Chapter THREE

Ang Bidang Kontrabida

 

grabe talaga hindi ako makapaniwala na naging boyfriend ka ni Shaina? Grabe talaga” tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka napailing “akala ko pa naman ang ganda ganda ng taste niya kasi nagka gusto siya kay Enchong pero” tinignan ko ulit siya then I laughed sarcastically.

 

Kitang kita ko ang pamumula ng tenga ni stupid nerd dahil sa sinasabi ko. Umaatake na naman ang pagiging laitera ko.

 

“by the way ano nga pala pangalan mo?”

 

“Gerald” he mumbled

 

“ah. At bat naman kayo nag break ni Shaina ha? Sino naman nakipagbreak? Malamang siguro siya no?”

 

“a-ako.. ako ang nakipag break” sabi niya then bigla na naman siyang napayuko

 

Tinignan ko siya ng masama “so ikaw ang nakipag break?!” hinawakan ko ang kwelyo ng polo niya “eh ang g@go mo pala eh! Hindi mo ba alam ang ginagawa mo HA?!” sigaw ko

 

Kita ko naman na natatakot siya saakin “eh k-k-kasi a-akala ko k-kasi h-hindi k-ko kayang pagsabayin ang s-studies ko tsaka s-siya eh. N-nag sisisi n-naman ako sa ginawa ko!”

 

“Mukha mo!!! Inalala mo pa ang studies mo bago ang buhay ko?!?!”

 

Nagtaka siya sa sinabi ko “b-buhay mo?”

 

“oo! Kung hindi ka nakipag break sa impaktangShaina na yun edi sana masaya kaming nagmamahalan ni Enchong ngayon!!! Naturingan kang nerd bat ang bobo bobo mo ha?! STUPID!!! BOBO! BAKLA!”

 

Bigla ulit siyang napahikbi ng iyak “h-hindi ko naman alam. T-tsaka mahal ko parin siya hanggang ngayon. I want her back” may bigla na namang tumulong luha sa mata niya.

 

Ohhh nakonsensya naman ako. Pinaiyak ko siya! Nakokonsensya ako!

 

Tofu sige na, sige na icocomfort ko na siya. =____=

 

Hinampas ko siya sa braso “wag ka nga ngumawa diyan ha! Ano ka bakla?! Para kang bakla kung makangawa diyan eh! Dinaig mo pa ang babae!!! Jusko, bat ba ang weak weak mo?! Ikaw tong nakipag break tapos ikaw ang iiyak iyak diyan! Ayos ka ha! Bakla!” sigaw ko sa kanya

 

Walang mag rereklamo, ganyan ako mag comfort ng taong luhaan. =____=

 

Tumahan siya sa pagiyak though nakasimangot parin siya. Pero atlest tumahan di ba? Sabi na talaga, may comforting powers ako! Bwahahahaha

 

“gusto mo pa bang bumalik sayo si Shaina?”

 

Bigla naman napaangat ang ulo niya “o-oo naman! m-mahal na m-mahal ko parin ssiya h-hanggang n-ngayon!”

 

An evil grin formed in my face “good then! Combine forces tayo para mabawi natin ang dapat na satin”

 

“t-talaga? P-pero paano?”

 

“aba syempre paano pa ba?! Edi paghihiwalayin natin yung dalawa!”

 

“pero h-hindi ba masama y-yung gagawin n-natin?”

 

“masama?” natawa ako bigla “Dear, man by nature is cruel”

 

“h-ha?..”

 

“sige sabihin na lang natin na kunyari ang mall na to biglang may nag announce na may bomba sa loob. Ano gagawin mo?”

 

“h-ha? Syempre t-takbo palabas!”

 

“kahit na may tao kang mabangga, matulak, o maapakan?”

 

“o-oo naman! m-mahal ko buhay ko eh! Ayoko pa mamatay”

 

“Exactly! Same as love! Kung hindi ka tatakbo papalapit sa taong mahal mo,mamatay ka. Kung hindi ka marunong lumaban, mapagiiwanan ka. Hahayaan mo na lang ba siya mawala ng ganun-ganun sayo?”

 

“h-hindi”

 

“then good! Tomorrow morning, let’s meet up here. Kailangan mong magmukhang tao para madali mong makuha pabalik si Shaina sayo”

 

 

(the next morning…)

 

 

“ano ba yang suot mo?! Honestly do you know the word fashion?!” pambungad ko sa kanya sa mall.

 

“a-anong mali sa suot ko?”

 

Ang jologs naman talaga ng isang to sa totoo lang. Para siyang lalaking nanggaling sa sinaunang panahon kung titignan.

 

“mula ulo hanggang paa mali!!”

 

Tsk. Mukhang mahihirapan ako sa pag tatransform sa frog na ito into a prince ah!

 

Kinaladkad ko na siya papasok ng isang store.

 

“uhmm, K-kim, wala akong pera kasi eh”

 

“mayaman ako! Ako magbabayad!”

 

“p-pero..”

 

“alam mo maupo ka na lang diyan at wag nang umangal pa ok? pinapasakit mo ulo ko eh!!”

 

Sinunod naman niya ako at naupo na lang sa isang tabi. Good. Baka masapok ko lang siya pag nakielam pa siya.

 

Nagstart na ko mamili ng damit na babagay kay stupid nerd este Gerald pala.

 

Tinignan ko siya. Hmm hindi ko masyadong makita ang built ng katawan niya eh. Ang luwag kasi ng polo na suot niya. Color orange pa! Kulay kwek-kwek siya. Ewww. Pero ang hirap naman kasi piliian to ng damit eh lalo na kung hindi ko alam ang built ng katawan niya. Hindi ko malaman kung ano ang babagay sa kanya.

 

Tinitigan ko ulit siyang maigi. Hay naku nasusubok ang powers ko sa kanya ah! Bigla namang may nagsidatingan na mga customers sa loob and inassist sila nung sales lady. Napatingin ulit ako kay nerd. Hmmm, wala naman masama siguro sa gagawin ko di ba? I’m going to do this for the sake of art!

 

“hey you! Stand up!” sabi ko sa kanya

 

“h-ha? Pero bakit? San tayo pupunta?”

 

“halika dito!” hinila ko siya papasok sa isang cubicle ng fitting room then ni-lock ko yung pinto.

 

“a-anong gagawin mo K-kim?”

 

“hubarin mo yung shirt mo”

 

“H-HA?!”

 

Tinakpan ko bigla yung bibig niya “wag ka nga maingay diyan baka marinig nila tayo!!”

 

“p-pero b-bakit?! Bata pa ko! Ayoko pa! hindi ako ready!!”

 

Ano bang pinagsasasabi ng isang to?

 

“ano ba sumunod ka na lang!!”

 

“p-pero m-masama kasi y-yung gagawin natin. Hindi pwede”

 

Eh? Anong masama sa gagawin namin? eh gusto ko lang naman makita ang built ng katawan niya ng mapilian ko siya ng babagay na damit. Weird talaga ng isang to!

 

“dali na kasi!”

 

“ayoko!!” pagmamatigas niya!

 

Itinulak ko siya sa pader nung cubicle then iniharang ko ang isang braso ko sa gilid niya atsaka siya tinignan ng masama “masama akong ginagalit Gerald. Kung ayaw mong mamatay sumunod ka sa sinasabi ko” banta ko sa kanya “Take. That. Shirt. Off. Now.” I told him in gritted teeth.

 

Mukhang natakot siya ng husto saakin kaya agad agad niyang hinubad yung shirt niya.

 

I smirk. Good, marunong din naman palang sumunod ang isang to eh.

 

Tinignan ko yung katawan niya. Hmm, nice body. Pwede ng pang model. Kung tutuusin ang ganda ng built ng katawan niya, with abs pa ha! Sana naging katawan na lang siya! Bwahahahaha

 

“ah K-kim..”

 

“dyan ka lang!” lumabas ako ng cubicle then kinuha ko yung isang shirt na nakita ko kanina. For sure babagay sa kanya to.

 

Inabot ko sa kanya yungg shirt “i-fit mo”

 

“t-teka. K-kaya mo ba ko pinaghubad kasi m-may ipapasukat ka sakin?”

 

“yeah, bakit?”

 

Bigla na lang siyang namula doon na akala mo eh nag transform siya at naging kamatis.

 

“w-wala. Sige isusukat ko na to”

 

Pumasok na siya sa loob ng cubicle then naglock.

 

Tsk. Weird niya talaga. Sobra.

 

Nung ma-i-fit niya yung shirt napangiti naman ako.

 

Hindi parin talaga kumukupas ang galing mo sa pag m-make over, Kim!

 

 

 

 

 

 

 

“a-ayokong bumili ng contacts! Ok na ko dito sa salamin ko! Mas comfortable!”

 

“no! bibili tayo ng contacts whether you like it or not!”

 

“p-pero!”

 

“no buts!”

 

Hay ang kulit ng nerd na to eh! After namin mamili ng mga damit niya, kanina pa siya nakikipag talo saakin dahil ayaw niyang pumayag na gumamit ng contact lense. Ang panget naman ng salamin niya! Ang kapal kapal ng frame! Pang nerd talaga!

 

“Kim, ayoko talaga. A-ayoko!”

 

Bigla kong kinuha yung salamin sa mukha niya at ibinagsak ko to sa sahig atsaka ko inapakan kaya nabasag to.

 

“b-bat mo sinira salamin ko?!”

 

“oopsss, hindi ko sadya” I told him sarcastically “don’t worry, I’ll pay for it!”

 

Wala na siyang nagawa kundi sumama saakin para bumili ng contacts! Bwahahaha.

 

After namin makabili ng contacts, dinala ko naman siya sa barber shop para pabaguhin yung hairstyle niyang mukhang Jose Rizal. And after niyang ayusan, viola!

 

I turned the frog into a prince!

 

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hmm, perfect ang creation ko. Ang dating nerd ay nawala na. Isa na siyang gwapong nilalang ngayon. Kung hindi pa tumulo ang laway ni Shaina at gumapang pabalik kay Gerald dahil dito ay ewan ko na lang!

 

Pero para saakin mas gwapo parin si Enchong eh. But oh well. Presentable na kahit papaano ang itsura niya. Pwede na siyang iharap sa tao! Bago umuwi, naisipan muna naming dumaan sa starbucks at mag kape saglit.

 

“K-kim, tingin mo magugustuhan na ulit ako ni Shaina dahil dito?”

 

“oo naman! creation kita eh! Sinasabi ko sayo gagapang siya pabalik sayo!”

 

“t-talaga?” he smile

 

Napatitig ako bigla sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita ngumiti. Gwapo naman ang isang to eh, hindi lang marunong magayos. Dapat pala magpasalamat siya saakin! bwahahahaha

 

“Kim, a-alam mo ba miss na miss ko na si Shaina. Kada maalala ko y-yung ginawa ko sa kanya nasasaktan ako at h-hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Mmahal ko talaga siya. A-alam mo hanga ako sayo, k-kasi h-hindi kita nakitang iinayakan si Enchong”

 

“syempre anong mapapala mo sa pag iyak?! Sus! Tsaka malakas ako eh!”

 

“S-sana kasing lakas mo din ako”

 

I just smiled at him then kinuha ko na yung mga gamit ko “it’s getting late, let’s go home”

 

 

 

Pagkauwing-pagkauwi ko, agad naman akong kumain ng dinner, nag shower then umakyat na sa room ko at nagkulong.

 

“S-sana kasing lakas mo din ako”

 

*sigh*

 

Kung alam niyo lang.

 

 

Kinuha ko yung picture doon sa side table ko. Picture namin ni Enchong. Kinunan to dati noong school fest. Hindi pa kami close nung mga panahon na to pero may gusto na ko sa kanya. Actually nakapagpapicture lang ako sa tulong nung mga kaibigan ko eh. Biglaan pa nga to at haggard na haggard ang itsura ko sa picture but still eto na ata ang pinaka favorite kong picture sa lahat. Ang nagiisang picture namin ni Enchong.

 

“Enchong, bat ka ganyan? May dumating lang na bago kinalimutan mo na ko agad.”

 

Naramdaman kong tumutulo na naman ang luha ko.

 

Madaming nagsasabi na para akong invulnerable na tao. Para din daw akong nilubog doon sa river kung saan nilubog si Achilles para maging invulnerable siya. Hindi nasasaktan, hindi umiiyak. Parang wala daw akong pakielam nung dumating si Shaina samantalang alam na alam nila kung gaano ko kagusto si Enchong.

 

Kung alam lang nila.

 

Gabi-gabi ako umiiyak. Gabi-gabing hindi nakakatulog dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kada makikita ko silang magkasama, para akong sinasaksak ng isang milyong patalim. Sinasaksak ng paulit ulit. It hurts me, big time.

 

Lahat ng kontrabida nagpapanggap na matatag.

 

But the truth is, tao lang sila. Nagmamahal at nasasaktan. Mas pinili lang nila ang magpanggap.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
keeegeee #1
waaaaaaa!! why did you end it soo SOON?? waaaaaaaaa
super Bitin na bitin!! parang 24/7 In love lang..lolz
but i super like how'd you end your story..may moral lesson!!
and love the murahan with kisses!! hahahhaha but then such a CLIFFHANGER!! lolz
Thank you so much for this story..hope you can do more!!
Kimerald08 #2
Chapter 20: waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang ganda haha ang saya haha ang kulit haha :) sulat ka po ulit ng story hehe
TheArvie99 #3
hanggang sa huli ang kulit ng story mo :) pero maganda sya ... keep writing ... and thank you very much ... congratulations too kasi natapos mo story mo ...
miel0806 #4
thanks sa update! parang may part II :)
miel0806 #5
Chapter 19: completed na? bakit po chapter 19 pa rin lang?
kg_anderson #6
Ang sad naman. Sana bumalik na si Gerald. :(
miel0806 #7
Chapter 19: waaaaaaa bakit ang mga update ng ep ep puro masakit sa dibdib? :) thanks sa quick update! moooooooooooooooooorrreeee pa :)
jglabskg #8
Update please?!? Sana naman di na kasing sad ng mga previous chapters :( awang awa na ko kay ge.. Thanks!
keeegeee #9
Chapter 17: awwww..poor gerald..my heart went out to him... damang dama ko ang pain and love nya for kim...obviously kim is in denial stage..nagpipigil lang..nalilito ang lola mo! hahaha apekted much lang!! thank you so much sa update!! moooreeee
miel0806 #10
nabitin naman si ako pwede po bang update ulit? hehehe