Chapter 19

Istranded

    "Hindi muna ako babalik ng manila." 
    
     Yes.. I plan to stay. 
    
    Nagbago naman ang reaksyon ng mga mukha nila. I know they all missed me. And i really do missed them too. But i dont think i can face her ng parang walang nangyari ulit. 2 weeks isn't enough.
    
    "Seryoso?" Tanong ni Byul
    
    "Totoo." Sagot ko naman ng nakangiti.
    
    "Parang gago naman, seulgi." Si wendy ang nagsabi. Disappointed syempre.
    
    Alam kong punong puno na ng sama ng loob tong si wendy sakin. We haven't talk yet tapos ganito pa ang ibubungad ko sa kanya. 
    
    "Sorry wends, namiss kita sobra." Sabi ko naman saka niyakap sya agad.
    
    "Parang tanga. Bumalik ka pa kung di ka rin naman pala sasama samin pa uwi. Sana pinaforward mo nalang samin yung test results." Reklamo ni wendy.
    
    "Ihhh, sorry na. Syempre gusto ko kayo makita kahit nakakasawa mga mukha nyo no, saka nangako akong babalik ako kapag nakahanap nako ng paraan para makauwi kayo diba." Paliwanag ko. 
    
    "Eh bakit ba kasi hindi ka pa uuwi?" tanong ni Yeri.
    
    Bakit nga ba? 
    
    Their attention is all on me. Especially her, who's listening to us from the kitchen table. 
    
    "Her lola insisted and made her stay for another month." Si tzuyu na ang nagsabi. 
    
    Well uh, kinda true but its really me who convinced my lola tho. 
    Sabi ng lola ko wala naman daw akong gagawin doon sa kanya kundi magpahilahilata lang rin. So bakit hindi pa daw ako sumabay sa mga kaibigan ko pauwi ng Maynila.
    
    Tzuyu knows because.. She knows that im not ready yet. Pero sinabi ko naman sa kanya na i can manage to act like nothing happened, which is what i always do... pero she's the one who did insist. She said, not until im completely healed. 
    I appreciated her concerns and yeah.. Im gonna stay for a month.
    
    And she helped me convinced my lola. And since tinuring na rin namang parang apo ng lola ko yang si Tzu, pumayag sya. 
        
    "Saka mag bibirthday narin kasi si Lola this month so, i want to celebrate with her." Sunod na paliwanag ko rin. 
    
    "Intayin nalang din namin birthday ng lola mo?" Si lisa ang nagsabi. 
    
    "Baliw. You have the chance to go home now. Kapag inextend nyo pa, magpapatest nanaman kayo. And alam kong miss na miss nyo na pamilya nyo no kaya go home tomorrow, and you guys can go back sa birthday ng lola ko." Sabi ko naman sa kanila. 
    
     Bakas naman sa mukha nila ang pagka disappointed. "Im sorry, guys.." Pasensya ko ulit. "Wag na kayong malungkot, ako lang naman to parang mga tanga. Mag iistay ako ngayon dito kaya wag na kayong magmukmok dyan." 
     
     Although may disappointment parin sa mga mukha nila, they smiled at me. Niyakap naman ako nila wendy. Im gonna need to explain things to these guys later. 
     
     Later, because i cannot say my real reasons to them habang nandyan lang sya nakatayo malapit saamin. Napatingin ako sa kanya habang yakap ako nila wendy.
     
     She doesn't display any emotions. Im amused that she's really great in handling her emotions so well. But whenever our eyes lock, i can see a lot. 
     I dont know why but whenever our eyes met, I always want to run to her again. 
     
     She's the first to break the contact again. Then humiwalay na rin sila wendy saakin kaya nabalik na ang atensyon ko sa kanila. 
     
      "Si tzuyu ba? Dito rin mag stay muna?" Intrigang tanong ni Lisa. 
      
      "Lisa, Tigil tigilan mo nga." Sabi ni jisoo.
      
      "Baliw, nag tatanong lang naman ako?" 
      
      "I dont think i can stay tho, sorry to disappoint you lisa." Sabi ni tzu na biniro nalang din si lisa. 
      
      "Walang kasama si tita sa bahay nila. Saka may anak yan nag aantay sa kanya." Sabi ko naman. 
      
      Nagulat naman lahat sa sinabi ko kaya medyo natawa ako at kinurot din ako ni tzuyu sa tagiliran "Aso. Yung alaga ko si gucci." Sabi nya agad. 
      
       "Its always nice to freak people out using that, u know?? Tignan mo si lisa nag back out agad marinig lang yung word na anak." Biro ko saka tinuro si lisa na umatras kanina papunta sa likod nila byul. 
       
       "Uy di ah, tumatanggap ako kahit single mom.. Single mom ng aso or pusa." Sabi naman ni lisa sa likod. Natawa naman si tzuyu ng konti. 
       
       "Tama kana, lisa." Sabi naman ni byul saka hinila si lisa palayo kay tzuyu. 
       
       
       
~~~       


      Palalim na rin ang gabi at napagdesisyunan na rin umuwi ni tzuyu after makipag kwentuhan sa mga tao sa loob. 

      "Hiningi ni lisa number ko." Sabi ni tzuyu
      
      "Wag mo nalang replyan pag kinulit ka." 

      "Why?? she's fun to talk to." 
      
      "Tsk, Paraan lang yan nun. Madaming babae yan. Ikaw rin kung gusto mo dumagdag bahala ka." 
      
      Natawa naman si tzuyu. "Still protective, aren't we?" reminding me of how protective i am to her noong mga bata pa kami pagdating sa ibang tao. 
      
      "Madami pang iba, wag na si lisa." Huling sabi ko. Hindi naman na sya sumagot at tinawanan nalang ako. 
      Di naman sa tutol ako, wala lang akong tiwala kay lisa kasi ginagawang coping mechanism ang pag landi ng hindi naman ready mag commit kaya naiirita ako minsan. 
      
      "Susunduin mo ba ako bukas?" Tanong ko.
      
      "Mahal na po ang rate ng grab ngayon mam, mahal ang gasolina." Sagot ni tzu
      
      "Damot. Sana di kana sumama ngayon kung mag rereklamo ka lang din naman sa gas." Reklamo ko.
      
      "Pft. Oo na babalikan kita bukas. Ang arte arte." Sagot ni Tzu.

      "Dapat lang, Wala akong sasakyan pabalik, ipapadala ko na sa kanila parehas yung sasakyan." 
      
      "Oo na nga, dami pang dahilan gusto mo lang ako makita ulit agad eh." 
      
      Nasuka naman ako kunwari. 
      
      "Wow ha." Natawa naman kami parehas. "Sure ka okay ka lang dyan?" 
      
      Ngumiti naman ako sa kanya saka tumango. "Pumunta ako dito para sa mga kaibigan ko, hindi para maging masokista ulit. Sige na umalis kana. Kakasawa na mukha mo." Sabi ko saka sya tinulak papasok sa sasakyan nya.

     "Nakausap ko sya kanina, kinamusta ka." 

     I looked at tzuyu, waiting for her next words. "Well, its quite expected.. isn't it? pero i'm surprised she asked you." 
     No.. i did not expect it and now i am bothered. 

    "I am too. Pero atleast she still wanted to know how you're doing." sagot ni tzuyu. 

    Hindi na ako sumagot, hindi ko rin naman kasi alam kung anong nararamdaman ko. 

    "Sure ka na okay ka ha? seulgi." Tanong ulit ni Tzuyu.

   Tumango naman ako at nginitian sya. I will try to be okay. Isang gabi lang naman to. After this, i wont be seeing her again. 
      
      "Siguraduhin mo lang slowgi." sabi nya saka sumakay sa loob.
      
      "Oo na." Sabi ko saka sinara yung pinto ng driver's seat. "Ingat! Message ka pag nakauwi ka na." 
      
      "Wag na sayang load. Balik ako bukas!" Huling sabi nya saka sinara yung bintana ng sasakyan at nag maneho paalis. 
      
      
      Bumalik ako sa loob galing sa paghahatid kay tzu, pag pasok ko, sinalubong ako ng apat na bubuwit at agad akong dinala sa pool area.       
      Well thankfully they did not throw me sa pool, We just sat there and catched up with each other. Or should i say,, chichikahin lang ako ng mga to??
      
      "So..., tzuyu huh?" simula ni byul.
      
      Yeah, i know where this would lead. "okay una sa lahat, walang meron kay tzu, we're just childhood friends. Para ko na yung kapatid ever since mga bata kami so tigilan nyo na ang pag aassume." 
      
      "Duda." Si jisoo naman nag sabi.
      
      "Anong duda." 
      
      "Something feels like, one of you did have something for someone pero unfortunately you guys never had the chance." Sabi naman ni wendy. 
      
      As usual, mga assumera at tamang hinala tong mga kaibigan kong to. "At pano mo naman nasabe?" 
      
      "Feeling ko lang." Sagot ni wendy. 
      
      "Feel ko rin nagkagusto sayo si tzuyu pre. I talked to her a lot kanina, and kahit tanungin ko sya about sa sarili nya, lagi kang nasisingit pre. Lagi kang nababanggit." Sabi naman ni Lisa.
      
      "Madami lang kaming pinagsamahan." Tanggi ko naman. Ayoko nang sabihin sa mga to na totoo nga mga inaassume nila kasi gagaguhin lang nanaman ako ng mga to.
       
      "Eh, duda parin pre. Gandang babae ni tzuyu, imposibleng di ka magkagusto dun, kahit childhood crush lang?? Hindi talaga??" Si byul naman nagsabi. 
      
      "Fine, childhood crush." Sagot ko. 
      
      "Yieeeee. Ngayon di na???" biro naman ni lisa.
      
      "Gago ka ba eh kita mong patay na patay yan kay Irene ngayon." Sabi naman ni byul na agad namang siniko ni jisoo at wendy. "Ay... Sorry pre." 
       
       Natawa naman ako ng bahagya, "Baliw." Sabi ko saka naupo sa may bench. Sumunod naman sila sakin at naupo rin. 
       
      "Kamusta?" Tanong ni wendy out of nowhere.
      
      Ngumiti ako. "Okay.. Siguro?" 
      
      Nagtataka nila akong tinignan waiting for another respose from me. 
      
      "Well, tzuyu did great keeping my company pero syempre di naman maiiwasang mapaisip parin.. Kaya siguro okay ako, siguro minsan hindi." Sabi ko nalang. 
      
      Its not that easy tho. Kahit nga yung pag balik ko ngayon i still have doubts to myself. Na baka kapag nakita ko sya ulit hindi ko mapigilan ang sarili kong masira ulit. 
      I did cleared myself from the pain pero hindi naman kasi siguro mawawala agad yun lalo na't the person who did this to me were my bestfriend. 
      Seeing her would only bring back the pain but.. I am not here because of her naman, i am here because of my friends.       
      
      "And yun ba yung totoong rason kung bakit hindi ka muna babalik kasama namin?" tanong ni jisoo.
      
      Tumango naman ako. "Hirap eh. Kanina nagkatama yung mata namin, hindi ko alam mararamdaman ko. Feeling ko galit ako pero at the same time gusto ko agad sya patawarin." 
      
       "Sorry pre. We pushed you to do this thing." Sabi naman ni byul. 
       
       Nginitian ko naman sila. "Gago ano ba kayo, walang may kasalanan.." 

       "Ako nga dapat mag sorry sa inyo kasi, i left without you guys knowing. Tinakbuhan ko nanaman kayo." 
       
       "Hindi rin naman namin alam ang gagawin seul kung sakaling saamin ka tumakbo. Atleast sa labas, you found something na makakapagpalayo ng isip mo sa kanya." Sabi naman ni wendy. 
       
       Nginitian ko si wendy. I mouthed sorry to her and thank you of course. For always being so understanding. 
       
       "Bumalik kayo sa birthday ng lola. Totoo yung dahilan kong yon. Pramis." Seryosong sabi ko.
       
       "Syempre naman." Sagot naman ni Lisa. 
       
       "Hoy ikaw, wag si tzuyu." Sabi ko naman agad kay lisa kasi naalala ko yung sinabi ni tzu kanina.
       
       "Huh? Wala naman akong ginagawa??" 
       
       "Sabi nya kinuha mo number nya." 
       
       "Ahh oo." 
       
       "Tignan mo!" Sabi ko saka kinurot si lisa sa tagiliran. "Lisa sinasabi ko sayo ha." 
       
       "Aray!!! Wala pa nga akong ginagawa nag babanta kana agad dyan." 
       
       "Wala akong tiwala sayo." 
       
       "Magbago kana pre, wag mo nang intaying si lord ang masawa sa gawain mo."Sabi naman ni Jisoo.
       
       "Kalmahan nyo nga. parang mga baliw. Di naman ako nananakit ng babae ah?" 
       
       "Ikaw sasaktan ko talaga pag sinubukan mong guluhin buhay ni tzu." 
       
       "Aye aye master!" Pagsaludo ni lisa sakin. 
       
       "Napaka protective mo pre, si tzuyu nalang kaya jowain mo?" Bigla namang sabi ni byul. 
       
       Tinignan ko lang sya ng masama. Ganon narin ang mga kasama ko "Oh. Kalma, biro lang. okay. Hindi na mauulit. Jisoo! Diba may balita ka kay seulgi." 
       
       "Oo nga pre, kanina mo pa dinedelay yang sasabihin mong yan." takang tanong ko kasi kanina ko pa napapansin na inaasar nila lisa si jisoo na may sasabihin daw pero di naman binabanggit ni jisoo sakin.
       
       "In a relationship na yan." Si wendy na nagsabi.
       
       "Huh????" confused na tanong ko.
       
       Naubo naman ng bahagya si jisoo bago sumagot. "Ah.. Kasi, si jennie ano.. girlfriend ko na." 
       
       I was speechless. Parang nung nakaraan lang umamin sakin si jen na gusto nya si jisoo tapos ngayon????? What in the world happened????
       
       "WHAT?! How? I mean. Kailan pa?" 
       
       Hindi naman agad sumagot si jisoo. Parang nag iisip pa kung mag kukwento ba sya o hindi amp. Ano ba? Nahihiya ba to or nagpapabebe lang??
       
       "Nung ano.. Birthday ni i- irene.." alanganing sabi nito.
       
       Ahhh..
       
       "Sor-"
       
       "CONGRATS GAGO!" Excited na sabi ko na ikinagulat naman ni jisoo.
       
       "Hindi ka galit??" 
       
       "Bat naman ako magagalit?"
       
       "Ang daming nangyari yung birthday ni irene yet here i am getting what i wanted kahit hindi ko naman araw yun." 
       
       "So??? Ano ba dapat?? Anong date ba gusto mo??? May sarili ba dapat tayong araw para makuha yung gusto natin???" Intrigang tanong ko sa kanya. 
       
       "Wala.. Bothered lang ako.." 
       
       "Brad, iba iba tayo ng buhay. And things happen differently on every one's life at you'll never know what will happen. Kaya stop thinking that i'll get mad because you were happy that day. Alam nyo naman kung gaano ako lagi kasaya para sa inyo." 
              
       Nginitian ako ni Jisoo proudly. "Salamat, seul." 
       
       "Anong salamat salamat, kwento!" Sabi ko naman.      
       
       Nag kwento naman si Jisoo agad agad, and ngayon ko lang din nalaman na ngayon lang din pala ni reveal nila jisoo sa lahat. Baliw talaga to. 
       2 weeks lang akong nawala pero namiss ko kaagad ang kabaliwan ng mga kaibigan kong to. 

       "Wan.." tawag ko kay wendy habang busy yung tatlo sa pag lolokohan. 

       "Hm?" Agad naman akong binigyan ni wendy ng atensyon.

       Nag dalawang isip ako for awhile.. should i ask about her or should i not know what she have been doing while i was gone kasi baka ma disappoint lang ako?
       But what am i looking forward to anyway? She wanted me gone. So probaby she did feel much well than i did. Bakit naman mag aassume akong she's been in her own grief too?

      "Seul? Seulgi!" Tawag sakin ni wendy saka lang nabalik ang atensyon ko sa kanya. Napatingin din ako sa mga kasama namin kanina pero wala na pala sila?? 

       "Huh? oh? saan na sila byul??" 

       Confused akong tinignan ni wendy. "Sabog ka ba pre? Pumasok na sa loob sila byul kasi tinawag ng mga jowa.. May gusto ka bang sabihin?" 

       "Uh.." Mahinang sabi ko. "Uhm, kamusta si uh- ano.. kayo, kamusta ni joy?" Tanong ko.

        Confused parin si wendy saka ako nginitian at sumagot. "Goods lang. Nag-usap na kami. She's still afraid at naiintindihan ko naman yun and i'll do my best to be better for her."  

      "Weh, ikaw ba yan? Baka mamaya tawag ka nanaman sakin tas sasabihin mo nanaman hiwalay na kayo ha"

      "Baliw, hindi kami nagkabalikan. Nasaktan ko sya sobra kaya gusto kong umulit sa umpisa seul. To show her the better wendy version."

      Napangiti ako pero at the same time nag c'cringe rin sa mga sinasbi nitong si wendy. "Sino ka gagi, hindi ikaw yan. nasaan yung seungwan na kilala ko 2 weeks ago????" biro ko.

     "Ewan ko sayo, seulgi." Natatawang sagot nito. 

     Napaisip ulit ako kung magtatanong pa ba ako, since nakita ko nanaman sya through the window door ng living room. She's sitting watching tv like its a normal day. Like i didn't disappear and came back.
    A slight anger and pain is building up within myself. Was she always like this when i was gone? Did she really mean what she said that night?

    "Sabi ko na.." Nagsalita naman si wendy kaya napatingin ako agad sa kanya. "You wanted to ask about her. but went for joy and i instead."

    "Huh? hindi naman?"

    Wendy snorted a laugh. "Seul, Yang pagkunot ng noo mo habang nakatingin kay rene, it clearly shows." 

    Bumuntong hininga nalang ako. "Bothered ka?" Tanong ni wendy.

    "uh, wen kinamusta nya ako kay tzuyu.. bakit hindi nalang sya directly saakin nag tanong?" Frustrated na tanong ko. 

    "Baka nahihiya lang and still concerned?" 

    "Concern? mukha bang may pake pa sakin yung ganyan?" sabi ko saka tumingin ulit sa direksyon kung nasaan si irene na ngayon eh kasama sila joy na tumatawa sa pinapanood nilang palabas.

     "Seul, she- do you wanna know how she is those past week?"

     Tinignan ko ulit si wendy. I do.. gusto kong malaman wendy. Kaso baka mas madagdagan lang yung sakit. "No.. i dont think so, wan.. Gusto kong magalit wan, kasi yun naman siguro dapat ang maramdaman ko."

     Hindi naman na sumagot si wendy at pinat nalang ako sa balikat. 
   
      Deserve ko namang makaramdam ng galit diba? Tama lang naman na magalit ako sa mga ginawa nya.
      If those reasons were true and if she really meant what she said, then i have the right to be angry at her.
      Because i clearly doesn't deserve to be treated like that after all those years na palaging ako yung nandyan para sa kanya.


       
~~~~


       
      Hindi namalayan ni seulgi na nakaidlip na pala sya sa kwarto nila pagtapos nilang magusap at pumsok ni wendy sa loob. 
     Chineck nito ang oras at napansin din nyang tulog na si yeri sa tabi nya. It's already midnight, almost 1am na rin.

     Since naalimpungatan na si seulgi, hindi na sya makabalik sa pagtuloy ng tulog nya. Bumangon sya para mag cr at dahil ayaw nyang magising si yeri dahil sa ilaw ng banyo eh sa baba nalang sya pumunta.
     Dahan dahang gumalaw si seulgi, Napansin din nito ang mga nakaimpake na gamit ni yeri na nasa tabi rin nito yung maleta nya. Yeri must have did hers too.
     She's not going to stay at the resort din naman so buti nalang at napag impake rin sya ni yeri. Which is isang himala for seulgi.
     
     Pag bukas nya ng pintuan ng kwarto, akala nya sya nalang mag isa ang gising ng ganitong oras pero narinig nyang bukas parin ang tv sa living room. 
     Lumakad si seulgi, not expecting to see irene sitting at the couch holding the remote on her hand. Pero hindi sya nanonood. She must have fallen asleep while watching her favorite medical drama. A drama where in the doctors die often than the patients.  

     Seulgi doesn't know what to do, well except doing her business first which is going to the bathroom. 
     Conversations from the tv has been heard paglabas ni seulgi ng cr, pero dahil napalakas din ang pag sara ni seulgi sa pintuan, naalimpungatan si irene at agad na nagising. 
     
     Napatigin naman agad si Irene sa direksyon ni seulgi. Mas nagising sya kasi di nya inexpect na si seul ang bubungad sa kanya. 
     
    "Sorry, Nagising ka." Seulgi said while walking towards the ref to grab a water. 
     
    "Yeah.. no, its.. okay." Irene absent mindedly replied. 

    Except from the noise from the tv. The room were filled with silence after that. 
    
    Irene focused on the television, not knowing what to do. Thinking if she should start a conversation with seulgi or not. 
    Seulgi on the other side grab another glass of water to bring to Irene.  
    
    "Tubig?" Seulgi suddenly said standing beside the coffee table placing the glass of water there. 
    And as usual, irene being magugulatin she slightly jumped out of the surprise presence of seulgi. 
        
     "Thank you." Sagot ni Irene. Taking the glass of water seulgi offered. Since is also getting dry by not speaking.
     
     Their interaction felt like they were being careful to each other. Careful to say things. Careful to start a conversation. It pains Irene that they cannot be what they used to be right now. It also pains Seulgi that she can't question Irene about that night again because she doesn't want to make it more painful for the both of them.  
     

     
     Since hindi pa naman ulit tinatamaan ng antok si seulgi at nakuha nung show yung atensyon ni seul, she decided to watch the medical drama that Irene is watching. 
     It's their favorite show, for goodness sake. And since interested na rin sya sa mga nangyayari, she did not stopped herself from watching with irene. 
     Reminding herself that this is not for irene, this is for her favorite tv show. For amelia, her favorite character.     
     
     "Amelia is pregnant????? What?? Paano? Si Owen ba tatay???" Intrigang tanong ni seulgi. She missed out some episodes so she did not know how her favorite character came into that situation. She sat at the other couch.          
     
     "For now, its link. But may speculations si amy na si owen ang tatay since parang nag overlap nung may nangyari sa kanila ni link and sa kanila ni owen based sa weeks ng pregnancy nya." Paliwanag ni Irene. 
     
     Yeah dont mind the drama, That's how Hollywood do it.
     
     Anyways, seulgi still not adapting the situation of her fav character. Looked confused.
     
     "Well, i really hope its not owen. He's ed up. Link is way more better as a father and to amy." Reklamo ni seulgi.
      
     Natawa naman si Irene ng slight. After ng episode na pinapanood nila tinanong nya si seulgi. 
     
     "Hey, saang episode tayo natapos last time?" 
     
     Nag isip naman si seulgi. "Uh.. Revelation ni Teddy kay owen that she's pregnant?" 
     
     Hinanap ni irene yung episode na yun at nag simula ulit sa kung saan natapos si seulgi kahit napanood nya na hanggang bagong latest update ng episode nung show.
     
     "You missed a lot." Simpleng sabi ni Irene. 
     
     Seulgi slightly smiled. "I know." Realizing that irene were treating her casualy again. 
     
     Although, Its hard for seulgi to be this close to Irene again because it reminds her a lot of things. She's careful kasi iniisip nya what if irene doesn't want her close and baka isipin ni irene na pinipilit nanaman nya ang sarili nya dito. 
     
     But that wasn't the case for irene ofcourse. She wanted this. Small conversations with seulgi. Even though it's still quite awkward.
     
      They settled watching the drama without conversing with each other. Casual lang. Inisip nalang ni Irene na this is them hanging out with each other just like the old times. 
      Sometimes seulgi would speak about her opinions and she would just simply answer her curiosity, making her heart warm because she's glad with her small interaction with seulgi again. 
      

    "That wasn't her real reason tho." Sabi ni irene out of knowhere sa scene ni amelia at link breaking up.
      
    "Huh? bakit?" Takang tanong ni seulgi.
      
    "Well, amelia has a lot of traumas. She's afraid about the thought that link is treating her how she deserves to be treated. So she pushed link away kasi tingin nya hindi nya deserve si link." 
      
    "And link did not understand?" dagdag ni seulgi.
      
    "Yep." 
    
    "Edi kasalanan ni amy, andyan na yung tamang tao tinaggihan nya pa." 
    
    "Well.. Its complicated seul, you know. Minsan if you did not communicate properly with the other person due to his or her overflowing emotion, you can mistakenly say the wrong words leading to misunderstanding each other." 
    
    "Pero nasaktan si link." 
    
    "He rushed amelia. He did not gave amelia some time to think about their situation." 
    
    Napaisip si seulgi. The situation kind of reminds her of what happened between her and irene. 
    Did she misunderstood the irene that day? 
    
    Patong patong na tanong nanaman ang pumasok sa isipan ni seulgi. Kaya hindi nya na napigilan tanungin si irene ng isa sa mga tanong sa isip nya. 
    
    
    "Did i misunderstood you, irene? Or totoo lahat ng sinabi mo that night?" 
          
    Irene was caught off guard by seulgi's question. She did not answer seulgi agad. 
    
    "I.." Irene was about to speak pero nag salita naman na ulit si seulgi. 
    
    "Yeah, nevermind that." Seulgi swears to herself na never syang mag bbring up ng another thing that will only cause pain to her but irene's words were piling up a lot of question inside her head.
    
    But still she managed to control herself. Pinilit nyang ngitian si Irene. Tumayo naman na sya at babalik na sana sa kwarto nila ni yeri. 
    
    "It wasn't, Seulgi." Biglang sagot ni Irene also standing up, making seulgi stop at her current position. 
    
    "I dont know if i should believe that, Irene. I dont know if you just said that out of pity." Sagot naman ni seulgi nang nakatalikod kay Irene. 
    
    "It is not. Seulgi, i swear, i am sorry-" Naputol naman ulit ang sasabihin ni Irene nang humarap si seulgi sa kanya. 
    
    "Sorry? After all those weeks that i've tried to ease the pain ngayon sorry lang ang matatanggap ko? You wanted me out of your sight for goodness sake! Buong linggo inisip ko kung kinamuhian mo ba ako, irene. Tapos ngayon sorry? Kasi ano? Naaawa ka sakin?" Seulgi let out a slight smirk. 
    
    "Hindi ganoon kadali yun, Irene.." Madiing sabi ni seulgi.
    
    "I know this will happen, but seulgi. I swear. I am very sorry. Not because i pity you. But because i am so sorry that i've caused you so much pain." Paliwanag ni Irene.
    
    "Sorry is not enough, i know. But believe me seulgi. All the things i said that night wasn't true." sincere na sabi ni Irene.
    
    "Hindi ko alam, irene. All i know is i am so mad at you right now."
    
    "I know.." Irene sighed. 
    
    "But I will do my best, seulgi. To prove to myself to you. Even if you're mad. Even if you push me away.." Lumakad si Irene palapit ng konti sa kinatatayuan ni seulgi. 
    
    
    
    
    "I will not let another chance slip away." 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soleiluna
yieee aga ng update bumabawi yarnnnnn... 1 more chapter po and u guys might get a seulrene chapter na ulit hehe.. Thankyou guys for keeping up with this story. Huhuhu naiiyaq n aqouh

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1152 streak #1
Otor, balik ka na. :<
ZERO2_ZERO
#2
Chapter 23: autorrrr 😭😭😭 take your time
eunxiaoxlove #3
Chapter 23: Authorrr :(
arachan_md
#4
Hello authornim. Baka naman… 😁
xantheaverielle
#5
Will start reading this! Salamat na po agad sa pagsusulat, otornim! <3
AnneTokki #6
Chapter 23: Thank you for updating.🥺
Uchinagaeri #7
Chapter 23: ay parang nakita ni ante mo irene ang future niya if pakakawalan niya si Seulgi 😂 ayan na ang sagot sa mga tanong mo accla
RVSone0105
882 streak #8
Chapter 23: Ahw Irene sana hindi kayo matulad ni Seulgi sa mama mo at kay sol ☹️ hope ready kana kausapin mama mo para malinawan ka na sa mga nangyari sa Fam mo.
iamriou_
1152 streak #9
Chapter 23: Gates kong hindi pa rin handa si mareng Irene sa pakikipag-usap sa mommy nya... It all takes time para maging okay. Pero sana pag naging okay na sya, hindi siya magsisi sa magiging desisyon nya. :D

PS: Salamat sa update otor! :D
oofiee 1037 streak #10
Chapter 23: ... ik her mom just loves sol so much, and they can do whatever they want eg. leave them to pursue their love etc but if i were irene, i dont think i can ever be the bigger person to willingly let them in my life again...

mukhang may reason pa mom why she never came back throughout the yrs pero hay it feels like gusto lang maglinis ng konsensya kaya bumabalik ngaun