ty

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

"Tulong! Tulong!! Tulungan niyo kami!! Tulungan niyo girlfriend ko!!!!!" sigaw ni Kyungsoo sa gitna ng kalsada habang naiyak pa rin.

Agad-agad kayong pinalibutan ng mga taong bayan pero hindi para tumulong kundi para makichismis lang. 

"Tulungan niyo kami anu bang ginagawa niyo!?? Bat nanonood lang kayo! Di niyo ba nakikita nabangga na girlfriend ko!!!!!" sigaw ni Kyungsoo."Aishh! Tumawag kayo sa 119!! Please!!" sigaw niya ulit  

May isang taong nagmabuting loob at naglabas ng cellphone "Ako na tatawag sa 119 ano bang number?" tanong niya
"ENGOT KA BA KAKASABI MO LANG!" sigaw ni D.O at inis na inis na siya dahil ang dami ng dugong nawawala sayo.
Yung mga tao sa paligid nag tawanan pa kahit may duguan ng tao sa harap nila.
"sorry" sabi nung lalaki at tumawag na sa ambulance.

"Minhee..please...sana okay ka lang..." hawak ni D.O sa muka mo.

Di rin nag tagal at dumating na ang ambulansya at hinatid ka na sa ospital.

 

- - - - - - -

 

7:00 na ng gabi at hindi pa rin nalabas ang doctor sa ICU.

Ang pamilya mo at mga kaibigan pati ang EXO-K ay nasa labas ng ICU at hinahantay parin ang resulta.

 

"oppaaaaaa totoo ba talaga tong nakikita ko oh my ghaaadddd yung EXO-K nandito talga!! mamamatay na ko oppaaaa mamamatay na ko i-ICU mo rin ako oppa di ko na kaya" bulong ni Nana sa boyfriend nya.
"I-CPR kita gusto mo?"
"Aish epal ka! agzsfdg kyaaaaa ang pogi talaga ni Sehun oppaaaa sgdfgdf"

"yan na ba yung mga pinag mamalaki mong mga gusto mo yeobo? eh wala pa nga yang mga yan sa strand ng buhok ko eh"
"ang yabang neto! strand ng buhok! Strand ng buhok mo puro dandruff!"
sabi ni Nana at tinalikuran si Chandeul.
"uy joke lang! tampo agad~~oh sige na sila na pogi! sila na crush ko! crush ko na sila lahat lalo na yung Sehan"
"Sehun! anung sehan ka jan"
"Basta yun sino ba siya jan?"
"Ayun oh kyaa oh my ghaad nakatingin siya ditoooo"
sabi ni Nana at nagtago sa likod ni Chandeul.
"Ah siya ba yun? Sehun oppa saranghaae~~" biglang sabi ni Chandeul at nag wink kay Sehun.
Biglang nandilat si Nana at pinalo siya.
"Oppa nakakahiya ka!!" bulong ni Nana

Si Sehun, tawang-tawa na sa mag syota pero pinipigilan niya lang to dahil seryoso ang mga katabi niya lalo na si D.O.

*kasalanan ko ang lahat....kung hindi dahil sakin wala sanang ganitong mangyayari! Aish!!!!* inisip ni D.O at nag bugtong hininga.

Di na rin nagtagal at lumabas na ang doctor.

Agad agad nagsikumpulan lahat para itanong ang nangyari.

"Doc kamusta ang anak ko!?" tanong ng appa mo.
"Pata--"
"Pata!? PATAY? PATAY NA SIYA? PATAY NA ANG ANAK KO!?????"
sigaw ng appa mo at biglang nahimatay at buti sinalo ng umma mo.
"PATAwad po at ngayon lang natapos ang operasyon, hindi pa po patay ang anak niyo" klaro ng doctor.
"Hindi!?" biglang nagising ang appa mo. "WAAAAAAAAAAAAAAH SALAMAT SALAMATTT" sabi ng appa mo at kiniss ang kamay ng doctor. "SALAMAT AT NILIGTAS MO SIYAA" sabi ng appa mo at nag bow, tapos tumakbo siya pa-alis para pumunta sa altar at para makapag-pasalamat kay Lord.

"Pagpasensyahan niyo na po asawa ko ah" sabi ng umma mo "Kamusta na po ba talaga siya? Anung lagay niya?"
"Uhm..actually ma'am buhay siya oo pero it's 50/50 pa rin, we're not yet sure if she'll stay breathing until few more days, and I think she's having hard time fighting with brain damage since the head was the first to hit the ground when she had her accident this afternoon
" sabi ng doctor.

Ang umma mo biglang umiyak
"D-doc........ang haba ng english mo di ko naintindihan" sabi ng umma mo kaya nagtawan sila.

Si D.O sobra sobra pa rin ang lungkot. "B-brain damage po?" tanong niya. sa doctor.
"Yes...pero di pa sure yun. Malalaman natin kung na-brain damage nga ba siya, after she wake up"
"t-thank you po..." si D.O biglang kinabahan.

Umupo lang siya sa isang tabi at nag dasal na sana kokey ka na.

"Suho oppa pano na daw lagay ni unnie?" sabi ni Minji na naka kandong kay Suho.
"mm..50/50 daw siya hindi pa rin sure kung mabubuhay siya oh....mamamatay...tapos baka daw magkaroon siya ng brain damage kasi nung naaksidente siya nauna yung ulo niya bumagsak"
"Ahh...kawawa naman talaga si unnie noh tsk, pero kaya niya yan, alam kong kayang-kaya niya yan, kahit ano ngang damage kaya niyang ayusin eh brain damage pa kaya eh matagal ng my damage brain nun"
"Hahaha ikaw talaga"
sabi ni Suho oppan at hinawahan si Minji sa ulo.


 - - - - - - 


 Ang EXO-K napilitan ng umuwi dahil sinabihan sila ni manager na may practice pa sila bukas.
Si D.O nagpaiwan at wala ng nagawa ang ibang members dahil hindi ka talaga niya iiwan.
Si Nana at Chandeul nauna na dahil may kanya-kanya na rin silang trabaho.
Si Minji at ang papa niya umuwi na dahil may pasok pa sa trabaho at iskwela bukas.

Ang mga magulang mo naman pinagpahinga muna ni D.O sa tabi at siya ang gising na gising pa para bantayan ka.

Hinawakan niya ang muka mo at ngumiti
"Minhee gigising ka naman diba~papatawarin mo pa ko diba~~gagawa pa tayo ng maraming baby..d-diba" sabi ni D.O at pinigilan ang pag-iyak.

Pagkatapos mag drama-drama ni D.O onti, pinunasan na niya ang luha niya.
Itinaas niya ang kumot mo at natulog na siya sa tabi mo hawak hawak ang kamay mo.

 

- - - - -

 

Kinabukasan ganun pa rin ang sitwasyon, hindi ka gumagalaw pero may tibok pa rin ang puso mo.
 

Pag gising ni D.O nakita niyang hawak-hawak niya pa rin ang kamay mo.
Kiniss niya ito at hinawakan pa ng isa niyang kamay at nilagay sa pisngi niya.

"Good Morning Baby~" bati ni Kyungsoo sa katawan mong di nagalaw.
Hindi ka sumagot kaya napabugtong hininga lang siya "Suplada ka na ngayon ah yeobo~" sabi niya at nginitian ka.
 

"Oh gising ka na pala D.O-shi~ Kumain ka na muna iho kami muna bahala dito sige na kagabi ka pa di nakain~" sabi ng umma mo.
"Okay lang po ako"
"Tsk wag na makulit iho~ naku hindi matutuwa si Minhee niyan!"
sabi ng umma mo at nginitian si D.O
"Tama po kayo...di nga siya matutuwa" sabi ni D.O at nilagay ulit ang kamay mo sa gilid mo at saka tumayo. "Sige po tita...kayo na po muna bahala babalik din agad ako"
"Sige lang iho walang problema"
sabi ng umma mo  sa kanya.

Si D.O imbis sa canteen, sa altar siya dumeretso at nagdasal.
Pagkatapos niyang mag pray saka pa lang siya kumain, at di rin nag tagal bumalik na sa tabi mo at nagbantay.

Ang EXO-K nagsinungaling kay manager at sinabi na may sakit si D.O kaya hindi siya makaka-attend ng practice. Alam nilang hindi talaga uuwi si D.O kaya pinag takpan na lang nila ito.

Si D.O pinipilit hindi makatulog kahit antok na antok na siya.

 

- - - - - -  

 

 

"huwooaah~~" hikab mo pagka gising mo. 
Napa-pikit pikit ka ng mata dahil sa silaw pero na-adjust din to di nag tagal.

Tumingin ka sa paligid mo at laking gulat mo at puro puti lang ang nakikita mo.
"Nasan ako?" tanong mo sa sarili.

"Hello..helloooo..anybodyy heeeere? wow english haha hellooo~~?" sabi mo at naglakad lakad pero puro puti lang talaga ang nakikita mo.
"Hellooooooooo~~~may tao po ba jan~~?"

"Hi~
" rinig mo bigla mula sa likod kaya nagulat ka
"AY KABAYO KA!" 
"Nyi~Hindi naman ako kabayo"  sabi ng pamilyar na boses sa likod mo.
"T-tita...TITA!? WOAAAHH!!!!" sigaw mo dahil nakita mo ang tita mo,.
Tita mo na mama ni Minji na patay na.
"Woaaaah!!!!!" sigaw mo parin.
"Shhh wag kang maingay pamangkin natutulog ang mga anghel~" sabi ng tita mo at hinawakan ka.
"T-tita..p-pano mo ko nahahawakan...at..nasan ako ano tong lugar to tita...nasan ako.."
"Minhee~nasa langit tayo~"

"L-langit...i-ibig sabihin...p-patay..." bigla kang umiyak..."Hindiiiiiii tita hindi maaari to!! tita hindiiiii" sabi mo at umiyak.
"Minhee...malalagpasan mo rin yan, ganyan rin ako hindi ko parin tanggap na patay na ko~"
"T-Titaa....tita..."
yun lang ang nasabi mo at umiyak ng umiyak.
Niyakap ka ng tita mo at pinunasan ang luha mo "Minhee~ tama na~ marami ka ng nagawang kabutihan sa mundo sapat na yun~ halika ipapakita ko sayo kung gano kaganda ang langit~" sabi ng tita mo at hinawakan ang kamay mo kaya sumama ka na.

- - - - -


"ayan ang head quarters ng mga angel"
Tumigil ka na sa pag iyak dahil na-amaze ka sa ganda ng paligid.
"woooow astig may head quartes parang sundalo lang"
"haha tama ka, eto na man ang holy water...pag hinawakan mo yan makikita mo ang katawan mo sa lupa.
"T-talaga po?"
sabi mo at hinawakan agad ang tubig.

Unti-unti lumalabo ito at may mga imahe ka na nakikita.
Nakita mo ang katawan mo na nakahiga sa ospital habang nakahawak sayo si D.O at naiyak. 
Pagkakita mo nun napaiyak ka rin "D.O..." sabi mo at hindi na kinaya ang nakikita kaya lumayo ka na dito.

"Minhee~tanggapin mo na~" sabi niya at hiwakan ang balikat mo.
"Tita kaya ko naman tanggapin na patay na ko...p-pero yung mga mahal ko sa buhay...pano nila matatannggap...tita di ko kayang nakikita silang nasasaktan...tita di ko kaya yun..." sabi mo at lalong umiyak.
Niyakap ka ng tita mo at kinomfort ka.

"Tahan na Minhee..nandito naman ako~ aalagaan kita kagaya ng pag aalaga mo sa anak ko~" sabi ng tita mo.

Pagkatapos mong umiyak ng matagal sinama ka na ng tita mo sa pinaka-main attraction sa langit.
wow parang theme park lang may main attraction hahaha

"Minhee..ito ang golden gate of heaven"
Pag katuro sayo nun ng tita mo napanganga ka lang sa ganda nito at laki.
"w-wow" sabi mo.
"halika sasabihin ko na kay St. Peter na papasukin ka na~"
"t-teka tita...d-di pa ko ready..."
"Sus halika naa~ masaya sa loob ng kingdom of God~"
sabi ng tita mo at hinila ka palapit kay San Pedro.

Pagkakita pa lang ni San Pedro sayo nakilala ka na niya agad "Minhee! Anung ginagawa mo dito?" tanong niya.
"P-pano niyo po ko nakilala"
"Ako si San Pedro iha~"
"San Pedro? Kamusta po si Mang Inasal?"
"Pfft kahit sa langit kumidyante ka pa rin"
"Ah..ha..haha"

"Sya nga pala anung ginagawa mo dito sa langit?"
"D-diba po ba patay na ko?" 
"Ha? Hindi pa iha..ang katawan mo sa lupa buhay pa~ panigurado naliligaw lang ang kaluluwa mo kaya ka napadpad dito"
"T-talaga po? Sabi po kasi ni tita.........tita? Nasan na po yung tita ko?"

"Umalis ulit siya...hindi niya ba nasabi sayo na di niya parin tanggap na patay na siya?"
"Nasabi po.."
"ayun, hindi niya pa nga tanggap kaya hindi pa siya nakakapasok sa loob netong malaking gate na to, tapos ang ginagawa niya lang dito sa labas ay tinutulungan ang mga tao na makapasok na sa loob neto"
"Aahh...so..ibig sabihin po..."
"Oo buhay ka pa at babalik ka pa sa lupa"
"So ibig sabihin talaga..."
"Oo it's not yet your time to shine sa kabaong"

Bigla kang napadilat "Pano niyo po nalalaman nasa-isip ko?"
"Binulong sakin nung manok" 
"Talaga po? wow" 
"Oo at sabi niya wag mo na ituloy ang balak mo dahil hindi siya masarap i-adobo"
"Pft--Buwahahaaha"

Nginitian ka lang ni San Pedro "Hinahantay ka na ng mga mahal mo sa buhay, papabalikin na kita sa lupa at makakalimot ka" 

Ala una
alas dos
alas tres

poof

wala ka na sa langit.

- - - - - - 



Kung sa heaven parang wala pang isang oras ang nakalipas, sa lupa ay limang araw ka ng nakahiga ng walang malay.

"Minhee..naririnig mo ba ko? Minhee...gumising ka na naman oh...yeoboo... hindi ko na kaya....Minhee miss na miss na kita...." sabi ni D.O at patuloy na umiyak.
 

Unti-unti iginalaw mo ang daliri mo.
Naramdaman ito ni D.O kaya nandilat siya.

"Minhee!? Minhee gising ka na ba? Minhee"
At ginalaw mo ulit ang mga daliri mo.

Napangitisi D.O at in an instant at umiyak ulit siya pero tears of joy na lang.
"M-minhee...." sabi niya at hinawakan ang kamay mo.

Unti-unti dinilat mo ang mga mata mo.
 

"Minhee...salamat at nagising ka na.." sabi ni D.O na tuwang tuwa.

Pero di rin nag tagal ang tuwa niya ay biglang nawala.

"Sino ka?"

BAM
Parang hinampas si D.O ng sampong punong kahoy na may bakal sa loob dahil sa sinabi mo.
*a-anong ibig sabihin nito...bat di niya na ko kilala...brain damage...wag niyong sabihin...*
"M-Minhee...yeobo ako to..." sabi ni D.O at hinawakan ang kamay mo.
"Hindi kita kilala..bitawan mo nga ko” sabi mo at nag pumiglas.

“Minhee ako to si D.O…minhee...” sabi niya at luhang-luha na.
“Hindi nga sabi kita kilala! Bitawan mo ko nasan sila umma at appa? Nasan mga magulang ko! nasan sila!?”
“M-minhee…” at yun na nga umiyak na si D.O na doble pa sa lahat ng iniyak niya nung limang araw na naka-confine ka.

Ikaw di mo na mapigilang
tumawa “Pwuahhaha! Uy joke lang" sabi mo kaya napatigil si D.O.
"pano ko naman makakalimutan ang taong pinaka-mamahal hhmftt---” at bago mo pa matapos ang sasabihin mo hinalikan ka ni D.O ng buong puso  pagkatapos nun nginitian ka niya with tears on the side “K-kala ko nakalimutan mo na talaga ako…Minhee...pinag-alala mo ko...wag mo na ulit akong iiwan Minhee.....yeobo...I love you” sabi niya at niyakap ka sa kama.

"D.O......I love you more" Sabi mo at niyakap din siya.

Di rin nag tagal pumasok na ang umma't appa mo at ang buong South Korea.
Masayang-masaya na silang lahat dahil okay ka na.

 

Ang totoo ang sinabi ni San Pedro na makakalimutan mo kanina ay hindi talaga si D.O kungdi ang ala-ala mo lang sa pag stay sa langit.

 

- - - - - - 

 

Lumipas ang ilang mga araw at nakalabas ka na ng ospital.
Lahat ay balik na sa dati at masaya ka na ulit.

Kasalukuyan kang nasa dorm ng EXO-K para bumisita sa kanila.


"Minhee tignan mo yun" turo ni D.O sa malayo.
Tumingin ka dun pero wala kang nakita "Saan?"
"Ayuno" turo niya ulit
"Wala naman eh! wala kong nakikita" pag balik mo ng tingin, kaharap na ng muka mo ang muka niya kaya na-kiss mo siya.
"YES! Haha!" sabi ni D.O at niyakap ka "Ikaw ah bat mo ko kinikiss"
"pfft haha"
sabi mo at niyakap din siya.

"Ay! May papakita pala ko sayo" sabi ni D.O at hinila ka sa dati mong kwarto.

"Tignan mo yung mga ginawa ko habang magkahiwalay pa tayo dati hahaha hindi ko naalala na ginawa ko yan dati kung hindi pa ko pumasok dito kahapon"
"PFFTT BHWUAHAHA Operation kill Hyungjun? What the life? I wanna die? hahahaha" basa mo sa ibang nakasulat sa dingding.
"Haha dati araw araw akong pumapasok dito para lang mag sulat ng kung ano ano sa galit ko" sabi ni D.O at hinila ka pa-upo sa kama.
"Galit ka pa sakin ngayon?" tanong mo sa kanya,
"Tsk bat naman ako magagalit sayo? Yung ginawa ko dati, isang malaking pagkakamali ko yun at hinding hinding, hindiiii ko na uulitin pang muli" sabi niya at pinindot ang ilong mo.

Umakyat siya sa kama at humiga at hinila ka para humiga rin.

"Minhee..." sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi mo.
Inilapit niya ang muka niya sa muka mo.
Tapos kiniss ka niya sa noo. "Sorry kung nagalit ako sayo"
Tapos sa kabilang pisngi "Sorry kung nagselos agad ako"
Tapos sa kabila "Sorry kung sarili ko lang ang iniisip ko"
Tapos sa ilong "Sorry kung iniwan kita"
Tapos ang huli at pinakamatagal na kiss, sa lips "At sorry kung naging masamang boyfriend ako"

Nginitian mo lang siya at hinawakan mo din ang muka niya.

Kiniss mo siya sa lahat ng part na pinag-kissan niya sayo.

"Muah, muah, muah, muah, muuuaaaah~' kiss mo sa kanya.
"Anong mga ibig sabihin nun?" tanong niya
"Ok" 
"Ya!"
Sabi ni D.O at kiniliti ka sa gilid.
"Ahaha tama na tama na yeobo~ahaha"
"Anung ok ka jan ang dami kong sinabi okay lang?"
"hmm"
hinawakan mo muli ang muka niya at kiniss ulit siya sa palibot ng muka hanggang sa maubos na ang space at umabot ka na sa leeg niya "Ugghh Minhee nakikiliti ako"
Lalo mo pa siyang hinalikan sa paligid ng leeg niya kaya medyo nagiging ual na.
"uunnggghh" moan ni D.O
bigla kang napatigil "Uy anu yan? para ka namang nirererape hahaha!" sabi mo kaya tumigil ka na.
"Bat mo tinigil?" tanong niya
"Lalo kong nagmumuka kong haha"

Nginitian ka lang ni D.O at niyakap.

"Minhee salamat talaga at tinanggap mo pa rin ako sa kabila nung mga ginawa ko...alam kong hindi sapat ang sorry ko sa sakit nung mga dinanas mo nun pero pangako ko sayo, di na kita iiwan" sabi ni D.O at pagtingin niya sayo tulog ka na.
"Aish haha" sabi ni D.O at kiniss ka sa lips ng last.
"I love you" bulong niya.

Tapos bigla mong dinilat ang isa mong mata
"I love you too hahaha" sabi mo at niyakap din siya

 


 



[A/N

Isang chapter na lang

 
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?