Chapter FOURTEEN

Ang Bidang Kontrabida

 

“okay cut! Very good Kim! Gumagaling ka ng gumagaling!”
 
Inabutan ako ng isang crew ng tissue paper then kumuha ako nito atsaka pinunasan ang luha ko sabay hawi ng hair.
 
 
“thanks Direk!”
 
“nice one Kim” sabi naman ni Enchong saakin sabay kindat
 
Aba syempre kinilig ang lola niyo “w-walang anuman!”
 
Kakatapos lang ng practice ng scene ko kung saan pinagsasampal ako ni Shaina atsaka ako iiyak. At ngayon masakit na masakit ang pisngi ko. Yang malditang babae na yan sasabunutan ko na talaga pag di niya hinina-hinaan ang pagsampal niya!
 
Oo nga pala kung nagtataka kayo kung bakit gora na ulit ako sa stage play na ito, kinausap kasi ako ng masinsinan ni Maja. For the first time in history eh nakumbinsi ako ng lola niyo sa isang bagay!
 
 
“ano ka ba naman Kim, mag qu-quit ka doon sa stage play samantalang nandun si Papa Gerald este Papa Enchong mo? Edi pag nag quit ka talo ka na? tsaka isa pa mag sorry ka kay Shaina doon sa mga sinabi mo sa kanya! Mamaya magsumbong yan kay Enchong edi nagalit siya sayo? Kaibiganin mo si Shaina para mas madali mo siyang mapagabagsak! Tsaka isa pa, ilapit mo ang sarili mo kay Enchong para maagaw mo na siya”
 
 
O divah? Mukhang nagiging matalino narin ang babaeng to eh. Pwede na siyang kontrabida na side kick ko. Bwahahahhaa.
 
Nung araw din na yun nakipag ayos ako kay Shaina. Kaya ngayon eto ako, nagtitiis sampal sampalin ng impakta na yan. Kitang kita ko naman si Maja doon sa may audience seat na mamatay matay na sa pagtawa. Nilapitan ko siya
 
 
“hoy babae!” sabi ko kay Maja sabay tulak “ano naman tinatawa tawa mo diyan ha?!”
 
“HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHA, wala lang mahfriend! Nakaka-amaze lang talagang panuorin kang sinasampal sampal ni Shaina tapos bigla kang iiyak? HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA the best eh! hahahahahhaha! Amazing!”
 
Binatukan ko nga
 
“aray naman mahfriend maka batok ka wagas! Naalog brain cells ko!”
 
“meron ka ba nun?!”
 
“naman! Ako nga naka isip ng brilliant plan na to no!!”
 
Tumabi ako kay Maja “oo na brilliant na ang plan mo kaya naghihirap ako ngayon! Jusko hanggang kelan ba ko magpapaapi sa impakta na yan?! Kung di ko lang talaga kinakailangang magpanggap eh kanina ko pa nasabunutan ang babaeng yan! Makasampal wagas!”
 
“mag tiis ka na lang din mahfreind! Bongga naman ang babalik sayo”
 
“kung sabagay, kung si Papa Enchong lang din ang kapalit ng lahat ng sampal na natatamo ko ngayon, why not di ba?” sabi ko kay Maja sabay ngiti ng masama.
 
Sinong nagsabing nasa gubat lang ang mga ahas? Meron din dito no, and it’s a very dazzling, drop dead gorgeous and hot snake one. Ssssssssshhhhhh.
 
“speaking of your lover boy, ayan na siya te, padating na!”
 
“Si Papa Enchong?!”
 
Maja nodded. Ako naman todo ayos ng buhok ko at punas ng pawis sa mukha ko.
 
“maganda na ba ko Maj? Ha? Maganda na ba ko?”
 
“oo te maganda ka na!” tumingin si Maja sa may likuran ko “di ba Mr. Lover boy? Maganda na si Kim?”
 
Napalingon naman ako bigla sa likod ko at instead na si Enchong ang makita ko eh si Gerald ang nakatayo sa harap ko
 
“o-oo naman! M-maganda si Kim”
 
“what are you doing here?” tanong ko sa kanya sabay irap “asan si Enchong?”
 
“hahahahhaa ayun mahfriend nakikipag landian kay impakta!” turo ni Maja saakin. Nakita ko naman si Enchong at Shaina na busy mag landian doon sa isang gilid. Pinupunasan ni Shaina yung pawis ni Enchong.
 
Anak ng tinapa naman! Bat di ko nakita to agad para napigilan ko sila sa paglalandian! Nakaka bwisit!! Arggghhh! Ang sarap pilipitin ng leeg nitong si Shaina eh =__=
 
 
“ah K-kim nagugutom ka na ba? E-eto o sandwich” sabi ni Gerald saakin sabay abot ng sandwich
 
“bat mo binibigay saakin yan?”
 
“h-ha? K-kasi baka m-mamaya nagugutom ka na eh”
 
Napapalo ako sa noo ko “stupid nerd! Dapat kay Shaina mo ibigay yan hindi saakin!!”
 
“h-ha? Eh para naman talaga sayo to eh”
 
“hay naku Gerald napaka bopols mo talaga eh no?! Paano mo mapapabalik si Shaina sayo kung hindi ka marunong dumamoves?! Hanggang kelan ba kita dapat turuan?!”
 
Bigla namang sumimangot si Gerald “sige ako na lang kakain nito” binuksan niya yung sandwich tsaka kinagatan ng malaki at tumalikod na palayo
 
“uy teka---“ tatawagin ko pa sana siya kaya lang tuloy tuloy na siyang lumayo saamin “problema ng isang yun?”
 
“hahahaha dear Kimmy, you should stop hurting Gerald’s feelings you know”
 
“sus! Eh sanay naman na saakin yung lalaking yun eh”
 
“what I mean is tignan mo inaabutan ka ng sandwich tapos pinagpilitan mong ibigay niya kay Shaina samantalang bumili talaga siya ng sandwich para sayo!”
 
“eh bat naman kasi ako binilhan niya at hindi si Shina?”
 
“alam mo mahfriend isa ka ding bopols eh no!”
 
“huh?”
 
“di lang bopols te, manhid ever pa!” tumayo na si Maja “naku makabalik na nga muna sa classroom bago ko pa maiumpog ang ulo mo sa pader” after nun umalis narin si Maja
 
Ok? Anong problema nung mga yun? At talaga naman iniwan ako!
 
Mga one hour siguro akong nakapahinga dahil ang mga nasa scene pa lang na nag papractice eh si Enchong at Shaina. Naka ilang paulit-ulit din sila kasi hindi makuha ng tama ni Shaina yung lines. Paano kontrabida ang role pero kung magsalita pa-twitums! Sarap putulin ng dila eh!
 
 
“ok that’s enough for the meantime. Shaina please do some practicing ok?”
 
“yes direk! I’m sorry”
 
“it’s alright” biga naman tumayo si direk then he signaled us na lumapit sa kanya “everyone, gather around!”
 
 
Umakyat kami sa stage at nagsilapitan kay direk.
 
 
“okay guys, I’m planning to have a workshop in Pampanga next week. All of you are required to come so here’s the letter, kindly give that to your parents”
 
 
Isa-isa naman kami kumuha nung letter na-ipinasa ni Direk
 
 
“tignan mo Enchong oh, sa Fontana tayo mag stay. Maganda doon”
 
“oo nga eh. buti at may workshop, makakapag bonding tayo”
 
 
Grrr ang lalandi. Gusto ko ng ibalik tong si Shaina sa pinanggalingan niya swear. Nakakaasar. Sarap sabunutan palayo kay Enchong!
 
Tumingin tingin ako sa palagid para hanapin si stupid nerd at ipakita ko sa kanya ang kalandian ni Shaina pero nowhere to be seen ang loko. Saang lupalop naman nagsuot ang stupid nerd na yun?
 
“uhmm si Gerald nasaan?” tanong ko doon sa katabi kong nakalimutan ko na agad ang pangalan
 
“hindi ko alam eh, bigla na lang nawala kanina”
 
“ganun ba? Sige thanks”
 
Saan naman lupalop ng mundo nag suot yun?
 
“ay wait Enchong may dumi ka sa may pisngi mo” napatingin ako bigla kina Enchong at nakita kong pinupunasan ni Shaina yung pisngi ni Enchong
 
“ayan wala na” pinulupot ni Shaina ang braso niya sa braso ni Enchong “I love you baby”
 
Hinalikan naman ni Enchong ang noo ni Shaina “I love you too darling”
 
 
 
PAKINSHET LANG EH NO?! MAGLANDIAN DAW BA SA HARAPAN KO?! =__=
 
 
 
Pero sino nga ba ko sa storyang to? Ang dakilang kontrabida. At magpapatalo ba naman ako ng basta-basta lang?!
 
Hindi nagpapatalo ang isang Kimbrely Chiu.
 
Bigla akong pumagitna kay Enchong at Shaina “Enchong ano yan?!” gulat na gulat na tanong ko
 
“ha? Ang alin?” natataranta namang tanong ni Enchong
 
“ayang nasa labi mo!” inilagay ko ang thumb ko doon sa may labi niya na parang may inaalis na bagay pero wala naman talaga “parang may kung anong dumi kanina eh. nagulat ako, baka mamaya lason yun”
 
Bwahahahaha nahawakan ko labi niya oh! Ano ka ngayon Shaina?! Hanggang pisngi lang ang nahahawakan mo, ako labi niya. Bwahahahahaha
 
“ganun ba? Naku thank you Kim ha?”
 
I gave him my most seductive smile with matching beautiful eyes pa “it’s nothing Enchong”
 
 
I saw him blinked. Ano Enchong mahlabs? Na-aattract ka saakin no? mwahahahaha. Of course! No one can resist my charms.
 
“ehem excuse me Kim, ano kasi eh—“ narinig kong sabi ni Shaina at agad ko naman siyang hinarap
 
“yes dear?!”
 
Kaso pag harap na pag harap ko sa kanya, bigla ko naman siya naitulak ng di ko sinasadya eh naka pwesto pa naman siya sa may dulo ng stage kaya ang tendency
 
 
“SHAINA!!!” rinig kong sigaw ni Enchong as he tried to prevent her from falling, but it’s too late
 
 
 
 
 
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nahulog si Shaina sa stage…
 
 
 
 
 
 
 
. . .at kung paano ito saluhin ni Gerald doon sa ibaba ng stage.
 
 
 
 
 
 
At hindi lang basta sinalo, pareho silang natumba dalawa
 
 
 
 
At biglang nagkadampi ang mga labi nila.
 
 
I saw their shocked expression, and Enchong’s painful expression. I should be happy right?
 
 
Pero bat feeling ko gusto kong sakalin si Shaina ng bongga?
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
PAKINSHET
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe