Chapter 2

Istranded

batangasbuds

Byul: Hoi ano gusto nyo? Dadaanan ko kayo isa isa sa mga bahay nyo or kitakits nalang sa plaza?

Jisoo: Ako na bahala kila jen at rose. Magkakatabi lang kami ng barangay.

Lisa: aq padaanan. Para maniwala si mama na kayo kasama q heheheh.

Byul: Ang layo ng inyo samin brader! sayang ang gas!!
Byul: I videocall mo nalang si Tita mamaya para maniwala.

Lisa: Ayaw nga aq paalisin brader!! last minute na nagbago pa isip ampota. Daanan mo nako dito!! Aalok alok ka kung dadaanan mo kami tapos tatanggihan moko.

Byul: Eh sila jen at rose naman yung tinutukoy ko hindi ikaw.. Ge na ako bahala. 
Byul: Wends? Kayo? Ok na ba kayo?

Wendy: Ok kami brader. Kay seul na kami. Magkakalapit lang naman kami ng houz kayang kaya daanan ang isat isa.

Seulgi: Sino maysabing dadaanan kita? mag antay ka sa plaza. 

Wendy: namo.

Joy: seungwan mag gogrocery pa tayo asang lupalop kana ng maynila?

Wendy: On the way na po miss!! wait ka lang dyan.

Seulgi: On the way sa banyo kamo.

Wendy: Ulul baka ikaw.

Joy: Bilisan mo kanina pako nandito sa mall.
Joy: Seul pa daanan nalang kami ni wends dito.

Seulgi: Ok pards. Pamessage nalang kung sang mall kayo.

Yeri: Ate seul asan kana daw?! nag dadalawang isip nanaman si papa bilisan mo!!!

Seulgi: On the way nako!! sabihin mo kay tito ako bahala sa inyo.

Wendy: on the way sa banyo kamo. (2)

Yeri: Nako kapag ikaw talaga otw sa banyo di na kami sasama.

Wendy: bujoi wru?! nasa mall nako??? aqala q andi2 kana??

(Seen by joy, byul, lisa, jen, irene)

Wendy: Hoy miss joy reyes wag moko iscene!!! Asan ka????
Wendy: Aba scene mo lang talaga ako ha. Bahala ka mamili mag isa.
Wendy: Ayoko sa lahat yung scener.

Joy: teka mag intay ka lang dyan skyler Papasok nako. scene ampota. Gumradweyt ka ba talaga ng with high honor?! O high ka lang talaga??

Byul: scene daw HAHAHAH Nag mamaneho ako pero inuna kong tumawa dahil sayo hayop ka.

Wendy: SEEN KASI!! NAKA AUTO CORRECT KEYBOARD KO WAG KAYONG JUDGER HA.

Yeri: scene
Byul: scene (2)
Jisoo: scene (3)
Lisa: scene (4)
Joy: scene (5)
Yongsun: Scene (6)
Rose: Scene (7)
Jennie: Scene :> (8)

Wendy: Potacayo!!!! ANO SINO PA KULANG?! PERFECT KAYO HA?!!

Irene: Scene.. (9)?

Wendy: pati ba naman ikaw madam huhu.. Ano seulgi ikaw nalang kulang.

Seulgi: Scener.. labyu wan.

Irene: Aren't you driving gi?

Seulgi: Asa stoplight ako hyun.. wag ka mag alala. Safe po aq :>

Wendy: Landi..

Byul: Auto correct dalwang beses mo tinype HAHAHAH. Wan ko sayo Gutierrez HAHAHAH.

Wendy: Tigilan moko kupal ka.

Lisa: pati sila yongsun at rose nabuhay dahil sa scene mong yan HAHAHAH
Lisa: Ingat sa pag mamaneho seul at byul!!! Bilisan nyo excited nako!!!


~~

    Last message nalang ni Lisa yung nabasa ko since nag green light na.
    Malapit na din ako kila hyun.
    
    
    Excited na din naman ako no!! First time naming mag kakaibigan na magkaron ng trip na ganito.
    Magagawa na namin yung mga nakikita namin sa peysbuk na friendship goals daw kineme heheheheh    

    Kadadating ko lang kila hyun at bumusina na muna ako bago bumaba para malaman nila na nandito na ako.  
    Pinindot ko yung doorbell at wala pa namang mga ilang segundo eh pinag buksan na ako ni hyun ng gate.

   Bihis na sya. Mukhang iniintay nya na nga lang din ako.
   

   "Bihis na bihis ahh.. San ka mamamasko?" 


   Hampas lang sa balikat ang natanggap ko. Hilig talaga manakit neto.. Umabot na sa puntong pati puso ko sinaktan na din. Chozz
   
   
   She's wearing an off shoulder and a shorts. Ready na ready na para sa summer vacation. 
   But i wouldn't deny it though.. She look so pretty.... More than yesterday.. More than the way she looks everyday..
   Kahit kailan talaga hindi ako nagsawa sa ganda ng babaeng to. 
   Para bang sa araw araw ko syang nakikita, pataas ng pataas yung level nung ganda nya.
   No wonder why the boys at our school was always head over heels for her..
   Hays.. Paano pa kaya kapag nag college na kami? 
   
   
   
   "Kung ice cream siguro ako, kanina pako tunaw no?" Nabalik lang ako sa mundo nung nagsalita sya.
    Hindi ko alam na nauna na pala syang maglakad saakin. Nakaabot na sya sa may pintuan nila habang ako nakatayo padin sa may gate nila.
    
    
   am i staring at her? 
   
   well yes?.. I guess.. 

   She's too pretty.. Hirap pigilan ng sarili.
   
   
  "Sakit mo sa mata." sabi ko lang tapos nag lakad na din ako papunta sa kanya.

   She glared at me nang makalapit nako sa kanya.
   
   "Bakit ka kasi naka off shoulder? Sakit sa mata ng kulay mo. Ang puti masyado. Ginagawa mo bang gatas ang kojik?"

    "Excuse me? Natural color yan no. Since birth ganan na kulay ko." Sabi nya tapos binuksan nya na yung pinto tapos nauna na syang pumasok. Sumunod naman ako kaagad.

    "Sabagay di ka kasi nakaranas maglaro sa ilalim ng araw." Asar ko sa kanya.

    This is the only way para maibsan yung nararamdaman ko kanina. 

    Dinilaan nya lang ako at inirapan tapos nag deretso na sa kwarto nya.
    
    Nakita ko naman si tito na palabas ng office room nya.
    
    "Oh seulgi.. What are you doing here?" 

    "Ah.. Kakaunin ko po sila hyun tito.."

    "Oh right.. The vacation.." sabi nito habang tumatango tango. 

    "Hyun! Yerim! Andito na si Seulgi. Bumaba na kayo dyan at kakausapin ko muna kayo bago umalis." 

    "Akyat po muna ako tito. Tulungan ko po sila mag baba ng gamit." Paalam ko kay tito. Tumango naman sya tapos umakyat na din ako sa taas.

    Sa kwarto ni hyun ako unang kumatok. At pinag buksan naman nya ako ng pinto agad.
    
    "Bat di kapa nag papalit?" tanong ko tapos pumasok ako sa loob. 

    "Anong papalitan ko?"

    "Yang damit mo."

    "At bakit?"

    Oo nga? Bakit seulgi?

    "Kasi ano... Uhmm.. Baka mangitim ka!"

    "Summer ngayon. Malamang may chance talagang mangitim pero i have my sunblock naman gi."

    "Kahit na! hindi tatalab yun sa batangas!! Mag palit kana! mag tshirt ka nalang."

    "At kelan ka pa naging concern sa suot ko?"

     "Ngayon! kaya sige na mag tshirt kana. Madaming lalaking empleyado don sa resort ni papa.."

     "At alam mong naiirita ako kapag may lalaking tingin ng tingin dyan sa balat mo." sunod na sabi ko.

     She narrowed her eyes while looking at me tapos nag kunot din yung noo nya.
     Siguro naramdaman nya na seryoso na talaga ako kaya hindi na sya nag pumilit. "Okay. fine because you sounded like dad." sabi nya lang saka kumuha ng tshirt sa closet nya.

    "Also, kapag nakita ka ni tito na ganyan suot di din yun papayag. Pagpapalitin ka din non. Baka nga di kapa pasamahin eh.." sabi ko ulit.

     "Oo na manahimik kana dyan." Sabi nya saka dumiretso sa cr.

   

      Lumabas sya. 
      
      "Tucked in or nah?" Tanong nya tapos nag tucked in sya.

      "Bagong tae ka ghorl?" asar ko

      "Alam mo. Di kita ma gets. Wag nalang kaya ako mag damit?!"

      Naiinis na sya.. Feel ko na.. Hahahaha ang cute..
      
      Tinawanan ko sya. "yiee inis na sya.." Lumapit ako tapos sinundot sundot yung tagiliran nya.
      
      Pinipigilan nyang matawa pero konting sundot pa't di nadin nya napigilan tumawa. 
      
      
      "Nakakainis ka." Sabi nya lang. "Ano nga kasi???"

      "Bagay sayo lahat. Kahit ano maganda tignan sayo okay?" Sabi ko.

      "Ang galing bumawi." 

      "panget mo." 

      "Crush mo naman." Sabi nya.

 

     eehhhhhh?????? Tama ba narinig ko???????

 

      Nagulat ako. Feeling ko biglang tumigil yung tibok ng puso ko for a sec.. Diko inexpect yun ah???
      Tinignan ko lang sya... Kumunot ang noo ko.
      Nag poprocess pa sa utak ko yung sinabi nya.. 
      Nag paprocess pa din sa isip ko kung anong sasabihin ko.. 


      
      "Y-yuck!!" Pag tanggi ko... "Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo hyun." 

 

     Tinawanan nya ako. 
     I dont understand her. Really.. Kelan pa to natutong bumanat ng mga ganyong salita?
     
    TINAWANAN NYA LANG AKO. 
    
    Pero dahil nakakadala ang tawa ng babaeng to. Natawa na din ako..
    
    Ewan ko sayo Irene Alcantara.. Ang gulo mo din kausap. Ang gulo mo kapulong. Hindi kita maintindihan. 
    Minsan nawawala sa isip kong straight ka kapag ginaganyan mo ako. And that would gave me a hope na baka kahit paano kapag umamin ako hindi mo ako itataboy..
    Feeling ko tuloy mapapaamin ako sayo ng wala sa oras. Lol


      Natigil lang kami ng may narinig kaming katok sa pintuan nya. Tapos nagbukas na di  yung pinto bumungad samin si Yeri.
      
      "Mamaya na kayo mag landian. Papa's calling us. Aalis na din daw sya but he needs to talk to us first kaya bilisan nyo na dyan." Announcement nito. 

     Napansin naman ata ni Yeri na nagpalit ng damit ang ate nya. "Akala ko naka off shoulder ka?" Tanong nito.
     

     "My possessive bestfriend won't allow me." Sabi ni Hyun sabay tapik sa balikat ko tapos nag lakad na palabas.


     Luuhhh??? possessive daww?????
     

     'My possessive bestfriend' palang ang ganda na pakinggan pano pa kaya kung naging girlfriend yun???¿¿?¿ aaccckkk


     "H-hindi ako possessive no! c-concerned  lang!!" Medyo nahihiyang sagot ko ramdam ko din kasi na medyo umiinit yung pakiramdam sa may bandang mukha ko dahil sa sinabi nya. Pakshet ka talaga hyun.

    "Nye nye seul. Ikaw mag bitbit ng maleta ah. Yun naman purpose ng pagkaon mo diba?" Di na nya ako inintay makasagot kasi nauna na syang bumaba.

    "Yung akin din. Pabitbit.. Hehe.. Saka pakalmahin mo yang gay panic mo. Namumula yang tenga mo oh." Sabi naman ni Yeri tapos bumaba na din.

    Napahawak naman ako agad sa tenga ko nung marinig ko yung huling sinabi nya."KATULONG NYO BA AKO?!" Sigaw ko.


    Bumaba na din ako kasama yung mga maleta nung magkapatid. 
    Apaka daming bitbit! may maleta na may backpack pa. Lalo na si Yeri. 
    
    Dumating na din si Tito.
    
   "Alright... Seulgi." Tawag nya

    "Yes po." Sagot ko agad

    "I gave my full trust on you okay? I know you guys would bring some alcoholic drinks but still dont get too wasted. And also si Yeri. Hindi ko pa yan pinapayagang uminom. Don't let her drink okay? Hyun. Bantayan mo din yang kapatid mo ha?"

   Medyo napasimangot naman si Yeri dahil sa sinabi ni titong bawal sya uminom haha. Sensya na ghorl, tamang coke at ice tea ka nalang muna..

   "Opo tito." 
   "Ofcourse pa."

   "Take care of each other. Tulad nga ng sinabi ko nung nakaraan, Responsibilidad nyo ang isa't isa pati ang mga kaibigan nyo."

    Tumango lang kaming tatlo. Akala namin tapos na ang speech ni Doc. alcantara, hende pa pala meron pa palang kasunod.. Ang daming sayings ng tatay ni joohyun josko. Kulang nalang sumama na din sya saamin pa batangas.
    
    Naramdaman kong nag vivibrate na ang aking cellphone, ganun din ang cellphone nila hyun at yeri. Siguro nagkakagulo nanaman sa gc.
    Napansin naman yun ni tito kaya tumigil na sya sa kakapayo. 
    
   Tumayo na kamkng tatlo. Ganun din si Doc.
    
    "Mukhang hinahanap na kayo.. Sya sige na mag iingat kayo don. Joohyun, call me kapag nakarating na kayo ha. Or kung pwede lang always update me. Mask and hand sanitizer may dala na ba kayo?" 

    "Meron na pa dont worry. Meron din kami ni yering dala na isang box ng mask. Dinala namin yung inuwi mo galing ospital." Sabi ni hyun. 

    Konting paalam pa at sa wakas pinalaya na din kami ni Doc. Bukod don may tumawag na din kasi sa kanya na taga ospital at kailangan na din nyang umalis kaya nakaalis na din kami nila hyun.
    
    
    
  ~~~~

Day 1


   "11 tayo, may anim na available na room. partner partner tapos may isang mag sosolo." Paliwanag ni Seulgi

  "Syempre kami na ni Yong yung isang pair." Sabi ni Byul. 

   "Hep hep.. Bawal ang mag jowa sa iisang room." Sagot naman ni Seulgi.

   "Hindi kami ready na makarinig ng malalaswang tunog mula sa kwarto nyo ok?" Sabi ulit ni Seulgi.

    Sinamaan naman sya ng tingin ni byul. "Corny ka." 
    
    "Mag bubunutan tayo kung anong room number nyo, Kung sino kaparehas nyong number yun kapartner nyo.. Kapag wala kang katulad, it means na ikaw yung mag sosolo. Ang aangal pwede na umuwi." Sabi ulit ni Seulgi saka nilabas yung ginawa nyang bunutan. 
    Ready talaga si ate ghorl.    
    
    Tumayo sya at isa isang pinabunot ang mga kaibigan nya. Tapos yung huling natira sya na ang kumuha. 
    
    
    
    The partners has been decided.
    
    Jisoo, Jen
    Yeri, Seul
    Wendy, Joy
    Rose, Solar
    Lisa, Byul

    At ang mag sosolong si mareng irene.
    
    
    
    Si byul lang naman ang disappointed dahil si Lisa ang kasama nya. Pero the rest, okay na sa kanila yung mga partner nila.       
    Lahat sila nag palit na ng mga pang summer outfit nila para umaura sa labas at mag picture taking.
    
    

    
   "Seul palit nga tayo.." 

   "Bakit ba?" Sagot nito kay wendy na nag mamakaawa sa kanya.

   "Ehhh. Kita mo naman yung mukha ni reyes kanina nung nagkaalaman ng partner diba."

    "Oh eh ano ngayon? Edi wag kayong magtabi sa kama. Humiram ka ng kutson don sa staff sa labas tapos dun ka matulog para di kayo magkatabi." 

    "Pag sasaktan ako ng likod.. Dali na kasi... Alam mo naman yung sitwasyon namin dibaa??" 

    "Akala ko ba okay na kayo?"

   "Oo ngaa.. Okay kami as a friends sapilitan pa nga yun kasi hindi naman talaga maiiwasan dahil sa inyo ni irene.. Pero kasi hindi padin ako sure kung okay na ba talaga sya.. Ayoko namang ma istress yun dahil sakin."

   "Bat kasi hindi mo kausapin."

   "Nagbabalak na nga ako. Inuunahan lang ako ng takot. Saka wala naman akong dapat ipaliwanag??" 

   "Anong wala? Tigilan moko wendy. Lahat ng nangyayari may dahilan. Yun lang naman yung kailangan malaman ni Joy, tagal tagal mo nang pinagkakait sa kanya..Malay mo eto na yung way para magkaron ka ng lakas ng loob."

   Natahimik naman si wendy. 

   "Alam mo ikaw, ang galing galing mo sa acads pero pagdating sa totoong buhay bopols ka. Pwede i apply mo din yung kalakasan mo sa acads sa totong buhay?? Wag mong iwasan yung taong alam mong hindi mo naman kakayanin mawala." 

   "Wow coming from you? that 'wag mong iwasan kung hindi mo kayang mawala??' "

   "Oh bakit? Ano bang ginagawa ko? Iniiwasan ko ba yung akin? Diba hindi naman?" 

   "Take the advantage seungwan. Maybe that will be the way para magkaron kayo ng oras para maintindihan ang isa't isa.. Deep talks kayo hanggang madaling araw. Basta walang ungulan ha." 

    Hinampas sya ni Wendy. "Tangina ka seryoso nako eh. Tinawag mo nakong seungwan eh."
    
    Tinawanan lang sya ni Seulgi. Tapos nag punta na sila kung saan nag kakasiyahan ang mga aports nila.


    "Deep talks with seungwan?" Tanong ni Irene kay Seulgi.

    "Hindi. Gusto lang makipag palit ng kwarto." 

    "Why?"

    "You know.. The thing between her and joy..."

    Tumango lang si Irene

   "Ikaw okay ka lang ba na mag isa?" 

   "Yup. Mas sanay akong mag isa sa kwarto."

   "Hmm. Sige. Basta feel free na tumawag samin kapag may naririnig o nararamdaman kang kakaiba sa kwarto mo." Biro ni Seulgi.

    Hinampas naman sya ni Irene. 
    
    "Alam mo, minsan hindi na din ako nagugulat kapag bigla akong nagkakapasa sa braso." 

    Ngumiti lang sa kanya si Irene. "Deserve mo yun." Sagot nito. 
    
    
    "Time out na muna kayo sa landian!! bumaba na kayo dito." Sigaw ni byul sa dalawa saka winisikan ng tubig.

    Umahon naman sa swimming pool sila byul, lisa, jisoo at wendy tapos lumapit sila kay seulgi.


    "Kayo sa paa. Kami ni wends sa kamay." Utos ni Byul. Agad naman silang pumwesto

    "Teka teka!!! pota saglet yung cellphone ko!!!" Sigaw ni Seulgi nang buhatin sya ng apat nyang kaibigan.

     Napatigil sila byul dahil sa cp ni Seulgi pero inangat ni Irene ang kamay nya at nakita nila na nasa kanya ang cellphone.
     
     
     "Game. One... Twooo... Threeeeee" bilang ng tatlo with matching pag sway pa muna kay seul bago nila ito itapon sa swimming pool.

     "AAAAAAAHHHHAKSJSJSJ" Sigaw ni Seul, wendy at byul.

    Dahil kasi sa sobrang kapit ni Seul kay wends at byul nasama din sila sa pagtapon kay seulgi.


    Nagtawanan naman sila. Tinawag sila ni Yeri tapos sumenyas kila lisa na isunod ang ate nya.
    
    Lumapit naman si Lisa at Jisoo kay Irene. Umahon din si Yeri para tumulong pati si Joy.
    
    "Ano?! Ano?" Nag papanic na sabi ni Irene kasi na feel nya na susunod na sya.

    Tumayo sya. Sinubukan nyang lumayo sa apat pero nagulat sya nang hawakan sya ni seulgi na nasa likod nya.    
    
    "Hawakan nyo dali ako bahala. Joy, yeri sa paa bilis." Utos ni Seulgi. Agad naman ginawa ni joy at yeri ngayon buhat buhat na nila si madam tapos dinala nila ito sa gilid ng pool.

    Muntik pang masipa ni madam si Joy dahil nag pipiglas pa ito nung una pero hindi na din sya pumalag nung nasa tabi na sila ng pool.

    "Teka lang. Tanggalin nyo muna yung cellphone sa bulsa ko." Sabi ni Irene

    Kinuha naman yun ni yeri tapos binigay kila lisa.

    "Wannnn.. Tuuuuu-"

   "Teka lang!!" 

    "Ano nanaman?!" 

    "Ibaba nyo muna ako." Binitawan naman ni Yeri at Joy yung paa ni madam kasi nangangawit na din sila. pero si seulgi naka hawak padin.


    "Dito ka." Sabi ni Irene tapos hinarap si Seul sa kanya. Bale si seul na yung nakatayo sa may edge ng pool ngayon.

    Nagtataka si Seulgi. Maya maya pa'y di nya inexpect na mahuhulog ulit sya sa swimming pool dahil tinulak sya ni Irene.
    
    Pero nagulat din si Irene kasi nadala din sya ni Seulgi pagbagsak sa pool dahil napa kapit pala sa kanya si Seulgi bago bumagsak kaya ayun parehas silang lagpak.
    


~~
 Day 2


   Nakabilog na ang mag totropa, nasa gitna nila ang bonfire na ginawa nila sa may tabing dagat. 
   
   "Oh game." Sabi ng kadadating lang na si wendy na may bitbit na dalawang gitara. Inabot nya kay Seulgi yung isa.

    "Ano? deep talks? Labasan ng secrets??" tanong ni Jennie.

   "both!" Sagot ni Wendy.

   "Dahil ikaw ang nakaisip, Ikaw mag simulang mag share!" Sabi naman ni Joy.

   "Ayonnn ang galengg.. Pero sige ako na lang..."

    Naglabas na si rubyjane ng mga saloobin nya. Hindi nag labas ng secret si ruby dahil wala naman syang tinatagong sikreto sa mga ito. Instead ay nag bigay nalang sya ng mga first impressions nya sa mga kasama nya ngayon.
    Ganoon na din ang ginawa ng iba. Pero may ibang nag lapag din ng secrets nila.
    

    "Really yeri?" gulat na tanong ng ate nya. 

    "Hala lagotttt." Kantyaw ng mga kaibigan nila.

    "Taenang to. Kakasabi lang sakin ni tito kanina na hindi ka nya pinapayagan uminom tapos umuuwi ka na pala sa bahay nyo ng hilo." Sabi naman ni Seul kay Yeri.

    "Okay lang. Di naman nahuhuli. Tignan mo oh kahit si ate hindi alam. Kaya please lang payagan nyo nako maki jamming sa nomi session nyo bukas ok????" 

    "Anong nomi. Loming batangas ibibigay namin sayo." Sabi naman ng Ate nya.

    "Ate ang corny. Manang mana kay papa." 

    "Pasalamat ka lab kita kung hindi susumbong kita kay papa pag uwi natin." Sabi naman ng Ate nya. 

     Tinawanan nalang nila ito. Tapos nag salita si Seulgi. "Ikaw na." Sabi ni seul sa katabi nya. 

    Huminga ng malalim si Irene. Ngumiti sya sa mga kaibigan nya saka sinumulang mag salita.

  "Alam nyo guys, im always curious.." Sabi nito.

    "About??" Tanong ni Jen sa kaibigan nya.

    "About byul and yong's relationship.." napatingin naman sa kanya lahat.

   "Samin? Bakit??" Takang tanong ni Yong

   "Uhmm.. I dont know.. What does it feel to be in a relationship with the same gender ba? Kaparehas lang ba yun ng pakikipag relationship with opposite gender or may ibang feels?? Does being with in a relationship with the same gender is better?"

   Nagkatinginan si byul at seulgi. Parang nag papa-uyuhan pa sila kung sino ang sasagot sa mga tanong ni Irene.
   
   "Oh.. No guys you don't need to answer my questions.. Im sorry byul and yongsun.." Sabi ni Irene nang napansin nyang parang natetense sila.

   "Parehas lang naman yung feeling.." Napunta lahat ng atensyon nila kay Joy.

    Nag tanguan naman ang mga kasama nya.

    "Yup. Tama si joy.. Its just the same when you're in a relationship with the boys Irene. Ang pinagkaiba lang eh wala silang hatdog." Sabi naman ni solar sabay tingin kay byul.

    Nagtawanan naman sila. "Medyo nainsulto ako don ah.." Sabi naman ni byul.
    
    "Same bro." Pag agree ni Wendy.

    "Meron naman kami nito." Sabat naman ni Lisa sabay taas ng kamay tapos nag peace pero magkadikit yung index at middle finger.

    "Bastos ka." Sabi ni Jisoo saka binato si Lisa ng buhangin. 

    "Ang samlang mo boi may bata tayong kasama." Sabi naman ni Seulgi tapos tumingin sila kay Yeri.

   "Sus alam nya din yan. Utak 30 years old na yan no." Asar naman ni Joy.

    Nagtawanan naman silang lahat.

   "Neways madam, wala ka bang isheshare na secret dyan??" Tanong naman ni Jisoo kay Irene.

    "Secret? uhmm..." Nag isip pa si Irene kung mag sasabi ba sya. Pero since nag sabi naman yung iba sa kanila.. Mag sheshare na din sya.

    "I dont know if its okay with yeri, for me to share this.." Sabi ni Irene tapos tumingin kay Yeri.

    "Ha? Alin?" 

    Tinignan lang sya ni Irene. Yeri knows na isa lang naman ang secret na tinutukoy ng ate nya. Na gets nya naman ito agad.

    "Ahh.." Sabi naman ni Yeri saka tumango sa ate nya.

    Bumuntong hininga si Irene bago mag salita. "Nagkaron ng karelasyon si mama na babae kaya nya iniwan si papa..."

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1121 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki 39 streak #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
851 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1121 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1006 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun