forty-six

EXO-K's Fangirl Housemate.

 

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


long chapter ene haha cumbaek na kasi ng mga jejeje

 

 

 

 

Pagkatapos mong ipakita kay boyfriend mong si Kyungsweet ang sagot, niyakap ka niyang muli.

"I love you Minhee" bulong niya sa tenga mo.
"I love you more Kyungsoo" sagot mo kaya napangiti siya

Patuloy kayong nagyakapan.. 
"D.O...umm ngayong tayo na pedeng......uhmm wag na muna natin sabihin sa iba?"


Biglang nagkunot kilay si D.O at bumitiw "Bakit? Kinahihiya mo ba ko?" tanong niya.
"Ha? Syempre....hindi haha ako nga tong kahiya hiya eh pero kasi--"
"Kasi ano? Kasi baka anong sabihin nila? O kasi baka meron ka pang ibang gusto sa EXO-K?"

Biglang kinabahan si D.O.
"Hahahaha wala ah anu ka ba ikaw lang ang nag iisang mahal ko, baka lang kasi alam mo na makarating sa manager niyo...ayokong pagalitan ka dahil sakin..diba nga meron kayong Idol Dating Ban"
"Yun lang ba? Wag mong problemahin yun..akong bahala hindi makakarating kay manager..pero dapat malaman ng mga ka-members ko"
"Bakit pa? Hindi naman ata masyadong kailangan--"
"Kailangan! Para na rin sigurado kong alam nilang akin ka na"


Bigla kang napangiti
"Pffft sino naman aangkin sakin"
"ahh...basta kailangan nilang malaman"

"Haha sige na nga ikaw na bahala oppa"

Pagkasabi mo nun nag blush si D.O
*Sa wakas tinawag niya rin akong oppa*

Tumahimik ulit sa paligid pero hindi awkward ano lang matamis ang hangin.
Nagmumuni muni lang kayo habang nakatingin sa mga stars at nakangiti

Finally after all this freakin days and months ay nagtapatan na rin kayo sa wakas ng inyong mga damdamin. Yihoo!

"Anong gusto mong tawagan natin? Honey? babes? baby?" tanong ni D.O

"Puwuahahahahhaa bat kailangan pa nun? Di ba pedeng mag tawagan na lang tayo sa pangalan natin?"
"Pero gusto kitang tawaging honey pede ring babes pero mas gusto kong baby"
"Baby? hahahaha alam mo D.O sa lahat ng tawag yan ang wag mong itatawag sakin"
"Bakit?" 
"Kasi pagnagkaroon na tayo ng maraaaaaaming maraming baby ma-uumay ka na kakatawag ng baby"


Napatingin sayo si D.O at napangiting ewan
"Tama ba narinig ko? Maraaaaaaaaaaaaming maraming.......baby?" sabi niya habang hindi inaalis ang ngiting labas lahat ng ngipin.

"Ha!? hindi--hindi ay nu bang sinabi ko " 

"Wala ng bawian gagawa tayo ng maraaaaaaaming maraaming maraaaaaaaaaaming baby! YAHOOO!!!!"
sabi ni D.O at tinaas ang parehong kamay. "Gusto ko Minhee yung tipong may quadruplets tayong anak tapos dalawang triplets staka anim na panganay staka limang twins aaaaahh di ko ma-imagine kung gano magiging kasaya ang malakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing pamilya natin"

Pagkarinig mo nun biglang sumakit ang tinapay mo "aray..." sabi mo "Hindi kaya mabiak ang ano ko---Ahh!! Bat ba natin to pinag uusapan! D.O naman masyado pa tayong bata" sabi mo at nag blush kasi deep inside gusto mo lang talaga ng isang anak.
 
Pero mga 600+ trials.

 

 


- - - - - - - 

 


"San na kaya pumunta si Minhee?" tanong ni Suho oppar
"Tara maghiwahiwalay tayo" sabi ni Chanyeol at nagsitakbuhan sila para maghanap.

Pagkatapos kasi nung performance mo gusto ka nilang i-congratulate dahil sa galing mo kanina pero dahil bigla kang nawala hinahanap ka na nila ngayon.

After 15 minutes bumalik sila kung san sila nag hiwahiwalay 
"Ano nakita niyo ba?" tanong ulit Suho oppan
"Wala eh" 
"Di ko nakita"
"Asan na kaya yun?"
"Si D.O wala rin"
"Baka kasama ni hyung si Minhee!" 
sabi ni Kai "Teka tatawagan ko"


*kring kring*

"Yeobosaeyo? Hyung si Kai to, Si Minhee ba kasama mo?"
"Minhee? Yung magandang kong star? Oo katabi ko siya ngayon--aaah"

Bigla siyang napa-aaah kasi nirerape mo siya.
charot haha kiniliti mo siya sa tagiliran nung tinawag ka niya ulit na star tas maganda pa daw yee kinikilig ka kaya mo siya sinundot sa tagiliran haha yiee 
malandutay.

"Asan kayo hyung?"
"Nasa rooftop kame"
"Pupunta kame jan hyung bye" 
sabi ni Kai at binaba ang brief niya.
"Nasa rooftop daw sila" sabi ni Kai sa iba at tumungo na sila don.

 

-  -   -    -    -    -   -

"Kinakabahan ako D.O sasabihin mo ba talaga?"

"Oo...pero kung ayaw mo talaga sige wag na lang" bigla siyang yumuko "Itatago ko na lang sa sarili ko na girlfriend na kita at titiisin ko na harutin ka lang ng ibang members at pipiliting hindi magselos kasi di naman nila alam na may boyfriend ka na kaya sige wag--" "SSHHH!" sabi mo at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Oo na po pede mo nang sabihin......baby.............ppfftt ahahaha yan masaya ka na?"

"Yes my star!---ahhh ahaha" bigla mo siyang kiniliti ulit "bakit?"

"Wag mo na kong tawaging star nakakahiya"

"Bat ka nahihiya? Gusto mo ipagsigawan ko pa? MAHAL NA MAHAL KO SI STAAAA--" 

"Minheeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" Biglang dumating ang EXO-K at tumakbo papunta sayo.
"NOOOOOOONAAAAA!!" Sigaw ni Sehun at niyakap ka.

Si D.O naman naiwang naka-nganga dahil sa nabiting star kaya sinara mo ito gamit ang kamay mong hindi hawak ni Sehun. 

"Noona ang galing galing mo talaga kanina at ang ganda ganda mo noooonnaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Waaaahh" sabi ni Sehun at hinigpitan pa ang yakap.

"ehem Ehem EHEM" rinig mong nag clear throat si D.O na parang nag i-istart ng motor.

"Ahh thank you dongsaeng" sabi mo at ikaw na mismo ang bimitiw kay Sehun.

"Daebak ka Minhee!!" Sabi ni Baekhyun at tumalon talon habang hawak ang kamay mo. 

"Oo nga Minhee! Ang galing!" sabi naman ni Chanyeol at tinapik ang balikat mo.

"
Congrats" sabi ni Suho at hinawakan ang kabila mong kamay para makipag shake hands.

"Pinag-uusapan ka sa baba Minhee" sabi naman ni Kai at ginulo ang buhok mo.

"Tumabi kayo mga hyung!" sabi ni Sehun at pinaalis sila para yakapin ka ulit "Congrats nooonaaaaaaaaaaaaaaaaa" 

"uhh uhh nasasakal ako dongsaeng haha maraming maraming maraming salamaaaaaaaat~~~~~~" sabi mo at nginitian silang lahat

Meanwhile sa tabi may kumukulong Kyungsoo.

Sa sobrang skinship mo sa iba hindi niya na kineri at hinila ka niya mula kay Sehun at itinabi sa kanya.

"May sasabihin ako!" sabi niya at pinagtinginan niyo siya. 
"Kami na ni Minhee"
 dugtong niya kaya biglang tumahimik sa paligid


 

maya maya...

 



"Buwahahahahahahha!!! nice joke Kyungsoo" sabi ni Chanyer oppar.
"Ahahahaha" at nagtawanan sila

"Bat kayo tumatawa? H-Hindi....naman yun biro ah.." sabi mo kaya tinignan ka nila.

"Weh noona haha pinag-usapan niyo to kanina no habang papunta palang kame? haha okay na noona, hyung muntik na kaming maniwala" sabi ni Sehun.

"Pero hindi nga kami nagbibiro...mahal ko si Minhee at mahal niya rin ako....nag aminan kami! Inaya ko na siyang maging girlfriend ko at pumayag siya" sabi ni D.O at inakbayan ka. "Kami na talaga"

 

"T-Totoo Minhee?" tanong ni Baekhyun at nag nod ka.

Huminga ng malalim si Sehun at biglang tumakbo papalayo.

"Sehun uy dongsaeng san ka pupunta!" sigaw mo.
"Iihi lang noona di ko na kaya!" balik sigaw niya.
"Ah..mag-iingat ka dongsaeng!" sigaw mo pero di mo na siya ma-aninag. 

"Teka lang p-pano..b-bakit..anung nangyari..kayo na talaga? As in boyfriend girlfriend?" tanong ni Baekhyun

"Oo" sabay kayong nag nod ni D.O 

"Woaa congrats" sabi ni Kai at nginitian kayo.
"Thank you" sabi niyo ni D.O

"Totoo ba talaga to? bat di ako makapaniwala? yung totoo? baka mamaya pag naniwala na talaga kami na kayo bigla niyong sabihing joke lang! Naku wag niyo kong binibiro ng ganito may sakit ako sa puso!" sabi ni Chanyeol at humawak sa dibdib.

"Totoo nga promise!" 

"Di rin ako masyadong naniniwala... Bigay nga kayo ebidensya" sabi ni Suho oppar

*ibidensya?* inisip ni D.O...

at nung naka isip na siya ng ibedensya bigla ka niyang

hinalikan..

 

Natulala ka sa ginawa niya na para bang first time niyang ginawa yun.

"Ahhh wala wala hindi totoo!!!! tignan mo natulala si Minhee!!! Lagot ka bat mo siya kiniss! Kung kayo dapat wala lang sa kanya na hinalikan mo siya pero tig--" biglang natigilan si Chaneyol nung kiniss back mo si D.O.

Pagkatapos niyong mag kissing scene sa harap nila..

"Ano? Anu pang patunay gusto niyo?" tanong ni D.O at nag smirk.
Bigla mong pinalo si D.O sa balikat habang nag b-blush.
Ang ibang members natulala rin. Ngayon naniniwala na sila.

"Haha maniwala na kasi kayo anu ba mga hyung masyado bang maganda si Minhee kaya ayaw niyo siyang mapunta sa iba?" prankang tanong ni Kai.

"N-naniniwala na ko...C-congrats.." sabi ni leader pero medyo bukal sa loob niya.
*si D.O pala talaga mahal niya... * inisip ni Chanyeol

"h-hindi ba kayo masaya para samin? S-sorry kung--" 

Nagtinginan sila sayo at napangiti 
"Uy ano ka ba Minhee! Syempre masaya na kame..wala na rin kaming magagawa eh hahaha" sabi ni Chanyeor at nagtawanan kayo. 

"Okay lang talaga samin nabigla lang talaga kami sa nangyari congrats sainyo" dugtong ni Baekhyun

Si Kyungsoo oppar nginitian lang sila sabay tinignan ka. "Yan okay na sa kanila" tas tumingin ulit siya sa ibang members "Paki-usap i-secret lang natin to sa mga managers...please" makaawa ni Kyungsoo sa kanila.
   

“Oo kaming bahala hyung! Pero katunayan alam nyo kesa matakot kayo kay manager mas matakot kayo sa mga exotics” sabi ni Kai.
“Oo nga! Hala nako wag na wag kayong magpapahuli malalagot kayong pareho” dugtong ulit ni Baekhyun

Bigla kang kinabahan

Pagnagkataon kailangan niyong maghiwalay sa ayaw at sa gusto niyo” sabi ni Suho oppan.

Napatingin ka kay boyfriend mo.
“K-kyungsoo... ayoko ng umabot pa dun….nga--ngayon palang mag hiwalay na tayo...” bigla mong sinabi tas napatingin silang lahat sayo
“M-Minhee b-bakit hindi pede--”
Tinanggal mo ang braso niya sa balikat mo at humakbang papalayo.

“Yan magkahiwalay na kame magagalit pa ba sila?” tanong mo
maya maya nagtawanan sila
Huminga si D.O ng malalim kasi kala niya kung anong sinasabi mong hiwalay.
“Wag mo naman akong binibiro ng ganun” sabi ni D.O at hinawakan ang kamay mo.
"Hehe sorry~" sabi mo at bumalik sa tabi niya

Di nagtagal bumaba na kayong lahat.

 

-    -     -      -      -      -

Meanwhile sa CR....

Si Sehun, kasabay ng pagtulo ng luha niya...


Ang pagtulo ng ihi niya...



"B--bakit...ang sakit" sabi niya habang naihi
Sa hindi sinasadya naipit ng zipper ng pants ni Sehun ang balat ng footlong niya.

"Ang sakit ng nararamdaman ko" sabi niya habang hindi pa rin natigil sa pag iyak.

"Sabi ko na may iba na siyang mahal eh.....Aiiishhh kung hindi mo lang siya trinatong noona edi sana....aaaaahh!....."

nagbugtong hininga siya *sigh*

"Wala na kong magagawa...sana lang alagaan siya ni hyung" sabi niya at suminghot 
"Masaya na rin ako kahit papaano at di siya napunta sa kung sino man..."

Patuloy pa rin siyang naihi habang nag-iispeech..
"..noona..I LOVED you..." dugtong niya at tinaktak ang kanyang pagkalalaki pagkatapos umihi.
"Hanggang dito na lang talaga.." sabi niya at ngumiti..pagkatapos nun nag flush na siya at umalis.

Samantala lahat nung nandun na sa CR pagkaalis niya biglang nag si-tawanan.

"hahahahahaha sira-ulo" sabi nila

 

-     -      -       -       -        -      -

 

Dahil ikaw lang ang late na dumating ikaw na lang ang mag isang nakain…
“Aw yeaaaa ang saraaaaaaaaaap”  sabi mo at napapikit sa sarap ng kinakain.
Biglang dumaan ang isang waiter kaya tinawag mo siya.
“Psst kuya!” sabi mo at napalingon siya.
“M-mam..I-ikaw po yung magaling kumanta kanina diba? P-pede po pa-authograph?” sabi niya.
Ang totoo kaya mo lang siya tinawag eh para manghingi ng plastic dahil i-tetake out mo yung mga nasa plato mo, eh dahil fan mo platong si kuya nakaisip ka ng bright idea..

ting!

“Sa isang kondisyon..”
“Ano po yun?”

bigla kang bumolong scuschuschu
“Sure sure sige po maam walang problema!”
“Talaga? Yahoo!!! akin na ballpen mo”

“eto po” sabi niya at iniabot.
“teka pano ba pumirma haha hmm minhee forevaaar heart heart heart yan okay na”
“Thank you thank you thank you very much po pede pong p-pa picture din?”
“Pede—teka...sobra na yun ah! kailangan ko din ng additional”
“Sige po maam kahit ano”

aschuaschu bumulong ka ulit.
“Yun lang po ba? Gusto niyo po dalhin ko na ngayon din?”
“hinde mamaya na pagkatapos ng party mamaya sabihin nila patay gutom ako hindi naman slight lang hahaha”
“Hahaha ang kulit niyo po pala...Sige po M-miss”
sabi nung waiter at nag bow tas tinakpan ang muka dahil kinikilig sayo.

Nag bow ka rin sa kanya habang nakangiting abot sa Jupiter dahil marami kang foods kaso pagtalikod mo nakita mo si D.O na nakasimangot.
“Mukang nagkakatuwaan kayo nung waiter ah” sabi ng selos na selos na D.O
“Ah medyo haha fan ko daw siya haha akalain mo yun tas sabi niya pa bibigyan niya ko ng pagkain ang--”
“nagseselos ako”
“—saya naman…Ha? bakit? gusto mo rin magpatake out? Bat di mo sinabi kuya--”

“Minhee please, wag kang basta bastang nakikipag bulungan sa mga lalaki…”

Nakalimutan mo na namang seloso ang boyfriend mo.
“s-sorry….di na mauulit…sorry talaga”
“Okay lang…” sabi niya at tinalikuran ka
“galit ka?”
“Hindi”
“Weh?”

“Bakit gusto mo?” sabi niya at muling humarap
“Syempre hindi haha”
 
Bigla siyang bumulong “I love you”
“I love—Kala ko ba ayaw mong binubulungan ako?”
“Syempre exemption ako”
bigla ka lang napangiti
“I love you too” bulong mo at nag ngitian kayo haha madiscover kayo ng colgate niyan

Sa ilalim ng lamesa naramdaman mong may humahawak sa kamay mo kaya sinilip mo ito at nakitang hawak hawak ni D.O ang kamay mo.
“Bakit?” tanong mo.
Hindi siya sumagot at ngumiti
“Wala lang masaya lang ako”
*FFFFFFFFFFFFAAAAAAAAAAAAAAAAAAIAFSZDFGDHES Bat ganun kahit boyfriend ko na siya nagsisiliparan parin ang mga paro-parong bukid ko aksjfhsjkfakfa thank you ulit lord at binigyan niyo ko ng una at huli kong pag-ibig pangako ko panghabang buhay ko siyang mamahalin <3 heart*
Nginitian mo lang siya at patuloy na kumain ng isang kamay lang ang gamit.

Meanwhile sa tabi...
 
“Nakaka-inggit naman si D.O meron na siyang Minhee..” sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa inyo ni D.O
Biglang lumapit sa kanya si Chanyeol at hinawakan din ang kamay niya. “Nandito lang naman ako ah”
Nandilat ang mata ni Baekhyun “YA!!! LUMAYO KA SAKIN!!!” sabi ni Baekhyun at pinalo si Chanyeol “Kaya tayo pinagkakamalan eh!!” sabi niya at dumistansya. 
"Pabayaan mo sila! Kaya kong panindigan tong pag-iibigan natin!"
"Ay jusko Chanyeol di ka ba nandidiri sa sinasabi mo!" sabi ni Baekhyun at nag walk out.
Si chanyeol naman tawa lang ng tawa pag alis ni Baekhyun.

 

-    -     -     -      -     

"Mic check mic check" sabi nung nasa podium kaya nagtinginan sila.
"Una sa lahat I just want to say thank you for coming everyone! Hindi ko inaasahan na magiging ganito kasaya ang birthday ko, thank you special guest, mga fellow SM staffs at sa lahat ng dumalo thank you thank you! Sa pamilya ko Thank you at lagi kayong nanjan at thank you din sa mga coordinators! Maraming salamat sa inyo!"  
Nagpalakpakan ang lahat "At pinakahuli thank you dun sa bago kong trainee na kinanta yung theme song namin ng asawa ko na Power of Love,  iha pede bang matawag kita dito sa stage ng makilala ka ng lahat?" tawag niya kaya muling nag hiyawan ang stage tas lahat sila nakatingin sayo kasi may spotlight na nakatutok sayo.

"Ay ambastos wala kong makita ang sakit ng mata ko nu ba yan nakain yung tao--"
"Minhee tinatawag ka ni Mr.Lee" bulong ni D.O sayo.
"Ahh kamo wait lang may tinga pa ko"
"Minhee nakatutok sayo spotlight" Bigla kang nalinawan sa sinabi ni D.O at nanlaki ang mata mo.
*hala ka!....*
"Iha halika dito sa stage" tawag ni Mr.Lee Sooman
Walang sabi sabi ay tumakbo ka at umakyat ka sa stage hawakhawak mo pa ang kutsara at may tissue ka pa sa dibdib haha alam niyo yung para di madumihan damit haha yon meron ka nun parang bib ng baby.

Pagkatingin sayo ng mga bisita nagtawanan sila kaya nakitawa ka rin kahit hindi mo alam ang dahilan.
"Magaling ang ginawa mo kanina iha congratulations" sabi niya at nakipagkamay 
"Thank you po" sabi mo at imbis na yung kamay mo ang inabot mo ang kutsara mo ang nahawakan ni Mr.Lee kaya nagtawanan na naman.
"Ay s-sorry po!" sabi mo at siningit sa garter ng palda mo ang kutsara
"Hahaha nakakatuwa ka, ano bang pangalan mo?"
"M-Minhee po"

"Ahh pede ba kong mag request ulit ng isa pang kanta para i-end tong party?" 
"Sakin po? S-sige.. anu po yon?"

Biglang lumapit si Mr.Lee para ibulong sana ang request niya pero pinigil mo siya. 
"Ooops wag po kayong bubulong bawal" sabi mo at hinarangan ang tenga mo

Pagkakita ni D.O nung ginawa mo bigla siyang tumawa satisfied sa ginawa mo ang EXO-K naman bigla siyang pinagtinginan.
"Bat ka natawa hyung?"
"Wala wala..haha" sabi niya at sinolo lang ang kasiyahan niya.
bumalik tayo sa stage
"Bakit?" Tanong ni Mr.Lee
*Bilin ni D.O bawal daw* gusto mong sabihin pero gumawa ka na lang ng excuse..
"M-malas po yun! Birthday niyo kaya bawal bumulong"
"Ah ganun ba yun?"
"Opo opo"

"Ay sige salamat sa pagsabi...pede mo bang kantahin ang..."
"ang ano po?" 
"uhmm wala wala kahit ano na lang pala na gusto mo..." sabi niya.
Ang totoo gusto sana irequest ni Mr.Lee Sooman ang Like a na favorite niya nung kabataan niya kaso naisip niyang di na siya haha charot naisip niya lang na para maka-relate ang iba dapat makabago na lang.
"S-sige po" 
"Fighting!" sabi sayo ni Mr.Lee "And to close this party! Please welcome..Minhee!" sabi ni Mr.Lee at umalis na sa stage.
Naiwan ka na naman dun mag isa kaya muli kang kinabahan.

*anong kakantahin ko? haaaaalaaaaaaa anong kakantahin koo aafafafafafafafafaf afwaefsgawgwr*
Nung wala ka ng maisip kinanta mo na lang ang hit na kanta ngayon ni Alicia Keys na This girl is on fayaar 

Sa mga di nakaka-alam ng kanta click here.

Biglang tumahimik ang lahat nung hawak mo na ang mic.

 

"She's just a girl, and she's on fire..."


"Wohoooooo!!"
 
"Hotter than a fantasy, lonely like a highway
She's living in a world, and it's on fire
Feeling the catastrophe, but she knows she can fly away Oooooh,"

Bigla kang bumaba sa stage at naki-jamming sa audience habang napalakpak sila
 
"she got both feet on the ground
And she's burning it down
Ooooh, she got her head in the clouds
And she's not backing down...."
 
Bigla mong kinuha yung isang decoration na kandila at umakyat ulit sa stage
 
"This girl is on faayaaaaarr"

Kanta mo habang winawagayway ang kandila na may apoy

"This girl is on faaayeeeeerrr"
 
Nilapag mo ang kandila at hinakbangan mo to
 
"She's walking on faaayaaaaar"

Sigawan na may kasamang tawanan ang maririnig sa paligid. 
 
"This girl is on fuuhyeeeeerr...
 

At nagpatuloy ang pagkanta mo hanggang matapos ang kanta.

"Wooooooooohooooooooooo!!!!" sigaw nila pagka-bow mo
Di rin nag tagal nag firework display na para sa ending show.
"HAPPY BIRTHDAY MR.LEE! WOOOOOH!!" sigaw mo at naghiyawan na sa paligid means tapos na ang party.


-        -        -         -       -     - 

"Ano yang dala mo?" tanong ni D.O dahil may dala dala kang dalawang tray.
"Take out ko haha naalala mo si kuya kanina? Sabi ko sa kanya pa take out ng maraming creme pasta staka yung desert kanina na masarap di ko alam tawag" 
"Ikaw talaga akin na yan lagay ko na sa likod" sabi niya at kinuha to sayo.
Di nagtagal pumasok na kayo sa van.


Yung driver ng van normal na driver lang siya at walang pakeilam sa kung sino man ang sakay niya kaya okay lang na maglambingan kayo ni D.O sa loob.

Kasalukuyan na kayong on the way.

Unti unting ng bumabagsak ang mata mo at bigla kang humikab
"Inaantok ka na matulog ka na" sabi ni D.O at inalok ang balikat niya.
Bigla kang nagising "Di..di na.." 

pero maya maya 

"ZzZzzZzz" nahilik ka na sa balikat ni D.O habang naka-nganga.

*ang himbing ng tulog ah* inisip ni D.O at napangiti nung nakita kang nakanganga kaya sinarado niya bibig mo.

Di rin nag tagal nakarating na kayo sa dorm..

"Good night sa inyo~" sabi mo at parang lasing na nag lakad 
"Good night noona!" 
"Good night Minhee!" sabi nila at isa isa ng pumasok sa kwarto nila.
Ikaw tulog pa rin ang diwa kaya inalalayan ka ni D.O hanggang makapasok sa kwarto mo.

"Napagod ka ng sobra magpahinga ka na" sabi mo kay D.O
bigla siyang napatawa "Baliktad ata ikaw nga tong madaming ginawa eh magpahinga ka na..good night" sabi niya at tumayo na para umalis pero pinigilan mo siya.
"Bakit?" tanong niya
"Asan good night kiss ko?" sabi mo at tinuro ang pisngi.
Ngumiti si D.O at nilapitan ka kiniss ka niya sa ilong
"Good night baby" sabi niya at napangiti ka habang nakapikit na.

 


 

[A/N] 
 

All I wanna say is thank you..
thank youuu
and another thank you..

^ si author-nim XD

 

 


 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?