Chapter 1

As Long as You Love ME

AFTER FIVE YEARS…

“Perfect!” sambit ni Bot habang pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin. Heto na naman siya. Halos isang oras kung manatili siya sa harap ng salamin. But she can’t help it. Simula nang mangyari ang insidenteng iyon ay naging self-conscious na siya. A simple girl who transformed into a certified fashionista.

Dinampot niya ang kanyang bag at nagmamadaling lumabas siya ng kwarto. Late na kasi siya sa kanyang pinapasukang accounting firm at hindi malabong mawalan siya ng trabaho kung palagi siyang late.

“Haven’t you heard the news?” tanong ni Shiela sa kanya habang lunchbreak nila. Sinuwerte silang magkakaibigan sapagkat hanggang ngayon ay magkakasama pa rin sila maging sa trabaho.

“Anong news?” balik tanong ni Bot dito.

“Si Eimi, promoted na. And take note, sa branch ng KG Corporation sa Korea siya madedestino,” pag-iinform nito sa kanya. Oh, well. Congrats sa friend niya. At least kahit man lang ito ay makarating na sa dreamland nila. Magkakaroon kasi ng expansion ang KG Corporation sa Korea kaya naman kinakailangan ng mas maraming empleyado nito.

“Nakakainggit alaga ang bruhang ‘yon,” singit ni Jenna habang patuloy sa pagkain. Imagine, sa lahat ng empleyado dito, ‘yun pang bulinggit na iyon ang napili para pumunta ng Korea.”

“Ano ka ba? I-congrats na lang natin siya. Malay mo next time tayo naman ang malipat sa Korea,” wika ni Bot. “And speaking of Eimi, nasaan na ba siya?”

Hindi na siya nasagot ng mga ito. Roy’s name registered on the screen . Parang gusto niya patayin ang cellphone niya sa inis.

Heto na naman si Roy, ang suitor niya for more than years na dalawang taon na rin niyang binabasted. But to her dismay, he didn’t stop courting her. “I will not stop courting you until you get married,” natatandaan pa niyang pangako nito . Damn! Kung pwede nga lang magpakasal na siya ngayon din sa kahit na sinong lalaki ay gagawin niya. But she can’t. Gosh, she didn’t even have a boyfriend for pete’s sake!

“Oh, bakit ayaw mo sagutin ang caller?” si Shiela.

“Sino ba yan?” tanong din ni Jenna.

“Si Roy.”

“Na naman? Naku, kung ako sayo, didiretsuhin ko na siya. Sasabihin kong ayaw ko sa kanya at kahit magpakamatay siya sa sama ng loob dahil sa binasted ko siya, eh wala akong pakialam,” puno ng inis na saad ni ni Jenna. Tango lang ang nakita niyang reaksyon mula kay Shiela. Tanda na sumang-ayon ito sa suhestiyon ng kaibigan.

At buo na ang pasiya niya. Kakausapin niya si Roy at babastedin niyang muli for the nth time. Ewan niya lang kung di pa siya titigilan nito sa gagawin niya.

Huminga muna ng malalim si Bot bago lumabas ng lady’s room. This is it. Dapat niyang makumbinsi si Roy na tigilan na siya.

Nagyaya itong pumunta sila sa tawag ng kalikasan at naantala ang pagkikita nila. Paulit-ulit niyang kinakabisado sa isip ang mga sasabihin niya kay Roy para makumbinsi ito. Okupadong-okupaso nito ang isip niya habang papalabas ng C.R. kaya naman hindi niya napansin ang lalaking patungo naman ng men’s room. Nagmamadali yata ito kaya naman napalakas ang pagkabunggo nito sa kanya. Sa sobrang lakas ay napaupo sa sahig. Bwisit! Naka-skirt pa naman siya. Handa na niyang bulyawan kung sino man ang walanghiyang nakabunggo sa kanya. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay dinaluhan na siya nito.

“Oh, I’m sorry. Are you okay?” puno ng pag-aalala na turan ng lalaki.

Ah, that voice. Parang narinig na niya iyon dati. Tumingala siya upang Makita ang may-ari niyon. Lahat ng bulyaw na gusto niyang ibato rito ay nawalang bigla kasabay ng pagkaumid ng dila niya.

“Miss, I’m really sorry. I was in a hurry that’s why I didn’t notice you,” Alexander said.

Biglang nagflashback lahat ng nangyari five years ago. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga huling salitang binitiwan nito sa kanya,”I hate lesbians!”. Pinilit niyang iwaksi sa isip ang pangyayaring iyon. For her, it was a nightmare that she must forget.

Pinilit niyang kalimutan aang sarili. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya. Narito ngayon sa harap niya ang lalaking nagpatibok sa puso niya at siya ring unang nagwasak nito. Pero bakit nandito sa Pilipinas ang lalaking ito? Matagal ng hindi bumabalik ang U-kiss sa bansa dahil sa eskandalong kinasangkutan nito limang taon na ang nakalipas. Na-trauma marahil sa mga Anti-Kpop.

Nang makabawi sa pagkabigla ay piniit niyang tumayo. Anak ng patis! Noon lang niya naramdaman ang sakit ng binti niya. May naipit yatang ugat doon.

“What’s the matter? Can you walk?” may himig ng pag-aalala nitong tanong sa kanya. Parang gusto niyang kiligin. Sana wala na lang itong sinabi noon sa kanya. Sana hindi na lang siya sinigawan mito noon at sinabihan ng masasakit na salita. Di sana’y todo-todo ang saya niya ngayon. To hell with her aching legs! She totally didn’t care at all.

“I can’t,” sagot niya sabay tingin sa binti niya. “My leg, it hurts.”

Bago pa man siya maka-react ay binuhat na siya nito. Doon lang niya napansin ang mga fans ng U-kiss na nag-aabang sa labas ng men’s room.

“What are you doing? Put me down.” Labas yata sa ilong ang sinabi niyang iyon. Sa isip niya’y dapat niyang ayawan ang ginawa nito, pero todo-todo naman sa kilig ang puso niya.

“I will take you to the hospital to check if your legs are okay,” puno ng awtoridad nitong pahayag.

“Wait! There’s no need. I can take care of it. Maybe I just need a rest,” kontra naman niya rito. Hay, namanang plastic ko, bulong ng isip niya.

Pero hindi nito pinansin ang sinabi niya. Tuloy-tuloy ito sa paglakad at nilampasan ang mga fans na naghihintay rito. Mabuti na lamang at handa ang security ng mall at napigilan ang mga fans na dumugin sa Alexander habang buhat-buhat siya.

Kitang-kita niya ang inggit, lungkot at panghihinayang sa mukha ng mga fans na babae habang nakatingin sa kanila. Ewan ba niya, imbes na maging proud, parang gusto niyang lumubog sa sobrang hiya. Marahil iniisip niya ang nangyaring iyon sa kanila ni Xander.

“I think you should put me down now,” maya-maya’y pahayag niya rito.

“I told you, I must bring you to the hospital,” he insisted.

“But your fans are going to kill me.”

He let out a sigh. ”Don’t mind them. Your legs are hurt because of me. You’re my responsibility now,” madamdaming pahayag nito sa kanya.

Peste! Bakit ba parang concerned na concerned ito sa kanya? Samantalang noon ay halos umusok ang ilong nito sa galit sa kanya. Parang mas mabuti pa noon, nagawa niyang makapag-move on kahit kaunti sa ginawa nito sa kanya. Pero nayon?

Hinding-hindi yata siya makakarecover dahil masmabilis pa sa takbo ng kabayong pangkarera ang tibok ng puso niya.

Hindi niya namalayang nasa parking lot na sila ng mall. Kung saan naghihintay ang sasakyan nito.

Meron pa bang mas hihgit pa sa salitang “Starstruck”? kung meron man, ‘yun na siguro nararamdaman niya nang bumuhos ang sasakyan at makita niya kung sinu-sino ang lulan niyon. Soo Hyun, eli, Kevin, Dong Ho, Ki Beom at ang bagong miyembro ng U-kiss na si Kiseop.

“Xander Hyung, who is she?” Kevin asked.

Woah! Saan bang lupalop ng earth nakuha ng mga ito ang appeal at ang sobra-sobrang kagandahan ng mukha?

“She is…uh…what’s your name?” Xander asked.

“Lily,” sagot ni Bot na nahihiya sa sitwasyon niya ngayon.

“She’s Lily. I accidentally bumped into her. She can’t walk by herself so I decided to take her to the hospital,” Xander explained.

“To the hospital?” Ki Beom asked.

“You heard me, right.” sabi ni Xander tsaka bumaling sa lalaki na sa palagay niya’y manager ng mga ito. “Hyung, can I take her to the hospital?”

“I think, that’s not a good idea,” Ki Beom contradicted. “The fans might recognize you. And I’m sure that would cause a problem.”

“Why not take her to the hotel instead? I guess they could give her medical assistance that she needed,” Kiseop suggested.

Napatingin agad sa direksyon nito nang marinig iyon. Teka, bakit sa hotel pa? parang ang O.A. naman yata.

“Ah, you don’t have to take me there. I think there’s nothing serious about my legs. But thanks for the concern anyway.”

Akma siyang lalabas ng sasakyan ng pigilan siya ni Xander sa braso. Mabuti na lamang at hinawakan siya nito, kundi ay bumagsak na siya sa lupa nang maramdaman ang kirot sa binti niya.

“I told you, you are my responsibility now. So just sit there okay? I want to make sure if there’s nothing serious about your legs,” Xander smiled at her. Then her heart jumped.

so here's the first chapter and i decided to post it now...(i can't wait...hehehe)

ENJOY~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
magnafiend #1
awwwww xander
bangs1987
#2
Woahhhhhhhhhhh....

Adobo? Halo2x? Nakaloka ka Xander. hahaha

Tapos na T___________T

Nasaan ang Honeymoon?hahaha
msaejae
#3
shocks tapos na pala... my gosh... happy ending... ^.^
mieyLa
#4
kala ko din nag-update...so itutuloy ang UNTOUCHABLE SLAVE (tama ba title?.) hahaha... spoiler ako....naku ganda nyang story ni Jenna...ngaun pa lang natatawa na ko sa storyline nyan...
msaejae
#5
ahhhhh akala ko update!!!!!!!!!!!!!!
143mrxx #6
haba ng hair ni Lily. Si Xander talaga ee. Kinikilig ako. =)) sana hanggang sa mag-asawa sila umabot ung story. (edvance masyado ee)
bangs1987
#7
Woah! Excited na ako sa kasal nila..hahaha

Pero mas excited ako sa HONEYMOON nila. HAHAHA

Update ASAP Please. Habang tumatagal gumaganda yung Kwento. Ang Bongga!

msaejae
#8
oohhh. anong nangyari kay Jenna? iiihhh... ikasal mo na!!! Sumakit tiyan ko kay Eimi..