Chapter SIXTEEN

Ang Bidang Kontrabida

 

“Stupid nerd let me go!! How dare you drag me like this?!” hindi ako pinapansin ni Gerald at tuloy tuloy lang siya sa paghatak saakin hanggang sa makarating kami sa loob ng villa at ipinasok niya ako sa room namin tsaka niya ni-lock yung door. Doon niya lang ako binitiwan “what the heck is your problem?!?!” sabi ko sa kanya habang hinihimas yung wrist ko na mahapdi gawa ng sobrang higpit na pagkakahawak niya.
 
Huminga siya ng malalim “I told you, please mag palit ka ng damit while I’m still sane”
 
“huh? Teka nga bat ako magpapalit?! Duh! I’m going to swim! Anong gusto mong isuot ko sa swimming pool?! Long gown?!?!”
 
Iniwas niya ang tingin niya saakin “why can’t you just wear a swimsuit without attracting everyone’s attention, specially the guys” pagkasabi niya nun nakita kong namula ang tenga niya
 
 
I smirk.
 
 
Lumapit ako kay Gerald “kahit ano ang isuot ko, makaka-attract at makakaattract ako ng attention because I am born damn hot and beautiful” tinignan ko maigi si Gerald “are you attracted to me right now?”
 
 
Nakita kong namula na ang buong mukha ni Gerald at halos matawa ako sa nakita ko. See? Even him fell in my charms. Ang galing ko talaga mamili ng swimsuit. Credits to Maja also kasi tinulungan niya ko.
 
Nagulat ako ng biglang humarap saakin si Gerald at hinawakan ang magkabilang braso ko“what if I am?”
 
It’s my turn na matulala. Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba habang tinititigan ako ni Gerald sa mata ng seryosong seryoso.
 
Naramdaman kong bumababa ang mga kamay ni Gerald mula sa balikat ko papunta sa braso ko and that made me shiver.
 
 
“yes, I am attracted to you right now Kim”
 
“G-gerald..”
 
 
Nagulat ako ng bigla niya akong itinulak sa kama then pumaibabaw siya saakin
 
 
“do you want to know what I am thinking right now?!”
 
“h-hoy! Stupid nerd s-stop this or else--!”
 
“or else what?!”
 
 
Gerald touched my cheeks using the back of his hand pababa sa leeg ko then 
 
..bigla na lang siya napatayo
 
 
“Oh God I’m going insane!” after that, tumakbo na siya palabas ng Villa.
 
 
What was that?!
 
Napatayo ako at napahawak sa magkabilang braso ko. Damn it, bat ako nanginginig ngayon?!
 
At bakit nararamdaman ko parin ang mga hawak niya sa braso ko?!
 
 
Hindi na ko lumabas ng villa para mag swimming. Nakakaasar lang kasi panira ng mood yang stupid nerd na yan eh! Kung anu-ano ang ginagawa at sinasabi ngayon! He’s acting very weird lately! Ayan ba epekto ng halik ni Shaina? Nakaka-sira ng ulo ng mga tao?
 
Sana di pa niya nahahalikan ang Enchong ko. Mahirap na no mamaya masiraan pa ng ulo ang pinakamamahal ko. =__=
 
Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Naalala ko na naman yung ginawa saakin kanina ni Gerald.
 
 
“yes I am attracted to you right now Kim”
 
 
Ay gulay! Napatakip ako ng mukha ko dahil parang naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko dito. Bat parang ang init ata kahit naka centralized ang aircon dito sa loob ng villa?
 
Bigla ulit pumasok sa isip ko yung paghawak ni Gerald sa magkabilang balikat ko at unti-unti nitong pagbaba sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang balat niya sa balat ko. Yung hawak niya parang nagbibigay ng kuryente saakin.
 
ACHECHE! ANO BA TONG INIISIP KO!!
 
Napabangon ako bigla.
 
Tokwa naman oh! This is wrong!! Anong na-aattract siya sakin?! Gusto niya bang sipain ko mukha niya ng matauhan siya?! si Enchong ang dapat ma-attract saakin! At siya, dapat kay Shaina siya ma-attract!!
 
Hanggang ngayon wala pang nararating ang mga plano namin eh. Dapat kanina mahuhulog na saakin si Enchong kung di lang siya dumating.
 
Hay naku naman! Nakakaasar na stupid nerd na yan! Ang weird weird pa ng kinikilos niya lately!
 
Kailanga kumilos na ko. Dapat mapaghiwalay ko na si Shaina at Enchong bago pa tuluyang
malason ng impaktan na yun ang utak ng Enchong ko!
 
 
*knock knock*
 
“sino yan?”
 
May nag bukas ng pintuan ng room then nakita ko si Tita Dawn
 
“oh Kim you’re here. Kain na tayo ng dinner”
 
“ah ok po”
 
 
Tumayo na ako at pumunta doon sa dining hall. Nakita ko naman na wala ng occupied na upuan except doon sa tabi ni Gerald.
 
Hay kainis. Why do I have to sit beside that stupid nerd?!
 
Dahil wala akong choice, kesa naman nakatayo akong kumain, edi naupo na lang ako doon sa tabi niya.
 
 
“K-kim” narinig kong bulong niya “a-ano s-sorry kanina”
 
 
Inirapan ko lang siya.
 
Ngayon nabubulol na naman siya. Why does he keeps on acting so cool then he’ll act so stupid afterwards?! Nakakaasar ah!
 
Nag start na kami kumain.
 
 
“uhmm gusto mo ng fish? i-ipaglalagay kita” alok ni Gerald
 
“no thanks”
 
“how about soup, eh fruits, gusto mo ng drinks”
 
Tinignan ko siya “kaya kong pagsilbihan ang sarili ko so stop bugging me!”
 
 
Nag pout siya at bumalik narin sa pagkain then hindi na niya ko inistorbo simula nun.
 
After namin kumain at mailigpit ang mga pinagkainan namin, pinabalik na kami ni director sa mga rooms namin.
 
 
“ok guys, matulog na kayo, maaga pa tayo bukas. Wala ng lalabas ng rooms ok?”
 
“yes direk!” we all said in unison
 
“good. Oh, Shaina, Enchong, Gerald and Kim, maiwan muna kayo dito. The rest of you, matulog na”
 
 
Huh? Bakit iwan kami?
 
 
“una na ko sa room ha. I’ll just leave the door open. Enjoy guys” bulong ng mom ni Gerald
 
“ano pong gagawin?” tanong ko naman sa kanya
 
“you’ll see” she winked then pumasok na siya sa room namin
 
“ok guys maupo kayo sa sofa”
 
 
Sinunod naman namin yung utos nung director at naupo kami sa sofa. Bigla naman niyang pinatay yung ilaw at wala akong halos makita. Yung liwanag lang na nangagaling sa buwan ang tanging ilaw namin, pero sinarado din niya agad yung curtain kaya totally ang dilim
 
 
“I’m scared” narinig kong sabi ni Shaina
 
“don’t be, I’m here”
 
Grrr scared your face Shaina! Nanananching ka lang eh! >:(
 
Naaninag kong lumapit saamin si direk at sinindihan yung mga kandila sa harap namin kaya medyo nagkaliwanag kami.
 
 
“ok guys, I want to have a private practice with the four of you. Kayong apat ang lead role kaya kayo ang magdadala sa play na ito kaya gusto kong mas maimprove niyo ang mga emotions niyo. Tonight, we’re going to bring out those emotions inside you. Anger, love and pain. Ayang tatlo ang gusto kong mapalabas niyo ngayon”
 
“but how?” tanong ni Enchong
 
“each pair will stand in front. Sasabihin ko sa inyo kung ano sa tatlo ang gusto kong ipalabas na emotion sa inyo. Magbabatuhan kayo ng lines based on your real experiences. For sure naman naramdaman niyo na yang tatlong yan di ba?
 
 
Nung mga panahong nakakaramdam kayo ng galit, ng love, ng pain, gusto kong sabihin niyo sa ka-pair niyo. Naiintindihan niyo ba?”
 
 
“yes sir”
 
“ok good. First pair, Shaina and Kim in front”
 
Tumayo kami ni Shaina sa harap at nag hintay sa sasabihin ni direk. Naku naman wag niyang masabi-sabi na love ang gusto niya ipalabas na emotion saamin nitong impaktang Shaina na to kasi sa totoo lang wala akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal dito. Like eeeew.
 
 
“anger”
 
Napangiti ako sa sinabi ni direk. Magiging madali ito ah
 
 
“you first Shaina”
 
Humarap kami sa isa’t isa ni Shaina then nakita kong huminga siya ng malalim at after nun bigla na lang siyang sumigaw
 
“bakit ka ganyan?! Ano bang nagawa kong masama sayo para tratuhin mo ko ng ganito?! I know galit ka saakin at kahit anong isip ko hindi ko alam kung anong dahilan nito! Bakit, naiinsecure ka ba saakin?! Naiingit ka ba saakin ha?! Please stop it! Wala akong ginawang masama sayo para tratuhin mo ko ng ganyan! I don’t deserve this! Kung naiingit ka wala na kong magagawa! It’s your fault! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo dahil kahit kailan, hinding hindi mo siya makukuha saakin!”
 
 
 
After sabihin ni Shaina yun, walang nagsalita. Ramdam na ramdam ko ang emotions niya, ang galit niya, doon sa taong pinagsasabihan niya ng mga bagay na yan.
 
 
At tinamaan ako.
 
 
Hindi ko alam kung para saakin yang mga sinabi niya pero nasaktan ako na ewan.
 
 
Ngayon lang ako nasaktan dahil sa mga binitiwang salita ng babaeng to to the point na halos hindi ako makapagsalita.
 
 
“Kim your turn!” I was back to my senses ng marinig ko ang sigaw ng director.
 
Katulad ng ginawa ni Shaina, huminga ako ng malalim atsaka ko isinigaw lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya
 
“alam mo kung bakit nakakainis ka ha?! Dahil simula ng dumating ka, nawala na sakin ang bagay na pinaka mahalaga saakin! Inagaw mo ang pwestong dapat nandun ako! Bakit kailangan mo pang dumating sa panahong malapit na kong sumaya?! Buong buhay ko nilalayuan ako ng mga tao, siya na lang yung nagiisang lalaking nakakapagpasaya saakin kinuha mo pa?! mangaagaw ka! Hindi dapat ikaw ang kasama niya kundi ako! Umalis ka na sa pwestong yan! Ako ang dapat na nandyan hindi ikaw!”
 
 
Naramdaman kong patulo na ang luha ko kaya naman lumunok ako para mapigilan to. Tokwa namang practice to nakaasar!
 
“very good!” pumalakpak si direkr “you two done a great job! Next pair, Enchong and Shaina”
 
 
Umupo ako sa tabi ni Gerald at si Enchong naman pumunta sa harap ni Shaina.
 
 
“are you alright?” narinig kong bulong ni Gerald
 
 
I just nod at pinanuod sina Shaina
 
 
“the feeling of love”
 
 
Tss, sa dinami dami ng mapupunta sa kanila bakit ayan pa?!
 
 
“Enchong, you go first”
 
 
Humarap si Enchong kay Shaina then he smile at her
 
 
“alam mo ba kung ano ang first impression ko sayo dati? Tahimik, suplada at walang ibang inintindi kung hindi ang pag aaral. Pero who would have thought na maeenjoy ko ang company mo ng sobra. Kung sabagay, kahit nga hindi ka nagsasalita nag eenjoy ako na kasama ka. Alam mo ba na ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko? Pag ngumingiti ka, pag tumatawa ka, parang lahat ng problema ko nawawala. You are an Angel sent from above. Masaya ko na kasama ka, masaya ko na nandito ka sa tabi ko. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko”
 
 
Lumunok ulit ako para mapigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. Nakakainis naman tong practice na to, parang pumunta lang ako dito para saktan ang sarili ko eh.
 
Ayoko na ng mga naririnig ko. Parang paulit ulit na sinasampal saakin na kahit anonggawin ko hindi ko sila mapaghihiwalay dalawa.
 
It’s Shaina’s turn na magsalita
 
“alam mo bang nakakaasar ka dati? Kasi unang kita ko pa lang sayo crush na kita eh ang problema, nalaman kong officer ka ng student council, member ng drama club at president pa ng English club. Ang taas mo naman, ang hirap mong abutin. To think na ang dami pang babae dito sa school na to na nagkakagulo sayo. Hindi ko ineexpect na saakin mo ibabaling ang attention mo, na saakin mo ibibigay ang puso mo. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko at mahal na mahal kita. Salamat din dahil minahal mo ko”
 
Lumapit si Enchong kay Shaina at hinalikan ang noo nito.
 
Pumalakpak ulit yung director “ok mukhang madali ata sa inyo ang nabigay ko ah to think na overflowing na pagmamahal ang nararamdaman niyo sa isa’t isa” sabi niya habang natatawa tawa pa
 
 
 
Tss overflowing na pagmamahal?!
 
Matatapatan ko din yan!
 
Alam ko, matatapatan ko din yan.. :(
 
 
“Kim and Gerald in front”
 
 
Pumunta kami ni Gerald sa harap at hinintay ang instruction ni direk
 
 
“pain”
 
 
Anak ng tokwa oh! Kanina ko pa kaya nararamdaman yan!! Bakit yan pa! pwede bang happiness na lang?!
 
 
“you go first Kim”
 
 
Huminga ako ulit ng malalim at tumingin kay Gerald habang iniisip ko na siya si Enchong
 
 
“mahal kita. Sayang di ko manlang nasabi sayo yan. Eh paano ko ba naman masasabi sayo, bago pa magkaroon ng ‘tayo’ pinagpalit mo na ko agad? Dumating lang siya nakalimutan mo na ko. Sabi mo saakin dati pag kasama mo ko masaya ka. Nung dumating siya nakalimutan mo na yun? Yung mga ginawa natin na magkasama? Yung mga sinabi natin sa isa’t isa? Nakalimutan mo na lahat? Pati ako nakalimutan mo na? ang sakit! Alam mo pakiramdam ko? Para akong isang ballpen na naubusan ng tinta kaya itinapon mo na!” hindi ko na napigilan ang luha sa mata ko at kusa na lang tong bumuhos dito “kada makikita ko kayong magkasamang dalawa, laging nasa isip ko, sana ako na lang ang kasama mo, ako ang nakayakap sayo, ako ang nagpapangiti sayo. Ang sakit eh. Ang sakit sakit! Mas higit ba siya sakin? Mas maganda ba siya?! mas napapasaya ka ba niya?! Kaya naman kitang pasayahin ah! Bakit siya ang pinili mo samantalang ako ang nauna?! Bakit siya?! bakit?!” napaupo ako sa sahig habang humahagulgol ng iyak.
 
 
Ito ang unang beses na naisigaw ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng gusto kong isumbat sa kanya, lahat ng nararamdaman ko sa kanya, ngayon ko lang nailabas ito. Ngayon lang din ako umiyak ng ganitong katindi.
 
Ang sakit sakit.
 
Naramdaman kong may yumakap saakin kaya napatigil ako sa paghagulgol
 
 
“G-gerald”
 
 
“hindi mo ba alam, kada nakikita kitang tinitignan siya sa malayo nasasaktan ako? Lalo na pag nakikita kong nasasaktan ka ng dahil sa kanya. Nung una hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko eh, pero ngayon malinaw na sakin. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Ayoko ng makita kang mag habol o masaktan ng dahil sa taong yun”
 
 
Humarap si Gerald saakin at nagulat ako ng makita kong may mga luha narin sa pisngi niya
 
 
Tinitigan niya ako sa mata at ramdam na ramdam ko ang sakit doon sa mga sumunod na salitang binitiwan niya
 
 
 
 
 
 
 
"pwede bang ako na lang ang mahalin mo? Please, ako na lang"
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe