Chapter 4

Istranded

3 years ago   
  
    "Oh tubig mo."

    "Bakit tubig? Sabi ko coke."

    "Tigilan mona kaka softdrinks. Gusto mo bang mamatay ng maaga?!" 

    Kinuha ko yung tubig na binili nya tapos sabay kaming naupo sa bleachers.
    
    "Seul game na!" Tawag ni byul sakin. Mag lalaro na din kasi ulit sila.

    "Kayo muna! kakaupo ko lang eh." Sigaw ko pabalik. Medyo malayo kasi yung inuupuan namin ni Irene sa mismong court. Nasa pinaka taas kami actually.

    Inabutan ako ni Irene ng towel. "Ang baho mo." Sabi nya.

    "Malamang nag laro eh? Ano gusto mo amoy downy padin ako?" Sagot ko pabalik habang nag pupunas ng pawis.

    "Yung likod ko nga pa ano.." Sabi ko. Hindi ko mapunasan ng ayos yung likod ko.

    "Ayoko kadiri. Ang pawis." 

   "Ang arte mo teh! Di ka pinapawisan?" Inirapan nya lang ako. 

   "Sige na papunas lang. Nagkakasipon ako kapag natutuyuan ako ng pawis sa likod." sabi ko ulit. 

    Labag sa kalooban nyang kinuha yung towel sakin. "Talikod." Sabi nya tapos tinulak yung katawan ko patalikod sa kanya. 

   "Aray ah. Labag na labag sa kalooban ah." Biro ko. Hinampas nya lang ako tapos umayos na din ako ng upo.

   Ramdam ko yung diin ng pag punas nya. Medyo masakit din ng konti. Talagang labag na labag eh.

   "Tangina hyun ako na nga! ang sakit eh." Sabi ko tapos kinuha ko yung towel.

    Hinablot nya ulit pabalik yung towel. "Ako na. Arte pa pinupunasan na nga." tinulak nya ulit ako patalikod.

   "Dahan dahan kasi." Reklamo ko. Sinunod naman nya. 


   Pagtapos nya punasan yung likod ko, Di na ulit ako sumali kila byul maglaro. Nag paalam na din kami ni hyun kasi nag text si mama na may papagawa daw. 
   
   
   Habang naglalakad kami papunta sa cr ng girls, ramdam kong may sumusunod saamin. 

    Tumigil kami sa tapat ng room namin tapos pumasok kami ni hyun sa loob para kuhanin yung pamalit kong tshirt.
    Tumigil naman yung sumusunod samin dun sa katabing room tapos pumasok sila sa loob. Siguro para di mahalata.
    
    
    "Manliligaw mo nanaman yun no?" Tanong ko kay joohyun habang kinukuha yung damit ko. Nakaupo sya sa table nung arm chair ko.

     "Sino?"

     "Yung sumusunod satin." Ngumuso ako sa may pintuan kasi nakita kong dumaan yung isang kasamahan nung sumusunod samin. 
      Napatingin din naman sya.

    Hindi nyako sinagot pero mukhang nainis sya. Lumakad na ulit kami papunta sa cr.. Ramdam ko padin na may sumusunod padin samin. Mga ilang metro din yung layo nila..
    
    
    Hindi ko nalang pinansin pero si joohyun mukhang hindi komportable.
    Tinignan ko sya. Napatingin din sya saakin.
    
    Inakbayan ko sya tapos nilapit ko sya sakin. Para mailang yung sumusunod samin.
    
    Tuloy tuloy lang kami sa pag lalakad. 

    Nang makarating kami sa may pintuan ng cr ng girls bigla akong tinulak ni joohyun sa may pader sa tabi nung pintuan bago makapasok sa loob ng cr.
    
    Humarap sya saakin. Tinakpan nya yung bibig ko gamit yung kamay nya.

    "Teka hyun!! ano bang ginagawa mo?!" Sabi ko habang nakatakip yung kamay nya sa bibig ko. 

    Hindi nyako pinapansin nakatingin lang sya sa may likod nya. 

    Nang mapansin nyang may papalapit nang mga lalaki bigla nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko tapos nilapat nya yung labi nya sa likod nung kamay nya na nakatakip sa bibig ko.

    Kung titignan mula sa likod ni joohyun ay muka talaga kaming nag chuchukchakan dito.. 
    Buti nalang at wala na masyadong tao..
    

     "Joohnnmmff-" Di ako makapag salita kasi diniinan nya pa yung kamay nya. 

    Ano bang problema neto?!?!!

   "Irene- oh .." Rinig kong sabi nung lalaki. 

    may nakakita pa?!!!

    Ilang segundo din kaming nanatili sa ganoong pwesto.. Napapikit nalang ako. 
    Mas lalo kong naramdaman yung mabilis na pagtibok ng puso ko. 
    Dahil ba to sa kaba? O dahil sa....  kilig? 
    Nahihirapan akong huminga. Parang may paru parong naglilipadan sa tyan ko.
    Di ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon..
    
    Kahit may kamay na nakalapat kakaiba padin yung feeling..
    Pero bakit feeling ko gusto kong tanggalin yung kamay na naka harang???
    
    "Andyan pa ba?" Bulong nya. 

    Napamulat ako. Nag balik balik yung tingin ko sa kanya pati sa likod nya. Yung mata ko hindi mapakali.

    "W-wa-wala.. w-wala na!" Pautal utal na sabi ko.
    
    Tinanggal ko yung kamay nya sa bibig ko tapos mabilisan akong pumasok sa cr.
    
    Mabuti nalang hindi ko nakalimutang i lock yung pinto. Rinig kong kumakatok sya. 
    
    "Oy seulgi!!!"  

    Di ko sya pinansin. Pinakalma ko muna yung sarili ko. 
    
    ano yun??? Bakit nag kakaganito yung puso ko? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit ang init ng mukha ko?
    
    
    Naghilamos ako para mabawasan yung pagkatense ko. 
    Nakakahiya. Pano kung narinig nya yung sobrang lakas na tibok ng puso ko?
    
    
    "Seul!! buksan mo!! baka bumalik sila!!" Rinig kong sabi nya. Binuksan ko naman agad yung pinto kasi kumalma na din ako ng konti.

    Pumasok sya sa loob tapos sinara nya ulit yung pinto.
    Dumiretso sya sa sink tapos nag hugas ng kamay.
    
    "Kadiri amoy laway mo." Sabi nya habang nag huhugas.
    
    Bakit ang kalma kalma mo? Halos mamatay nako dito dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, tapos ikaw kalmado lang???
    
    Gusto kong sabihin yun sa kanya kaso..

    "Arte ah? i-ikaw nga dyan ang pabigla bigla! k-kadiri ka!!" natawa lang sya.

    "Sino ba yon?"

    "Si jackson."

    "Yung grade 10?"

    "Oo. Kinukulit kasi ako nun lagi.. Lagi akong sinusundan.. Sana naman tumigil na sya dahil sa nakita nya."

    "Sana sinabi mo kaagad.." Medyo inis na sabi ko. Pumasok ako sa isang cubicle para mag bihis.
     
    "Pero seul..." Tawag nya.. Narinig ko din na pinatay nya na yung gripo.

    "Ano?!" Sagot ko.

    "Bakit ang lakas ng tibok ng puso mo kanina?"

    Putangina sabi ko na nga ba eh.

    Hindi agad ako sumagot. Inayos ko muna yung damit ko bago tuluyang lumabas ng cubicle.

    "K-kasi..."

    "KASI HEALTHY AKO!!" 


    Siguro yun na yung unang panahon kung kelan ako nagkagusto sayo. 
    Kasi simula noon lagi nalang gustong kumawala ng puso ko kapag may ginagawa kang sweet saakin. Naiinis na din ako kapag may ibang lalaking umaaligid sayo.
    Siguro nga yun na yung unang araw na nagustuhan kita Irene.


~~~
Bak2riyaliti

 

    "What does it feel.... to kiss you?"

 

     ANO DAW??? 
     
     TEKa??? Minumulto ba ako? Bat kung ano anong naririnig ko? 
     Lasing ba ako?


     Mas lalo akong na tense nang hawakan nya yung magkabila kong pisngi.
     
     Hala, wait lang po. Eto na ba talaga? sure na ba to? totoo na ba to? Wala na bang nakaharang?


     Unti unti nyang nilapit yung mukha nya hanggang sa dumikit na yung dulo ng matangos nyang ilong sa dulo ng ilong ko. 
     
     Nakaramdam ako ng parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nung magdikit yung ilong namin. 
     Hindi ako makagalaw. 
     Hindi ko alam ang gagawin ko..
     
     Pumikit ako. Nararamdaman ko na yung pag hinga nya sa labi ko. 
     
     Jusko naman rold, Kung kukuhanin nyo na ako ng maaga, sana binigyan nyo po muna ako ng notice. Bakit naman laging biglaan??
     
     
     Umangulo sya. Nawala yung koneksyon sa pagitan ng ilong namin. 
     
     Palapit na ng palapit yung.....
     


     "Irene.." Sabi ko tapos nilayo ko sya saakin. 
     Tinignan nya ako gamit ang mapupungay nyang mata.
     
     
     
     "Hmm?" Malamyang tugon nya.

 

      Hindi.. 
      Hindi tama to.. 
      Ayokong gawing advantage ang pagiging lasing nya para lang dito.. Kaya naman hinawakan ko sya sa balikat tapos tinignan ko sya.
            
      
      "Lasing ka na... Tara hahatid na kita sa kwarto mo." Tumayo ako. Hinawakan ko yung dalwang kamay nya tapos umupo ako patalikod sa kanya. 
      Binuhat ko sya sa likod ko. 


     Papasok na sana kami sa loob kaso nagsalita nanaman sya.
     
     
     "Seul.."

     "Ano nanaman?" pag diko na talaga na kontrol sarili ko ewan ko nalang. Baka friendship over na tayo kinabukasan.


    "Lakad muna tayo.."

    "Madaling araw na joohyun. Babyahe pa tayo bukas. Mag mamaneho pa ako."

    "Kahit 10 minutes lang. Dun lang sa may tabing dagat. Pleaasee???" 

     Akala nyo ba bibigay ako dahil sa cute na please nyang yon? HAH ano akala nyo sakin marupok?

 


     
    Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon sa may tabing dagat. Buhat buhat ko padin sya sa likod ko.
    
    
    OO NA MARUPOK NA AKO. OK NA TAYO DON?

    
    "Alam mo, mabigat ka. Sabi mo mag lalakad TAYO, eh pucha ako lang pinaglalakad mo eh."

    "Baba nako." Sabi nya tapos bumitaw na sya sakin. 


    Umupo sya sa sand. Mahihiga pa sana si gaga pero pinigilan ko.
    
    "Tignan mo to. Mag kakasakit ka sa ginagawa mo eh. Sabi na kasing matulog na." 

    Hinila nya yung kamay ko para umupo din. 

   "Upo ka dito. Napaka masermon mo. Para ka talagang si papa." Bumuntong hininga ako. Actually naiilang padin akong umupo sa tabi nya. Baka kasi mamaya maulit nanaman yung nangyari kanina.
   At baka sa pangalawang lang yayaring yon eh hindi ko na mapigilan ang sarili ko.


    "Alam kong na aawkward ka dahil sa ginawa ko kanina." Sabi nya nang makaupo ako. Medyo may pagitan ng konti sa gitna namin. 

     Nagulat naman ako sa tanong nya. Akala ko wala lang sa kanya yun. 
     
    "Lasing ka at naiintindihan ko yun. Buti nga ako yung naka encounter ng ganun mong ugali kapag lasing eh. Pano kung ibang tao yun? Edi sinamantala na nila yung pagkakataon." Tumawa ako ng medyo mahina sa huli para kunwari ok lang ako. Pero ang totoo, ewan. Haha

    "Baka bukas di mo na din maalala yun." Sabi ko ulit.

    Pero saakin it will remain as a memory..


    Lumapit ka nanaman sa tabi ko. You closed the small gab between us tapos sumandal ka nanaman sa balikat ko.
    
    
    "Paano kung ginawa ko yun.... ng hindi ako lasing? papayag ka ba?" Malamyang tanong mo. Bakas sa boses mo na inaantok ka na. 

     Hindi agad ako nakasagot sa tanong mo. Hindi ko din naman kasi alam kung anong isasagot ko.
     Pinapakaba mo nanaman ako.
     Binibigyan mo nanaman ako ng konting pag-asa..
     Hindi talaga kita maintindihan.


     "Bakit mo naman gagawin yun? Parehas tayong babae hyun." 


     Tumawa ka. "What ifs lang.."


    "Dami mong alam kapag lasing ka. Kung ano anong sinasabi mo." Pabiro kong sagot.


   Natawa ka pero mahinhin yung pag tawa mo..
   

     "Paano kung..." Humikab ka..  Napatingin ako sayo and you're staring at the sea. Yung mata mo mukhang nilalabanan nalang yung antok.


    "May mainlove sa isa sa atin? Are we going to still... stay.. the same?" Medyo humihina na yung boses mo pero narinig ko padin yung huling sinabi mo. 

   Ako dapat yung nagtatanong nyan sayo hyun eh. 


    Hindi naman ako kaagad nakasagot. 
    Hindi na kita sinagot actually.
    

     Nagsalita ka ulit. Bumuntong hininga ka muna bago ka mag labas ng salita.
     
     
     "Actually i don't know kung bakit ako nag tatanong ng ganito sayo.. psh.." Humikab ka ulit. Nakapikit kana nung nag salita ka.


    "Kasi lasing ka? You know, iba naman kasi talaga ang epekto ng alak."


    "Tinatanong ko yun... kasi... that's.... what.. im fehnjljgs-"  

    Medyo humina na yung boses nya halos di ko na maintindihan yung huli nyang sinabi kasi mas malakas na yung tunog nung alon kesa sa boses nya.


    
    "Hyun??" tawag ko. biglang bumagsak pauna yung ulo nya. Buti nalang nasalo ko kaagad. 
    Nakatulog na sya. Pocha ano kaya yung last na sinabi nito???


     Bumuntong hininga ako. Binuhat ko na ulit sya sa likod ko.
     Naglakad na kami papasok ng penthouse. 
    Pagpasok namin sa loob yung mga kupal andun padin sa sahig mga nakahilata. 
    Si joy at wendy magkayapusan pa. Ang sarap sana picturan kaso masakit na yung likod ko kakabuhat dito sa loka lokang to eh.
    
     
    Naglakad na ako ulit papunta sa kwarto ni joohyun. 
    
    Ibinaba ko sya sa kama nya, Tinanggal ko yung tsinelas na suot nya tapos inayos ko din yung kumot sa kanya.

   Naupo ako sa may gilid nya. Pinagmasdan ko muna sya ng sandali.
   
  Inayos ko yung buhok nyang nakaharang sa mukha nya.. 
  

   
   'What does it feel to kiss you?' 

 

   Bumalik sa ala ala ko yung mga katagang sinabi mo kanina..

   Curious ka lang ba? katulad nang pagka curious mo sa relasyon nila byul? o gusto mong itry kasi gusto mo talaga at nararamdaman mo talagang baka pwede? 
   
   Hindi kita maintindihan actually. Lahat ng galaw mo, lahat ng sweet words mo towards saakin, Is it because you are my bestfriend?
   
   or higit pa sa bestfriend yung nararamdaman mo para saakin?
   
   Sign na ba to? 
   
   Sign na ba to para i push ko yung nararamdaman ko? 
   Kasi feeling ko naman may pag asa eh. 
   
   Eto na ba yung nag iisang liwanag sa dilim? 
   Eto na ba yung sinasabi ni byul na bright side?
   

   
   (Oo seulgi ayan na yon. ngina ka dami mong tanong)


    
  Kasi kung oo...

   Simula bukas hindi na bestfriend ang tingin ko sayo Irene. 
   Itataas ko na ng mas higit pa sa bestfriend yung pagtingin ko sayo. 
   May chance man o wala.. Wala na akong pakeelam basta maamin at maparamdam ko sayong gusto kita. 

   I will take the risk. Itataya ko na yung 6 na taon nating friendship sa sugal ng pag-ibig.
    

   Tinignan ko ang mala anghel mong mukha habang natutulog. 
   Mukha ka naman talagang anghel kahit hindi tulog.


   Hindi ko alam kung saan nang galing yung lakas ng loob ko pero...
   
   
   
   Lumapit ako sa mukha mo..
   


  Para halikan yung noo mo.
  

  
  Lumayo ako at ngumiti. "Goodnight Joohyun.." Banggit ko habang hinahaplos yung buhok mo.


~~~

 

    "Aray!" Nagising ako kasi may sumampal saakin.

    Hinawakan ko yung kamay na nakapatong sa pisngi ko tapos lumingon ako sa kanan para tinignan kung kaninong kamay yun.
    
    Nagulat ako nang makita ko ang napakalapit na muka ni aleah saakin.
    
    Tatayo na sana ako kaso yung mukha nya mas isiniksik nya pa sa may leeg ko.
    
    "shyet.. wendy.. kalma.. Kaya mo yan.."

    Inayos ko yung ulo nya.. Nilayo ko saakin tapos umupo ako. Medyo nag frown pa sya habang natutulog tapos binaling nya yung ulo nya sa kabilang side. 

   Napangiti ako.. cute talaga nito kapag tulog. Mukhang baby..

    Tinignan ko yung orasan mag aala una na ng madaling araw.
    
    Tatayo na sana ako kaso may nakayakap sa may binti ko. 
    
    "Yonggg wag ka umaleeess san ka pupunjdhhhh" Bwisit si byul.

    Tinampal ko yung kamay nya. Bumitaw naman si gaga. 
    Jusko. Mga knock out na pala silang lahat. Buti nalang nagising ako. 
    
    Tumayo ako. Papunta ako ngayo sa kusina para kumuha ng tubig. Nanunuyot yung lalamunan ko saka yung puso ko. 

   Sakto naman habang hinahakbangan ko tong mga kaibigan namin lumabas din si seulgi..


   Teka...

 

   Sa kwarto ni Irene?????


   Napansin nya na din ako. Nagulat pa sya.

   Sinensyasan ko sya. Tinuro ko yung kwarto ni madam saka sya. 
   Mukhang na gets naman nya.


  Naglakad na ulit ako tapos naglakad na din sya palapit sakin. 
  Sabay kaming naglakad papuntang kusina.
  
  
  
  "Ginagawa mo? nag chukchakan kayo no?!" Pabulong na sigaw ko sa kanya. 

   Kumukuha sya ng tubig sa ref tapos nilapag nya yung pitsel sa harap ko. 


   "Dumi ng utak mo. Yan ba tinuturo ng mga magulang mo sayo?"

   Inirapan ko lang sya tapos kumuha ako ng baso. 
   
   "Aba malay ko pa ba kung pinagsamantalahan mo na pala si Irene." Sabi ko habang sinasalinan ng tubig yung baso ko.

   "Ulul. Di ko gagawin yun no." 

   "Sus, pa innocent." 


   "Akin na nga yan bwisit ka. Matuyuan ka sana ng lalamunan dyan bahala ka." Sabi nya sabay hablot nung baso saka pitsel tas nilayo nya sakin.

   "Eto naman joke lang eh." kinuha ko ulit sa kamay nya yung baso tapos uminom na kaagad ako. 

 

   Etong si Seulgi? hindi ko alam pero ako na din ata ang naka impluwensya dyan na maging katulad namin ni byul.. 
   Naging kaklase ko yan nung grade 9.. Ako yung naging bestfriend nya nung nalipat ng section si Irene. Pero best bestfriend padin talaga si Irene syempre.
   May time pa nga na pinagselosan ako ni Irene kasi lagi kami yung magkasama ni Seulgi nung mga panahong hindi sila magkatugma ng schedule ni Irene.
   Yun din yung panahon na sinabi samin ni Seulgi na gusto nya si Irene. Pero hanggang ngayon hindi padin gumagawa ng move si gaga.
   Sobrang torpe nakakainis. Tinutulungan na nga namin minsan sa pamamagitan ng papapahalata kay Irene. 
   
   
   
   "Bat ka nakatingin? Crush mo na din ako?" Mayabang na tanong nya.

    "Bobo. Kilabutan ka nga." Binato ko sya nung binilot kong tissue.

    "Kamusta kayo?" Tanong nya. Alam ko naman na kung sinong tinutukoy nya. 
    Sabay pa kaming napatingin kay Joy.


    Ngumiti lang ako.. actually hindi ko alam.. hanggang ngayon hindi ko padin alam yung dahilan. 
    Ano bang nagawa nyang mali? Hindi naman sya nag kulang. Binigay nya naman yung lahat sakin..
    
    "Tropa padin?" Sabi ko 

    "Bobo ka. Balikan mo na kasi." 

    "Mahirap ngaaa.. Naka move on na din ako.."

    "Move on pero kung makatingin inlove na inlove padin."

     "Feeling ko move on na din naman sya eh.. Mukhang hindi naman na sya na aawkwardan kapag magkasama kami. Nakakapag biruan na nga kami minsan eh."

     "Akala ko ba sasabihin mo na hanggat andito pa tayo sa batangas? Talk ka din eh." 

    "Pano ko sasabihin eh ganyan nga yung nangyari.... Saka backout na ko. Mas ok nako sa ganitong sitwasyon namin. Siguro mas okay na magkaibigan nalang kami seul. Kasi baka mamaya kapag binalikan ko sya, Ganun nanaman ulit yung mangyari sa relasyon namin.. Ilang beses ko nang sinaktan si joy.. Ayoko nang ulitin yun.."


    "Bakit mo kasi iniiwan kung ayaw mo naman palang masaktan."

     "Basta seul. Ang mahalaga ok kami." ayoko nang pag usapan yun.


    Bumuntong hininga kami parehas. 


    "Eh ikaw? Bakit dun ka galing sa kwarto ni Irene ha? Di mo pa sinasagot tanong ko. Siguro nag chukchakan talaga kayo."

     "Tanga ka. Binuhat ko lang papunta don. Galing kami sa labas."

     "Ahh sa labas naman pala nag chukchak.. Aray!" Binato ba naman ako ng kutsara??

   "Bonak ka kasi." 


    "Balik mo ma yan sa ref. Tulungan moko mag ayos dito. Di kana lasing diba?" Sabi nya tapos nag punta sa salas para tignan yung mga kupal.


    Binalik ko naman na sa ref yung pitsel tapos sumunod na din ako kay seulgi sa salas.
    Hinanap ko muna yung cellphone ko bago ko tulungan si Seul.
    

   Nung nahanap ko, naupo muna ako at nag scroll muna sa fb.
   
   "Uy gaga, Ang dami na palang cases sa maynila ng kornbip." Gulat na sabi ko. 


   "Anong kornbip?" 

   "Yung virus na galing china."

   "Talaga? ilan na?"

   "80+ na.. Tas nakalagay dito kapag daw tumaas pa sa 100 baka daw mag lockdown buong luzon." 

   "Awit yun. Buti nalang nakapag bakasyon na tayo... Kaso hindi na matutuloy yung iba pa nating plano.."

   "Taena brad, pano kung bukas nasa 100 na yung cases? Tingin mo? ma lolockdown tayo dito?" 

   "Di yan.."

  Siguro nga hindi. 80+ palang naman.. Makaka byahe pa siguro kami.


   "Aray!" Napa aray nanaman ako nang may lumipad nanaman papunta saaking tsinelas. "Ano ba?! bato ka ng bato. masakit na ah."

   "Sabi ko kasi tulungan moko pag bubuhat dito sa mga to. Hindi yung maupo ka lang dyan at bantayan yung covid cases sa maynila. Pakyu ka." Sermon nya.


   "Oo wait lang. I memesage ko lang sila mama na wag nang lumabas at mag istock na ng mga pagkain."

    "OA mo. bawal mag panic buying gaga. Bukas nalang bago tayo umuwi mag grocery muna tayo dito sa batanggas kung sakali man."

    "Onga no. Ang witty mo talaga."

   "Oo nga kaya tumayo ka na dyan tulungan moko buhatin tong si byulyi."


    Tumayo naman nako tapos tinulungan kona sya. 

    Pinagtripan pamuna namin si byul bago namin tuluyang ipasok sa kwarto nila ni Lisa. Sinunod naman namin si Lisa.
    
    Si Solar at Rose nagising ng kusa, kaya kusa na din silang nag punta sa kwarto nila.
    Si jennie naman magaan lang kaya nakaya na ni Seul mag isa. Ako naman kay Jisoo.

   "Ako na kay Yeri syempre eto kasama ko sa kwarto eh. Ikaw na bahala dyan sa ex mo." 

    "Hayaan mo na sya dyan. Pwede na yan dyan."

    "Gago ka ba. Gusto mo bang bumalik yan sa maynila ng may lagnat." 

    "Tulungan mo ako. Ang laki laki nan.. Baka di ko kayanin."

    Binuhat na nya si Yeri sa likod nya. "Intay ka lang." Sabi nya tapos lumakad na sila ni Yeri papasok sa kwarto.


    Lumapit ako kay Joy. 


   "Uy?" Tinapik ko yung pisngi nya. 

   "Hnnmmhgg" Aba tumutugon. 

   "Joy?" tinapik ko ulit yung pisngi nya.

   "Anoooo" Medyo naiinis na sabi nya tapos kinamot yung pisngi pero nakapikit padin.


    Natawa naman ako. Ang cute cute nya. 

   "Gising ka ba? tayo ka muna sa kwarto ka mahiga wag dyan sa sahig." Tanong ko. 

    Hinawakan ko yung parehas nyang kamay. Pinuwesto ko yung paa ko sa magkabilang legs nya tapos hinila ko sya patayo.

   Ang laking bulas talaga neto. Hindi ko mabuhat ng ako lang shet. 
   Taena san na ba kasi si Seulgi.


   Inayos ko yung hawak ko. Sa braso ko na sya hinawakan ngayon. 
   
   
   Bumwelo muna ako bago ko sya hilahin "One twoo... THREE!" Bilang ko

   Pagkatayo ko sa kanya nagulat pako kasi ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. 
   Pero di din naman tumagal kasi biglang bumagsak yung ulo nya sa balikat ko. 
   Napaka tulog mantika. Gano kadami ba ininom nito?


   Inayos ko yung buhat sa kanya. Iniakbay ko yung isa nyang kamay sa balikat ko tapos yung isang kamay ko nasa bewang nya.


   Habang inaakay ko si Joy papunta sa kwarto namin sakto naman na lumabas na si seulgi sa kwarto nila ni Yeri. 


   "Kaya mo naman pala eh. Tulog nako ah" Sabi nya pagkakita nya samin tapos pumasok na ulit sa loob.

    Hindi ko naman na sya napigilan kasi nahihirapan ako dito sa dala ko. 


  "Konti nalang wends, Kaya natin to." cheer ko sa sarili ko tapos lumakad na ulit kami. 

   

   Pagdating namin sa kwarto agad ko syang inihiga. Nadala pa nga ako eh kaya napahiga na din ako. 
   
   "Hoooo. Ang sakit sa likod." 


   Nakalimutan kong naka akbay pa nga pala si Joy saakin, Bigla nya akong kinabig palapit sa kanya gamit yung kamay nyang naka pulupot sa balikat ko ngayon. 
   

   Nakaharap ako sa kanya ngayon. Kitang kita ko yung mukha nya na malapit lang din yung distansya sa mukha ko. 

   "Ganda mo padin.." Bulong ko. 

 

   "Alam ko."


???


   Nagulat ako kasi tumugon sya..  Tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako.  Nananaginip ba to?
   Malapit padin ako sa kanya. Bigla syang mumulat..
   

   "Gising ka?"

  "Hindi, Nakamulat lang talaga ako matulog." Pabirong sagot nya. medyo gumagaralgal pa yung boses nya. 

  Hinampas ko naman ng mahina yung braso nya. 

   "Gising ka naman pala, pinahirapan mo pako mag buhat sayo." 

   "Kakamulat ko lang. Nagising ako kasi ang lakas ng pag bato mo sakin."

   "Sorry." Sabi ko lang. 

   Sinubukan ko ulit tumayo pero pinigilan nya naman ako.

   "San ka pupunta?" tanong nya nang mapahiga ulit ako. 

   Pocha ano ba? lasing padin ba to? 

   "Uhm, Kukuha ka ng tubig??" Sagot ko. 

   "Wag na.. dito ka lang..." sabi nya tapos mas lalo pa nya akong nilapit sa kanya. 

   "Lets stay like this.. just for today.. hm?" Sabi nya ulit ng nakapikit.

    Hindi ako sumagot. Bumuntong hininga ako at hinayaan ko nalang sya. 
    
    Cuddles? sana lang hindi nya makalimutan at hindi nya pagsisihan bukas ng umaga.
    
    Pumikit na lang din ako. 
    Namiss ko din naman to kaya sulitin na natin..
    


~~~


    "Wends, pwede ikaw na muna ang mag drive pabalik? Sumasakit padin kasi ulo ko." Sabi ni Byul kay wendy.

    "Ayan.. alak pa.. dami daming ininom alam na magmaneho." Sagot ni Wendy kay Byul tapos kinuha yung susi nung isang sasakyan kay byul. 


    "Seul! Palit daw kami ni Byul! Dyan sya sa inyo." Sigaw ni Wendy kila byul. 

    "Si sol din." Sabi ni byul tapos bitbit si solar papunta sa sasakyan nila seulgi. 

   "Gagi brad di kaysa. isang tao lang si wendy. isang seat lang yung available."Sagot ni Seul nung makarating sa kanila si Byul.

   "Kakandungin ko nalang si Solar." 

   "Tanga." Sabi ni Solar tapos hinampas si byul. 

   "Sige na ikaw nalang dyan. dun nako kila wendy." Sabi ulit ni Solar.

   "Walang mag aalaga sakin." Pabebeng sabi ni Byul.

   "Yuck kadiri." Sabi ni Seulgi

   "Ako dun nalang ako sa kabila." Sabi naman ni Joy na nakikinig sa usapan nila byul.

   "Wehh? Gusto makasama si wendyy yieee" 

   "Tanga kayo. Ayoko lang makasama si Yeri baka mamaya sumuka pa to." Sabi nya tapos bumaba na sa sasakyan.  pumasok naman na yung dalawa ni byul.

   "Di ako naniniwala." Sabi ni Seulgi inaasar padin si Joy. 

    Hindi naman na sya pinansin nito tapos pumasok na sa kabilang sasakyan.


   "Oh ano? ok na ba kayo?" tanong ni Seul sa kabilang sasakyan. Nag thumbs up lang si Wendy tapos inistart na yung sasakyan. 


   "THANKYOU BATANGAS!!!" Sigaw nila lisa. "UNTIL NEXT TIME!!"


    Bumalin naman na si Seul sa sasakyan nila. Nagsimula na din syang magmaneho. 


    Habang nasa kalagitnaan ng byahe, Biglang nag ring ang cellphone ni Seulgi. 


   "Hyun paki tingin nga.." Sabi nito kay joohyun na nasa passenger seat.

    "Si Tita.." Sagot nito. Sya na din yung sumagot nung tawag tapos ni loudspeak nya nalang.

    "Hello tita?" 

    "Oh sino to?"

    "Si Irene po tita, nag mamaneho po si Seulgi."

    "Nag mamaneho ako ma. bakit ka tumawag?" Tanong naman ni Seulgi

    "Ahh. Pasaan kayo? pabalik na ba kayo dito sa maynila?" 

    "Oo ma. bakit may papabili ka ba?" 

   "Yeji, pwede pa bang bumyahe? tignan mo nga. Wala pa bang kaso sa batangas?" Rinig nilang tanong ng mama ni seulgi kay yeji sa kabilang linya.

    "Ano yon ma?" Tanong ni Seulgi

    "Ha? Ay bibilinan ko sana kayo at lumampas na ng 100 ang kaso ng may covid dito sa maynila." Sagot ng mama ni seul sa telepono.

   "HALA." Napatingin sila saglit kay Yeri na nakatutok sa cellphone nya.

   "Bakit?" Tanong ni Irene.


   "Lockdown na sa buong manila!!" Sabi ni Yeri. Napa preno naman si seulgi

 

   "Hello seulgi? Sabi ni Yeji lockdown na daw dito. Hindi na daw pinapayagan pumasok yung mga sasakyang galing ng probinsya."


   "ANO?" Sigaw ni Seulgi. 


   "Uy gagi iniinspect sila Wends." Sabi naman ni byul sabay turo sa sasakyan sa harap nila.


    Napatingin naman silang lahat dun. Maya maya pay isa isa nang nag ring ang mga cellphone nila.


   "Ma?"
   "Oh papa?"
   "Hello?"

    Isa isa nilang sagot.


   Tumawag naman si Wendy sa cellphone ni Irene.
   

   Niloudspeak yun ni Irene para marinig din ng lahat.

 

   "Hello mga boss? Ayaw kaming palampasin dito, mukhang hindi tayo makakabalik sa maynila hanggat ganito yung sitwasyon...."

 

 

 

 

    "Quarantine daw muna tayo dito..."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1142 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki 50 streak #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
872 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1142 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1027 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun