Chapter NINETEEN

Ang Bidang Kontrabida

 

[Gerald’s POV]
 
 
I look at my watch. It’s 15 minutes before 10.
 
 
Malapit na.
 
 
Nakita kong may babaeng nagmamadaling lumapit sa kinalulugaran ko kaya agad naman akong tumayo at sinalubong ito.
 
 
“Gerald , ano ba ang gusto mong pagusapan natin?” pambungad ni Shaina “gabing gabi na eh. Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan? Tsaka natatakot ako na makita ka ni  Enchong. Lately nagseselos siya sayo”
 
“Shaina” nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya “tayo na lang ulit”
 
“huh?” hinatak ni Shaina palayo saakin yung kamay niya “ok ka lang ba Gerald? Ano ba yang sinasabi mo”
 
“sabi ko, tayo na lang ulit. Iwan mo na si Enchong”
 
“tumigil ka nga. Lasing ka ba?”
 
“alam ko mahal mo pa ko. Ramdam ko yun Shaina. Alam ko kaya ka parang inis kay Kim kasi akala mo inaagaw niya ako sayo. Nakita ko paano ka nasaktan nung hindi ka na masyadong pinansin ni Mama. Nararamdaman ko yung pagkailang mo pag magkasama kami ni Kim. Shaina, kalimutan na natin yung nangyari dati. Iwan mo na si Enchong at mag umpisa tayo ulit”
 
Alam ko na para akong sira dito na nagmamakaawa sa ex ko na balikan ako kahit malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ko na siya mahal. Pero ngayon wala akong paki kung anong mangyari saakin.
 
 
 
 
 
..ang mahalaga maging masaya lang siya.
 
 
 
Hindi nagsalita si Shaina, hindi ko rin mabasa ang expression sa mukha niya. Unti-unti siyang lumapit saakin
 
Atsaka ako binigyan ng napakalakas na sampal sa mukha.
 
 
“how dare you” nangigilaiti niyang sabi habang nakatinging saakin ng masama “Gerald naririnig mo ba yang sinasabi mo? Para linawin ko sayo lahat, hindi na kita mahal. Hindi ka na pwedeng makipagbalikan saakin dahil huli na ang lahat. Mahal na mahal ko si Enchong para sabihin ko sayo. Gerald, ikaw ang unang nakipag hiwalay saakin. Ikaw ang unang bumitiw. Iniwan mo ako para sa isang napaka liit na bagay” bigla na lang napaiyak si Shaina sa harap ko “sino ba namang matinong lalaki ang  makikipag break dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pagaaral niya at pagkakaroon ng girlfriend?! Eh ni hindi nga ako nagiging bad influence sayo eh. Alam mo ba  nung basta mo lang akong iniwan grabe akong nasaktan ha?! Lalo na kung kelang ok na ang lahat sa pag transfer ko sa school mo! Tapos ngayon sasabihin mo to?!”
 
Tinignan ko si Shaina “bakit ka apektado hanggang ngayon? Ibig sabihin mahal mo parin ako!”
 
“Apektado? Sorry to disappoint you Gerald pero hindi na ko apektado sa break-up natin! Oo aminin ko, naiinis ako kay Kim pero hindi dahil sayo yun! Naiinis ako sa kanya dahil pakiramdam ko ang laki ng galit niya saakin samantalang hindi ko alam kung ano ang nagawa kong masama sa kanya! Oo aaminin ko din na nasasaktan ako kay Tita Dawn pero hindi dahil sa mas malapit siya kay Kim kundi dahil iniisip niya na ako ang p*t*ng in@ na may kasalanan kung bakit mo ko hiniwalayan samantalang ginawa ko ang lahat para mag work lang ang relationship natin! Nagpumilit akong pumasok sa school mo para kahit busy ka makakasama parin kita! Hindi ako nag demand sayo na magkita tayo o mag text saakin o kahit tumawag man lang kahit miss na miss kita nun! Gerald ang dami kong tiniis para sayo! Pero ngayon, huli ka na. Sorry, pero mahal na mahal ko talaga si Enchong”
 
Tinignan ko maigi si Shaina. Oo alam ko mahal niya si Enchong. Alam ko matagal na niya kong napalitan sa puso niya. Alam ko kasalanan ko kung bakit sobra siyang nasaktan dati at hindi pa ko nakakahingi ng tawad.....sasaktan ko na ulit siya.
 
 
Shaina, sana mapatawad mo pa ko sa gagawin ko.
 
 
Nakita ko na lumabas ng Villa si Kim, kasunod si Enchong.
 
 
 
Oras na.
 
 
Tinignan ko ulit si Shaina “Shaina, tayo na lang ulit please?”
 
“Ano ba Gerald! Tigilan mo na to pwede! Babalik na ko sa loob!” tinalikuran na ako ni Shaina pero agad kong hinila ang braso niya at isinandal ko siya sa puno
 
“Ano ba Gerald--!!”
 
 
Hinawakan ko maigi si Shainaat iniharang ko ang isa kong braso sa may gilid niya para di siya makagalaw atsaka ko siya hinalikan.
 
Narinig ko ang boses ni Kim but I didn’t dare look instead pinagpatuloy ko lang ang pag halik kay Shaina. The next thing I knew, may humila saakin palayo kay Shaina atsaka ako sinuntok ng malakas na naging dahilan kung bakit ako napaupo sa sahig.
 
 
“Enchong!! Gerald!!” rinig kong sigaw ni Shaina
 
Lumapit saakin si Enchong at hinawakan ang kwelyo ng damit ko “anong ibig sabihin nito?! Bakit hinahalikan mo si Shaina ha?!”
 
“hindi pa ba obvious sayo? Pinagtataksilan ka namin” I told him coldly
 
“NO!! Enchong wag ka maniwala sa kanya!” pagtatanggi ni Shaina
 
“oh shut up Shaina!” itinulak ko si Enchong papalayo saakin “bakit hindi na lang natin sabihin kay Enchong ang totoo?! He’s only a rebound. Ginamit mo lang siya para makalimutan ako dahil hanggang ngayon ako parin ang mahal mo! Kahit kay Kim naiinis ka kasi akala mo inaagaw niya ako sayo! Kanina lang naguusap na tayo na magkakabalikan na ulit tayo yun nga lang hindi mo pa magawang hiwalayan si Enchong dahil natatakot kang aminin na panakip-butas lang siya! Na lahat ng sinabi at  
ipinakita mo sa kanya ay kasinungalingan!”
 
 
Shaina looked bewildered in what I’ve said. Malamang hindi niya expected ang pagsisinungaling ko “no… NO! hindi totoo yan!”
 
“ako na ang nagsasabi ng totoo para sayo Shaina. You don’t need to lie”
 
Nakita ko ang panginginig ni Enchong sa galit habang tinitignan niya si Shaina
 
“sige, pinapalaya na kita” mariin niyang sabi kay Shaina pagkatapos ay tumalikod siya
 
Biglang humagulgol ng iyak si Shaina “no Enchong, please pakinggan mo ko!” hinawakan niya ang braso ni Enchong pero tinabing niya lang ito at agad agad na tumakbo papunta sa loob ng villa.
 
 
Tinignan ako ni Shaina. I looked back at her coldly pero deep inside nasasaktan din ako sa ginawa ko.
 
 
 
Shaina…patawad.
 
 
 
Inalis niya ang tingin niya saakin atsaka humabol kay Enchong “Enchong!!”
 
 
Huminga ako ng malalim atsaka ko pinagpag ang damit ko at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.
 
 
“G-gerald..”
 
 
Tinignan ko si Kim.
 
Bakit ganyan ang expression ng mukha niya? Bakit parang hindi siya masaya? Di ba dapat matuwa siya dahil wala na si Shaina at si Enchong?
 
 
Pwede na ulit sila ni Enchong.
 
 
Nilapitan ko si Kim “sana sumaya ka na”
 
 
After I said that, I strode pass her at pumasok narin ako sa loob ng villa.
 
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko naman si Shaina na nakaupo sa isang stool doon sa may counter top at umiiyak.
 
Nakaramdam ako ng sobrang guilt sa ginawa ko sa kanya, pero kailangan.
 
Nakita din ako ni Shaina na pumasok kaya agad agad siya lumapit saakin.
 
 
“Gerald bat mo sinabi ang mga bagay na yun kay Enchong! Bawiin mo yun pakiusap!”
 
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya “hindi”
 
 
She burst into tears “bakit? Bakit mo ba ginagawa to saakin ha? Hindi ako naniniwala na mahal mo pa ko Gerald! Pero maawa ka naman saakin! Grabe mo na ko sinaktan noon, pati ba naman yung lalaking nagpasaya saakin kukunin mo pa?! ang sama sama mo Gerald!” nagulat ako ng biglang lumuhod si Shaina sa harap ko. “Pakiusap, kausapin mo si Enchong! Sabihin mo sa kanya ang totoo! Mahal na mahal ko siya Gerald at ayoko mawala siya saakin”
 
 
Hinawakan ko sa magkabilang braso si Shaina atsaka ko siya itinayo at pinunasan ko ang luha sa mata niya “sorry Shaina” after that tinalikuran ko na ulit siya at muling lumabas habang narinig ko ang malakas na hagulgol niya.
 
 
Napatakbo ako palayo sa villa namin hanggang sa makarating ako malapit sa may water park. Naupo ako sa isa sa mga benches doon atsaka ko inilagay ang mga kamay ko sa mukha ko.
 
 
Ano ba ang ginawa ko? Grabe kong sinaktan ang babaeng dati kong minahal para sa babaeng mahal ko ngayon. Pero wala na, nagawa ko na eh. Alam kong pwede ko pa tong ayusin, pero ayoko.
 
 
Ang pinakamahalagang bagay ngayon para saakin ay sumaya si Kim.
 
 
At sana maging masaya na nga siya.
 
 
 
 
 
[Kim’s POV]
 
 
“sana sumaya ka na”
 
 
Kim eto na oh. Wala na si Enchong at Shaina. Nagawan na ni Gerald ng paraan para mag hiwalay yung dalawa. May pag-asa ka na. Eto na, pwede na kayo ni Enchong.
 
 
Dapat masaya ka.
 
 
Pero pakinshet lang, bakit ako umiiyak ngayon?! Bakit ako nasasaktan ngayon?! Pakinshet ano ba tong nararamdaman ko?!
 
Iyak lang ako ng iyak doon sa hindi ko malamang kadahilanan. Nung medyo kumalma na ko, I gathered up all my strength to stand up at bumalik sa loob ng villa. Pag pasok ko sa room namin, wala si Gerald Sumalampak ako sa kama at bigla na naman akong naiyak. Ano ba naman to, kelan ba ko titigil sa pag iyak? At bakit ba ko nasasaktan?!
 
 
Bakit hindi ko maramdaman na masaya na ako?
 
 
 
 
Kinabukasan, nagising na lang ako na wala na si Tita Dawn at si Gerald. Nauna na daw sila bumalik sa Manila dahil may biglaan silang dapat asikasuhin.
 
Pero alam namin nila Enchong, hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit sila umalis.
 
Nung makabalik kami sa Manila binigyan kami ng dalawang araw na pahinga dahil pagod kaming lahat sa training. Pero kesa makapag pahinga ako, mas lalo akong napagod kakaisip sa mga nangyari. Ikinuwento ko narin kay Maja lahat at ang tanong niya saakin?
 
 
“masaya ka ba?”
 
Pilit akong ngumiti “o-oo naman! Masaya ako sobra! Eto naman talaga ang gusto kong mangyari di ba?!”
 
Pero kahit saan ko hanapin ang word na ‘masaya’ sa sarili ko, hindi ko parin siya mahanap hanap.
 
 
Nung pasukan na ulit, hindi ko nakita sa school si Gerald. Mukha atang umabsent siya. Siguro nagpapalamig muna sa mga nangyari. Kalat narin sa classroom na hiwalay na si Enchong at Shaina pero hindi nila alam ang tunay na nangyari kung bakit. Nakita kong sinubukan ni Shaina na kausapin si Enchong pero pinagtatabuyan lang niya ito. At ngayon kami ang madalas na magkasama.
 
Pero masaya nga ba ako?
 
Hindi ko alam.
 
 
 
Nung hapon din na yun, pinatawag kami ni direk para sa isang meeting.
 
 
“ok guys, malapit na ang play natin. We only have 2 weeks to prepare but sad to say, we need to make some changes in the lead roles”
 
 
Changes? Pero bakit?
 
 
“nag drop na sa school nito si Gerald”
 
 
Napuno ng bulungan ang theater room. Lahat nagtataka sa nangyari
 
Including me
 
 
“b-bakit po nag drop out si Gerald?” tanong ko kay direk
 
“he’s already in Florida now. Doon niya na itutuloy ang pag-aaral niya”
 
 
Parang nabingi ako sa mga naririnig ko.
 
 
“umalis na si Gerald?”
 
“right. Kagabi ang flight nila sa Florida. As for the pairing, Enchong will be the lead guy. Siya na ang makaka pair mo Kim. And you Shaina, you will be paired at Rayver”
 
 
Hindi ko na halos naintindihan pa ang sinasabi ni direk. Ang tumatak lang sa isip ko ay si Gerald. Wala na siya? umalis na siya?
 
Bigla na lang nanginig ang buo kong katawan at parang gusto kong maiyak. I excused my self at tumakbo ako palabas ng theater room. Bigla ko naman nabangga si Maja.
 
 
“oh bakit ka tumatakbo?”
 
“M-maj..” bigla na lang ako napahagulgol at niyakap si Maja “Si Gerald, umalis na siya. wala na si Gerald!”
 
“Gerald” hinimas ni Maja ang likod ko atsaka niya ko tinignan “tatanungin kita ulit, masaya ka ba?”
 
Pinunasan ko ang luha ko atsaka ko tinignan si Maja “oo masaya ako”
 
“then bakit ka umiiyak ngayon?”
 
 
With that, mas lalo akong napahagulgol ng iyak kaya niyakap ako ni Maja.
 
Parang isinampal sa mukha ko kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako umiiyak at nasasaktan.
 
Ngayon alam ko na ang nararamdaman ko.
 
Hindi ako masaya dahil alam ko na, hindi si Enchong ang kailangan ko ngayon.
 
 
 
 
Pero huli na ang lahat.
 
 
 
Dahil simula nun, hindi ko na nakita o nakausap manlang si Gerald.
 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe