Chapter 13

Istranded

A year ago...

        Kasalukuyang kaming bakuran nila Irene.
        We're having a sleepover at Irene's place with our friends, at yung iba ay nasa kanya kanyang tent na.. We decided to camp out nalang sa labas since walang enough na kwarto para sa lahat. 
        
        
     "Di makatulog?" Tanong ko nang makita kitang nakaupo sa nakalatag na blanket sa damuhan. Tumabi ako sayo at komportableng naupo.
       Nakatingala ka nanaman sa langit, pinagmamasdan ito. Minsan diko malaman kung mahilig ka ba sa astrology or what.. Pero sabi mo naman dati hate mo ang science. Siguro inaadmire mo lang yung ganda ng kalawakan..

     Ngumiti ka nang mapansin mo ako at tumango. 
     
     Agad na kumalabog ang puso ko sa mga ngiti mo. Ewan ko ba, siguro naging routine na ng puso ko yun tuwing makikita ko yung mga ngiti mo. 
     Humiga ka at umunan sa lap ko.. Natense ako for a second and you felt it kaya you tapped my knee to lessen the tense that i feel.. you knew na i wasn't a fan of something like this but you still like to cling onto me.. But im not complaining tho..
     
     "Hindi ka ba nasasanay sa pagiging clingy ko?" Natatawang sabi mo.

     "No.. Im getting used to it.. Its okay if its you. Natetense lang talaga ako pag biglaan.. Give me some notice sometimes.." sagot ko. 


     You just giggled as a response.. And once again, tumambling nanaman ang puso ko kaya napangiti nalang din ako.
     
       
     "Di mo naman kaylangan dito din matulog kung dika komportable sa tent.. Bahay mo naman to." Sabi ko.

      "Its not that.. Hindi pa lang talaga ako inaantok... Dahil siguro sa pa kape ni wendy kanina.." 

     "Siguro nga.. Pano lakas ng trip barako pa tinimpla ma try lang yung coffee grinder nyo." 

     "She's just excited." Sagot mo saka iniwas ang tingin sakin at tumingin ulit sa langit..

     Tinignan lang din kita.. I admired you just like how you admired the moon and the stars. We went silent for a minute then nag salita ka.
     
     
     "Ang lonely tignan ng half moon no?" Sabi mo saka ka tumingin saakin. Nagtama naman ang mata natin at saka lang ako nabalik sa mundo.

    "Ang alin?" Wala sa sariling tanong ko. Tapos tumingin din ako sa langit.

    "Yung buwan.. Ang lonely nya tignan sabi ko, kasi half moon." Sabi mo ulit saka natawa.

   Napansin ko naman ang tinutukoy mo. 
   
   "Hmm, kahit naman half moon yan, yung kapares nya lagi parin nandyan sa tabi nya, buo parin sya kahit hindi nya yun nakikita.. Or kahit hindi natin nakikita.. And i think its just because of the rotation kaya nagkakaron ng half moon at kung ano ano pang tawag sa moon, but still buo talaga sya.." 

   Napangiti ka naman sa sinabi ko. Actually hindi ko talaga alam kung anong sense non.. I was just like comparing the moon to a.. a real life situation?? Im not a fan of science din :(
   
   
   And i think you get it, bumangon ka mula sa pagkakahiga sa lap ko at umupo sa tabi ko tapos sabi mo, "Sometimes, i feel like im a half moon too.. But because u said that lagi lang namang nandyan sa tabi nya yung kapares ng half moon.. Is it weird that whenever i feel lonely, i think about having you by my side?" 
   
  Nagdiwang ang puso ko sa sinabi mo kaya napangiti ako.. Paano, sa lahat ba naman ng taong pipiliin mong makasama, ako yung naiisip mo.. Is that a plus point?? 
  
  
   "Maybe because you're my bestfriend... Right??" Sunod na sabi mo ulit na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti ko. 
    Yeah, i forgot that we have that boundary.. 


    "Like, sa sobrang click natin sa isa't isa, i feel like we were a full moon kapag magkasama tayo.. And kapag magkahiwalay tayo, we're still connected.. Just like how the half moon still have their other half kahit di nya yun nakikita.. The half moon knows that their other half will always be right by their side.... Tama ba ako?" Tumingin ka saakin ng nakangiti. 


    Ngumiti nalang din ako at tumango. "Im glad.." 
    
    "huh? Bakit?" 

    "Because you think of me whenever you feel lonely..."

    "It isn't weird for you?" 

    "Nope.. Kasi im your bestfriend.. But the other half thing were too cringy- aw!" Biniro kita at kinurot mo naman agad ang braso ko.

     "I was just being sentimental!!" 

     "Ang cringe kasi we never did something sentimental like this before!! tapos biglaan ka pa dyan!" I said while gigling at her reaction. 

     "Mas weird nga pag bigla kang nagiging ganyan." Sunod ko pa at hinampas mo naman ang braso ko..

     Tumawa nalang tayo parehas tapos nahiga ka na ulit at umunan sa lap ko, this time hindi na ako na tense. 
     
     "Pero tunay, im so glad that you think of me.. Ako kasi i think of you almost every minute, every second of the day.." Sabi ko.

     Tinignan mo naman ako at tumaas ang isang kilay mo habang naka smirk ka. You probably noticed na the last line was a reference from a song.. 
     
     "Hm? Yun na yon? Akala ko kakanta ka pa eh.." 

      "Oo sana kaso diko na alam sunod na lyrics don?" 

      "Pft.. corny mo kaya wala kang nagiging jowa eh." 

    "Wala talaga, iniintay lang naman kita eh." Medyo pabulong kong sabi.

    "Ha?" 

    "Hatdooog" sabi ko sabay pisil sa ilong mo.

     "Aaa!! Tsk!! ano nga yon? bat ka ba kasi bumubulong dyan e andito kausap mo!" Sabi mo pagkahawi mo ng kamay ko.

     "Sabi ko, bat pa ako hahanap ng jowa eh nandyan ka naman??" seryosong sabi ko..

     Nagkatinginan tayo ng matagal.. Pero tingin ko naman mga segundo lang yun.. Pero para sakin yun na ata yung pinaka matagal na segundong naranasan ko bukod sa biglaang pa recitation ng teacher ko sa science..
     
     "Aray!" Singhap ko nang pitikin mo yung noo ko. "Para san yun?!" sunod na sabi ko sabay himas sa noo ko.

     Tumawa ka naman.. Tuwang tuwa ka talaga pag ginaganito mo ako no? 
     Pero, sino ba ako para mag reklamo? Eh kung eto yung way para marinig ko yung mala aling marites mong tawa na napaka ganda pakinggan kapag ako yung nakakapag patawa sayo ng ganun.. 
     
     
     "Sasabisabihan mo akong cringe kanina eh mas cringe nya yang ginagawa mo ngayon.. Tigilan mo nga ko, irereto nalang kita don sa pinsan ni bogum? Si... jimin? gusto mo?"      

    "Psh.. Sino naman yun?"

    Yak shuta diko kaylangan ng recommendations mo. Ikaw nga lang gusto ko. Ang kulit. Saka mag rerecommend ka na nga lang lalaki pa.
    
    "Ayaw mo? Choosy pa? Single daw yun. mag aarchitecture din daw sa college. Bigay ko number mo buk- aaaw!!" 
    
    Ikaw naman yung pinitik ko ngayon. Para quitz na kasi naiirita nako eh.
    
    "Bat may pagpitik?!!!" Sabi mo sabay sama ng tingin.
       
    "Oh ano ikaw lang pwede? ha?" Sagot ko.

    "Arte mo! Hinahanapan na nga ng jow-"

    "Tsk, hyun wala akong pake don. Di ako interesado. Di naman ako jowang jowa no! as long as nandyan ka, masaya nako! Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Masaya ako sayo." seryosong sabi ko.

    Tumingin ka sakin tapos bumangon ka ulit. Kunwaring nasuka ka sa sinabi ko. Natawa naman ako sa reaksyon mo. 
    
    "Ang arte ha. Nagpapakatotoo lang naman ako." Sabi ko.

    "Okay.. That's enough.." Sabi mo tas natawa ulit tayo parehas. 

    Humiga ka pero hindi na sa lap ko ikaw umunan.
    You tapped the space beside you para sensyasan akong humiga din sa tabi mo.     
    Humiga din ako pero pa diagonal, only our heads are touching. 
    
    Napatingin ako sa langit.. Nakakaamaze kasi kahit dito lang sa bakuran nyo kitang kita yung mga stars sa langit. Makakapag stargaze ka talaga kahit kelan mo gusto. Not that clear kasi nasa ground ka pero maganda padin tignan. 
    
    
     "Seul!! may shooting star!!" Sabi mo saka tinuro yung nakita mo. 

     "asaaann??!!" Dahil hindi naman 20/20 ang vision ko hindi ko kaagad naaninag yung tinuturo mo. 

     "Make a wish!!" 

     "But you don't like making a wish.." 

     "On my birthdays.. Pero first time ko makakita ng shooting star so let't give it a try!!" Excited na sabi mo saka pinaglapat ang palad at pumikit. 

     Ganoon nalang din ang ginawa ko.. Hindi ko man nakita pero sige try ko nalang din. 
     
     'Matupad lang wish nya, wala naman na akong hinihiling pang iba kasi dumating naman na sya eh..' Seulgi's wish.


      'Forever friendship with seulgi..' Irene's wish.


~~~~


      Nagising ako... Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at iniwan na din ako ni byul.. Huling naalala ko nag usap kami ni byul at nag labas ako ng sama ng loob.. Naalala ko kung anong huli kong iniwan sa labas.. 
      
      "Ano kayang sagot nya?.." 

      Bumuntong hininga ako.. Mabigat ang pakiramdam ko.. Kaya siguro itinulog ko nalang kanina pagkatapos kong umiyak kay byul.. But i knew byul kick the out of me para mabalik sa katinuan.. Wala na kasi akong ibang maramdaman kanina kundi sakit.. Kahit naman tinanong palang sya, mas lumalaki yung posibilidad na baka wala na talaga akong pag asa.. i should just stay as her bestfriend. In that case mas tatagal pa yung samahan namin.. Kaya nga kami umabot ng 6 years diba?
      
      But the only thing that i fear right now eh yung baka unti unting mag fade yung pagiging solid namin as bestfriends kasi nandyan na si bogarts.. 
      But.. She isn't that kind of girl naman siguro?? I hope..
      
      Tinignan ko yung oras at mag aalas diyes palang. Buti nalang..
      Bumangon ako at nakiramdam sa paligid, may naririnig pa akong ingay sa labas. Mga ingay ng mga lasing kong kaibigan malamang.. 
      
      
      Humiga nalang ulit ako.. Wala padin ako sa mood para makipag kulitan sa mga kasama ko at lalo na kung makikita ko lang yung mukha ni bogarts na kung makatitig kay irene eh kala mo pag kumurap sya biglang mawawala to si irene. Psh.
      Kingina bat kasi sobrang galing ng timing. Lagi nalang kung kelan eto na ako, saka naman ako tatablahin ng tadhana. 
      
      "Diretsuhin nyo nga ako! May galit ba kayo sakin ha?! Di nyo ba ako favorite?!" Inis na sabi ko. 


     "Ako, favorite kita..." 


     That voice is familiar... Who the fuc- 
     

     "H-hyun??????" napabangon ako ulit nang makita ko si joohyun sa may pintuan ng cr. Kakalabas nya lang.. Kumukurap kurap pa ako kasi baka mamaya nagiimagine lang ako. Pero potek di sya nawawala tas lumalapit pa sya.. 


     Damn.. Hindi nyo talaga ako favorite no? confirm na talaga yon.


     "Para ka namang nakakita ng multo." Sabi nya saka naupo sa may paanan ko. 

     Kinusot ko yung mata ko pero di padin sya nawala.. Potek.. 
     
     "K-kanina ka pa??" Tanong ko. 

    Ngimiti ka "Pumasok ako nung bumalik na si byul, Sabi nya nakatulog ka daw kakahanap ng phone mo.."
    
    "I stayed and looked for your phone.. Chinarge kona din.." 

   Kwento mo.. Nag tataka ako.. nagtataka ako bakit ka nandito at wala sa bagong jowa mo? 
   
   Ibig sabihin ba nun....????
   
   
  "I am actually waiting for you to wake up."

  "U-uhh.. Bakit? Haha. Do you need something?? Kailangan ba ako sa labas??" Tanong ko. 

   "Not really... Its just that.." Hindi mo na tinuloy ang sinabi mo.. Ngumiti ka nalang sakin.

   "Just that what?" Tanong ko. 

   I can see something in you eyes.. Hindi ko mawari kung lungkot o saya.. Since hindi ganun ka liwanag sa kwarto. The only light were coming from the outside kasi bukas ng konti yung kurtina ng balcony, then yung lamp sa bedside. 
   
   
   "May problema ba?" Tanong ko ulit kasi hindi ka nag sasalita. 

    How come na i am the one who's hurt, pero ikaw padin ang inuuna kong intindihin? 
    
    
    "Wala.." 

    "Okay then." sagot ko nalang kahit halata ko nang may iniisip ka. Kahit kailan naman hindi kita pinilit mag labas ng problema mo.. Basta alam mong nandito lang ako anytime na sobrang nabibigatan kana.


     And bukod doon, wala din talaga ako sa mood. Padagdag lang ng padagdag yung mga pumapasok sa isip kong tanong.. Kung bakit ka nandito, bakit mukhang hindi ka masaya katulad kanina... 
     
     "Bakit dika makisama kila joy? Enjoy the rest of your day?" Tanong ko sayo.

     "How about you?" 

     "Ako? Hindi ko alam.. Uhmm.. medyo wala ako sa mood na tumayo.." dahilan ko. 

     "How about the 'spending the rest of my day with you' ?" 

      Bakit ako? Bakit hindi si bogum yung ka spend the rest of your day mo?  
      
      "And sabi mo din kaninang umaga you have something to say.." 

     Ah.. Oo nga pala. Yung lintres na confession sana na tinabla nanaman ng tadhana..
     
     But.. She's here.. She's right beside me.. And she's not with her supposed to be boyfriend.. AND SHE WANT TO SPEND THE REST OF HER NIGHT WITH ME.
     
     
     BRO??? PINAG LOLOLOKO MO BA AKO????
     Binibigyan mo nanaman ako ng katiting na chance eh!!
     
     
     "Ahh yon... nawala sa isip ko sorry... Pero wait.. Ikaw din diba may sasabihin??" 

    OO naalala ko may sasabihin din sya na kating kati na ako buong araw malaman kung ano man yon!!! Na nawala bigla sa isip ko kasi potangena mo bogum.


     "Did i?" 

   Anong did i??? Shuta may short term amnesia ka ba? Porket may jowa kana ha?!!
   
   
    "Yes you did, pero anyways. I really do have something to say to you." 

     Tumingin ka sakin.. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman mo ngayon base sa dinidisplay ng mukha mo. Neutral lang ganon.. Kaya diko tuloy alam kung masaya ka ba o nag aalala. 
     
     "Lets spend the rest of your day together? Katulad dati?" Tanong ko sayo. 

     Ngayon nakita kona yung ngiti mo. Napangiti nalang din ako. 
     Tumango ka saka tumayo. 

     "Glad you still woke up.. Kasi kung hindi mag tatampo talaga ako. I was actually worried nung hindi kana bumalik." Sabi mo.

     "hehe. Napagod lang siguro sa preparation kanina.. Anyways, sige na.. Intayin mo ako sa may beach side.. Susunod ako.." sabi ko.

     "Susunod ka? Bat dipa sabay?" 

     "Susunod ako.. Basta mauna kana." 

     "Iintayin na kita." 

     "Tsk. Hyun." sabi ko saka ka tinignan ng seryoso. Susunod naman talaga ako. I just need some time to prepare. 

     "Fine.." Sabi mo saka dinampot yung blanket mo at lumabas ng kwarto. 

     Humiga muna ulit ako saglit.. Nag isip isip ako.. 

     Biglang nag u turn yung utak ko.. I think there's a possibility.. There's a probability na she dumped bogum and chose me? Kasi kung wala, Bakit ako padin yung iniintindi nya? Where in she can be spending the rest of her night with her new boyfriend. 
     That's the only thing that im sure for now. 
     Tama nga siguro yung sinabi sakin ni byul kanina..
     Na, 'what if yung sasabihin nya sayo eh gusto kana din nya?' 
   
  
     At sa tingin ko nga, siguro nga.. Siguro nga we feel the same.. Kaya naman tumayo na ako at hinanap yung regalo ko sa kanya. 
     Wala akong plano, i just want her to know what i feel for her, and what exactly i am.. kasi parang hindi kona kayang kimkimim to. 
     
     
     Kung bokya man, edi.... tangina... de joke, at least i tried.. We can still stay as friends naman diba?... 
     

     
     Hindi ba??

 

~~~~~~

    Habang papalapit si seulgi sa kung saan nakaupo si irene ramdam na nito ang kaba at bigat na kanyang nararamdaman.. Hindi nito alam kung anong kahahantungan ng gabing ito.. 
    And she only have two choices right now..
    Ang tumakbo palayo kay irene at isalba ang friendship nila o ang magpatuloy kahit alam nyang may chansa na pagtapos ng gabing ito eh hindi na sila magiging katulad ng dati?
    
    
    But then, she disregard her first choice.. Bahala na si batman ang sabi nito sa sarili. 
    

    "Hyun.." seulgi whispered as she place her hands on irene's shoulder. She tried to sound normal kaso kinakabahan talaga sya.

    Irene jumped a little.. "What.. Hey.." bati nya. She looked suprised nang magkatinginan sila ni seulgi, malapit yung mukha nila sa isat isa since binulungan lang sya ni seulgi kanina.. 
    
    Irene was thinking about her dream.. It was a bit similar..?? kasi yung suot ni seul ngayong hoodie eh yun din yung suot nito sa panaginip ni Irene. 
    
    "Sorry, napainom ako ng isang bote, di ako pinaalis hanggat diko nauubos eh.. Natagalan tuloy ako.." Seulgi explained saka naupo sa tabi ni Irene. 

    Okay, it wasn't similar.. 

    "Tinakasan mo kasi sila kanina. Tas tinulugan mo pa." Sabi ni Irene. 

    Umismid lang ng ngiti si seulgi. Maya maya pa'y kinuha na nito ang regalo nya kay irene mula sa bulsa ng hoodie nya.
    
    Napansin ito ni Irene, another similar reference from her dream. 
    
    'Is this some kind of deja vu?' Tanong ni Irene sa sarili.

    medyo mag aalala sya na baka maging totoo nga talaga yung panaginip nya..

     "Here.. Happy birthday." sabi ni seulgi saka inabot kay irene yung box. 

     'i swear to all the gods out there, kung bracelet man ang laman nito...' Her thoughts got interrupted nang buksan nya ang box at bracelet nga ang laman nito. Pero walang airplane or something na similar yung design sa nasa panaginip nya. 

     Similar yung string nung bracelet but hindi airplane yung pendant.. It's a half moon.


     Napansin ni seulgi na parang nakakunot ang noo ni Irene. 
     
     "Hey.. Hindi mo nagustuhan??" Kabadong tanong ni Seulgi. 


      "No.. I-i like it!" Agad na sabi ni Irene saka ngumiti kay seulgi. "Thankyou." 

      "Akala ko hindi.. hindi kasi kita madalas makitang naka bracelet.. So i thought.. disappointed ka.." 

      "Hey.. Hindi no! Ang ganda kaya nito! I always appreciate the things you give to me. And i always love it.." 

      "Actually, wala talaga ako sanang maibibigay sayo ngayon.." 

      "Psh, Alam mo, you didn't have to give me something naman.. You were enough for me.. Katulad nito, you granted my wish to spend the rest of my night with you.. That was enough to be your birthday gift for me.." 


     Hindi naman agad nakapag salita si seulgi dahil sa kilig na pinipigilan nito. pilit nyang pinipigilan lumabas ang malaking ngiti nya. 
     
     "Pero, kahit na.. I promised nung graduation day natin na babawi ako sa birthday mo.. Kaya dapat meron.." 

     "And what was that again?? Sabi mo bibigyan mo ako ng airport? Asan na?" Biro ni joohyun.

     "Bakit? Sinabi ko bang ngayong birthday mo na to, ko ibibigay yun?" 

     Natawa naman si joohyun.. Alam nya naman na madami talagang kalokohan sa katawan si seulgi. Sinasabayan nya lang talaga minsan.


     "Pero.. Etong bracelet na to.." Sabi ni seul saka kinuha sa box yung bracelet na regalo nya. 

     "My lola actually made this for me.. Binigay nya noong nag punta tayo sa bahay." 

     Napalayo naman nang kamay si irene.. 

    "What? Eh bakit sakin mo binibigay?" Takang tanong ni Irene. 

     Nginitian lang sya ni seulgi at inabot ulit yung kamay nya para ikabit yung bracelet.


    "Seulgi, that's yours..." 

    "Shh, sayo na yan ngayon.. Sabi ni lola sakin nung araw na yun, I can keep it, pero ginawa nya talaga to para ibigay sa taong importante para sakin.." 

     Irene's heart skipped a beat.. She aleady knew kung saan to papunta. And she already have a hint kung ano talaga ang sasabihin ni seulgi ngayong gabi. 
     
     She's happy.. She make herself feel happy for the mean time. 


      "To remind that them na i am that person's half moon." 

      Napatingin si Irene kay seulgi. Nakafocus ito sa pag kakabit ng bracelet kaya hindi ito nakatingin sa kanya. 
      Seulgi looked so dearly.. She wanted to hug her right there and then pero pinipigilan ni irene ang sarili nya. 
      
      
      "Or should i say, to remind you that i am your half moon?" Sabi ni seulgi saka tumingin kay irene pagkatapos nyang ikabit yung bracelet. 

      Nagtama naman ang tingin ng dalawa. Ngumiti si seulgi at ganoon din si Irene.
      
     "Bakit ang corny mo ngayon????" Biro ni irene. 

     "Sus, ikaw naman unang nag banggit nyan sakin dati na para tayong full moon. Im just being sentimental.. Kasi birthday mo." sagot ni seulgi. 

       "Saka tignan mo oh! sakto full moon.. Siguro kasi magkasama tayo ngayon." Sunod na sabi ni seulgi.

 

    Napatingin naman si Irene sa langit. She can clearly see the stars and the moon dahil nasa clear na field sila. 
    
    "Gusto mo bang makita yung stars ng mas malapit?" Tanong ni seulgi kay Irene. 

     Binaling naman ni irene ang atensyon nya ulit kay seulgi. 
     
     "Ha? What do you mean??" takang tanong ni Irene.


      Tumayo si seulgi hawak hawak padin yung kamay ni Irene na pinagkabitan nya ng bracelet, inaya nya itong tumayo.
      
      
      Tumayo naman na din si Irene. Inakay ito ni seulgi paalis. 

      
      "San tayo pupunta?" Tanong ni Irene pero di sya sinasagot ni seulgi at patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa likod nung bahay na pinag iistayan nila.


       It was dark there, bawat poste lang malapit sa beach ang may ilaw. Iniikot ni irene ang tingin nya at nakakita sya ng rooftop.

       Humiwalay si seulgi para buksan yung gate.

       "Is this some kind of secret place dito sa resort nyo?" Tanong ni Irene saka lumapit kay seulgi. 


      "Yes? I dont know.. Sabi ni papa sila lang daw ni mama ang tumatambay dito noon, they spend their time here occasionally. Just the two of them.. They always kept it locked kaya hindi napupuntahan ng mga nagbabakasyon." Kwento ni seulgi habang umaakyat sila. 


      The rooftop isn't that high, tago kasi sya kaya hindi mo sya maaaninag kapag nasa unahan ka ng bahay. 
      
      They came up and the first thing irene noticed is a telescope. 
      Agad syang pumunta doon para tignan ito. 
      
      
      "So you aren't actually joking nung tinanong mo kung gusto kong makita nang malapit ang stars?" Sabi nito nang nakangiti at tumingin kay seulgi.


       Seulgi just smirked. Lumapit ito kay irene para tignan yung telescope na puro gabok. Muntik na ngang mangalawang eh. 


       Tinesting na una ni seulgi at mabuti naman maayos pa ito. 
       
       "Oh, tignan mo." Sabi ni seul saka nag adjust para makatingin si Irene. 


        Excited na tinignan ito ni Irene. "Wooaah" ekspresyon nito.
        
        Natuwa naman si seulgi sa nakikita nya ngayon. While irene was admiring the stars, Seulgi admired her. 

       Seulgi thought that this would probably be the nice time. 
       She looked so beautiful, breathtaking, at kung ano ano pang mabubulaklak na salita ang gusto nyang sabihin kay Irene.        
       
       "Its so pretty!! seul!! tignan mooo. i dont think i'll get enough of this!! I wanna take this home!!!" excited na sabi ni Irene. 

     Natawa naman si seul sa cute antics ni Irene. She's still admiring the stars and never bother to looked at seulgi. But its okay tho, as long as she's happy.
     
     
     Seulgi just looked at Irene, At naramdaman naman na ni Irene yun. Ilang minuto na din tinitignan ni Irene ang mga bituin at ilang minuto na din syang tinititigan ni seulgi. 
     
     This time, hinarap nya na si seulgi. But not like the other times, hindi umiwas si seul sa tingin nya. 
     
     
     Irene stepped closer to seulgi but seulgi take a step backward, Seul was actually leaning sideways sa railings ng rooftop, and she gave space to irene kaya sya umusog.
     
     
     They were still looking at each other. "Bat ganyan ka makatingin?" Tanong ni Irene.
     
     "Paanong ganyan?" 

     "I dont know.. Like, im some kind of someone you...adore.." 

     "Because, you are." 

     Irene cleared , "Of course you do, im your bestfriend after all." 
     
     "Nope." 

     "Anong nope?!" 

     "I don't adore you as my bestfriend." 

    Irene was taken aback by seulgi's words. Umiwas ito ng tingin kay seulgi. 
    
    Natahimik sila. Umiwas na din ng tingin si seulgi at humarap ng pwesto sa railings. Seulgi doesn't know how to react, she's giving her some signs.. But she doesn't receive a reaction from Irene. Not even a small smile.. Or kahit siguro disgust matatanggap nya kasi kapag nag bibiro si Seulgi ng ganoon sa kanya she's always ready to smack seulgi's head. 

    
    "You knew it, don't you?" Seulgi started.

    "What?" tugon ni Irene, not knowing kung anong tinutukoy ni seulgi. 

     "That.." Seulgi let out a sigh.. "That i am.. I am just like byul.. like wendy.." 

     Matagal bago sumagot si Irene. Tinignan nya muna si seulgi. Inabot nito ang kamay ni Seulgi kaya napatingin si seul sa kanya.
     
     This time nakakita na sya ng ngiti mula kay Irene. A calm one. 
     
     Her thoughts became positive.. She doesn't see any disgust from irene and or anything that surprised her.
     
     "I knew.. I am starting to notice it seul.. Ever since you've became friends with them.. But im not blaming them for turning you on what you are.... I am just a bit disappointed." Sabi ni Irene. 

    "Bakit?" 

    "Siguro dahil you hide it from me.." 

    "I.. Sorry." 

    "Loko. You dont need to! Its not something that you need to say sorry for!" Sabi ni irene saka binatukan ng slight si Seulgi.

     "Natakot ako hyun.. Naisip ko baka umiwas ka sakin since you have some personal problems about.. You know..."

     "Why would i? You've been with me for a long time. And after your friends came, I've become open to people like them.." Irene explained. She reached up for seulgi's hands and held it. "It doesn't matter to me seulgi. Whatever you are.. Ikaw parin naman yan, its just you being true and honest with me.." 


     Seulgi felt a slight relief.. That lifts up one problem from her shoulders.. She's more glad that irene accepted her kesa noong umamin sa sya mga magulang nya. 
     Like coming out to irene was way more nerve breaking for her. 
     And she's glad. She's happy. Very happy. 
     
     
     "Well... thank you?" Ang tanging nasabi ni seulgi at ngumiti kay Irene. 

     "Thankyou too.. For telling me." Ngumiti din si Irene pabalik. 


     They go back to being silent. Now the only thing that bother seulgi is confessing.. Well, maganda naman yung kinakalabasa ng mga nangyayari so far but still, she doesn't know where would this night lead. 
     
     
     "But hey.. Care to explain to me that 'i dont admire you as a bestfriend' thing??? like.. It bothers me.. Actually.." Irene started. 


    That's when seulgi started to lose in the battle with herself. She's actually having a battle sa utak nya kung babanggitin pa ba nya ulit kay Irene yon, or not.. Since its been a great night for the two of them.. As of now.
    But she fought enough naman na siguro. She fought enough just to lose. And maybe now was the time too. Para isang bagsakan nalang. Kung masasaktan edi masaktan.. Atleast di nya na pinatagal pa. 
    
    Kahit matagal naman na talaga?
    

   Everything feels so right for seulgi.. They both started their night gigling and looking so dearly at each other. Everything feels so right. So she took her chance
    

    Seulgi cleared before speaking up. She opened to speak but it seems like she's having a hard time producing a sentence. 
    
    "I.. Uhh.. a.. Hyun.." 

     "Are you actually drunk? Or??" Irene ask.

     "Hindi. No.. No. I didn't even drink that much. haha." 


     Irene does have a hint. She just want to confirm it. She isn't that dumb to not notice what seulgi was implying earlier. And she isn't that dumb to notice that seulgi might have a feelings for her.. Which is what she feared.. After knowing who seulgi is. She do like her too but.. 

 

      "I... I think it was you.. It..it was you who made me realize that i... I like.. Women.." Seulgi stated. 


     And that was when irene confirmed it all.. Seulgi on the other side doesn't know where to look at. She avoided irene's gaze. Because she doesn't want to see something in irene that would disappoint her. 
     
     
     "I dont know when.. Where it all started.. Narealize ko lang na, isang araw i saw you.. And my world seems to just stop and move in slow motion.." Natawa si seulgi sa sinabi nya. "Ang corny pero, hah ewan.. I doubted myself, that wasn't what i supposed to feel with my bestfriend.. But then when it comes to you.." 

     Seul take up the courage to look at Irene. She sees nothing.. A neutral face.. 
     
     "you.. had that effect on me." 


    Irene tried to talk but now it seems like she's the one now who cannot form a sentence. 
    
    
    "Seulgi i.." 

    Seulgi reached for irene's cold hands and take a step closer to her. It was cold outside and they forgot to take the blanket from the beach. 
    
    "Joohyun, Gusto kita.. And if you dont feel the same way then stop me from what i am about to do." 

      She bravely leaned forward and bring her hands to her bestfriend's cheecks. She angled herself and let their lips touch..
            
      Seulgi doesn't know where the courage came from but thanks to all the gods out there for giving it to her. 
      
      It lasted for seconds.. that felt like a minutes to seulgi.. And she felt her bestfriend responded.. 


    Until joohyun decided to push her.       
    
      
    It was like irene waked up from her senses. She tooked a step backward from seulgi and looked into her eyes. 
    
    
    "Im.. Sorry.. Seulgi.. Thankyou! but.. Sorry." 

 

     The only thing irene said then she walked away from seulgi. 

 

 

     Just like that... Seulgi thought that Everything will be alright from the start... 


    Until it doesnt... 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1149 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
879 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1149 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1034 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun