Chapter EIGHTEEN

Ang Bidang Kontrabida

 

Sumalampak ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.
 
 
Bukas, pag tulog na mga tao.
 
 
Hay ano bang pinaplano ng stupid nerd na yan?! Kinakabahan ako na ewan eh. May pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari. Baka mamaya kung ano ang gawin niya.
 
And speaking of Gerald, nasan na ba siya? Nauna siya saakin ng pag alis pero wala pa siya dito sa room? Saan naman nag punta ang isang yun.
 
Pero para naman makakatulog ako na katabi siya =__=
 
Umayos ako ng higa. Nakaasar naman, makatulog na nga. Sa isang gabing to ang dami nangyari. I’m so tired mentally and emotionally. All I want is to rest. Siguro naman hindi masama kung iaalis ko muna sa isipan ko lahat ng bagay at magpapahinga muna ako?
 
 
The next morning, maaga kaming ginising para mag breakfast at makapagsimula na ng training ng maaga.
 
Pag bangon ko, mag-isa lang ako sa kama at mukhang hindi natulog sa tabi ko si Gerald
 
 
“nasan po si Gerald natulog?” tanong ko kay Tita Dawn
 
“naku sa sofa sa labas natulog yun. He’s being too gentleman for you” she giggled “yun anak ko talaga na yun slow!”
 
 
I just smile.
 
I don’t think he’s being slow. He’s just being sensitive.
 
Tsk, kahit kelan talaga ang nerd na yun, napaka stupid. Hay :(
 
After kong maligo at mag-ayos sa sarili, lumabas narin ako para makapag breakfast. Nakita ko naman agad si Enchong at Shaina  sa isang sulok doon na magkahawak ang kamay at masayang naguusap. Naalala ko na naman lahat ng nangyari kagabi.
 
 
“kahit kailan, hinding hindi mo siya makukuha saakin!”
 
“hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko”
 
“pwede bang ako na lang ang mahalin mo? Please ako na lang”
 
“Kim, mahal kita”
 
 
Napailing ako bigla. Bwisit naman eh! Bakit ba kailangan kong maalala ang mga bagay na yun?! At bakit ba ko naapektuhan ng husto?!
 
Dati wala akong paki kahit anong masasakit na salita ang bitiwan saakin ng mga tao. Wala din akong paki kung may nagkakagusto man saakin o wala. Hindi ako naapektuhan sa nararamdaman nila. Pero bakit ngayon nahihirapan ako sa sitwasyon?
 
Alam ko nasaktan ko kagabi si Gerald at kahit ako nasaktan din naman ako dahil kahit napaka stupid ng nerd na yun, aaminin ko napalapit ako sa kanya. Bukod kay Maja siya ang pangalawang tao na nagpakita saakin ng sobrang concern. Pero ang problema mahal ko si Enchong. Siguro nga mapapasaya ako ni Gerald, siguro nga kaya niyang ibigay saakin yung pagmamahal na matagal ko ng hinahanap.
 
Pero yun lang yun. Hindi ko masusuklian yun. It’s better to hurt him now kesa naman mas lumalim pa ang nararamdaman niya, mas masasaktan pa siya.
 
Tinignan ko ulit sina Enchong at Shaina. Ang saya saya nila. Pakiramdam ko wala na nga talaga akong pag-asa kay Enchong.
 
 
“pangako, magiging sayo na si Enchong”
 
 
Pero paano Gerald? Paano mapupunta saakin si Enchong? Ano ba talaga ang binabalak mo?
 
After makapag breakfast ng lahat, nag start na ang training namin. Magbibigay si direk ng isang situation then each one of us will try to act the situation. As usual, by pair na naman katulad kagabi. Ang maganda lang eh hindi na based on real life experience. Wala ng sigawan, lampungan at iyakan. Buti naman because hanggang ngayon 
 
I’m mentally and emotionally tired T____T
 
Ang tanging pinoproblema ko lang ngayon eh ka pair ko si Gerald. Oh great! Tapos kami pa ang pang last pair. Ewan ko ba kung matutuwa ako dahil pang last kami o maiinis ako kasi it just prolonged my agony. =__=
 
Habang mataimtim akong nagdadasal na sana wag ng umabot saamin dalawa ni Gerald yang role play na yan, bigla na kaming tinawag ni direk.
 
 
“ok it’s Kim and Gerald’s turn now. Galingan niyo ah”
 
 
Sabay kami tumayo ni Gerald at pumunta sa harap. Nakita ko naman na ngiting ngiti na nanunuod ang mom ni Gerald pati narin yung mga kasamahan namin sa play. 
 
Gusto ko ng matapos to. T____T
 
 
“ok Gerald you are a brokenhearted guy. May mahal kang babae kaso may mahal na iba naman yung babae. Ikaw pa ang dahilan kung bakit nagkatuluyan ang babaeng mahal mo at ang lalaking mahal niya. Now, you’re going to sing a sad song dedicated to that girl. Kailangan namin makita ang pain sayo, dapat namin maramdaman ang agony mo. Do you understand?”
 
“y-yes direk”
 
 
Nak ng tokwang director to oh, parang nananadya lang eh. Pansin ko lang, kagabi pa siya. Kung sapakin ko na kaya tong si direk ng tigil tigilan na niya ang pantotorture sa mga damdamin namin?! =__=
 
 
“and you Kim” humarap saakin si direk “ikaw ang matalik na kaibigan ni Gerald. Habang kumakanta siya, pinapanuod mo siya mula sa malayo. Mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ni Gerald at maiisip mong sana ikaw na lang ang minahal ni Gerald para di siya nasasaktan. Na kung pwede lang alisin mo lahat ng sakit na nararamdaman niya ginawa mo na. Do you understand?”
 
 
Understand your fes! Sapak you want?! Antokwa nangaasar talaga siya eh no?! nakakaasar na talaga!!!
 
“o-opo” yun lang ang tanging nasabi ko. Pero sa totoo lang ayoko ng umarte. Bwiset talaga. Bat yung sa iba ang dadali lang yung parang tipong bumili si lalaki ng napkin sa tindahan dahil utos ng nakababatang kapatid niya tapos inasar siya ng mga tambay sa kanto dahil doon at nakipag bugbugan siya. bakit saamin ni Gerald ganito?!
 
Daya ni direk! Favoritism! Pag kami pinahihirapan! Unfair!! T____T
 
 
“you two don’t need a lines. Kailangan niyo lang ng right emotion and expression”
 
 
Ayan na naman yang pakinshet na emotion na yan eh!!
 
 
“ok, action!!”
 
 
Kinuha ni Gerald yung gitara at naupo habang ako naman tinitignan siya mula sa malayo at nasasaktan para sa kanya kuno.
 
He started strumming the guitar.
 
 
“My shattered dreams and broken heart are mending on the shelf. I saw you holding hands standing so close to someone else”
 
Habang kumakanta siya hindi ko maiwasang matigilan at mapatingin sa kanya. Mula kaninang umaga, hindi nagsasalita si Gerald. Nasa isang sulok lang siya at kinakalikot lang ang cellphone niya. Wala rin naman akong balak pansinin siya dahil sa mga nangyari kagabi.
 
Pero bakit ngayong kumakanta siya ramdam na ramdam ko ang lungkot? Hindi ko alam kung dahil ba to sa acting niya o sa facial expression niya o sadyang nasasaktan lang talaga siya sa mga nangyari?
 
 
“Now I sit all alone, wishing all my feeling was gone.”
 
 
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Lumunok din ako dahil pakiramdam ko lalabas na naman ang luha ko.
 
Sana nga Gerald, sana nga mawala na lang lahat ng nararamdaman mo saakin.
 
 
“I'd give my best to you”
 
 
Alam ko yun, pero hindi mo dapat saakin ibigay yan dahil umpisa pa lang alam mong iba na ang mahal ko.
 
 
“Nothing for me to do But have one last cry.”
 
 
Sorry Gerald, sorry.
 
Inangat ni Gerald ang ulo niya at nagulat ako ng tignan niya ako sa mata habang may luhang pumapatak sa mga mata niya.
 
 
“One last cry Before I leave it all behind”
 
 
Halos mapatigil ako sa pag hinga.
 
Pakinshet naman eh, bakit nakakramdam ako ng sakit dahil kay Gerald? Ayoko ng nararamdaman ko. Ayoko nito.
 
Kasalanan niyang nahulog siya saakin! Kasalanan niya yun kaya dapat hindi ako maapektuhan!
 
Pero bwisit lang, nasasaktan din ako
 
 
“I've gotta put you out of my mind,this time Stop living a lie. I guess I'm down to one last—“
 
 
Hindi na ituloy ni Gerald ang kanta dahil bigla bigla na lang naputol ang isa sa mga string nung gitara niya pero hindi niya parin inalis ang tingin niya saakin
 
 
“—cry” mahina niyang sabi
 
 
Doon ko lang napansin na may pumapatak naring luha sa mata ko. Lahat ng mga nanonood tahimik habang kami ni Gerald hindi maialis ang tingin sa isa’t isa habang 
 
patuloy ang mga luha na bumabagsak sa mga mata namin.
 
Bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na palakpakan galing sa director at mga nanonood.
 
 
“good job! Good job! Sabi na hindi talaga ko nagkamali sa pagpili sa inyo! Best performance ever!”
 
 
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tinignan si direk at nginitian “salamat po” “dapat lahat kayo ganyan guys. Gayahin niyo si Gerald and Kim. Habang nasa stage kayo, alisin niyo sa isip niyo yung sarili niyo. Isipin niyo kayo yung mismong character. Put your self of the shoes of the character then isipin niyo kung sayo nangyari yun, ano ang mararamdaman mo”
 
Bwiset! Kaya nga ganito kami ni Gerald kasi base on real life lagi mong pinapagawa direk eh T___T
 
After ng training na yun, nag kainan naman kami ng lunch then nag pahinga lang saglit after nun nag simula ulit ng panibagong training. Buti itong next training individual na at wala ng kung ano anong kadramahan. Lahat kami pinaharap ni direk sa mga wall dito sa loob ng villa at isa isa saamin pinasigaw yung mga lines namin. Ilang beses naman ako pinaulit kasi hindi ko pa kabisado ang line ko.
 
“ang galing mo sana Kim eh kung hindi ka lang talaga tamad mag kabisa ng line!” sabi ni direk
 
Eh sorry naman no! sadyan nakakatamad lang kabisaduhin mga lines ko! Ang dadrama! Ang kokorny! Napaka damsel in distress! Eh hindi naman ako ganoon eh.
 
Ganoon lang naman ang ginawa namin buong magdamag. After ng nakakapagod na training, pinakain narin kami ng dinner at pinayagan na kaming maligo at matulog. 
 
Good thing walang special training ulit para saaming apat kasi sa totoo lang ayoko na.
 
After kong makapaligo, nakipag kwentuhan muna ko doon sa iba naming mga kasamahan then nung nakaramdam na ko ng antok, napag desisyunan ko ng bumalik sa kwarto ko.
 
 
“Kim”
 
Nagulat ako ng biglang may humatak ng braso ko. Si Gerald.
 
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya “bakit?”
 
“yung sinabi ko sayo kagabi wag mong kalimutan. Pumunta ka” binitiwan niya yung pagkakahawak sa braso ko at tinalikuran na ko
 
“wait!” hinawakan ko siya “ano ba ang plano mo?”
 
Tinabing naman niya ang kamay ko “basta pumunta ka” pagkatapos nun, tuluyan na siyang umalis.
 
 
Pumasok ako sa room at sumalampak sa kama. Nakaka badtrip. Sa totoo lang nakalimutan ko na kanina ang tungkol dito eh. Kinakabahan na naman tuloy ako. Hay.
 
Pero gusto ko rin pumunta. Sa totoo lang nawawalan na ko ng pag-asa kay Enchong pero baka itong gagawin ni Gerald makatulong talaga para saakin. Gusto kong maging kami ni Enchong at handa akong gawin kahit ano.
 
Mga bandang 10pm ng maka receive ako ng text galing kay Gerald at pinalalabas ako nito. Tinignan ko si Tita Dawn at mukhang mahimbing naman na siyang natutulog kaya dahan dahan akong naglakad palabas ng room para hindi ko siya magising.
 
Nakita ko naman na wala narin taong nasa labas. Siguro mga tulog na sila or mga nasa rooms na. Dali-dali akong lumabas sa villa kaso halos atakihin naman ako sa puso ng biglang may nag patong ng kamay sa balikat ko.
 
 
“ay tokwa!!—Enchong you scared me!” sabi ko habang nakahawak sa dibdib nung makita ko si Enchong sa likuran ko
 
“sorry. Ano ginagawa mo dito Kim? Gabi na ah”
 
“uhmm, m-magpapahangin lang, hindi ako makatulog eh. Ikaw?”
 
“ganun din. Tara maglakad lakad?”
 
“ha? Ah s-sige”
 
 
Naku po naman. Sa dinami dami ng makikita ko ito pang si Enchong. Paano kung bigla niyang makita si Gerald? Edi patay ang plano ni Gerald?!
 
Pero teka ano nga ba ang plano ni Gerald?! Kahit ako walang idea eh. Habang naglalakad lakad kami ni Enchong, inilabas ko naman yung cellphone ko para pasimpleng 
 
itext si Gerald na baka mahuli ako ng dating kasi kasama ko si Enchong. Kaso pag tingin ko walang signal yung phone ko.
 
“Enchong may signal ba yung phone mo?” nilingon ko si Enchong at nagtaka naman ako dahil gulat na gulat ang expression ng mukha niya habang nakatingin sa harap namin “Enchong?
 
Anong problema?” napatingin din ako sa harap namin at halos malaglag ko ang cellphone sa sobrang gulat sa nakita ko.
 
Si Gerald at Shaina magkasama.
 
Si Shaina kasandal sa puno habang nakaharang ang mga braso ni Gerald sa gilid nito
 
 
 
 at naghahalikan sila.
 
 
Bago pa ko makapag react sa nakita ko, nagulat na lang ako ng biglang sugurin ni Enchong si Gerald at binigyan niya ito ng isang malakas na suntok na dahilan para mapaupo ito
 
 
“Enchong!! Gerald!!” rinig kong sigaw ni Shaina
 
 
Hinawakan ni Enchong ang kwelyo ni Gerald at iniharap sa kanya “anong ibig sabihin nito?! Bakit hinahalikan mo si Shaina ha?!”
 
 
“hindi pa ba obvious sayo? Pinagtataksilan ka namin”
 
“NO!! Enchong wag ka maniwala sa kanya!” sigaw ni Shaina
 
“oh shut up Shaina!” itinulak ni Gerald si Enchong palayo sa kanya “bakit hindi na lang natin sabihin kay Enchong ang totoo?! He’s only a rebound. Ginamit mo lang siya para makalimutan ako dahil hanggang ngayon ako parin ang mahal mo! Kahit kay Kim naiinis ka kasi akala mo inaagaw niya ako sayo! Kanina lang naguusap na tayo na magkakabalikan na ulit tayo yun nga lang hindi mo pa magawang hiwalayan si Enchong dahil natatakot kang aminin na panakip-butas lang siya! Na lahat ng sinabi at ipinakita mo sa kanya ay kasinungalingan!”
 
“no… NO! hindi totoo yan!”
 
“ako na ang nagsasabi ng totoo para sayo Shaina. You don’t need to lie”
 
Tinignan ni Enchong si Shaina at nakita kong nanginginig ang katawan nito sa sobrang galit
 
“sige, pinapalaya na kita” mariin niyang sabi kay Shaina pagkatapos ay tumalikod siya
 
 
Biglang humagulgol ng iyak si Shaina “no Enchong, please pakinggan mo ko!” hinawakan niya ang braso ni Enchong pero tinabing niya lang ito at agad agad na tumakbo papunta sa loob ng villa.
 
 
“Enchong!!” hinabol siya ni Shaina sa loob.
 
 
Tinignan ko si Gerald. Pinapagpag niya ang damit niya habang pinupunasan ang dugo sa may gilid ng labi niya gawa ng pagkakasuntok ni Enchong dito.
 
 
“G-gerald..”
 
 
Tinignan ako ni Gerald at lumapit siya saakin
 
 
“sana sumaya ka na” pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na rin siya palayo saakin.
 
 
Napaupo ako sa may damuhan at sa hindi malamang kadahilanan
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
bigla na lang din akong napahagulgol ng iyak..

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe