thirty-nine.

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


Namiss niyo ko no? haha na-miss ko rin
sarili ko haha pffft k 
 

flashback....
 

@ SMTOWN Building..

"Good! Good!! Well done!" sigaw ni Director Minseuk at tumayo na sa kinauupuan niya.

Mag gagabi na rin ng matapos ang EXO-K sa shooting nila para sa magazine ng IVY Club.
"Mag bihis na kayo at sumunod sa canteen, kakain na tayo" sabi ni manager sa kanila.

Pagkatapos nilang mag palit ng kani-kanilang mga kasuotan tumungo na sila sa silid at lumangoy kasama ng mga nalulunod na isda.

haha huta nu daw
Ultra Mega Belated Happy balenstayns sa inyo <3 :*
 


------------------------ 

 


"Baby~~Onti na lang kakain na tayo buhay ka pa ba~~?" tanong ni Baekhyun sa tiyan niya.

 

Ang EXO-K palabas na ng dressing room nang napansin nilang nag aayos na ng gamit si Sehun.
"Uy Sehun di pa tayo uuwi tara na kakain pa tayo" tawag ni Suho oppar.
"Sige lang hyung, mauuna na ko sa bahay magpapahatid na ko kay ajhussi" sabi ni Sehun at nagpatuloy sa pag-aayos
"Bakit anung nangyari Sehun?" tanong ni Kai.
"Wala gusto ko lang---" *masolo si noona* "k...kasi ayoko ng pagkain dito stakaaaaaaaa baka nagluto na si Noona sa bahay natin oo tama"
"Eh pano pag hindi pa?"
"Edi hahantayin ko siyang matapos magluto--"

"Bat hindi nag rereply katulong niyo?" biglang

 singit ni Manager.

na amoy sausage hahaha

Nagsitinginan silang lahat kay manger, pagkasulpot niya.

"AH! Baka busy sa pag luluto!!" sabi ni Sehun excited na excited ng umuwi. 
"talaga?" tanong ni manager. "Kung ganun sayang lang niluluto niya kasi dito kayo kakain"
"Hindi Ah! Hindi yun masasayang manager uuwi kame ni Sehun" sabi ni Kai at inakbayan si Sehun.

*!!!!$@#%#&%^&$ EPAL TO SI KAI* inisip ni Sehun


"Pero--" sabi ni manager pero naputol.
"KAMI RIN!" sigaw nung natirang apat.

Si manager biglang nagkunot kilay. 
Pero di rin nag tagal..."Sige" sabi niya at naghiyawan sila.
"Pero maiiwan ka Kai" turo ni manager.
"Ha manager baket!?" sabi ni Kai na mejo badtrip.
"Kakausapin kayo ng production team kasama ang ibang mga main dancer para sa i-bubuong sub unit at.....baka matapos yun ng gabing-gabi kaya maiiwan ka dito bukas ka na uuwi"
"San siya matutulog hyung?"
tanong ni papa Suhor
"Sa dorm ng SHINee tutal mas malapit yun dito"
"Pero--"
"Anung pero? Tara na Kai at pagkatapos kumain magsisimula na ang meeting, kayo umuwi na kayo"
sabi ni manager sa kanila.

"Bye.." sabi ni Kai at umalis na siya kasama ni manager.
"Bye Kai" sabi nila at naglakad na palabas.

*kekeke iwan si Kai hehehe*  tawa ng utak ni Sehun


Papalabas na sana sila ng pinto ng may nakalimutan pala si D.O sa loob.
"teka lang.....cellphone ko nakalimutan ko wait lang" sabi niya at tumakbo papasok.

*takbo papasok takbo papasok takbo papasok*

Pagkapasok niya sa loob nakasalubong niya si Yoonji Booloonji kaya huminto siya.

"Ah! Yoonji!" tawag ni D.O.
"Oh?..bakit oppa?"
"um....anung oras kayong naka uwi ni Minhee?"
"k-kanina pa oppa mga..mga 5:00.."
"Talaga? Ano anong mga ginawa niyo?"
"B-bat mo tinatanong D.O oppa?"
"ah..ah..wala.. basta sagutin mo na lang"
"Namili lang kame tapos nag coffee shop tapos umuwi na yun lang"
"Ahh....ganun ba.....saan?"

*Aishhh tanong ng tanong*
"Aalis na ko oppa" sabi ni Yoonji at humakbang na pero pinigilan siya ni D.O. "Uy teka lang saan!" 
"Urr Sa Bukcheon!!!!" sigaw ni Yoonji *bwiset*
"Bukcheon? Delikado dun ah buti maaga-aga kayong naka-uwi"
"Ah..oo tsk wala ka na bang ibang gagawin oppa?"
sabi ni Yoonji na naiinis na.
"Ah...AH!!! yung cellphone ko nga pala!! Sige ah bye thank you!" sabi ni D.O at umalis na para hanapin ang selfonia.

Selfonia - Cell phone niya
-----------


"Ang tagal mo naman D.O! Tignan mo misis ko manganganak na!!" sabi ni Chanyeol habang nakahawak sa tyan ni Baekhyun.
"YA!!! Bading ka ba!? Anung misis ka jan?" Sigaw ni Baekhyun at sinuntok ang balikat ni Chanyeol. 
"Ouch babes wag kang magalit bawal kang ma-istress" asar pa ni Chanyeol kay Baekhyun 
"Urr tsk tara na nga Sehun"

dahil nainis na si Baekhyun nag walk out.na lang siya kasama ni Sehun.

Pero si Sehun biglang bumulong kay Baekhyun na lalong ikinainis niya.
"hyung ilang months na baby niyo?" 

-----------

 

Kasalukuyan na silang nasa kotse..

"Mga hyung tignan niyo! Ang dami kong missed calls galing kay noona ohaaa" sabi ni Sehun mula sa likuran at pinakita ang phone niya proud na proud.
"Oh?" sabi ni Suho at napatingin sa selfonia "Sakin din oh" 
"Sayo din Suho hyung?" 
"Nag call din siya sakin"
 sabi ni Baekhyun.
Biglang napakamot si Sehun "Sa inyo D.O hyung, Chanyeol hyung?"

"Meron din" sabi nila at ipinakita ang mga call.
"Bakit kaya tumawag si noona? Kanina hindi niya sinasagot yung call ni Manager tapos tumawag siya satin? anung meron?" kamot ulo ni Sehun. 
"Matawagan nga si noona" sabi ni Sehun at tumawag.

*kring kring*
"Yeobosaeyo!!! Noona!!"
"Annyeong Hassaeyo"
rinig ni Sehun mula sa kabilang linya, boses lalaki.

* B-BAKIT MAY LALAKE!!!!*
"Hoy sino ka anung ginawa mo sa noona ko magsalita kaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Sehun 
"Ah sir sir sir staff lang po ako nang isang coffee shop, ako po yung tumawag sa mga number sa cellphone na to"
"T-talaga? asan noona ko!?? ILABAS MO NOONA KO!!! NOOONAAAAAAAAA!!!!!"
"Sir kalma lang kaya po ako tumawag dahil di ko po alam kung sino may-ari neto, nakita ko po to sa basurahan kasama ng bag..kanina po may tumatawag sa cellphone na to, eh ang nakalagay 'manager', baka kasi boss yun ng may ari neto kaya di ko sinagot, sir baka gusto niyong kunin to para sa may-ari?"

Ang EXO-K nakikinig lang sa pinag-uusapan, kinakabahan na sa nangyari sayo.
"SEHUN TANONG MO KUNG SAAN!!!!" pa sigaw na sinabi ni D.O.
"Hyung hyung asan ka daw!??" tanong ni Sehun sa lalaki
"Sir nasa tabi po ng girlfriend ko" biglang kinuha ni Chanyeol ang cellphone "OY ABNOY KA!! Wala kaming pake sa girlfriend mo tinatanong namin kung nasan ka!! SANG LUGAR!!!"
"Ah sir sorry! Bukcheon-- low bat---"


tut tut tut bigla nang namatay ang phone.

"Pinatay niya yung cellphone bwiset!!!!! Pero sabi niya Bucheon Lowbat daw saan yun?" sabi ni Chanyeol
"Hindi! Bukcheok lang yun Chanyeol tapos baka na lowbat yung cellphone tsk san naman natin siya hahanapin dun" sabi ni Suho oppar.

*isip isip isip* sabi ng utak ni D.O
"Alam ko na!" at may light bulb na lumitaw. 
"Ajhussi sa Jeon Gwang-su Coffee Shop tayo!"


Ang Coffee shop na yun, nag iisa lang na coffee shop sa Bukcheon, Seoul kaya sure na sure na si D.O na dun yung sinasabing coffee shop ni kuyang abnoy.

"Hyung Pakidalian" sabi ni D.O kay Ajhussi.
*Sana walang mangyaring masama sakanya* 
 

 

-----------

"Nandito na tayo!" sabi ni manong.
Ang EXO-K agad agad lumabas ng van.

 

"Sumunod kayo sakin" sabi ni D.O at tumakbo ng mabilis, eh dahil nga tumakbo siya ng mabilis hindi siya nahabol ng ibang members.


Didiretso na sana si D.O ng may nakita siyang dalawang tao sa labas ng coffee shop.

"Teka lang!" Sabi ni D.O at pinigilanl ang mag kikiss nang mag-jowa
"San yung office ng coffee shop na to?" 
"Urghh!! Doon!!" 
Turo nang naiinis na babae.
"thank you..." sabi ni D.O at nag bow, at bago siya dumiretso..."Ituloy niyo na" sabi niya at tumakbo ulit paalis.  

meanwhile ang ibang members..

"Hyung!!!"
"D.O!!"
"Kyungsooo!!!"
"Ang bilis naman tumakbo nun!"
sabi ni Baekhyun na hingal na hingal sa pag sunod kay D.O na nawawala na.

Sa kakatakbo napahinto sila sa harap ng shop kung san kaka-galing lang ni D.O.

"Ayun hyung may mga tao, tanong mo kung nakita nila si D.O hyung" turo ni Sehun dun pa rin sa mga love birds na nabitin ang kiss.

Magkikiss na sana ulit sila for the second time around nang bigla na namang may umepal..
"Honey ko ituloy na natin kiss natin..oh"
"um..Sige babes..."

3...2...1...
"Excuse Me! May nakita ba kayong lalakeng dumaan na naka pants at white shirt--"
"ANU BA TANUNGAN BA KAME!? NAIINIS NA KO AH! PWEDE BA----pwede..ba..." pag tingin nung babae bigla siyang na starstruck sa anghel na si Suho oppar at di na nakapagsalita.
"Ahh miss, hyung sorry ah pero nakita nyo ba?" tanong ulit ng malambing na si Suho oppar.
"Hindi! hindi namin siya nakita! umalis na kayo!" sabi ng boyfriend nung babae at inakbayan ang girlfriend.
"Ha!? anong hindi wag ka ngang sinungaling!!" away nung babae sa boyfriend niya sabay tanggal ng kamay sa balikat niya.
"Ah..uhmmm op-ppaaa~ kakadaan niya lang...umm pumunta siya sa office ng coffee shop gusto mo samahan kita~~?"
"Oy anung sinasabi mo jan!?"
sabi nung boyfriend.
"Urr bitawan mo ko ayoko ko na sayo!!!"
"Ha!? Anong...hindi to pwede!"

"Pwede dahil may iba na kong gusto! Si oppa-----teka oppa!? asan ka na?"

At dahil nga nagmamadali na sila, iniwan na lang ng nila yung dalawa.

----------------

 

"Lakas ng tama mo sa chix hyung" tapik ni Baek kay Suho.
"Di naman, pogi lang talaga ko minsan" sabi ni Suho oppar kaya tinignan siya ng ibang members "uh...ha...di, chamba lang yun" bawi niya sa sinabi niya at nagtawanan sila.

"Mga hyung tignan nyo! Ayun yung office!" turo ni Sehun.

Agad-agad silang pumunta sa office at nakita nila dun si kuyang tinawagan nila kanina.

"Good evening umm kame nga pala yung naka-usap mo kanina, kami yung kaibigan nung may-ari" sabi ni Suho oppar.
"Oh..sir kayo po ba?"
"Oo. Asan na mga gamit niya?"
"Ito po sir"
sabi ni waiter at inabot ang mga gamit mo.

"Asan si D.O?" hanap ni Baek.
"Oo nga? ahhh excuse me may dumaan ba dito kaninang lalake na naka-white shirt at pants?" tanong ni Chanyer.

"Ah parang? Kanina may nakita ako um medyo maliit ba siya? Nakita ko siya kanina na tumatakbo papunta sa dulo ng street na to..yung may puro adik"

Sa sinabi ni kuya nandilat silang lahat at dahil sa ins-think nila, agaran silang tumakbo papalabas at tumungo kung san man yung may puro adik na yon.

 

tententen! flashback sa nangyari kay D.O...
haha flashback na nga tong chapter na to may panibago na namang flashback what the fart haha

 

Habang papunta na si D.O may narinig siyang sigaw ng babae "Tulong tulong mga kababayan tulong!!!!!!" 

Hindi niya alam kung bakit, pero imbis na dumiretso siya sa office, hinanap niya kung saan nanggagaling yung sigaw.

Tumakbo lang siya ng tumakbo habang hinahanap yung sigaw ng babae, napahinto siya saglit nung bigla siyang pinalibutan ng apat na lalaking gangster.

"Hoy bata anung ginagawa mo dito?" tanong nung isang lalaki at tinulak si D.O sa balikat.

Si D.O di nagsasalita at lumilingon-lingon sa paligid at naghahanap pa rin.

"Hoy pag kinakausap ka sumagot ka!" sabi nung isa at hinawakan si D.O sa damit.
"Bitawan mo ko!" sabi ni D.O at hinampas yung kamay nung lalaki.

"Aray Sira-ulo ka ah!"
Boog

at sinapok nung isang lalake si D.O.
Syempre babawi si D.O...e naka ilag, edi ngayon pinagtulungan siya nung apat na kumag, hinawakan nung dalawa si D.O at yung dalawa nambugbug.

Bam Boog Ouch Shet...kawawang D.O

Pero shempre darating ang 4 na members ng power rangers at alam niyo na kasunod.

Yon nakipag one on one sila habang si D.O nanghihina na ng bongang bongga.

"AHH!!!!!" rinig nila na boses ng babae mula sa di, kalayuan.

Ngayon si D.O biglang pumantig yung tenga sa inis ng hindi niya alam kung bakit, agad agaran siyang tumayo at tumungo dun sa sigaw kahit sugatan na siya.

At doon naabutan ka niyang minomolesta nung gago.

Dahil sa init ng ulo ni D.O kumuha siya ng basag na bote at ipinalo sa ulo nung .

*POOOK*

Pagka-tumba nung lalake agad na tumakbo sayo si D.O at niyakap ka ng mahigpit habang nagpipigil ng luha.

"Sorry Minhee kung...ngayon lang ako dumating.."

ikaw iyak ka parin ng iyak.

"D.O..." yun na lang ang nasabi mo sa sobrang di mo na alam kung anong dapat sabihin haha.
Si D.O di niya na kayang nakikita kang umiiyak.
"Minhee tama na...........yung.........yung sipon mo.."
"pfffttt Ahahahahah"
pahid mo sa uhog mo habang naiyak.at natawa "Salamat D.O...salamat.."

 

 


 

 

[A/N]

Gusto ko lang ipaalam sa inyo na kayo ang inspirasyon ko.
Kahit anung walang kabuluhan nitong fanfic na to anjan parin kayo.
Maraming Thank you sa pananatiling supporter.
At maraming Sorry sa pagkukulang ng tulad kong napakaganda ahahahaha

Sa mga nag memessage, nagcocomment, nagsusubscribe, nagshe-share, nagla-like, nagtwit-twit haha twit twit , at sa lahat ng ginagawa niyo na nabibigay support sakin at sa fanfic...guys di ko alam kung anong pedeng ipalit dito.
Ambabaw ko lang pero with all my deep ocean deep rolling in the deep blue sea, with my sincere heart. 
amalavyu all <3

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?