forty-three

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

 

Pagkatapos ng pag happy happy mo, sinabi mo na sa kanila kung anong totoong ibig sabihin ng sinabi ni D.O at inexplain kung bakit naging tinapay yun. 
Pagkatapos mong sabihin yun sila naman ang tawa ng tawa. Si Suho oppar hiyang hiya sa sinabi niya at ang ibang members, tawa parin ng tawa kasi umagree pa sila sa sinabi niya.

Pagkatapos nung everything, tinuloy niyo na ulit ang usapan.

"Anu bang magandang kantahin nila?" tanong ng music director.
"hmm kung ganda lang din po ang pag-uusapan syempre ako na yun, kaso po hindi naman ako kanta kaya hindi ako yun wahahuhe charot hindi po ako makapili marami po kasing magagandang kanta dun"
"Ah! Noona kung yung kantang favorite mo na lang
" suggest ni Sehun.

"Favorite ko...Hawak Kamay......tama! Oo nga no! Okay yun!"
"Anung ibig sabihin nung kanta?
" tanong ni music director. 
"ummm ibig sabihin po nun, pagnaglakbay po kayo di ko kayo iiwan, kasi sa mundo pong ito walang katiyakan..kaya mag hahawak kamay tayo at di ko po kayo bibitawan kahit madumi ang kamay niyo" explain mo.

"Ohh parang maganda nga, kantahin mo nga iha" request nung director kaya nagulat ka 

*gulat*

"K-kakanta po ko?"
"Oo"
"Nahihiya po ko..."

*kakanta ko sa harap ng music director ng sm ent. luuuh baka madiscover ako tapos ipalabas ako sa discovery channel emeyery gedd* 
"Wala naman tayo sa contest wag kang mag-alala di kita huhusgahan at isa pa di ko naman i-eexpect na maganda boses mo" sabi ni vocal coach habang naka ngiting pangyayabang. 

Pagkarinig nun ng mga EXO member nag pantig ang tenga nila.
"Kakasabi mo lang hyung na di mo siya huhusgahan eh ginawa mo na nga" biglang sabi ni D.O
"Ginawa ko talaga? Pano---" 

Minsan madarama mo kay bigat ng problema 

bigla silang natigilan kasi bigla ka ding kumanta

Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”

Tumingin ka lang sa langit

Baka sakaling may masumpungan

Di kaya ako’y tawagin 

Malalaman mong kahit kailan....

At yun na nga kinanta mo na ang literal na hawak kamay, kasi hawak-hawak mo ang kamay ni director at ginamit mo tong mic habang nakanta with emotions.

Tapos pag mataas ang nota bonggang-bonggang birit ka din teh.


"sa mundo ng kawalan..."

Pagkatapos mong kantahin yung buong kanta...
"O-okay sakin yan.." sabi ni vocal coach at tinanggal ang kamay niya mula sayo.
*hindi ako makapaniwala..* inisip niya.

Ang EXO-K naman proud na proud sa kanilang yaya

"Daebak ka talaga!" puri ni Suho oppar.

*ang swerte talaga ni D.O hyung* inisip ni Kai
"Noona ko yan!!" sabi ni Dongsaeng at nag thumbs up
*Ang bilis ng tibok ng puso ko....................ughh   di to pede* inisip ni Chanyeol at umiling-iling.
"Parang ang sarap aralin nung language niyo haha ikaw na talaga Minhee! Jjang!!" sabi naman ni Baekhyun.
and last but not the frucken least yung boyfriend mo haha charot...
Si D.O naka-ngiting abot Mandarin U.S.A hahaha san yonn 
*hindi na ko magtataka kung bakit ko minahal si Minhee* inisip ni D.O. at patuloy kang tinitigan

 

"So okay na Hawak Kamay na kakantahin niyo...So simula ngayon pag-aralan niyo na yung kanta tapos pagkatapos ng birthday ni Mr. Lee SooMan bukas ia-arrange ko na yung vocal formation niyo" 

"Ne!"
sabi nila sabay sabay.

Pagkatapos nun umalis na si vocal coach at kayo nalang ng EXO-K ang nasa Music Room.

 

"Bukas na nga pala party ni CEO SooMan no? Ayos na ba sosootin mo Minhee?" tanong ni Kai
"Ah oo okay na! Dahil na rin sa tulong ni Yoonji" sabi mo ine-emphasize yung pangalan ni Yoonji.
Naalala mo ulit na pinangakuan mo nga pala si Yoonji angel na tutulungan mo siya maging malapit kay Kai.
"ah okay" pero yun lang sagot ni Kai. 

haha nung care niya kay Yoonji. 



- - - - - - - -





"--ah teka alam ko na...pede ko bang hiramin yung gitara na yun?" tanong mo at tinuro ang piano
haha charot
"Marunong kang mag gitara Minhee?" tanong ni Chanyer.
"Ah...oo haha...teka share ko lang ah, naging member kasi ako ng choir sa Pilipinas tapos pag uwian inaaral ko lahat ng instrument pero patago lang kasi hindi naman ako member ng instrument unit teka haha meron ba nun? basta yun, dun ako member sa vocal kaya bawal namin pakeilaman mga instrument kaya secret ko lang yun haha dun ako sa loob ng confession room nag papractice lagi"
"hala pano pag nahuli ka noona?"
"Edi magsosorry ako kay Lord close kaya kame"
"haha noona talaga"


"Haha eto na game...yung kanta kase na to pang acoustic talaga.... kayaaaa gigitarahan ko kayo" sabi mo at kinindatan sila
malandet ka haha

Pero shempre kinilig naman yung mga gaylerss 
Si D.O imbis na matuwa nainis kasi sa isip-isip niya *dapat para sakin lang eh!*

eto na nga..
*tiw tiw tiw tiw* at yun nagsimula ka ng mag gitara habang nakanta.

Habang ginagawa mo yun sa gilid may isang lalaking may kakaibang nararamdaman.
*Ahhh!!!!! bakit ganito!? bat nagugustuhan ko siya ulit!* inisip ni Yeol.

Pagkatapos mong kumanta tedeen nagpalakpakan sila.

"Woaaahh daebak..sigi Minhee mag a-acoustic kami...Yeol ikaw mag gitara paturo ka ng chords kay Minhee" kalabit ni Suho oppar kay Chanyeol.

Ikaw bigla kang lumapit kay Chanyeol at inabot ang gitara at kinuha niya naman to ng hindi inaalis ang tingin sayo.
"Sige....Chanyeol game.....eto una.." sabi mo at hinawakan ang kamay niya para itapat sa tamang chords.

Sa sobrang lapit ng pagmumuka mo kay Yeol napa-gulp siya.

Tapos saktong nag ring ang bell *kriiiiiiing* kasi break time na.

"M-mamaya na natin pag patuloy to gutom na ko" at yon biglang umalis si Chanyeol at dumiretso sa canteen ng SM Building.

Ikaw bigla kang nag taka, hindi dahil sa pag-alis ni Yeol, Nagtaka ka kung bakit nag bebell sakanila tuwing breaktime haha ano toh iskool

 


------------



Kasalukuyang mag-isa si Chanyeol sa canteen habang nagiisip ng mga bagay-bagay.

*Tumigil ka nga Chanyeol anu ba! Pigilan mo yang nararamdamn mo!* iniisip ni Chanyeol habang na-inom ng tubig..

Meanwhile si Baekhyun nakita niyang tulala si Chanyeol sa isang sulok habang nainom kaya naisip niya tong gulatin.
"CHANYEOL!"

 

 

 


"PFFFTT" 

At yun nabugahan ni Chanyeol si Baekhyun sa kanyang feslak "ANU BA!!! WAG MO KONG GINUGULAT!!" 
"Puahahahaha" tawa ni Baekhyun habang pinupunasan yung muka niya
"hahaha ang lalim kasi ng iniisip mo eh" sabi niya at umupo sa harap ni Chanyeol.
"Teka nga kanina pa ko nauuhaw painom nga...anu ba kasing iniisip mo?" sabi ni Baekhyun at kinuha ang iniinom ni Chanyer.
"Alam mo kasi....parang nagugustuhan ko na ulit si Minhee"

 

 

 

"PFFFFFFTT" buga ni Baekhyun sa muka ni Chanyeol.

"AYY AMBASTOSS!!?"
"Hahah nagulat din ako sorry lang... oh pamunas" sabi ni Baekhyun at binato sa muka ni Chanyer ang towel.

"Sabi ko na nga ba eh! Yung mga tinginan mo kasi kay Minhee kanina...."
"Eh kasi naman.."
"Alam ko alam ko..diba nasabi mo na sakin dati na mahilig ka sa mga babaeng marunong mag gitara?"
"Oo..staka kasi ang galing niya kumanta...maganda pa...at higit sa lahat mabait....nasa kanya nga lahat ng gusto ko eh"
"Alam ko naman yun sus.....kaya nga nagustuhan ko--------este oo alam ko oo nga sino bang hindi magkakagusto sa kanya diba"
 kagat labing sinabi ni Baekhyun "Pero diba ikaw na nag sabi dati na si D.O gusto niya?" dugtong niya

Nag nod si Chanyeol.
"Pero di naman ako sigurado dun eh.....ang totoo ang narinig ko lang binanggit niya pangalan ni D.O.. yun lang..."

"HA?? Yun lang!???? Anu ba naman Chanyeol! Akala ko pa naman sinabi niya talagang gusto niya si Kyungsoo! Bat ngayon mo lang sinabi!!!!?"
"Teka teka? bat apektado ka? Ano naman sayo kung yun nga lang sinabi niya? Aminin mo nga may gusto ka rin ba kay Minhee?"
deretsuhang tanong ni Chanyeol 

"....ah.....aahh............AAISHH OO OO!!! Dati nung di mo pa sinasabi na gusto niya si D.O! Panu kasi kung maka chismis ka mali mali wala naman pala siyang sinabi na gusto niya!! Nawalan tuloy ako ng pag-asa dati! AISSH!!!!"

"Kung sinabi ko pala edi nagkaroon pa ko ng isa pang karibal" sabi ni Chanyeol 
"YA!!!" biglang kinotongan ni Baekhyun si Chanyeol "Kung ako karibal anong tingin mo kay Kai!?"

 

"Kai? Ay oo nga pala! si Kai pa nga pala... aishhh....ang dami niyong epal" biro ni Chanyeol.

 

"Bat niyo ko pinang-uusapan mga hyung?"

at biglang "PFFFTTT" sabay binugahan ni Chanyeol at Baekhyun si Kai.

charot hahaha wala naman silang ininom kayo talaga haha

"H-hindi ka namin pinag uusapan ah.." sabi ni Chanyer
"Kakarinig ko nga lang ng pangalan ko hyung" sabi ni Kai habang umuupo kasama nila daladala ang pagkain niya. "sabihin niyo na mga hyung di naman ako magsasalita"

 


"mm..." nag-isip muna saglit si Yeol "Sige na nga"
"sasabihin mo talaga?" tanong ni Baekyun
"Oo bahala na okay lang yan"

"Anu ba yun hyung?
" tanong ni Kai habang nakain.

"Di ba gusto mo si Minhee"

 

 

 


"PPFFFTT"

at yun totoo na haha nabugahan ni Kai si Chanyeol ng kinakain niya.
"Hyung sorry..binigla mo kasi ako" sabi ni Kai habang pinupunasan muka ni Yeol 

Sa tabi, si Baekhyun tawa lang ng tawa.

"Pano mo nalaman hyung?" tanong ni Kai.
"..nung lasing ka" 
"Talaga?"

"Oo, sabi mo pa nga "Hindi kita gusto Minhee...Mahal" ang drama mo nun hahaha...nga pala wala ka naman sigurong balak ipagtapat yun sa kanya diba?"
"Wala ka jan hyung..........naamin ko na nga eh"
"TALAGA? K-KELAN?"
"kanina"

"K-kanina? So.....ibig sabihin nung...nung nag exercise kayo...tapos..nag fastfood restaurant ibig sabihin....wag mong sabihing.......emeygedd"
hindi na ma contain ni Chanyeol ang feels niya kaya si Baekhyun na nagpatuloy
"KAYO NA?"

(insert katahimikan here)

"hin...di nga eh..."
Ang simpleng sagot ni Kai na nag pabuhay muli sa dugo nung dalawa.
"Talaga? talaga bakit?" sabi ng nabuhayang Chanyeol.

"may iba na siyang gusto"

Nanlaki yung balls nung dalawa.

 


eyeballs

"Sino?" tanong nila pareho.

"S--"

"S? SEHUN? SI SEHUN GUSTO NIYA?? EMEYGEDDD" hindi na naman kinaya ni Chanyeol.

"S? SUHO? SI SUHO HYUNG? GUSTO NIYA?? EMEYGEDD" hindi rin kinaya ni Baekhyun version 2.

"S...Secret di nyo naman ako pinatapos mga hyung, hindi ko pedeng sabihin nag promise ako kay Minhee"
"Andaya mo naman!" sabi ni Chanyeol at nag tampururut pero at the same time masaya siya kasi alam niyang may pag asa na ulit siya.

Meanwhile ang hindi nila alam si Suho oppar nasa tabi lang ng lamesa nila naka-upo at nakatalikod kaya hindi nila siya napapansin.
Lahat ng pinag-uusapan nila mula kanina alam niya na, isa siyang mahiwagang chismosor haha ngayon iniisip niya na din yung tungkol sa kung sino ang gusto mo.

*Hindi daw si Kai...Masyadong malapit si Sehun kay Minhee pero parang kapatid lang naman tingin ni Minhee kay Sehun..kaya kung hindi man si Sehun yun...* tumigil siyang saglit at nag isip ng malalim
*panigurado............ ako yun ....Tama! bagay pa naman kami* inisip ni Suho at kinilig mag-isa.

 

--------------


"Andito pala kayo mga hyung? Tara dito na tayo umupo noona" sabi ni Sehun.
"Anong pinaguusapan niyo?" tanong mo pagka-upo

"Hindi 'ano'.....'sino'  Kasi ang pinag uusapan namin, ikaw--fdsdgdfjk" biglang sinaksakan ni Chanyeol ng pagkain ang bibig ni Kai
"Kumain ka lang ng kumain Kai-shi...nakaka-puti yan~~~ promise~~"
"ksfhksgafd"
sabi ng hindi na makahingang Kai.

"W-wala naman kaming masyadong pinag uusapan..hehe" sabi ni Baekhyun.
"Ahh okay haha pero wait lang Chanyeol hindi ba mamatay si Kai sa ginagawa mo? haha"  

 

"Tubigkk---ockk nabubulunan ako--" *ubo* *ubo* at sa bawat ubo ni Kai nagtatalsikan ang pagkain sa muka ni Chanyer  
pagka-abot mo ng tubig tawa lang kayo ng tawa kasi si Chanyer puno na ng butil ng kanin ang muka 

"Sorry hyung di ko talaga sinasadya.." 
"okay lang---" 
*ubo* with talsikan "bastusan na to Kai!??"

At nagtawanan ulit kayo

"Haha tama na yan kumain na tayo" sabi mo at biglang tumayo.
"San ka pupunta Minhee?" tanong ni Baek.
"Na-try mo na bang kumain ng walang pagkain? haha Sinamahan ko lang si Sehun maghanap ng mauupuan wala pa kong nabibiing pagkain ohhhh see the look wala pa kong pagkain"
"Ay oo nga no...hahaha sorry ngayon ko lang napansin sigi pumila ka na para sabay sabay na tayo kumain" sabi ni Baekyen at tumuloy ka na sa pila para sa foodness.

- - - - - - - - -
 

Sa pila mo di mo alam na dun din naka pila si D.O pero pareho niyong hindi alam....ikaw nasa medyo malapit na sa cashier at siya naman nasa pinaka-dulo pa.

Habang naka pila ka nakita mong dumaan si Yoonji na may kasamang isang babae.
"Yoonji!!" tawag mo, at pagkasabi mo nun napalingon lahat ng mamamayan kasi ang ingay mo.
"Minhee...Unnie... teka lang ah" paalam niya sa kasama niya at lumapit sayo.
"Bakit?"
"Yoonji~~~Namiss kita~"
sabi mo at hinug siya
Hinug back ka rin niya pero sa kaloob looban niya diring-diri siya.
"bukas na yung party ah"
"Oo nga hihi salamat nga pala ulit sa pag tulong mo sakin ah! Fairy God Mother~~"
sabi mo at pinisil ang pisngi niya.
"Uh...oo walang anu man" *uuurghhh feeling close* inisip ni Yoonji
"S-sige pipila na muna kami....gutom na kami" sabi ni yoonji at hinila yung kasama niya at pumila sa likod.

 


"Sa wakas nakalayo rin sa kanya" sabi ni Yoonji habang pinapagpagan ang katawan niya na may bahid mo.
"Sino siya? Bagong trainee?" tanong nung kasama ni yoonji
"Yun? haha asa ka pa katulong lang yun ng EXO-K"
"Katulong? as in maid?"
"Oo mahirap na katulong" 

May mayaman bang katulong? haha
"Muka siyang mabait ah infernes"  sabi nung gurl
"Muka lang yun tsk kung alam mo lang malandi yun! lagi niyang nilalandi mga oppa natin alam mo kung wala lang siya, mapapansin na nila ko sana eh"
Sabi tuloy nung isa "Talaga? Grabe naman siya"
Tapos nag nod si Yoonji "Sobrang landi niya promise, no wonder kaya nagustuhan siyang katulong ng EXO-K, dahil na rin sa kalandian niya"
"Grabe nga pero teka mamaya natin ituloy! na-iihi na talaga ako! Yoonji pa save muna ng pwesto ko saglit lang" sabi nung babae at tumakbo paalis.

Pagkakataon para mapatay ni D.O si Yoonji
haha 

"Pede bang itikom mo na lang yang bibig mo kung wala ka nang sasabihing maganda?" sabi ni D.O pagkaharap niya kay yoonji
"K-KYUNGSOO OPPA!?" sabi ng takot na takot na Yoonji
"Ano may sasabihin ka pa? Wala na sana akong pakielam nung ipinahiwatig mong 'mahilig kami sa malandi' eh...pero yung kay Minhee..alam mong kaibigan turing sayo ng tao tapos gaganunin mo? Tapos sisiraan mo at sasabihang malandi? Nakakapang-init ka ng ulo ah!" si D.O 
gustong-gusto ng banatan si Yoonji at the moment pero dahil babae siya whetevers never meynds haha


" Una at huling beses ko lang tong sasabihin sayo kaya sana tandaan mo....Si Minhee katulong lang oo katulong nga lang siya....katulong na walang pera at kailangan pang magtrabahong maigi para lang kumita. Pero yung babaeng sinasabi mong 'katulong lang' wala ka pa sa kalingkingan niya.. hindi mo kayang maging nanay namin na laging nag aalaga samin, tatay namin na laging nagbibigay suporta, kapatid namin na laging nanjan pag kailangan at lalong hindi mo magagawang maging nag iisang prinsesa ng pamilya namin. Kaya kahit kelan yung MALANDI na sinasabi mong yun. Hinding hindi mo mapapantayan Yoonji tandaan mo yan" 

Biglang umiyak si Yoonji

"O-oppa s-sorry.." sabi ni Yoonji at hinawakan sa braso si Kyungsoo.
"Bitawan mo ko...tsk! makaalis na nga dito nakakawalanggana kumain...oo nga pala wag kang mag alala hindi to makaka-abot kay Kai siguraduhin mo lang gamitin mo yang utak mo minsan" sabi ni D.O at lumayes

odebaa antarayyyyyyyy haha game continuee

Ikaw naman tapos ng bumili at pabalik na sa upuan ng bigla mong nakita si Yoonji na mag isa na lang at umiiyak.

"Hala yoonji bat ka naiyak? Uyy sorry napatagal akong umorder natagalan ka tuloy sa pila sorry talaga...ang hirap kasing mamili ng ulam, kanina pa nga ko nag iisip dun sa cashier kung yung Bulgogi ba o Japchae..pero mas masarap kasi yung Hemul Pajeon...kaso okay lang din yung Yangnyeom Tongdak ang hirap bigkasin pero okay na rin kasi nakabili na ko ng Bibimbap ikaw anu bang----Yoonji? Yoonji"
"Miss kanina pa umalis kausap mo" sabi nung kakapila pa lang
"Ay......haa.. ha ha oo nga no hahaha sorry" sabi mo at nag bow kay kuya at bumalik na kasama ng EXO members.


Pagbalik mo dun nakita mong nandun na si D.O. at nakaupo sa inuupuan mo.
"Noona ang tagal mo na naman" 
Biglang lumingon si D.O "Ay ikaw ba naka-upo dito?" tanong niya at nag nod ka "di sige manghihiram na lang ako ng upuan"
"Di ako na
" sabi ni D.O at pina-upo ka "salamat" sabi mo at umupo.
"Excuse me may naka-upo ba dito pedeng mahiram---Suho hyung? Ikaw pala yan?"
Si Suho oppar nag kunwaring di niya alam "Ohh?" tapos tumalikod siya "Anjan pala kayong lahat" sabi niya at nag gulat gulatan. "Makikisali na rin ako sainyo" sabi niya at inilipat na yung dalawang upuan sa kabilang table.

- - - - - - - - 

Kasalukuyan parin kayong nakain at nag uusap tungkol sa mga alagang hayop..

"Gusto ko alagaan woodpecker kasi ang cute nila" sabi ni Suho oppar.
"Woodpecker diba ibon yun?" tanong mo at nag nod siya
"Di ka pa ba kontento sa ibon mo oppa cute din naman yan eh ahahahahaa"
at sa kakatawa mo tumulo laway mo "Ay yuck ahahahahaha sorry" at tinawanan ka nila. "game tuloy niyo na hahaha"
"Uhm ako gusto ko pusa kaso bawal sa dorm may pusa kasi kame sa bahay namin gusto ko siyang dalhin"
 sabi ni Chanyeol
"Ahh" at nag nod kayo.
"Ikaw Minhee?"
"Ako pangarap kong mag-alaga din ng lion tulad ni papa"
sabi mo kaya nagtinginan sila
"May alagang lion papa mo Minhee?" tanong ni Baek
"Wala pero pangarap niya rin mag-alaga"
"Ahh ahahahaha" 
"Ako gusto kong mag alaga ng tuta kasi sabi sa Zodiac sign ko pampaswerte ko daw yun"
"Zodiac sign? Anu yun Sehun?"
"Di mo alam yun noona? totoo? haha hmm kunwari June 21 hangang July 22 Cancer yun, ganun ganun ikaw anong zodiac sign mo noona?"

bigla kang napaisip "May 15 hanggang September 16 Ulcer"
Pagkasabi mo nun nagtawanan sila
"Noona naman eh anu nga haha"

Bigla kang napakunot kilay
*Mali ba yung sinabi ko?* inisip mo
"Ah alam ko na! December 25 hanggang New Year  Diabetes"

"PUWAHAHAHAHA"

at nagtawanan sila ng bonggang bongga

- - - - - - - -

Pagkatapos niyong kumain ng lunch nag practice ulit kayo hanggang 8:00 ng gabi pagkatapos nun saka kayo umuwing lahat.
Pagka-uwi niyo nagluto ka pa ng makakain, kumain ulit kayo at nagready para magpahinga kasi may party pa bukas.

 

Nung mag isa ka na lang sa kusina lumabas ulit ng kwarto si D.O.
"Minhee" tawag nya sayo.
"D.O? bat gising ka pa?"
"May itatanong sana ako pano sabihin yung daebak sa tagalog?"
"Daebak? hmm...Magaling?"
"Magaling?"
"Oo" 
"Edi pagsinabing Filipino is Daebak...Filipino Magaling?"
"Ahaha oo tama ang galing mo talaga!"
sabi mo at nag thumbs up.
"Pano naman sinasabi yung bati tuwing gabi? "
"Um pede mong sabihing 'Magandang Gabi"
"Magandang Gabi..tama?"
"Oo"
sabi mo at nag nod. "Ano pang itatanong mo?"


*magandang pagkakataon to* inisip ni D.O
Biglang tumahimik..

 


Hinawakan ni D.O ang parehong balikat mo

"Minhee...I love you" sabi niya habang nakatitig sa mga mata mo

Tumigil saglit ang mundo mo *I...I love you daw? m-mahal din niya ko---*

"pano ba sabihin?" dugtong niya.
*AYYY!! Shet naman!!! moment ko na eh! Kala ko pa naman!!* inisip mo.

"Tsk..Mahal kita!" pa bitter mong sinabi kasi naiinis ka.
"Pano ulit?"
"Mahal kita!"
sigaw mo ulit sa parehong tono 
"Teka parang ang hirap ng word na to talaga.."
"Ano ba D.O MAHAL KITA!!"
sigaw mo ulit
pero this time may narealize ka na sa isinisigaw mo.
"Ahh..ganun pala yun...ang sarap pakinggan ah pedeng isa pa?" sabi ni D.O habang nakangiti sayo kaya nagblush ka..
"Ayoko na ulitin" sabi mo at itinago ang pagkakilig.

"Haha sige na Minhee magpahinga ka na..."
"Good night"
sabi mo at umalis pero pinigilan ka niya
"Teka lang! Filipino magaling...Filipino is Daebak tama? Good night...Magandang gabi? Ano nga ulit ibig sabihin ng Mahal kita?"
"I love you.."
"aah oo nga...
I love you too"
sabi ni D.O at tumakbo papasok ng kwarto nila.

At ikaw 

//deads

 


 

[A/N]

Super long update no? hahaha
Tingin ko di ko na kailangaan ng bonggang [A/N] kasi hindi kayang pantayan ng kahit anong salita ang pagmamahal ko para sa inyo.


hahaha hutang shina ang drama mo woy!
Hahaha

Happy 600+ subs eberi bady

 TT.TT 

I can't emerfeckingggg emeyged.

Sya nga pala haha may mga isespecial mention ako haha una dito si 

Jenny Cister admin na nag post ng previous chapter ng story sa page na EXO Tagalog MemesI so so luv you Jennybells <3

Tapos meron pa hahaha yung mga comment na nagpasaya sakin nung previous chapter hahaha di ko na sasabihin yung mga pinagsasabi niyo pero alabyu!  Thank you esuhort08 | Imshanlee01 | SuperGirl1315 | relsrels | MeiMaeLi | aluminumoxygen4123 | cutemyunghee V-LOT haha

Napatawa niyo ko in idunnow how hahaha basta 

Thank you sa inyong lahat kaiyak <3
haha tengene bye 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?