fifty-two

EXO-K's Fangirl Housemate.
Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*

 
"PBuhahahha D.O hyung wag mo naman masyadong ipahalata na kayo na ni Minhee noona Bwuahaha" 
Sa sobrang saya ni Sehun hindi niya na alam kung ano mga pinagsasasabi niya.
 
"M-Minhee..D.O kayo na?" tanong ni Luhan.
 
Continuationiskinesis.. 
 
"H-hindi" "Oo" sabay niyong sagot ni D.O

Pinagtinginan nila kayong lahat dalawa.

*Hala! Baka pag tumanggi ako magalit si D.O sakin aaah bahala na aamin na ko* inisip mo.
*Mukang gusto munang isekreto ni Minhee sigi na nga hindi muna ko aamin* inisip naman ni D.O

"kayong dalawa may relasyon ba kayo?" tanong ni Kris.

"Wala" sagot ni D.O
"Meron" sagot mo naman sabay kagat labi "Ay joke lang wala hehe" bawi mo.
 
Napakunot ng kilay si Kris pero di nagtagal nag nod na siya.
 
Si Luhan nakahinga na ng malalim at nai-bluetooth niya kay Sehun ang kaba niya.
*patay! waahh lagott akooo kay hyung neto!* inisip ni Sehun habang ngina-ngatngat ang kuko.

"Kala ko meron eh, sige pupunta muna ko sa sala" sabi ni Kris at tumayo na sa lamesa este sa upuan.

Isa isa ng nagsi-tayuan ang lahat dahil tapos na silang kumain meanwhile pinaiwan ni Suho si Sehun para kausapin niyo ni D.O.
 
Pagkalabas na pagkalabas ng lahat ng members biglang lumuhod si Sehun sa harap ni D.O

"Hyung hyung D.O hyung thorry talaga thorry hindi ko sinasadya ang daldal ko talaga thorry hyung alam kong di niyo ko mapapatawad pero hyung thorr--dsfsdg" biglang tinakpan ni D.O ang bibig ni Thor
este ni Sehun hahaha
"Wag kang maingay Sehun ang lakas kaya ng boses mo" bulong ni Kyungsoo
"A
nu ka ba tumayo ka nga jan okay lang yun Sehun di mo naman sinasadya" sabi mo at tinulungan si Sehun makatayo.
"Thorry talagaaa huhu noonaaaa thorryyyy" sabi ni Sehun at yayakapin ka na sana pero biglang dinakot ni D.O ang pagmumuka ni Sehun 
"Oh! Oh! mag sosorry na lang kailangan may yakap pa" sabi ni D.O at nilayo ka kay Sehun.
"Hehe pero hyung thorry talaga aylabyu" sabi ni Sehun at si D.O na lang ang niyakap niya ng mahigpit.
"Oo na oo na bitawan mo ko nasasakal na ko ohckk-pft Sehsdhun"
"Ay thory hyung hehe peathe na tayong lahat ah!"
sabi ni Sehun at nag nod ka samantalang si D.O gusto ng jombagin si Sehun sa pag sakal sa kanya.
 
- - - - - - - - - - -
 
Kasalukuyan kang nag titimpla ng juice sa kusina ng may lumapit sayo.

"ehem.." clear throat ni Luhan.
"Ay ehem!!" nagulat ka
"Luhan haha ikaw pala" sabi mo pagkalingon.
"Nagulat ba kita? Sorry ah"
"Di okay lang hahaha"

 
*Ito na ang tamang panahon! Inhale exhale inhale...* inisip ni Luhan.
"Minhee may ipagtatapat nga pala ko sayo.."
Tumigil ka sa pagtitimpla at tumingin sa kanya. "hmm? anu yun?"

"uhhmmm.."
biglang tumalikod sayo si Luhan dahil nahihiya siyang maki-pag eye contact.

"Alam mo kasi nung una kitang nakita...sabi ko sa sarili ko na bat parang ang ganda mo naman bilang isang katulong, pero hindi ko naman sinasabi na pangit ang mga katulong ah ang akin lang ano uhmm maganda ka talaga basta...tapos sa bus narinig pa kitang kumanta nagalingan talaga ko sayo grabe pang The Voice Korea...tapos yun nung una nagagandahan lang talaga ko sayo tapos nung nakita kita sa bathtub na ano...na...na...na naka bikini...ughh! wala wala wala never mind ughh anu ba yan nahihiya tuloy ako...hehe....pero ano uhm nung panahong yun may naramdaman na akong kung ano sa dibdib ko...patam patam sabi niya tapos pagkatapos nun lagi na kitang naiisip...sa pagtulog, pag-gising, pagkain, pagligo, pagtoothbrush, pag ahit, pag-CR, pag labas, pagpasok hanggang sa pagbalik namin ng China naiisip pa rin kita kaya nga pagkadating namin dun tumawag agad ako sayo kaso bigla mong dinecline yung call kaya medyo ouch pero okay lang inisip ko na lang baka marami kang ginagawa nung panahong yun...tapos ngayon nung nalaman kong babalik na kaming Korea excited na excited akong makita ka......Minhee..alam mo ba kung bakit ha?

 
 

mahal na ata kita--" paglingon ni Luhan


"Minhee?....Minhee!?"

Paglingon ni Luhan wala ka na.
 
hahaha ang haba-haba ng speech niya wala naman pala siyang kausap hashtag
#MedyoBastosKa

"Kanina pa pala ko walang kausap!??? UUURRHHG!"  
Sa inis ni Luhan ininom niya ang isang pitsel ng juice.


flashback.

 
"uhhmm.." biglang tumalikod si Luhan sayo kaya nagulat ka kung bakit siya makikipag usap ng nakatalikod.
"Alam mo kasi..."
Natigil ang pakikinig mo ng biglang may pumasok sa kusina.
"Noona tulungan mo nga ko di ko mabuksan yung DVD" sabi ni Tao at hinila ka
"Pero teka may sinasabi si Luhan staka nanjan naman yung ibang members ah?"
"Di nga din nila alam kung pano gagawin eh saglit lang to noona tulungan mo na ko please~"
"Sige na nga"
sabi mo at sumama kay Tao 
Si Luhan patuloy na nag ko-Korean drama sa tabi kaya di niya na napansing lumayas ka na.


Pagkatapos mong paganahin ang DVD bumalik ka na agad sa kusina.

"Luhan sorry may ginawa lang ako, nasan na ba tayo?" sabi mo pagakapasok.
"AISSHH! WALA!!!!" sigaw niya sabay nag walk-out.

"uh? anung nangyare?" kamot ulo mo dahil di mo na alam kung ano na nangyayari sa mundo.
"May ginawa ba kong mali?" tanong mo sa sarili mo at bumalik sa tinitimpla mo kaninang juice, pagkatingin mo dito ubos na.

Tinaas mo ang pitsel at nakitang simot na simot ito.

"Sobrang bigat na ata ng problema ni Luhan hahaha" sabi mo at tumawa na lang
ang hindi mo alam ikaw ang dahilan langya ka
 
 
 
 
- - - - - - - - - - -
 

 
5:36 PM
 
Oras na para umalis ang EXO awwwtseu
Pupunta na sila ng airport para bumyahe papuntang Manila. 

Kasalukuyan kang nasa kwarto mo dahil ayaw mong makita ni Kyungsoo na malungkot ka bago sila umalis eh hindi mo kayang hindi maging malungkot kaya hindi ka nagpapakita sa kanya.
 
Si D.O meanwhile hinahanap ka.
Pumunta siya sa kusina wala ka.
Pumunta siya sa sala wala ka.
Pumunta siya sa CR wala ka
pero nandun si Kris at naihi 
"sorry" sabi ni D.O at sinara agad ang pinto

*asan kaya yun* inisip ni D.O at tumungo sa kwarto mo at nag baka-sakali na nandun ka at tenen nandun ka nga.

Pagkapasok nakita ka niyang naka-upo ka sa kama habang nakatalikod mula sa kanya at yakap-yakap mo ang tuhod mo.
Ni-lock ni D.O ang pinto at lumapit sayo.
 
"Minhee.." sabi ni D.O ng mahina at umupo sa tabi mo.
Ikaw dahil nakita mo si D.O, ang namumuong chunami sa mata mo di na napigilang bumuhos.
Bigla mong niyakap si D.O at umiyak sa balikat niya.

"Oh bat ka naiyak?" sabi ni D.O habang mahigpit ka ding niyayakap. 
"eh..eh kasi...b-baka may mangyaring kung ano sainyo tapos..tapos mabangga sinasakyan niyo tapos maaksidente kayo..tapos bumagsak yung airplane tapos may sumaksak sayo o di kaya bumagyo sa Pilipinas..tapos malunod kayo tapos---"
Biglang bumitiw si Kyungsoo at tinignan ka
"Gusto mo na ba kong mamatay?"
"H-hindi syempre! Natatakot lang ako kyungsoo--"
"Tsk wag kang mag-alala babalik ako sayo ng buong-buo walang labis walang kulang"
sabi ni D.O at hinawakan ang pisngi mo.
"Eh..pano naman kung......may iba kang magustuhan sa Pilipinas..tapos ipag palit mo na ko sa ibang pilipina tapos kakalimutan mo na ko tapos--hnnff" Biglang tinapalan ni D.O ang labi mo ng labi niya.

Hinalikan ka niya hanggang sa pareho na kayong hindi makahinga.
Biglang bumitiw si D.O para kumuka ng hangin at hindi nag tagal hinalikan ka ulit.
"Wala...
kabang..
tiwala...
sakin.."
sinabi ni D.O sapagitan ng mga halik.
Sa sobrang hard ng kiss ni D.O napahiga ka sa kama at nasa ibabaw mo na siya ngayon sa pagitan ng dalawang braso niya.
Tumigil na siya sa pag kiss sayo at tinignan ka eye to eye.
"Wala na kong makikitang ibang katulad mo kaya malabong mangyari yung sinasabi mo okay?" sabi niya at kumiss sayo ng last.

Pagkatapos nun tumayo na siya at tinulungan ka din niya makatayo.
"Wag ka na malungkot, smile ka na" sabi sayo ni D.O
"Ganito?" sabi mo at nag smile labas gilagid.
"Hahaha hindi kaunti lang" sabi ni D.O at inayos ang labi mo.
"Yan, wag ka na iiyak ulit ah, staka mag tetext ako lagi pag punta namin dun mag reply ka ah!" sabi niya at nag nod ka.

 
 
- - - - - - - - - - - - - - -
 

"Bye noonaaa ingat ka jan isara mo lagi yung pinto~~~" bilin ni Sehun
"Bye Minhee~~~" sigaw nung iba

"Buh-bye~~~~Ingat din kayo~~~smile kayo pag dating niyo sa Pilipinas ah~~~bye~~~~~" sigaw mo at swoooosh naka alis na ang kotse.
 
Pagpasok mo sa bahay katahimikan lang ang maririnig mo.
whut hahaha

 
Lumipas ang ilang oras nga-nga ka pa rin sa kina-uupuan mo.
"haay ang boring talagang mag isa" sabi mo habang naka salong-baba sa tabi ng upuan.
Tumahimik ulit ng sobra kaya medyo inaantok ka na.

Unti-unti may naririnig kang kung ano kaya kinabahan ka.
Tapos maya-maya..

"Unnie! Bulaga!"
"AYPUTAKANGCHANAKKA WAAAAAAAAAH!!!"
sigaw mo sabay takip sa mata.

"Chanak? excuse me sa ganda kong to?" sabi nung bata at nag posing,
Pagsilip mo.
"M-minji? Anong ginagawa mo dito!? panong- anong- bakit- saan- sinong-"
"Unnie kalma i-eexplain ko! Si Kyungsoo oppa kasi tinext kahapon si tita sabi kung wala daw akong klase samahan daw kita dito sa bahay nila kasi may concert daw sila sa ibang bansa kaya yun hinatid ako ni tita kanina dito tapos tinago ako ni oppa sa rooftop sabi niya lumabas na lang daw ako pag alis nila para surprise oh gets mo na?"
"T-talga ginawa ni D.O yun!?"
"Yep!"
"Eh anu yang hawak mo?"
"hehe isang basket ng candies at chocolate!"
"San galing?"
"Kay Kyungsoo oppa din, syempre di naman pedeng uutusan lang ako ng walang kapalit I need some reward you kno--AWCHH! bat mo ko binatukan eonnie"
"Reward reward! Gusto mong rewardan kita ng isa pang kotong!? Di ka na dapat nanghingi pa niyan nahihiya tuloy ako kay D.O dahil sayo!"
 

"Oo na oo na unnie sorry na! Pero napapansin ko ah....yiee ikaw ahh siya na ba ang--" hindi pa natatapos ni Minji ang sasabihin niya tumayo ka sa kinauupuan mo at pumunta sa kwarto. 
 

Pagkapasok mo ng kwarto, kinuha mo agad ang cellphone mo.

"Unnie san ka pupunta!" sabi ni Minji at sinundan ka. 

Pagkatingin mo sa CP mo may 2 message. 

 

iMessage
from: BOYFRIEND♥
TODAY 6:15 PM
     Hindi ka mag iisa jan babe pinapunta ko si Minji :)    
TODAY 6:17 PM
     Ingat ka jan Minhee lagi mong i-lock yung gate bago matulog 
     kumain ka ng kumain kahit wala ako wag mag papapasok ng   
     kahit sino! Pag may training ka ngayon or bukas wag kang  
     masyadong lalapit dun kay Hyung Jun na yon magseselos ako! 

Pagkakita mo sa text niya bigla kang gumulong gulong sa kama.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAA" tili mo sa kilig.
"Anung nangyayare sayo unnie!? UNNIE!!? Masamang ispirito pakiusap layuan mo unnie ko!!!!" sabi ni Minji at sinampal sampal ka.
"Ahh ahh aray anu ba! Bitawan mo ko kinikilig ako kinikilig ako kinikilig akoooooo!! MINJI KINIKILIG AKOOO brrr"
"Hala shet baliw na nga!"
"MINJIIIIIIII KYAAAAAAAA ANG SWEET NIYA TALAGAAAAA~~~" 
sabi mo at pinag pipisil si Minji.
"Aray aray unnie OA na OA na!! Sino ba kasi yan?"
"Si D.O hihihihieu"
"Si kyungsoo oppa!? Ey!! sinabi na eh! gusto mo siya no! Yieeee" 
sabi niya at kiniliti ka sa tagiliran
"aah wag...Oo oo at gusto niya rin ako, anu ka ba kami na nga eh"
"PBHUAHAHAHAH WEH!? MUKA MO UNNIE!"

"Pfftt di wag ka maniwala hahaha" sabi mo at tinignan muli ang cellphone at nakipag text kay D.O.

YOU
TODAY 6:24 PM
     Kyungsoooooooooooo! Thank you babe! Salamat sa ginawa mo  
     na-touch talaga ko kahit si chanak tong pinasama mo sakin
     thank you talaga ingat ka I love you :* muahhh
      

from: BOYFRIEND♥               
TODAY 6:26 PM
    Uugh! Miss na agad kita wala pa man kami sa airport I love
    you too TT..TT
   

YOU                
TODAY 6:26 PM
    Wala pa kayo sa airport?

from: BOYFRIEND♥
TODAY 6:27 PM

    Wala pa, medyo malayo layo pa nga kami eh     
YOU
TODAY 6:27 PM
    Ay ganun sige magpahinga ka muna tapos i-text mo na lang
    ulit ako pag nasa airport na kayo ha~
from: BOYFRIEND♥
TODAY 6:27 PM
    Sige baby~

Pagkatingin mo sa reply niya sumabog na ang Bulkang Feels ayon sa PHIVOLCS.
"emadfsfe befererefeererefffeefefefe eeccccchhckkkk beep beep beep boom nabubuang na ko hehehahu ajhfsajfhsg"
binaba mo na ang cellphone mo at tumayo na sa kama ng super hyper.
"Minji~ Minji~ tara~ na~~~" sabi mo at hinila siya.
"Saan unnie?" 
"Sa kamatayan~~~~ hahaha charot kain na tayo yo yo yo echo echo echo"
"Ang weirdo mo talga unnie"
"Compliment ba yan? Im find thank you"

- - - - - - - - 

 

Kasalukuyan na kayong nakain ni Minji.

"Anu ba yannn! Nalaglag na kinain mo pa rin ew ka talaga unnie you're so gross!!" sabi niya sa ginawa mo kani-kanina lang.
"Gross, gross arte-arte tapon kita sa GROSSery store eh wuahahah jejeje kanina mo pa ko ini-english ano ba pinaglalaban mong bata ka?"
"whatever unnie"
"huh!! So you're making me wanna fight you in englishing mode? you have no idea how good my idea is"
"Anu daaaw?" 
kunot kilay ni Minji sa English mo.
"Go! go! go! go with the flow ask me anything about the world of universe"
"phbuahaha game i'll ask you...what is beauty?"
"Beauty? Beauty is me hahhaa"
"Kapal mo talaga unnie hahaha next question do you believe that man is greater than woman?" 
"Of course none of the above! Woman eats bananacue of man and man can't eat their own banancue because they can't reach it unless they are my husbands lover so still they need woman to make their bananacue happy and to produce new human specie and as for woman, man needs our buns of mountanous landslide to enjoy their basketball game so for equality of life peace be with you, thank you and good night Bangladesh"
 sabi mo at nag bow.
"PBHWUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA UNNIE SIRA ULO KA TALAGA HAHAHAA!"
"HAHAHAHAHA--" brrrr
Nakikitawa ka kay Minji ng biglang nag vibrate ang phone mo.
 

iMessage
from: BOYFRIEND♥
TODAY 8:17 PM
     Minhee nasa airport na kami pa-sakay na ng plane io-off 
     ko na phone ko wala mang lang bang I love you galing sa
     mahal ko? 

Pagkabasa mo..
"OH
EHM
JI
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"
 tili mo

"Ay nako..bumalik na naman ang ispirito" bulong ni Minji.

Hindi mo na pinansin ang sinabi ni Minji at nag reply na agad kay D.O.

- - - - - - - - - - - 


from: GIRLFRIEND
TODAY 8:19 PM
    Roses are Red..

TODAY 8:19 PM
    Violets are Blue..

TODAY 8:20 PM
    No matter what happens, 
    It's only me and you.

TODAY 8:20 PM
    
I love you Do Kyungsoo    

Pagkabasa nun ni D.O di niya mapigilang ngumiti.
"Uy oh! Ang saya mo ah" tapik ni Baekhyun kay D.O. "Share ka naman anu ba yang pinag uusapan niyo?"
"Wala lang" sabi ni D.O at nag poker face
"Ehhh damot" sabi ni Baekhyun na parang bata kay D.O.
"sigi na nga, oh!" sabi ni D.O at pinakita ang convo niyo.
"PFBUWAHAHAHHA Ang cheesy niyo naman hahaha wala man lang bang I Love you galing sa mahal ko? hahahaha" at tawa siya ng tawa.
"Anu naman? Inggit ka lang eh" sabi ni D.O kaya tumahimik bigla si Baekhyun.
"hmmp edi ikaw na! Jan ka na nga! nasan na ba yun, Chanyeol!!!!!" sabi niya at hinanap si wonderboy.
Pagkaalis ni Baekhyun naka-recieve ulit ng text si D.O for the last time para sa gabing ito.

from: GIRLFRIEND
TODAY 8:22 PM
    Oppa si Minji to, si Unnie nag sha-shower na thank
    you nga pala ulit sa basket ng chocolate and candy..
    Good night po! Ay oppa wag nga po pala kayo masyadong 
    nagpapaniwala kay unnie..never po magiging violet ang
    blue

Pagkatapos i-send ni Minji yun agad niyang dinelete sa sent items ang message at natulog na.


 

 

[A/N]

Hoorray an update!


 -anfic Reader!


Hey guys so much miss you gosh oh my!
Me wez like really hella friggin' mizzin ol of ya

hahahhaha englishing me is bleeding my nose hard!
Wala na kong masabi hahaha ang haba ng  chapter na to ah inferness to me XD

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?