Chapter 7

Istranded

   Medyo patanghali na nang magising ang bida ng istorya, Pagmulat nya wala na si yeri sa tabi nya. Nakakarinig na din sya ng hiyawan sa mula sa salas. 
   
   Tinignan nya ang oras at mag aalas diyes na.
   Babalik pa sana ulit sya sa pagtulog kaso narinig nyang nag rereklamo na ang tiyan nya. 
   
   Nag unat unat muna ang bida bago tuluyang bumangon at papikit pikit na lumakad papunta sa banyo. 
   Seulgi did her morning routine kahit mag tatanghali na. Okay lang yun counted padin naman sa morning ang 10am no. 
   
   Habang nag totoothbrush, narinig nyang nagriring ang kanyang cellphone. Agad nya naman itong pinuntahan habang nag bbrush padin ng kanyang ngipin. 


   


   "Oh seul. kain na." Bungad sa kanya ni jisoo pag katapak na pagkatapak nya sa salas. Si jisoo lang ang nakapansin sa kanya since busy yung iba sa pag seselpon. 


   "Hoy dito mid, lisa pa help. Mamaya kana mag farm!!" kantyaw ni byulyi.


   "Mahina pako."


    "Farm ng farm, nag farmville ka nalang sana!"

 

    Nasa kusina naman si jisoo at seulgi. Kasalukuyang kumakain na si seulgi. 

   "May hindi pa ba kumakain?" 

   "Ah ikaw nalang saka si Irene."


   Speaking of.. Hindi nga napansin ni seul na wala pa si Irene. 
   
   "Maaga yun nagigising ah? himala?" sabi naman ni seulgi saka tumuloy ng pagkain. 

    
   "Oh! san ka punta?" Tanong ni Yeri na kumukuha ng tubig sa ref nang mapansin nya si seulgi.


    "Kila lola. Bibisita. Saka kukuha ng konting damit." 


    "Eh? Sama ko!!" 


    "Wag na. Malikot ka."


    "Parang bata amp. Sige na sama nako! gusto ko lumabas. Sawa nako sa mukha ng mga tao dito."


    "Ge na nga bahala ka." Hindi na tumanggi si seulgi dahil sawa na syang makipag talo.

     "Nice!" Sabi lang ni Yeri tapos nagpunta na sa kwarto nila para magbihis. 

 

     Tumayo na din si seul dahil tapos na din naman syang kumain. 
     Pumunta din to sa kwarto nila para tanungin kay yeri kung asan yung dala nilang box ng face mask.
     Tinuro lang ni yeri kung nasaan tapos kumuha na si seulgi at inintay nalang si yeri sa salas.

 

    Minutes later bago umalis sila seulgi, Lumabas naman na si Irene ng kwarto. All of them are now in the living room. 


    "San ka punta?" Sabi nito kay Yeri. 

    "Sasama kay ate seul." napatingin naman si Irene kay seulgi pero saglit lang. Napansin din nitong bihis nga si seulgi.

     "where?" 

     "Sa lola nya. Anyways, ikaw saan ka pupunta? Dika pa nag b-breakfast diba?"

     "Mag ggrocery ng mga pang personal hygenes. Mamaya nalang ako kakain pagbalik."


     "Byul, pahiram nung isang sasakyan." Sabi niyo kay byul. 

     "Oo boss. Andun susi sa may pintuan." Sagot nito habang busy paden sa pag lalaro.


     "Sumabay ka nalang kila seulgi." Sabi naman ni Joy.


      Nagtinginan naman lahat kay joy. Ngayon nya lang din ulit na realize na hindi nga pala okay yung dalawa.
      
      
     "Oo nga." Agree din ni Yeri. 

    Napatingin naman sa kanya si Seulgi. Looking tensed. Napansin naman yun ni Irene.
    
    
     "No need. Mabilis lang naman ako." sabi ni Irene.

     "Sayang sa gas sis. Sumabay ka nalang kila seul para less hassle." sabi ulit ng makulit na si Joy. 

      "Okay lang naman kay seulgi diba?" tumingin sila kay seul.

      "Depends on her. Mahirap pilitin ang ayaw." Sagot ni seulgi. 

      Naramdaman naman nito ang pag sapak ni yeri sa likod nya kaya napatingin sya dito.


     "Yerms, samahan mo nalang ate mo. Kaylangan nyan ng katulong pag ggrocery." Sabi nito nang hindi sila hinaharap saka tuluyang lumabas.


     Bakas naman sa mukha ni yeri ang pagkalungkot. sa totoo lang mas gusto nyang sumama kay seulgi kesa sa ate nya kasi alam nitong mapapagod lang sya kakalakad sa supermarket paghahanap ng mga bibilhin ng ate nya. 
     
     
     "Go with her." Sabi ni Irene sa kapatid nya dahil nakita din nito sa mukha ni yeri na mukhang nawala ito sa mood. Tapos naglakad na din papunta sa pintuan. 


     "Alam nyo, ang gulo nyo. Ayoko na nga umalis." sabi ni yeri saka umakyat ulit papunta sa kwarto nila.

     
     "Let me go with you. Irene." Sabi ulit ni Wendy habang dipa nakakaalis si Irene.


     Nag dalawang isip pa si irene kung papayag ba sya pero nagsalita ulit si wendy.


    "Wag mo nang pag isipan. Tara na. Tatanggi ka nanaman eh." Sabi nito saka lumapit kay Irene at hinila ito palabas.


~~~


    Kinuha ni wendy sakin yung susi. Sya na din nag volounteer na mag drive. 
    Hindi na din ako nagsalita. Alam kong napaka stubborn ko pagdating sa ganito but siguro tama na muna sa ngayon. Everybody gets tired of arguing about nothing. 
    
    
    I was about to say yes naman na kanina. If seulgi said yes too. Kaso wala eh. Mukhang galit padin sya sakin so wag nalang diba. 
    
    
    Sumakay na si wendy sa drivers seat then she start the car. 
    
    "Sorry nakalimutan namin mag grocery ng mga sabon kahapon." Sabi nito habang iniistart yung sasakyan.


     "Okay lang yun ano ba." Sabi ko lang tapos ngumiti ako sa kanya. 


     "Ah - Ay sorry." Sabi nito bigla kaya naman napatingin ako agad sa kanya.

     "Anong problema?" tanong ko. Kanina padin kasi hindi nag iistart yung sasakyan.


     "Wala na nga pala tong gas kasi eto yung ginamit namin kahapon ni joy." Paliwanag nito saka napakamot sa ulo. 

      "What? Bakit di nyo pinalagyan bago kayo umuwi?" 

     "Uhhmm, Ano eh saktong pagdating namin dito wala na. Nakalimutan ko na din banggitin kay byul." Paliwanag ulit nya. 


     Bumuntong hininga ako. "Alright. I guess i'll just do it tomorrow nalang." Sabi ko tas inalis ko na yung seatbelt.


    Nauna naman bumaba si wendy. Tapos bago pako makababa narinig kong tinawag nya si seulgi.


    "Seul!! aalis kana?" 

    Narining kong sumagot sya ng "Hindi ba obvious?!" 


    Humarap saken si Wendy tas kinatok yung bintana nung sasakyan. 
 
   
    "Uhmm, alam mo da best na solusyon nalang talaga is sumabay ka sa kanila." Sabi nito while gesturing to seulgi.


    "Wala na din kasi kaming sabon so.. Need na need na talaga ng mga gamit pang banyo.. Saka mga detergents na din.." 


    "Hindi na bukas-" di na nyako pinatapos kasi nag salita ulit sya.


    "Seulgi! sabay mo na si Irene. kahit i baba mo nalang daw sya sa malapit na supermarket. Wala na kasing gas tong sasakyan ni byul eh!"  


    "What?! Hoy wala akong-" 


   "Pakisabi pakibilisan kasi kanina pako inaantay sa bahay." rinig kong sagot ni seulgi pabalik.

    Binuksan ni wendy yung pintuan. "Sige na. Sumabay kana. Isantabi mo nalang muna yang galit nyo sa isa't isa. Go na." sabi nito saka ako tinulak papunta sa direksyon ni seulgi.

 

    Do i have a choice? 
    Napansin ko din na parang ang gloomy din nung panahon ngayon. Mukhang uulan na maya maya lang..
    
    Akala ko nakasunod sakin si wendy pero yung way ng paglalakad nya eh pabalik na sa loob ng bahay.
    
    "Hoy wendy! Akala ko ba sasamahan moko?!" 


      Lumingon sya pero nginitian nya lang ako. "Kaya nyo na yan! magbati na kasi kayo ang arte arte nyo!" Sabi nya.

      "Kapag bumalik kayo dito nang magkaaway padin palalayasin na namin kayo!" Sigaw naman ni byul sa may bintana. 


    Mga loko loko talaga.


~~~~


    Okay so alam nyo ba kung gaano nakakabingi ang katahimikan?
    Yung tipong sabik na sabik ka nang makarinig ng ibang tunog bukod sa pag andar ng makina ng sasakyan?
    
    
    
    Di ko naman sinasabing gusto kong marinig magsalita si seulgi pero parang ganon na nga? 
    Eh pano kasi kanina pa kami walang kibo simula nung umalis kami sa resort. 
    
    Di manlang ako tanungin kung saan ba nya ako ibababa? Or what?


    Sa totoo lang para na din akong nag ddrive kasi sa unahan lang din nakafocus yung tingin ko. Kulang nalang mag manibela ako on air.
    
    
   Katahimikan padin... 


   Hanggang sa nagulat ako kasi may biglang nag ring.. Napatingin naman si Seul sakin.


   Ah ringtone ko nga pala yun. 
   Agad kong hinanap yung phone ko sa bag ko. Pocha bat bako nangangatal. 
   
   
   "Hello?" 

   "Uhm hello, rene? Kagigising mo lang ba?"

    It was bogum. Medyo kumalma na din ako mula sa paglakagulat kanina. 
    
    
    "Uhm no. Kanina pa ako nagising. Why did you call?"


    "To check on you, of course. Okay naba yung sugat mo?"


     Napatingin naman ako dun sa kamay kong may sugat. "Yeah, okay naman na." plain kong sagot.


     "Are you going somewhere? Naririnig ko kasi yung sasakyan."

     "Ah oo mag ggrocery ako." 

     "Who's with you?"

     "Uhm, seul..gi" after kong sabihin yun napalingon naman si seul sakin.

     "Oh? Okay na kayo?"

     "No, not really. May situation lang na nangyari kanina kaya i ended up going with her."


      I can feel that seulgi is uncomfortable, maybe because im talking about her. Nasa stop light kami actually and she's been tapping the steering wheel for a while. 


     I was still talking to bogum when she suddenly the radio and connected her phone on the bluetooth. Medyo malakas yung volume so hininaan ko since hindi na kami magkaintindihan ng kausap ko. 
     
     
     But then seconds later, Seul turned up the volume again... 


     This time i glared at her. What the hell is her problem?
     
     
     "Uhm bogum, can we just talk again later? Malapit na din kasi kami. I'll call you back nalang." Sabi ko kay bogum. Pumayag naman sya then binaba ko na yung phone.


     Pinatay ko yung radio bago humarap sa kanya. "What the hell is your problem? May kausap ako." Tanong ko sa kasama ko.
     

     "Bakit mo pinatay! favorite ko yon eh!" Reklamo nya then binuksan nya ulit yung radio.

    "At kaylan mo pa naging favorite ang kanta ng ExB?!" the hell. Hindi ko alam na may ganong playlist si seul sa phone nya. Jusko.

     She let out a small laugh. "Go on. Talk with him. Just dont mind me." Simpleng sagot nya.
     
     
     "You were blasting off the speakers for godness sake. Paano pa kami magkakaintindihan?!"


     "Di ko alam sa inyo? Mag earphones ka para malinawan ka sa sinasabi nya. Tuwang tuwa ka lagi makinig sa boses nya eh no?" 


     "Im not." 


     "Sus. Tanggi pa halata naman sa pagsagot mo ng tawag nya kanina. Ngayon ko lang narinig yung ganung tono ng salita mo ah. Exclusive lang ba yon para sa kanya? Haha"


    "Stop with the teasing. Baka nakakalimutan mong di padin tayo okay?!" 


   Hindi na sya sumagot for a while. Kaya binaling ko nalang yung atensyon ko sa labas at namintana nalang ako.
   
   
   "Uhm, Oi" tawag nya.

   "What?"

   "Uhm, ano pwede bang kila lola muna tayo pumunta?" 

   "I never said that i'm going with you there. Pwede mo naman nalang akong ibaba sa supermarket." 

   "Ano, hindi. Sasama ako sayo pag ggrocery. Bobo ka sa mga direksyon."

   "Ah bobo?"

  "Hindi! hindi.., i mean, mahina. Mahina sa directions. Baka di kana makabalik sa resort pag iniwan kitang mag isa. Nakakaawa ka." 


   "Edi balikan mo nalang ako."


   "Baka matagalan pako. Saka hindi kita hahayaang gumala ng mag isa dito. Delikado." 

   "Hindi naman ganun kadami yung tao."

   "Yun na nga eh. Pano kung may biglang kumidnap sayo oh edi walang witness kasi kokonti yung tao." 


   "Kaya ko ang sarili ko."


   "Can you just.. please stop with your stubbornness? Kahit ngayon lang. Please... Irene.." She pleaded habang seryosong nakatingin saakin. 

    Bumuntong hininga sya bago magsalita ulit at umiwas ng tingin. "Nakakapagod na." Mahinang sabi nya but enough padin paramarinig ko. 
    

    "Fine." I said.

    "May puregold dyan sa tabi ng 7/11. Pasok ka lang don sa kanto ng konti-"

    "I said fine. Let's go to your lola."

    Tinignan nya lang ako then seconds later she started driving again.
    
    Do you all guys have that soft spot for your bestfriend? Yung kahit anong away nyo, isang ngiti, isang asar, isang pagmamakaawa, isang tingin at titig nya lang sayo, Your heart feels like it will melt?

     Pero nung marinig mo syang sumuko for the first time make your heart hurt kasi hindi mo akalain na susukuan nya yung ugali mo?
    
    Because that's what my heart feels right now. 
    I was about to forgive her when she pleaded to me but then.. I realized that this is hard for her too. It was always hard for her. Maybe that's why she's tired.
    
    And the only thing that i can think right now is that i dont want to lose her. I am afraid that i might lose her.
    
    

   "Seulgi."


    Tumingin sya but mabilis lang. Letting me know that i got her attention and she's listening to me.
    
    
    "Sorry." I said not looking at her. 


    Sakto naman na bumuhos na yung ulan na kanina pang nag babadyang pumatak. 
    

    "Ha?" sagot nya.


    "Sorry.." i said again enough na para marinig nya.


    "Ha?? ano ulit??"


   . Ayoko nang ulitin. I never said sorry first tuwing may away kami. 
   This is new. At mukhang inaasar nya nalang din ako.


    "hatdog."


    "Ano nga? diko narinig ang lakas ng ulan." Tinigil nya na yung sasakyan and napansin ko ding nasa harap na kami ng isang lumang bahay. Hindi naman sobrang luma, yung mukhang sinauna pero modern??


    "Wala. Isang beses lang yun wala nang ulitan. May bayad na kasunod."


    "Magkano?"


    "20k"


    "20k? As in 20 kiss?"


    Tinignan ko sya. I dont know why my heart always skip a beat everytime na niloloko nya ako ng ganyon.

    but i wont deny it though. Tuwing mapapatingin naman ako sa labi nya kapag kumakain or nag uusap kami, it looks..... Uhmm kissable?? Lol. 


    What the hell are you thinking irene?! 

 

    "Nauulol ka nanaman. Sabi ko kung may payong ka bang dala? Kasi ang lakas ng ulan pano tayo papasok?"


    She smiled. Tinanggal nya yung seatbelt nya then lumapit sya... So sudden..
    

    Nagulat ako. Hindi naman ito yung first time na ganito kami kalapit sa isa't isa pero bakit parang iba yung nararamdaman ko ngayon?


    Kung susukatin siguro parang isang dangkal lang yung layo ng mukha nya sakin. And i can feel her breath. at ramdam ko na din na parang umaakyat na yung dugo ko sa mukha ko kaya umiwas ako ng tingin. 
    
    
    Hinampas ko yung balikat nya.
    
    "Para kang tanga. Bat ba ang lapit mo?! lumayo ka nga." mahinang sabi ko. 


    "Kukuhanin ko yung payong." Sabi nya then binuksan nya yung compartment.

    "pwede namang ako nalang kumuha."


    "Gusto ko lang pumaraan." Sabi nya saka bumalik sa inuupuan nya.  


    "anong sinasabi mo?"

   
    Ngumiti lang sya. "Wala."  Hinubad nya yung suot nyang hoodie tapos inabot nya sakin. "Suot mo, para dika mabasa ng sobra." Sabi nya.

     "Intay moko dyan isa lang tong payong eh." sabi nya saka bumaba ng sasakyan. 

 

 

    "Ay sus, sa wakas dumating den!" Bungad ng Tita nya? I guess?


    "Gaano katagal nyo na ba akong inaantay? Miss na miss nyo ako ah." Natatawang tanong ni seulgi.

    "Alam mo naman na kapag nalaman ng lola mong paparito ang favorite nyang apo eh excited na excited agad yun." Sagot nito. 


     Ngumiti lang si seulgi..

    Napatingin naman sakin yung tita ni Seulgi kaya ngumiti ako saka bumati. "Uhm, magandang tanghali po." Sabi ko.


    Ngumiti sakin pabalik yung tita nya "Magandang tanghali din. Girlfriend ka ba netong si seulgi?" Deretsahang tanong ng tita nya. Nagulat naman ako. 


    "Po?" / "Tita!"  sabay naming banggit ni Seulgi.


    "Ay bakit? Hindi ba? Ngayon ka lang nagdala ng babae dito ah. Bukod don sa mga kaibigan mo nung elementary." 


    "Ano, uhm mag bestfriend po kami hehe." Sagot ko sa tita nya. 


    "Pasok na kame ah." Hinawakan ni seulgi yung wrist ko bago pa man makapag salita ulit ang tita nya tapos hinila nya na ako papasok sa loob.


     "Tita Suwgiiii!!!" Nakuha naman ng batang tumawag kay seulgi ang atensyon ko, tapos yung atensyon ng mga nasa loob ng bahay nila ay napunta samin.

  
    Binitawan ako ni seul para buhatin yung batang sumalubong sa kanya.
    
    
    "Ay nako lexis, 3 years old kana di mo padin mabigkas ng ayos pangalan ko." Kunwaring nagtatampong sabi ni seulgi. 


     Why does she looks so cute???? Huh? Teka nga ano ba tong iniisip ko.


    "Ang hilap kayaa.." 

    "Oh sya kiss mo nalang ako para bati na tayo." Sabi nito saka nag pout pero sa pisngi lang sya kiniss nung bata. 

    
    Pwede bang i kiss ko nalang din sya para bati na din kami???
    
    
    Sinampal ko yung sarili ko pero mahina lang. Para di nila mapansin.. Ha? ano ulit irene????

   "where's your dad?" tanong ni seulgi

   "Tulog pa." Sagot nung bata.


    Pagtapos non napatingin naman sakin yung bata. Kinawayan ko sya pero awkward. Nakatingin lang sya sakin.

 

   "Oh dylan. Nandito kana pala." 

   Binaba ni seulgi yung bata tas nagpunta sa tumawag sa kanya para mag mano. Lola nya siguro.


   "Hyun. Lika" tawag ni seulgi sakin. Its been a while since she called me in that name.

   "La, si Irene, kaibigan ko." Pakilala ni seulgi.

   "Ah. Magandang tanghali po." Sabi ko. Aabutin ko sana yung kamay nya para mag mano pero pinat nya lang ako sa ulo tapos ngumiti saakin.

   "Magandang tanghali din apo.. Napaka gandang dalaga mo naman... Di ka dapat dito kay dylan sumasama." Sabi ng lola nya.

   Natawa naman ako. Yun din kasi yung sinabi ng mama nya sakin dati nung una ko syang nakilala. 


  "Lola naman.." Reklamo ni seul sa lola nya. natawa naman kami parehas.

  "Totoo naman, baka mamaya kung ano anong tinuturo mo dito kay Irene."

   "Anong ituturo, Mabait ako la." 

   "Sus, mabait. Nako irene apo, kung alam mo lang kung gaano ka sutil na bata yang si seulgi noon. Talaga namang hahabulin mo ng sinturon simula sa eskwelahan nya hanggang dito sa bahay."

   "Laaaa." Reklamo ulit ni seulgi. 

   "Hanggang ngayon naman po." Pabiro kong sabi. Tinignan naman ako ni Seulgi. Tapos siniko nya ko ng palihim. 

   Natawa naman kaming dalawa ng lola nya.


   
   Inaya na kami ng lola nyang kumain tapos sinabi na din ni seulgi yung dahilan kung bakit sya napabisita. 
   
   Andito kami ngayon ni Seulgi sa dating kwarto nya. Kumukuha kasi sya ng damit na dadalhin nya sa resort.
   
   
    Nag iikot ako habang sya naghahakot ng damit galing sa closet nya.
    Napansin ko yung mga nakadisplay na picture nya nung bata pa sya na palihim kong pinipicturan. 


    May nakita akong isang photo album sa drawer nya. Tapos meron din isang notebook.. Mukhang notebook nya nung elementary pa sya.
    Inuna kong tignan yung photo album. At syempre ano pa nga ba, mas madaming baby pictures lang yung nakita ko. Halos every birthday nya may picture. Nakakatuwa naman.

    Pero may isang picture akong napansin. Siguro grade 6 na si seulgi neto kasi hindi na sya mukhang cute eh.. Tas medyo tumangkad na din sya.
    Tatlo sila sa picture. Si seulgi tapos isang babae at isang lalake na ka edadan nya lang din. Siguro kaklase nya.. Or friends? Wala lang. Nakuha nya yung atensyon ko kasi may heart na sticker na nakalagay dun sa babaeng kasama nila. Siguro yun yung pinakang besty talaga ni seul noon.
    
    
    Pinicturan ko muna tapos tinago ko na ulit yung photo album, sinunod ko namang tinignan yung notebook. 
    
    Pagbuklat ko, napangiti agad ako. May nakalagay kasi na "For seulgi's eyes only." sa pinakang unahan nung page. With ps pa. 
    "ps. Ang magbukas nito pangit at hindi ko kabati habang buhay." 

    Natawa naman ako. Binuklat ko na ulit yung isa pang page tapos natawa nanaman ako. "Dear diary? Hahahaha"


   Binasa ko yung pinaka unang dear diary nya. 

   Dear diary,
       First day of school nanaman. Hays. Grade 6 na ako. Last year ko na to dito sa batangas kasi lilipat na kami ng manila kapag hayskul na ako......


    Diko alam na mahilig palang mag journal tong si seul ng mga nangyayari sa buhay nya? hahahahaha ang cute naman.


    Medyo nakaka kalahati nako kasi maiikli lang naman yung iba. Meron pa dito kinuwento nya talaga kung pano sya nadapa kasi hinahabol sya ng lola nya para paluin. Hahaha pasaway nga talaga.


    

    Dear diary, 
       Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Si jinyoung dapat ang nagiging crush ko kasi lalaki sya..... Pero bakit parang si chewy ang mas nagiging crush-


   Napatigil ako sa pagbabasa nang marinig kong magsara yung pintuan ng closet ni seulgi. 
   Yes guys, nabanggit ko ba kung gaano kalaki tong bahay ng lola nya? I guess pinagawa din ito ng papa nya.   
    Luma sya pero modern, basta ang cool.


  Anyways, binalik ko na ulit yung notebook saka photo album sa drawer nya. 


  Jinyoung... Chewy???? i wonder who they are.. And also the "chewy" girl.. Crush..? 
  
  I guess, seulgi really do like girls too.. 
  Yes.. I've been thinking about it lately. Alam nyo yun? Hindi naman kasi maiiwasang hindi mapansin. Like, how she acts sometimes when she's with her tropa.
  
  
  But still, i dont want to confront her about that pa. I should wait for her. Hintayin ko nalang siguro na sya mismo ang magsabi saakin. 
  Its not a big deal naman na din for me. Our friends were like that too. So hindi na bago para saakin yun.
  And also we are good as long as we wont have any deep feelings for each other. And im sure that it wont happen. 
  
  
  
  
  "Tara na. Mag ggrocery ka pa." Rinig kong sabi nya. Tapos lumakad na sya palabas. Sumunod naman na ako sa kanya.

 

  Nagpaalam na din kami sa lola nya at sa mga tao dun sa bahay. Hinanap ng paningin ko yung bata kanina at tinanong na din naman ni seulgi, Nakatulog daw kaya wala sya ngayon.
  At pinadalahan din nila kami ng mga extrang pagkain..


 
~~~


     "Seulgi??" 


     we were walking sa mga detergent station when someone calls seulgi. Sabay naman kaming napatingin.


    "Oh? tyusu????" Banggit ni seulgi. 

    Lumapit samin yung babaeng tumawag sa kanya. Tas nagyakapan pa ang dalawa.
    

    Teh, may kumakalat na virus, di uso social distancing? Sayang naman yung sign na nakapagkit sa sahig.


    Hinila ko yung sleeves ni seulgi. Napatingin naman sya sakin. I mouthed 'social distancing' then tinuro ko yung sign na nasa sahig. Lumayo naman agad si seul pero onti lang. 
    
    
    "Social distancing muna tayo." Natatawang sabi ni seulgi. "Diko akalain makikita kita dito tyusu ah!"

    "Anong tyusu ba?! leche ka talaga. Tzuyu kase. Ilang taon lang tayo di nagkita iba nanaman banggit mo sa pangalan ko."


    "Ahh tzuyu." Literal na banggit ni seulgi.

    "Chewy kasi ang banggit." 

    "Ay nako ewan ko! ang arte arte ng pangalan mo." 


     Nagtawanan naman sila parehas. oh wait.. Parang narinig ko na.. Chewy??? oh right! yung diary!


     "Kamusta ka? ngayon lang kita ulit nakita sa batangas ah! Ginagawa mo dito?" 


      They both talked to each other for a while now like i didn't exist here... I dont actually know why im getting pissed. Knowing that seulgi might have a crush on that girl??? or dahil Sumasakit na din yung paa ko kasi kanina pako nakatayo at nag iintay na matapos sila for godness sake.
      Kapag kami inabot nanaman ng ulan isusumpa ko tong chewy choco na to.
      
      
      "Sa parehas na school padin kami pumapasok ni young. Ikaw madaya dyan humiwalay ka samin eh." 


      "not my fault. Oh wait, crush ka ni young dati right? Nag dadate na ba kayo ngayon? yieeee." 


       "Nope. At never mangyayari yon.." 

       "Weh? Diba gusto mo den sya dati! lagi mo pa nga kinukwento."

       "That was just a way para makasama kita ng tayong dalawa lang." sabi ni chewy choco tas tumawa. 

      Oh, wait.. I think gets ko yun kung anong pinapahiwatig neto. But the way seulgi reacts. Psh, slow to eh.


       "Huh?"  see? Told yah.


       "You're really a dumb bear padin. Slowgi as always." Sabi ni ate mo tzuyu tas sinapak si seulgi. 


     Oh god, how dare her????? 


    Anyways, im getting bored. and annoyed?? dont know.. Im getting annoyed on how she address seulgi. Are they that close? Psh. dumb bear my , seulgi doesn't even look like a bear.
    
    Or maybe a teddy bear? yes.


   I rolled my eyes ng palihim and im sure naman na hindi nila ako napansin. Since they were busy. I dont even know if seulgi still knows that im with her.


   Umubo ako to get their attention but still wala.
   2nd try and wala padin.
   
   Di nako mag 3rd try no. Di ako ganon ka desperada. I dont care if they talk forever there. 
   
   
   But then, hinila ko yung sleeves ni seulgi. And finally, i got her attention.
   
   
   "Are you going to talk there forever? you can just ask for each other's phone number and talk through call.." Sabi ko. 

    "Anyways, kung yun nga yung balak nyo, i'll go first. Mag ikot ikot muna ako." Paalam ko kay seulgi. 


     "Wait lan-" tumalikod nako kay seulgi. 

     "Girlfriend?" rinig kong tanong ni ate ghorl pero diko na narinig yung sagot ni seulgi kasi lumakad nako palayo. 
     Im sure naman na she's going to introduce me as her bestfriend lang.
     


   But.... why does it bother me?....

 

~~~

 

     Nang matapos kaming mag grocery ni Irene, naabutan nanaman kami ng ulan sa byahe. 
     May bagyo nga siguro. Buti nalang walang kasang kulog at kidlat ngayon habang bumabyahe kami.
     Kasi kung meron baka umiiyak na tong katabi ko dahil sa takot. 
     
     
     The ride went silent. Hindi nanaman umiimik si Irene unless ako yung mauunang mag salita. 
     Tapos ang iikli nanaman ng sagot. Akala ko pa naman okay na kami kanina. Narinig ko naman yung sorry nya sa kotse kanina eh hehe. Feeling ko may mali nanaman.
     
     
     Tinawagan ko sila byul para labasin kami at tulungan dun sa grocery. 
     
     
     Bubuhatin pa sana ni Irene yung isang bag nung grocery kaso wala na syang free hand. Hawak nya kasi yung payong sa kamay nyang walang sugat tapos pinilit nyang buhatin yung isang grocery bag gamit yung kamay nyang may sugat.
     
     
     Narinig ko naman na parang nasaktan sya kaya kinuha ko agad yung bag sa kanya. 
     Buti nalang at hindi na nakipag agawan ang ate mo ayren at pinayungan nalang ako papasok sa bahay.

 


    At dahil pagabi na din naman kami nakabalik ni Irene, nag deretso luto na sila. Hindi padin kami masyado nag uusap. 
    

    Ayun, normal na pangyayari lang. Kumain na din kami ng hapunan tapos tumambay ng konti sa salas at nag harutan hanggang sa sumuko na yung iba kasi nakakaantok talaga yung ulan. Mas lumakas na din kasi yung ulan kaya mas masarap matulog.
    
    
    Kami nalang nila yeri saka si wendy at joy yung naiwan sa salas. Tinatapos pa namen tong isang episode ng lucifer.
    
    
    "Di padin kayo okay no?" Tanong ni Joy saakin.

    "Nino?" tanong ko habang focus paden sa panonood.


    "Sino pa bang hindi mo kasundo ngayon? Tampalin kita eh." Sagot ulit ni joy tas binato ako ng piattos.


    "Uy salamat." Sabi ko tas binuksan ko yung binato nya.


    "Taenang to. Ano wala kang balak?" sabi naman ni Wendy. "Kaya nga hinayaan kong kayo nalang kaninang dalawa eh. Tas di padin pala kayo okay." 


    "Okay naman kami." Kalmadong sabi ko sa kanila.

    "weh." kantyaw ni yeri.

    "Okay pero di padin nag uusap."

    "Okay nga kami. Nag sorry na sya kanina nung nasa byahe kami. Sumama pa nga sya kila Lola eh kaya natagalan kami." kwento ko.


    "Weh? si ate nag sorry?" Di makapaniwalang sabi ni yeri. 

    "Ako den, di makapaniwala yeri. Ewan ko ba sa ate mo, daig pa meron, laging may mood swings." Sabi ko habang ngumunguya ng piattos.


    Dahil pinatay na din naman namin yung ilaw sa salas, nagulat kami kasi biglang kumidlat. As in super liwanag. Parang may biglang nag flash. Parang bigla kaming pinicturan ni papa susej ah.


   At dahil kumidlat ng malakas, syempre kasunod na nun eh kulog. Mas nagulat kami kasi malakas talaga. Napakapit at napasigaw pa tong si joy at wendy sa isa't isa. 
   
    Pero bukod sa sigaw ni joy at wends may narinig pa akong ibang sigaw. Hindi galing saming apat kundi galing sa kwarto ni Irene.


   "Takot padin ba ang ate mo sa gantong panahon?" Tanong ko kay yeri.

   "Oo ata?" Sagot ni yerms. 


   Tumayo ako. "San ka punta?" Tanong nila. 

   "Di nyo ba narinig na sumigaw din si Irene?" Sabi ko tapos naglakad na papunta sa kwarto nito.


    Kinatok ko muna yung pintuan nya pero hindi sya sumasagot. "Hyun?! Okay ka lang ba?!" Pasigaw kong tanong habang kumakatok.


   Pinihit ko yung doorknob. Buti nalang bukas ito.
   
   Pagbukas ko ng pinto hindi ko sya nakita sa kama. Pero may naririnig akong parang humihikbi. Napansin ko din na bukas pa yung kurtina sa may pintuan ng balcony.
   
   
   Pumasok agad ako sa loob. 
   
   
   Dumiretso ako sa may pintuan papuntang balcony para maisara yung kurtina. Sakto naman na biglang kumulog ulit kaya narinig ko nanaman na nag whine si Irene. 
   
   She was sitting on the floor near at the side of her bed, at nakatalukbong ng comforter. 
   
   Agad ko syang nilapitan at umupo sa harap nya. Buti nalang at nag lessen na din yung kalakasan nung kulog at kidlat.
   
   
   "Hey.." inangat ko yung comforter pero mahigpit yung hawak nya. I can still hear her sobs.


   "Come on, Dont cry.. Nandito nako hyun.." sabi ko ulit tapos tinry ko ulit angatin yung comforter, buti nalang this time medyo niluwagan nya na yung hawak. 


    I can now see her face. "S-seulgi.." She looked at me then she hold my hands. 


   Hinila ko sya palapit saakin para pakalmahin.
   then another thunder came.. Mas humigpit pa yung hawak nya saakin.
   Nilipat ko yung isa kong kamay sa ulo nya and i her hair gently para kumalma sya. 
    

   Seconds later her breathing became normal again tapos humiwalay na sya saakin. 


   "Okay kana?" Tanong ko sa kanya while caressing her shoulders. My other hand made its way to her face, inayos ko yung buhok na nakaharang sa mukha nya. And also wiped her tears nadin.


   Tumango sya then she mouthed thankyou saka ngumiti.
   
   
    "Tayo na dyan, malamig yung sahig." Sabi ko tapos inalalayan ko syang tumayo. 

 

   i dont actually know if im still mad at her.. Pero based sa situwasyon ngayon, isasantabi ko nalang muna siguro. 
   
   
   "Tanda tanda mo na, Takot ka padin sa ganitong panahon." Biro ko sa kanya nang makaupo sya sa kama nya. Umupo naman ako sa may side lang.

   I'll stay for a while nalang muna hanggang sa kumalma yung panahon. 
   
   
   
   Inirapan nya lang ako.. Parang kanina lang kapit na kapit ngayon, kung maka irap. Hmp..


   Mukha namang kalma na sya. yung panahon din hindi na masyado ganoon nakakagulat yung kulog. 
   
   
   "Okay kana ba? Matulog kana para hindi ka na ma bother sa kulog." Sabi ko sa kanya tapos tumayo na ako. 


    Maglalakad na sana ako pero bigla nanamang kumulog at kumidlat. Then naramdaman kong inabot ni joohyun yung sleeves ng long sleeves na suot ko. Holding onto it tightly.
    
    
    "Can you... uh.., stay for a while?.. k-kahit hanggang sa makatulog ako??" She said still holding on my sleeves. 


   Sino ba naman ako para tumanggi.. Psh.. Sana lang hindi ako yung maunang makatulog. Medyo inaantok na din kasi ako. 
   
   
   Hinarap ko sya, Ngumiti ako saka tumango.. "Okay." Sabi ko saka naupo ulit sa side nung kama. Si Irene naman humiga na.
   
   
   nag unat unat ako ng konti. Umayos ako ng upo sa kama nya tapos sumandal ako sa headboard nung kama... 
   
   
   At dahil wala naman nag sasalita saamin for a while na, napahikab ako. 
   Sinasabi ko na nga ba, baka mauna pakong dalawin ng antok eh. Sarap kayang matulog pag umuulan!!
   
   
   Sinilip ko si Irene. I dont know kung gising padin ba sya or tulog na. Pero mukha namang gising pa sya so mag antay pa muna siguro ako ng konting minuto.
   

   
   "Seulgi." Napamulat ako nang bigla nya akong tinawag. Diko alam na nakapikit na pala ako. 


    "Um? oh? Bakit?" Sunod sunod kong response while rubbing my eyes. Napaayos ako ng upo mula sa pagsandal ko sa headboard.


   "Inaantok kana?" Tanong nya. 

   Umiling naman ako agad. "Hindi pa. May dumapo lang sa mata ko." Sabi ko.
   
   
   Umupo din sya para sumandal sa headboard. Bale magkatabi na kami ngayon.
   
   
   "Ikaw? Hindi ka makatulog?" tanong ko. 

    Tumango naman sya.
    
    
    "Seul, are you still mad at me?" Bigla nyang tanong nang nakatingin sakin.


    Am i still? 


    "I dont know.." Nag kibit balikat ako. "Alam ko naman na nag sorry kana kanina.. Ang weird lang kasi after nating mag grocery, ang cold mo nanaman.." I said tapos ngumiti ako sa kanya.


    "Sorry seulgi.." Sabi nya. 

    "wait." Sabi ko. napatingin naman sya sakin mula sa pag kakatungo nya. Inabot ko yung cellphone nya tapos pumunta ako sa convo namin. 

    I pressed the record button. Then looked at her. "Isa pa nga." Sabi ko. Habang natatawa.


    "What? Anong ginagawa mo?" Sabi nya. Binitawan ko naman muna yung record button. 


    "Wala, irerecord ko lang sana yung sorry mo. Napaka rare kasing mangyari nun eh. Natutuwa lang ako." 

    Hinampas nyako sa balikat habang natatawa tapos inabot nya yung cp nya at itinabi.

   "Epal ka talaga." Sabi nya. 

   "Pero seryoso hyun, isa pa dali na." Pag please ko sa kanya.

   "ayoko na. Naka tatlong ulit nako no. Tama na yun. And sabi mo inaccept mo na yung kanina diba." 

   I just let out a sigh and tumango nalang.

   "How about you? galit ka padin ba sakin?" Ako naman nag tanong sa kanya.


   "Hmm, slight?" 

   "Slight?"

   Tumango sya tapos nag cross hands. "Actually we were okay naman na nung nag punta tayo sa lola mo. But then yung nangyari sa grocery actually annoyed me for some reasons." paliwanag nya.


   Sa grocery?? bakit? inacompany ko naman sya ng ayos ah??? 
   Bakas naman na siguro sa mukha ko ang pag tataka kaya nag salita ulit sya. 

   "Ikaw ba naman ang ma ignore sa grocery store habang nakikipag chikahan yung bestfriend mo sa unknown na babae at hindi manlang ako naalalang ipakilala?" 
   
   AHHH. OKAYYY... 


   "Ah ayun, hehe sorry." Sabi ko. Ewan ko pero feeling ko nasabi ko yun in a cute way? hehehe


   "Ewan ko sayo." Sabi nya tas tinawanan nyako ng mahina.

   Nginitian ko naman sya. Napadpad yung tingin ko sa kamay nya. Inabot ko yung may sugat nyang kamay.
   
   
   "Sorry dito" Sabi ko habang nakatingin sa kamay nya.  "Sa mga nasabi ko kahapon, and sa nangyari sa grocery..." Then i looked at her.

   Ngumiti sya. Tinaas nya yung kamay nyang may sugat. " Okay so first of all seulgi, This is not your fault." Sabi nya habang winawagayway yung kamay nya. "And also, Yung mga sinabi mo yesterday, its okay. we were both angry that time. Alam kong napaka stubborn ko that time and hindi mo na nacontrol yung sarili mo that's why you said those things.. And it also helped me to realize things.." 
   

   "Ah basta, sorry sorry talaga." Sabi ko 

   "Yeah, me too." 

   She opened her arms. "Hug?" Sabi nya. 
   
   Ngumiti naman ako, Sino ba naman ako para tumanggi diba? Namiss ko din naman.
   Lumapit ako sa kanya para tanggapin yung yakap nya.
   
   
   Hihiwalay na sana kami sa isat isa kaso biglang kumulog nanaman kaya napa yakap ulit si Irene saakin. 
   I dont know why pero, this feels so good. I can feel my ears heating up. 
   Should i thank the thunders? kasi nakaka score ako sa ganitong paraan??? Hehe

 

   Hinawakan ko yung balikat nya tapos hinarap kona ulit sya sakin. 
   
   "Want me to stay a little longer?" 

   Marahan naman syang tumango. 

   "Ano gusto mo? Manood tayo movie? Para makatulog ka?" Suggest ko sa kanya. Since may Tv din naman dito sa kwarto nya. 


   Umiling naman sya.. Humiga na sya ulit tapos umusod sya ng konti para magkaroon ng space enough na para makahiga din ako.
   
   
   Tinap nya yung space sa tabi nya encouraging me to lay beside her.
   My mind went blank for a second. 
   totoo bato?? is dis true stone????


  "Higa ka. Masakit na siguro likod mo kanina kapa naka sandal dyan." Sabi nya. 

   Ahh okayyy... Kung ano ano nanaman iniisip mo seulgi. Tampalin kita eh.


   Sinunod ko yung gusto nya. Magkatabi na kaming nakahiga ngayon. Pero may unan sa gitna namin. Parang tanga no? Dati rati naman nag ssleep over pako sa bahay nila. 
   Pero iba din pala yun kasi kasama si yeri nun eh.. Hanggang sa nadagdagan na din na kasama sila joy and the others.
   
   
   So basically, ngayon lang kami magtatabi nang kaming dalawa lang talaga.
   
   
   TEKA NGA BAT BA NAPAKA DAMI KONG INIISIP. NAWALA TULOY YUNG ANTOK KO.
   
   
   "Seulgi yah." tawag nya. Nilingon ko naman yung ulo ko sa side nya habang sya buong katawan nya yung naka sideways.


   Tinanggal nya yung unan sa gitna namin tapos inabot nya yung kamay ko tas tinuwid nya sa side ko para gawing unan yung braso ko.
    
   
   At dahil nga ginawa nyang unan yung braso ko, Syempre lumapit sya. Super lapit as in. Ako naman na estatwa lang. Yung kamay kong inalis nya sa side ko naka straight lang hindi ko ginagalaw. 

    Hindi pala sya actually sa braso ko umunan. Basta yung pwesto namin ngayon para kaming mag jowang nag cucuddle tuwing umuulan. 
    
    Yung mga pwestuhan habang nag nenetflix and chill. Tas alam nyo na sunod...
    Chareng lang kung ano ano nanaman iniisip nyo.

    Anyways, yung ulo nya nasa may leeg ko. Basta super clingy nung pwesto nya ngayon. Hindi ko alam kung bakit. 
    Feeling ko sa sobrang lapit ng tenga nya sa dibdib ko maririnig na nya kung gano ka bilis heartbeat ko ngayon aaaaa. Kumalma ka naman pls.
       Pero teka wait, DO BESTRIENDS DO THIS KIND OF THING??

     "Bat ka ba naninigas dyan? Mukha kang nawalan ng kaluluwa jusko." Sabi nya tas inangat nya yung ulo nya para tignan ako.
 Oh Rold. Ang lapit po.. Kitang kita ko kung gaano nyo ka perfect inihulma yung mukha nya..


    "H-ha? Eh! ikaw kasi! ano ba ginagawa mo? Napaka clingy mo naman! pabigla bigla ka!" Sabi ko habang nakatingin padin sa kisame. Nabibilang ko na nga kung gaano kadami yung butiking dumadaan eh.


    Inayos na nya ulit yung pwesto ng ulo nya. 

   Hay nako seulgi. Kumalma ka nga!!!


   Humugot ako ng malalim na hinga. Alam kong ramdam nya yun kasi natawa sya.

   "Ang lalim non ah." Sabi nya habang natatawa.

   "Bukas ba yung aircon mo bakit ang init padin." reklamo ko.

    "Bukas yun. Nasa pinakamababa pa nga yun eh."Sabi nya. "Kaya nga lumapit ako sayo eh." 


    "Kapal kapal ng comforter." 

    "I like to feel your warmth."

    "Banat ba yon? Parang gusto kita banatan ah." Pabiro kong sabi. Alam nyo naman na siguro na kinikilig ako kaya iniwas ko yung topic diba.

    Natawa ulit sya. 

   "Seulgi yah"

   Why does the way she calls me 'seulgiyah' sound so sweet for me?? Mas favorite ko na yun ngayon kesa sa dylan.

   "Hmm??"

   "Kanta ka." 

   "Huh? Biglaan naman yan."

   "Sige na para antukin ako."

   "Hmm, anong gusto mo?"

   "Ikaw"

   Di ako sumagot. Ano ba. Anlakas ata ng amats neto ngayon. Uminom ba to?

   "Ikaw bahala.." sabi nya ulit.

   Ahhhh...

   "Hmm, gusto mo ba mga kanta ng exb? aray!" 

   Hinampas nya nanaman ako. Tas natawa kami parehas.

   "Bakittt? maganda naman kanta nila ah" Sabi ko. "Kalimutan mo na yan sige sige maglibang-" kanta ko pero naputol kasi sinapak nya nanaman ako. 

   "Tigilan mo nga, mukha kana ngang tambay sa kanto ganyon pa mga tugtugan mo." reklamo nya.

   "Bakit maangas naman ah." biro ko.

   "Ewan ko sayo!" Nagtawanan lang ulit kami.

    "Ayusin mo na kasi. Yung matino."

   Tumango naman na ako. nag ahem ako bago magsimula para walang sabit. 
   Nag relax na din ako. I wrapped my arms on her, yung inuunanan nya, then i gently her hair again.
   
   
   "Your hand fits in mine like it's made just for me but bear this mind, it was meant to be."

   Dahil naalala kong favorite nya ang One Direction dati, Little things nalang ang kinanta ko. 
   It was one of their sweetest songs for me. And favorite din namin to ni hyun.
   
   
   "And I'm joinin' up the dots with the freckles on your cheeks and it all makes sense to me"


  I can feel her smile. Sinisilip ko din kasi kung patulog na ba sya.
  
  
  "I know you've never loved the crinkles by your eyes, When you smile you've never loved your stomach or your thighs"


  

Sinilip ko ulit sya at sakto naman na napatingin din sya saakin kaya nag ngitian kami.
    I can feel my face heating up again pero hindi ko na pinansin. Bahala na. I want to enjoy this moment.
        

    "The dimples in your back at the bottom of your spine but I'll love them endlessly"


    Umuwas na ako ng tingin habang kinakanta ko yung chorus pero ramdam ko padin na nakatingin sya saakin habang kinakanta ko yun. 


    "I won't let these little things slip out of my mouth but if I do, it's you, oh, it's you, they add up to..." pagkatapos kong kantahin to nagulat ako kasi sumabay din sya dun sa kasunod na lyrics.


     "I'm in love with you and all these little things" sabay naming kanta.

    Tumigil ako para tignan ulit sya. Hinawi ko yung buhok na tumatabing sa mukha nya at nilagay ko sa likod ng tenga nya. 
    
    
    I can see her cheecks turned into slightly pink. 
    My hands ramained at her shoulder.
    
    
    "Hindi ka padin inaantok?" Tanong ko.

    Umiling naman sya. 

    "Pano ka makakatulog nan eh sumasabay ka din. Pikit mo na yang mata mo dali." natatawa kong sabi. 

     Iniwas naman na nya yung tingin nya at nag settle nalang sa chest ko. 
     Tinuloy ko na yung pagkanta ko, sinisilip silip ko padin sya kung tulog na ba sya at mukhang ok naman kasi nakapikit na din sya.
     
     
     "Im inlove with you...." That was the last thing na nasabi ko since inantok na din ako and we both fell asleep in that position..


    This felt so nice and comfortable at some reasons, i dont know. Hindi ako mahilig when it comes sa mga cuddles kasi naiilang ako, but right now.. Basta si joohyun okay ako. Hehe. She's the only one who can cling to me like this and i'm enjoying it. 
    How i wish we can do this everyday...
    
    
~~~~


    Parehas na nagising ang dalawa dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nila. 
    
    Napamulat si seulgi at naramdaman nyang parang namamanhid yung left arm nya..
    Tumingin sya sa side na yun at nakita nya si jooyun na nakaunan padin dito.
    
    Dahan dahan nya itong tinanggal. Naalala nya din kagabi na sinara nya yung kurtina ng balcony, pero bakit..
    
    
    "Joy??" Banggit ni seulgi. At dahil nagising na din si Irene. Napatingin din sya sa gawi ni joy.


     "Yes its me wala nang iba. Nakalimutan nyong i lock yung pinto.. Buti nalang nakadamit padin kayo. Kasi kung naabutan ko kayong hubad dyan baka lahat sila nandito."


    Binato naman ni irene si Joy ng Unan. 
    

   "Lumabas ka ang baboy mo. Ano ba ginagawa mo dito?!"


    "Gusto ko lang namang ipaalala na ikaw ang naka asign sa breakfast ngayon. Kaso hindi ko ineexpect na dalawa pala kayo dito. Kaya pala nagpunta samin si yeri kagabi at samin sumiksik ni wendy kasi ayaw nya daw mag isa sa kwarto nyo." Sabay turo kay Seulgi.

    Napatigil naman sila kasi may kumatok at biglang pumasok ulit sa kwarto.

    "Hoy ate!!" napatingin kaming lahat sa direksyon ni Yeri.

    "What? Ang aga aga sumisigaw ka!"

    "Bumaba na kayo! may bisita ka... Bwisita rather." 

     Agad namang lumapit si Joy kay yeri. Nagbulungan pa ang dalawa kung sino ba yung bisita at nang masabi ni yeri kung sino ay halata sa mukha ni joy ang pagkagulat.

   "PAANO?" tanong ni Joy

   Nagkibit balikat lang si Yeri. 

   Tumayo naman na si seulgi at Irene para bumaba at iconfirm kung may bisita nga ba talaga.


   Nang makarating sa salas, Lahat ng kaibigan nila nandon. Sila Jennie nasa kusina, Sila byul kakalabas lang din ng kwarto nila. 
   
   
   "Bogum????" tawag ni Irene.


   "Babe!" Tugon nito habang nakatawa at nilapitan si Irene.


    

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1160 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
890 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1160 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1045 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun