Chapter SEVENTEEN

Ang Bidang Kontrabida

 

“pwede bang ako na lang mahalin mo? Please, ako na lang”
 
 
Pinunasan ni Gerald ang mga luha sa pisngi ko habang ang mga luha naman niya patuloy na bumabagsak sa mata niya.
 
Hindi ako makapag salita.
 
A-anong ibig niyang sabihin sa mga bagay na to? Bakit niya sinabi to? Umaarte lang ba siya? Imposible namang para kay Shaina ang mga bagay na to eh. Imposible.
 
Siguro nga, umaarte lang si Gerald. Sinakyan niya ang mga salitang sinabi ko. Siguro ayaw niyang magsabi ng kahit ano tungkol kay Shaina.
 
 
Pero bakit ramdam ko ang sakit?
 
 
Nakarinig kami ng malakas na palakpak galing sa director, kay Shaina at kay Enchong.
 
 
“nice one! This is great! Ganyan ganyan ang gusto kong makita! Hindi nga ako nagkamali sa pag pili ng mga lead roles!”
 
 
Tumayo si Gerald at inalalayan niya akong tumayo. Pinunasan niya ang luha sa mata niya atsaka tumingin sa director at nginitian ito.
 
 
“ayos po ba?”
 
“ayos na ayos!”
 
 
Tinignan ko si Gerald.
 
Sabi ko na eh, acting lang. Imposibleng totoo.
 
 
“good job guys! I hope na sana sa mismong play madala niyo itong mga emotions niyo na to”tumayo na si direk “pwede na kayong bumalik sa mga rooms niyo. See you tomorrow. Sleep well ok?”
 
“opo” we all said in chorus
 
Nagsibalikan na sila sa mga assigned room. Nakita ko pang lumapit si Enchong kay Shaina at hinalikan ito bago siya pumasok sa room.
 
Napahinga na lang ako ng malalim at lumabas doon sa villa at naupo sa may gilid ng puno malapit dito. Nakita ko naman na sinundan ako ni Gerald at naupo siya sa tabi ko.
 
 
“hindi ka pa matutulog?” tanong niya saakin
 
“hindi pa. Mauna ka na lang”
 
“Kim” nagulat ako ng biglang hawakan ni Gerald ang kamay ko “about yung sinabi ko kanina—“
 
“ah!” hinila ko pabalik yung kamay ko “g-grabe ang galing mo p-pala umarte Gerald!” I gently pushed him “ikaw ha! May paiyak-iyak ka pa kanina! Pero daya mo, sabi ni direk based on real experience eh” agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
 
“umaarte?” huminga ng malalim si Gerald at hindi na siya ulit umimik
 
 
Ilang minutong katahimikan. It's awkward. At pakinshet lang, di ko alam bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon. Bakit ba ko naiilang sa stupid nerd na to?!
 
Nagulat ako ng biglang hawakan ulit ni Gerald yung kamay ko.
 
 
"G-gerald"
 
“paano kung sabihin ko sayong totoo lahat ng sinabi ko?”
 
Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya “t-talaga? Wow, m-may ganun ka palang experience”
 
“Kim naman eh!!”
 
 
Napalingon ako bigla kay Gerald gawa ng gulat ko nung sumigaw siya and he’s wearing a painful expression on his face
 
 
“ganyan ka ba talaga ka-manhid?! Kim, mahal kita
 
 
Pakinshet.
 
 
Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya. Kanina ko pa naiisip ang bagay na yan pero bakit nung sinabi na niya gulat na gulat parin ako?!
 
Hindi ko alam kung anong i-re-react ko ngayon. Pero alam ko naiinis ako.
 
Bakit niya hinayaan ang sarili niyang mahulog sakin?!
 
 
“s-stop talking non-sense” bulong ko
 
“non-sense?! Kim non-sense ba talaga sayo to? Wala bang kwenta tong sinasabi ko para sayo? Mahal kita! Mahal kita!!”
 
“Shut up! SHUT UP!! Hindi mo ko pwedeng mahalin! Kay Shaina ka lang Gerald hindi saakin!”
 
“bakit ba dinidiktahan mo ako kung sino ang dapat kong magustuhan?! Bakit hindi pwedeng magustuhan kita Kim?!” hinila ako ni Gerald papalapit sa kanya at pilit akong niyakap
 
“A-ano ba Gerald bitawan mo ko!!” nagpupumiglas ako sa yakap niya pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin
 
“Kim, hindi ko alam kung paano nagsimula itong nararamdaman ko sayo pero kung alam mo lang, pinigilan ko to. Pero habang tumatagal mas lalong tumitindi ang pagkagusto ko sayo eh. Isang araw nagising na lang ako na ikaw na ang gusto kong makasama hindi si Shaina. Kada makikita kitang nasasaktan dahil kay Enchong, nasasaktan din ako. Kim mahal ni Enchong si Shaina. Mahal na mahal niya to. Please, kalimutan mo na siya. Wag na lang siya ang mahalin mo. Pwede bang ako na lang? Please Kim ako na lang”
 
 
Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Gerald.
 
 
Stupid nerd! Napaka stupid talaga niya at hinayaan niyang mahulog saakin :(
 
 
“pero kay Enchong ako sasaya. Sakanya lang” bulong ko dito
 
Humiwalay si Gerald sa pagkakayakap saakin “Kim, please..”
 
“wag ka nga mag makaawa saakin! Akala mo mamahalin kita pag nag makaawa ka sakin?! Akala mo pag bib---“
 
 
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang ako hinila ni Gerald papalapit sa kanya at mariin niya akong hinalikan
 
I tried to push him away pero mas malakas siya saakin.
 
 
“G-gerald-- hhhmmfffff!!”
 
Tinulak ko siya ng pagkalakas lakas kaya napalayo siya saakin. Agad ko naman siyang sinampal ng malakas.
 
“you bastard!!”
 
Tinalikuran ko na si Gerald at naglakad palayo kaso hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako
 
“Sasaya ka ba talaga kay Enchong?”
 
Tinignan ko si Gerald “oo, sa kanya lang ako sasaya. Siya ang mahal ko at wala na kong mamahalin na iba kundi si Enchong lang” mariin kong sabi sa kanya para bawat salita ko eh tumatak sa isip niya
 
Huminga ng malalim si Gerald “ok, kung doon ka sasaya wala na kong magagawa. Bukas, pag tulog na lahat ng mga tao, pumunta ka dito sa lugar na to. Pangako magiging sayo na si Enchong”
 
Pagkatapos niyang sabihin yun, tuluyan na siyang umalis.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe