fifty-eight

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

Sa mga sumunod na araw ganun pa rin ang mga nangyayari, pumapasok ka para mag training at si unnie Jooyeon naman nag-aayos sa mga Idols.

Tuwing may training ka, minsan binibisita ka ng EXO-K para kamustahin, at lagi mo ring hinahanap si Kyungsoo pero never pa rin siyang nagpapakita.

Lumipas na ang ilang araw at hinding-hindi ka pa rin makalimutan ni D.O, pero kasabay ng pag-alala niya sayo ay ang pag-alala niya rin sa 'panglalaki' mo ika nga niya

 

- - - -

 

"Okay guys this is it, next day is the judging day and the final day" sabi ni manager Minseuk 
"Yun na ang panahon para i-judge yung the best of best trainee...yun din ang araw para malaman niyo kung sino ang dapat pang matira o kung sino ang dapat ng umalis sa company, ito ang araw para malaman niyo kung sino na ang tatanggapin bilang new idol group ng SMENT"

Pagkarinig nun ng mga trainee kinabahan na sila, ikaw chill ka lang kasi di ka naman nakikinig.

"Next day, iprepare niyo na ang sarili niyo para ipakita ang best niyo, sa ngayon ang dapat niyong gawin ay mag pahinga, that's all good luck!" sabi ni manager niyo at umalis na.

Pagkaalis ni manager saka ka lang bumalik sa sarili mo.
Naririnig mong nag uusap ang ibang trainee sa kung gano sila ka kaba at ka-excited.

Tumayo ka sa kina-uupuan mo at lumapit kay Yoonji.

"Yoonji~"

hindi ka niya pinansin

"Yoonji..anung sinabi ni manger?"
"Tsk malay ko? kasalanan ko pa ba na hindi ka nakinig?"
"Sorry"
sabi mo at umalis na agad sa harap niya at iba na lang ang tinanong mo.

 

- - - - - - - - - - - - - - 

 

 

 

Kasalukuyan kang nasa loob ng cubicle ng CR.
Pagkatapos mo umihi, lalabas ka na sana nung bigla kang may narinig na nagsasalita sa labas ng pinto na kakapasok lang ng CR. 

 

"U-Umma..nakalaya ka na?" rinig mong sabi ng pamilyar na boses.
"Oo tinulungan ako ng tito mo para makalaya, siya nag piyansa sakin" sabi nung nasa cellphone rinig mo kasi naka-loud speaker
"Umma...salamat naman at nakalaya ka na umma na-miss kita" sabi ni babae at naluluha na.
"Mm.. nasan ka ba ngayon?"
"Nasa SM Building po"
"SM Building? Wag mong sabihing.... Yoonji! Anu ba! Sinabi ko ng wala kang mapapala jan! Naubos ang pera natin sa pagpapa-retoke mo! Hindi ka na rin nakapag-aral dahil jan! Yoonji tigilan mo na yang katarantaduhan na yan! Wala kang mapapala jan! Walang kwenta yang pagiging idol na yan!!"
rinig mo mula sa labas.

*si yoonji pala yun...* inisip mo at patuloy na nakinig.

"Umma..."
"Yoonji anu ba magka-isip ka naman matanda ka na!"
"Umma..."
yun lang ang nasasabi niya.
"Tsk! Hay nako! Kamusta yung pinapagawa ko? nagantihan mo na ba yung katulong ng EXO?"

Pagkarinig mo nun nandilat ka at muntik na mapasigaw pero tinakpan mo ang bibig mo.

"o-opo umma"
"buti naman! magaling sa wakas nakaganti na rin ako sa walang kahiyaan na ginawa niya sakin! hayup siya! dahil sa kanya nakulong ako"

*so...ibig sabihin...umma ni Yoonji si Judi ajhumma? yung nag sub sakin bilang katulong?....*

"Oy Yoonji sinasabi ko sayo! Bumalik ka na dito sa bahay, tigilan mo na yan! ako na nagsasabi wala yang kwenta! Anak wala kang talent! Wag ka ng umasa! Oo maganda ka nga tapos dahil pa sa retoke, pero ano naman mapapakita mo sa tao? wala! Pagtatawanan ka lang! itigil mo na yan umuwi ka na dito aalis na tayo, pupunta sa malayo, dun ka na mag aaral at--"
"UMMA! BAKIT KA GANYAN? ANG SAKIT MO MAGSALITA! UMMA ALAM MONG PANGARAP KO TO! HINDI AKO UUWI JAN! PAPATUNAYAN KO SAYONG MAY KWENTA DIN TONG GINAGAWA KO! PAPATUNAYAN KO SAYO UMMA!! PAPATUNAYAN KO!"
sigaw ni Yoonji habang naiyak sabay baba ng cellphone.

Pagkarinig mo ng lahat ng pag-uusap nila, ngayon alam mo na kung bakit ganun si Yoonji, bakit siya suplada, maldita at mataray.
Isa siyang trainee na hindi sinosopotahan ng magulang. 
At kung may galit man siya sayo ay dahil to sa paghihiganti niya dahil sa ginawa mo sa umma niya.
Ngayon alam mo na ang lahat.

Paglabas mo ng cubicle wala na si Yoonji,
"mas kawawa pala sakin yung batang yun" sabi mo kausap ang salamin.

Paglabas mo ng CR, umakyat ka sa 8th floor para puntahan ang manager mo at makapag-paalam na uuwi ka na.

Pagdating mo sa 8th floor dumeretso ka sa office niya at nakitang bukas ang pinto, papasok ka na sana nung may mga tao pala sa loob.

"ay may kausap, text ko na lang siya..* inisip mo at tutuloy na sana umalis nung narinig mo ang pangalan mo.

"--si Minhee? oo shempre" sabi nung bagong tainor niyo, yung strikto.

*ako ba pinag-uusapan nila? potek hahaha pansin ko kanina pa ko chismosa ah* inisip mo at nakinig mula sa labas.

"Una palang alam ko na, na itong batang to ay BIG HIT, kaya nga istrikto ako sa kanya eh, para masanay na agad siya dahil alam kong kahit bago lang siya eh makukuha na agad siya"  dugtong nung bagong trainee.
"Tama staka yung vocal skills niya, it's just amazing tamang tama yung pag kuha ni Mr.Lee sa kanya! Perfect!" rinig mo naman na sabi nung vocal teacher niyo.
Ikaw habang nakikinig ngiting abot galaxy note pad. *kala ko may sama sila ng loob sakin kasi ang tataray nila pff* inisip mo.

"Eh pano naman tong si....Yoonji, Kang Yoonji kamusta performance niya?" tanong ni manager Minseuk.
"Tsk hmm, honestly no way to a talent tong batang to, yes she's pretty, but marami pa tayong ibang trainee jan na maganda rin pero may talent na eh kung puro looks lang talaga eh... I don't actually know" sabi ni vocal coach
*grabe naman to* inisip mo.
"Si Yoonji she's been here for 3-4 years ata? and yet same level, no improvement" sabi naman nung dati niyong dance trainor.
"So no way talaga siyang magiging idol ano sa tingin niyo?" tanong ni manager niyo.
"I think may chance" rinig mo kaya lalo mong nilakihan ang tenga sa pakikinig "kung sakaling hindi umattend bukas si Minhee for sure may chance na siya hahaha" biro nung vocal coach.
"hahaha right" at nag tawanan sila.
 

*Grabe naman tong mga to! Hindi naman nila alam yung napag daanan nung tao! Grabe!!!! tsk" sabi mo at umalis na.

 

 

 

- - - - - 

 

 

 

Kinabukasan THE DAY na.

"Minhee gising na~~~" 
"uhhh~~"
"Minhee this is THE DAY na! Anu ba bangon na! Mag practice ka naaa oh my good Minhee i'm so excited for yaa gull~~"
"haha unnie maaga pa~~~"
"Tsk bangoooooon!
" sabi niya at hinila ka kaya napilitan ka ng bumangon.

- - - - 

Pagkatapos mong kumain, maligo at mag practice onti, nag ready ka na para sa The Day.

Si unnie Jooyeon nag stay lang sa bahay dahil masyado siyang kabado at mas kabado pa siya kesa sayo.

"Woooh galingan mo Minhee ah!! Inaasahan ko na by next month kasama ka na sa mga idols na inaayusan ko! Kyaaaaa oh my god oh my god! Fighting!!"
"Haha fighting salamat unnie~~~byee~~"
sabi mo at umalis na.

- - - - 

Pagdating mo sa SM Building sobrang dami ng naka-pila na trainee for the last stage ng audition.

Ang labanan dito eh paunahan sa slots.

Ang slot ay anim lang which is kailangan mapunan ng best of best 6 gulls.

Ang number mo ay 58th at kay Yoonji naman ay 61st.

 


Sumabak ka sa first audition, ang ginawa niyo ay dancing.  
Nakapasok ka kasama ang 40 na natira, pati si Yoonji nakapasok din.

Sumunod ay singing.
Shempre pasok ka na naman.
Nung si Yoonji na yung sasabak nag pray ka at natuwa ka nung nakapasok rin siya.
23 na lang kayong natitira.

Next niyo ay variety program skills
Shempre pasok ka na naman.
At dahil nage-effort talaga si Yoonji pasok din siya.
ang natira na lang ay 12. 

At dahil 12 ang natira, ang last battle ay magiging one on one para makapasok sa 6 members ng bagong group.

Number 2 vs. Number 5
Number 7 vs. Number 15
Number 22 vs. Number 28
Number 36 vs. Number 40
Number 51 vs. Number 53
Number 58 vs. Number 61

^ Inshort naging magkalaban kayo ni Yoonji.

Nung nalaman mo kung sino kalaban mo nagulat ka *Hala bakit siya!* inisip mo.
For the first time mula noon lumapit sayo si Yoonji.

"Minhee...kung sa tingin mo magpapatalo ako sayo asa ka pa!" sabi niya at inangasan ka. 

ikaw nginitian mo lang siya dahil desedido talaga siyang manalo. 
"Yoonji....congrats" sabi mo at umalis na sa harap niya.

Napikon siya sa ginawa mo na parang kino-congrats siya dahil alam mong talo siya sa laban sayo "AIIIIIIIISH!" sigaw niya pag alis mo "Bakit kasi siya pa makakalaban ko!! Wala na! Wala ng pangarap ko!!" sigaw niya.


- - - -

 

"Hyung pupunta kami sa final rounds nung mga bagong magiging idols ano di kasasama?" tanong ni Sehun kay D.O
sinoot niya na ang sapatos niya ineexpect na hindi sasama si D.O pero nagulat siya dahil tumayo ito.
"Sasama ko teka magbibihis lang ako"
nandilat si Sehun "WOAAAAAAAAAAH? HYUNNNNG IKAW NA BA YAN?" sabi ni Sehun at pinagpapalo ang muka ni D.O
"Aray anu ba! titignan ko lang sinong mga mananalo no"
"Weeeeeeeeeeeeeeh talaga lang ah? baka may titignan ka lang na nag ngangalang Jung Minhee?"
"Tsk tumahimik ka nga jan tara na"
sabi ni D.O at umalis na sila papuntang SM Building.


- - - - 


Pagdating nila dun apat na ang mga nagiging official member.
Ang mga nanalo na yun nag iiyakan na sa tabi.

"Congrats~congrats~~" bati ng EXO-K sa kanila
"Thank you po mga sunbae huhu" sabi nila at nag bow.

Tumungo ang EXO-K sa score board oh yung tinginan kung sino yung mga tanggal o pasok na.
"hmmm~~asan ba yung kay noona~" sabi ni Sehun at hinanap yung pangalan mo.
"Jung Minhee, Jung Minhee....ayun~" sabi niya at simula sa taas sinundan niya ang linya pababa

"1st round pasok, 2nd round pasok 3rd round...............pasok YES!!!!!" sigaw ni Sehun
Naghiyawan ang EXO-K at tuwang tuwa dahil isang round na lang eh bagong idol ka na.
Sa sobrang tuwa hindi napansin ni D.O na nakikisigaw na din siya.

Nung napansin niya yung ginagawa niya, bigla siyang tumalikod para itago ang saya.

"Waaaaaaaaah tanggap akoooo!!! waaaaahhh" rinig nilang sigaw nung babae na kung hindi sila nag kakamali eh 5th member na ng group.

"Number 58!" rinig nila sa loob ng audition room.

"58? si noona na yun diba?"
"Oo pero nasan siya?"

"58!"
sigaw ulit sa loob.

Tumingin ang lahat sa paligid para hanapin ka.

Lumabas si manager at tinignan kung nandun ka. "Nakita niyo ba si Minhee?" tanong niya
"Hindi po namin napansin" sagot nila
"Baka nag C.R lang number 61 Yoonji ikaw muna, pumasok ka na" sabi ni Manager.
Pagpasok nila nag simula ng ipakita ni Yoonji ang best niya.



"Si Yoonji pala kalaban ni Minhee" sabi ni Kai.
"Yiee bakit? concern ka sa dati mong pag-ibigggg?" asar ni Sehun
"Manahimik ka nga jan, iniisip ko si Minhee"
"Bakit? Si Yoonji laban kay Noona? sus walang laban yun~"
"Yun na nga eh...pano kong ibenta ni Minhee ang laban kay Yoonji? Kilala mo si Minhee mabait siya sa kahit sino, pati sa mga taong katulad ni Yoonji"
sabi ni Kai at kinabahan tuloy ang ibang members.

 

Pagkatapos mag perform ni Yoonji satisfied na man yung mga trainor na nag judge, pero hindi ka pa nag peperform kaya di pa nila tinatanggap si Yoonji.

"Nasan na si Minhee?" tanong nila
"Wait lang di ko nga alam eh try kong tawagan"

Kinuha ni manager ang phone at tinawagan ka.

 

 

- - - - - 

 

 

Pagkarinig mo ng cellphone mo agad mo tong kinuha at pinatay.

*mas deserving siya kesa sakin* inisip mo.

Pagkarating mo sa bahay niyo agad kang pumasok at nagulat ka nung biglang nagpaputok ng confetti si unnie Jooyeon.

"CONGRATULATIONS!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya sabay yakap sayo "WAAAAHHH TRAINEE KA NA MINHEE~~CONGRATS~~CONGRATSSS~~" sabi niya at patuloy kang niyakap.
"uhmm..unnie sorry"
"Ha? sorry saan? bakit ka nag sosorry? haha tara lalabas tayo para mag celebrate tapos--" 
"Unnie hindi ako nakuha.."
"H-haaa? anung--imposible! Bakit? hindi--"
"Nag quit ako unnie..."
"ANO!?"
"Iniwanan ko yung kalaban ko para siya manalo"
"Ha? Nabubuang ka na ba Minhee??? Bakit..........Aish! Dinis-appoint mo ko!!"
"unnie sorry..."
"tsk"

"unniee"
"Bigyan mo ko ng magandang dahilan bat mo ginawa yun..halika mag usap tayo"

 

- - - -

 

"..at yun ibinigay ko na sakanya ang laban, unnie may future pa yung batang yun, ayokong sirain dahil lang makasarili ako"
"tsk anung makasarili Minhee? Pano ka naging..............aish"
si unnie Jooyeon biglang umiyak
"unnie.."
"tsk..anu bang gagawin ko sayong Minhee ka...bakit ba ganyan ka kabait naiinis ako sayo!"
sabi ni unnie at ngumiti na may panghihinayang pa rin.
"una sa lahat wala ka namang ginagawang masama simula sa simula, ginawa mo lang ang tama, ano kung ikaw ang naging dahilan ng pagkakulong sa mama niya? haaay Minhee ewan ko ba sayo haha napaka-weirdo mong bata"

Nag smile ka lang sa kanya "Ahh..unnie nga pala...babalik na ko sa amin"

"ha?"
"uuwi na ko sa bahay namin, wala na tapos na ang lahat wala na kong habol pa sa SMTOWN hindi na ko katulong ng EXO-K at hindi na rin ako trainee anu pa't mag-iistay ako?"
"M-Minhee...pano si unnie? Pano ako? Uyy grabe ka naman kung kelan napamahal na ko sayo AIIISHHH!"
sabi ni unnie Jooyeon at umiyak ulit.
"Da-dalawdalawin naman kita dito unnie wag kang mag alala! At isa pa hinding hindi kita makakalimutan! Sa lahat ng tinulong mo sakin? Lagi parin kitang pupuntahan! Promise ko yan wag ka na umiyakkk!" sabi mo at pinunasan ang luha niya pero naiyak pa rin siya "Unnie ang pangit mo pala pag naiyak"
"Ya!!" sabi niya at pinalo ka "Hmpp! di na nga ko iiyak!" sabi niya at nagtawanan kayo.

Pagkatapos niyong mag dramahan inimpake mo na ulit ang mga gamit mo at umuwi ka na sa inyo pagtapos.

 

- - - - - 

 

10:00 pm na at di ka parin nadating sa auditon room.

"Hyung nasan na daw si noona?" 
"Di nasagot eh naka-off ata yung phone
" sabi ni Suho oppan

"Sus...Parang ayaw naman talaga niyang maging member ng SM Family eh...." biglang sabi ni Kyungsoo kaya pinagtinginan siya.
"bakit naman hyung?" tanong ni Kai
"Ayaw niya na kong makita ulit...shempre pag part na siya ng SM hindi malabong hindi kami magkita--"
"Ano bang pinagsasasabi mo Kyungsoo?"
sabi ni Chanyeol
"Oo nga, naririnig mo ba mga sinasabi mo?" dagdag ni Baekhyun "So satingin mo magagawa yan ni Minhee? Ganyan ba tingin mo sa kanya?"
Hindi nagsalita si Kyungsoo at nakinig lang sa mga hyung niya.
"Oy D.O ikaw nga ang boyfriend..o ex-boyfriend o kung anu man pero nakasama rin namin si Minhee kasing tagal nung panahong nakasama mo siya! alam namin kung anong ugali niya, hindi niya magagawa yun!" sabi ni Chanyeol.

Tapos nung narerealize na onti ni D.O mga katangahan niya, pumasok na naman ulit sa isip niya yung panahong nahuli niya kayo ni Hyung Jun na nag de-date kuno.

"Magagawa niya yun...alam ko totoo niyang ugali.." at nasaktan na naman si D.O

Umalis siya sa harap nila at tumakbo siya palayo at nauna ng umuwi.

 

"YEEEEEEEEEEEEESS!!!!!!" rinig nila na sigaw. "TANGGAP AKO!!!" sigaw ni Yoonji
Pagkarinig nun nila nabigla sila. "Anong ibig sabihin nun...si noona...pano si noona!!!! Hindi to pede magrereklamo ako!" sabi ni Sehun pero napigilan siya ni Suho.
"Sehun wala na, disqualified na si Minhee wala na tayong magagawa"
"P-pero bakit"
"Tara na umuwi na lang tayo
" sabi ni leader at umuwi na silang lahat dis-appointed sa nangyari.

 

- - - - -

 

"umma appa~~~" sabi mo pagkayakap sa kanila
"Minhee anaakkk na miss ka namin~~~" sabi nila at patuloy kang niyakap.
"Kamusta ang baby namin~~~~" sabi ng appa mo at pinisil ang pisngi mo.
"Ah..o-okay lang naman ako appa~~"
"aigoo bakit namayat ka?" 
"Aish appa naman diet ako diet! haha"
biro mo
"Tsk diet, oh eh anu yan? bat dala mo mga gamit mo?"
"a-ahh..k-kasi..uhmm"

"Minhee...sabihin mo totoong nangyari, alam ko ng may nangyaring kung ano, mag usap nga tayo" sabi ng umma mo at hinila ka sa sala para makipag usap.

At dahil magulang mo sila kinuwento mo yung mga nangyari maliban lang dun sa part na naghiwalay na kayo ni D.O.
Baka kasi itakin siya ng appa mo ng wala sa oras kung nagkataon.

"Hay~ kawawa naman anak ko.. osiya sige magpahinga ka na ha~"
"Opo appa
" sabi mo at kiniss silang pareho at pumasok na sa kwarto.

 

Pag pasok mo sa kwarto nakita mo ulit ang poster. Ang poster na ginupit ni D.O para siya na lang ang matira.  
Napangiti ka bigla pag kakita mo nun.
 

Umakyat ka sa kama at hinawakan ito. "Alam mo miss na kita~" 
"Kahit nakakainis ka...........aish mahal pa rin kita~" sabi mo sabay kiss sa poster.

"Good night yeobo~" sabi mo sa poster.
"Good night din baby~" voice over mo sa poster.
 


 

 

 

 

[A/N]

Few more chapter to go chooks to goow


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?