanag ni Rose


   "Alam ba nila?.. Your group of friends?.." Tanong ni Wendy.

    "Nope.. I never expressed my feelings for joy unless its just the two of us.. And because i never did a move when everybody is around.." Kwento ni Rosie

    "And yun, You came.. Your friends came.. and i can see na all of them were rooting for the two of you so... yeah. I gave up." Rosie smiled. 

   "But then, i only brought pain.." sagot ni Wendy.


   "Yes but i know you have your reasons and you still do love her too... And if you are trying to continue hurting her, hindi na ako magdadalawang isip na ilayo sya sayo wendy. Friendships doesn't matter to me anymore if you ever continue what you are doing." 

    "Paano kung wala talaga akong rason?" Tanong ni wendy.

    "Then you." Seryosong sabi ni Rose. Napatingin naman ang iba dito dahil medyo napalakas ang boses ni Rose

    "HUY JOKE LANG.." Sabi agad ni Wendy..


    "Luhh? Ano yun? Di ako na inform na manunuhog pala si wendy??? Tapos agad???? speed lang???" Tanong ni Lisa.

     "Bobo! Anong manunuhog?" Tanong naman ni wendy.


     "Manunuhog ng mag totropa? IKAW HA. Pasimple ka nanaman dyan." Sagot ni Lisa.


     "Tanga!" Sabay na sabi ni rose at wendy. 

 
     Napatingin naman na sila Joy sa dalawa. Nagtama ang mata nila ni wendy and wendy can see the sadness and pain in joy's eyes. 
     
     
     Wendy is now feeling guilty. Nag rereflect na sa kanya lahat ng sakit na iniwan nya kay joy. 
     Hindi nya naman inakala na ganito ang mangyayari. Ayaw nyang may nawawalang mahalagang tao sa kanya pero pinakawalan nya si joy. Ayaw nyang nakakasakit ng damdamin ng iba pero anong ginagawa nya kay joy ngayon? 
     Hindi nya pinahalagahan si joy noon dahil akala nya hindi sya deserve ni joy dahil sa sobra nitong pagmamahal sa kanya. Hindi nya alam kung kaya ba nyang ibalik kay joy lahat ng pagmamahal nito para sa kanya. Joy deserves better, sabi nya noon.. Because she doesn't know how to handle their relationship well. 
     It was all wendy's fault, nakay wendy ang mali at wala kay Joy. It was never because of joy is not enough. Joy is enough. Tanga lang talaga si wendy.
     
     
     
     And that night, wendy decided to tell joy the truth.. And ask for another chance maybe? Because she knows deep in her heart that she's still longing for Joy. She still love her, and kung joy deserves better, then she will be better for joy. 
     
     
     
     Wendy drank all the alcohol na natira doon sa hawak nyang soju kanina. To take up some courage siguro. 
     She walked towards the videoke at nag lagay ng kanta tapos inistop nya lahat ng kantang nakasunod para maka kanta na sya agad. 
     
     "Ay tarantado naman neto ang bastos. Kumakanta pa yung tao e!" Reklamo ni Yeri na lasing na. 


     "Give me that." Sabi ni wendy pagkalapit kay yeri saka inagaw yung mic. Sakto naman na nag play na yung kanta. 


     "Alam kong ako yung lumayo...Walang karapatang magreklamo..." wendy started singing. 

     Pinili ni wendy yung ikaw pa rin na kanta ni moira. The song somewhat tells how she feels kaya yun ang pinili nya. To express what she want from joy. 
     
     "Ngunit bumabalik pa rin... Ang nakaraang parang kahapon." Tumigin ito kay Joy before reaching the chorus. 
   
      "Paumanhin... 'Di ko sinadya na lumisan na lang... " Their eyes met.. While wendy sings with her emotions..

      Wendy doesn't see any reactions from joy except from sadness from her eyes. her eyes was getting teary. She was sure. 

     "Kung papayagan mong tayo'y bumalik..Sa huling tagpuan natin, 'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing.. Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin.. Lumisan ang lahat, ikaw pa rin"
      
      Nakakaramdam na si joy sa pinapahiwatig ni Wendy pero nahihirapan sya. She doesn't know if she should be happy or she should be mad. 
      
      But remembering the pain that she had gone through, Remembering that she's just making herself a fool because of wendy.. And now that wendy's asking for forgiveness without telling her the reasons why she left at the first place..       
      It knocked her senses. She shouldn't be happy. She should be angry.. Galit dahil pag mumukain nanaman syang tanga ni wendy. Aasa nanaman syang mahal parin sya nito pero in the end si joy nanaman yung talo..
      
      
      "Alam kong nagkulang sa iyo..Sana patawarin kung natakot.... Paano magpakalayo kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago.." patuloy lang si wendy sa pagkanta. 

     Lalapit sana ito kay Joy pero tumayo si joy bago pa ito makalapit sa kanya. 
     
     
      "Kung ano man ang ibig sabihin nito skyler, Please.. Just stop.." Sabi ni Joy fighting her tears to fall down. 


      "Joy, I-" Hahawakan sana ni wendy ang kamay ni joy pero lumayo ulit si Joy. 


      "N-No. Wendy. Dont.. I've.. I've had enough." Huling sabi ni Joy bago ito tuluyang umalis at lumayo. 

      Lumakad si wendy papunta sa kung saan nag punta si joy. She doesn't want to lose joy again. 
      
      "Joy, let's talk.." Sabi nito nang maabutan nya si Joy.

      "Aleah.. Please.."
      
      Nagpatuloy lang sa paglalakad si Joy at patuloy lang din sa pag sunod si wendy syempre. Eh hindi na kaya ni wendy, kaya Inabot nya yung braso ni Joy saka sila tumigil.
      
      
      "Joy, kausapin mo naman ako!" Sabi ni wendy nang magkaharap na sila ni Joy.

     "Tangina wendy, Yan ka nanaman eh!" Sagot ni Joy.

     "Ayan ka nanaman sa mga pakulo mong yan! Palibhasa kasi alam mo na kung paano mo ako makukuha eh! konting kanta, konting lambing, landi.. Wala na! Eto nanaman ako! Babalik nanaman ako! Tapos ano? Mauulit nanaman yung mga nangyari noon? Na sa una sweet ka, sa una okay tayo pero pag dating ng ilang buwan mawawala ka nanaman!" Bumuntong hininga muna si joy bago mag salita ulit. Para pakalmahin ang sarili nya.. 

      "Pucha wendy, Lagi nalang ganito yung set up natin.. Hindi kona maintindihan! hindi kita maintindihan. Pinipilit ko wen, pinipilit kong intindihin kung bakit, anong mali saakin-" 

  "Hindi, hindi ikaw. Walang mali sayo." Sagot ni wendy.


   "EH PUTANGINA, KUNG HINDI AKO, BAKIT?!" Lumalakas na ang boses ni Joy dahil sa galit nya. 

    "May iba ba? Ha? May iba ka ba? Kung meron edi sana, nung una palang sinabi mo na, para naman hindi ako nag mumukhang tanga dito!" 

    "Wala.. Wala... Hindi ako nag hanap ng iba joy.." 

   "EH ANO??? Wendy naman... Pagod na akong mag isip..." Sabi ni joy bago pumatak ng tuluyan ang luha nya. 

    
    "Umaasa ako, Umaasa akong pwede pa ulit... Kaso.. Kaso nakakapagod din palang maging tanga..." Mahinahong sabi ni Joy habang umiiyak.

     "Maging tanga na, aasa akong mahal mo parin ako pero sa huli ako parin naman yung talo.. Talo kasi ako yung iniiwan.. Iniiwan ng walang dahilan.. Tapos itatrato mo nanaman akong parang walang nangyari... Nakakatawa no? Ilang beses nang nangyari, ilang beses mo na ako iniwan.. Pero.. Wala, bumabalik padin ako kasi... mahal kita.." Umupo si joy, Umupo sya dahil nanlalambot sya sa sakit. Sa sakit dahil ngayon nailabas na nya lahat kay Wendy ang gusto nyang sabihin.

    Umupo din si wendy para alalayan si Joy. 

    "Minsan nga iniisip ko.. Iniisip ko na habit mo lang yun.. Na baka siguro gusto mo lang munang magpahinga kahit wala naman tayong pinag aawayan.. Kahit.. Kahit wala naman tayong pinagtatalunan... O baka kaya kasi.. Kasi hindi mo na ako mahal..." Umiiyak parin si Joy. 

     "I... Im really sorry.. Joy.. Mahal kita.. Mahal parin naman kita.." Tumulo na din ang luha ni wendy. 

     "Ano pa bang kaibahan ng ibang sorry mo? Sa totoo lang, sa tuwing makakarinig ako ng sorry galing sayo, Masakit na din eh. Simpleng sorry mo lang nasasaktan na ako kasi hindi ko alam kung bakit, anong dahilan ng pag hingi mo nang patawad..." 

    Hindi na muna ulit sumagot si wendy.. 

    "Wendy, sana sinabi mo nalang saakin noon na may iba kana, o hindi.. Hindi mo na ako.. mahal.. Kasi mas matatanggap ko pa yun eh.." Huling sabi ni Joy.. 


     Natahimik silang dalawa.. Umiiyak parin si Joy pero pinakalma na nito ang sarili nya. Ganoon din si wendy. 
     Tatayo na sana si Joy para umalis pero pinigilan sya ni wendy.. 
     Hindi naman nito hahayaan na si joy lang ang nakapag labas ng sama ng loob ngayon.. Syempre hindi nya nakalimutan ang agenda nya. 
     
     
    "Stay if you wanna know the truth.." Sabi ni wendy.

    Nakatayo lang si Joy at iniintay na mag salita si wendy. Aalis na sana sya kasi akala nito wala nanaman patutunguhan tong pag uusap nila. Kala nya hindi parin nya malalaman ang totoo.. Pero nagsalita na si Wendy so.. She stayed.
    
    

    "I love you.." sabi ni wendy.

    Sarcastic na natawa si Joy. "Pucha wen, wag na tayong mag gaguhan dito. Diretsuhin mo nalang ako." Sabi nya. 
    
    "I really do love you. Hindi ako nag sawa, I love you.. Still.. And i never stopped loving you.. Mabe my mind does but my heart is still longing for you.." 

    Nagsimula nanamang pumatak ang luha ni Joy. Hindi nya alam, Dapat ba syang matuwa dahil sa sinabi ni wendy? Pero hindi ata kasi habang sinasabi ni wendy ang mga katagang yun, nasasaktan sya. 
    
    "Kaso puro sakit nalang yung dinudulot ko sayo.. saating dalawa..." pagtuloy ni wendy. Tumingin ito kay joy at ngumiti ng mapait. 

    "We've been so good noong tayo.. We vibe, we know each other's traits and likes.. Nagawa natin yung relasyon natin sa tamang timpla.." Kwento ni wendy, reminiscing their lovely days with each other.. 

     "Masaya ako kasi nakilala kita, sobrang saya ko kasi naging parte ka ng buhay ko.. Those 2 years meant a lot to me.. You never failed to make me feel so loved.. You never raised your pride, you never tried to get mad at me.. And i was thankful.. thankful ako kasi napaka maunawain mo..." Bumuntong hininga si wendy to control her emotions. 

    She miss those days of course.. Those days where in Joy will be her safe place.. Joy will be her home everytime she's having a hard time.. 
    

    "Yet, i still dont understand why you left." Joy let out a soft chuckle. Hearing wendy's words calm her down.. Kahit alam nyang may mga kasunod pa itong sasabihin na mas masakit para sa kanya.. She let herself reminisce their memories too. 


     "Madami na tayong napagdaanan, and sa loob ng 2 years na yun lagi akong nakipag hiwalay.. And ilang beses din kitang binalikan.. at sa bawat pag balik ko.. h-hindi ko.. pinahalagahan.." Wendy took another deep breath.. She focused her eyes on the sea.. 

     "Hindi ko pinahalagahan kasi.. kasi naging kampante ako.. Kasi alam kong mahal mo ako, na tumatak na sa isip ko na kahit hiwalayan kita, there will always be a chance na babalikan mo parin ako... But then.. Natakot na ako joy.. Natakot na din ako na baka kapag bumalik nanaman ako sayo, mauulit lang nanaman yung nangyayari sa relasyon natin... Natakot ako Joy.. Natakot ako na baka hindi ko na maibalik sayo yung pagmamahal na ibinibigay mo saakin... Ang duwag ko kasi sa tuwing naiisip ko yun, hindi ko manlang nilalabanan... Hanggang sa saktan nanaman kita.."


     "And yet you're always saying na walang mali saakin where in ako naman pala itong nagiging dahilan kung bakit sumusuko ka.." biglang sagot ni joy.


     "No.. Hindi joy, hindi naging mali yung way ng pag mamahal mo.. Yun ka eh, ganoon ka mag mahal and i knew that. Ako lang tong tanga na hindi kayang tumanggap ng ganoong pagmamahal kasi.... kasi i've never receive that kind of love before.."

     "I always feel like my love for you is fading pero pag dating ng ilang araw, thats when i will realize na you still remain here with me.. And it was hard for me to let go sa kung ano man yung nakasanayan ko na.. And that was you being with me.. through my ups and downs.. At ang tanga ko kasi, i always let you go.. I always hurt you.." 


     "Oo tanga ka talaga. Nakakatangina ka din eh no? Talitalino mong tao pero ang tanga mo sa mga ganitong parte ng buhay." Sagot ni Joy


      "Im..im really sorry joy.. I know you hate me-"

      "Yes i do.. I do hate you but.. But not that much.. Know that i know your side.." Bumuntong hininga si joy. 

       "I dont know anymore wen.. I love you, i always do.. Pero hindi ko na alam mararamdaman ko ngayon.. Ang alam ko lang masakit parin.. Masakit parin kasi tiniis ko ng matagal na panahon kahit feeling ko sasabog na yung utak ko minsan sa kakaisip ng dahilan, kahit lagi ka lang nandyan tinatrato ako na parang walang nangyaring break up satin.. I always doubt myself.. Hindi ko kayang buksan sa iba yung puso ko kasi baka mamaya it would end up like how things happened between us.." Tumulo nanaman ang luha ni joy pero this time si wendy na ang nag punas ng luha nya. 


    "Hate me as much as you want.. Because that's what i deserve.. Ang dami kong iniwang sakit sayo, at hindi mo na magagawang daanan lang lahat ng yon.. Its okay if you dont forgive me.. I am not asking for forgiveness. I just wanted you to know the truth.." 


    "Just.. Just give me time wen..." 


    "I will joy.. And if ever man na dumating yung time na yun at... At hindi na ako... Its okay.. You deserve so much more than me joy.. You deserve someone better than me.." Naiyak na din si wendy dahil sa sinabi nya.. She doesnt want to let go pero sobra nya nang nasaktan si joy.. Joy needs to heal.. From the pain that she gave.. 


     Patuloy lang sa pag iyak si Joy.. Kinabig naman sya ni wendy para yakapin at pakalmahin kahit pati sya eh umiiyak na din. 
     
     Ilang minuto pa ang lumipas at kumalma na si joy. Humiwalay ito kay wendy at pinunasan ang luha nya. 
     
     Tumingin sya kay wendy. 
     

     "I wont be looking for someone better than you.. Just.. Just give me time.. To heal and be ready to accept you again.. Because i still do love you.. My love for you never fade sky.." Sabi nito saka hinawakan ang kamay ni wendy.


    Ngumiti naman si wendy..


    "Then i will became better.. for you, aleah.." 

~~~

 

 


Prolouge:

 

     "Stop me from what i'm going to do if you dont feel the same way.." 


      She bravely leaned forward and bring her hands to her bestfriend's cheecks. She angled herself and let their lips touch..

    

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1144 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki 50 streak #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
874 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1144 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1029 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun