fifty-nine

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

Kinabukasan balik na ulit sa dati ang lahat.

Balik sa panahong inaasam-asam mong makita ang EXO-K.
Balik sa panahong malayo ka pa sa kanila.
At balik sa panahong wala ka na namang pera.

"Ummmaaaa~ipagtanong mo naman ako oh~san ba may pedeng pag-applyan ng trabaho?"
Biglang nangamot ng ulo ang umma mo
"Wala akong alam eh, pero sige pag punta namin mamaya sa palengke mag tatanong tanong kami"
"alabyu mothaaar"
sabi mo at niyakap siya. 

Ngayon medyo medyo okay ka na ng light, maliban pa rin sa fact na break na kayo ni D.O.
Pero yung iba mong kalungkutan nung mga nakaraang panahon eh kokey na.


 - - - - - - 

 

Sa SM Building, ang EXO-K ay kasalukuyang nagpapractice para sa special stage nila sa isang music program next week.

Magtatanghali na kaya nagbreak na muna sila.

Si D.O tahimik lang na nainom sa sahig nung bigla siyang inistorbo ni Sehuntorbo.

"Hyuuung~~" sabi niya at sumiksik kay D.O. kahit maluwag naman ang sahig.
Tumingin lang sa kanya si D.O pero walang sinabi.

"Hyung"
"Ano?"
sabi ni D.O at binaba ang iniinom.
"hmm...miss mo na si noona no?"
Biglang napa straight body si D.O
"h-ha? hindi no, bat ko naman siya mamimiss, asa ka pa..."
"Sauce! Spaghetti Sauce! Tanggi ka pa hyung! Eh tuwing gabi naman lagi kitang nakikitang pumapasok sa kwarto ni noona!"
"Ha? K-kelan ko ginawa yun.."
"Pff haaay"
sabi ni Sehun at umiling-iling "Mahal mo yung tao pero nakipag-break ka. sinayang mo lang pag-ibig ni Noona! Kung alam ko lang edi sana ako na tinatawag nyang baby ngayon" sabi ni Sehun kaya tinignan siya ng masama ni D.O.
"ANONG SABI MO!?" biglang sigaw ni D.O
"OOOOHH KALMA BWUAHAHA Tamo! Galit ka hahaha! Biro lang yun D.O hyung pero sobrang affected ka! Ay ewan ko sayo dodong pinapahirapan mo lang ang sarili mo! Haha" sabi ni Sehun at umalis na sa harap ni D.O. 
 

 

- - - - -  

 


3:30 na ng matapos ang practice ng EXO-K.
Pagkatapos ng practice nag hiwa-hiwalay sila at nag punta sa iba't-ibang lugar sa loob ng SM building.
Si D.O tinatamad maglibot kaya naisipan niya na lang na mag stay sa pinaka-sulok ng practice room para magpahinga.

 

"...ha? Shempre ako nanalo! Eh wala namang kwenta yung Minhee na yun eh kita mo? Nag quit siya! Hindi siya umattend dahil alam na niya na matatalo ko siya pffft..........tama hahah oo naduwag nga siya...........ay ganun ba? sige mamaya na lang ulit tayo mag-usap.......Haha nako ang swerte mo talaga at kina-ibigan mo ko bago ako maging ganap na idol, kungdi baka di na kita pinapansin ngayon hahaha sige bye" sabi ni Yoonji at binaba ang phone.

Pagkarinig ni D.O sa mga pinagsasasabi ni Yoonji napatayo siya agad sa galit.
Kahit galit parin si D.O sayo, ayaw niyang minamaliit ka ng ibang tao, lalo na kung yung nangmamaliit eh wala namang dapat ipagmalaki.

"Hindi ka pa nga ganap na idol lumaki na ulo mo? ano pa kung sikat ka na?"

Nandilat si Yoonji pagrinig niya ng boses ni D.O, alam niya na, na maling-mali ang pag punta niya sa practice room sa pag-aakala na walang ibang tao.

"D-D.O oppa....." sabi ni yoonji at sobra ng kinakabahan dahil alam niya na ang mangyayarii.
"O-oppa sorry...h-hindingg...hindiii ko na uulitin oppa sorry....hindi naman totoo yung sinabi ko eh sorry" sabi ni Yoonji at nanginginig na ang boses.
"Sorry? Bakit sakin ka nag sosorry? Ako ba yung minamaliit mo? Ako ba yung sinasabihan mo ng walang kwenta at duwag?"

Ang mga sinasabi ni D.O ay kalma lang pero malaman at may meaning.

"O-oppa..."
"Bakit Yoonji? 'Yoonji na bagong idol ng SMENT'? Hindi ka pa pala natauhan ha? Napagsabihan na kita dati ah!? Hindi ka pa ba kuntento sa panglalait mo dati kay Minhee ha? HAA!?? SABIHIN MO YOONJI!!! SABIHIN MO!!!" at di na napigilan ni D.O ang galit at sinuntok ang dingding sa gilid ng muka ni Yoonji.

Biglang umiyak si Yoonji. 

"Minhee...Minhee na naman!! Minhee na lang lagi! Siya na lang lagi!!! Nasa kanya na lahat ng atensyon!! Siya na laging kinakampihan ng lahat!!! Ako na laging pangalawa sa kanya!! Under sa kanya!! Walang laban sa kanya!!! Sawa na ko!! Sawa na ko sa ganito!!! kung alam lang nilaaa........kung alam lang nila tunay na ugali ni Minhee...oppa ikaw na mismo sa sarili mo, alam kong alam mo na kung ano siya...pero bat ganun.....siya parin kinakampihan mo? Ang galing niya talaga no.....ang galing niyang magpaikot ng ulo ng lahat ng tao sa kamay niya.....hindi na ko nagtataka kung bakit kayang-kaya ka pa niya ipag palit sa kabila ng pagiging sikat mo" sabi ni Yoonji habang natulo parin ang luha.

Si D.O lalong naguguluhan sa isip niya.

Sa mga dumaan na panahon unti-unti na siyang nagbabalik loob sayo.
Pero dahil sa mga sinabi ni Yoonji naalala na naman niya kung gano mo siya sinaktan ng sobra.

Patuloy na umiiyak si Yoonji hanggang sa paglabas niya ng practice room.

Pagdaan niya sa hallway bigla niyang nakasalubong si Hyungjun.

"Yoonji?...Yoonji bat ka na-iyak?" tanong ni Hyungjun at pinigilan siya sa paglalakad.
"wala ka na dun, bitawan mo ko"
"tsk bakit nga"
"Anu bang pakielam mo?"
Sabi ni Yoonji at sapilitang hinila ang braso mula sa hawak ni Hyungjun.
"May pake ako kasi concern ako!" 

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Yoonji.

Sa sinabi na yun ni Hyungjun medyo na tats si Yoonji, pers taym niya lang kasi makakita ng taong may concern sa kanya.
At dahil dun medyo naging girlalu siya at nanlambot onti ang puso niya.

"...n-natakot lang ako kay D.O oppa.......aish! bat ko pa ba sinabi anu na man sayo diba tsk" sabi ni yoonji at umalis na.
Hahabulin sana siya ni Hyungjun pero naisip niya lang na wag na lang at kaka-usapin niya na lang si D.O.

 

- - - - -

 

“Bakit ka nagpapa-iyak ng babae?” Biglang sabi ni Hyungjun pag pasok.

Si D.O napalingon.
Pagkakita pa lang niya kay Hyungjun nag init na ang sikmura niya.
Kanina galit na siya dahil kay Yoonji at ngayon nadagdagan pa ito lalo na nung nakita niya si Hyungjun. 

“Oh..ikaw pala....huh ang lakas ng loob mong magpakita pa sakin ah"
"Bat mo iniiba ang usapan? Alam mo sunbae, kahit ano mang ginawa ng isang babae sayo hindi mo dapat sila pinapa-iyak--"

"ANO BANG PAKEELAM MO HA? BAKIT!! MAY PINAGMAMALAKI KA NA BA!??" sabi ni Kyungsoo at biglang tinulak si Hyungjun "Pinagmamalaki mo ba na kayo ni Minhee ha!” dugtong niya at hinawakan sa collar ng damit niya si Hyungjun
“Bitawan mo ko sunbae! anong pinag sasabi mo jan” sabi ni Hyungjun at inalis ang kamay ni D.O sa kanya.

“Tinatanggi mo pa nakita ko na ang lahat? Sinong ginagago mo? Tandaan mo trainee ka lang sunbae mo na ko!” sabi ni D.O hindi pa rin inaalis ang kamay kay Hyungjun.

“Alam mo di kita maintindihan eh, pero ang yabang mo alam mo ba yun!?” sabi ni Hyungjun at tinulak si Kyungsoo.

At dahil dun hindi na nakapag-pigil si D.O at sinapak na si Hyungjun.

Hindi gumanti si Hyungjun kungdi, tumayo lang siya at nag smirk “Alam mo dati, inspirasyon ko kayo eh...pero ngayon...pwe!.....ano? porket kayo na ang tinatawag na ‘PINAKASIKAT NA ROOKIE'? Porket myembro ka ng EXO ganyan ka na? Naku mukang may nalaki ata ang ulo noh?.........SUNBAE” pang-asar pa ni Hyungjun kaya lalong nainis si Kyungsoo.

Sasapakin niya na naman sana ito pero dumating si Sehun para mag referee.

“Hyung, Hyungjun tama na anung nangyayare?”  sabi ni Sehun habang naawat.

“Eto kasing magaling mong Hyung nag papaiyak ng babae tapos siya pa ang galit tapos kung ano-ano na ang sinabi tungkol kay Minhee nababaliw na ata”
"ANUNG SABI MO!"
susugod na sana si D.O pero napigil siya ni Sehun
“Manahimik ka nga jan Hyungjun di ikaw kausap ko” sabi ni Sehun.
“Hyung.....si Noona na naman ba?”  tanong ni Sehun na mahinahon.

Pero dahil galit si D.O...galit siya 
“Si NOONA NA NAMAN BA? SI NOONA NA NAMAN BA!? SEHUN ETONG LALAKING TO ANG DAHILAN KAYA KAMI NAGKAHIWALAY!!” Sigaw ni D.O at nagiinit pa rin ang dugo sa galit kaya pinipigilan siya ni Sehun.
“D.O hyung huminahon ka! Hyungjun totoo ba yon?” tanong niya
“Huh? Ano bang mga pinag-sasasabi nyo?“
“WAG KA NANG MAG MAANG-MAANGAN PA HAYOP KA! NAHULI KO NA KAYO! NASA ISANG RESTAURANT KAYO AT NAGYAYAKAPAN SINONG GAGO NILOKO MO HYUNGJUN HA!”

Pagkarinig ni Sehun nun nandilat ang mata niya. *h-hindi magagawa ni noona yun...*

Biglang napa-snap fingers si Hyungjun “Ah! Yun? Yun ang dahilan kaya galit na galit ka sakin? Ikaw pala?.....ikaw pala ang boyfriend niya...”

“Anu bang gusto mong sabihin! Diretsohin mo na kami Hyungjun!” sigaw ni Sehun 

“Una sa lahat hinihingi ko ang tiwala niyo, muka kasing may mis-understanding na naganap dito kaya lilinawinn ko na ang lahat. Yung araw na nakita mo kami sa restaurant, pinalano ko na ligawan si Minhee nun, pero hindi ko alam kung pano ko siya papupuntahin na walang excuses at mapipilitan talaga siyang pumunta sa restaurant kung saan ko siya aayain maging girlfriend. Ang ginawa ko sinabi ko sa kanya na may masamang nangyari sakin, at napapunta ko nga siya. Yung yakap naman na yun pang comfort niya lang sakin yun kasi akala niya talaga may nangyaring masama pero pagkatapos nun umamin na ko na hindi totoo ang lahat at ang sinabi ko ay excuse lang para mapapunta ko siya at maka- amin sa kanya na gusto ko siya. Pero pagkatapos kong sabihin ang katotohanan, alam mo ginawa niya sakin? sinampal niya ko at sinabing ‘“NAGSINUNGALING AKO SA BOYFRIEND KO NA NAEXTEND ANG TRAINING KO PARA LANG TULUNGAN KA DAHIL SABI MO MAY NANGYARING MASAMA SAYO...TAPOS..AAAAISHH!!! NAKAKAINIS KA HYUNGJUN NAKAKAINIS KAAA!!!!”  sabi niya at tumakbong naiyak palabas ng restaurant…ngayon maliwanag na?”

 

biglang bumigat ang mata ni D.O “t-totoo ba yan..” tanong niya. 

“Sa simula palang naman totoo na yung mga sinasabi ko eh, ikaw lang tong di nagtiwala sa girlfriend mo” sabi ni Hyungjun.

“AAAIIIIIIIIIIIIISHH!!!! HYUNNGGGG Nakakainis kaaaa! Ang tanga mo!!! Dapat hindi ka agad nagalit kay noona!!! Hindi mo muna kasi inalam ang katotohanan!! Hyung nasaktan mo ng sobra si Noona! Hyung di mo alam kung anong nagawa mo! Nagpadaig ka kasi agad sa selos!!!! NAKO HYUNG KA-IMBYERNA KA”  sabi ni Sehun at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

And with that tumulo na ang luha ni D.O “Tama ka.....ang tanga ko…ang tanga ko…ANG TANGA TANGA KOOOOOOOOOO!!!!!!!” sigaw ni D.O at binato ang upuan sa tabi niya habang di pa rin natigil sa pag iyak.

“Sunbae” sabi ni Hyungjun at pinigilan si Kyungsoo sa pagwawala. “pagbibigyan na kita sa ginawa mo sakin, pero yung ginawa mo kay Minhee hinding hindi ko mapapatawad, kaya pala nung mga nakaraang araw never ko na siyang nakikitang ngumiti....Hyung mahal ko siya dati oo, pero ikaw ang mahal na mahal ka niya…habang may oras ka pa hanapin mo na siya o baka dumating ang panahon na hindi mo na siya makapiling pa, habang buhay”

Pagkarinig nun ni Kyungsoo medyo natauhan siya sa lahat ng kasalanan niya.  

*bakit ko ba nagawa yun AISSSSSSSSH!!!!* at galit na galit na talaga siya sa sarili niya.

Lumakad siya papalabas ng pinto pero pinigilan siya ni Sehun “Hyung san ka pupunta” 
"Uuwi ako"
"HA HYUNG!???? WAAAAG!!! WAG KANG MAGBIGTI BATA KA PA"
sabi ni Sehun at pinipigilan si D.O umalis.
“Anu ba hindi ako magbibigti Sehun bitawan mo ko”
“Eish hyung sama ko baka anu pang gawin mo!”


Bago tuluyang makalabas ng practice room tumingin muna kay Hyungjun si D.O at nag bow.
“Alam kong nagmuka akong katawa-tawa sayo pero salamat at ngayon alam ko na ang lahat...” sabi niya, and with that umalis na siya kasama si Sehun.

 

- - - - - - -

 

Ang umma at appa mo ay kaka-uwi lang galing sa palengke.
"Umma~ appa~~" sabi mo at kiniss sila.
"Kumain ka na ba anak?" tanong ng appa mo.
"Ah opo appa~~ay kamusta nga pala yung pag tatanong niyo meron po ba akong pedeng pag applyan?"
"Ay oo nak, buti pina-alala mo, yung kaibigan ko kasi naghahanap ng magbabantay sa Pet shop nila kasi yung empleyado nila, nag maternity leave"
"OHH?? WOAAAHH YES May trabaho na ko agaaaad yahooo!!"
"Kung gusto mo nak puntahan mo na, nung isang araw pa nga daw sila naghahanap eh buti nauna ko mag tanong"
"Pede ko ng puntahan ngayon appa?"
"Oo tapos, tanong mo na kung anong mga gagawin mo para bukas simula ka na trabaho"
"Woaaaaa"
sabi mo at niyakap appa mo.
"Nak matutuwa ka dun maraming hayop dun, marami kang ka-uri"
"Ya!"
sabi mo at pinalo siya ng mahina at nagtawanan kayo

- - - - -

 

Pag-uwi nila Kyungsoo sa bahay nila agad pumunta si Kyungsoo sa kwarto nila at naghalughog ng gamit.
 

"Nasan na ba yun..tsk" sabi ni D.O at tinignan ang buong kwarto pati ilalim ng kama.
"Hyung ano ba kasing hinahanap mo?" tanong ni Sehun pag silip sa loob.
"Yung letter"
"Anung letter? A, B, C o D? pffttt"
"Di nakakatuwa Sehun"
"S..sorry hyung tulungan na kita"
sabi ni Sehun at nag hanap rin

 

 

"San mo ba kasi nilagay yun hyung? alalahanin mo kaya" sabi ni Sehun at patuloy na' naghahanap.

Huminto muna si D.O at nag isip.

"Tsk hyung napakama-pride mo naman bahala ka nga, basta nandito lang sa drawer mo yung sulat, kunin mo na lang pag bumaba na yang pride mong yan, matutulog na ko good night"

Naalala ni D.O na sinabi ni Kai.

"AH!!!" sigaw ni D.O at nagulat si Sehun
"AY PUTRAGIS! Yah!! Hyung ginulat mo ko!"
"Sorry"
sabi ni D.O at tinignan yung drawer at bam. nandun nga.
"Sehun nakita ko na" sabi ni Kyungsoo.
"Talaga? talaga? Ayan! dali hyung basahin mo na!! anu ba yan?"
"Eto yung sulat para sakin ni Minhee bago siya umalis ng bahay natin"
"Ah yan yun? Eh bat ngayon mo lang babasahin? Hay nako hyung tsk aish yaan mo na nga tapos na eh sige na basahin mo na" 
sabi ni Sehun at pumwesto sa likod ni D.O

Si D.O umupo sa kama at agad sinimulang basahin ang sulat.
 

Dear Kyungsoo,
 

Ngayon, ginawa ko tong sulat para kahit papaano makapag paalam naman ako sayo.

Alam kong baka sa oras na to masama pa rin ang loob mo sakin....pero sana kahit anu man yung nagawa kong yun...sana mapatawad mo na ko dahil hindi ko talaga kayang nakikita kang galit sakin...D.O masakit..sobrang sakit.

Simula nung una akong pumasok bilang katulong sa bahay niyo...lahat ng pinakita ko totoo...oo may mga panahong nakakapag sinungaling ako pero wala sa mga yun ang di ko pinagsisisihan.

Simula pagpasok ko dito, hanggang sa ma-inlove ako sayo at hanggang sa maging tayo...hinding hindi ko kakalimutan ang lahat ng mga naging experience ko at itatago ito sa puso ko.

D.O kahit nagkahiwalay na tayo lagi ka pa ring mananatili sa puso. Pinapangako ko na habang buhay, ikaw lang at wala ng iba.
Maniwala ka man o hindi, ikaw talaga ang pinaka-una kong minahal at pangako ko sayo at sa sarili ko na ikaw na rin ang magiging huli.

At....kung sakali naman na napag-isip isip mo na mahal mo pa rin ako...D.O lagi lang akong nandito...nandito ako para sayo...bukas na bukas ang puso ko para sayo at wala ng iba.
Hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi mo nagagawa pa tayo ng maraming-maraming baby. Kahit tumanda man ako hindi ko parin aalisin yun sa isip ko.

At sana pakatandaan mo tong mga sasabihin ko...

Minahal kita hindi dahil sikat ka, hindi dahil kilala ka, hindi dahil sa mas may kaya ka, hindi lang dahil sa pogi ka at lalong hindi dahil ikaw si D.O ng EXO.

Minahal kita, 

Dahil ikaw ang tinitibok ng puso ko.

Do Kyungsoo with all my heart,
I love you.

Love, 

Do Minhee

 

*singhot singhot
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" iyak ni Sehun. 
Si D.O kanina pa rin naiyak pero hindi niya masyadong ine-express ang feelings niya.

"Ang laki kong tanga Sehun...Ang tanga tanga ko!" sabi ni D.O habang naka close-fist.
"Agree ako jan hyung huhuhu" 
"Anong kabobohan ang pumasok sa isip ko para iwanan ang taong mahal ko sa dahilang sobrang babaw! SEHUN SINAKTAN KO SI MINHEE! NAPAKA WALA KONG KWENTA!! HINDI AKO NARARAPAT SA KANYA!"
sabi ni D.O at patuloy na umiyak.
"Hyung ano bang sinasabi mo jan, isang pagkakamali lang yun...at alam kong mapapatawad ka ni Noona dahil mahal ka niya"
"Hindi yun Sehun eh, nasaktan ko siya! Dapat masaktan din ako!! Gusto kong mag hampas ng bote sa ulo ko paramatauhan ako!"
sabi ni D.O
"tsk bakit sa tingin mo hyung hindi na siya masasaktan pag ginawa mo yun? Hyung lalo siyang masasaktan at lalo niyang sisisihin ang sarili niya anu ka ba!! Kung ano-anong naiisip mong gawin eh bat hindi mo na lang siya puntahan?" 
"P-pano kung ayaw niya na sakin"

"Ay! Engot lang hyung? Kakabasa lang natin nung sulat niya diba! Sige na puntahan mo na siya! Walang mangyayari kung sisisihin mo lang ang sarili mo!"
"Tama...tama ka Sehun...salamat"
sabi ni D.O tumayo.

Lalabas na sana siya at dederetso sainyo pero pinigilan siya ni Sehun. "Hyung kakailanganin mo to" abot ni Sehun sa mask at sumbrero.
"Salamat talaga ng marami Sehun"
"para sa ikasasaya ni noona~ hyung fighting!"

And with that pyooong lumarga na si D.O papunta sa inyo.

- - - - - -

Ikaw kasalukuyang ng nasa pet shop at si D.O naman nasa tapat na ng bahay niyo.

*tok tok tok*
"Ah saglit lang~" rinig ni D.O na sigaw ni umma mo.

Pagbukas ng pinto nagulat ang umma mo sa lalaking naka-mask at sumbrero sa tapat ng bahay nila.
Tinuro niya ang sandok na hawak niya kay D.O at sumigaw "SINO KA ANUNG GINAGAWA MO DITO MAGNANAKAW KA NO AAAAH---"
Bago pa tuluyang sumigaw ng bongga ng umma mo inalis na ni D.O ang mask niya "Tita, tita ako po to si D.O"
"AAAAaaa...ahh ahh hehe ikaw pala yan Kyungsoo-shi sorry..hehe kala ko kasi"
"okay lang po nag mask lang ako kasi baka makilala ako ng mga fans sa daan mahirap na po"
"Ay oo sus okay lang no need to explain baby boyy~~~"
"Oy anung baby boy pinagsasasabi mo jan"
biglang sulpot ng appa mo sa likod "uy D.O ikaw pala!"

Pagkakita ni D.O sa appa mo kinabahan siya dahil diba dati may usapan sila na pag sinaktan ka niya eh iitakin niya to.
"Oh kamusta~Naparito ka? Si Minhee ba?" tanong ng appa mo.
*hindi sila galit sakin?* inisip ni D.O *so hindi niya sinabi na break na kami* inisip ni D.O at natuwa.
"Ah opo sana eh nanjan po ba siya"
"Ay sayang wala siya eh pumunta siya sa Myeongdong para puntahan yung bago niyang pag ta-trabahuhan"
"a..ahh..ganun po ba..."
sabi ni D.O at napayuko
"Puntahan mo siya iho kung gusto mo"
"Pede po?"
"Oo naman kakausapin niya palang naman yung manager ngayon eh, eto yung address......."

 

- - - - - - 


Pagdating ni D.O sa Myeongdong, agad niyang hinanap ang pet shop kung san ka magtatrabaho.

"Mga hi yeop kkayeo pet shop" basa ni D.O sa sign.

*gusto ko na siyang makita* inisip ni D.O at huminga ng malim at pumasok na.
Pag pasok niya sa loob bumungad ang manager. "Annyeong hassaeyo sir anu pong hayop hanap nila?"
"Si Minhee po?"
"Minhee? Wala kaming hayop na Minhee"
"Ah hindi po hindi, ang ibig ko pong sabihin kung nandito po ba si Minhee, Jung Minhee po"
"Ahhh yung magiging emplayado namin? Ah kaka-alis lang niya kani-kanina lang"
"T-talaga po?"
"Oo sayang di mo naabutan, pero di pa naman yun siguro nakakalayo check mo na lang"
"Sige po...salamat"
"Walang anuman balik po ulit kayo sir"

Nag bow lang si D.O at agad umalis.

*Aissh bat ayaw kaming pagtagpuin ng tadhana! tsk karma ko na ba to?* inisip ni D.O at patuloy kang hinanap.
 

- - - - - - - 

Kasalukuyan ka pa rin nag lalakad lakad sa lugar.
Naisip mong hindi muna umuwi at gumala muna sa paligid.

Mula sa kabilang sidewalk nakakita ka ng KPOP store kaya tumawid ka para puntahan ito.

"woaaah ang daming EXO itemssss sheeeeet afsagdf" sabi mo at nag spazz "dati wala pa tong mga to ah" sabi mo.
Si ateng tindera narinig ka "Miss bagong exotic ka? Nako bumili ka na mabilis mag out of stock mga EXO stuff sige ka mga unlimited stuffs lahat ng nandito sino ba bias mo ayun maraming mga pictures dun miss bumili ka na!" sabi ng tindera na direreteso.
Hinatid ka niya papunta sa harap ng mga unseen photo cards.

Nagpadala ka na lang kay ate at tumawa.
Tinignan mo lahat ng mga pictures at nakakita ng kay D.O kaya hinawakan mo to.
"Ayyy!! Miss bias mo rin siya!? Parehas tayo!! apir!" sabi ni ate at nakipag apir.
"Magkano po si D.O?"
"50 tapos 100 na lang dalawa para sayo"
sabi niya
"Hahaha Malamang ate! sige po dalawa bibilhin ko~ Nako kung alam mo lang teh mahal na mahal ko tong lalaking to" sabi mo at kiniss ang picture
"Waaah katuwa ka naman miss same tayo ng bias! At dahil jan sige kuha ka pa isa libre na lang"
"Haaaalaa? Talaga? oafsakjgkgjrg waaah thank you ate!!"
sabi mo at tumalon talon.

Paglabas mo ng shop nag bow ka lang at tumuloy na.

Naglakad ka lang na naglakad sa sidewalk na yun.
Si D.O naman ganun din ang ginagawa pero dun siya sa kabilang sidewalk.

Tumingin tingin lang sa paligid si D.O habang patuloy na nag hanap.
*nasan ka na ba minhee* inisip niya at saktong napatingin siya sa kabilang daanan.

"Si...si Minhee!" sabi niya.
Sinundan ka lang niya habang naglalakad ka sa kabilang daanan at siya naman sa kabila.

Napahinto si D.O nung huminto ka.
Kasalukuyan ka na kasing nasa tapat ng pedestrian lane.

Mula sa kabilang kalsada tinitignan ka ni D.O.
"Minhee..." sabi niya sa sarili dahil tuwang tuwa nung nakita ka na, at di niya na mapigilan ang sarili, tinawag ka niya mula sa kabilang dulo.
"MINHEE!!" sigaw niya.

Ikaw tinitignan mo ang mga pictures nung narinig mong may tumawag. 
Pagtingin mo sa tumawag sayo, nakita mo na nasa harap mo sa kabilang kalsada si D.O.

Kahit naka-mask siya alam mong siya yun dahil ikaw ang nag bigay sa kanya nun dati.
 

"K-kyungsoo..." sabi mo at di na mapigilang ngumiti sa saya.
"nagbalik ka na..." maluha-luha mong sinabi sa sarili.

Sa sobrang saya mo, tumakbo ka papunta sa kanya.

At kasabay ng pagtawid mo ang pagdaan ng mabilis na kotse.

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP
BOOM

"MINHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!" sigaw ni D.O


Agad agad kang pinuntahan ni D.O at iyak ng iyak habang tinitignan ang duguan mong katawan.

Tapos umulit sa kanya ang sinabi ni Hyungjun kanina,

habang may oras ka pa hanapin mo na siya o baka dumating ang panahon na hindi mo na siya makapiling pa, habang buhay

 


 

 

 

[A/N]

Insert evil laugh

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?