Chapter 1

Istranded

    "CONGRATULATIONS BATCH 2019-2020!" Bati ng MC sa stage hudyat na tapos na ang graduation ceremony.

    Tumayo kaming lahat para kantahin ang theme song ng aming school.
    
    Grabe, Sa loob ng anim na taon hindi ko padin saulo yung kanta ng school namin..
    Sumasabay lang ako kapag chorus na o kaya naman yung huling word lang ng kanta yung sinasabayan ko hehe. 
    
    
    After singing our hymn, History by one direction started playing.
    Isa nga din pala yun sa mga kakantahin namin since we all made a lot of history in this school. 
    
    
    This time pwede na kaming umalis sa mga inuupuan namin at kumanta kasama ang mga magulang or kahit mga tropa..
    
    Kinulbit ako ni Wendy na nasa likuran ko. Tumingin naman ako agad sa kanya.
    
    "Tignan mo sila gago oh nag iiyakan HAHAH" sabi nya saka tinuro si byul at lisa na magkayapos tapos umiiyak.

     Natawa naman ako. Nilabas ko yung cellphone tapos pinicturan ko sila. 
     
     "Gusto mo tayo den?" Sabi ko pagkaharap ko kay Wendy.

     "Utut mo! magkasama padin naman tayo sa college tigilan moko!" Sabi nya. Tinawanan ko naman sya. 

     "Congrats mga brader!!!" Bati naman ni Jisoo na kadadating lang sa pwesto namin.


     Habang nag kukwentuhan sila ni wendy, sunod naman na hinanap ng paningin ko si Irene.. Sa may unahan sila nakaupo since ABM sila.
     As soon as i saw her, i smiled.. She's with her dad taking some pictures wearing her big smile.. Daig pa gumraduate ng college hahahha.
     
     Napatingin naman din sya sa pwesto ko. Kinawayan nya ako tapos nag thumbs up habang nakangiti saakin. Ganoon din ang ginawa ko. Nginitian ko din sya ng napakalaki.
     
     Humarap sya sa tatay nya. Nag paalam ata kasi tumingin din saakin si tito. Ngumiti naman ako kay tito. 
     Pupunta na sana dito si Irene kaso may biglang humarang sa kanya. 
     
     Yung manliligaw nyang mukhang gilagid..
     They talked for a minute.. Humarap ulit saakin si Irene, sumenyas na mamaya nya nalang daw ako pupuntahan since mukhang nagpapakilala na si bogs kay tito. 
     Tangina lakas ng loob ng gilagid na yun.
     

      "Akala ko papunta si Rin dito?" Tanong ni wendy.

      "May sumingit eh." Sagot ko lang. "Mukhang nagpapakilala yung manliligaw sa tatay." Sabi ko ulit.

       Napatingin naman silang dalawa sa direksyon kung nasaan si Irene.
       
     "Ohhh~ Brave soul pala.." Sabi ni Jisoo.

     "Di mo pipigilan?" Nagulat ako kasi bigla kong narinig yung boses ni Yeri sa tabi ko.

     "Pota! para kang kabute!" Napalakas na sabi ko.

     "Bakit nandito ka? Hinahanap ka ata ni tito oh!" Sabi ko 

     "Nagpaalam nako. Ikaw dapat yung nandun pinipigilan yung gilagid na yun." Sabi nya ulit.

      "bakit ko naman pipigilan? Mukhang ok lang naman sila." Sabi ko tapos sumulyap saglit kita Irene.. 

     Mukhang medyo natutuwa naman yung tatay nya sa presence ni bogs. Kristyano kasi yun eh tapos mukhang inosente kaya siguro madaling makakuha ng damdamin ng mga magulang ng nililigawan.
     
     
   "Ikaw ok kaba?" Nagulat ulit ako kasi si joy naman yung sumulpot.

   "Puta naman! Kabute ba kayo?!" 

   Nakita ko na din sila jennie at rosé napapalapit saamin.
   
   "Okay ako syempre! bakit hinde para kayong mga timang. tigilan nyo na nga ako!" Sabi ko. Ok naman talaga ako. Tanggap ko naman na. Kung san sya masaya dun din ako syempre.

   "Onga pala. Nakapag paalam na ba kayo?" Pag iba ko sa topic.

   "Later pa ako.. Btw, congrats saating lahat!!" Sagot ni jennie

    "Congrats saatin!!!" Sabay sabay naming sabi tapos nag yakapan na din kami. 

    "Teka teka.. Bakit nakiki yakap ka? Di ka naman belong.." Sabi ni Joy kay Yeri.

     "Tangina mo. BAKIT! NAG MOVING UP DIN NAMAN AKO AH!!" Sabi ni Yeri.

     Sa mag totropa kasi sya yung pinaka bata.. Baby namin yan.. Kakamoving up nya lang din ng grade 10 nung nakaraan.
     
     Nagtawanan naman kami. Dumating na din si byul kasama si yongsun pati nadin si lisa.
     Nakita ko na din na palapit na din dito si Irene. Mukhang tapos na ata ang meeting nila ni bogs.
     
     "CONGRATS MGA KUPAL!! TANGINA AKALAIN MO YUN MAGCOCOLLEGE TAYO!!" medyo maluha luha pang sabi ni moonbyul. 

     "Taena neto napaka iyakin." sabi ni solar sa tabi nya.

     "mahal naman, ngayon lang yan.. Tears of joy." Sabi ni byul sabay turo kay Joy.

     "Congratulations everyone!!!" Bati naman ni Irene nang makalapit sya saamin. Sa tabi ko pala actually..


     Binati din namin sya. Then once again nag yakapan ulit kami. With matching ikot pa kasi sobrang saya talaga namin.
     
     "Nagpakilala na si gilagid kay papa?" Tanong ni Yeri sa ate nya.

     "I told you not to call him like that." Striktong sagot naman ni Irene

     "Nyenye.. Ano sabi ni papa?" 

     Halos lahat din kami nag aantay sa sagot ni Irene. Lalo na ako syempre..


    "Well, he's good daw.. Not disappointed.. Hindi daw katulad nung ibang manliligaw ko dati." Sabi ni irene.


    Hinawakan ako ni Wendy sa balikat sa kabilang tabi ko. Ewan ko ba dito.. Wala naman saakin yun.. Masaya din naman ako kasi nagustuhan ni tito si bogs. 
    Boto din naman ako dun since nakita ko na din naman yung mga good sides nya kapag nakakasama namin sya ni Hyun..
    
    
    "Oh since nandito naman na tayong lahat.. Ano pinayagan na ba kayo sa bakasyon natin?" Tanong ko ulit sa kanila para maiba yung topic.

     Actually sa mga tropa ko, okay na sila..G naman lagi yang mga yan tapos madali lang din payagan ng mga magulang. Sa side lang ni Irene yung kailangan ng confirmation.
     
     
    "Ako g na ako." Sabi ni Joy

    "Ako din!" Excited na sabi ni Rose.

   Ngiting aso namang tumingin saakin si Jisoo. Taenang to di pa nag sisimula, tuwang tuwa na.

    "As i said nga kanina, later pa ako mag papaalam but im sure naman na papayagan ako. Di ako papayag na di ako kasama no!" Sabi naman ni Jennie.


   "Ikaw?" Tanong ko kay Irene sa tabi ko. Lahat ulit ng atensyon namin napunta sa kanya.

   "Well, i tried to but.." 

   "Hindi pumayag si papa." Si yeri na yung nag tuloy.

   disappointment were visible to our faces.
     
   "Ay wag nalang tayo tumuloy." Sabi ni Lisa

   "No! huy wag!! ayoko maudlot yung saya dahil lang sakin no!.. Tumuloy kayo!" sabi ni Irene. "Wag nyoko intindihin! I'll try to convice him more. Babalitaan ko kayo mamaya. Promise!" 


  "Dylan!" Nagrinig kong tawag sakin ni Mama. "Halika mag pipicture tayo!" Sabi nya nang makita nya ako.

   "Hello po tita!" Bati naman nilang lahat kasi lumapit si Mama saamin.

   Kinongrats kami ni Mama tapos isa isa na din silang tinawag ng mga nanay nila para mag picture taking din.
   
   
   Aakyat pa sana kami ni Mama sa stage kaso napaka daming tao kaya dun nalang kami sa may field nag picture. Kasama mga tropa ko pati na din mga magulang nila. Same with Irene's friends.
   
   
   "Irene anak! halika sumama ka saamin." Tawag ni Mama kay hyun.

   Lumapit naman si Joohyun saamin. Tinuring na din naman kasi ni Mama si joohyun na anak nya since si Irene yung naging pinaka unang kaibigan ko simula nung nag highschool ako. 
   Lagi din kaming tumatambay sa bahay kaya kilalang kilala na ni Mama si Irene.
   
   
   Minsan nga kinokontrobersya pako nan ni Mama kapag kaming dalawa lang.
   Aba tatanungin baga naman ako kung nililigawan ko daw si Hyun.
   
   'Jusko, kung pwede lang ma.' Yan ang lagi kong sagot.


   Inakbayan kami ni mama parehas since nasa gitna namin sya. Para kaming magkakapatid. 
   
   "Congrats anak!" Bati ni mama kay joohyun.

   "Thankyou po titaa.. Congrats din po sa inyo. Pati kay dylan." Sabi ni Hyun tapos niyakap si Mama.

    Mas mukha pa silang mag nanay kesa saamin ni mama jusko.


    "Alis nga! inaagawan moko ng mama." Pabirong sabi ko kay Hyun. Tinawanan nya naman ako tapos hinampas sa balikat.

    "Ay sus naman ngay-on pa nag selos itong si dylan kung kailan tumanda." Sabi ni Mama saakin.

    "Sorry ka. Mas favorite ako ni tita!" Biro ni hyun pabalik.

   "Ay nako kayong dalawa. Favorite ko kayo parehas!.. Nga pala Irene, Balita ko may manliligaw ka na daw. Ikaw ha.. Wag mong kakalimutan itong anak ko kapag nagka boypren ka ha." Sabi ni Mama.

    "Nako tita! hinding hindi ko kakalimutan yang si dylan! gagawin ko pa po yang maid of honor sa kasal ko." Sabi ni Hyun.

    Maid of honor... Taena di ba pwedeng ako nalang yung tumayo sa tabi mo sa harap ng pari?
    Saka taena dylan? inaasar nanaman ako ng babaeng to. Sa tuwing kasama namin si Mama dylan ang tawag nan sakin. Epal eh.
    
    
    "Excuse me Jade. Hindi ako papayag maging made of honor mo. Ayoko maging katulong ng bride." Sabi ko. Gusto ko kasi ako yung katulong mo sa pang habang buhay....

    Nakita kong nag frown yung mukha nya dahil tinawag ko syang jade. Hah kala mo ha.
    "Edi wag di naman kita pinipilit!" Sabi nya tapos tinawanan nila ako ni mama.


    "Joohyun! Halika mag pipicture daw tayo sabi nitong kapatid mo." Tawag ng tatay ni Hyun.

    Nagkatinginan naman si Mama saka si Tito kaya nag ngitian din sila.
    
    "Tita alis muna ako. Congrats po ulit sa inyo! congrats DYLAN!!" Sabi nya samin ni Mama.


    Ngayon ko lang napansin na kasama pala nila si Bogs. Si bogs yung mag pipicture sa kanila.


    "Yun ba yung manliligaw ni Irene?" Tanong ni Mama sa tabi ko.

    Tumango lang ako. 

    "Magilagid ano?" Sabi ulit sakin ni Mama.

    Natawa naman ako tapos tumingin ako kay mama. "basher hahahah." sabi ko. Natawa din sya sa sinabi nya.
    May pinagmanahan talaga..
    
    
    Aalis na sana kami ni Mama kaso tinawag nanaman ako ni Hyun. "Dylan!!!" Talagang nag eenjoy syang tawagin akong dylan ah.
    
    Hinarap ko sya. Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako. 
    
    Sumenyas sya para palapitin ako. Nagpaalam naman muna ako kay mama. 
    
    "Sama ka sa picture namin!!" Sabi nya nang makalapit ako tapos hinila ako para mapasok ako sa frame.


     Medyo nahihiya pa ako dahil kay tito. Hindi kasi kami ganoon ka close ng papa nya. Mas madalas kasi kaming tumambay saamin kesa kila hyun..
     
     "Okay game. 1.. 2.." Bilang ni bogs nang makaayos kami ng pwesto.


      Humarap ako kay tito pagtapos namin mag picture. "Congrats seulgi!" Bati saakin ni Tito.
      
      "Salamat po! Congrats din po sa inyo. Pati kay yerim at joohyun po." Bati ko pabalik.

     Nagkamayan kami tapos hinila nya ako para yakapin tapos tinap yung likod ko. 
     I didn't know na may ganitong side pala si Tito kaya medyo nagulat pa ako. 
     
     Mula sa pagkakayakap ni tito nakita ko si joohyun na tinatawanan ako. Siguro bakas sa mukha yung pagkagulat ko kaya tawang tawa si gaga pati na din si Yeri.
     
     
     
     Kumalas si Tito sa pagkakayakap. Ako naman medyo nahihiya pa. "May pupuntahan ba kayo mamaya? Or may celebration din kayo?" Tanong ni Tito.
     
     
     "Ah may konting handaan po sa bahay pero wala naman po kaming pupuntahan.. Bakit po?"

     "I want to invite you. Kakain kami sa labas nila joohyun to celebrate her graduation and yeri's moving up ceremony." Sabi ni tito. Medyo nagulat pa ako kasi diko inexpect na aayain nya ako. 

     "You know.. We cant have a celebration sa bahay since walang mag luluto.." Medyo bakas sa boses ni tito yung lungkot nung nagsalita sya ulit. 

     "Nako tito sige po! Sasama po ako." Nag agree kaagad ako sa offer nya. 

     "Thankyou.. Para na din naman kasi kitang anak kaya naisipan kong imbitahin ka.. Also to thank you for always being there for joohyun.. If your mom can come, you can go with her too.. Im so much thankful to her din kasi pinaparamdam nya kay joohyun kung ano pakiramdam na magkaroon ng nanay.." Sabi ni Tito.


    "We are so much thankful din po tito.. Dahil nakilala ko, namin ni mama si joohyun.. Napaka bait na bata po ni joohyun kaya tuwang tuwa po si mama sa kanya.. Maybe she's like that because of you po. Kasi pinalaki nyo po sya ng maayos.." Sagot ko kay tito. 

    Pinat ni tito yung ulo ko tapos ngumiti sya saakin. "Well, see you mamaya.. Siguro mga around 6pm para dinner kasi sabi mo may handaan pa sa inyo." Sabi ulit ni tito.
    
    "Sige po. Imemessage ko nalang po si hyun." Sabi ko kay tito.

    "You should go. Mukhang nagkakatuwaan na silang mag kakaibigan doon. Go ahead and tell joohyun that i'll be going first. Hiniram din kasi sya saakin nung manliligaw nya kanina.. Mag dadate daw." Narinig kong bumuntong hininga si Tito habang nakatingin kila joohyun.

    "Papasamahin nga sana kita sa date nila but joohyun insist. Sabi nya it will bother you daw. Saka nakakahiya daw sayo... Well you know.. Its just that i don't really have a fully trust pa to that guy..." Sabi nya saakin.

    "Mabait naman po si Bogum tito. Joohyun is in good hands naman po. And also being joohyun's long time bestfriend, kay bogum lang din po talaga ako nag agree na ligawan sya kasi po mukhang mapagkakatiwalaan naman po si bogum... He even talked to me first before going straight to joohyun." Kwento ko kay tito.

    Naguguluhan din ako kung bakit ko pinupush si bogums kay tito kahit masakit. Lol
    Maybe because i can see that joohyun is happy with his presence din.. That's why i need to let go of my feelings for her na din kasi alam ko namang wala na talaga akong pag-asa.
    
     
    
    Ngumiti si Tito saakin. "Thankyou seulgi.." Sabi lang ulit ni tito.
    
    Nagpaalam na si Tito saakin nung tinawag na ako ng mga tropa ko. Nagpunta na din naman ako sa kanila. Nag picture picture lang din kami tapos nag asaran.
    
    Biglang pumasok sa isip ko yung dinner mamaya nila tito. Siguro way na din yun para maipag paalam ko sila Joohyun para sa bakasyon namin...
    

    
~~~
   
 
    "Ma sure ka ayaw mo sumama?" Tanong ko ulit kay mama. Nandito na din si joohyun. We're trying to convince my mom na sumama sa dinner nila hyun.

    "Dylan, kita mo ba yan. Kita mo ba yang mga tito't tita mo? Alangan namang iwanan ko sila dito.." Sagot ni Mama.

    "Irene anak, Sabihin mo nalang sa papa mo ay thankful din ako dahil nakilala kita. Napakabait mong bata.. Kung naging lalaki lang itong si Dylan ay nako, ako pa ang mag pupush dyan kay dylan para maging daughter in law kita.." Sabi ni Mama tapos tumingin saakin.

    Natawa naman si Joohyun sa sinabi ni Mama. "Sana nga po naging lalaki nalang si Dylan tita. Halos lahat din po kasi ng tipo ko sa lalaki ay nakikita ko kay Dylan.. Hahahaha"
    
    Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa narinig ko.. sana nga naging lalaki nalang ako...
    Para hindi mahirap.. Hindi mahirap na makuha ka...
    
    
    Kasalukuyan akong nag pipigil ng ngiti. Napansin naman ako ni mama kaya kinurot nya yung tagiliran ko.
    
    Napa aray ako ng konti.. Masakit mangurot si Mama. Parang si Joohyun lang din.
    
   "Marites! halika na dine't tayo'y babarek na! Natutunawan na ng yelo areng redhorse!" Tawag sa kanya nung isa nyang kumare.

    "Abay uo! Saglit laang Linda at ako'y papariyan na. Ika'y mag intay." Sagot naman ni mama.     
    
    "Sya, sige na. Kayo'y humayo na at baka nag iintay na sila sa inyo. Ako'y ipag take out nyo nalaang ng dessert kung maaari ha.." Sabi naman saamin ni mama.

    "Ma, wag magpapaka lunod ha! Baka mamaya pag uwi ko'y ika'y lungange diyan. Walang mag aasikaso sa iyo. Wala pa si Yeji." Banta ko kay Mama.

    "Oo! akong bahala dine dylan. Kayo'y lumarga na hulong. Si yeji ay itext mo. Sabihin mo'y umuwi na't anong oras na." Sabi nya tapos tinulak na kami palabas ni Joohyun.


    "Bye tita! wag po kayo magpapaka lasing ha!" Sabi din ni joohyun nang makalabas kami sa gate. 

    "Oo anak! congrats sa inyong dalawa. Pati sa kapatid mo congrats din kamo! sabihin mo sa papa mo'y pasensya na't akoy madaming bisita kaya ako'y hindi makakadalo sa inyo ano. Sa susunod na laang.." Sabi ulit ni mama kay joohyun. 

    "Mag iingat kayo ha. Ingat sa pagmamaneho. Dylan ayusin mo! Wag mong ipapahamak yang si Ayren ha! Babatukan kita pag may nangyaring masama diyan. Mag iingat kayo! ang desert ko wag ninyong kakalimutan." Huling sabi ni Mama bago pumasok sa loob. 


    Pinagbuksan ko muna si Hyun ng pintuan ng kotse bago ako magpunta sa drivers seat. 
    
    Pagkapasok namin nagsimula na akong magmaneho. Nag pumilit kasi ako kay hyun na ako na ang mag mamaneho papunta sa resto.
    
    
    "Kamusta date nyo?" Tanong ko kay hyun.

    "Date? With bogum? Pano mo nalaman?" Tanong nya.

    "Ahh so wala kang planong sabihin saakin?" Kunwaring magtatampo na ako.

    "No it's not that. Nakalimutan ko lang.." Sabi nya.

    "Sinabi saakin ni Tito kanina nung nag uusap kami. Pinapasama nya nga ako sa inyong dalawa eh." Sabi ko.

    "Si papa talaga... What did you say?" 

    "Tinulungan ko si bogum.. Nagdagdag ako ng info tungkol sa kanya para mapanatag si tito na mabait si bogs."

    Nakita kong ngumiti sya. "Thank you dylannn.." Nakangiting sabi nya.
    
    "Walang anuman Jade. Basta ikaw Jade." Asar ko din.

    Nawala yung ngiti nya ng tawagin ko syang jade.
    Napaka pikunin talaga. 
    
    "Bat ka nakasimangot?  Alam mo ikaw napaka galing mo kapag inaasar moko tapos kapag ikaw yung aasarin naka busangot ka kaagad dyan." natatawang sabi ko.

    "Che. Pano matagal ko nang sinasabi sayo na wag na wag mokong tinatawag sa second name ko." 

    "Matagal ko na din namang sinasabi sayo na wag moko tinatawag na dylan ah?" 

    Although gustong gusto ko din naman na naririnig sa kanya yung first name ko.. Ang ganda kaya pakinggan kapag sya yung nagbabanggit. Mas lalo lang akong nahuhulog.
    Kaya sinabi ko sa kanya na wag nya na ako tawaging dylan kasi halos lahat naman din ng kaibigan namin Seulgi ang tawag saakin.
    
    
    "Bakit ba kasi? Dylan sounds cute though. Ang cute kaya kapag tinatawag ka ni tita na dylan."

     "Ang pangit mukhang pang lalaki." Dahilan ko.


     "Pwede din naman sa babae yun!"

     "Oo na Jade. Manahimik kana dyan kasi malapit na tayo. Nakikita ko na si Yeri."

     Nakatanggap naman ako ng malakas na hampas sa balikat mula sa kanya. Buti nalang tapos na akong mag parking.
     
     "ARAYY!! Masakit yun ha! ang bigat ng kamay mo. Bato ba yan?!" Reklamo ko sa kanya.

     Dinilaan nya lang ako tapos lumabas na ng sasakyan.
     
     
     Naunang pumasok sa loob si Hyun. Si Yeri sumalubong saakin.
     
     "Luh? Ka family ka? Bat ka nandito?" Asar nya saakin.

     "Mag papaalam na ako kay tito." Sabi ko.

     "Ha? papakasalan mo na si ate?!" 

     "Tanga ibang paalam naman yang sinasabi mo. Ipag papaalam ko si hyun para makasama sa bakasyon!" 

     "Sus.. Gusto mo din naman.."Asar nya sakin.

     'Kung pwede lang yerim.. Kung pwede lang..' Sabi ko sa isip ko

      Tinignan ko nalang sya ng nakakasar tapos nag lakad na din kami papasok.
      
      Alam din naman ni yeri na may gusto ako sa kapatid nya. Kasi nahalata ako. Napaka galing magimbistiga ng batang yan eh. 
      Saka panong hindi ako mahahalata eh halos lahat nalang ng pagigisng sweet at pag aalaga ko kay Irene binibigyan ng malisya. Kahit alam naman nyang straight ang ate nya.
      
      Pero kahit ganun, nakakatuwa din pala kasi boto sya saakin hahha. Atleast kahit papaano may isang kapamilya ang boto saakin. 
      
      
      
     "Seulgi.. Halika maupo ka." Bati saakin ni tito ng makita nya kami ni Yeri.

     "Ang mama mo? Bakit wala?" Tanong nya nang makaupo kami. 

     Bale katabi ko ngayon si joohyun tapos si tito katabi si yeri sa harap namin ni hyun.
     
     "Nako tito, busy kasi dumating yung mga kamag anak namin sa side nya. Madaming bisita po. Walang mag aasikaso kaya hindi nakasama." Paliwanag ko.

     Tumango naman si Tito. 
     
     Maya maya pa dumating na din yung Order nila. Nakaorder na pala sila bago kami dumating ni hyun kaya andito na kaagad yung pagkain.
     
     
     "Ay tito, pa takeout na nga lang daw pala si mama ng dessert.. Yun nalang daw yung kapalit nung pagpapasalamat nyo sa kanya." Biro ko kay tito.

    Ngumiti naman sya. "Sya sige mamaya ipapagbabalot natin." Sagot nya.
    
      "congratulations sa inyong tatlo.. I am so proud of you. Especially to my daughters.. And also to you.. Seulgi.." Bati ulit ni Tito.

   Ngumiti kaming tatlo. Nagkatinginan pa kami ni Hyun tapos ngumiti din kami sa isa't isa. She mouthed congrats to me.
   
   "So, Saan nyo balak magcollege? Ikaw seulgi?"

   "Ah.. Hindi pa po sure kung saan tito.. Madami po kaming pinag examan ni hyun na schools, kasama yung mga tropa namin.." Sabi ko.

    "Nag iitay pa kami ng result papa.." Sabi naman ni Hyun.

    "Anong course ba ang itatake nyo?" Tanong ni tito saamin.

    "Pa, nasabi ko na sayo nung nakaraan ah. Mag tourism ako.." Sabi ni hyun

    "Oh right... Nakalimutan ko.." 

    "Tourism? Talaga te? Pasok yung mukha mo dun pero yung height.. Mukhang..." 

    "Manahimik ka dyan." Sabi naman ni Hyun kay Yeri

    Natawa naman kami ni Tito sa asaran ng dalawa. 
    
    "Ikaw seulgi?"

    "Ah mag architecture po ako." Sagot ko.

    "ohh archi.. Ayos yan. May mapapagawaan na kami ng bahay ng libre diba hyun?" Biro ni tito.

    Walang libre libre!! kahit kaibigan!!! 

   "Ay tito.. Business is business po eh.. Kaylangan kumita.. hahahahah" Biro ko kay tito pabalik.

   "Parang hindi kaibigan.." Sabi naman ni Hyun sa tabi ko.

   "Kapag ba naging F.A ka papasakayin mo kami ng libre sa eroplano?" Birong tanong ko kay hyun.

    "Syempre hindi! hindi pwede yun no." Sagot nya.

    Natawa naman si tito sa asaran namin. "Ay nako. Kumain na muna kayong dalawa dyan.."

    Ngumiti lang kami tapos kumain na din. 
    Napatingin ako kay Yeri kasi sinipa ako ni gaga. Katapat ko kasi sya.
    
    Nag vibrate naman yung cellphone ko kaya chineck ko kung sino yung nag text. Si Yeri lang pala.
    

katiebansot:
    'Magpaalam kana kay papa habang good mood pa.' 

 

    Oo nga pala. Nakalimutan ko na..
    
    
    Humugot muna ako ng lakas ng loob. Tapos na din naman akong kumain at mukhang patapos na din si Tito kaya eto na talaga yung tamang chance.
    
    Uminom muna ako ng tubig. I cleared my throat bago tuluyang magsalita.
    
    
    "Uhm tito, may sasabihin po sana ako sa inyo.." Sabi ko.

    Confused na napatingin si Hyun saakin.
    
    "What is it?" Sagot ni tito nang nang makatapos sya sa pag inom.

    "Tito kasi... Uhmm.. Ipagpapaalam ko po sana si Joohyun.." 

    "Seulgi.." Mahinang tawag ni Irene sa tabi ko. Mukhang alam nya na kung anong sasabihin ko. 
    Tinignan ko sya. I looked at her with an assuring look. 
    
    "Bakit? Anong ipag papaalam? May hindi ka ba sinasabi saakin joohyun?" Tanong naman ni tito kay joohyun.

    "Hindi pa.. Its about-"

   "Its about the vacation po tito." Ako na yung nagtuloy nang sasabihin ni hyun. "Since andito na din naman po ako, and ako din po yung may pakana nung vacation na yun.. Ipagpapaalam ko po si hyun sa inyo.. uhmm.. Pwede po ba syang sumama?" 

    "Is it the vacation in batangas?" 

    Tumango naman ako.
    
    "Well, i already said no to joohyun last time."

    Bumuntong hininga ako tapos napayuko... Mukhang hindi din gumana..
    
    "Papa..." Rinig kong tawag ni hyun bakas sa boses nito ang lungkot..

    "But.. Seulgi." Nag salita ulit si Tito.. Napaangat naman agad yung ulo ko nang tawagin nya ako.

    "Tell me more about that vacation."

    Bumuntong hininga ako. Maybe he's giving me a chance.. "Para po yun sa celebration naming mag kakaibigan tito dahil nga po nakatapos na kami ng k12. Napagplanuhan po namin na mag bakasyon sa batangas.. May resort po kasi si papa doon. At doon po kami mag iistay. Also it is our hometown din po. Hometown po ni papa kaya alam ko naman po yung mga pasikot sikot doon." paliwanag ko kay tito.
    
    "Sinong mga kasama?" 

    "Mga friends ko po, tapos mga friends din po ni Joohyun." 

    "May boys?"

    "Wala po tito! all girls po kami.."

    "Pa, kilala mo naman kung sino mga kaibigan ko diba. Sila jen.. Tapos sila wendy.. Yung laging dinadala ni Yeri sa bahay." Sabi naman ni hyun.

    "How about bogum? Is he going too?" 

    Napatingin ako kay joohyun.. Actually hindi ko din alam.. 
    
    "Hindi ko po alam eh.. Depende po iyon kay joohyun.." Sagot ko habang nakatingin kay hyun.

    Iniintay ko yung sagot nya.. 

    "Kung kasama si Bogum, papasamahin ko din si Yerim sa inyo." Sabi ni Tito.

    "Kasama naman talaga ako papa!!" Sabi ni Yeri sa tabi nya.

    "Talaga? eh bakit mukhang ang ate mo lang ang pinag paalam ni seulgi?"

    Tinignan ako ni Yeri.. Medyo masama yung tingin nya.. Kasama naman talaga sya sa plano namin. Nakalimutan ko lang banggitin.


    "Ah opo tito.. Kasama din po pala namin si Yeri.. Kasi po nag moving up na din po sya.." Sabi ko kay tito. Tumango naman ito.

    "Kasama ba si Bogum? Irene? Kung kasama sya, hindi ko kayo papayagan." Sabi ni Tito kay Irene

     "Hindi pa.. Hindi sya kasama.. Bonding namin yun ng magkakaibigan bakit naman kami mag sasama ng manliligaw namin.. That would be a bother.." Pag kompirma ni Irene. 

     Medyo nakalma naman ako.. Buti nalang.. Oo nga naman.. Kapag bonding ng mag totropa, mag totropa lang.. Bawal magsama ng jowa. Except pala kay byul at solar kasi tropa din namin sila..
     
     "Okay then.. You two can go.. Ilang araw ba kayo don? Kailan ang alis nyo?"

     Napatingin ako kay hyun. Bakas sa mukha nya ang pagka excitement at pagkatuwa. Ganun na din kay yeri.

     "3 days and 2 nights lang po tito. Aalis na po kami sa monday." Sabi ko habang nakangiti.

    "Okay.. Alright.. Basta mag iingat kayo doon.. There's a virus na kumakalat ngayon. I allowed you to go kasi hindi pa naman tayo naaapektuhan.. You should always have a mask and alcohols."Sabi ni tito.

    "Thankyou po tito. Ako po ang bahala sa dalawang yan. Hinding hindi ko po sila papabayaan." Sabi ko. 


    "Sure kana dyan? Feeling ko si ate lang yung aalagaan mo eh." Sabi ni Yeri.

    "Anong ate mo. Syempre pati ikaw priority ko no. Pinagkatiwala kayo saakin ni tito kaya responsibilidad ko na kayo." Sabi ko.

    "You should take care of each other. Responsibilidad ninyo ang isa't isa okay?" Sabi naman ni Tito.

    Tumango naman kami. 
    
    
    I am so glad dahil pumayag si Tito. Akalain nyo yun.. Charms ko lang pala ang makakapag papayag sa kanya. 
    Also, Masaya din ako dahil pinagkatiwala nya saakin ang anak nya.. Dalawa nga lang..
    Pero okay lang yun! parang feeling ko pinagpaalam ko si joohyun na maging girlfriend ko tapos pinayagan nya kami kasi sobrang tiwala na saakin ni tito. Hehehehe.
    
    
    

   Nauna nang umuwi sila tito at Yerim.. Nagsabi si hyun sa kanila na ihahatid nya daw muna ako at pumayag naman si tito. 
   
   
   Nang makadating na kami sa harap ng bahay, may hinuha sya sa may backseat.
   
   "Here." Sabi nya tapos inabot saakin yung maliit na box.

    "Ano to? Ka kornihan mo hyun ha." Sabi ko.

    "Graduation gift gaga.." 

    "Sus, may pa gift gift pang nalalaman. Hindi ka naman mahilig mag regalo ah?" Sabi ko.

     "Akin na nga! ayaw mo ata eh. Dami mo pang sinasabi ayaw mo nalang buksan at i appreciate yang regalo ko." Medyo inis na sabi nya.

     "Ohh chill!! kalmaa.. Eto naman binibiro lang eh. Thankyou dito hyunn." Sabi ko sa kanya tapos binuksa ko na yung regalo nya.

    "Necklace?" sabi ko. Mukhang mamahalin shet. Nakakahiyang isuot baka mangati yung leeg kong hindi sanay sa mamahalin.

    "Taena hyun.. Magkano to? mukhang mamahalin.. Baka mangati yung leeg ko kapag sinuot ko to." 

    Kinuha nya yung kwintas sa kamay ko.

    Lumapit sya saakin para isuot saakin yung kwintas na regalo nya. 
    Hindi ko inexpect na lalapit sya ng ganito kalapit kaya naramdaman kong bumibilis ang tibok ng aking heart.
    
    Pakshet.. Yung amoy ng pabango nya lang yung nalalanghap ng ilong ko. Sa sobrang tapang mukhang kahit hanggang bukas pag gising ko pabango nya padin yung maaamoy ko kasi tumambay na yung amoy nya sa ilong ko.
    
    
    Buti nalang naikabit na nya. Tangina.. Feelng ko namumula yung mukha ko. Pero hayaan na. Bahala na.
    
    
    "Look." Sabi nya tapos pinakita nya din yung suot nyang kwintas.


     Tinignan ko yung kwintas nya tapos tinignan ko din yung pendant nung akin. 

     "Diba dapat saakin yan? parang nagkapalit yata tayo?" Sabi ko

     The pendand of her necklace is a bear, while mine is a bunny. Cute kasi minimalist lang sya.. 
     
     
     "Para hindi moko makalimutan kung sakali man na iba tayo nang papasukan sa college." Sabi nya. "To remind you na i am always with you. And also, you are always with me because of these pendants that will remind us of each other.." sabi nya ulit tapos ngumiti saakin.


    Eto nanaman tayo sa mga paganyan ganyan mo hyun eh.. Taena pano ko maisasantabi yung feelings ko kung lagi mokong ginaganitooo???
    
    Bumuntong hininga ako. Hinawak ko yung pendant nung kwintas na suot ko tapos tumingin ako sa kanya.
    
    "Thankyou Joohyun..." Sabi ko.. And i gave her my sweetest smile.

     "Pakiss nga!" Lumapit ako sa kanya hinawakan ko yung mukha nya pero umiwas sya. 

     "Yuck! Tigilan mo nga!" Sabi nya. Tinawanan ko naman sya. 

     "Kiss lang eh! Sobrang thankful lang kasi naging bessy kita." Biro ko ulit.

     "Hug nalang gaga ka!" Sabi nya. Tapos hinug nya ako.

     "Kiss nga ayaw mo talaga? Yun nalang graduation gift ko sayo. Di ako nainform na may bigayan pala ng gift na magaganap eh." Biro ko ulit sa kanya nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

    Hinampas nya ako. "Tangina mo." Mura nya.
    
    "Shet. Suka nalang ang kulang. Ang lutong non." Sabi ko tapos tinawanan sya. Bumaba naman na sya ng kotse.

    Actually i feel bad.. Kasi wala manlang akong grad gift sa kanya.. Bakit ba hindi ko naisip na bilhan sya kahit simple manlang?
    
    
    Bumaba na din ako. Pumitas ako ng bulaklak dun sa may malapit na hardin sa tabi ng gate namin.
    
    "Hyun." Tawag ko sa kanya tapos binigay ko yung bulaklak.

    "Anak ng.. Ang corny mo! Para saan to?" 

    "Graduation gift?" Sabi ko.

    "Tanggapin mo!! wag kang choosy. I gagala na nga kita sa batangas eh." Sabi ko ulit kasi mukhang nag aalangan pa syang tanggapin.

    "Tangina ka talaga." tinanggap na nya yung bulaklak. "Thankyou ha!" 

     "Wag ka mag alala. Reregaluhan din kita.. Kasabay na sa birthday mo." Sabi ko. "Reregaluhan kita ng airport." Biro ko.

      "Talaga lang ha." Sabi nya. Nag tawanan naman kami parehas.


    Konting asaran pa at nagpaalam na din kami sa isa't isa. Naririnig ko na kasi si Mama na kumakanta sa videoke ng pang malupitang One moment in time. Jusko lasing na ata bumibirit na.
    
    
    Inintay ko munang mawala sa paningin ko yung sasakyan ni joohyun bago ako pumasok sa loob. 
    Hinawakan ko ulit yung pendant nung kwintas na regalo nya saakin.
    
    Bumuntong hininga ako.. 

   Ewan ko na.. Ang hirap palang controlin ng nararamdaman. Gusto ko syang iwasan pero hindi ko magawa kasi parehas kaming masasaktan kapag ginawa ko yun.. 
   we're too attached to each other.. At alam kong ayaw na ayaw nya ding mawawala ako sa buhay nya...
   I need to settle my feelings.. 


   
   Kaya ko to. Kakayanin ko to! Pagsubok lang to Seulgi..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1144 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki 50 streak #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
873 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1144 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1029 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun