fifty-five

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

Pagka-alis ni Kyungsoo sa harap mo lalong sumakit ang damdamin mo. 
Ineexpect mo kasi na pag uwi nila magiging sobrang masaya ka na ulit.
Yung pagod mo sa training kanina na doble pa tapos naalala mo pa yung hindi pagpansin ni Yoonji sayo at ang pagpapahiya ng bagong trainor sayo.

Pumasok ka sa kwarto mo ng nagpipigil ng luha.
Pagpasok mo saka ka lumuha ng pacific luha.

- - - - - - - -

3:49 A.M na pero si Kyungsoo hindi parin makatulog sa kakaisip sayo.


"Aish!" sigaw niya at tinakpan ang muka ng unan at pinilit makatulog pero di parin siya makatulog.

Binato niya ang unan at umupo sa kama habang nakatitig sa kawalan.

"Bakit ba kahit anong gawin ko hindi ko kayang magalit sa kanya" sinabi niya sa sarili.

Tumahimik lang siya saglit at nag-isip isip.

"Ugh! Bahala na nga! Bababaan ko na pride ko! Papalipasin ko na lang tong nangyaring to" inisip niya at biglang bumaba sa kama at may kinuhang kung ano at dumeretso sa kwarto mo.

- - - - -

Ikaw hindi ka din makatulog at nakatitig lang sa kisame.

Tumigil ka na sa pag iyak at iniisip mo kung may nangyari ba sa Pilipinas at bakit parang medyo nagbago si D.O.

*tok tok* "Minhee gising ka pa ba..." rinig mo mula sa pinto mo. 

Napatuwid ang katawan mo sa gulat pero dali-dali ding sumagot "Sino yan?"

"Minhee..si D.O to"

*si D.O..* Agad kang tumayo sa higaan pero bago buksan ang pinto pinatay mo muna ang ilaw para di niya makita ang mata mo na namamaga sa iyak.

"Oh bakit ka--" tatanong mo na sana kung anong ginagawa niya dun nung bigla ka niyang niyakap.
"Miss na kita" sabi niya at niyakap ka lalo ng mahigpit.

In cue, banancue umiyak ka na naman pero medyo-medyo light na lang kaya pinunasan mo ito agad.
"Miss na miss na miss na din kita" sabi mo at niyakap din siya.

Nagmoment muna kayong dalawa at bumitiw din pagkatapos.

Pagpasok ni D.O sa kwarto mo bubuksan niya na sana ang ilaw nung bigla mo siyang pinigilan.
"Bakit?" tanong niya
"A-ah kasi sayang sa kuryente hehe...basta wag na, maliwanag naman yung moon oh" turo mo sa bintana at hinila na lang siya paloob para di na maisipang buksan ang ilaw.

Pagkaupo niyo sa kama nilabas ni D.O ang bracelet na binili niya.
"nga pala Minhee, binilhan kita neto" sabi niya pagkaabot
"Nasaan" kapa mo sa kamay niya at hinawakan ang bracelet.

"woowww" sabi mo pagkakuha
"Haha wow ka jan eh hindi mo nga alam kung ano yan, buksan ko na kasi ilaw"
"Hindi hindi wag na! Pag gising ko titignan ko agad to promise~ thank you yeobo~"
sabi mo at iki-kiss sana siya sa pisngi pero dahil di mo kita, ang lips niya tuloy ang nakiss mo.
"Ooops mali hehe" sabi mo pagka bitiw.
Si D.O napangiti sa ginawa mo at hinila ka para makipag-kiss ulit.

Hindi ka na komotra at nag pa kiss na din.

Patagal ng patagal lumalalim na ang kiss kaya bumitiw ka na.
"Yah! may training pa ko ng maaga! matulog na tayo~"
Si D.O nag pout "na miss lang kita eh.." bulong niya pero di nag tagal kiniss ka niya ulit for the last time at humiga na.

"Good night este good morning~ I love you~" sabi niya at kiniss ka sa ulo.
"Good night este good morning din, I love you more~"
*salamat at bumalik ka na sa dati* inisip mo at hahawakan mo na sana ang kamay niya ng may iba kang nahawakan.

Napa "hnng" tuloy siya sa ginawa mo.
Nandilat ang mata mo "Hala!!! di ko sinasadya! kamay mo talaga dapat hahawakan ko hindi si junior! waaaah soooorry"

"O-okay lang Minhee matulog na tayo baka ano pang magawa ko sayo"
Pagkarinig mo nun parang natuwa ka pa, pero dahil may pasok ka pa bukas isinang tabi mo muna ang kalibugan ng buwan.

Ngumiti ka na lang sa mga naiisip mo at niyakap siya saka natulog.

 

 

- - - - - - - - - - - - - - - -
 
Kinabukasan...

"ughh sakit ng ulo ko huhu" sabi mo pagkagising. 
Sumakit ang ulo mo dahil sa kulang ka sa tulog, 4:00 A.M na kayo natulog ni D.O tapos ang aga mo pang nagising.

Pero di din nagtagal yung sakit ng headache mong yun nawala nung napatingin ka sa pagmumuka ni D.O na napakapogi.

Pinagmasdan mo ang muka niya ng matagal na hindi mo namamalayan na gising na siya at nakatingin din sayo.

"Minhee malulusaw ako" tawa niya kaya bumalik ka na sa katauhan."huh?"

Bigla kang nag blush nung narealize mong kanina ka pa nakatitig sa kanya.

"uhum.." clear throat mo at tumingin sa malayo kunwari walang nangyari.

Napa-smile si D.O sa kacute-an mo.

Hinawakan ni D.O ang muka mo at muling pinaharap sa kanya. 
"Minhee hawakan mo nga kamay ko.." sabi niya sayo at iniabot ang kamay niya.
"bakit?" tanong mo pagkahawak.
"uhm..para masabi ko sa mga kaibigan ko na may humawak saking anghel" banat niya.

Ikaw napakagat labi habang pinipigilan ang kilig, lalo kang nag-blush. 
*asfdsghgjgk,ghjghfdzsfhgcnfgbfvdcsx ahhhhhhhh kinikilig ekeeeeee* inisip mo habang nag iisip
wut

"Kyungsoo....alam mo bang sobrang pogi mo?" 
tumingin siya sa mga mata mo "ah? bakit?"
"sa sobrang pogi mo.....nakalimutan ko pick up line ko"
 
"phaha"
tawa niya sayo sabay kiss sa ilong mo "good morning baby~" 
ikaw kiniss mo din siya sa ilong " haha good morning babe~" at nag ngitian kayo.

Tatayo ka na sana sa kama nung bigla ka niyang pinigilan "san ka pupunta?"
"Marami pa kong gagawin yeobo staka di ba nga may training pa ko ngayong umaga"
"Mamaya ka na umalis dito ka munaaa"
sabi niya na parang bata
"Ppff puyat ka din diba kaya matulog ka na lang~ maaga naman akong uuwi mamaya promise" sabi mo at hinawakan ang muka niya para i-sure na uuwi ka talaga ng maaga.
"aasahan ko yan" sabi niya
"promise" sabi mo at nagsmile saka lumabas ng kwarto.
 

- - - - -



8:00 A.M

Tapos mo ng gawin lahat ng dapat mong gawin, magluto, maglinis at mag breakdance.

Pagkatapos mong maligo dumeretso ka agad sa kwarto mo para mag bihis.

Si D.O tulog na kanina pero namulatan siya unti nung tumunog yung pag-sara ng pintuan. Unti-unti dinilat niya ang mata niya at nagulantang siya dahil nakita ka niyang nakahubad.
/pero nakatalikod ka/

Yung mata ni D.O hindi maaalis sa katawan mo at nanigas na ang mga dapat manigas na papaya

Nung napa-side view ka onti, bigla siyang pumikit para kunwari tulog pa rin.

Si D.O kahit nakapikit na kung ano ano parin ang iniisip niya. Namumula na siya sa kakaisip sa hubad mong likod, ini-imagine niya what if kung naka harap ka pa.
*Agang-aga tender juicy na! ughh Minhee..* inisip ni D.O.

 


Pagdilat niya ulit, bihis ka na.

"AY!?" biglang nasabi niya.

Napalingon ka pagkarinig nun. 
"D.O gising ka pa ba?" tanong mo

Si D.O nag acting na parang mahimbing na mahinbing pa siya natutulog.

"Ay kala ko gising pa.." bulong mo at di nag tagal lumabas ka na.

"phhfftahahaha" tawa ni D.O sa sarili niya.

 

- - - - - - - - - - - - - 

 

"Mukang ang ganda ng gising mo hyung ah~" asar ni Sehun "Nasan nga pala si noona?"
"Ah pumasok siya may training siya ngayon eh"
"aah"

Si D.O habang nakain iniisip ka niya at excited na siya sa pag uwi mo mamaya.
Alam natin na lalaki rin siya kaya shempre naghahanap rin ang hotdog niya ng hotdog buns minsan.

*baka mabaliw na ko kung palipasin ko pa tong araw na to* inisip niya at napangiti mag-isa.
*ipapasigaw ko sayo pangalan ko mamaya minhee*
 

 

- - - - - - - - - - - - -

11:30 A.M, SM building

Lunch break niyo na at inutusan ka ng manager ng EXO na bumili sa pinakamalapit na fastfood restaurant ng lunch niyo.

Papabalik ka na sana sa loob ng building nung may bigla kang naka salubong sa di kalayuan.

 

Pagkatingin sayo nung nakasalubong mo napangiti siya agad "MINHEE!?"
Nandilat ka at nanigas sa pwesto "N-Nana besty"

- - - - - - - - - - - - - - -

 

insert

long

commercial

here

 

 

 

lol

- - - - - - - - - - - - - - -

"N-Nana besty"
"BESTFRIEEEENDD!!!"
sabi ni Nana at niyakap ka. "Anong ginagawa mo dito besty?" tanong niya ng nakangiti.

"Minhee! Kanina pa kita hinahanap--" natigilan si manager Kim (manager ng EXO) nung nakita niya na may kausap ka.
"Ay sorry po manager Kim eto na po yung pagkain, hindi na lang po ako kakain may kakausapin lang ako babalik din po ako" sabi mo at nag bow sabay hila kay Nana papunta sa malayo.

Pag alis niyo sa harap niya, napaisip si manager.
"Parang pamilyar sakin yung babaeng kasama ni Minhee"

Pagkasabi niya nun nag-isip muna siya pero di niya parin masyadong maalala kaya pumasok na siya sa loob

- - - - - -

Pagdating niyo sa park na di kalayuan sa SM Building, umupo kayo sa isang bench.

"Nana kamusta ka? Anung ginagawa mo dito? Nag i-istalk ka ba sa EXO?" tanong mo pagka-upo
"Isa-isa lang tanung uy! haha magugulat ka pero actually napadaan lang ako, nandito ko kasi malapit dito pinag tatrabahuhan ko"
"Oh may trabaho ka na!?" 
"Oo kasi yung pinsan ko may Coffee shop malapit dito tapos kinuha ako bilang waitress kaya tinanggap ko na....Uhm medyo matagal tagal na rin akong tumigil sa pag aadik sa EXO eh"
"Ha bakit naman? Nana ikaw ba talaga yan? haha"
biro mo sa sasaeng mong kaibigan.
"Haha gaga ako talaga to, nangyari lang eh....medyo nagtino na ko nung nagkaroon na ko ng boyfriend"

"Ahh.....boyfriend....B-BOYFRIEND!???? NANA MAY BOYFRIEND KA NA!?" sabi mo at inalog-alog siya.
"Oy teh kalma!! Hindi pa ba sinasabi sayo ni Chadeul?"
"CHANDEUL!? ANONG IBIG MONG SABIHIN? WAG MONG SABIHING...KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"
tili mo sa tuwa dahil mag syota na ang dalawa mong bestfriend "Sabi ko na may future kayo ehhhhhhhhh jfhsdkvjdfgvsdf" sabi mo at nagpatuloy magspazz. 
"Pfft OA mo teh! Pero teka ikaw naman! Ano nga palang ginagawa mo dito?"

Bigla kang napatahimik at nag straight face.
"uhm...besty, tutal I've gone this far....wow english yun ah...uhm may sasabihin ako sayong secret"
"Secret? Wow gusto ko yan!"
"Uhm...pano ko ba to sisimulan....una sa lahat gusto kong humingi ng sorry, sorry kasi ngayon lang ako nagkaroon ng chance aminin sayo to"
"Teka besty kinakabahan ako sa secret na yan ah! Wag mong sabihin na........bustis ka..OMG BUNTIS KA!?--aray!"
bigla mo siyang pinalo
"ANU BA! NAG DADRAMA YUNG TAO EH! HINDI AKO BUNTIS!"
"ay sorry game continue"
"Ganito kasi, diba nga nag katulong ako....tapos sa hindi inaasahan..yung napasukan kong bahay eh...bahay ng EXO-K"
"aah...yung lang pala--ANO!?? BAHAY NG EXO-K!!?????????????????????????ANOOOOOOOOOOOOOOO" 
"oo...naalala mo dati nung huli tayong mag usap bago ako pumasok sa trabaho nabalitaan natin na lumipat na sila ng dorm? Ayun dun pala ko sa kanila mamamasukan"


Biglang tumahimik at unti-unti nakikita mong umiiyak na si Nana.
"N-nana sorry...alam kong naging makasarili ako at di ko sinabi sayo...Nana sorry wag kang magalit..Nana--ouch" bigla ka niyang hinampas.

"MINHEEEEEEEEEEEEEEEEE!!! ANG SWERTE MO!!!!! MASAYA AKO PARA SAYO GIRL!!!!!!!! YOU MAKE KWENTO TO MEEE!! MAG KWENTO KA SA LAHAT NG NANGYARI!! GUSTO KO WALA KANG PALALAGPASIN NA KWENTO! OH MY GOD THIS IS UNBELIEVABLE OHA ENGLISH DIN YUN! GHAAAADDDDD"
"PFHUWAHAHAHAAHA Bwiset ka! Kala ko pa naman galit ka!"


at pagkatapos nun sinimulan mo ng mag kwento ng nangyari sayo bilang EXO-K's Fangirl Housemate.
 

- - - - - 

"Pamilyar talaga siya sakin eh" sabi ni manager Kim habang tina-tap ang ballpen niya sa desk.
Hanggang ngayon iniisip niya parin kung sino yung kasama mo.

*toktoktok*
"Pasok" sabi ni manager 

Pagpasok nung staff umupo siya sa upuan sa tapat ng desk ni manager.
"Naparito ka?"
"Uhm manager may news na naman po na may ginawa daw kalokohan yung mga sasaeng sa Music Core"
"Aish sasaeng na naman, ako ng bahala kakausapin ko production team ng show mamaya"
"Sige po"
sabi nung staff at umalis na.

Pag-alis nung staff tumapat na si manager sa laptop niya.
"Tsk sasaeng na naman" inisip niya ng malakas.
Tapos bigla siyang napadilat.

"Teka..Tama!! Sasaeng! Yung babae na yun! Siya yung sasaeng na naka-alam nung dating bahay ng EXO-K! Siya yung dahilan kaya kumalat ang address ng EXO-K at dahil din dun kaya sila lumipat! Tama siya nga!"
Tapos bigla ka niyang naalala.
"Pero bat kasama niya si Minhee?" biglang kinutuban si manager
"Hindi kaya magkakunchaba sila?" nag-isip muna siya saglit "Hindi naman sana dahil kung ganon nako malaking problema to!" sabi ni manger Kim.  

"Hindi kaya sasaeng din si Minhee!?"
 

- - - - - 


"OH MY GOOOOOOOOOOD!!! MINHEE!!!!! IKAW NA IKAW NA TALAGA!! AKALAIN MO YUN DATI FAN GIRL KA LANG NGAYON FAN GIRLFRIEND KA NA! AWRSERHESTHGEDSTGHTDGH" at patuloy nag spazz ang kaibigan mo.
"MINHEE SABIHIN MONG TOTOO TO AT DI AKO NANANAGINIP! PASAMPAL NGA AKO!" Sabi niya kaya sinampal mo nga siya.
"ARAY! bat mo ko sinampal!?" 
"Eh sabi mo eh hahahhaa"
"Sira-ulo masakit naniniwala na ko hahaha"


Mag-iisang oras na kayong nag chichismisan ng kaibigan mo at malapit ng magsimula ulit ang training

"Nako besty marami pa sana akong gustong ichismis sayo kaso may gagawin pa ko, promise itutuloy ko next time"
"OMGGG MINHEE OMG PAKAMUSTA NA LANG AKO KAY BABY SEHUN AHHHH PASABI SA KANYA MERON SIYANG ISANG FAN NA NAG NGANGALANG SHIN NANA KYAAAAAAAA sige sige besty bye I love you~~"
"Sige besty byee~love you too~ Pakamusta na lang ako sa BOYFRIEND mong si Chandeul hahaha Bye~"
sabi mo at bumalik ka na agad sa building.

Pagpasok mo dumeretso ka na sa studio para ipagpatuloy ang Vocal Training.

- - - - -

 Si manger on the other half, kasalukuyang nasa fanboard ng EXO.

"Sana hindi tama ang hinala ko" sabi niya habang nag b-browse sa mga members ng site.
"Jung Minhee" search niya.

Pagka-scroll niya, boom.
May account na nag ngangalang Jung Minhee.
At ang profile picture ay ikaw.
Tapos nakalagay sa profile.

WILL HUNT EXO EVEN IN THEIR DREAMS

Si manager nagulat ng bonggang bongga. Hindi niya talaga ineexpect na makikita ka niya dun.
At lalo niyang napatunayan na fangirl ka nung nakakita siya ng picture niyong dalawa ng bestfriend mo na may hawak na banner.

Ganito kasi, actually hindi naman talaga ikaw ang gumawa o gumagamit ng account mo kundi si Nana besty mo.
Nung panahong adik na adik pa siya ginagamit niya ang account mo para makapag vote ng maraming beses kay Sehun.
Ikaw walang kaalam-alam sa ginagawa niya dahil wala naman kayong computer sa bahay at madalang ka lang mag online.

Pagkakita ni manager ng iba pang mga ibedensya lalo siyang napanghinaan. 
"Naloko niya ko" sabi niya.

Tumayo si manager at pumunta sa mga files ng mga empleyado at hinanap ang file mo.

Pagkakita niya, laking gulat niya dahil hindi ikaw ang nandun.

"Loui Cruz? Sino to?" sabi ni manager pagtingin sa file ng tita mo.
"Aish! Pambihira! Pano nangyari to? Pano niya nagawa to? Pambihira talaga naloko niya ko! Naloko niya kaming lahat!" Sabi ni manager at inis na inis na binato ang folder.
 

- - - - - 

4:00 na nung natapos kayo sa training at excited na excited ka ng umuwi para makita si D.O.

Papalabas ka na sana ng SM Building nung tinawag ka ni manager.

"Minhee!"
"Uh?"
bigla kang tumalikod.
"Manager Kim" sabi mo at nag bow 
"May pag-uusapan tayo sumama ka sakin"


- - - - -

 

"Isang tanong isang sagot Minhee...Gusto kong malaman ang katotohanan ayoko sa lahat eh ginagago ako dahil mga bata ko ang nakasalalay dito" 
Pagkarinig mo nun kinabahan ka na. 

"Fangirl ka ba?" deretsuhan niyang tanong.

At boom ang heart rate mo ay lumagpas na sa ngala-ngala mo.
*p-pano niya nalaman...ugh hindi na yun mahalaga..pano ko malalagpasan to...pano pag sinabi kong oo anong gagawin niya? Eh pano kung sabihin ko hindi? tapos may mga ibedensya siya? edi lalo kong lagot? aaaaaah Minhee! Kasalanan mo ang lahat una pa lang dapat di ka nagsinungaling! Aish pabo pabo!* 

"m-manager mag-eexplain po ako--"
"Oo o hindi lang ang tinatanong ko!"
lalo siyang nagagalit.

"O-opo..manager fangirl ako"

"Salamat at sumagot ka ng tama" sabi ni manager Kim at ngumiti.

Nagulat ka sa reaction niya *hindi siya galit*
"M-manager ano pong ibig sabihin..."
"Oo Minhee...Tanggal ka na"

 

*eto na ang araw na kinakatakutan ko...
nahuli na ko..*

 


 

 

 

[A/N]



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?