Chapter NINE

Ang Bidang Kontrabida

 

“Hindi ko na to kaya?! Bakit ganito?! Simula ng inihulog ng langit ang Shaina na yun sa lupa nagkanda malas malas na ko?! Ha ?! bakit?!?!” T___T
 
“condolence sister pfftt hahahaha” sabi ni Maja habang pigil na pigil ang pagtawa
 
“huhuhuhuhu. Bakit nagkabaligtad ang mundo?! Hindi pang api-apihan at katulong ang beauty ko! Hindi!!”
 
“o-ok lang yun Kim” sagot naman ni Gerald habang ang lapad lapad ng ngiti sa mukha.
 
 
 
Ay antofu! Ako lang ba nagluluksa sa nangyari?! Mismong si Gerald hindi mabura ang ngiti sa mukha eh! Malamang hanggang ngayon kinikilig parin yan sa yakapa scene  
nila ni Shaina.
 
Samantalang ako ni chansing kay Enchong di ko nagawa! T__T
 
 
“hahahahahahahhahahaa! Bwahahahahaha! Grabe akalain mo yun? Naging BIDA ka? Biruin mo talaga Kim! Wahahahahahahahahaha”
 
“b-bakit? B-bagay naman kay Kim ang bida ah?” sabi ni Gerald habang naka smile from ear to ear
 
Tinignan ko siya ng masama “nangiinsulto ka ba ha?!”
 
“h-hindi..”
 
“teka nga Gerald, bakit mukhang ang saya saya mo ngayon?” tanong ni Maja sa kanya
 
“eh paanong hindi!!! Naka chansing yan kay Shaina!” sagot ko naman
 
“naku, baka naman dahil kapartner mo si Kimmy kaya abot tenga ngiti mo?” sabi ni Maja kay Gerald
 
“ha? ahm,, eh.. ah.. ay! M-may pupuntahan pala ko! S-sige babye” biglang kumaripas ng takbo si Gerald palayo saamin
 
“alam mo mahfriend, bagay kayo ni Gerald swear!”
 
“kami?! Bagay?! Na-uh! Kita mo ngang total opposite ko yung lalaking yun eh! Tsaka hindi siya ang tipo na gusto ko! Napaka weak! Ayoko ng ganun. Mamaya pag may nangholdap samin ako pa magtanggol diyan”
 
“but opposite do attracts right? Tsaka tignan mo, kahit gaano ka strong ang personality mo at kahit gaano ka kamaldita hindi ka parin nilalayuan ni Gerald”
 
“kasi may kailangan siya saakin! At ayun ay ang makuha si Shaina!”
 
“hay naku mahfriend bat ba ang manhid manhid mo?” tumayo na siya then tinapik niya ko sa balikat “well goodluck na lang sayo Ms. PROTAGONIST hahahahaha” at  
tuluyang umalis habang walang humpay na tumatawa =___=
 
 
 
Madapa ka sana mahfriend! +____+
 
Kinuha ko narin yung bag ko at inayos yung gamit ko. Jusko wala na mangyayari saakin kung iiyakan ko lang ito. Kailangan mag move on! Pero… pero kasi…
 
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Si Kimberly Chiu protagonist?! Kill me now! Napakahirap tanggapin! Ok lang sana kung kapartner ko si Enchongl eh! Tatanggapin ko ang  
pangaapi ni impakta na inihulog sa langit.
 
Pero bakit ba lagi na lang ako kay Gerald napupunta?! T__T
 
“but opposite do attracts right?”
 
 
Ay ewan ko sayo Maja! Hindi kami magnet ni Gerald, tao kami! Kaya hindi kami pwede maattract sa isa’t isa! Never!
 
“Kim!”
 
Badtrip ako wag niyo kong kausapin kung ayaw niyong bawian ng buhay ngayon!
 
Di ko pinansin kung sino mang nilalang ang tumatawag saakin instead tinuloy ko na lang ang pagaayos ng bag ko.
 
“hey Kim” tinapik ako nung istorbong nilalang sa balikat ko..
 
…at sumabog ang bomba
 
 
“ANO BA--!!”
 
“ow, sorry, naistorbo ba kita?”
 
Namula naman ako bigla ng makita ko si Enchong sa likod ko.
 
“ah h-hindi! N-nagulat lang ako” tsaka kung kasing gwapo mo ang mangiistorbo saakin, very willing akong magpaistorbo ^____^
 
 
“oh I’m sorry. By the way, I just want to congratulate you. Hindi kasi kita nakita na kanina eh. Bigla kang nawala”
 
“hehehe nahiya kasi ako. Anyways thanks”
 
“grabe ang galing galing mo kanina! Tsaka bagay na bagay sayo yung role. Di ko alam na talagang may acting skills ka pala. Akala ko kanina totohanan na yung scene niyo  ni Gerald eh. But anyways, hands down talaga ko sayo. Bagay na bagay sayo maging protagonist”
 
 
“t-talaga?” napahawak ako sa pisngi ko “nahiya naman ako bigla! But uy! Salamat talaga ha?” bakit ba nung si Enchong na ang nagsabi kesa mainsulto ako ay abot sa  kasukdulan ang kakiligan na nararamdaman ko? Wahehehehe. Ako na malandi.
 
“you deserve it. So, see you tomorrow. Masaya ako na makakasama na kita sa theater club” he winked at me then nagpaalam narin siyang umalis.
 
Masaya daw siya na kasama ako ohhhh.. Sabi niya masaya siya! huwaaaaaaaaa *kembot kembot* Ano ka ngayon Shaina?! bwahahahahahahahaha *kembot kembot*
 
 
Ngiting ngiti ako habang naglalakad pauwi to the point na pinagtitinginan na ko ng mga tao. PAKI BA NILA?! EH SA KINIKILIG AKETCH EH! MWAHAHAHAHA
 
Alam niyo yung sirang sira ang araw mo pero dahil sa may nangyaring ganto eh naging nakakakilig na araw ito? Ayun ganun ang nangyari saakin. Enchong ang sarap mong  
kidnapin at halayin. Juskooooooo I love you na talaga! So what kung yun ang nakuha kong role? Napuri naman ako ni Enchong at masaya daw siya na nakasama ako sa theater  
club. Hindi man ako makachansing sa mga eksena namin, pwede naman ako chumansing behind the scene!
 
At dahil diyan, seryoso na ko! Protagonist man or antagonist, makasama ko lang si Enchong, masaya na ko! Kahit pa sampal sampalin ako ni Shaina! Dahil alam ko behind  
the scene ako na ang sasampal sa kanya! mwahahahahaha
 
 
(the next day)
 
BAD TRIP =___=
 
Paano ba naman kanina sa meeting ng theater club inassign ako at si Gerald na gumawa ng mga flyers para sa gagawing play. Kaya no choice ako ngayon kung hindi ang  
magpunta sa bahay nila.
 
 
 
Isa pa tong si Shaina kung makapulupot ng kamay sa braso ni Enchong parang ahas! Kung ipulupot ko kaya siya sa taas ng flagpole?! Nakakayamooooootttt.
 
Binigay narin saamin yung buong script para makabisado na namin dahil next week start na ng mga practices. Binasa ko yung script at anak ng tokwa itong nakuha kong  
role. Isa akong katulong, tapos amo ko si Shaina. Aapi-apihin naman ako ni Shaina kasi maldita siya. AT MAGPAPAAPI NAMAN AKO. Tapos biglang uuwi yung pinsan  
ni Shaina from states which is si Gerald at siya ang magiging knight in shining armor ng damsel in distress na si inday. On the other hand, makikilala ni Shaina si Enchong  
tapos si Enchong ang makakapagpabait kay Shaina.
 
 
Ang corny ng story, kasing corny ng author na nagsulat.
 
Tsaka nasan na ba yung stupid nerd na yun?! Dalawang segundo na niya ko pinagaantay dito sa labas ng school gate! Grrrr pag bumalik yun dito katapusan na ng lahi niya!
 
“Kim! S-sorry. Tara na?”
 
Tinignan ko siya ng masama “you” itinulak ko siya sa may pader at iniharang ko ang braso ko “di ba sabi ko naman sayo na ayokong pinagaantay kahit isang segundo? Do  you want to die?!”
 
h-h-hindi. S-s-sorry na. D-di ko na u-uulitin!”
 
“nililinaw ko lang. dahil the next time na gawin mo pa ulit saakin to” I draw a line on my neck “you’re a dead meat”
 
 
“o-opo!”
 
I smile “good” lumayo na ako sa kanya at bigla namang may humintong magarang kotse sa harapan namin. Biglang may nagsibabaang men in black then pinagbuksan nila  ang pinto nung kotse
 
“sir sakay na po”
 
“t-tara na Kim”
 
Teka, teka, teka, teka…
 
 
Wait lang… teka, si Gerald ba ang ‘sir’ na tinutukoy nila? Si Gerald ba yung pinapasakay nila sa kotse?
 
Kay Gerald ba itong kotseng to?
 
Tinignan ko si Gerald tapos tinignan ko yung mga men in black tapos yung kotse.
 
O____O ANO TO?!
 
“ah K-kim?”
 
 
“kotse mo ba yan?”
 
“nope. It’s not mine. Sa dad ko yan”
 
p-pero kahit na---
 
“Kim? Sakay na tayo”
 
Pumasok ako doon sa kotse at sumunod si Gerald. Tulala ako the whole ride at mas natulala ako ng makarating na kami sa bahay nila.
 
 
HOLY STARS meron palang nag eexist na mansion dito sa subdivision namin? O___O
 
Alam kong pareho kami ng subdivision ni Gerald pero di pa ko nakakapunta sa part na to kasi restricted tong part na to dahil puro mayayaman ang nandito. Hindi ka agad  agad makakapasok.
 
 
And to think nasakanila ang pinaka malaking bahay? Bakit ba hindi halata na mayaman ang isang to? Yung way niya ng pagsasalita at pananamit hindi talaga halatang mayaman. Kung di ko pa nga minake over to hindi sana siya mukhang tao ngayon.
 
 
Pero biruin niyong mas mayaman pa siya saakin?! Di ako makapaniwala!! *sampal sa sarili* hindi ba ko nananaginip?! *sampal ulit sa sarili* iniwan ni Shaina ang  multimillionaire na lalaking to? *sampal sa sarili* kung ako sa kanya balikan na niya si Gerald tapos akin na lang si Enchong! Mayaman din naman ako eh di nga lang multimillionaire! Wahahahaa
 
 
Pumasok kami sa bahay at may sumalubong saamin na isang magandang babae. Siguro nasa mid 30’s na siya. Mukha siyang super model and she looks very familiar. Kahawig din niya si Gerald. Siguro ate niya? (look the picture at the side)
 
 
 
“Gerald you’re home!” lumapit yung babae and hinalikan ang magkabilang pisngi ni Gerald “I’ve been waiting for you”
 
“mom”
 
MOM?! Nanay niya?!
 
SERYOSO?! O____O
 
“she’s here..” sabi ng niya sa mom niya na mukhang ate niya
 
“Kim?”
 
“a-ako nga po” wait kilala niya ko? Paano nangyari yun?
 
 
“oh my gosh! Tama nga ang kinukwento ni Gerald! Ang ganda ganda ganda mo!!” niyakap ako ng mom ni Gerald “welcome to the family!”
 
“a-ano po?”
 
Tinignan ko si Gerald ng may halong pagtataka but nilayo niya lang ang tingin niya saakin
 
 
Humiwalay ang mom ni Gerald sa pagkakayakap at pinaghahalikan ang magkabila kong pisngi “hija you can call me mom! Doon din naman ang kapupuntahan non eh!” she winked at me
 
“t-teka lang po.. hindi ko magets.. ano pong—“
 
Biglang hinawakan ng mom ni Gerald ang tummy ko “sana baby girl ang maging anak niyo ni Gerald. For sure magiging kamukha mo yun!”
 
Wait ano daw?! Baby girl?!
 
Teka nga muna!!! Ano ibig sabihin nito?!
 
Tinignan ko ulit si Gerald and he’s avoiding my gaze
 
AY TOFU
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
AKALA BA NG NANAY NIYA EH BUNTIS AKO AT SI GERALD ANG AMA?!
O_______O
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe