Chapter FOUR

Ang Bidang Kontrabida

 

Monday morning again. Nakakatamad pumasok to the highest level! Lalo na kung alam kong may impaktang anghel na nag eexist at nilalandi ang pinakamamahal kong si Enchong! Parang kada maiimagine ko ang mukha ng impakta na yun sa isip ko, feeling ko gusto ko ng makapatay ng tao ng wala sa oras!
 
Lumabas ako ng bahay namin na naguunat-unat pa. Dang, I’m so sleepy =____=
 
“K-kim”
 
Napalingon ako doon sa tumawag saakin at napatitig nung makita kong isa tong gwapong nilalang.
 
He looks familiar. Parang nakita ko na siya though hindi ko lang matandaan kung saan.
 
Maputi.
 
Maamo ang mukha.
 
Maganda ang mata.
 
Kissable lips
 
And..
 
*Sniff*Sniff*
 
Ang bango niya!
 
Sino ba tong nilalang sa harapan ko?
 
“K-kim?”
 
“uhmm, excuse me, pero sino ka?” tanong ko sa kanya habang naka-smile ng pacute.
 
Nakakakilig naman ang kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko! Wahehehehehe.
 
“Kim, a-ako to. Si Gerald”
 
Gerald.
 
Gerald?
 
Gerald?! O___O
 
Si Gerald the stupid nerd ba talaga tong nasa harap ko?! O___O Goodness gracious! Bat ang gwapo niya?! I mean alam ko na napakalaki ng pinagbago niya nung isang araw dahil sa make over ko. Pero mas gwapo siya ngayon! Medyo pinaayos pa niya yung hairstyle niya then may black stud earring narin siya sa right ear niya. And yung pabanggo niya, it smell so y!
 
“oh G-gerald! Anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay namin? Tsaka may nagbago sa itsura mo.”
 
“T-talaga? N-nagustuhan mo ba? Nakita ko kasi sa magazine kaya naisipan kong gayahin”
 
I smile. Infairness maganda ang taste niya ha! Mukhang may natutunan siya saakin. Bwahahahaha. Tsaka iba talaga no pag creation ko! Talbog lahat!
 
Shaina will definitely fall head over heels to him. Nakikinita ko na ang success sa plan namin! Pati narin sa mga love life namin! XD
 
“ano nga pala ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
 
“uhmm k-kasi nahihiya ako pumasok mag isa. N-natatakot ako sa mga sasabihin ng iba saakin.”
 
“sus! Yun lang pala! Tara na nga”
 
Sabay kami naglakad papunta sa school.
 
Pagkadating namin ni Gerald sa school, nakaagaw agad siya ng attention. Halos tumulo ang laway ng mga kababaihan
 
“sino siya? New student? Ang gwapo!”
 
“may girlfriend na kaya siya?”
 
“gusto kong mag apply!”
 
“teka, parang artista ata siya! Feeling ko nakita ko na siya sa tv”
 
“baka naman model?”
 
“baka naman dancer sa gay bar?”
 
“waaaaaaaaaah dancer sa gay bar? Saying ang gwapo kung mga bakla lang ang makikinabang!”
 
“mga baliw! Di siya mukhang dancer sa gay bar… mukha siyang….next boyfriend ko!”
 
“asaness!”
 
“akin siya!”
 
“hindi saakin siya!”
 
"wag kayong feeling! ako unang nakakita sa kanya!"
 
"paunahan na lang oh!"
 
Bwahahahaha mag agawan kayo ngayon sa kanya! KAY SHAINA LANG SIYA! AT AKIN SI ENCHONG! XD
 
“Kim!” nakita kong papalapit saakin si Maja, ang aking BFF and partner in crime “sister, sino siya?” bulong niya saakin habang nakatingin kay Gerald na ngayon ay pulang pula na dahil sa attention na nakukuha niya.
 
“creation ko. Ayos ba?”
 
“wow, ang gwapo ha! Akin na lang siya!”
 
“sorry dear, kay Shaina lang siya”
 
“Shaina? Yung lintang anghel na dikit ng dikit sa papable Enchong mo?”
 
“corrected by!” nakita kong paparating si Shaina. And mas lalo akong napangiti.
 
Kinalabit ko si Gerald “stupid nerd, ayan na ang anghel mo! Lapitan mo”
 
“h-ha? P-pero..t-teka..”
 
“wala ng angal angal pa! kausapin mo na siya!” itinulak ko siya papalapit kila Shaina. Bumulong naman ako kay Maja “watch and learn sister. Tignan mo ang kayang gawin ng aking creation” I smirk habang tinitignan ko si Gerald na papalapit kay Shaina.
 
“uhm hi, Shaina” bati niya dito.
 
Kitang kita ko naman ang gulat sa mukha ni Shaina nung makita niya si Gerald
 
“G-gerald, ikaw ba yan?”
 
“uhmm,, y-yeah” sabi ni Gerald na medyo nahihiya hiya.
 
“ang laki ng pinagbago mo ah” Shaina told him habang tulalang tulala na nakatingin sa mukha ni Gerald.
 
Oh ano natulala ka ngayong impakta ka ? Gumapang ka na pabalik kay Gerald at bitawan mo na ang pagkakapulupot mo sa braso ng Enchong ko at baka masabunutan lang kita!
 
“t-thanks. Uhmm Shaina, m-may sasabihin ako. Uhmm ano, ano… uhmm”
 
Go Gerald! Go Gerald!! Sabihin mo na sakanya! Dali na ng matapos na ang paghihirap nating dalawa!
 
“k-kasi ano eh… uhmm ano eh..”
 
Oh for Pete’s sake just tell her already!!!
 
“kasi, Shaina” huminga siya ng malalim then tumingin sa mga mata ni Shaina. Ako din halos mapatigil ang hininga ko at hinihintay ang mga katagang lalabas sa bibig ni Gerald.
 
 
 
 
 
Ang mga katagang magpapabalik saakin sa piling ni Enchong.
 
 
 
 
 
“Shaina, b-bat parang dumadami ang tigyawat mo?”
 
Napanganga ako sa sobrang gulat sa sinabi ni Gerald. Si Maja naman bigla nalang humagalpak ng tawa.
 
 
 
“wahahahahahha! Grabe Kim hindi nga maipagkakaila na creation mo siya! Wahahahahhahahahaa”
 
“oh shut up Maj!!”
 
Nakita ko namin gulat na gulat din si Shaina sa sinabi sa kanya ni Gerald.
 
“t-tsaka, p-pumapanget ka ata? P-para kang nagmumukhang stress”
 
“what?!” gulat na sabi ni Shaina na may halong pagka-offend
 
Napapalo ako sa noo ko. Oh gosh! Ano ba pinagsasasabi niya!!!
 
Si Maja naman patuloy parin sa pagtawa.
 
Bago mas may malala pang sabihin si Gerald, agad ko naman siyang nilapitan doon para hilahin paalis.
 
“uhmm hi!” sabi ko kay Shaina. Hinawakan ko naman yung braso ni Gerald “uhm wag mo pansinin ang mga sinabi niya sayo. H-hindi ito ang tunay na Gerald. Yung totoong Gerald ay kinidnap ng mga alien at dinala sa Pluto. Bye!” agad kong kinaladkad si Gerald papalayo kay Shaina. At nung out of sight na kami, agad agad ko siyang binatukan.
 
“stupid nerd!!! Marunong ka bang gumamit ng isip ha?!”
 
“eh k-kasi naman eh..” sabi niya habang hinihimas yung ulo niyang binatukan ko.
 
“oh dear Kim, don’t be mad at him. Creation mo siya eh kaya no wonder nahawahan mo siya ng pagiging mapang lait. Hahahahahahahha. Napaka epic ng ginawa mo Gerald. Nakita mo yung mukha ni Shaina! hahahahahhahaha. I soooooo love it!” bigla na naman tumawa si Maja.
 
“Bloody hell Maj! Just shut up ok? Hindi ka nakakatulong!” I rolled my eyes on her pero patuloy parin siya sa pagtawa.
 
“ikaw!” turo ko kay Gerald “sa lahat ng nerd na nakilala ko ikaw ang nagiisang bobo sa totoo lang!!! ano bang pumasok sa kukote mo at sinabihan mo siya ng ganun ha?!”
 
“eh k-kasi naman a-ayun na lang ang unang pumasok sa isip ko! T-tsaka kasi eh di ko alam s-sasabihin k-ko sa kanya!”
 
“stupid nerd! Using your common sense is not a mortal sin!!”
 
“k-kasi e-eh..”
 
“just shut up ok?! Nakakainit ka ng dugo eh! Kung paslangin na lang kaya kita?! Tsaka bat ka ba nauutal ha?! Hindi ka ba makapagsalita ng diretso?!”
 
“hahahahahha naku Kimmy, wag highblood! Turuan mo kasi ng tama” sabi ni Maja.
 
Napatingin ako sa nerd na to.
 
Tsk, mukhang madami-dami pa kong dapat ituro dito bago namin maisakatuparan ang aming balak! Sana lang by that time hindi pa tuluyang nagagayuma ni Shaina si Enchong =___=
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe