Chapter EIGHT

Ang Bidang Kontrabida

 

“Miss Kimberly Chiu, here’s the audition piece. Memorize it well and do your best to to the audition later” inabot saakin nung teacher in charge ng play yung audition piece.
 
 
“thank you ma’am”
 
 
“good luck Ms. Chiu”
 
 
Umalis na ko sa office then an evil grin formed in my face. Bwahahahahaha hindi na aketch makapag hintay mamaya! Kating kati na ako mag audition! Paano ba naman hindi eh nalaman kong lead guy ng antagonist si Enchong! And for sure ako ang makakakuha ng role ng antagonist! Tapos si Shaina at Gerald naman ang magiging magka love team! Oh di ba bonggacious?!
 
Tapos mamaya makaka acting pa namin si Gerald at Enchong! Pero syempre ang kinuha kong number ay yung tapat na si Enchong ang makaka acting ko! And I make sure na ang nakuhang number ni Shaina ay tapat kay Gerald. At syempre tinapat ko na magkapartner kami ni Shaina sa antagonist-protagonist role playing para naman masampal sampal ko siya! 8-)
 
Bumalik na ako sa room then I started to read the audition piece and para makabisado
ko nadin yung lines ko.
 
 
___________________________________________________________________________________________________
 
Audition Piece (Antagonist Role)
 
 
*Antagonist, nakaupo sa may table sabay labas ni Protagonist at nag-serve ng food sa harap niya*
 
 
Protagonist: ma’am eto na po yung lunch niyo
 
 
Antagonist: *tinikman ang food, hindi nagustuhan* Ano ba yan! Ang panget ng lasa! Hoy ikaw binabayaran ka namin dito ng tama! Pagsilbihan mo kami ng tama! You moron! Walang kwentang katulong! Ano ngayon ipapakain mo sakin ha?! sumagot ka!!
 
 
Protagonist: s-sorry po ma’am.
 
 
Antagonist: SORRY?! Mapapalamon ba ko ng sorry mo?! *kinuha yung pagkain sabay tapon sa mukha nung katulong* Lamunin mo yang ginawa mo! Walang kwenta! Pinapainit mo ulo ko!!
 
*walk out*
_________________________________________________________________________________________________________________________________________
 
Err yun lang?! ano ba naman yan! Ang panget ng script!! Wala ba yung gugulpihin ko si Shaina, sasampalin, sasabunutan, ilulublob sa kumukulong tubig, sasabuyan ng asido sa mukha at ipapakain sa crocodile?! Tss walang thrill naman nito. Boooorrrriiiinngggg.
 
Pinagpatuloy ko yung pagbabasa nung script.
 
___________________________________________________________________________________________________
Audition Piece (Protagonist)
 
*Girl and Guy not facing each other*
 
 
Girl: alam ko isa lang akong hamak na katulong, walang pinag-aralan, walang alam, mahirap, at lalong hindi maganda. Pero masama ba na mag mahal ako? Tao din naman ako at marunong magmahal…at masaktan. Hindi ko naman hinihiling na suklian mo yung pagmamahal ko. Pero gusto ko lang na sabihin sayo to ng paulit ulit..
 
 
*haharap si girl kay guy sabay takbo papalapit sa kanya at yayakapin from the back*
 
 
Girl: mahal kita, sobra.
 
 
Guy: hindi mo naman talaga kailangan hilingin na suklian ko yung pagmamahal mo
 
 
*haharap si guy kay girl then hahaplusin ang magkabilang pisngi nito
 
 
Guy: kasi mahal na mahal din kita
 
 
*magugulat si girl, manlalaki ang mga mata, bibilis ang tibok ng puso, mag bu-blush, kikiligin*
 
*fake kiss*
 
 
Note: fake kiss lang! bawal totohanin! Baka mamaya mamatay ka sa kilig!
___________________________________________________________________________________________________
 
Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nung nabasa ko yung script. Pero nangingibabaw talaga ang kilabot sa lahat. Brrrrrr ang corny! Mais! Corny! Mais! Jusmeeeeee ano bang lines ito?! Mga katulad lang ni Shaina ang nagsasabi niyan eh! Sino ba ang napaka korning author ang sumulat nito?! Saang mental hospital naman kaya nila nadampot ang lunatic na writer na to! Pakiusap ibalik niyo na siya sa mental! =___=
 
Tsaka ano ba yan! Wala talagang ka thrill thrill! Ni wala manlang scene! Yung tipong hahalayin ako kunyari ni Enchong, or hahalayin ko kunyari si Enchong! But hay sige nanga! May hugging from the back scene naman! pwede na kong maka chansing nun. Wahehehehe. Or yung fake kiss tototohanin ko yun. BWAHAHAHAHAHAHA.
 
Nagkabisado na ako ng mga lines ko para mamaya. Kahit na parang ewan lang yung script na to, kailangan kong ibigay ang best ko. Aba dito nakasalalay ang buhay pagibig ko no!
 
 
 
 
 
 
[theater room]
 
 
Pumasok ako sa loob and naupo katabi nung mga iba pang mag o-audition. Nakita naman ako agad ni Shaina at nilapitan ako tsaka naupo sa tabi ko.
 
“Kim, mag o-audition ka rin pala?” obvious ba kaya nga ako nandito eh!
 
“uh yeah. Ikaw rin pala!” I told her with my sweetest tone.
 
“yep, sana makuha ako sa role ng protagonist” tama kasi mukha kang katulong at aping bata!
 
“I’m sure you will” kasi bagay na bagay talaga ang role na yun “and sana ako naman sa antagonist” so I could make your life a living hell. BWAHAHAHAHA.
 
“well goodluck to the two of us! It’ll be nice kung ikaw makakasama ko sa play”
 
“yeah me too” ..kahit sukang suka na ko sa pagmumukha mo.
 
 
I looked at the other students na mag o-audition. Hmm infairness ha, ang gaganda nilang lahat. Walang halong pagbibiro. Kamukha nila ang paa ko. Oy compliment yun! Ang paa ko ang pinaka magandang paa sa buong mundo kaya napaka laking compliment na na masabihang kamukha nila ang paa ko. Si Shaina? Err, uhmmm, sige na nga! Kamukha niya ang kuko ko!
 
Maya-maya lang din, nag tawag na isa-isa para simulan yung audition. First muna is for the role of the antagonist. By pair ang ginawa and guess who kung sino ang naka pair ko? SI SHAINA. Ako ang antagonist at siya ang aapihin ko. Mwahahahahha.
 
Nung tinawag na kami sa harap, excited na excited na akog pumunta doon ng matikman ko naman once in a life time na sigaw sigawan si Shaina. Naupo ako agad doon sa  tapat ng table and when the director signaled us to start, agad nang pumasok si Shaina sa eksena na may dalang tray.
 
“ma’am eto na po yung lunch niyo” may inilapag si Shaina sa harapan kong mga props na food. Lahat gawa sa styro. Ano ba yan! Pag binato ko sa kanya mamaya to walang thrill! Ni hindi manlang babakat sa mukha niya to!
 
Tinikman ko kunyari yung fake food na nasa harap ko na mukhang hamburger. Owwww gulay, kamukha niya yung JD’s burger ng TGI Friday’s. Naglalaway ako. I want one JD’s burger now. T__T
 
 
Bigla kong ibinaba ng padabog yung burger sabay sigaw “ano ba yan ang panget ng lasa!!” kahit mukhang nakakatakam siya! *drooling* “paano mo ipapakain saakin yang bagay na yan ha?!” gusto ko yung tunaaaaaaaaay T__T “Hoy ikaw binabayaran ka namin dito ng tama!” nagiging sweldo mo na nga si Enchong eh! “Pagsilbihan mo kami ng tama! You moron!” and flirt! “Walang kwentang katulong! Ano ngayon ipapakain mo sakin ha?! sumagot ka!!” bilhan mo ko ng JD’s burger sa TGI. 300+ ata yun. Sige na! I want! T__T Kung hindi si Enchong na lang papapakin ko! Mwahahahahaha
 
Biglang yumuko si Shaina at mangiyak ngiyak “s-sorry po ma’am” iyak iyak nito?! Kaimbyerna ha!
 
“SORRY?! Mapapalamon ba ko ng sorry mo?!” sigaw ko sa kanya! Tama kung ibinibigay na lang niya saakin si Enchong eh!
 
Kinuha ko yung japeke na food at ibinato ko sa kanya “Lamunin mo yang ginawa mo! Walang kwenta! Malandi! Mangaagaw! Haliparot!” akin lang si Enchong!!! “plastic! Impakta!!” na nagpapanggap na anghel! “trying hard! Pasimpleng maharot!” nasa loob naman ang kulo!“pinaiinit mo ulo ko!!!” inirapan ko siya sabay walk-out.
 
“OK CUT!” sigaw nung director “that’s good! Next!” senyas niya doon sa iba pang mag o-audition.
 
That’s good?! Baka ibig niyang sabihin I’m sooooo damn good!
 
 
Pinanuod ko pa yung ibang babaeng umacting acting doon. Ano ba yan! Nakaka bored naman! Mga mukhang trying hard lang yung mga yan eh. Lalo na nung si Shaina ang umacting na kontrabida. Sus, walang dating! Di bagay mangapi! Mas bagay sa kanya yung inaapi! Yung tipong binubuhsan ng muriatic acid sa mukha?! Wahahaha.
 
 
After ng antagonist role acting. Pinag break muna kami saglit to eat and to review the lines for the protagonist. Ako naman kumain lang. Sus di ko na kailangan yang role na yan! Kung di lang required mag audition sa parehong role di ko na pagkakaabalahan pa yan! But oh-well, pagkakataon ko narin naman makachansing kay Enchong mahlabs!
 
 
After 30 minutes break, bumalik na ulit kami sa theater room at naupo. Nakita ko naman si Enchong at Gerald na nakaupo sa may stage. Mamaya kasi isa sa kanila ang makaka eksena namin. Syempre si Enchong ang ka-scene ko! Bwahahahahaha. At si Shaina kay Gerald!
 
 
Nag umpisa na sila sa pag aacting nung napaka korning scene. Halos masuka naman ako sa tabi. Juskooo kinikilabutan talaga ako! Lalo na kung maiisip ko na sasabihin ko rin ang mga bagay na yan mamaya. Kung wala lang hugging from the back at fake kiss scene talagang tatakas na ko! Brrrr kakakilabot talaga.
 
 
Nung si Shaina na ang nasa stage, halatang halata kay Gerald na malapit ng mag hyperventilate. Aba malamang ka scene niya ang babaeng pantasya niya eh! Baka mamaya pag niyakap na siya ni Shaina eh bigla na lang mangisay yan diyan! Wahahahahaha. But so far, na-handle naman niya ang scene na maigi. Halatang nanginginig lang siya after ng scene. Pagpahingahin na muna yan! Wahahahaha.
 
“Ms. Kimberly Chiu, in the stage please”
 
“yes sir!”
 
Tumakbo ako papunta sa stage and nakita ko narin si Enchong na papalapit. Gooollaaaayyy di pa naguumpisa kinikilig na ko ng bongga! Uwahahaha. Mag start ka na!!
 
Tumalikod na ko kay Enchong and siya din tumalikod na. Bali magkatalikuran na kaming dalawa.
 
“and one, two, three..” senyas nung director “action!”
 
Ok! Eto na! *ehem ehem*
 
 
 
Inumpisahan ko na yung pag de-deliver ng lines “alam ko isa lang akong hamak na katulong”and a damn hot one! “walang pinag-aralan, walang alam, mahirap, at lalong hindi maganda”pero syempre echos lang to! Kabaligtaran lahat ng yan no! “Pero masama ba na mag mahal ako? Tao din naman ako at marunong magmahal…at masaktan..” masama na nasasaktan ako! Nagiging wild! RAWR! “Hindi ko naman hinihiling na suklian mo yung pagmamahal ko” ay excuse me! Hindi no!!! gustong gusto ko ang pagmamahal niya! Di ako martyr! “Pero gusto ko lang na sabihin sayo to ng paulit ulit..”
 
 
 
Etooooo naaaaaaaa!!!!
 
 
Humarap ako kay Enchong at nakita ko ang napaka y niyang likuran. Tumakbo ako papalapit sa kanya then niyakap siya from the back.
 
Ohh the abs! nahahawakan ko yung abs niya!! O///O
 
“mahal kita, sobra” sabi ko kay Enchong with matching pasinghot singhot sa likod niya. Hmmmm bangooooooo. Wahehehehe sige na ako na malandi!
 
“hindi mo naman talaga kailangan hilingin na suklian ko yung pagmamahal mo” sabi ni Enchong saakin then humarap na siya saakin.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
AT NAKITA KO ANG PAGMUMUKHA NI GERALD!
 
 
 
 
W-wait… p-paanong naging si Gerald si Enchong?! Wait ano to?! Anong kaguluhan to?! Kanina si Enchong ang kapartner ko! Paanong nag transform na si Gerald to?! Huwaaaaaay?! HUWAAAAAAAAAAAAAAAY?!?!?! T___T
 
 
Hinaplos ni Gerald ang magkabila kong pisngi at para naman akong nakuryente nung dumapi ang balat niya sa balat ko “mahal na mahal din kita, Kim”
 
 
Hindi na kailangan sabihin pa sa description na kailangan kong magulat kunyari dahil ngayon pa lang, umaapaw na sa pagkagulat ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ang init init ng mukha ko! BAKIT BA PARANG NAMUMULA AKO NGAYON HA?!
 
 
He leaned forward then medyo inangat niya ang chin ko. Napalunok ako bigla.
 
 
Ano to?! Ano toooo?!?!
 
 
Pumikit siya and unti-unting lumapit saakin. Papalapit ng papalapit…
 
 
W-wait akala ko ba fake kiss lang ha?! bakit parang tototohanin ni Gerald! O-oy, ano to?!
 
 
Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko namalayan napapikit na lang din ako. Naramdaman ko na yung breath ni Gerald kaya paniguradong sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Hinintay ko na lang na may malambot na labing dadampi sa labi ko.
 
 
Paunti-unti… paunti-unti..
 
 
At…
 
 
 
 
 
 
 
 
 
“OKAY CUT!!”
 
 
Pareho kaming napadilat ni Gerald at nakita kong pulang pula din siya. May kung anu-anong sinabi yung director pero di ko na siya naintindihan. Isa lang ang naintindihan ko sa sinabi niya at yun ay ang salitang “bravo”
 
 
Bravo? Bravo biscuit? Baka nagugutom siya.
 
Mala-robot akong naupo sa upuan ko at feeling ko mag ha-hyperventilate ako any minute. Alam niyo yung parang hinahabol mo ang hininga mo though nakakahinga ka naman ng maayos? Ganun! Ganun ang nararamdaman ko! Tsaka parang may something sa tyan ko. Ewan kung ano.
 
 
Pero kanina kasi… Ay tofu naman! muntik na kami maghalikan dalawa! Onti na lang! kung hindi kinut nung director!! Konti na lang eh!!!
 
 
Hindi sa disappointed ako ha… pero ano kasi eh… BASTA YUN!
 
 
Pinanuod ko mag acting yung iba pero yung utak ko lumilipad. Paki huli nga para saakin, pakiusap! T__T
 
 
 
 
Maya-maya lang din, natapos na sila. Nag-antay lang kami ng kaunti then lumabas na ulit yung director para i-announce saamin kung sino ang nakakuha ng role ng protagonist and antagonist.
 
 
“ok girls, you all did a great job kaya naman medyo nahirapan kami sa pag pili. But anyways, para po doon sa mga hindi mapipili, theater club will be very much greatful to accept you. Automatically, lahat kayo member na ng theater club.”
 
 
Siguro kung di ako mapipili, ok lang din na member ako basta kasama ko si Enchong. Pero di ko matatanggap pag si Shaina nakuha ako hindi!!
 
ok! So for the role of the antagonist”
 
 
 
Eto na! etooo na!! Say my name please! Say my name!!!
 
 
 
 
 
 
 
“congratulations Ms. Shaina Magdayao! You got the role!”
 
 
ANO?! SI SHAINA?! ANTAGONIST?! NAGLOLOKOHAN BA TAYO DITO!!! BAKIT SIYA ANG ANTAGONIST AT HINDI AKO?! HA!! DI PWEDE! HINDI ITO PWEDE!!!
 
“for the role of the protagonist..”
 
 
Wala akong paki sa makakakuha ng role na yan! Hindi pwede to! Ako dapat ang nandun at hindi siya! Mangaagaw na babae! Nakakayamot!
 
 
 
 
 
 
 
 
 
“congratulations Ms. Kimberly Chiu! You got the role”
 
 
 
 
 
 
Hindi pwedeng si Shain—ano daw? T-teka, ano ulit?
 
 
 
“congratulations Ms. Kimberly Chiu! You got the role”
 
 
 
 
Ayaw mag sink in sa utak ko! Ulit ulit!
 
 
 
 
“congratulations Ms. Kimberly Chiu! You got the role”
 
 
 
 
Teka ako ba yun?! Kim ba pangalan ko? Ako ba yun?
 
 
 
 
“congratulations Ms. Kimberly Chiu! You got the role”
 
 
 
 
O_____O
 
 
 
“congratulations Shaina and Kim! By the way, Shaina, yung makakalovteam mo is si Enchong while Kim, kayo ni Gerald”
 
 
 
 
POOF.
 
 
End of the world.
 
Pair si Enchong at Shaina.
 
 
 
Ako at si Gerald.
 
 
At ang mas malala,
 
 
 
 
Shaina got the role of the antagonist, I got the role of the protagonist. AAPI-APIHIN NIYA AKO!!!
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
PAKINSHET! >___<
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe