Prologue

As Long as You Love ME

"Nasaan na ba si Eimi?," tanong ni Lily habang patuloy sa pagtipa sa cellphone niya.

"Ano ka ba? Hindi ka na nasanay dun eh number one sa pagka-Filipino time 'yun," sagot ni Jenna.

"Baka na-traffic lang," singit naman ni Shiela.

"Siguro nga kaso baka mawalan na tayo ng puwesto," pag-aalala ni Lily.

Kasalukuyan silang nasa kilalang mall sa bansa para sa autograph signing ng Korean boy group na U-Kiss o Ubiquitous Korean International Super Star. Super fan kasi sila nito.

"Lily!" Natigil ang pagtipa niya sa cellphone nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

"Hay naku! Sa wakas, dumating na rin siya," wika ni Jenna.

"Sorry, I'm late. Sinundo ko pa kasi si Lourdes eh. Ayaw kasi siyang payagan na umalis ng bahay nila.

"Pasensya na strict kasi ang parents ko," hinging paumanhin ni Lourdes.

"Halata nga." Siniko niya si Shiela para pigilan ito na makapagbitw pa ng maaanghang na salita. Ito kasi ang pinakamataray sa kanila.

"U-Kiss! U-Kiss!" Natigil ang usapan nila nang marinig ang malakas na tilian ng mga fans.

"Oh, my! Tara na baka dumating na ang U-Kiss!"

Halos takbuhin nila ang lugar kung saan gaganapin ang autograph signing.

Pagdating doon ay halos hindi na sila makagalaw sa sobrang dami ng tao.

"Bumili na tayo ng album para makapasok tayo sa loob," wika ni Eimi.

"Teka lang, hindi ko nga maihakbang ang paa ko sa sobrang sikip eh," reklamo ni Lily.

"Singit na lang tayo. Madali lang naman lumusot." At walang kahirap-hirap na nakarating si Eimi sa entrada.

"Palibhasa kasi maliit kaya madaling makalusot," bulalas ni Jenna.

Parang gusto niyang matawa sa tinuran nito. Paano'y kabaligtaran ito ni Eimi. Si Jenna ay ang maitatawag na chubby sa grupo samantalang si Eimi naman ang small but terrible ng grupo. Anim silang magkakaibigan na pawang accountancy ang kurso. Si Shiela na adik sa internet surfing; si Jenna na dakilang matipirin; si Eimi na siyang nag-impluwensya sa kanila para maging adik s K-Pop; si Lourdes na highschool friend nito at schoolmate nila; si Shy na O.P. sa kanila sapagkat ito ay may sariling mundo kung saan walang puwang ang K-Pop. In short, Anti K-Pop siya. At siya na si Lilibeth o mas kilala bilang Lily.

Makalipas ang ilang sandaling tulakan ay nakarating na rin sila sa entrance. Lahat sila ay bumili agad ng album upang makapasok na sa venue maliban kay Jenna.

"Bakit hindi ka pa bumili?," tanong ni Shiela rito.

"Eh, nanghihinayang kasi ako sa pera ko. Kung ipambili ko na lang kaya ng pagkain?"

"Jenna, mag-diet ka naman. Tsaka kapag nakita mo na ang U-Kiss, tiyak na mabubusog ka na. Pero I'm warning you, hanggang tingin ka lang lalo na kay Eli kundi lagot ka sa akin!" Litanya ni Eimi.

"Ipaubaya mo na sa akin si Dong Ho," sabi ni Shiela.

"Don't touch my Soo Hyun, Jenna," si Lourdes.

"Xander is mine," pagbabanta naman niya.

"Oo, na! Oo na! Inyong-inyo na! Si Ki Beom na lang ang kakainin ko. Este, pagpapantasyahan pala. Teka, makabili na nga ng album nang makapasok na tayo. Basta 'pag nagutom ako, libre niyo ko ha?"

Sabay-sabay ang pag-irap nila rito. "Damot!," bulong ni Jenna.

Hindi sila makapaniwala na makikita na nila ang U-Kiss.

"Lourdes, kurutin mo nga ako. Baka nananaginip lang ako," narinig niyang sabi ni Eimi, medyo maluha-luha pa ito. "Oh, my gosh! Makikita na natin sila. Teka, mukha na ba akong haggard?

Magulo ba ang buhok ko?"

"Hindi naman, carry pa. Ako ba?" At kanya-kanya nang retouch ang mga ito. Samantalang si Lily ay walang pakialam sa hitsura niya. Mapagkakamalan pa nga siyang tomboy sa suot niyang jeans, simpleng t-shirt with matching cap pa sa ulo. Mas kumportable kasi siya sa ganoong ayos.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay dumating na rin sa wakas ang U-Kiss. Agad silang pumila upang makapagpapirma na ng autograph.

Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Lily habang papalapit sa kinaroroonan ng U-Kiss. Literal na natulala siya nang makalapit sa mga ito.

"Grabe, may ganito pala talagang tao," bulong niya sa isip. "Bakit lahat yata ng kaguwapuhan sa mundo ay nasalo na ng mga ito? Hindi yata sila tao kundi mga anghel na bumaba sa lupa at nag-malltour na lang bigla. ."

Hindi niya napansin na siya na pala ang susunod na magpapa-autograph dahil lumilipad sa kung saan ang isip niya. Hindi tuloy niya narinig ang tanong ni Alexander, isa sa miyembro ng grupo at siyang pinakaunang pipirma ng autograph.

"Hey, Miss. I'm asking for your name," wika nito sa kanya.

"Huh?" Tsaka lang siya natauhan nang mapansing tila naiinip na ito sa paghihintay sa sagot niya. "I'm Lilibeth, Lily for short. And you can call me anytime!" Mabilis pa sa alas-kwatro na sagot niya.

OMO! Nalaglag yata ang puso niya nang sumilay ang ngiti nito sa labi. ," ""Shocks! Pwede na yata akong mamatay ", bulong niya sa isip.

Matapos mapirmahan ni Xander ang album niya'y napilitan na siyang umusad at magpapirma sa iba pang miyembro ng grupo.

"Nakita niyo ba ang ginawa ni Ki Beom? Grabe, kinamayan niya ako!," puno ng excitement na kwento ni Jenna. Kasalukuyan silang nasa loob ng restroom matapos silang makapagpa-autograph lahat.

"Kinamayan ka ba talaga o ikaw lang ang humawak sa kanya?," tanong ni Shiela.

"Hoy! Excuse me for your information, nagpaalam ako bago ko siya hawakan," sagot naman ni Jenna.

Patuloy pa ang kwentuhan nila habang papalabas ng restroom.

"Ano naman sinabi niya sayo nang hinawakan mo siya?," tanong naman ni Lourdes.

Bago pa man makasagot si Jenna ay pinangunahan na ito ni Lily. Nagboses lalaki pa siya para gayahin ang pagsasalita ni Ki Beom. Tumikhim siya. "Miss, your hands are very big and rough I can't----"

Hindi na niya natapos ang pagsasalita sapagkat nabangga niya ang lalaking papalabas din ng men's room. At laking gulat niya nang mapagtantong si Alexander iyon kasama ang iba pang miyembro ng U-Kiss na sina Kevin, Soo Hyun at Eli.

Kung kanina'y palangiti ito, ngayon nama'y mukhang galit ito sa mundo. Hindi naman malakas ang pagkakabangga niya rito kaya naman iniisip niyang marahil ay di naman ito magagalit sa kanya. Pero mali pala siya.

"Hey! Didn't you see me? You're blocking my way!"

Bago pa man siya makapag-sorry ay nagsalita muli ito. Pero hindi niya naintindihan sapagkat Korean ang wikang ginamit nito.

"What's happening in this country? I thought people here are nice and hospitable." Muli na naman itong nagsalita ng Korean. "My god! I hate lesbians!" Matalim ang pagkakatingin nito sa kanya matapos bitiwan ang mga salitang iyon at tuluyan nang mawala sa harap niya.

Naiwan siyang tulala habang pinapanood ang paglayo ng mga ito sa kanila. Subalit bago umalis ay humingi muna ng paumanhin ang isa sa mga miyembro na si Kevin. Pero wala na rito ang isip niya.

"Tinawag niya akong lesbian," wika niya habang nakatingin sa kawalan.

Hindi rin napansin ng mga kaibigan niya ang sinabi niya sapagkat namimilipit pa ang mga ito sa sobrang kilig. Halos magtatalon pa sina Lourdes at Eimi sa tuwa habang inaalala ang eksena kanina.

"Hindi niyo ba ako narinig?! Sabi ko, tinawag akong tomboy ni Xander! Ako? Ako? Tomboy? No way!" Parang gusto niyang maglupasay sa sobrang sama ng loob.

"Alam mo, okay lang 'yun. Ang mahalaga, napansin ka niya," pag-aalo ni Shiela sa kanya.

"Tama! It's the thought that counts sabi nga nila," segunda naman ni Eimi.

Parang gusto niyang pag-untugin ang mga ito. Naturingang mga kaibigan niya, hindi man lang siya madamayan.

"Pero bakit kaya nag-iba ang mood ni Xander? Kanina naman ang ganda ng ngiti niya pero ngayon, kulang na lang eh lamunin niya ng buo si Lily," wika ni Jenna.

"Oo nga. Bakit nga kaya?," takang tanong naman ni Lourdes.

"Eh, kung bumalik na kaya tayo dun sa venue para malaman natin," mungkahi ni Shiela.

"Tara!"

Lumakad na silang lahat pabalik sa autograph signing maliban kay Lily na nakatulala pa rin.

"Lily, move on. Halika na," sabay hila sa kanya ni Eimi.

Laking gulat nila nang pagbalik nila'y nag-aalisan na ang mga tao.

"Teka, tapos na ba ang autograph signing? Parang kanina lang mahaba pa ang pila ah," sambit ni Jenna.

"Oo nga. Ano kayang nangyari?" Lumapit si Shiela sa isang fan na paalis na rin. "Excuse me? Bakit po nag-aalisan na ang mga tao? Tapos na po ba ang mallshow ng U-Kiss?

"Hindi pa talaga kaso may isang Anti K-Pop na nag-attempt na manggulo sa autograph signing nila. Kaya pinatigil na ng manager ng U-Kiss ang ang mallshow."

"Ano po bang ginawa 'nung walang hiyang Anti K-Pop na iyon?," nanggagalaiting tanong ni Jenna.

"Actually, hindi ko rin alam. Sige ha, pauwi na kasi ako eh." Matapos sabihin iyon ay bigla na lamang itong tumalikod.

"Ang taray naman ni Ate," sambit ni Lourdes.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Lily. Tumatawag si Shyanne.

"Hello, Shy?," tanong niya.

"Hello, Lily. I need your help," bulalas ni Shy sa kabilang linya.

"Bakit? Nasaan ka ba? What happened?," puno ng pag-aalalang tanong niya.

"Nandito ako ngayon sa detention center ng MegaMall. Tulungan niyo akong makalabas dito"

"Paano ka naman napunta diyan? Nagnakaw ka ba?"

"Hindi 'no! Nagpa-autograph lang ako sa mga Koreanong hilaw na 'yun. Heto, kinulong na nila ako. Masama bang magpahayag ng disgusto sa kanila? Bakit pa kasi sila nagpunta rito?Kung kaya ko lang, pinadeport ko na silang lahat!"

Mababakas sa tinig nito ang matinding disgusto sa mga "Koreanong hilaw" na iyon.

"Teka, ibig mo bang sabihin ikaw 'yung Anti K-Pop na nanggulo sa mallshow ng U-Kiss?!" Sabay-sabay na naglapitan kay Lily ang apat na kasama niya. Pinindot na lamang niya ang loudspeaker para marinig din ng mga ito ang usapan.

"Ako nga yata 'yun," matamlay na sagot ni Shy.

hope you enjoy the prologue!..i'm planning to post the 1st chapter of the first series but

can you leave some comments first?..what do you think of this is?..so plain?..is it boring?!..

COME ON!...tell me your thoughts!

KAMSAHAMNIDA!...salamat...thank you...gracias...(^_^)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
magnafiend #1
awwwww xander
bangs1987
#2
Woahhhhhhhhhhh....

Adobo? Halo2x? Nakaloka ka Xander. hahaha

Tapos na T___________T

Nasaan ang Honeymoon?hahaha
msaejae
#3
shocks tapos na pala... my gosh... happy ending... ^.^
mieyLa
#4
kala ko din nag-update...so itutuloy ang UNTOUCHABLE SLAVE (tama ba title?.) hahaha... spoiler ako....naku ganda nyang story ni Jenna...ngaun pa lang natatawa na ko sa storyline nyan...
msaejae
#5
ahhhhh akala ko update!!!!!!!!!!!!!!
143mrxx #6
haba ng hair ni Lily. Si Xander talaga ee. Kinikilig ako. =)) sana hanggang sa mag-asawa sila umabot ung story. (edvance masyado ee)
bangs1987
#7
Woah! Excited na ako sa kasal nila..hahaha

Pero mas excited ako sa HONEYMOON nila. HAHAHA

Update ASAP Please. Habang tumatagal gumaganda yung Kwento. Ang Bongga!

msaejae
#8
oohhh. anong nangyari kay Jenna? iiihhh... ikasal mo na!!! Sumakit tiyan ko kay Eimi..