EPILOGUE

Ang Bidang Kontrabida

 

“Kimmy, ok na ang mga requirements mo doon sa university na napili mo. Pwede ka na mag enroll. Gusto mo bang samahan kita or papasama ka na lang kay Enchong?”
 
Inalis ko ang nakataklob na kumot saakin atsaka ko tinignan si mama “pagiisipan ko pa po”
 
Nakita kong huminga ng malalim si Mama at naupo sa tabi ko “anak, may balak ka pa bang pumasok sa college? Lagi ka na lang nandito sa kwarto mo at nagmumukmok. Dahi parin ba kay—“
 
“ma, I’m ok” nagtaklob ulit ako ng kumot “inaantok pa po ako. Bababa narin ako maya-maya”
 
 
“sige iiwan muna kita” she tapped my head then lumabas narin siya sa room ko.
 
 
It’s been half a year. Graduate na kami ng highschool at talagang simula ng araw na yun, ni isang tawag o message, hindi na nagparamdam si Gerald. Nairaos naman namin ang stage play kahit nagkakagulo ang mga lead roles. Well, hanggang ngayon naman magulo parin eh.
 
Hindi na nagkabalikan si Shaina at Enchong because of my selfishness. Oo inaamin ko nung umalis si Gerald narealize ko kung ano talaga ang nararamdaman ko. Pero selfish akong tao. Pinili kong makasama si Enchong kahit alam kong nasasaktan si Shaina, at kahit alam kong hanggang ngayon mahal na mahal parin niya si Shaina. Kaya ko lang naman ginawa yun kasi gusto kong mangyari ang gustong mangyari ni Gerald, ang maging masaya ako.
 
Pero patuloy parin talaga na gumugulo sa isip ko ang isang tanong.
 
Masaya nga ba talaga ako?
 
O pinipilit lang ang sarili ko na maging masaya?
 
 
Nakuha ko na ang gusto ko. Pero pakshet yan oh, bakit ganito parin ang nararamdaman ko? Lahat na lang ng bagay laging huli na para saakin. Ang gusto ko lang naman eh magkaroon ng isang taong matatanggap ako sa kung ano ako, mamahalin ako kahit ganito ako, at iintindihin ang panget kong ugali. Nakita ko na ang taong yun…
 
 
…pero iniwan naman ako.
 
Nakaramdam na naman ako ng sakit sa may dibdib ko. Simula ng umalis si Gerald, lagi ko na lang nararamdaman ang sakit na ito. Yung para bang gusto kong umiyak pero kahit ano ang gawin ko ayaw lumabas ng luha sa mata ko. Ang huling beses akong umiyak ay yung mismong araw na nalaman kong umalis si Gerald, but after that, I didn’t shed even a single tear.
 
 
At ang bigat bigat sa loob.
 
 
 
 
For the last 6 months, I am a walking stone. Manhid, hindi naapektuhan sa lahat ng bagay. Wala akong paki kahit naririnig kong umiyak si Shaina, wala rin akong paki kada makikita ko ang painful expression ni Enchong.
 
Ilang beses akong kinausap ni Maja, sabi niya hindi na daw niya ko kilala, hindi na niya alam bakit ako nagkakaganito. I just smile at her pero pinagpapatuloy ko parin ang mga ginagawa ko.
 
 
Kasi miski ako, hindi ko na kilala ang sarili ko.
 
 
 
Tinignan ko ang orasan, it’s 8 in the morning. Bumangon na ako at nagayos ng sarili then bumaba narin ako pagkatapos.
 
 
“anak kain na” yaya ni daddy saakin na kasalukuyang kumakain kasama si mama
 
“mamaya na lang po paguwi ko”
 
“where are you going?” tanong ni mama
 
 
Ngumiti lang ako at lumabas na ng bahay. Hay tinatanong pa nila, alam naman nila na simula summer lagi akong lumalabas ng bahay ng ganitong oras.
 
Naglakad lakad lang ako sa subdivision namin hanggang sa dalhin na naman ako ng mga paa ko sa lugar na ito.
 
Tinignan ko yung malaking bahay na nasa harap ko. Kalahating taon ng walang nakatira sa bahay na yun.
 
 
 
Ang bahay ng mga Anderson
 
 
 
Lumapit ako sa may gate nila at tinignan ang bahay umaasang may isang lalaking lalabas diyan at babatiin ako.
 
Napahinga ako ng malalim.
 
 
Hindi ko alam kung nasisiraan na ko ng bait or what. Hindi ko rin alam kung bakit halos araw araw pumupunta ko dito. Basta ang alam ko lang, kada nandito ako sa tapat ng bahay nila, gumagaan ang loob ko.
 
Pero para na nga talaga siguro akong sira.
 
Kim tanggapin mo na, iniwan ka na niya pero gusto ka niyang maging masaya kaya dapat magpakasaya ka ngayon sa piling ni Enchong. Gawin mo ang lahat mahalin ka ni Enchong
 
At gawin mo ang lahat para bumalik ang pagmamahal mo sa kanya.
 
Dapat tantanan ko na talaga ang pag punta dito. Ayoko na ng nararamdaman ko na to. Ayoko na mahirapan.
 
I gave the house one last look then tinalikuran ko na to at naglakad palayo.
 
 
“Kim?”
 
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang boses na yun.
 
“Kimmy, is that you?”
 
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Teka tama ba naririnig ko? Hindi ba ko nag ha-hallucinate? Totoo ba to?
 
Lumingon ako sa tumawag saakin at ayun nakita ko si Tita Dawn sa harap ko.
 
 
“Kimmy!” tumakbo siya papalapit saakin atsaka ako niyakap ng mahigpit “oh my gosh, I miss you!”lumayo siya sa pagkakayakap at tinignan ako maigi “look at you, you’re still beautiful! Teka ano ang ginagawa mo dito?”
 
“ah.. ahmm a-ano po kasi”
 
“never mind! Tara sa loob at samahan mo ko mag breakfast!”
 
“h-ha? Uhmm a-ano po—“
 
“naku Kim don’t you dare na humindi! Ang tagal na nating di nagkita”
 
 
At before pa ako makaangal, hinatak na ko ni Tita Dawn papasok sa loob.
 
 
“Kimmy what do you want? Bacon? Cereal? Eggs?” kinuha niya yung plato sa harap ko “pero maganda kung kakain ka ng madami ipaglalagay kita” nilagyan ni Tita Dawn  yung plate ko ng garlic rice then bacon and eggs tapos kinuha naman niya yung baso ko at nilagyan ng milk “kain ka ng madami ha. Look at you, nangayayat ka. Masyado  ka atang nastress sa school. Dapat ngayong summer magpataba ka ha? Kain ka ng kain”
 
I smile at Tita Dawn then hinawakan ko ang kamay niya “Tita, s-salamat po”
 
“for what?”
 
Nginitian ko lang ulit siya.
 
 
Sa totoo lang hindi ko ineexpect na ganito ang magiging trato saakin ni Tita Dawn. Malamang kasi alam na niya ang mga nangyari at ineexpect kong magagalit siya saakin.  Kung tutuusin dapat naman talaga siya magalit dahil sa mga ginawa ko kay Gerald. Sinaktan ko ang anak niya pero napaka bait parin niya makitungo saakin.
 
In some ways, parang medyo gumaan ang pakiramdam ko.
 
Tumingin tingin ako sa paligid ng bahay then ibinalik ko ang tingin ko kay Tita Dawn
 
 
“uhmm kayo lang po ang nandito?” tanong ko sa kanya
 
“oh, yes. Kababalik ko lang kahapon. May naiwan kasi kaming mga gamit dito na dapat kong balikan eh”
 
“oh I see. Hanggang kelan po kayo dito?”
 
“2 weeks lang”
 
Tumango tango ako. May gusto pa sana akong itanong kaya lang medyo nag alangan ako pero naisipan ko naring sabihin sa kanya
 
 
“uhmm s-si Gerald po k-kamusta na siya?”
 
Tita Dawn sipped her coffee then ibinaba niya ito atsaka siya ngumiti saakin “Gerald is doing good. Masaya siya ngayon and may girlfriend na siya doon”
 
 
Napalunok ako bigla sa sinabi ni Tita Dawn. Parang may something na bumara sa lalamunan ko at parang may gustong lumabas sa mga mata ko.
 
 
“o-oh I see. T-that’s good” I tried to force a smile pero nagmukha lang akong natatae sa harap niya.
 
 
Damn it! Ayoko ng pakiramdam na ito. :(
 
 
Right after naming mag breakfast, nagpatulong naman si Tita Dawn saakin na ayusin ang mga dadalhin niya pabalik ng Florida. Tutal naging maganda naman ang pagtrato niya saakin, pumayag akong tulungan siya.
 
Yun nga lang kung mangaasar nga naman, mga gamit ni Gerald ang pinaayos niya saakin.
 
 
Pumasok ako sa kwarto niya at naupo doon sa kama niya. Ito pa lang ang pangalawang beses kong makapasok dito pero bakit ganito? Pakiramdam ko miss na miss ko ang kwartong to?
 
Tinignan ko ang paligid ng kwarto niya. Madami paring gamit dito. Ang tanging wala lang laman ay yung closet niya pero the rest iniwan niya lahat. May nakita naman akong isang pamilyar na paperbag doon sa ilalim ng study table niya. Kinuha ko yung paper bag at nakita ko sa loob ng paperbag ang mga iba’t ibang CD ng mga Korean dramas at yung twilight saga na libro. Napangiti ako ng maalala ko ang mga to
 
 
----(flashback)----
 
“here” inabot ko sa kanya yung paper bag na dala dala ko
 
Tinignan niya yung laman nung paperbag then inilabas yung mga CD na nasa loob “err a-ano to?”
 
“mga koreanovela yan! Panuorin mo ng may mapulot ka naman na lesson kung paano magpakilig ng babae!kinuha ko yung book na nasa loob ng paper bag “tsaka eto twilight novel, basahin mo para naman maimpluwensyahan ka ni Edward”
 
----(end of flashback)----
 
 
Ibinalik ko ulit yung paperbag sa ilalim ng table. Siguro hindi naman na kailangan ni Gerald yan. Tutal may girlfriend narin naman siya doon.
 
Napatayo ako bigla at sinipa ko yung paanan nung lamesa. Langya kasi yung Gerald na yun! Kalahating taon pa lang nakakalipas may girlfriend na agad! Ang bilis ah! Samantalang ako--!!
 
Samantalang ano Kim?
 
Huminga ako ng malalim. Hay mukhang mali ata ang pagpunta ko dito. Pero dahil sa nandito narin ako, wala na kong magagawa, nagtingin tingin narin ako ng mga gamit ni Gerald na kakailanganin niya doon sa Florida. Inumpisahan ko muna tignan yung mga nasa study table ni Gerald at kung ano ang pwede pa niyang dalhin.
 
Text books niya dati sa school namin? Hmm pwede din. Baka sakaling magamit niya. Kinuha ko yung mga libro at inilagay ko doon sa loob ng isang malaking box then nagtingin tingin pa ko.
 
Alarm clock? Wag na pwede naman siya bumili doon. Lamp shade? Meron din nun doon. Mga picture namin habang nag practice ng play? No, susunugin niya lang yan,  
akin na lang to. Yung mga watch niyang mamahalin? Pwede pa to, isama na to. Old notebooks? No. Ballpen? No. Candy wrapper? No. Teka bat ang dami namang candy  
wrapper dito? Ambalahura naman ng stupid nerd na yun.
 
Pinagtatapon ko yung mga candy wrapper na nagkalat doon sa mga drawer ng table ni Gerald then nagbukas bukas ulit ako doon. May nakita naman akong isang scrapbook doon. Gumagawa pala ng ganito si Gerald? So…gay. Pero baka kailangan niya. Maisama na nga rin. Ilalagay ko na sana yung scrapbook sa loob ng box ng bigla naman may nalaglag na picture galing doon sa scrapbook. Pinulot ko ito at tinignan at halos magulat ako ng makita ko na picture ko ito na natutulog ako sa bus. Mukhang kuha ito nung araw na nasa byahe kami papuntang Fontana. Wait, kinuhanan ako ni Gerald habang natutulog ako?!
 
Na curious ako bigla sa laman ng scrapbook kaya naman agad kong binuksan ito at tinignan.
 
Sa first page, tumambad agad ang mukha ko na nasa classroom ako at
nakapangalumbaba. Sa gilid naman nito, may caption na
 
 
 
 
She’s Kimberly Sue Chiu. Mataray, maldita, at ang sunget sunget saakin. Pero nung nakita ko siyang umiyak dahil sa isang lalaki, my heart torn into pieces. Doon ko  
narealize, behind her tough smile is a girl in pain. Behind her tough personality is a girl who loves dearly. Siguro ang sarap din niyang mahalin.
 
 
 
 
Unang page pa lang ng scrapbook, halos panlambutan na ako sa nabasa ko. Gusto ko ng tong bitawan at itago pero parang may nagsasabi saakin na ipagpatuloy ko ang  
ginagawa ko.
 
Inilipat ko ang page nung scrapbook at nakita ko yung mga stolen shots na kuha ko nung panahong nag papractice kami ng play. Yung nakikipag biruan ako sa mga kasamahan namin, nakikipag tawanan, nagkukulitan kami. Nakalagay doon kung gaano niya kagustong nakikita ang mga ngiti ko. Kung gaano kasarap para sa pandinig niya ang mga tawa ko at kung gaano siya kasaya kapag nakakasama niya ako. Nakalagay din doon kung paanong unti-unting nahuhulog ang loob niya saakin. Doon sa pinaka dulo ng scrapbook, walang naka dikit na picture instead, may isinulat siya doon na siyang nag bigay ng sakit sa puso ko.
 
 
 
“Sana sa pag-alis ko maging masaya si Kim. Hindi ko man makita ang ngiti niya, ang mahalaga, alam kong sasaya siya”
 
 
 
Napaupo ako bigla sa sahig at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit sakit? Gerald mali ka ng akala mo. Hindi ako masaya. Simula ng umalis ka naging miserable na ang buhay ko. Hindi ako masaya Gerald. Hindi ako kay Enchong sumaya dahil ngayon narealize ko kung kanino lang talaga ako sasaya ng totoo. Pero wala na, wala ng pagasa pang sumaya ako dahil huli na ang lahat.
 
Pwede bang bumalik na lang ako sa nakaraan para maitama lahat ng to?
 
 
 
“Kim, what happened to you?!”
 
 
Napalingon ako kay Tita Dawn at nakita kong patakbo siya papunta saakin. Dali-dali niya akong inalalayan patayo pero hindi ako umalis sa kinalulugaran ko.
 
 
 
“ano nangyari sayo?! Nanginginig ka ah! masama ba pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?!”
 
Tinignan ko si Tita Dawn sa mata. Ngayon ko lang napansin na kaparehong kapareho ni Gerald ang mata ng mom niya.
 
“Tita Dawn…” tinitigan ko siya maigi sabay binitawan ko ang mga salitang unang beses lumabas sa bibig ko sa loob ng mahabang panahon. Kasabay namn nito ang pagbagsak ng luha kong mataggal ng ayaw lumabas
 
“mahal ko po si Gerald. Mahal na mahal ko po si Gerald” bigla ang hagulgol ng iyak ko kaya naman niyakap ako ni Tita Dawn “ang sakit po, sobra. Nagsisisi ako sa lahat ng maling desisyon na nagawa ko. Huli na ang lahat. Malayo na siya saakin, at may iba na siya. Hindi ko pa nagawa ang gusto niyang mangyari. Tita, hindi po ako masaya. Nasasaktan po ako, sobra. Ang sakit”
 
“oh Kim” hinimas himas niya ang likod ko “hindi rin pala ako nabigo. Kahit papaano nag succeed ako sa pagpapalabas ng totoong nararamdaman mo”
 
Bigla naman akong napatingin kay Tita Dawn dahil nagtaka ako sa sinabi niya “ano pong ibig niyong sabihin?”
 
Nginitian niya ako at pinunasan ang luha sa mata ko “hindi totoo na may girlfriend na si Gerald dahil hanggang ngayon ikaw parin Kim. Pinapakita saamin ni Gerald na masaya siya pero ang totoo, gabi gabi lagi ko siyang nakikitang tinitignan ang litrato mo. Mahal na mahal ka ng anak ko”
 
“t-totoo p-po ba yun”
 
“oo totoo lahat ng yun” hinawakan ni Tita Dawn ang kamay ko “Hindi pa huli ang lahat. Gawin mo ang tama Kim, at ako mismo ang maglalapit sayo sa kanya”
 
“g-gawin ang t-tama?”
 
Bigla akong natauhan sa sinabi ni Tita Dawn. Tumayo ako at tinignan ko siya at binigyan ng isang ngiti “Tita, may kailangan lang po akong asikasuhin”
 
She smiled back “I can wait, don’t worry”
 
 
 
 
After that dali dali akong bumaba at tumakbo palabas ng bahay.
 
Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan si Enchong.
 
 
 
“hello, Kim”
 
“Enchong, meet me at the coffee shop near our school”
 
“huh? Why?”
 
“I need to tell you something. Make sure you’ll go.” hindi ko na siya hinayaang makapag react. Agad kong inend yung call at dali dali akong tumakbo hanggang sa  makarating ako sa tapat ng isang bahay.
 
 
Ang bahay nila Shaina.
 
 
Isang beses pa lang ako nakarating dito. After kasi ng play namin, nagkaroon kami ng konting salo-salo dito na nauwi naman sa gulo dahil walang ibang ginawa si Enchong nun kung hindi magparinig kay Shaina at dahil napuno na si Shaina, sinabuyan niya ng softdrinks si Enchong sa mukha at napalayas kami ni Enchong sa party.
 
Nag door bell ako and saktong sakto, si Shaina ang nagbukas ng gate nila
 
 
 
 
“ano ginagawa mo dito?!” inirapan niya ako “kung nandito ka para manggulo ple—“
 
“oh shut up Shaina! Just come with me!” hinatak ko siya palabas ng gate nila
 
“wait saan mo ko dadalhin?!” hinihila niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko pero hindi ko ito binitiwan “ano ba Kim! Please stop it! Ano pa bang gusto mo?! Nakuha mo na si Enchong ah! Dapat masaya ka na! tigilan mo na to pwede?! Tigilan mo na ko!”
 
Hinarap ko siya “ang ingay mo! Eto na nga eh aayusin ko na nga di ba?! manahimik ka na lang diyan at sumama saakin kung ayaw mong magbago ang isip ko!”
 
Bigla naman natigilan si Shaina “p-pag aayusin mo kami ni Enchong?”
 
“oo nga sabi eh! bingi ka ba?! Kailangan ko pang paulit ulitin?!”
 
 
 
Nakita ko naman na bigla siyang ngumiti.
 
 
 
“oh ngiti ngiti mo diyan?! Para linawin ko sayo, hindi ko to ginagawa para sayo no!” iniwas ko ang tingin ko sa kanya “gingawa ko to para sumaya narin ako” tinignan ko si Shaina “bilis bilisan mo ang paglalakad”
 
“Kim, salamat”
 
 
 
Inirapan ko lang ulit siya at agad kaming pumunta sa coffee shop kung saan nagaantay si Enchong.
 
Pagkadating na pagkadating naman namin doon, nakita kong kumunot ang noo niya ng makita niyang kasama ko si Shaina
 
 
 
“what is she doing here?!” tanong niya saakin while he glares at Shaina.
 
“Enchong, maguusap tayong tatlo. I need to tell you something”
 
 
 
Naupo naman kami ni Shaina sa harap ni Enchong sabay naman ang pagiwas nito sa tingin namin.
 
“kung yung tungkol to sa mga nangyari dati, sorry pero wala na tayong dapat pagusapan”
 
“isa ka din eh! dada kayo ng dada hindi muna kayo making saakin!” huminga ako ng malalim atsaka tinignan ko si Shaina at Enchong “ako muna ang magsasalita. Pag may isang nakisabay saakin, pagbubuhulin ko pareho ang mga dila niyo”
 
Hindi sila nagimikan dalawa at parehong iniwas ang tingin sa isa’t isa.
 
“Chong, hindi nagtaksil sayo si Shaina—“
 
“anong hindi eh kitang kita nga natin ang buong pangyayari eh!” pagalit na sabi ni Enchong
 
“hindi mo naman alam ang buong kwento!” pag kontra naman ni Shaina
 
Hinampas ko ng kamay ko ang table kaya napatingin sila pareho saakin “sabi ng ako muna magsasalita di ba?!” nanahimik ulit yung dalawa “Enchong, hindi totoo lahat ng nakita natin. Isinet up lang kayo ni Gerald...” tinitigan ko si Enchong sa mata 
“…dahil saakin”
 
 
Katahimikan.
 
Walang nagsalita. Pareho silang nakatingin saakin ng may gulat sa kanilang mga mukha.
 
 
 
“mahal ko si Enchong kaya naiinis ako kay Shaina. Nung una kasi akala ko magiging kami na kaya lang nung dumating si Shaina sa buhay mo Enchong, wala na, naitchepwera na ko. Nakalimutan mo na ko. Tapos nakilala ko si Gerald. Sabi niya nagkamali siya ng desisyon nung hiwalayan ka niya Shaina. Mahal na mahal ka parin ni Gerald nun kaya nagplano kaming dalawa na paghiwalayin kayo. Well actually ako lang pala nagpaplano at ang nakakatawa, laging palpak dahil sa kagagawan ni Gerald” nag buntong hininga ulit ako “kaso hindi ko naman expected na magkakagusto si Gerald saakin. Kaya ayan ang naging resulta. Ginawa niya ang bagay na to para mapunta saakin si Enchong, para sumaya ako. And guess what, hindi ako masaya ngayon”
 
 
 
Tinignan ko ulit sila at nakita ko ang galit sa mga mata nila. Pero sa totoo lang, expected ko na ganito ang mangyayari. Kagalit galit naman talaga ang ginawa ko eh.
 
 
 
“b-bakit.. bakit hindi mo sinabi to agad? Hindi ka pala masaya bakit pinatagal mo to ng ganito?!” tanong ni Enchong saakin
 
“because I am a selfish person”
 
“I trusted you. Hindi ko akalaing magagawa mo to” madiin na sabi ni Enchong
 
I smile at him “isipin mo na lang kabayaran to sa pagpapaasa mo saakin”
 
“Kim how dare--!”
 
 
Hindi natapos niEnchong ang sasabihin niya saakin dahil agad naman itong pinutol ni Shaina “actually I thanked Gerald and Kim for what they’ve done. Kung hindi dahil sa ginawa nila, hindi ko malalaman kung gaano kababaw ang tiwala mo saakin”
 
“S-shaina”
 
Hinawakan ko ang kamay ni Shaina at ni Enchong atsaka ko to pinaglapit “magbati na kayong dalawa. Shaina alam ko naman kung gaano mo din ka-gusto na batiin si Enchong eh. and Enchong alam kong mali ang ginawa namin ni Gerald, pero may mali ka rin” tumayo ako at tinignan ko sila “pero sorry ha? Sorry sa lahat lahat ng nagawa ko. Alam ko hindi niyo ako mapapatawad dahil sa nagawa ko, pero gusto kong malaman niyo, nagsisisi na ko sa lahat ng nagawa ko. Promise, hindi ko na kayo guguluhin” tinapik ko sila pareho sa balikat atsaka ko sila iniwan doon para makapag usap sila ng maayos. Bago ako tuluyang umalis, tinanaw ko muna yung dalawa mula sa labas ng bintana nung coffee shop at nakita kong naguusap na sila.
 
 
 
I smile.
 
In the end, ginawa ko parin ang bagay na ginagawa ng isang kontrabida sa bawat pagtatapos ng storya. Ang ipaubaya ang taong mahal niya at tanggaping talo siya. Ang pinagkaiba nga lang
 
 
Feeling ko hindi ako natalo dahil sa ginawa ko.
 
 
Dumiretso ako sa bahay nila Gerald at nadatnan ko doon si Tita Dawn na nagaantay saakin.
 
Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap
 
 
 
“Tita, I did it. Inayos ko na po lahat at parang nabunutan na ako ng isang malaking tinik sa dibdib”
 
Niyakap niya ako ng mahigpit “I’m glad Kimmy. Kailangan mo ng sumaya ngayon. Kailangan niyo ng sumaya ni Gerald. Ready ka na ba na harapin siya?”
 
I nod “gustong gusto ko na po siya makita”
 
“then good. Start packing your things now. After two weeks, kasama na kitang babalik sa Florida”
 
 
Bigla na naman napatulo ang luha ko. Akala ko hindi na dadating ang araw na to kung saan magkakaroon pa ulit ako ng pagasa na sumaya. This time hindi ko na to sasayangin.
 
 
Stupid nerd hintayin mo lang ako.
 
 
Tinulungan ko muna si Tita Dawn ng pagpapack ng mga dadalhin niya pabalik ng Florida then atsaka namin kinausap ang parents ko doon sa plano ni Tita Dawn. Actually  bago pa dumating si Tita Dawn dito, ibinook na niya ako ng flight papuntang Florida at matagal narin niyang nakausap sila Mama and pumayag naman sila. Umpisa pa lang  pala, plano na talaga ako isama sa Florida. Buti nga daw hindi na niya ako kinakailangan pang itali para lang sumama ako eh.
 
Masaya ako sa mga nangyayari. Sana tuloy tuloy na to. At sana, pag nagkita na ulit kami, maayos namin ang lahat.
 
Kinabukasan nun, pinuntahan naman ako ni Enchong sa bahay para kausapin.
 
 
 
 
“kamusta na kayo ni Shaina?” tanong ko kay Enchong habang nandun kami sa may garden namin at nag me-meryenda
 
“uhmm ayun eh malaki talaga ang sama ng loob niya saakin. Sabi niya ligawan ko muna daw siya bago maging kami”
 
Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Enchong “ano ginawa mo?”
 
“syempre pumayag ako no, kesa tuluyang mawala pa siya saakin. Gagawin ko ang lahat ma i-ayos ko lang ulit ang relasyon namin. And sa totoo lang, tama ka naman eh. May kasalanan din talaga ako. Kung pinakinggan ko lang si Shaina nun, edi sana hindi humantong sa ganito”
 
“Chong, sorry ha?”
 
“ano ka ba Kim, wag ka nga mag sorry, pare-pareho naman tayo mali eh. Tsaka” hinawakan niya ang kamay ko “patawad din ha? Kung napaasa man kita. Pero maniwala ka hindi ko sinasadya yun”
 
“ayos lang yun. Wag na natin pag usapan at kalimutan na lang natin ang mga nangyari. Basta kahit anong mangyari wag mo susukuan si Shaina ha?”
 
“oo naman. Mahal na mahal ko si Shaina at handa akong ligawan siya habang buhay”
 
Napangiti naman ako sa sinabi niya “Enchong, may itatanong ako sayo. Curious lang ako. Minahal mo ba ko?”
 
Tumango si Enchong “aaminin ko naging crush kita. Natutuwa kasi talaga ako sa ugali mo. Napaka tapang mo, hindi ka basta basta nagpapaapi, pero sweet na babae.  Pero, hindi talaga kita minahal. Patawad Kim. Hanggang pag hanga lang talaga ang naramdaman ko sayo. Sorry”
 
Nginitian ko si Enchong “ok lang, hindi ko naman kawalan yun eh. Ikaw ang nawalan” we both laugh
 
“di bale dadating din ang maswerteng lalaking mamahalin at magmamahal sayo. Mahahanap mo din siya”
 
“actually, nahanap ko na siya” tumingin ako sa langit “and it’s about time para ako naman ang gumawa ng paraan para maging masaya siya”
 
 
 
 
Lumipas ang halos dalawang linggo. Nakapag impake narin ako ng mga gamit at plano kong mag stay sa Florida ng one month---or hanggang sa mapatawad ako ni Gerald.
 
 
Kinausap narin ako nila Mama. Sabi nila masaya sila dahil lately nakikita nilang masigla na ako. Tapos inasar asar pa nga ako ni daddy dahil lalaki lang pala ang problema ko kaya nagmumukmok ako sa loob ng kalahating taon. Bago din kami umalis pinagbilinan pa ko nila daddy na wag muna ako magbubuntis at tapusin ko daw muna ang pag-aaral ko. Syempre natawa naman kami ni Tita Dawn. Kung alam lang nila na napagkamalan ako dating buntis ng family nila Gerald hayaan pa kaya akong umalis ng mga to? Bago din ako maalis, nakausap ko din si Shaina.
 
 
 
 
“oy ikaw!” tinapik ko yung braso niya “wag mo ng pahirapan pa si Enchong. Para sabihin ko sayo gwapo ang boyfriend mo. Andaming pwedeng umagaw diyan sayo no!”
 
Medyo natawa naman si Shaina “opo Ms. Antagonist, di ko na masyadong pahihirapan si Enchong. Medyo gumaganti lang ako sa kanya pero sasagutin ko na ulit siya
 
Nginitian ko siya “good” hinawakan ko naman ang kamay ni Shaina “tsaka pala, sorry ha? Sorry sa nagawa namin ni Gerald”
 
“Kim kalimutan na natin yun. Basta paki batukan na lang si Gerald para saakin ha? Tsaka isa pa may narealize ako. Dahil sa ginawa niyo ni Gerald, pinatatag niyo ako—kami. In a way, may maganda ding naidulot yun. This time, magsasama na ang mas mature na Enchong at Shaina. Salamat Kim”
 
“well, I guess I’m great after all”
 
Natawa kami parehas then nilahad niya ang kamay niya “so, friends?”
 
Kinuha ko to at nakipag shake hands sa kanya “friends”
 
 
 
 
Dumating ang araw ng flight namin ni Tita Dawn. Sa totoo lang, halos matorture ako sa 11 hours na byahe. Hindi rin ako makatulog sa eroplano at kahit anong gawin ko, ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
 
Lalo na nung makarating na kami sa Florida. Si Tito Tristan, ang asawang american ni Tita Dawn na magaling magtagalog, ang sumundo saamin kasama si Thea, yung little sister ni Gerald.
 
 
 
 
“ate Kim!!” bigla akong niyakap ni Thea nung makita niya ako “nandito ka po para pakasalan si kuya Gerald?”
 
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya “uhmm makikipagbati muna ako sa kanya”
 
“ayieee.. tapos magkaka baby na kayo? Para may kalaro na ko!”
 
Namula naman ako bigla “hehehe, after na ng kasal?”
 
Narinig ko namang nagtawanan sila Tita Dawn at Tito Tristan
 
“ay naku ikaw talaga Thea baby, wag mo muna pakiligin ang ate Kimmy mo ok?” sabi ni Tita Dawn
 
“oo nga naman” tumingin saakin si Tito Tristan “daughter in law, palambutin mo ulit ang puso ni Gerald ha? Masyadong na i-freezer ng matagal kaya tumigas eh. ithaw mo na!”
 
“h-ha? Ah o-opo!”
 
“o siya sakay na sa kotse at dalhin na natin ang kabiyak ng puso ng Gerald namin!”
 
 
 
 
Buong byahe papunta sa tinutuluyan nila, nanginginig ako. Binigyan na ko ni Tita Dawn ng tubig, pinakain na ko ni Thea ng lollipop at inabutan na ko ng ni Tito Tristan (pero syempre di ko tinanggap no!) eh hindi parin mawala ang panginginig ng katawan ko. Para akong bibitayin eh.
 
Nung makarating kami, natanaw ko agad si Gerald doon sa may garden nila at nakaupo. Mukhang malalim ang iniisip. Tulad ko, mukhang nangayayat din siya at he look so wasted.
 
Tsk, sayang ang make over ko sa kanya dati =__=
 
Pero kahit ganyan ang itsura niya ngayon, parang gusto ko ng tumalon sa kotse at yakapin siya.
 
Nung makababa kami sa kotse, agad kaming sinalubong ni Gerald pero mukhang hindi niya ko napansin kasi nasa likod ako ni Tita Dawn at Tito Tristan. Agad namang tumakbo si Thea papalapit sa kanya
 
 
 
 
“Kuya!! We have a surprise for you!”
 
“surprise?” nginitian ni Gerald si Thea atsaka niya ito binuhat “uhmm hulaan ko. May uwi kang candy saakin no?”
 
“she’s sweeter than candy!”
 
“Huh?” tinignan ni Gerald si Tita Dawn at Tito Tristan ng may halong pagtataka.
 
 
 
 
Bigla naman umalis yung dalawa sa harap ko kaya nakita na ako ni Gerald. His jaw almost drop the moment na nagtagpo ang mga mata namin.
 
 
 
 
“K-kim.. w-w-what a-are you doing here?” tinignan niya sina Tita Dawn “Mom kinaladkad niyo siya papunta dito?! For pete’s sake how many times should I tell you that me and Kim are over!” pagkasabi niya nun, binaba niya si Thea at tumakbo pabalik sa garden
 
“yun talagang batang yun naninigaw agad bago pa kami makapag explain” tinapik ni Tita Dawn ang balikat ko “go talk to him. It’s your chance!”
 
 
 
 
I nod and agad akong tumakbo kay Gerald. Nakita ko naman siya na nakatayo sa tapat ng puno at pinagsisisipa niya to.
 
 
 
“Gerald”
 
 
Napatigil siya sa pagsipa at tumingin saakin
 
 
“sorry. Hindi ko alam na pipilitin ka nina mommy na sumama dito” tumalikod siya saakin
 
“Gerald—“
 
“di bale bukas na bukas din gagawa ako ng paraan para makabalik ka”
 
“ano Gerald—“
 
“and promise hindi ko na hahayaang guluhin ka nila
 
“Gerald--!!”
 
“pasensya na. Sige pwede ka na magpahinga”
 
 
Hinubad ko ang sapatos ko atsaka ko ibinato sa ulo niya. Asar eh!
 
 
 
 
“aray ku po!” napahawak siya sa likod ng ulo niya habang hinihimas to. Tinignan naman niya ako “bat mo ko binato?!” T___T
 
“eh gago ka eh andaldal mo stupid nerd! Pwedeng ako muna magsalita ha?! Pwede?! Tss asar eh!” lumapit ako sa kanya atsaka ko siya binatukan
 
“aray ko! Nakakadalawa ka na ah! binato mo ko ng sapatos ngayon binatukan mo ko?! You’re so mean!” T___T
 
“mean you’re face! Sino mas masama saating dalawa ha?! Bat mo ko iniwan! Bakit hinayaan mong ako humarap sa mga gulong ginawa mo!” dinuru duro ko siya “gago ka! Aalis ka bigla ng walang pasabi! Tingin mo ano mararamdaman ko ha?!Akala mo natuwa ako sa ginawa mo ha! Loko loko ka! Nakakayamot kang hayop ka!”
 
“masaya ka naman di ba? kasama mo na si Enchong. Alam ko masaya ka na.”
 
“pakinshet ka! Masaya?! Mukha ba kong masaya ha?!” tinitigan ko si Gerald sa mukha “eh ang stupid mo naman eh! mahal kaya kita tingin mo paano ako sasaya!” and with that bigla na naman bumuhos ang luha sa mata ko.
 
 
 
 
Si Gerald nakatingin lang saakin habang umiiyak ako with his mouth left hanging with a bewildered O.
 
 
“K-kim, p-paki ulit ang sinabi mo. Feeling ko nabingi ako”
 
“tanga”
 
“hindi yun. Yung isang sinabi mo”
 
“bobo”
 
“hindi yun”
 
“stupid nerd!”
 
“hindi yan! Yung isa!”
 
“gago! Bobo! Tanga! Stupid nerd! Pakinshet! Mahal kita!”
 
Bigla akong niyakap ni Gerald ng mahigpit “Kim, ulitin mo please”
 
“mahal kita Gerald! Mahal kita! Mahal kita! Mahal na mahal kita at papatayin kita pag lumayo ka pa saakin! Mahal kita! Mahal kita! Mahal kit—“
 
 
 
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla na lang humiwalay si Gerald sa pagkakayakap saakin, hinawakan ang likod ng ulo ko, atsaka ito inilapit sa mukha niya hanggang sa magkadikit ang mga labi namin.
 
Parang lahat ng sakit, lahat ng lungkot na naramdaman ko sa loob ng kalahating taon ay nabura agad ng maramdaman ko ang malalambot na labi ni Gerald saakin. In just a snap, napalitan ng kasiyahan ang isa’t kalahating taon sakit.
 
Humiwalay si Gerald sa pagkakayakap saakin
 
 
 
“p-papatayin kita” bulong ko sa kanya
 
“s-sorry Kimmy! Masyado lang akong natuwa sa sinabi mo. Hindi ko expect na mamahalin mo din ako. Hindi ko alam na dadating ang araw na to. Kim mahal na mahal na mahal din kita” niyakap ako ni Gerald “sorry. Promise hindi na muna kita hahalikan.”
 
“papatayin kita pag di mo inulit yun”
 
 
 
Humiwalay ulit si Gerald saakin at nakita ko ang masayang ngiti sa mukha niya. Parang biglang nagliwanag ang mundo ko
 
And again, hinalikan niya ako.
 
 
“ayieeee magkaka apo na tayo!”
 
 
Bigla naman kami nag hiwalay ni Gerald at nakita namin yung tatlo na nakasilip saaming dalawa at mukhang kilig na kilig.
 
Napatawa na lang kami. Inakbayan niya ako then bumulong siya saakin 
 
 
“I love you, Kim”
 
“I love you too”
 
 
 
————————————————————————————————————————————————————————-
Minsan sa buhay mo, hindi mo napapansin ang mga bagay na dapat mong pahalagahan. Nagiging busy kasi tayong abutin ang mga bagay na gust natin makuha at akala  
nating magpapasaya satin. Hindi natin napapansin na nasa tabi na pala natin ang tunay na makakapag bigay sa atin ng ligaya. Nakakalungkot dahil mare-realize natin na  
mali pala ang mga pinapahalagahan natin once na mawala na ang bagay na yun sa atin.
 
Pero katulad nga ng sabi nila, ang buhay hindi parang paaralan dahil sa totoong buhay, mas nauuna ang exam bago ang lesson. Pero hindi naman maiiwasan sa isang tao  
ang magkamali. Ang mahalaga natuto tayo at naiayos ang mga maling nagawa natin sa buhay.
 
Siguro sa kabila ng kamalditahan ko, pinagpalad parin talaga ako dahil hindi pa naging huli ang lahat saamin ni Gerald.
 
At least sa storyang ito, hindi nabaliw, napunta sa mental, nagpakamatay o nakulong ang kontrabida. Sa storyang ito, nagkaroon din ng happy ending ang kontrabida.
 
At ngayon, gumagawa na ako ng bagong story. This time, ako na ang bida at si Gerald na ang kapartner ko. Walang kontrabida kundi mga sarili namin. At bawat araw,  
parang palaging happy ending.
 
—————————————————————————————————————————————————————————
 
 
“Kimmy, nalulungkot ako, one week ka na lang dito sa Florida. Kung pwede lang sumama ako sayo pabalik ng Pinas eh” sabi ni Gerald habang nakaupo kami sa may bench sa tuktok ng isang hill kung saan tanaw mo ang buong city “kaso di ko naman pwedeng iwan ang pagaaral ko dito” niyakap niya ako ng mahigpit “mamimiss talaga  kita. Isipin ko pa lang naiiyak na ko”
 
Nginitian ko si Gerald “eh sino namang nagsabing hahayaan ko na magkahiwalay tayo?”
 
“huh?”
 
May inilabas akong folder sa bag ko at ipinakita ko to sa kanya “application form para sa university na pinapasukan mo. Doon na rin ako mag aaral”
 
Kinuha niya saakin yung application form “ibig sabihin m-magkakasama na tayo? Walang halong biro”
 
Kinurot ko naman ang cheeks niya “opo! Babalik lang ako ng Philippines ng 3 weeks para ayusin ko lahat ng mga kailangan ko. After that lilipad narin ako pabalik dito!
 
Niyakap ako ng mahigpit ni Gerald “I’m happy! I’m really happy! Mahal na mahal talaga kita!”
 
“mas mahal kita” sabi ko sa kanya
 
“hindi! Mas mahal kita” pag kontra niya “kita mo naman ang mga ginawa ko sumaya ka lang”
 
“ah ganun?! Kita mo naman mga winaldas kong pera makasama ka lang!”
 
“eh basta mas mahal kita!”
 
“hindi mas mahal kita!”
 
Tinignan niya ako at binelatan “mas mahal kita. Bawal kumontra”
 
Natawa naman ako sa sinabi niya “gago ka talaga”
 
 
Nag pout si Gerald then nilagay niya yung finger niya sa lips ko
 
 
“ikaw Ms. Kimberly Sue Yap Chiu, napapadalas ang pag mumura mo. Bad yan. Kailangan nating linisin   yang bibig na yan”
 
“At ano gagawin mo aber?!”
 
He grinned then he give me a quick kiss
 
“now, malinis na” sabi niya saakin
 
“uhmm pakyu”
 
 
 
Lumapit ulit siya at hinalikan ulit ako
 
 
“leshe”
 
*kiss*
 
“t*ng in@”
 
*kiss*
 
“pun**ta!”
 
*kiss*
 
Hinila ako papalapit ni Gerald at mas hinigpitan niya ang yakap saakin “ikaw talaga, gusto mo lang ang kiss ko eh”
 
I smile at him “uhmm Gerald”
 
“bakit?”
 
“pakinshet”
 
He chuckled then he lean on me “I love you too Kimmy”
 
 
And after that, he gave me a long passionate kiss.
 
 
 
 
 
 
 
T H E        E N D! :) x

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe