fifty-one

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

7:00 am.

Pagkagising mo ng umaga ang una mong ginawa ay gumising ng maaga.


*hikab sabay stretch*
"Hwoaah~~.....uh?" 
tatayo ka na sana mula sa kama kaso may mabigat na nakayakap sayo. 

Pagtingin mo sa tabi mo, dun mo lang ulit naalala na magkatabi nga pala kayong natulog ni honey babes shooty pies mo.

Gigisingin mo na sana siya pero naisip mong wag na lang kasi masarap pa ang tulog niya kaya pinilit mo na lang umalis sa kapit niya ng dahan
dah-- "hngg..san ka pupunta Minhee~" at bigla siyang nagising,

Nagulat ka.

"AY MINHEENG MAGANDA!! Shet! hahaah ginulat mo naman ako D.O mag c-cr lang ako matulog ka na ulit" sabi mo at tinulak siya pahiga ulit sa kama.
"Pero--" sabi niya pero nakatulog ng muli. "ZzzZzz.."
 

Itinaas mo ang kumot sa katawan niya at lumabas na ng kwarto.

Ang totoo hindi ka mag cc-r, maghahanda ka na ng almusal and all everything.

- - - - - - - - - - - - -

Habang nag luluto ka..

*kring kring* tunog ng niluluto mo

hahaha chos 

Binitawan mo muna ang sandok at pumunta sa telepono.
"Hello?" sabi nung tao sa phone.
"Yes sir Mcdonald's delivery what's your order?" sagot mo
"Minhee anu ba"
"Manager? hahaha sorry po"
"Gising na ba sila?"

"Hindi pa po eh bakit po?"
"Uhm sige pagpahingahin mo muna sila, s'ya nga pala damihan mo lulutuin mo ngayon"
"Ha? Bakit po sino po may birthday?"

"Anung birthday? Walang may birthday basta damihan mo bye"
"By--"
*biglang binaba*
"Hello? Hello! Manager! aaaaaaay ganon!? che!" sabi mo at tinarayan ang telepono.

- - - - - - - - - - - -

Pagkatapos mo magluto ng madami, bumalik ka na sa kwarto mo.

9:15 na nung natapos kang gawin lahat lahat ng trabaho mo. 

Pagkapasok mo sa kwarto mo tulog pa rin si D.O. kaya naisip mong kunwaring tulog pa din ikaw.
Humiga ka sa kama ng dahan dahan at pumikit na kunwari tulog na tulog pa.

 

10 minutes na ang nakakalipas hindi pa rin siya gising kaya nangangalay ka na sa pwesto mo.
*Gigising pa ba tong lalakeng to* inisip mo habang nakatingin sa kanya.

Si D.O meanwhile pa gising na.

Nung naramdaman mong unti-unti ng nagigising si D.O nag tulug-tulugan ka na ulit.

*Yes gising na siya! Ngayon eto plano mag-papanggap akong tulog at hahantayin makiss ni prince charming tapos yun masaya ko! bwuahahah asfsgdgdfhbdf yieee kinikilig ako wala pa mang kissing scene* inisip mo habang kinikilig face.

Pagkadilat ni D.O nakita ka niya sa tabi niya kaya napangiti siya.
"kung ganito lang din naman bubungad sakin tuwing umaga" rinig mong sabi niya.

Humarap siya sayo at hinawakan ang pisngi mo.
Unti-unti may nararamdaman kang papalapit sayo kaya kinikilig na digestive system mo.
*kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako adsfdshgfj* iniisip mo at patuloy na umaarteng natutulog na sleeping beauty habang kinikilig inside.

Nung feel mo sobrang lapit niya na kasi nararamdaman mo na ang hinga niya sa mga labi mo, nagulat ka dahil bigla siyang huminto kaya napakunot ka ng kilay.
*b-bat hindii pa itinutuloy? prince charming ready na ang iyong reyna elena idikit mu na my gahd em excited*

Si D.O pinipigil lang ang tawa
"P-pfft Buahahahaha"
Pero hindi niya na napigilan.
"Minhee alam kong kanina ka pa gising!" sabi ni D.O.
"Ha?" bigla kang dumilat.
"HULI KA HAHAHA Sabi ko na eh!" sabi ni D.O at tinawanan ka.
"Aish nakakainis ka!" sabi mo at pinalo siya "pano mo naman nalaman ha!?" sabi mo at tinulak ang balikat niya.
"Hindi ka naman maganda matulog eh hahahahhaha" sabi niya kaya nakitawa ka pero nasaktan ka ng konti lang sa sinabi niya
"Hahahahha kfine ako na panget" sabi mo at tumayo sa kama.

"Oy oy oy san ka pupunta?" sabi niya at pinigilan ka umalis "Minhee wag ka muna umalis hindi ko pa nahahalikan si Sleeping Beauty" dugtong niya.
Pagkarinig mo nun bigla kang nag blush kasi naalala mo ang pag papantasya mo kanina tas naisip mo pang para kang si Sleeping Beauty na hahalikan ni Prince Charming.
"Hala hala nag b-blush siya! Ikaw ah inaabangan mo kiss ko no? Hahahahaa" asar niya sayo.
"H-HINDI NOH! Aish! bala ka nga jan!" sabi mo at nag walk out habang nag b-blush pa rin.
Si D.O naman tawa parin ng tawa.

Paglabas mo ng kwarto nakasalubong mo si Kai.

"Morning Minhee"
"morning!"
 sagot mong medyo suplada at dinaanan lang siya.
"Wait lang Minhee bat nag ba-blush ka?" pigil niya sayo.
"A-ako? Di ah.." sabi mo sabay takip sa pisngi at patuloy na nag lakad
"Ahh! Oo nga pala....parang alam ko na kung bakit....sa kwarto mo ba siya natulog? Si...D.O hyung~~?" tanong ni Kai na may pang tukso.
Bigla kang napatigil sa paglalakad.
"Dun nga siya natulog bakit?"
"Alam ko na kung bakit ka nag b-blush ng umagang umaga kayo ahh~~pfft"

"Hay nako! Kai yang utak mo kakulay na nung cactus natin sa labas! agang aga aish!!" sabi mo at nag walk out na naman.

Si Kai blanko lang, first time niya lang kasi ikaw makita na mag taray.

"Uy Kai anung nangyari?" biglang sulpot ni D.O 
"Hyung bat ang suplada ngayon ni Noona?"
"Ahh yun hahahahahha kasi kanina--ah este wala wala! Wala lang yun baka meron na siya ngayon hahaha" tawa ni D.O at dumiretso sa kusina para sundan ka.

Meanwhile si Kai blanko na naman.
"Meron? Merong ano? Hyung teka! Anong meron si Minhee? Hyung!" sabi niya at hinabol si Dyo.

 

- - - - - - - - - - - - -

 

"Hyung ano bang meron sa babae bat sila bigla-bigla na lang nagiging suplada?"

"Ha? bat mo natanong?" sabi ni Suho kay Kai.
"Eh kasi sabi ni D.O hyung meron na daw ngayon si Minhee tapos pinilit ko siyang sabihin kung anong meron ayaw niya sabihin" 
"Ahhhhhh...teka...ah..uh.. parang ang hirap i-explain...Kai hindi niyo ba yun pinag aralan?"
"Hyung galing ako sa all boys school anong alam ko sa 'meron' ng babae"


*sigh* "Ganito yun, ang tawag dun menstruation, yun yung buwanang paglalabas ng dugo ng mga babae...kaya sila nagiging moody kasi na-iirita sila ganun ganun aishh bat ko ba kinikwento to nakakahiya"

"Ahhh ganun pala yun! Anu yun hyung, parang buntis lang sila ganun? kasi maselan sila?"

"Ohh My!!! Sinong buntis!? Si Noona buntis? Kai nakabuntis ka? Hyung buntis ka!?" biglang singit ni Sehun sa usapan.

*facepalm* "Sehun.....walang buntis okay?" sabi ni Suho oppar

"Eh ano yung naririnig kong buntis buntis na pinag-uusapan niyo?"
"Eyy! Wag ka kasing nakikisingit sa usapan! Tungkol to sa men..mens...menstraction ni Minhee pinag uusapan namin ni hyung"
sabi ni Kai.

"Menstruation Kai hindi menstraction" *hayy mga maknae talaga* "hali nga kayong dalawa marami tayong mga pag uusapan" sabi ni Suho oppar at sinama si Kai at Sehun sa kwarto nila para magpulong tungkol sa menstraction mo.

- - - - - - - - - - - - 

Sa kusina...


"Sorry na~ di na kita aasarin promise"
"Talaga?"
tanong mo
"Oo promise bati na tayo ah~"
"hmmm isang kondisyon, kanta ka muna"
"Ano?"
tanong ni D.O
"Kahit anong English"
"Sige~ Happy Birthday to you~"
"Aish!!! Korean na lang"
"Saenggil chukha--"
"Ay ewan ko sayo D.O"
sabi mo at tinalikuran siya.

"Uy joke lang" Unti-unti nararamdaman mong niyayakap ka niya mula sa likod tapos bumulong siya sa tenga mo "wag kang gagalaw, makinig ka lang"

"ooh~ mm~ lying beside you, here in the dark, feeling your heart beat with mine 
Softly you whisper, you're so sincere, how could our love be so blind~ 
We sailed on together, we drifted apart 
And here~~ you are by my side 

So now I come~~ to you, with open arms 
Nothing to hide, believe what I say 
So, here I am with open arms 
Hoping you'll see what your love means to me 
Open arms~~~ I love you" kanta niya sabay kiss sa pisngi mo.

Hindi mo napansin may luha na pala na pumatak sa mata mo.

"Oh? bat ka naiyak?" tanong ni D.O
"Ako di ah! Y-yung sibuyas kasi"
"Wehh! Bawang kaya yang hawak mo hahaha mamimiss mo lang ako eh~ Alam mo bang kakantahin namin yan bukas sa concert"
"Alin yung bawang?"
"Hay nako yung Open Arms"
"Oh talaga!? Woa! Siguradong matutuwa mga Exotics sa Pilipinas niyan!"
"Sana nga~Ay oy anu na bati na tayo ah~"
"Oo na oo na"
"Yeeey!" sabi ni D.O at biglang nag pout na ang ibig sabihin ay kiss mah lips me beybeh
Ikaw naman dahil kanina ka pang umaga uhaw na uhaw sa lips ni D.O hindi ka na tumanggi.
Kaso saktong hahalikan mo na siya biglang may nag..

*dingdong*
 
"Teka laaang!" sigaw ni D.O at dali daling tumakbo sa pintuan.
Ikaw naman naiwang naka nguso.
"Aaaaiiissh!" sigaw mo sabay gulo sa buhok. "Malapit na eh! didikit na eh! Ayun na eh!" sabi mo at sinipa ang dingding
"AAAAWWW" at nasaktan ka sinong tanga hahaha
 
Meanwhile pagbukas ni D.O ng pinto..

"Dajia hao, wo men shi EXO-M!" sabi nila at pumasok na lang basta sa loob.
"Hi D.O!" Bati ni Xiumin
"Sabi ko na nga ba kayo yan hyung eh, bat di man lang kayo tumawag"
"Wag na daw sabi ni Kris surprise daw"
"Ako? wala kong sinabing ganyan ah" tanggi ni Benben.
 
"Pwede bang pumasok?" paalam ni Chen
"Kanina pa nga kayo nasa loob eh" sabi naman ni D.O
"sabi ko nga hahaha" 

"Waaaaa EXO-M~!!!" biglang labas ni Sehun sa kwarto kasama ni Kai at Suho oppan.
 
"Annyeong!!" bati ng EXO-M sa kanila.
Sabay na ring lumabas ng kwarto si Chanyeol at Baek
"Oh nandito na kayo?" tanong ni Baek
"Hindi hindi poster lang kame hahaha" sagot ni Chen kaya binato siya ni Baek ng unan ng sofa. 
 
"Nasan si Minhee noona?" hanap ni Tao sayo.

Pagkarinig ni Luhan sa pangalan mo bumilis ang tibok ng puso niya.
patam patam *makikita ko na ulit siyaaaa! feels ko asdafdsadg/*
 
Mula sa kusina may naririnig kang ingay sa sala kaya pumunta ka doon, pagkakita mo tenen nakita mo ang OT12.
Ngayon alam mo na kung bakit ka pinag luto ng marami ni manager, kasi darating pala ang EXO-M naalala mo na na kasama pala sila sa DKFC Manila.

 
"Annyeong Minhee noona!" "Annyeong Minhee!" Bati nila sayo 
 
"A-anyeong sorry ah dadating pala kayo di pa ko naliligo" sabi mo kaya nagtawanan sila."Kumain na kayong lahat marami akong niluto" 
 
"Waa gomawoo~noona" sabi ni Tao at agad tumakbo sa kusina
"Kamsahmnida Minhee-shi~" sabi ni Lay oppan
"Walang anu man para sainyo talaga yun~pakabusog kayo~" sagot mo
"Thank you ulit~" sabi niya sayo at nginitian ka sabay punta na rin sa kusina.
 
Ang ibang members naman dumeretso na rin sa kusina,
 
"Walang anu man~ para sainyo talaga yun~pakabusog kayo~Psh!" rinig mo mula sa tabi mo.
"Bwhahaa selos much?" tanong mo kay D.O.
"Tara na nga, kumain ka na din" sabi ni Dyo at sinama ka sa kusina.
 
Pagpunta niyo sa kusina nakita ni D.O ang mga niluto mo.


 
"Wooooaaah! Daebak ka talaga Minhee!" tapik ni D.O sa balikat mo.
 
"Jalmug get sumnida!" a/n: I will eat well sigaw nila ng sabay sabay.
 
- - - - - - - - - - -
 
 
Habang nakain kayong lahat si Baekhyun at si Chen nagpapatawanan ng joke.

"O eto anong bear ang iniinom?"
"Ano?"
tanong ng EXO.

"pft..rootBEAR bhahahah" banat ni Baek.

"Hahaha game ako naman sino namang bear ang sikat na singer?" tanong ni Chen
Magtatanong na sana sila ng "Sino?" nung bigla kang nag salita.


"Justin BieBEAR?"
Pagkasabi mo nun nag tawanan sila.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA Talo ka Chen alam ni Minhee joke mo! hahahahaha"

"Ay sorry sorry Chen di ko sinasadya sorry talaga!" sabi mo kay Chen na mukang sinukluban ng langit at lupa dahil natalo siya. 
"Bhuwahahhahahaha" at tawa lang sila ng tawa.
 
 
 
Pagkatapos niyong kumain..

"First time ko lang natikman luto mo noona sobrang sarap! Pede na talaga kitang maging asawa!!" sigaw ni Tao.
 
Pagkasabi niya nun nabilaukan si D.O.

Meanwhile ang ibang members tawa ng tawa lalo na ang EXO-K na natawa sa reaction ni D.O.

Si Luhan naman nandilat ang mata.

Ikaw naman di mo narinig sinabi ni Tao kaya nagulat ka kung anong meron.
Nakita mo na lang si D.O na nabilaukan kaya inabutan mo siya ng tubig at tinapik tapik ang likod.
 
"PBuhahahha D.O hyung wag mo naman masyadong ipahalata na kayo na ni Minhee noona Bwuahaha" 

Sa sobrang saya ni Sehun hindi niya na alam kung ano mga pinagsasasabi niya.
 
EXO-M's Reaction: 
 
"M-Minhee..D.O kayo na?" tanong ni Luhan. 

EXO-K's Reaction: 
 
*Sehun nakaka stress ka* inisip nila
 

 

 

 

 

[A/N]


 




 

 


 




 



 

 


 
 

 

 

 


 
 

 



 



 

hahaha kung bitin sorry alabyu all hahahahahah <3

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?