forty-seven

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

Kinabukasan pagkagising mo pa lang naka-receive ka na ng text kay manager nila na pede ka ng umalis at bumalik ka lang agad bukas ng umaga.
 
Day off mo ngayon kaya pinayagan ka ni manager na umuwi sa inyo.
 
Bago umalis sinigurado mo munang may kakainin sila, hindi man ibinilin ni manager na gawin mo yun ginawa mo kasi ayaw mo silang ma hungry birds.
 
“aalis muna ko kyungsoo…” bulong mo at kiniss siya sa noo at iniwan ang maliit na message na uuwi ka sa inyo.
Pag-alis mo ng bahay sumakay ka na ng bus at nag fly fly away.
 
 
-   -     -   -    -
    
 
Pagkagising ni D.O, agad niyang nakita yung letter na iniwan mo sa ibabaw ng lamesa kaya binasa niya to.
Kyungsoo~♥ 
Day off ko ngayon kaya sabi ni manager pede daw ako umuwi samin, hindi na kita ginising kasi ang pogi mo pag natutulog haha yun lang~ muah :*
Biglang sumimangot si D.O
"Miss na kita agad.." bulong niya
Tinitigan niya lang muli ang letter at may part na pinaulit-ulit.
*umuwi samin, umuwi samin, umuwi samin...sa amin..samin...*
Biglang napangiti si D.O at naka-isip ng bright idea.

teeng!

*Kung puntahan ko kaya siya sa bahay nila?* inisip niya *..at magpakilala na sa mga magulang niya?* tanong niya sa sarili at napangiti sa naisip
*tama!* inisip niyang muli at tumayo na para lumabas ng kwarto. 
"Morning hyung~~" bati ni Sehun pagkalabas niya
"Morning Sehun" Sabi ni D.O oppar
"Hyung asan si Noona?~~"
"Umuwi daw siya sa kanila" 
"Bakit?" singit ni Kai na mabango
"Day Off niya daw ngayon" Sabi ni D.O at biglang napangiti.
Kumunot ang kilay ni Sehun
"Mukang masaya ka na wala si noona hyung ah" sabi niya at nag taka
"A-ako masaya? Di ah...namimiss ko na nga siya eh" sabi niya at biglang nag lungkot-lungkutan at pumunta na sa kusina.
 
Maya-maya, pagkatapos nilang lahat magsi-kainan tumawag na si manager nila para papuntahin sila para sa practice ng performance para sa DKFC Manila.

"Hyung pano namin papraktisin yung Hawak Kamay eh wala naman si Minhee?" tanong ni Suho oppan.
"Meron akong kinuhang substitute dito dalian niyo na jan at dumiretso na kayo dito sa SM Building"
"Pero--"

*tuut tuut tuut* binabana ni Manager ang telepono.
"Tuloy pa rin daw ang practice" sabi ni Suho sa kanila.
"Pano? Umuwi si Minhee ah?" tanong ni D.O.
"May papalit muna daw sa kanya" 
"aaaaaaaaaaay"
sabi ni Sehun at sumimangot.
"Sige na sige na yaan niyo na mag prepare na tayo" sabi ni Suho oppar at tinulak na sila para mag ayos papa-alis.
 

-   -     -     -


 
 
Ilang oras din ang tinagal ng byahe pero ligtas ka namang naka-uwi.

sayang..

 
 
*toktok*
“Umma! Appa!” katok mo.
 
Mula sa kusina pumunta ang umma mo sa pinto at pinagbuksan ka
“Minhee anak!!!!!!!!!!!!!!”
“Ummaaaaaaaaaaaa~~~~~~” sabi niyo at nag nag hug. 
Mula sa likod dumating ang appa mo.
“Sino yan honey?—Anaaaaaaak!” sabi ng appa mo at nakipag group hug.
“Hindi mo naman sinabing uuwi ka! Halika pumasok ka na mukang napagod ka sa byahe” sabi ng appa mo at hinila ka papasok sa palasyo niyo.
 
“Kumain ka na ba anak?” tanong ng umma mo.
“Hindi pa umma anu bang pagkain?”
“Nasa lamesa, bahala ka na pumili” sabi ng mama mo kaya pumunta ka sa lamesa at binuksan mo at takip ng ulam.

Isang pirasong isda lang naman pala nandito umma anong pagpipilian ko?”
“Alam ko, ang ibig kong sabihin pumili ka kung kakain ka o hindi”
“Ahhhh hahahha umma naman eh!”
Di nagtagal kumain ka na habang nasa tabi mo sila umma’t appa mo at kachismisan
 
“Alam mo ba yang appa mo nak katampuhan ng tiya mo, yung tita ba ng appa mo”
“Hala Bakit?”
“Wag mo na sabihin yan sa anak natin-asfajhfagd” biglang tinulak ng umma mo muka ng appa mo.
“Kasi nung birthday nung tita niya nung nakaraan tinanong ng magaling mong appa kung anong gusto ng tiya mo, sabi niya kahit ano daw kaya niyang bilhin, ngayon na excite ang tiya mo at sinabing kahit ano daw na may diamond ang gusto niya eh eto namang appa mo nangako kaya natuwa lalo tiya mo pero alam mo ba kung anong binigay?”
“Ano po?”
“Baraha!”
“P-FPUWAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHA” muntikan mo ng ibuga kinakain mo “Walangya ka talaga Appa ahahahahah”
“Bakit may diamond naman yun ah? Lugi pa nga ako kasi meron pang clover, spade staka heart yun”
“Hahaha iba ka talaga appa” sabi mo at nag tawanan kayo.
 
Pagkatapos mong kumain bumalik na kayo sa sala.
“Kamusta ka naman dun nak di ka ba nahihirapan?” 
“Di po wag kayong mag-alala”
“Mabuti kung ganon pede ba kaming pumunta minsan—“
 
*tok tok tok*
 
“Sino yun? May bisita ba kayo?” tanong mo.
Biglang nag tinginan ang umma’t appa mo “Wala ah? Teka ako na titingin” sabi ng umma mo at lumakad.
"Teka sasama ko!" sabi ng appa mo at sumunod.

Pagbukas nila ng pinto..
“Oh Chandeul iho! naparito ka?”
“Hello po tita~~manghihiram lang po sana ng pang bomba ng CR nasira po kasi yung samin”
“Ah yun lang ba? Sige lumapit ka dun! Hingin mo sa loob nandun anak ko”
“Anak? N-nanjan po si Minhee!???”
“Oo”
“Fsdegdfh” agad agad tumakbo si Chandeul papunta kung nasan ka tas sila umma't appa mo nadun parin sa may pintuan niyo dahil may kausap na ibang kapit-bahay.
My laaaaaaaaaaaaavvsssssss!!!!!” sabi niya at niyakap ka “Minhee love so sweet bat ka nandito? Na miss mo ba ko?”
“Bitawan mo ko nasasakal ako uy!!!Day off ko lang ngayon kaya ko nandito, ikaw? bat ka nandito?”
 
“ehh..i-kiss mo daw ako sabi ng mama mo”
“Muka mo! Susumbong kita!! Ma oh! Si Chandeul!!” sigaw mo.
“Ibigay mo na nak nag paalam sakin yan!” sabi niya mula sa malayo
Biglang kang nagulat,
"Sabi sayo eh! Kung ayaw mo ako na lang!" sabi niya at nag smirk sabay kiniss ka sa pisngi. 
“YA!!!” sabi mo at sinipa siya sa pwet.
"Awwwwww bakit ka ganyan magmahal Minhee masyadong masakit"
"Sira ulo ka kasi! Ano ba talagang ginagawa mo dito?"
"Manghihiram lang ako ng pangbomba ng CR"
"Ahh..bakit? Sisirain niyo na CR niyo?"
"Ha? Hindi ah! Barado lang inidoro namin"
"Aaaaah yung pangbomba ng baradong CR ahahaha kala ko papasabugin mo na bahay niyo hahahaha"

"Nakakatawa Minhee..nakakatawa..." sabi ni Chandeul at nag pekeng tawa.
"Weeeh epal ka lumayas ka na nga!"
"Uy joke lang hahaha nagkita na ba kayo ni Nana?"
"Hindi pa eh..wag muna ngayon gusto ko pang makasama sila mama't papa ng kami lang..kaya please kunin mo na kailangan mo at umalis ka na? Baka di pa kita matiis at ikaw ang pasabugin ko"
"Natatakut akuuu"
asar niya.kaya bigla mo siyang kinurot sa pwet. 
 
Pagkakuha ni Chandeul ng granada umalis na siya ng bahay niyo at naiwan ulit kayong tatlo.
 


-      -      -      -      -     


Kasalukuyan ng nag papractice ang EXO-K.

"Ang boring no?" bulong ni Sehun kay Kai.
"Oo nga--"
"Anu ba makinig nga kayo!"
turo nung mataray na trainor kay Sehun at Kai.
Agad silang nag bow at nag sorry.

Si D.O patingin tingin lang sa oras. *Di pa ba matatapos to?* inisip niya.

" sa..pag..la...lak...bay.." sabi nung teacher
"Sa...pag..la..lak..bay.." gaya ng EXO-K sa kanya.
"Very good! Okay na yan sa ngayon 11:50 na mag lunch na kayo pagkatapos balik agad by 12:15" sabi ng striktong vocal teacher.
"Hala ang bilis naman--"
"Now Go!" 

Agad agad umalis ang EXO-K dahil saglit lang silang mag la-lunch

Si D.O imbis na dumiretso sa canteen dumiretso siya kay manager.

"H-hyung...ang ang sakit po ng ulo ko..."
"Talaga? Uminom ka na ba ng gamot?"
tanong niya.
"O-opo...mukang kailangan ko na pong magpahinga.." Sabi niya at umakting na sobrang tamlay.
"Osige sige kaya mo pa bang umuwi o ihatid na lang kita?"
"Medyo kaya ko pa po ako na pong bahala.."
"Talaga?"
tanong ni manager at nag nod si D.O
"Oh eto soot mo sumbrero at mask para di ka mapansin ng mga fans pag labas mo"
"Thank you po..pasabi na lang din po sa ibang members hyung"

"Akong bahala" sabi ni manager at inalalayan si D.O hanggang makalabas ng SM Building.
 
*YES Success! Ang galing mo talaga Kyungsoo!* sabi niya at inapir ang sarili at nagdiwang siya sa isip niya pag alis ni manager.
Sasakay na dapat siya ng bus ng may naisip siya
*Bumili kaya muna ko ng regalo para kila tita?.....oo nga tama* sabi niya at naghanap muna ng regalo bago dumeretso sa inyo. 
 
Pagbalik ni Manager sa loob sinabi niya agad sa EXO-K ang nangyari.. 
"Si D.O nga pala masakit ang ulo..kaya kayo muna ang mag papractice" 
"Woooaaaaaa nakakainggit! Buti pa si hyung nakaalis na! Manager ako masakit puso ko pedeng umuwi na rin ako?"
sabi ni Sehun.
"Tumigil ka Sehun bumalik na kayo sa Music Room 12:20 na" pagkarinig nila nun nanlaki mata nila at agad na tumakbo pabalik dun kasi late na sila. 
 
 
 
-      -      -        -        -
 
 
 
Kayong tatlo ng pamilya mo ay kasalukuyang busy sa panonood ng piratang Iron Man DVD ng biglang may nag doorbell.
 
*ding--

teka wala pala kayong doorbell hahaha

*toktoktok*
 
"ako na po" sabi mo at tumayo para pagbuksan kung sino man yun kumatok.
"Anu po yon---K-Kyungsoo" nandilat ang mata mo
"Surprise~~" sabi niya at niyakap ka.
Pero bigla kang bumitiw "D.O! Anung ginagawa mo dito D.O hindi pedeng--"
"Anak sino ba yan papasukin mo"
sabi ng appa mo.
"W-wala po" sabi mo pero ang hindi mo alam nasa likod mo na pala ang appa mo.
"Annyeong Hassaeyo" bow ni D.O sa Appa mo
"Annyeong din sayo sino ka at anung ginagawa mo dito?" Tanung ng appa mo.
"K-kaibigan---" sabi mo pero pinigil ka ni D.O  
"Boyfriend po ako ni Minhee" sabi niya na proud na proud.
Nagulat kayong pareho ng appa mo sa sinabi niya.

"A-Ano!!!!! Wag mo kong niloloko baka masaktan kita jan!!!" Sigaw ng appa mo at parang gusto ng banatan si D.O
"Appa wag" sabi mo at pinigil siya
Si D.O naman biglang natakot "D-di po ako masamang tao"
"Anong meron?"
biglang dumating umma mo.
"Itong lalaking to boyfriend daw ng anak natin tarantado niloloko pa ko!!"
Pagkakita ng umma mo kay D.O na starstruck siya. 
"Talaga boyfriend ka ng anak ko iho!? Nak boyfriend mo to?"
"O-opo" sabay kayong sumagot ni D.O
"MINHEEE ANAAAAAAAAAAAAAAAAK!!!!!!" sigaw ng mama mo kaya kala mo papagalitan ka "Ginayuma mo!!?? Ang pogi!!" sabi niya at tumili sa tuwa.
Si appa mo speechless lang pero nasasaktan na siya ng sobra sa mga nangyayari.
"Sa loob natin to pag-usapan..." sabi niya at sumunod kayo.

-      -      -      -     -

"Appa, Umma sorry po..." sabi mo at yumuko.
Si D.O nakokonsensya siya na dahil sa kanya nagalit si Appa mo.
 
"Anu ka ba Minhee! Sakin okay lang 21 yrs old ka na di ka na teenager para pigilan pa namin magboyfriend diba honey~" sabi ng umma mo sa appa mo pero di niya to pinansin.
 
"Anong trabaho mo" tanong ng appa mo kay D.O
"S-singer po"
"Sikat ka ba?"
"Appa!
" sabi mo kasi iniintrigana na masyado si D.O
"Wag kang maingay jan anak may kasalanan ka pa sakin" sabi niya kaya bigla kang napatahimik.
"M-medyo po..."
"Anung pangalan mo?"
"Do Kyungsoo po"
"San nakatira?"

"Honey tama na yan! Malaki na anak natin alam niya na ginagawa niya, hindi pedeng panghabang buhay natin siyang kapiling karapatan niya ding magmahal! Staka isa pa, di pa naman sila magpapakasal kung maka sermon ka naman!" sabi ng umma mo.
 
Unti-unti tumulo ang luha ng appa mo "huhuhu yung baby ko kasi...may may boyfriend naaaaaaaaaaaaaaaaaaaah huhue" sabi niya at umiyak sa balikat ng umma mo.
"S-sorry po sir" sabi ni D.O sa appa mo.
"Sus maka sir naman to! Tito na lang!" sabi ng umma mo sabay kindat kay D.O
"Umma!!" sigaw mo
"Biro lang nak haha sige na okay na ang lahat  madamdamin lang talaga tong lalaking to kasi nag-iisang anak lang namin si Minhee"
"Ahhh..O-opo...thank you po....tita.." sabi ni D.O at nginitian ang umma mo. 
kinilig mothaar mo.
"Siguraduhin mong hindi mo lolokohin ang anak ko kung hindi maiitak kita!" takot ng appa mo kay D.O at finally ngumiti na "Anak malaki ka na talaga.."
"Appa sorry.."
"Sige na sige na wala na kong magagawa sana maging maayos pagsasamahan niyo..." sabi ng appa mo at nginitian kayo.
"Thank you po" sabi ni D.O at nag bow "Hinding hindi ko po iiwan si Minhee mahal na mahal ko po siya! Pangako hindi aabot sa panahong iitakin niyo ko..."
"Good!"
sabi ng appa mo.

Kayong dalawa ni D.O nag ngitian dahil may blessing na kayo sa magulang mo.

"May dala po pala kong regalo" sabi ni D.O at nilabas ang mga ito.
"Nag abala ka pa.....mahal ba yang mga yan?" biglang sabi ng appa mo.
"Appa!" sabi mo sa kanya.
"Bakit nagtatanong lang"
"Ah di naman po kamahalan tama lang....Mga coat po to staka mga stess reliever na gamit"

"Bat ka pa bumili ng regalo?" bulong mo kay D.O "Okay lang" "Aish dapat di ka na gumastos!" 
"Woaa! Kala ko ba mura lang to bat mukang mamahalin!" Sabi nila na tuwang tuwa sa regalo ni D.O
"Thank you Kyungsoo-shi~"
"Walang anuman po"
 
Pagkatapos niyong mag chismisan jan sa tabi tabi.
Ang umma't appa mo lumabas munang saglit para mamili ng kakainin.

"Minhee pedeng patingin ng kwarto mo?" tanong ni D.O
"Osige---ay wag pala!!" pigil mo sa kanya naalala mong may poster ng EXO-K dun.
"Bakit?"
"M-makalat!!"
"Makalat? haha papasok ka bang katulong kung makalat kang tao?"
"P-pero--"
Pipigilan mo na sana siya kaso nabuksan niya na ang pinto at naka pasok na siya.

Tumingin tingin siya sa paligid at napansin agad ang EXO-K poster.
"Bakit may poster namin dito?" tanong niya.

"S-support...oo kasi sinusuportahan ko ang grupo ng boyfriend ko...diba..."
"Ah kakabili mo lang?"
"Oo..kanina...
" sabi mo pero di totoo kasi dati pa yun nandun.
"Pedeng pahiram ng gunting?"
"Bakit?"
tanong mo.
"Basta...please~~?" 
Inabot mo sa kanya ang gunting at lumabas munang sandali para pataying ang DVD.
Pagbalik mo sa kwarto mo yung poster mo si D.O na lang , yung ibang members nagunting na.

"Waaaaaaah!! Anung ginawa mo bat mo ginupit!!" sabi mo at kinuha mula sa kanya ang natapyas na ibang members.
"Sino bang boyfriend ang matutuwang may ibang lalaki sa kwarto ng girlfriend nila?"
"P-pero poster--"
"Eh basta gusto ko, ako lang nasa kwarto mo"
"Anu ba yan...parang poster lang eh"
medyo nagalit ka kasi pinag-ipunan mo din yung poster na yun dati.
"Edi idikit mo ulit!" padabog namang sinabi ni D.O. kaya nagulat ka.
"Hala...Hindi na hindi na...s-sorry....galit ka?" sabi mo at hinawakan siya. 
Si D.O bigla kang tinulak sa kama at ipinagitan sa mga braso niya "Wag mo kasi akong pinag seselos..mabait ako sa mabait, pero kapag ako nag-init, Paggising mo, wala ka nang damit" sabi niya kaya nag blush ka.
"D-D.O baka dumating sila umma" sabi mo at pinilit maka alis sa kanya kasi nahihiya ka sa posisyon niyo.
"Wag kang mag alala ni-lock ko pinto pede bang mag stay lang tayo ng ganito kahit saglit?"
"B-bakit--"

Natigilan ka nung hinalikan ka niya 
Nagulat ka nung una pero di nag tagal nadala ka ng init ng inyong pagmamahalan at nag kissing scene kayo sa kama.
"Sorry" sabi mo kay D.O pagbitiw niyo.
"Sorry din Minhee...masyado kong seloso..." sabi niya at umalis na mula sayo
"Nagiging wild ka pag nagseselos..." sabi mo ng mahina
"Ha?" tanong niya
"Wala haha.."
"Baka nanjan na sila tara na"
sabi niya at hinawakan ang kamay mo at lumabas na kayo ng kwarto. 
  
-    -     -     -      -

Mga 6:00 na ng hapon at hindi pa rin umuuwi si D.O sa dorm.

"D.O di ka pa ba uuwi gagabihin ka na" sabi mo
"Ayoko pa gusto pa kitang makasama..."sabi niya at hinawakan ang kamay mo.
"Baka mag alala sila"
"Ay! Oo nga..text ko na lang siguro na gagabihin ako?" tanong niya at nag nod ka.

Kinuha ni D.O ang cellphone niya at tinext ang mga kamembers.

Nandito nga pala ako sa bahay nila Minhee 
text niya tapos sinundan niya pa ng isa pang text. Bukas na ko uuwi

Pagkatapos nun ibinulsa niya na ang cellphone at pumunta sa sala kung nasan ang umma't appa mo.

Ang appa mo naglabas ng alak.
"Kyungsoo iho hinahamon kita" 
Napa-gulp si D.O
"Appa di masyadong nag iinom si D.O staka uuwi rin siya mamaya wag na!"
"Hindi Minhee sige lang" sabi ni D.O na tunog kampante pero tinatago niya lang ang kaba dahil di naman talaga siya manginginom pero gusto niyang magpakitang gilas sa appa mo.
"Minhee anak yaan mo na sila jan halika dito at tulungan mo ko sa kusina"
"D.O sigurado kang okay ka lang?"

"S-shempre!" Sabi ni D.O kaya pumunta ka na sa kusina para tulungan ang umma mo.

"Cheers!" sabi nilang pareho.
"May tanong ako...pano mo nakilala anak ko?" tanong ng appa mo pagka-inom
"Ahh...kasi po samin siya nagtatrabaho.."
"Amo ka ni Minhee!?"
tanong ng appa mo
"O-Opo"

Mula sa kusina rinig niyo ng umma mo ang pinaguusapan nila.
"Anak amo mo si Kyungsoo?"
"Opo"

"Abaaaa siguro nilason mo no! aminin mo!"
"Grabe naman umma di ko rin nga alam kung pano siya nadekwat eh"
"Pero nak alam mo pamilyar sakin muka niya di ko lang maalala kung san ko siya nakikita....teka iisipin ko...hmm" nag-isip ang umma mo.
"AHH!! Yung nandun sa poster mo sa kwar--Minhee!!! Wag mong sabihing.."
Nandilat ang mata mo *lagot* 
"Yung mga kina-adikan mo dati...mga amo mo!??"
"O-opo u-umma pero pero hindi ko po talaga alam diba ipinasok lang ako ni tita--"

"Hindi mo sinasabi puro pala mga lalaki amo mo! Babae ka Minhee baka nakakalimutan mo!! Nasisiraan ka na talga ng baet!" sabi niya at seryoso na
"Pero Ma..."
"Wala kong pakielam sa idadahilan mo! Ano kung mga idol mo sila? Hindi yun dahilan para manilbihan sa kanila! Tas nakuha mo pang ilihim samin to!? SIMULA NGAYON HINDING HINDI KA NA BABALIK DON!" sigaw ng umma mo kaya unti-unti ng tumulo ang luha mo. 
Hindi mo siya magawang masagot dahil tama lahat ng sinabi niya.

 
Pagkakita ng mama mo sayo na iyak na ng iyak bigla siyang tumawa ng tumawa.
"Oy gaga biro lang ahahhaha" 
Nag isip ka lang ang ilang minuto at saka mo na proseso ang sinabi ng umma mo "Uwwwwaa umma" sabi mo at niyakap siya.
"Biro lang yun Minhee anak alam ko namang nag tatrabaho ka dun para samin at hindi naman sinasadya yun...Sa katunayan ang swerte mo, una tumira ka sa bahay nila tas ngayon boyfriend mo na isa sa kanila ikaw na!" sabi ng umma mo at pinalo palo ka sa pwet.
"Thank you umma" sabi mo at hinigpitan ang yakap. 
 
-      -        -         -          -
 
"May ipapakita ako sayo" sabi ng appa mo kay D.O
Nakaka tatlong bote na sila mula kanina.

Nilabas ng appa mo ang photo album niyo.
"Tignan mo baby ko~ ang cute cute niya no~ naaalala ko pa nung bata siya lagi niya kong iniihian" sabi ng appa mo at napapaluha sa memories.
Si Kyungsoo napangiti dahil sa closeness niyo ng mga magulang mo.

Pinakita pa ng appa mo ang iba mong picture..
"Eto eto naalala ko to! Seven years old palang si Minhee neto! sumali siya ng 'Mutya ng bulaklak' alam mo ba yon? Parang pageant to ng mga bata sa Pilipinas sa lugar nung asawa ko dati"
"Talaga po?"
"Oo at grand champion si Minhee, gusto mo ba ikwento ko?" 
"Sige po"
sabi ni D.O at naghanda makinig.

"Minhee anak...lagi mong tandaan pag nakanta ka, dapat ibinubuhos mo ang buong puso mo, alalahanin mo lahaaaaaat ng taong mahal mo, bigyan mo ng buhay ang kanta nang sa ganun lahat ng taga-pakinig mo maramdaman yung mga nararamdaman mo"
"Yan ang bilin ko kay Minhee dati nung kakanta na siya para sa talent portion. Pagkatapos niya kumanta pinalakpakan siya ng audience kaya proud na proud ako! Sumunod question and answer...Alam mo ba nadaya pa kame!" sabi ng appa mo.
"Anu pong nangyari?"
"Kasi yung mabigat na kalaban dun ni Minhee eh anak ng Mayor! Edi may kapit, ngayon yung tanong sa anak ng mayor na nine years old madali lang kumpara sa tanong sa anak ko na seven lang ang daya talaga! Buti na lang mana sakin anak ko.."


flashbaek.. 

 
"Princess Marie Kabute here's your question, What will you do to protect the nature?" 
"Uhm...pede po tagalog?" sabi ni Princess
"Oh sure sure ikaw pa little Ms.Kabute" sabi nung host at nginitian yung tatay niyang Kabute.
"Para po maprotektahan ko ang kalikasan...maghuhugas na po ako ng kamay...thank you" sabi niya at naghiyawan sa paligid.
Si mayor biglang tumayo "Anak ko yan anak ko yan!" at proud na proud sa kabute niyang anak.
"Next contestant is Jung Minhee!" 
"Wooooh!" Umma't Appa mo lang ang humiyaw.
"Question: If you are given a chance to choose between beauty and brain what would you choose and state the reason why"
Biglang napakunot kilay ng appa mo "Anung kalokohan yan seven years old lang yan!" sigaw ng appa mo pero pinigilan ng umma mo. "Anu ba tumigil ka nga! Matalino anak natin mana sakin yan tiwala lang!"
Bigla ka lang tumahimik saglit para mag isip.
"haha bobo hindi man lang makasagot" bulong ni Princess Kabute sa tabi habang naka cross arms.

"Ms.Jung everybody is waiting..I'll count up to five....5...4...3...2.."
"Wait!" sabi mo
"Mr.Host sorry but I'm confused...can you please tell me what kind of 'beauty' you are implementing?"
"What do you mean?" 
"You haven't clarified if it's physical or inside beauty.."
"ooh..smart question"
sabi nung host at nag nod-nod samantala yung Kabute family bleeding is nose.  
"Physical" 
"Oh okay thank..you sir..first at all good evening everyone~~~"
sabi mo at nag bow habang naka todong smile.
"For me I would choose brain...because just like my mother is always saying 'Kaya ka namin pinag-aaral kahit wala tayong pera kasi yan na lang ang maipapamana namin sayo' with that I learned that knowledge can surpass anything....
even money."
*bow* 

Pagkasabi mo nun walang nag react at naka nganga lang sila.
"WOaaaaaah!!!!!!" nagpalakpakan sila.


- end flashbaek
 
"Ganun pala katalino si Minhee" sabi ni D.O na proud sayo.
"Haha bakit kala mo boplaks?"
"Hindi po ganun--"
"Alam mo yang si Minhee dakilang shunga yan aminado ko dun kasi minsan lang talaga siya gumamit ng utak..pero pag yan gumamit ng utak matakot kana! Sobrang matalinong bata..at mabait sobra.."
sabi ng lasing mo ng appa.
"Kaso minsan alam mo mas pinapairal niya ang puso kesa sa utak gaya nga ng sinabi ko minsan lang siya nagamit ng utak.....hindi ko naman sinasabi na nagkamali siya sayo...kasi alam ko pinili niya ang puso't isip niya sayo...minsan lang medyo engot talaga siya...mas gusto niya kasing nasasaktan para sa ibang tao.....ayokong ginagawa niya yun...nasasaktan ako..." sabi ng appa mo at unti unting na namang umiyak.
"Tito .."
"Mahal na mahal ko yang anak kong yan alagaan mo yang mabuti kungdi..."
"Maiitak po ako?"
"Oo.."
sabi ng appa mo at nagpunas na ng luha.
"Cheers kyungsoo"
"Cheers po"

 
Patuloy silang nag inuman hanggang sa hindi na nila kinaya.

"Hala! Lasing na lasing si D.O pano siya uuwi!?" Sabi mo pagkakita mo sa kanya
"Dalhin mo na sa kwarto mo yang si D.O anak dito mo na muna patulugin"
"S-sige...Ay umma dun din ako sa kwarto ko tutulog ah wag kayong mag alala di naman ako aanuhin ni D.O eh"
"Hahaha alam ko! Baka nga ikaw pa gumalaw sa kanya eh"

"hahha kilala mo talaga ko umma haha sige na po good night" sabi mo sa kanya at pinilit buhatin ang appa mo sa kwarto nila.

Ikaw inilagay mo ang braso ni Kyungsoo sa balikat mo at hinila patayo. "Ang bigat mo naman!" sabi mo at dahan dahan siyang hinila.
"hngg" sabi niya habang binubuhat mo siya. "Minheeeeeeeeeeeee I loooooooove youuuu sooooooooo muccccchh babbbbbbyyyy~"
"Ang tapangnang amoy"
sabi mo kasi salong-salo mo ang hininga ni D.O alak flavor.

Ibinagsak mo siya sa kama at saka ka ng unat ng balikat.
"Minhee!" tawag niya.
"Ano?" sabi mo 
"Halika dito" sabi niya at pinalapit ka.
Pagkalapit mo tumayo si D.O at sinukahan ka."Ouwoaaaafjsdnfdsgk"
"AAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYSSSSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHITTTTTTT D.O!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabi mo at dumiretso sa CR para maglinis ng katawan.

Pagbalik mo sa kwarto nag palit ka na at nag sando at pajama.
Kumuha ka ng towel at nilinis din ang ibang maduming part ni D.O

Pagkatapos nun humiga ka na sa tabi ni D.O at tinaas and kumot.
Unti unti bumababa to
"Ang init" rinig mong sabi ni D.O.bigla siya tumayo at nag hubad ng T-shirt "B-bat ka naghubad..." tanong mo. Pag tingin niya sayo nagulat siya dahil naka sando ka lang. "Mainit Minhee..gusto mong painitin pa natin?" sabi niya at ginapang ka. ngayon nasa ibabaw mo siya habang naka suporta ang tuhod at kamay niya.

Dahil sobrang lasing ni D.O di niya na alam ginagawa niya.

 
Dahan dahan yumuko si D.O at hinalikan ka.
Hindi ka na gumalaw sa pwesto mo at nagpahalik lang kay D.O

Patagal ng patagal palalim na rin ng palalim ang kissing scene niyo.
Bigla kayong tumigil saglit para makakuha ng hangin, pagkakataon rin para i-explore ni D.O ang iba pang lugar.
Simula sa labi dumiretso si D.O sa leeg at kinikiss lahat ng dinadaanan.
Hinalikan ni D.O bawat sulok ng leeg mo at naghahanap ng magandang pwesto para pag iwanan ng marka.
"uhng.." nung finally nakahanap na siya, agad niya tong pinag iwanan ng tatak 'Property of Do Kyungsoo'
Satisfied sa logo niya, bumalik siya sa labi mo at hinalikan tong muli pero mas hot dun sa nauna. 
Dahin hindi ka komportable sa pwesto mo, bigla kang gumalaw at di sinasadyang natamaan mo ang palayok ni D.O sa baba "ughhnggg" moan niya dahil sa ginawa mong accidental touch ngayun frustrated na siya.

Huhubarin niya na sana ang pantalon niya nung pinigil mo siya.
"A-anung gagawin mo?"
"Sisimulan ko na paggawa ng maraaaaaming maraming baby"
"D-D.O di pa pede..."
sabi mo at lumayo.
"Pero--"
"Ayoko muna D.O please..."
maka awa mo.
Bigla lang nagbugtong hininga si D.O at bumalik na sa tabi ng higaan.
Niyakap ka niya at kiniss sa pisngi "Sorry" sabi niya at hinawakan ang kamay mo habang yakap ka nya.
"O-okay lang.."

 Maya maya nahilik na si D.O
 

Dahil sa lamok galaw ka ng galaw na na-iistorbo mo na si D.O na yakap yakap ka.
"Anong problema Minhee?"
Bigla kang kumamot "Ang daming lamok eh"
"Patayin mo ilaw para di ka nila makita"
sabi ni D.O kaya sinunod mo to at muling bumalik sa kama.

Maya maya may mga pumasok mula sa bintana na mga alitaptap kaya bigla mong ginising si D.O
"D.O gumising ka!"
"uhnnggg bakit!?"
"Tignan mo nagdala sila flashlight"
"Ahahahhaha Minhee naman itulog na lang natin to"
sabi ni D.O niyakap kang muli at niyakap mo rin siya.
"Good night" sabi niya at kiniss ka sa ilong.

 


 

 
[A/N]


Waka waka eh eh hahaha
Gusto niyo ba yung story? Pa-click naman po nung arrow up na to 
Upvote
 
alavsyouall
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?