Chapter ELEVEN

Ang Bidang Kontrabida

 

“K-kim sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya!”
 
 
“oo na oo na! ilang beses mo na ba sinabi saakin yan ha?! may magagawa pa ba ko?! Pero ikaw!” itinutok ko yung gunting na hawak hawak ko sa kanya “ano plano mo kanina ha?! yung sinabi mong wala ka ng naiisip na paraan?!”
 
 
“h-ha? eh sasabihin ko sana na kunyari nalaglag yung baby”
 
 
Binatukan ko siya “ginawa mo pa kong masamang ina! Mukha mo! Hindi ako papayag!!” err bakit kung makapag salita ako parang may baby talaga sa tyan ko? =___=
 
 
“e-eh ano gusto mo gawin natin?”
 
 
“tinatanong pa ba yan?! Edi ipaliwanag mo sa kanila lahat!! Kung hindi naku patay ka talaga saakin!!”
 
 
“s-sige ipapaliwanag ko na po” he told me sabay yuko.
 
 
Hay naku! Bakit kasi sa dinami-dami pa ng maiissue na nabuntis ni Gerald eh ako pa?! Bakit hindi na lang si Shaina para masaya?!
 
 
 
 
Simula ng dumating yang stupid nerd na yan sa buhay ko puro kamalasan na lang ang natatamo ko!
 
Kinuha ko yung mga naprint ng flyers namin para sa theater club and nagstart mag gupit. Si Gerald naman patuloy parin sa pagpiprint ng flyers
 
“Kim, nagka boyfriend ka na ba?”
 
Bigla naman napaangat ang ulo ko sa tanong ni Gerald “bat mo naman naitanong? Iniintriga mo na ko ngayon? Ikaw na ba si Boy Abunda?”
 
“h-ha? h-hindi, curious lang ako. Kasi di ba ang ganda ganda mo. For sure madami ang nagkakagusto sayo”
 
Bigla naman ako kinilig na ewan dahil sa sinabi ni Gerald. Ay jusko bat ba ganto? Marunong naman pala siya mambola eh bakit hindi niya magawa kay Shaina? Bakit ako ng ako ang binobola at pinapakilig niya? =__=
 
I fake a laugh “hahaha. Walang nagkakagusto saakin kasi mataray ako at suplada pati palaban. Nakaka turn off sa mga lalaki yun.” well totoo naman ang sinabi ko but hindi ko binabago ang sarili ko kasi gusto ko yung tanggap ako.
 
 
Parang si Enchong.
 
 
“h-hindi naman lahat”
 
“sus oo kaya! Mga gusto niyo kasi yung mga damsel in distress. Yung mga tipong di mabubuhay kung walang lalaking magliligtas sa kanya. Ayaw niyo ng mga Ms. Independent kasi naiintimidate kayo! Kaya walang nagkakagusto saakin”
 
“hindi totoo yan no. Crush kaya kita”
 
Hindi ko masyado narinig yung huli niyang sinabi kaya napatingin naman ako sa kanya “ano? Di ko narinig”
 
“W-wala”
 
“ano nga?!”
 
“w-wala nga..”
 
 
Nilapitan ko siya at itinapat ang mukha ko sa mukha niya “eh sabihin mo ano yun kundi itatapon kita sa Bermuda triangle!!” =___=
 
Agad iniwas ni Gerald yung tingin niya saakin at lumabas ng room niya.
 
Ok? Ano problema nun?
 
Inamoy ko yung sarili ko. Mabango naman ako. Pati hininga ko mabango. Bat biglang umalis yun?
 
 
“hay naku excited na talaga akong maging lola! For sure maganda ang magiging anak niyo!”
 
 
“mommy, baby boy ang magiging anak nila hindi girl”
 
 
“hay naku daddy feeling ko talaga baby girl eh!”
 
Nandito ako ngayon kasabay kumain ng family ni Gerald. Tinignan ko yung mom niya. Kahit saang anggulo ko tignan ang ganda ganda niya. Tinignan ko naman yung dad niya. Siguro kung hindi ko alam na ama to ni Gerald nagka crush na ko dito eh. Tinignan ko yung little sister ni Gerald, ampupu ang cute cute. Gusto ko kidnapin at iuwi sa bahay namin. =___=
 
 
Tinignan ko si Gerald. Oo na gwapo na siya! Pasalamat siya sa makeover ko. Mwahahahaha
 
 
Pero ngayon nasa hot seat kaming dalawa ni Gerald at pinagtatalunan nila kung baby boy or baby girl ang baby na supposedly nasa sinapupunan ko.
 
 
Sinenyasan ko si Gerald and gave him a tell-them-the-truth look. I saw him breath deeply then nag fake cough siya.
 
 
“uhmm mom dad, I want to tell you something”
 
 
Napalingon sila kay Gerald
 
 
“ano yun anak? Magpapakasal na kayo?” – mom ni Gerald
 
 
“maghahanap ka na ng trabaho?” – dad ni Gerald
 
 
“titigil ka na sa pagaaral?!” – mom ni Gerald
 
 
“magiging out of school youth ka na?!” – dad ni Gerald
 
 
“mag to-totoot ulit kayo?!” – mom ni Gerald
 
 
“at mag aanak ulit?” – dad ni Gerald
 
 
“hanggang sa magiging dalawa na ang anak niyo?!’ – mom ni Gerald
 
 
“sampu?!” – dad ni Gerald
 
 
“bente?!” – mom ni Gerald
 
 
“hanggang sa mapupuno na ng mga bata ang buong bahay natin?!?!?!” – dad ni Gerald
 
 
“tapos ibibili niyo ko ng poodle?” – Thea
 
 
“MOM! DAD!! HINDI YUN!!” =___=
 
Ngayon alam ko na kung bakit nahihirapan mag explain si Gerald sa kanila.
 
 
“what is it? You’ll gonna buy me a poodle?” tanong ni Thea
 
 
“no Thea!”
 
 
“ehhh I want a poodle!” =___=
 
 
“hay naku! Pagpaliwanagin niyo po muna ako! Wag po muna kayo magsasalita ok?” they all nod
 
 
“kasi ganito yun” huminga ulit ng malalim si Gerald “uhmm kasi k-kasi walang baby—“
 
 
“ANONG WALANG BABY?! NALAGLAG YUNG BABY?!” sigaw nung mom ni Gerald
 
 
“Hindi ma! I mean wala naman nabuo eh!”
 
 
ANONG WALANG NABUO?! WALANG MABUBUO DAHIL WALA NAMAN NANGYARI SAAMIN! GRRR NAKAKAASAR NAMAN MAG EXPLAIN ANG ISANG TO!!
 
 
“aaahhh” they all said in chorus
 
 
Bigla naman yumakap yung mom ni Gerald sa dad niya “daddy akala ko magkakaapo na tayo! It’s so sad!!” T___T
 
 
“hay oo nga mommy eh. Masyado kasi mabagal ang anak natin. Di bale hintayin na lang natin. Makakabuo rin ang mga yan”
 
 
Bigla akong namula sa sinabi nila. Alam niyo yung gustong gusto ko mag wala dito at sabihing walang nangyari saamin ni Gerald, hindi ko siya boyfriend, at mas lalong hindi ako ang taong magbibigay sa kanila ng apo kundi si Shaina.
 
Kaso ampupu walang lumalabas sa bibig ko dahil masyado akong speechless sa pamilyang ito.
 
“I want poodle” sabi ni Thea
 
 
“sure Thea baby we’ll buy you a poodle. Hangga’t wala pang baby ang kuya mo at soon to be ate mo ayun muna ang aalagaan natin” sabi ng mom ni Gerald.
 
 
Nakaka speechless talaga. =___=
 
 
 
 
“HAHAHAHAHAHHAHAHA. Grabe mamatay na ko! Help me I’m gonna die laughing! Hahahahahahaha”
 
 
“masyado ka naman enjoy na enjoy niyan” =__= sabi ko kay Maja na kulang na lang eh mamatay na dahil sa sobrang kakatawa. Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari kahapon sa bahay nila Gerald kaya ganyan makahagalpak ng tawa yan.
 
 
Ayan ba ang tinatawag na best friend?! Grabe ha! kahit damayan man lang niya ko sa kahihiyan na nararamdaman ko! Pero tignan niyo ginagawa niya ngayon, pinagtatawanan ang magandang si ako! Wala na lang siya ibang ginawa kundi tawanan ang kamalasan ko.
 
 
Ang sama niyang best friend T___T
 
 
“hahahahahhaha! Naku edi legal na legal ka na sa bahay ni Gerald ha?! gusto na nga na magka baby kayo eh! Kung bigyan mo na kaya sila ng apo? Ako ninang ha? hahahahahahahha”
 
 
“hindi ka nakakatulong!!!”
 
 
She tried to calm herself pero hindi niya parin mapigilan ang tawa niya “eh kasi naman sister eh bat hindi mo ba makita kung gaano kayo ka perfect ha?”
 
 
“naman eh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala ng mas pe-perpekto pa kay Enchong. Siya lang ang gusto kong makasama at mahalin wala ng iba!!”
 
 
Biglang tumayo si Maja then she clapped her hand “and the winner for best actress goes to Kimberly Chiu!” *clap clap clap* umupo ulit siya “hay naku mahfriend! Puro ka Enchong! Enchong! Enchong! Kay Gerald ka na lang kasi!!”
 
 
Hindi ko na sinagot si Maja dahil di rin naman niya ko maiintindihan. Hay kahit iumpog niyo ang ulo ko, si Enchong parin ang laman nito. Kahit pa saksakin niyo ng ilang milyong patalim ang puso ko, si Enchong  parin ang tinitibok nito.
 
 
Kaya hindi pwedeng mapunta si Enchong kay Shaina kundi baka maibalik ko si Shaina sa pinanggalingan niya!
 
 
 
 
 
Nung uwian na, hindi ko nakasabay si Maja sa paguwi dahil may project atang kailangan tapusin kaya nauna na ko. But before ako umuwi, pumunta muna ko doon sa may gilid ng school para bumili ng pang meryenda at naupo naman sa may playground ng school para kainin ito.
 
 
Naupo ako doon sa may monkey bars. Naalala ko tuloy yung accidental kiss namin ni Gerald. Parang may biglang nag vibrate sa tyan ko.
 
 
Tofu may baby na kaya talaga sa loob nito? O____O
 
*pukpok sa ulo*
 
Ano ba Kim kung anu-ano iniisip mo! Natural wala! Gutom lang yan =___=
 
“mahal na mahal kita”
 
Napalingon ako sa likod ko nung marinig ko yung boses na yun. Wait familiar yung boses na yun ah?
 
Nakita ko naman na may anino sa likod ng puno malapit sa kinauupuan ko. Lumapit ako para tignan kung sino ang nandun.
 
 
 
Hindi ko inaasahan, masasaktan pala ko sa makikita ko.
 
 
I saw Enchong holding Shaina’s hand. Sa may paanan nila ay isang boquet ng roses at napakalaking stuff toy
 
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
 
Halos madurog ang puso ko nung marinig ko ang mga katagang yun.
 
 
At parang nawasak ang mundo ko nung marinig ko ang sagot ni Shaina
 
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
 
“I love you too”
 
 
They hug each other.
 
 
Lumayo na ko doon sa pwesto nila.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Pakinshet. Naiiyak ako.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe