Chapter TWO

Ang Bidang Kontrabida

 

 

Pasulyap-sulyap.

 

Mga pa-cute na ngiti

 

Pagpapapansin sa pamamagitan ng pagbati ng “hi” kada magkakasalubong at “goodmorning”kada umaga.

 

Ganyan kami madalas ni Enchong. Tatlong taon naming habit yun. Tatlong taon ko narin siyang crush na nauwi sa love. Kada boring ang subject wala akong ibang ginawa kundi i-flames ang name ko sa name niya. Mahilig ako isulat yung name nya sa likod ng notebook ko. Or minsan pangalan ko na kadugtong ay apelido niya.

 

Tatlong taon na akong patay na patay sa kanya at lagi na lang siyang inaabangan sa hallway para bigyan ng mapang-akit na ngiti. But not until our senior year came. Naging magkaklase kami and nakakuha ako ng chance na mas lalong mapalapit sa kanya. Hanggang sa isang araw sabi niya saakin crush niya ko. Yung kilig ko to the highest level na! Aba sino bang hindi? Crush ako ng crush ko!!! Bwahahahahaa, pwede na kong mamatay! Ay wag muna pala, hindi pa nagiging kami eh.

 

Syempre sabi ko crush ko rin siya! Di ba bongga?

 

Nag sabihan na kami ng I crush you, I crush you too. Saan na ang next level nito? Alam na! M.U M.U na kaming dalawa. Bwahahaha. At syempre hinihintay ko na lang siya magkaroon ng lakas ng loob para ligawan ako. Naku hindi narin naman siya mahihirapan pag nagtanong siya kung pwede siyang manligaw! Agad agad kong sasagutin ng “oo, sinasagot na kita! Girlfriend mo na ko!!!”tapos nun happily ever after na kami!

 

Well, akala ko lang.

 

One month after ng opening of classes, may late enrollee dito sa school.

 

Si Shaina.

 

Maganda, mahinhin, matalino at napakabait na babae. Sabi nila para daw talaga siyang anghel na hulog ng langit.

 

Sumang ayon ako.

 

Oo, para siyang anghel na HINULOG SA LANGIT, hindi kasi sya nababagay don. At saka hindi lang sya  basta HINULOG, HINAGIS PA, TINULAK, IBINAGSAK AT PINATAPON!

 

Tokwa siyang babae siya. Dahil nga new student at magiting na school buddy officer ang labidoo ko, nautusan si Enchong na i-tour si Shaina sa school for familiarization. And walanjo talaga! Malaman laman ko close na agad sila! Or baka feeling close na agad yung impaktang Shaina na yun. Feelingera. Pero after ilang weeks, lagi na silang magkasama ng labidoo ko. Sabay sila mag lunch, sabay umuwi, naging magka seat mate pa. Inaasar na sila ng mga kaklase namin, feeling daw nila magkakatuluyan si Shaina at Enchong. Parang dati lang kami ni Enchong ang inaasar, ngayon naagawan na ko ng role sa istoryang to.

 

Ang sakit.

 

“uy alam mo ba yung balita? Nagtapat na daw si Enchong kay Shaina na gusto niya to!” sabi nung katabi ko

 

“oo nga eh! Grabe nakakakakilig sila!!” sabi pa nung isa.

 

Kinalabit ako nung dalawang tsismosa “Kim nabalitaan mo na ba yung kay Shaina at Enchong? Nakakakilig no? pero di ba matagal mo ng crush si Enchong? Di ka ba nahuhurt?”

 

Impaktang to! Ano akala niya sakin bato at hindi marunong masaktan?!

 

“Hindi ako nasasaktan kasi alam kong hindi totoo yun” tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan yung dalawang chismosa “Weak minds talk about people. Dears, if you don’t have anything good to say you better keep your mouth shut. Gossip is a sin you know” I rolled my eyes in a cool way sabay hawi ng bangs sa mukha tapos nag walk out na ko.

 

Taray ba? Paki niyo! May aangal?! Kelan ka pa nakakita ng kontrabidang mabait aber?!

 

Pumunta na lang ako sa canteen para makakain. Nasaan na kaya yung bwiset na Shaina na yun? For sure naka pulupot na naman yun kay Enchong!

 

Pagdating ko sa canteen, agad kong nakita si Shaina at Enchong na magkatabi sa isang sulok habang sabay na kumakain at masayang naguusap. Grrrrrr nakakakulo ng dugo. Impaktang Shaina siya!!!!! Napakalandi niya!!!

 

Titig na titig ako doon sa dalawa sa gilid na kulang na lang ay matunaw sila sa talim ng mga tingin ko sa kanila. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro ngayon napaslang ko na si Shaina.

 

Die Shaina die!!!! *________*

 

*BOOOGSH*

 

“What the--?!”

 

Dahil ang attention ko ay nandun kay impaktang Shaina, nagulat na lang ako ng may nabunggo akong lalaki at natumba siya sa sahig.

 

Inuulit ko, oo siya ang natumba sa sahig hindi ako. Weak. Eww

 

“s-s-s-s-s-so-rr-rr-yy” sabi niya saakin habang inaayos niya yung tumabingi niyang salamin at pinupulot yung mga librong dala-dala niya.

 

“Stupid nerd! Look where you’re going!!” inirapan ko siya sabay walk out papunta doon sa counter para maka bili na ng lunch.

 

Bwisit na nerd yun, pinapatay ko na sa isipan ko si impakta sukat na banggain daw ako?!

 

Dumiretso na agad ako sa counter then I ordered chicken cordon bleu, cream of mushroom soup then my favorite, chocolate mousse.

 

Bigla ko tuloy naalala ang mga panahong wala pa si impaktang Shaina. Lunch break din yun and I was about to buy the very last slice of chocolate mousse ng biglang may isang lalaki ang nakasabay ko rin bumili noon. We both said in unison that we will buy the cake kaya naman hindi alam nung babae kung kanino ibibigay. I was about to kick the @ss of that bastard who is trying to steal my mousse ng makita kong si Enchong pala to. At dahil may dugo siyang gentleman, nag give way na siya and binigay saakin yung mousse. At dahil naman sa mahal ko siya at may taglay akong *ehem*kalandian*ehem*, hindi ako pumayag. Sabi ko share na lang kami, and pumayag naman siya kaya sabay namin kinain ang oh so delicious na chocolate mousse. And that is also our very first long conversation

 

Kaso ngayon iba na ang kasama niyang kumain ng favorite kong chocolate mousse. Bwisit kasi yung impakatan na yun eh!!! Sukat dumating pa sa buhay namin!!

 

Pero ano bang role ko ulit? Kontrabida di ba? At ano ang ginagawa ng kontrabida? Ang manira ng buhay ng iba! Kaya yan ang gagawin ko ngayon! Bwahahaha!

 

Oy, pero come to think of it, that Shaina also ruined my life! The moment na nag pumasok siya sa buhay namin, sira na agad ang love life ko! Does that mean na kontrabida din siya?

 

Nah! I don’t think so! Mabait nga siya di ba? Maganda, mahinhin at matalino! Ang mukha ng isang protagonist. And ako, maldita, ayaw nagpapatalo… pero maganda din. Perfect na mukha ng antagonist.

 

And it , really.

 

Kawawang mga antagonist, naagawan na nga ng mahal, kinagalitan pa ng madami. By the end of the story sila pa yung namamatay, nakukulong, o nababaliw. Kawawa talagang mga antagonist. Wala ng boyfriend, nabaliw na’t lahat, natuwa pa ang mga tao sa nangyari sa kanya. At yung mga walangyang protagonist, busy magpakasaya habang si kawawang protagonist ay busy sa pagiging miserable. Tsk tsk.

 

Lumapit ako doon sa table ni Shaina at Enchong. Nakita ko kasing nakaupo sila doon sa table na kasya ang sampung tao at dadalawa lang sila doon. Siguro naman may space pa ako doon no?

 

“uhmm, excuse me pwede ba akong makiupo?” I asked them habang todo twinkle ng mata ko. Siomai bat ba ang gwapo ni Enchong!

 

“oh sure, have a sit Kim” sagot saakin ni papa Enchong. Si impaktang Shaina naman nakangiti lang saakin.

 

Ngingiti-ngiti nito?! Feeling niya naiingit ako sa ngipin niya?! Exucez-moi, mas pang commercial ng close-up ang ngipin ko no!

 

Pumunta ako sa tabi nila and nakisiksik ako sa gitna nilang dalawa. Bali siksikan kami sa kabilang side habang doon naman sa tapat namin sobrang dami pang space. Bwahahaha napaghiwalay ko sila, I am so mean! I love it!

 

“hi Enchong! Enjoying your lunch” tanong ko sa kanya

 

“uh, yeah”

 

“ako din! Hey look, I bought a chocolate mousse di ba favorite mo to?”

 

“h-ha? y-yeah”

 

Kumuha ko ng small serving ng chocolate mousse then itinapat ko sa kanya “oh dali tikman mo”

 

“h-ha?” gulat na gulat na tanong niya saakin habang nagaalangan kung isusubo niya yung chocolate mousse o hindi.

 

Nakita kong tumingin si Enchong kay Shaina then sinubo narin niya yung cake. I got a glimpsed of Shaina’s face and she has a painful expression.

 

I smirk. Ngayon alam mo na ang pakiramdam kung paano maagawan ng eksena.

 

 

[P.E class]

 

Hay nakakatamad naman! pinag free play lang kami ng teacher namin and nandun sila sa court naglalaro ng volleyball at basketball. Ako naman nakaupo lang sa bleachers at nanunuod. Ayoko kasing pagpawisan no. Ewwww. Dahil nakaka bored naman manuod ng laro nila at nowhere to be seen din si Enchong, nagpunta na lang ako sa garden at pinuntahan yung cage ng mga rabbits doon.

 

Dahil nakaka bored naman manuod ng laro nila at nowhere to be seen din si Enchong, nagpunta na lang ako sa garden at pinuntahan yung cage ng mga rabbits doon.

 

Pagkadating ko nagulat ako nung makita ko si Enchong at Shaina na naguusaphabang magkahawak ang kamay.

 

So dito pala kayo naglalandian dalawa ha!

 

“uhmm so free ka ba tomorrow? Pasyal tayo sa mall kung ok lang sayo” tanong ni Enchong kay Shaina

 

Waaaaaaaaah mag dedate sila?! Oh no!! Hoy impaktang Shaina say noo say nooooo say noooooooooooooooo

 

“sure. Free ako tomorrow!” sagot ni impakta habang ngiting ngiti.

 

Grrrrrrrrrrrrr. I’m gonna kill you Shaina! Prepare to die!!!! +_____________+

 

Sa sobrang galit ko napapadyak ako sa ground kaya naman agad silang napatingin sa likod nila kung saan ako nagtatago.

 

“may tao ba diyan?” sigaw ni Enchong Dahan-dahan akong umalis sa pwesto ko and nung medyo malayo na ko sa kanila agad akong tumakbo. Waaaaaah sana hindi nila ko nakita!! =______=

 

*BOOGSH!*

 

Bigla akong napatumba kasi bumangga ako sa kung ano, at ng makita ko yung kung ano na yun, tao pala.

 

“IKAW NA NAMAN?!”

 

Sigaw ko nung makita ko yung nakabangga ko. Yung nerd lang naman na bumangga din saakin sa canteen kanina! Grrrr

 

“s-s-sss-so-rr-rr-yy” sabi niya ulit sakin.

 

Bat ba ganito magsalita to ha! May down syndrome ba to? Oh balukto lang ang dila? Baka naman masyadong nagagandahan sakin?

 

Tumayo ako sa pagkakaupo ko “hey you stupid nerd! Dalawang beses mo na kong binangga ngayong araw na to! Do you want to die?!”

 

“a-ayoko!!” bigla na lang siyang kumaripas ng takbo at iniwan akong nakatayo doon.

 

Tss, napaka weak naman ng isang yun. And weak guys is what I despise the most

 

 

[Saturday]

 

Ayan na sila! Nagtakip ako ng dyaryo sa mukha ko and kunyaring nagbabasa habang hinihintay kong dumating si Enchong at Shaina. Agad ko namang nakita si Enchong na pumasok sa coffee shop then kasunod niya si Shaina.

 

Grrr etong impaktang no enjoy na enjoy ang paghawak sa kamay ng loves ko!

 

Umorder na silang dalawa ng coffee and cheesecake. Then after nun nag kwentuhan naman silang dalawa. Hindi ko marinig ang pinagkukwentuhan nila pero mukhang ang saya saya nila. Ang sarap nilang buhusan ng kape!!

 

Mas ikinagulat ko pa nung punasan ni Enchong yung gilid ng labi ni Shaina dahil may cheesecake daw.

 

Sus style mo Shaina bulok!

 

Nung tumayo sila agad ko naman silang sinundan. Wala naman silang ginawang ka excite excite. Nag window shopping lang sila, stroll stroll, laro saglit sa time zone, window shopping ulit at stroll stroll ulit.

 

Geez napaka boring naman ng date na to oh! Palibhasa boring din kasi ang kasama ni Enchong eh! Kung ako pa ang niyaya niya sus hindi lang basta stroll sa mall ang gagawin namin.

 

Nung mapagod na silang maglakad, pumasok sila sa Dairy Queen. Hay salamat! Kahit ako pagod narin ng kakasunod sa kanila! Umorder lang sila doon and agad ring lumabas at naupo sa bench malapit sa fountain ng mall at doon kinain yung ice cream nila.

 

Ako naman syempre todo tago sa likod ng bleachers na inuupuan nila. Dapat marinig ko na ang pinaguusapan ng dalawang to!

 

“uhmmm Shaina..” sabi ni Enchong

 

“yes?” sagot naman ni Shaina habang nakangiti. Grrr landi.

 

“uhmm ano kasi can I---uhhh---can I—“

 

Nakita ko na parang nagaalangan si Enchong sa sasabihin niya. Waaaaaaaaaaaah ano yang can I na yan ha?!

 

Can I borrow your notes? Can I copy your assignment? Can I eat your ice cream? Can I punch you? Baka naman Can I kiss you? Can I court you? Can you be my girlfriend? CAN I BE YOUR HUSBAND?! O_____O

 

Waaaaaaah hindi pwede!!! Hindi ako makakapayag!!! Ako lang ang nagmamayari kay Enchong! Akin siya!!! Hindi siya pwedeng mapunta sa impaktang Shaina na yan!!!

 

“HINDEEEEEEEEEE!!!!”

 

Napalingon sila bigla sa likod at ako napaupo sa sahig habang takip takip ko ang bibig ko.

 

 

Stupid Kim! Bat ba ko sumigaw ng ganun?! Pero bat parang may narinig din ako na sigaw ng lalaki na nag sabi rin ng hindeeeeeeeee?!

 

“may tao ba diyan?!” tanong ni Enchong

 

Wala…walang tao dito. Diyosa meron! -______-

 

Again, dahan dahan akong umalis sa pwesto ko atsaka tumakbo. Good thing naka cap ang shades ako ngayon at mahirap ako maidentify kaya lang nagulat ako ng bigla nila akong habulin dalawa.

 

Mabilis akong tumakbo then bigla na naman akong nabangga sa kung ano. Nung makita ko kung sino nakabangga ko, yung stupid nerd na naman nay un!!! Ano ginagawa nito sa mall?! Kaya lang hindi ko na siya nagawang sigawan dahil nagmamadali ako sa pagtakbo. Nagulat naman ako ng si stupid nerd ay sinabayan din ako sa pagtakbo.

 

“hey you! Bat ka nakikitakbo?! Anong feeling mo nag jojogging ako?!” sabi ko sa kanya

 

Hindi niya ako pinansin at tuloy parin sa pagtakbo.

 

Aba! Dinedma ang beauty ko?!

 

Nagtago ako sa gilid ng fire exit then siya din nakigaya at nagtago sa may kilid ng fire exit.

 

Eh? Ano to follow the leader?

 

“hey why are you following me?!” tanong ko sa kanya

 

“eh kasi—“ before niya matuloy ang sasabihin niya nakita namin si Shaina at Enchong na parating na kaya bigla kaming nagtago sa likod ng hagdan sa may fire exit. Nung makalagpas sila nakahinga ako ng malalim.

 

“hay akala ko katapusan ko na” sabi ko sabay hinga ulit ng malalim

 

“ako din” huminga din sya ng malalim.

 

Napatingin ako sa kanya “hey don’t tell me you—“ tinuro ko siya “sinusundan mo din ba sila?!”

 

Napayuko nalang bigla si stupid nerd then nakita kong parang tutlo na ang luha niya.

 

EH?! Oy hindi ako nagpaiyak diyan ha! Nagtatanong lang ako! I’m innocent! =_____=

 

“s-s-she’s m-my ex girlfriend”

 

“WHAT?! You mean si SHAINA ex mo?!”

 

He nodded and bigla na lang may bumagsak na luha sa mga mata niya.

 

Napatitig na lang ako sa kanya.

 

Hmm wala sa itsura niya

 

Pero mukhang hindi lang ako ang kontrabida sa kwentong to ah?

.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe