Chapter TWELVE

Ang Bidang Kontrabida

 

Kim, wag kang iiyak. Wag na wag na wag kang iiyak. Ang mga kontrabida hindi nagpapa apekto sa ganitong bagay. Oh eh ano naman kung sila na?! kung ang mga mag asawa nga eh naghihiwalay pa ang mag bf/gf pa kaya? Sus madali naman agawin si Enchong! Kayang kaya yan ng powers ko. Kaya dapat wag akong umiyak. Isa akong kontrabida with poise na hindi nagpapadala sa ganitong sitwasyon. Ang mga kontrabida malalakas ang fighiting spirit. Hindi nila tatantanan ang isang bagay hangga’t hindi nila ito nakukuha. Hindi sila lagi nagpapadala sa emosyon.
 
 
Pero tao lang din sila. Marunong mag mahal. Marunong masaktan.
 
 
Huminga ako ng malalim atsaka ko isinubo yung hotdog sandwich na kinakain ko ng mapigilan ko ang sarili ko sa pagiyak kaya lang nabulunan naman ako sa ginawa ko kaya napainom ako ng juice.
 
 
Biglang may lumapit sa akin na batang gusgusin
 
 
“ate akin na lang yan” sabi niya saakin habang nakatingin doon sa kinakain ko.
 
 
“ano ba yan! Isang kagat ko pa lang to eh! Tsaka alam mo ba na ito na lang ang makapagpapigil saakin sa pagiyak?! Pero dahil ang payat mo sige na sayo na!” inabot ko sa kanya yung hotdog sandwich “pati tong juice oh inumin mo” inabot ko yung juice then umalis na ko sa harap nung bata.
 
 
At hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagiyak.
 
 
Bigla na lang bumagsak ang luha sa mata ko. Hindi dahil wala na kong hotdog at juice kundi dahil naagaw na ang minamahal ko.
 
Antokwa naman Kim! Sabi ng wag kang iiyak sa ganyang bagay eh! Bwisit naman eh! Bwisit! Pahintuin mo nga yang luha sa mata mo! Katawan mo yan kaya dapat mautusan mong sumunod ang katawan mo sayo! Kaso nakakatawa nga naman isipin. Nasa katawan ng isang tao ang puso. Isang maliit na bagay lang siya na nakakonekta sa katawan natin pero yung maliit na bagay na yun minsan ang nag kokontrol satin.
 
Parang ngayon.
 
Kahit ayoko umiyak napapaluha ako dahil sa dikta ng puso ko.
 
Naupo ako doon sa bench na nasa ilalim ng balete tree sa park. Walang masyadong tao dito kasi natatakot sila sa balete tree. Bali-balita kasi na may naninirahan dito na kung ano.
 
Pero wala akong panahon na isipin ang kung ano man ang naninirahan dito. Kailangan ko lang talaga ng tagong lugar na pagiiyakan.
 
Pagkaupong pagkaupo ko sa bench, bigla akong yumuko habang tinatakpan ng kamay ko ang mukha ko at doon na ko nagsimulang humagulgol ng iyak.
 
 
Ano ba naman Kim! Nakakahiya ka na talaga! Wala man nakakakita sayo pero nasisira ang image mo bilang kontrabida with poise! Wala kang karapatan umiyak dahil hindi pa tapos ang laban ano ba!
 
Pero hala sige ang mga luha tuloy tuloy parin! Ayaw magpapigil. Saan ba nanggagaling yang luha na yan?! Pwede bang tanggalin yan sa parte ng katawan ko ng hindi na ko umiyak kailanman!
 
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
“I love you too”
 
 
Sila na ba talaga? As in wala ng bawian yun? Pakinshet naman talaga oh. Ang sakit sakit pala talaga. Ang sakit.
 
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
“I love you too”
 
 
Oh edi sila na ang nag I love you-han! Sila na nga!
 
Naalala ko dati sinabihan ako ni Enchong niyan nung mga panahong M.U M.U na kaming dalawa. Di ko makakalimutan yun.
 
 
“I love you crush! Ingat paguwi”
 
 
Yan ang mismong mga katagang sinabi niya saakin. Naalala ko yung panahon na yan. Dismissal time and palabas na kami ng school ni Maja para umuwi. Hinabol niya ako para sabihin lang yang mga salitang yan.
 
 
Kinilig ako natural to the point na isang linggo akong hindi nakatulog dahil sa sinabi niya.
 
Yun nga lang sa sobrang kilig ko eh hindi ko pala masyadong naintindihan ang sinabi niya.
 
 
“I love you crush! Ingat paguwi”
 
Ang word na “crush”
 
Oo nga pala, crush lang niya ako. Yun lang wala ng iba.
 
Mas higit na malalim ang nararamdaman niya kay Shaina kesa saakin.
 
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
“I love you too”
 
 
Pero @#$#@%#$ alam niyo yung pinaasa?! Ako yun eh! Ang sakit! Akala ko magiging kami, hindi pala. Hanggang flirt flirt lang pala ang mararating namin.
 
Nakakatawa talaga isipin. Siguro kung POV ni Shaina ang nandito, kamumuhian ako ng lahat dahil sa sobrang pagka maldita ko.
 
Pero lahat ng antagonist may dahilan. Hindi lang porket sila ang palaban eh sila na dapat ang kagalitan.
 
Nasaktan kami kaya namin ginagawa ang mga bagay na yun.
 
Parang ngayon.
 
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
“I love you too”
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
“I love you too”
 
“Shaina, would you be my girlfriend?”
 
“I will Enchong! I will! I love you!”
 
“I love you too”
 
 
Ay sige paulit ulit?! Paulit ulit?! Ano to unli?! Oh baka naman pirated DVD na paulit ulit at ayaw maalis sa scene na yan!
 
Nakakayamot!!
 
 
 
*BOOGSH*
 
 
Napatigil ako sa pagiyak ng may narinig akong bagay na bumagsak sa likod ko at parang may kumakaluskos.
 
Oh no. Baka ito na yung mga kung anong bagay na naninirahan sa balete tree na to? O___O
 
Hindi kaya kapre yan at masyadong nabighani saakin at kikidnapin na ko para maging asawa niya? O___O
 
Oh no hindi pwede! Hindi pwede!!!!
 
Naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko kaya napatili ako
 
 
“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ayoko! Ayoko! Wag po! Ayoko!!!!”
 
“K-kim ako to”
 
 
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang pagmumukha ni Gerald.
 
 
Ay anak ng--!!! Siya lang pala!!
 
 
Pumunta siya sa harapan ko “Kim bakit ka umiiyak?”
 
“h-ha? ako umiiyak?! Hindi no!!”
 
 
Lumapit siya saakin then pinunasan niya yung pisngi ko “may luha”
 
“pawis yan!”
 
“ang galing naman na pawis nun, straight galing sa mata”
 
Tinignan ko ng masama si Gerald “kelan ka pa natutong mamilosopo ha?! oy sa storyang ito ako lang ang marunong mamilosopo!!”
 
“s-sorry po. Ano ba kasi nangyari?”
 
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, instead sa langit ako tumingin “alam mo ba, si Enchong na at si Shaina. . .”
 
 
 
Katahimikan.
 
 
 
Hindi ko alam kung ano ang expression ng mukha ni Gerald pero malamang nasaktan din yan. Edi magaling may karamay na ko ngayon! Dalawa na kami nasasaktan.
 
Pero hindi parin yun nakapag bigay ng comfort saakin.
 
Parang mas lalong sumakit.
 
 
Naramdaman kong naupo si Gerald sa tabi ko then kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito
 
 
“Kim. .”
 
 
Bigla na lang akong napahagulgol ng iyak nung tinawag niya ang pangalan ko. Siguro gawa narin ng tono ng boses niya na parang sinasabi niya na ‘masakit siguro nararamdaman mo’
 
 
“Gerald ang sakit. Ang sakit sakit. Umasa ako noon na magiging kami. Sabi niya gusto niya ko pero bakit nung dumating si Shaina sa buhay niya naichepwera ako? Umasa ako. At ang sakit sakit. Hindi niya ba naisip na may napaasa siya? Nung naging close sila ni Shaina bigla, parang hindi na niya ko naalala. Ang sakit. Tanga tanga rin kasi ako at umasa. Nakakainis! Ang sakit!” tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap doon sa balete tree atsaka ko ito pinag susuntok, pinagsisipa at pinaghahampas “bwisit! Magsama silang dalawa! Pero gagawin ko ang lahat mapunta lang ulit saakin si Enchong! Hindi pwedeng maiichepwera ako ng ganito ganito lang! hindi pwede yun! Hindi ako makakapayag!” naramdaman kong may mga sugat na ang mga kamao ko pero tuloy tuloy parin ako sa pagsuntok at pagsipa doon sa puno
 
 
“Kim p-please tama na” hinawakan ni Gerald ang magkabila kong braso at hinila ako palayo doon sa puno
 
“ANO BA BITIWAN MO KO!!” kumalas ako sa pagkakahawak niya “bat ganyan ka pa makaasta?! Dapat naiintindihan mo ko ngayon! Yung mga taong gusto natin meron ng iba! Ang sakit alam mo yon ha?! kaya hayaan mo na ko saktan ang sarili ko!!” lalapit na ulit sana ako doon sa puno ng bigla naman lumuhod si Gerald sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko
 
“Kim..”
 
“G-gerald?! Bat ka nakaluhod diyan?! Ano ginagawa mo?! Tumayo ka nga”
 
“Kim, ako na lang ang saktan mo”
 
“h-ha?”
 
“ako na lang ang saktan mo, wag lang yang sarili mo. . .please?”
 
Bigla na lang ulit bumagsak ang luha ko. I raised my right hand para pagsasampalin si Gerald, kaya lang kesa mag land sa mukha niya ang palad ko, bigla bigla na lang akong napayakap sa kanya at humagulgol ng iyak.
 
This is my first time na nagpakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao. At si Gerald narin siguro ang kauna-unahang nilalang na nakakita saakin na umiyak ng ganito.
 
 
 
 
 
After ng iyakan scene namin ni Gerald, ibinili lang niya ako ng ice cream then inihatid niya na ko saamin. Walang nagsasalita ni-isa saamin. Siguro pareho lang din kami na gustong manahimik muna kahit saglit lang. Nag thank you lang ako sa kanya bago pumasok sa bahay namin then nginitian niya lang ako atsaka umalis.
 
 
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagkulong. Nagpalit lang ako ng damit atsaka nahiga para matulog. Ni hindi na ko bumaba para kumain ng dinner. Nakatulog rin naman ako agad kasi malamang eh naubos ang energy ko sa pagdadrama. Tss kaya ayoko masyado ng protagonist role eh, nakaka hingal ang pagiyak iyak at pag emo emo. At least ako isang iyakan tapos.
 
Dahil alam kong oras ko na ulit para bumangon at maghasik ng lagim. Bwahahahahahaha
 
Napag isip isip ko rin kasi yun kanina habang kasama ko si Gerald. Mukha lang akong ewan dahil sa pagiyak iyak ko na yun. Pwede parin naman silang mag break eh.
 
At pwede parin naman na maging kami. Maybe hindi lang ngayon ang tamang panahon.
 
The next day as usual boring ang class. Pero nung matapos ang last period namin, dumiretso na ako sa theater room dahil may practice kami para sa play.
 
Kaso nagulat ako sa nadatnan ko pagkapasok ko ng theater room.
 
 
 
Si Enchong nakaupo sa sahig habang dumudugo ang labi niya. Si Gerald naman nakatingin sa kanya ng masama.
 
 
W-wait anong nangyayari dito?! O____O
 
 
“hindi talaga kita mapapatawad!!” sigaw ni Gerald sabay suntok ulit kay Enchong.
 
“tumigil ka na ano ba!” sigaw naman ni Enchong “wala akong ginagawang masama!”
 
Hindi siya pinakinggan ni Gerald but instead sinuntok pa niya ulit si Enchong.
 
 
Dahil sa sobrang gulat sa pangyayari, tumakbo ko sa kanilang dalawa at pumagitna.
 
“ITIGIL MO YAN!” sigaw ko kay Gerald
 
“K-kim? O__O “
 
“wag na wag mong susuntukin si Enchong! Alam ko kung bakit mo ginagawa to! Galit ako sayo!!”
 
“p-pero--!”
 
Hindi ko hinayaang magpaliwanag si Gerald saakin. Agad kong hinila si Enchong palayo sa kanya
 
Nakakainis. Ganun pala siyang klase ng tao. Alam ko naman kaya niya sinuntok si Enchong kasi dahil sila na ni Shaina. Oo, ilang beses kong pinatay si Shaina sa imagination ko pero di ko naman siya sinasaktan ng ganun.
 
Nakakayamot talaga si Gerald!!!
 
 
Dinala ko si Enchong sa may playground.
 
 
“ok ka lang ba Enchong? Gagamutin ko yang sugat mo. Hay nakakainis talaga ang stupid nerd na yun”
 
Nakita ko na nag smile bigla si Enchong “actually, I deserve to be punched by him”
 
“h-ha?! naku hindi! Wala kang ginagawang masama kaya di ka niya dapat sinuntok ng ganun! Sayang fes mo eh” =__=
 
Bigla na lang natawa si Enchong doon kaya napangiti rin ako. Alam niyo naman, tawa pa lang niya kinikilig na ko ng sobra
 
“hahahaha hay ang cute cute mo talaga Kim” ginulo ni Enchong ang buhok ko “kaya crush kita eh”
 
Para naman akong namula sa sinabi niya. Crush? Kung sabagay pwede naman yun mag transorm sa love. Pwedeng pwede ko pa talaga siyang maagaw kay Shaina. Mwahahahahhaa
 
“pero alam mo ba kung bakit ako sinuntok ni Gerald?” tanong niya saakin
 
Malamang dahil kay Shaina! Hmpf!
 
Pero di ko sa kanya sinabi, instead nag act ako na walang alam “bakit nga ba?”
 
 
“ewan ang weird niya eh. Alam mo sabi niya saakin,” nilapitan ako ni Enchong at hinawakan ang magkabila kong balikat sabay titig sa mga mata ko “ako na daw ang pinaka kinamumuhian niyang tao sa buong mundo dahil pinaasa ko ang isang babaeng sobrang mag mahal at napakasarap mahalin”
 
 
Natigilan ako sa sinabi saakin ni Enchong at bigla na lang nag flashback sa utak ko ang mga pinagsasasabi ko kay Gerald kahapon.
 
 
“Umasa ako noon na magiging kami. Sabi niya gusto niya ko pero bakit nung dumating si Shaina sa buhay niya naichepwera ako? Umasa ako. At ang sakit sakit.”
 
 
T-teka, yung tinutukoy ba ni Gerald na babaeng sobra mag mahal at napakasarap mahalin ay ako?
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Pero imposible. Napaka imposible!
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe