Chapter 10

As Long as You Love ME

"Work in Korea?," di makapaniwalang tanong ni Lily kay Uncle A. He just offered her a work in Korea. The offer is so tempting lalo na at sa Korea ito.

"You heard me right, lady. So, what do you think?"

"But I thought your business is in Hongkong."

"Yes, but it also has a branch in Korea. And we're looking for an accountant. I think you're qualified enough for the position.

"Thank you for the compliment Uncle but do you think I can handle the job? I mean, I'm just a junior accountant and –

Uncle A stopped her. "Of course, I know you can do it. Don' worry, you're going through a series of trainings."

Napakabait talaga ni Uncle A sa kanya. At pakiramdam niya, wala siyang karapatang tanggihan ang offer nito.

"By the way, I already told your father about this."

"You did?"

"Uh-huh. And he said it's up to you if you want to accept the job."

Nakakapagtaka na sinabi iyon ng kanyang ama sapagkat kadalasan ay ito ang nagdedesisyon para sa kanya. Iba rin talaga ang convincing powers ni Uncle A. Naging close na rin kasi ito sa kanyang ama.

"So, what's your decision?," tila naiinip na ito sa magiging sagot niya.

Sa totoo lang ay nakapagpasya na siyang tanggapin ang alok nito. Sino ba naman siya para tanggihan ang magandang offer nito? At isa pa, matutupad na rin ang pangarap niyang makarating sa Korea. Higit sa lahat, mas malaki na rin ang tsansa niyang makitang muli si Alexander. Nakaramdam siya ng tuwa sa isiping iyon.

“I’m accepting it,” she said finally.

After a month ay nakalipad na agad patungong Seoul, South Korea si Lily. Ibang-iba ang klima dito kumpara sa Pilipinas kaya naman sangkaterbang sweater, gloves at longsleeves suit ang baon niya na binili niya pa sa Divisoria. Tiyak niyang mahihirapan siyang mag-adjust sa ngayon,

“Annyeonghaseyo,” bati sa kanya ng isang middle aged na babae.

“Annyeonghaseyo,” ganting bati naman niya dito. Tamang-tama ang dating nito sapagkat kailangan niya ng mapagtatanungan kung saan ang address na binigay sa kanya na siyang tutuluyan niya. Kanina pa siya nag-iikot sa lugar pero hindi pa rin niya ito mahanap. Hindi naman kasi niya nakausap ng maayos ang taxi driver na naghatid sa kanya sapagkat hindi ito marunong mag-Ingles.

“Do you know where I can find this?,” tanong dito sabay abot ng papel kung saan nakasulat ang address. Sana lamang ay naintindihan nito ang sinabi niya.

Kinuha nito ang papel at sinimulang basahin iyon. Nagtaka siya nang nakangiti itong bumaling sa kanya.

“I know this place, of course. I’m the one who owns it. So, you’re the new tenant. By the way, I’m Choi Ji-ah,” she extended a hand to her and she accepted it.

“Nice meeting you, Miss Choi. I’m Lily.”

“Oh, I’m already married so don’t be afraid to call me Mrs. Choi. I know you’re tired and hungry. Come, let me show you your apartment.”

Natutuwa siya sa hospitalidad na ipinapakita nito sa kanya. Mabuti  na lamang at marunong iong magsalita sa Ingles at nararamdaman niyang hindi ito mahirap pakisamahan. Kahit papaano siguro’y hindi siya masyadong mahirapang mag-adjust sa lugar.

Unang araw niya sa trabaho ngayon at magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Lily habang papasok sa kanilang opisina. Hindi naman siya nahirapang makipag-communicate sa mga kasamahan dahil karamihan sa mga ito ay marunong mag-Ingles na tulad niya. Marami sa mga ito ang galling sa HongKong at China.

Lunch break niya nang makatanggap siya ng tawag mula kay Uncle A. kinumusta lamang naman nito ang training niya sa trabaho. Gusto raw sana nitong pumunta sa opisina nila kaya lamang a meron daw itong inaasikasong mahalagang bagay para sa anak nito.

“I’m doing this for my son.” Naalala niyang turan nito. Marahil ay may malaking problema ang anak nito kaya naman kinakailangan pa itong tulungan ni Uncle A. mahal na mahal talaga nito ang anak nitong iyon sapagkat sa tuwing mag-uusap sila ay ito ang laging topic nila. Labis-labis ang pagiging proud nito sa anak. Na-curious tuloy siya na makilala ito. Sigurado siya na tulad ni Uncle A ay isa rin itong mabuting tao. “Ano kaya ang problema nun? Ah’ love life siguro,” isip-isip niya. Pero pakialam ba niya sa love life ng iba? Eh, siya nga itong zero ang love life. Napapailing na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain ng Korean noodles.

“I missed you Lily!,” bulalas ng kaibigan niyang si Eimi.

“Na-miss din kita bruha!,” saad ni Lily dito.

“Kamusta na? Kelan ka pa nakarating dito?,” sunod sunod na tanong nito.

“Okay naman ako. Mga two weeks ago pa ako dumating. Ikaw, kamusta na? Wala na kaming masyadong balita sayo simula nang umalis ka ng Pilipinas.”

“Okay lang din ako. Medyo mahirapan lang ‘nung una pero naka-adjust na ako. Sorry kung hindi na ako nakakapag-email. Medyo busy lang kasi ako.

Sobrang nami-miss na talaga ni Lily ang mga kaibigan niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkakasama. Mabuti na lamang at nagkita sila ngayon ni Eimi. Nalaman kasi nito na nasa Korea na rin siya nagtratrabaho kaya naman kinontak siya agad nito.

Nagpasya silang kumain sa sikat na restaurant na iyon sa Seoul para naman makapagchikahan sila at makapagbonding na rin.

Panay ang kwento ni Eimi ng mga experiences nito sa trabaho at kung anu-ano pang mga mis-adventures nito. Hindi naman niya maiwasang matawa habang nagkukuwento ito. Kahit kalian talaga’y hindi ito nauubusan ng kwento. Pero bigla itong huminto sa pagsasalita nang mapadako ang tingin nito sa may entrance ng restaurant.

“Lily, hindi ba si Roy yun?,” tanong ni Eimi sabay turo sa lalaking kapapasok pa lamang ng restaurant. Napilitan naman siyang lumingon sa direksiyong tinuturo nito.

Muntik na siyang mabulunan nang makumpirmang si Roy nga iyon. “Naku naman. Hanggang dito ba naman?”

“Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ka?,” muling tanong ng kaibigan niya.

“Ma at Pa. As in malay ko at pakialam ko. Teka, baka makita niya ako. Itago mo ko!”

“Hello! As if naman maitatago kita ‘no! kahit anong gawin ko, kalahati lang ng katawan mo ang matatakpan ko.”

Oo nga pala. Hindi nga naman kaya ng powers nito na takpan siya. Nakalimutan niyang hindi nga pala ito “kalakihan”. Hiniling na lamang niya na hindi siya mapansin nito. Nakita niyang umupo ito sa isa sa mga bakanteng upuan at maya-maya pa’y may kausap na ito sa cellphone. Hindi nagtagal ay nagmamadali na itong lumabas ng restaurant. Nakahinga siya ng maluwag.

“Ang mabuti pa, umalis na rin tayo ditto. Baka bumalik pa ‘yun,” suhestiyon niya kay Eimi.

“Mabuti pa nga. Tara na’” sang-ayon nito.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila ay nagsabi ito sa kanya na may nakalimutan daw ito sa C.R. nang magtungo ito roon kanina. Kaya naman mauna na siyang lumabas ng Restaurant. But someone caught her attention before she reached the exit door. The man that she would never forget. The man of her dreams! Alexander is there right in front of her! Heaven knows how she missed this guy. Until now, he’s the only one her heart sees. At sigurado siyang hindi na magbabago iyon kahit kalian.

She felt the world stopped turning when their eyes met. Oh, Lord. She loved looking at those beautiful eyes again. She can’t find the words that best describe Alexander. All she knew was that he’s as handsome as ever. She felt contented by just staring at him.

Xander walked towards the entrance door. Ang buong akala niya ay lalapitan siya nito at kakausapin ngunit nagkamali siya. Humakbang ito patungo sa direksyon niya ngunit nilagpasan lamang siya nito. It’s as if he never knew her. She tried to call his name but he just ignored her. Para lang siyang hangin sa paligid na hindi nito nakikita.

Alexander just ignored her for Pete’s sake! But why? May nagawa ba siyang mali dito? O baka naman, tuluyan na siyang nakalimutan nito. Her world crushed the second time around.

ayan, nakapag update na rin..hehe...

so anyway, we decided to continue this one..but this ONE only..

kung napansin nyo, we changed th title from You Kiss Me series no. 1 to AS LONG AS YOU LOVE ME...

dahil sa kaganapan sa Ukiss ay nawalan ng energy at dahilan si Imeor na ituloy ang series lalo na't kay Kibeom dapat ang susunod.

so, she came up with this decision..

sana kahit na di na itutuloy ni Imeor ang series, suportahan pa din natin siya sa mga isusulat pa nya..

(she's thinking of doing one-shots eh)

nga pala, KissMes, we'll stay strong ne?..for the boys..mas lalo nilang kelangan ang suporta natin dahil sa tanggalng nangyari..

*UKISS we'll never be the same*

~mieyLa

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
magnafiend #1
awwwww xander
bangs1987
#2
Woahhhhhhhhhhh....

Adobo? Halo2x? Nakaloka ka Xander. hahaha

Tapos na T___________T

Nasaan ang Honeymoon?hahaha
msaejae
#3
shocks tapos na pala... my gosh... happy ending... ^.^
mieyLa
#4
kala ko din nag-update...so itutuloy ang UNTOUCHABLE SLAVE (tama ba title?.) hahaha... spoiler ako....naku ganda nyang story ni Jenna...ngaun pa lang natatawa na ko sa storyline nyan...
msaejae
#5
ahhhhh akala ko update!!!!!!!!!!!!!!
143mrxx #6
haba ng hair ni Lily. Si Xander talaga ee. Kinikilig ako. =)) sana hanggang sa mag-asawa sila umabot ung story. (edvance masyado ee)
bangs1987
#7
Woah! Excited na ako sa kasal nila..hahaha

Pero mas excited ako sa HONEYMOON nila. HAHAHA

Update ASAP Please. Habang tumatagal gumaganda yung Kwento. Ang Bongga!

msaejae
#8
oohhh. anong nangyari kay Jenna? iiihhh... ikasal mo na!!! Sumakit tiyan ko kay Eimi..