Chapter THIRTEEN

Ang Bidang Kontrabida

 

“OK CUT! Kim what exactly are you doing?!” tanong saakin ni Direk Ruel
 
“reading my lines like what you’ve said!” sagot ko sa kanya.
 
 
Ang adik din eh no?! sabi niya magbabasa lang kami ng lines for today! Well I read my lines then nagagalit siya? Abonormal ba siya?!
 
“yes I asked you to read your lines but I am expecting you to deliver it with feelings!”
 
“then sorry to disappoint you” tumayo ako then lumapit sakanya atsaka ko inabot yung script “nagkamali ka sa pagpili saakin. It’s better if you find a new one who could read lines better than I do” after kong sabihin yun, tinalikuran ko na siya sabay nag walk out.
 
Kanina pa mainit ang ulo ko dahil sa nangyari. Mula sa nakita kong suntukan ni Gerald at Enchong, hanggang sa nalaman ko na ako ang dahilan kung bakit sinuntok ni Gerald si Enchong. Naiinis siya dahil sinaktan ako ni Enchong. Naaawa siya saakin.
 
Pakinshet lang di ba?! Ako?! As in ako na si Kimberly Chiu, ang number 1 kontrabida with poise ay kaawaan ng isang stupid nerd na lampa na si Gerald?! Pakinshet lang talaga! Nakakakulo ng dugo! Hindi porke he saw me in my weakest state yesterday ay ibig sabihin nun eh ganun ganun na lang ako mapapatumba! No way!  Patayan kung patayan pero lalaban ako! At hindi ako pwedeng kaawaan.
 
“Kim wait” naramdaman kong may humawak ng braso ko then napatingin ako kung sino to. It’s Shaina, the impakta. “uhhm Kim, bumalik ka na sa loob please. Kawawa naman kasi si Direk Ruel eh, hindi siya halos nakatulog para maiayos lang yung script natin”
 
Eto ang pinaka kinaayawan ko sa lahat eh. Badtrip na badrip ka tapos biglang may atribidang sisingit sayo at mangongonsensya! Asar eh no!!
 
Hinigit ko yung braso ko sa pagkakahawak niya “naawa ka naman pala eh! Oh edi bumalik ka na doon sa loob!”
 
“Kim naman please? Bumalik ka na. Wala ng mas babagay pa sa role ng bida kundi ikaw lang”
 
Ay anak ng-!!!! nanlalait ba siya ha?!
 
 
I tried to calm myself then I gave her my sweetest smile “no dear, meron pang mas babagay sa role na yan. Kilala mo kung sino?” nilapitan ko siya then tinaasan ng kilay “ikaw. Bagay na bagay sayo ang role na yan kasi wala kang ibang ginawa kundi magpacute, mangonsensya at magpaka damsel in distress! Oh and another  thing, mukha ka talagang katulong kaya bagay na bagay sayo ang role na yan!!”
 
Nakita kong may namuong luha sa gilid ng mata ni Shaina.
 
See? Ayan ang damsel in distress! Walang ibang ginawa kundi maglupasay at umiyak! Ni hindi kaya ipagtanggol ang sarili! Luha lang ang sandata niya.
 
Pwes sinasabi ko sa kanya di ako tatalaban ng mga luhang yan
 
“K-kim b-bat ganyan ka magsalita saakin? G-galit ka ba saakin?” she told me habang umiiyak
 
Tss kaartehan.
 
“galit? Ako? Galit sayo? Of course not! Bat naman ako magagalit sayo?” I told her sarcastically “uhmm I need to go. See you around dear” I winked at her sabay  walkout.
 
Ganyan ang kontrabida with poise! Kaya kung sino man ang nilalang sa mundong ibabaw ang nangahas na kaawaan ako ay magiging miserable ang buhay!
 
Parang si Gerald lang! I promise to make his life a living hell! Ano akala niya sakin weak at dapat kaawaan?! I’m gonna show him what Kim can do!
 
“K-kim!”
 
Napahinto ako sa paglalakad.
 
Anak ng pagong naman oh! Ilang epal ba sa mundong to ang planong banggitin ang napaka gandang pangalan ko?! Asar eh!!
 
Lumingon akosa likod para tignan kung sino yung pangahas na tumawag saakin.
 
Speaking of the devil.
 
 
 
“K-kim w-wait lang!”
 
Nakita kong tumatakbo si Gerald para habulin ako kaso dedma, inirapan ko lang siya sabay hawi ng bangs then talikod at resume sa paglalakad.
 
“w-wait lang Kim!” pero dahil mala higante ang hakbang ng isang to, naabutan niya parin ako at hinawakan ang braso ko “bat mo naman sinabi kay Shaina yun?”
 
Nilingon ko siya while smirking “why dear? Naiinis ka dahil sinabihan ko yung mahal mo ng ganun?” I laughed “well the feeling is mutual. Naiinis ako sa mga sinabi mo kay Enchong!”
 
“d-dahil ba dun? Nagawa ko lang naman kasi yun dahil kahapon, nung nakita kitang umiyak dahil sa kanya, p-parang, p-parang—“
 
“PARANG ANO?! PARANG NAAWA KA SAAKIN?!” sigaw ko sa kanya then hinila ko yung braso ko sa pagkakahawak niya saakin “pwes makinig ka! Ako ang babaeng hindi dapat kinaawaan! Nagkamali ka ng kinaawaan mo Gerald!”
 
“h-hindi yun ang ibig kong sabihin”
 
“oh shut up will you?! Wag ka na nga magdahilan! Alam na alam ko ang takbo ng isip mo!”
 
 
Tatalikod na sana ko kaya lang hinatak na naman ni Gerald yung braso ko
 
 
“K-kim naman please pakinggan mo muna sasabihin ko”
 
“ayoko nga marinig sabi yang mga paliwanag mo eh!” hinatak ko ulit yung braso ko
 
Ano ba mukha kaming may lovers quarrel dito! Kaasar! =__=
 
Tatalikod na sana ko ng biglang may humarang na sports car sa daanan namin ni Gerald at lumabas ang isang napaka gandang babae galing sa driver’s seat ng sports car.
 
Kung tititigan mo siya mukha lang siyang 30 years old model. Who would have thought na isa ng 43 years old na ina ng dalawang bata ang babaeng ito?
 
“ma!” sigaw ni Gerald ng makita niya yung mom niya na kabababa lang nung sports car
 
“oh hi Gerald baby! Hi Kim darling!” lumapit saakin yung mom ni Gerald then she kissed both my cheeks “hay naku hija everytime na makikita kita mas lalo kang paganda ng paganda! Ang galing talaga ng taste ng anak ko!”
 
Oo nga pala alam parin sa kanila na “kami” ni Gerald. Ampupu. =__=
 
“m-ma bat ka nandito?”
 
“I’ve got a reservation in one of the finest restaurants here. Dun tayo mag didinner!! I came here to fetch you”
 
“h-ha? p-pero may practice pa kami sa play!” pag po-protest naman ni Gerald
 
“sus pwede naman isantabi yan eh! Let’s go!” pareho kaming tinulak ng mom ni Gerald papasok ng car niya kaya wala na kaming nagawang dalawa kundi sumama.
 
Oh well, ok lang din naman saakin. A dinner in a high class restaurant in the country is not bad lalo na kung bad mood ako.
 
 
Before kami dumiretso sa restaurant, dinala muna kami ng mom niya sa mall para makabili ng formal clothes. Aba’y syempre naman, pupunta kami sa high class restaurant wearing a school uniform? A big no-no!
 
Hinayaan lang kami ng mom ni Gerald na mamili ng susuotin namin
 
“Kim darling just choose any clothes you want! Sagot kita” she told me
 
“thank you Tita” ^_____^
 
 
Mwahahaha wala sa bukabolaryo ko ang salitang “hiya.” Aba’y may free dinner na ko, may free outfit pa! oh divah! Tanggal ang bad vibes! Though di ko parin  pinapansin si Gerald kasi badtrip parin talaga ako sa kanya.
 
Nag tingin tingin ako doon sa boutique na pinasukan namin then I spotted a cute simple black dress. Kinuha ko to then humanap ako ng babagay na accessories and nakakita naman ako ng bracelet then kumuha din ako ng high heeled boots. Sinuot ko lahat ito then I look at myself in the mirror.
 
Wala ka parin talagang kupas pag dating sa fashion Kim. Ganyan ang tunay na kontrabida with poise.
 
Aba saan kayo nakakita ng kontrabidang panget, gusgusin at ang dungis? Di ba wala? Mwahahahaha.
 
Lumabas ako ng dressing room then pinakita ko sa mom ni Gerald yung porma ko.
 
 
“oh my gosh Kim you look dazzling! Napaka ganda mo talagang bata ka”
 
“hehe thank you po tita. Naku mana lang po talaga ako sa inyo” pambobola ko naman sa kaya though half true ang sinabi ko. Aba pareho kaming maganda! nakikinita ko na pagdating ko ng 45 years old ko eh napakaganda ko parin parang siya.
 
“syempre naman no! pareho tayong maganda! What can you say Gerald?” napalingon ako kay Gerald and nakita kong nakasuot siya ng black suit.
 
Hindi mapagkakaila, ang gwapo niya. Pero galit parin ako sa kanya, hmpf!
 
“K-kim, ang ganda ganda mo naman” sabi niya saakin.
 
Parang may kung anong something sa tyan ko nung sinabi niya yun. Malamang gutom na ko. Di ko pinansin yung compliment niya.
 
After mabayaran yung mga outfits namin, dumiretso na kami doon sa restaurant. At around 8pm, nakita na namin sa may entrance yung dad ni Gerald na sobrang gwapo din pati si Thea, yung little sister ni Gerald na mukhang manika.
 
“hi ate Kim” yumakap agad saakin si Thea nung makita niya ako
 
“hi thea!” naku napaka cute ng batang to, pag di pa to bumitaw saakin maiuuwi ko to
sa bahay namin, swear. =__=
 
Hindi ako mahilig sa bata. Actually maikli talaga ang pasensya ko sa kanila. Pero kung ganito ba naman ka-cute ang aalagaan ko eh why not di ba?
 
“let’s get inside, I’m starving” sabi nung dad ni Gerald
 
Kinuha nung dad ni Gerald yung hand nung mom niya, then doon sa kabilang kamay ng mom ni Gerald nakakapit si Thea then naglakad na sila papasok sa loob ng restaurant.
 
Naramdaman ko naman na hinawakan din ni Gerald yung kamay ko kaso halatang halata nakabado siya sa ginagawa niya dahil nanginginig yung kamay niya.
 
Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko “K-kim k-kasi di ba alam nila n-na tayo—“
 
“I don’t care. Galit parin ako sayo no! tsaka uso naman ang LQ sa mga mag jowa di ba?” inirapan ko siya the sumunod na ako doon sa family niya papasok sa loob.
 
 
 
Maganda yung ambiance nung restaurant. Unang tingin mo pa lang halata ng mamahalin to. Napaka relaxing ng paligid with matching piano as a back ground music  
pa.
 
At dahil nga mamahalin, syempre pang highclass din yung pagkain. Mag mula appetizer hanggang dessert na-enjoy ko kainin. Samahan pa ng mga nakakatawang kwento ng mom and dad ni Gerald. Naku minsan nga madala din sina mom dito para makapag bonding.
 
Though the whole dinner hindi ko parin pinapansin si Gerald. Aba di porke nilibre ako ng family niya eh patatawarin ko na siya! Na-uh! Hindi madaling makalimot ang isang Kim Chiu no! At mas lalong hindi nabibili ang kapatawaran ko!
 
Sinubukan niyang kausapin ako ng pasimple sa pamamagitan ng pag cocomment sa mga kwento ko sa family niya kaya lang dedma parin ako kaya eto nananahimik na lang siya ngayon. Ewan, asar na asar parin talaga ako sa kanya eh! Ayoko kasi sa lahat yung kinaawaan ako! Magalit ka na sakin wag mo lang ako kaawaan.
 
“Gerald baby, di ba marunong ka tumugtog ng piano? Tugtugan mo naman si Kim dali” sabi nung mom niya nung makita niyang tumayo yung pianist na kanina pa tumutugtog.
 
“p-pero—“
 
“dali na anak! Pakiligin mo naman tong si Kim! Kanina ka pa nakatitig sa kanya eh. Oo alam kong nakakakilig ang kagandahan niya pero dapat siya din pakiligin mo” sabi ng dad ni Gerald
 
Nakatitig siya saakin kanina pa? bakit naman? Oo alam ko maganda ako no. So kinikilig talaga siya sa kagandahan ko? Mwahahahaha
 
Pero ako kikiligin sa kanya?! No way!
 
Tumayo si Gerald papunta doon sa piano sa may stage sa harap. Halatang hiyang hiya siya nung umakyat siya doon. Binigyan naman siya ng mic nung isang  
server doon.
 
“uhmmm” sabi niya habang nakatapat yung mic sa kanya kaya napatingin lahat ng guests na kumakain “uhmmm, i-I’m going to play and sing a song for the one I love. Uhmm k-kasi galit siya saakin ngayon eh, at ayaw niya talaga akong pansinin. Kasalanan ko naman. Pero sana patawarin niya na ko” tumingin siya sa direction namin “Kim, yung kaninang sasabihin ko sayo. Sorry kung nagawa ko yung bagay na yun, pero ginawa ko yun hindi dahil sa naawa ako sayo. Nagawa ko yun kasi—k-kasi, n-nasasaktan ako pag nasasaktan ka”
 
 
Narinig kong kinantsawan ako ng mom and dad niya pero ako natulala sa sinabi niya.
 
Teka ano daw? Totoo ba yun? Imposible! S-siguro sinabi niya lang yan dahil kaharap namin ang parents niya? Siguro dahil ang akala ng family niya ay may relasyon kami?
 
Siguro nga. Siguro.
 
Pero ganun ba talaga?
 
Nagstart na si Gerald na tugtugin yung piano.
 
 
 
“For everytime you had to go asleep alone. For everytime I tried to rush you off the phone.
 
 
Ngayon ko lang narinig ang boses ni Gerald and hindi ko expected na may tinatago pala siyang galing sa pagkanta
 
 
For everytime I said something to make you cry. Now that all is said and done, I can't deny.”
 
 
Inalis ni Gerald yung tingin niya doon sa piano then lumingon siya sa direction namin.
 
 
“I'm so sorry for anything I might have done. And I'm sorry, I never meant to hurt the only one,”
 
 
Hindi inaalis ni Gerald yung tingin niya saakin. Para bang lahat ng sinasabi ng kanta ay yun ang gusto niyang iparating saakin.
 
 
“And I'm sorry, the best laid plans sometimes fall through,”
 
 
Napangiti na lang ako nung marinig ko ang lyrics na to. Sometimes? Eh lagi kayang palpak yung mga plano nating dalawa. Lagi na lang walang natutupad eh. Kaso kasalanan mo nga ba talaga lahat ng yun?
 
 
“For anything that I might've done, I apologize to you. For anything that I might've done, I apologize to you.”
 
 
Doon ko lang naisip, ano nga ba ang ginawa niyang mali? Ang kaawaan ako? Ang magmalasakit saakin? Oo nakakababa ng pride eh. Nakakababa ng pride na ang isang tulad niya ay kaawaan ang isang tulad ko.
 
Pero kung iisipin ko, sa tanang buhay ko, ngayon lang may lalaking nag malasakit ng ganito saakin.
 
Pinakinggan ko si Gerald na kumanta. Hindi niya inalis ang tingin niya sa mata ko, ganun din naman ang ginawa ko.
 
 
Ang bwisit lang eh no? nakaka ewan. Sa buong storyang to pinagkakalandakan kong isa kong kontrabida. Isang kontrabida na walang ibang alam kundi ang  
magplano kung paano sisirain ang buhay ng bida. Pero tignan niyo yung ginagawa nitong si Gerald! Saan ba naman kayo nakakita ng storya na may gumagawa ng  
ganitong bagay sa isang kontrabida ha?! feeling ko tuloy ngayong gabi naging instant bida ako eh.
 
At sa hindi ko malamang kadahilanan, masaya ako sa nangyayari.
 
After nung kanta, lumapit agad si Gerald sa table namin then pinuntahan niya ako.
 
 
“K-kim sorry na please? Patawarin mo na ko. Sana maniwala ka doon sa mga sinabi ko sayo”
 
Napangiti na lang ako “may magagawa pa ba ko?”
 
“t-talaga? Ok na tayo? Di ka na galit saakin?”
 
“oo na! hindi na!”
 
“ayieeeeee sweet sweet sweet” rinig kong sabi ng mom and dad ni Gerald. Pareho naman kaming napatawa dalawa.
 
 
Hindi ko alam kung yung mga pinakita ni Gerald ngayon ay totoo o pagpapanggap lang lahat. Pero isa lang ang alam ko…
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
….pakinshet, meron pa palang nilalang na nabubuhay sa mundong ito ang kayang magpalambot ng napakatigas kong pride.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe