Istranded

Please Subscribe to read further chapters

Description

Hindi lang pala ang tropa nila seulgi at irene ang na stranded sa batangas.. Pati din pala ang feelings ni Seulgi para sa kaibigan nyang si irene na stranded din sa damdamin nya dahil wala syang balak umamin dito dahil istreyt si Irene... Pero dahil na stranded sila... Mababago kaya ng batangas ang kapalaran nya?

Foreword

Halos lahat ng kasama nila ngayon sa batangas ay mga naglupagi na sa sahig dahil sa sobrang kalasingan.

Lumabas si Seulgi para magpahangin at para na din mag sober up ng konti. Naupo ito sa Bench sa garden ng kanilang penthouse.

"Gi.." 

Boses palang ay kilalang kilala na ni Seulgi kung sino ang tumawag sa kanya. 

Hinarap nya si Irene na ngayon ay papalapit sa kanya. Medyo gumegewang gewang pa ito papunta kay seulgi dahil sa tama ng alak. 

Tumayo si Seulgi para alalayan si Irene hanggang sa makaupo na silang dalawa sa bench na inuupuan ni Seulgi.

Irene lay her head in seulgi's shoulder as soon as they sit down.

Seulgi sighed. 'Eto nanaman tayo..' Seulgi thought. Umayos sya ng pwesto para maging komportable si Irene sa balikat nya. 

"Bakit dito ka nagpunta? Dumiretso kana sana sa kwarto mo kung inaantok kana hyun.." Sabi ni Seulgi. Tinignan nito si Irene at nakita nyang nakapikit na ito.

 

Umangat ang ulo ni Irene mula sa balikat ni Seulgi saka tinitigan si Seulgi.

Irene stared at seulgi for a minute.. Then her gaze went down to seulgi's lips.

 

"Im wondering..." Sabi nito ng hindi padin humihiwalay ang tingin sa labi ni Seulgi.

 

"What does it feel.... to kiss you?"

 

 

 

a/n: Slow updates, legit. Please bare with me.. 

a/n(2): Comment section have a lot of spoilers :'D 

soleiluna
Henlo :D nag update ako dahil may sinabi raw ako sa kaibigan kong mag uupdate ako sa araw ng birthday ko hehe. Diko matandaan pero pinanindigan kona.

Anyways, Happy Birthday to me :DD
ps. Credits sa vid sa tiktok na pinagkuhanan ko nung scene ng moonsun huhu tawang tawa kasi ako don bwecit 😭
No comments yet