forty-eight

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

Belated Happy Annibuursary sa storyang itey huhuee shet kaiyak haha alabyu all thank you sa pag vote up  <3 
 

 

4:00 a.m palang ay gumising ka na dahil ang bilin sayo ni manager ay bumalik sa dorm ng maaga.

Tatayo ka na sana mula sa higaan kaso si D.O mahigpit parin na nakayakap sa katawan mo.
"D.O! bangon na!" sabi mo at pinilit alisin ang braso niya pero di mo to maalis.

Si D.O nakadamit na nga pala kasi binihisan mo na siya nung tulog na tulog na siya.

"Uy D.O kailangan na nating umuwi"
Si D.O tulog pa rin.
"Uy D.O! Anu ba tara naaa!!" sabi mo at inalog-alog siya
"nngg...wag mo kong alugin Minhee please...masakit ulo ko..."
"Ehh!!! Bumangon ka na kasi! Sa byahe ka na ulit matulog"

"oo.." sabi niya pero pumikit ulit.
"D.O!!"
"5 minutes... pede? please~"
sabi niya.
"sige 5 minutes...timer starts now!"


pagkalipas ng limang minuto..

"Oy tapos na 5 minutes mo" sabi mo pero tulog na tulog na siya.

"Tsk! Bahala ka nga jan" sabi mo at sapilitang umalis
Biglang nagising si D.O
"Uh?....Minhee.. Uy san ka pupunta? iiwan mo ko?"
hindi ka sumagot at dinedma siya..
"Sigi pag umalis ka...eto na lang unan ang bago kong girlfriend" sabi niya habang yakap yakap ang hotdog na unan.
"Okay lang, sinong tinakot mo maghahanap na lang ako ng boyfriend na gigising ng umaga kasi kailangan na namin umuwi at boyfriend na hindi ako ipagpapalit sa unan--" pag tingin mo sa kama wala na si D.O.

"Uy sinong kausap mo jan? Kanina pa kita hinahantay dito sa pinto" 
Bigla kang napangiti at nilapitan siya
"Sus! Bumalik ka na dun sa girlfriend mo"
"Nandito na ko"
"Bat girlfriend mo ba ko?"
"Hindi...
asawa na kita"
sabi niya at bigla kang binuha't bridal style papalabas ng kwarto.
"D.O ibaba mo ko!!" sabi mo at nag shake shake ng body pero deep in the very inside ayaw mo nang bumaba dun forevaar.
 
Dinala ka niya hangang sa kusina at hindi pa rin binababa.
"Baba mo na ko anu ba!"
"Sino muna girlfriend ko?"

"Yung unan--aaaahh" bigla kang dinuyan duyan ni D.O na parang ilalaglag
"Sino ulit?"
"Ako ako ako"

Bigla siyang ngumiti "Good" sabi niya at kiniss ka sa lips.

Saktong dumaan ang mama mo.
"Anong ginagawa niyo?"

Dahan dahan kang binaba ni D.O at pareho kayong napatingin.
"W-wala po tita"
"W-wala kaming ginagawa umma promise"

Pareho kayong nag blush
"Nakakaistorbo ata ako hahaha nga pala bat ang aga niyo gumising?" 
"Kailangan naming makabalik ng maaga umma kasi yun ang sabi sakin nung manager nila staka si D.O din kasi tumakas lang"
"Ah ganun ba?"
"Opo eh ikaw umma bat ka maaga gumising? Si appa tulog pa?"

"Mag-aayos na kami ng ititinda namin mamaya sa palengke, si appa mo gising na nandun sa sala nag kakape"
"Ahh.."

"Oh s'ya sigi mag ayos na kayo at magluluto na ko ng kakainin niyo bago umalis" 
"Thank you po tita" 
"Sige umma"
sabi niyo ni D.O at nag tanan na.

etchos haha

- - - - - - 

Kasalukuyan na kayong nakain...
 

"..sana tumagal ang relasyon nyong dalawa at sana kayo na talaga pang habang buhay" sabi ng appa mo.
Ngumiti si D.O "Opo"
"Ang pagiging mag girlfriend, boyfriend naman para ring mag asawa hindi rin nalalayo ang pagkakaiba"
nag nod si D.O. tas kayo ng umma mo tahimik lang na nakikinig.

"Alam mo ba ang advantage at disadvantage ng may asawa iho?"
"uhm hindi..ano po ba?"

"Ang advantage ng asawa pag kailangan mo, nandyan agad." 
ngumiti ang umma mo.

"Ang dis-advantage pag ayaw mo nandyan pa rin"
Biglang binatukan ng umma mo ang appa mo tas tumawa kayo ni D.O

"Sira ulo ka!" sabi ng Umma mo sa appa mo. "Natuwa na ko sa una eh!" 
Kayo ni D.O tawa lang ng tawa sa kalokohan ng mga magulang mo.
 

Pagkatapos niyong kumain naghanda na kayong umalis.
Bago umalis pinadalhan pa kayo ng umma mo ng Kimchi at ibang home made na pagkain.

Kasalukuyan na kayong nasa bus ni D.O.
Nasa malapit sa bintana si Kyungsoo para di siya masyadong mapansin kahit may suot na siyang mask at sumbrero.
Mas maganda nang safe ika nga ni Robin Padilla

"Muka kang holdaper D.O hahaha" sabi mo kay D.O
"Shh!! wag mo banggitin pangalan ko!" bulong niya.
"Ay oo sorry" sabi mo at nag takip ng bibig.

Dahil madaling araw pa lang kukurampot lang ang laman ng bus.

Sa tabi niyo may isang lola na may kasamang dalawang bata na cute isang baby at isang 5 years old.
"Bwoaa" sabi mo habang nilalaro yung isang baby. 
Biglang tumawa ang cute na baby
"waaaa ang cuuuuuute!!" sabi mo at hinawakan ang maliit na kamay nung baby.

Si D.O sumilip mula sa tabi mo.
"ilang ganyan ba gusto mo Minhee?" bulong niya.
Pabiro mong siniko si D.O.
"Matulog ka na nga"

"Lola ano niyo po siya?" turo mo dun sa baby na naka kandong kay lola.
"apo ko sa tuhod iha"
"Ahh"
nag nod ka at tumingin sa isa pang bata.
"Bali ito pong isa...apo niyo sa bewang?"
"Pffft ahaha" tawa ni D.O sa tabi mo.
Si lola hindi natawa at dinedma ka na. 

"Hala D.O di na ko pinapansin ni lola" bulong mo
"Ikaw kasi eh haha"
"wala naman akong ginawa ah hmmp"
sabi mo at humarap na lang sa bintana.

Bigla kang tumahimik nung nakakita ka ng isang sign sa labas ng isang restaurant.
"Siguro nandun sa loob ng restaurant si Chanyeol"
"Ha talaga?"
sabi ni D.O at tumingin
"Tignan mo nakasulat...Park Here"
"Puhahahahaha"
tawa ni D.O

Yung bus niyo dumaan sa Overpass.
"Oh oh ikaw yun oh!!" sabi mo nung may nakita kang owl sa billboard "Shet sikat talaga boyfriend ko naka billboard pa"
"Minhee kala ko ba tutulog ako! Pano ko tutulog ang ingay mo"
"Ahahaha hindi na promise"

tumahimik kang muli pero di talaga matigil ang bibig mo
"Big Mall" basa mo sa pangalan ng mall "Malaking nunal? hahahaha" tawa mo sa sarili mong joke.

"Ang taba talaga ng utak ng girlfriend ko haha please tama na .." makaawa ni D.O

"haha sige na sige na matulog ka na" sabi mo at nilagay ang ulo niya sa balikat mo 

"Kantahan mo ko ah" sabi ni D.O at ipinaikot niya ang braso niya sa bewang mo.
"Sige matulog ka na.." 
Nag-isip ka muna ng kakantahin..
"ehem...lalalal ~oh~ his eyes, his eyes makes the stars look like they're not shining.." kakantahin mo ang female version ng 'Just The Way You Are'
"His hair, his hair falls perfectly without him trying,
He's so wonderfuuuul~ though....I don't tell him everyyyydaaay~"
biglang napangiti si D.O
fastforward
"When I see your faaaace~~" tumingin ka kay D.O
"There's not a thing that I would change~~ Kyungsoo your amazing"
bigla kang bumulong "Just the way you are"

Si D.O di niya mapigilang ngumiti.

Tinapos niya lang ang kanta bago siya natulog ng totoo.

- -  - - - 

6:00 a.m na nung naka-uwi kayo ng dorm.

Pag uwi niyo tulog pa sila kaya nanood na lang muna kayo ng T.V.

Di rin nag tagal isa isa na silang gumising.
"Morning Sehun" bati ni Baek kay Sehun
"Mornng din hyung~di pa ba nauwi si Noona ko? Anong kakainin natin?" tanong niya habang papunta sa kusina.
Pagdating niya dun nakita niya ang maraming pagkain, yung dinala niyo kanina
"NANDITO NA SI NOONAA~~~~~~~" sigaw niya.
Tumakbo siya papunta sa kwarto mo kaso pag daan pa lang sa sala nakita na niya na ikaw dun.
Yung excitement niya biglang nawala, tas biglang tumunog tong kanta as background music http://youtu.be/qytxkmhxTm4

Naalala na naman niya na boyfriend mo na nga pala si Kyungsoo hyung niya.
Si D.O natulog ulit at sa hita mo siya nakatulog, ikaw naman hindi nanonood ng T.V kasi busy kang panoorin ang muka ni D.O.

"N-noona..welcome back" sabi ni Sehun. Nalulungkot siya dahil hindi niya na magawa yung dati na pede ka na lang niya basta basta yakapin.

"Dongsaennngiiee~~!" medyo nasigaw mo kaya nagising si D.O
Ang ibang members naman pumunta na rin sa sala.

"Oh andito na pala kayo?" sabi ni Suho Oppar.
"D.O hyung ang daya mo nilayasan mo kame!" Sabi ni Kai.
"Nagpakilala ka na kay mother in law D.O?" sabi ni Baekhyun
"Magkatabi ba kayong natulog kagabi?" tanong ni Chanyeol

"Isa isa lang pede?" sabi ni D.O. "kumain na muna kayo dun na namin i-kekwento"

Habang kumakain sila kiniwento na ni D.O ang lahat ng nangyari at kinongrats siya ng mga members.

"Pero di niyo pa sinasagot tanong ko kanina! Magkatabi ba kayong natulog?" 
"Hindi"
"Oo"

magkaibang sagot niyo ni D.O

Ang ibang member nag suspetsya

"Isa pang tanong...magkasama ba kayong natulog?"
"Oo"
"Hindi"

Magkaiba na naman ang sagot niyo.

"AHA!!! KAYO AH!!! MAY NANGYARI KAGABI NOH!!?" Sabi ni Chanyeol habang tinuturo kayong dalawa at nakangiting manyak.
"Wala" sabay niyong sagot ni D.O

"wala?Bakit bakit bakit?" sabi ni Chanyeol na nadepress kasi walang nangyari.
"Uy anu ka ba naman! Masyado ng private yang tinatanong mong yan! Yaan mo nang sila lang ang nakaka-alam na may nangyari na talaga sa kanila"

"aishh wala nga hyung..."
sabi ni D.O

"Hahaha oo na oo na" sabi ni Baekhyun at nag patuloy sa pagkain.

-  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -
 

Pagkatapos kumain, nag prepare na ang EXO-K kasi may practice pa sila ngayon para sa Dream KPOP Fantasy Concert.

Mamaya-maya dumating na ang sundo nila at hinatid na sila kasama ka sa SM Building.

"Sa wakas si Noona na ulit mag tuturo satin! Ayoko talaga dun sa trainor natin kahapon ang sungit!" sabi ni Sehun at nag agree ang ibang members
Saktong dumating si manager kasama ulit yung striktong vocal teacher.

"Bakit nandito ulit yan hyung!" bulong ni Kai kay Suho.
"Hala...Hindi ko alam.." balik bulong niya.

"Oh Minhee! Anu pang ginagawa mo dito?"
Ikaw at ang EXO-K kinabahan.
"B-bakit po?...Diba yung..yung sa Hawak Kamay..."
"Si Ms.Lee na bahala dun pumunta ka na sa kabilang practice room"
"B-bakit po?"
"Ngayon na kaya simula ng training mo"

Nandilat mata mo.
"T-train..T-TRAINING!?"
"Oo trainee ka na daw ng SM Ent"


Pagkarinig mo nun napanganga ka lang.

"WOAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" naghiyawan ang EXO-K
"CONGRATS MINHEE!! CONGRATS NOONA!! WOOOH"

*pero ayaw kong maging trainee fkajfksdfgsdfg bat biglaan ano to fkajslgkdfjhgdskf* inisip mo.

"Hindi ka makapagsalita? Masyado ka bang natutuwa? Sige na sige na pumunta ka na dun alam kong excited ka na" sabi ni manager at tinulak ka playfully.

"Goodluck noonaa~~"
"Goodluck Minhee!!"
"Fighting!"
sabi naman ni D.O at nginitian ka.

*ayokooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo* sigaw mo sa utak mo pero naglalakad ka na papunta practice room ng mga trainee.
Dahil di ka na maka tanggi nag go with the flowers ka na lang.

"Annyeong hassaeyo" sabi mo pagbukas ng pinto.
Sabay sabay nagtinginan ang mga trainee sa loob.

"Si Minhee oh!!!!" sabi nung isang trainee.
Yung isang lalaking trainee naman na nag ngangalang

Park Hyung Jun  //eto siya..

napalingon pagkarinig ng pangalan mo.

Si Hyung Jun, siya yung sobrang may crush sayo na trainee simula nung nakita ka niya sa party, crush ka rin naman nung iba pero bongga yung kanya na tipong binibiro niya sa ibang trainee na pag nakita ka daw niya ulit eh papakasalan ka na niya.


"Annyeong~" bow mo ulit "Annyeong" at nag bow ulit "Annyeong" at nag bow ulit hanggang sa masabihan mo ng annyeong ang lahat ng nasa loob.
Sa huli mong bow nakita mo si Yoonji "Yooonjii aah~~~na-miss kita~~" sabi mo at niyakap siya.

Ang ibang trainee nag taka kung bakit mo siya kilala kaibigan.
Una sa lahat siya ang pinaka maldita sa lahat ng trainee at walang masyadong kasundo pwera lang sa mga ka-uri niya.

*fck wala na talagang kwenta buhay ko* inisip ni Yoonji. *ibig sabihin ba neto trainee narin siya? leche!! * iniisip niya habang nakangiti at nakayakap sayo.
"Unnie~~I miss you too"

"Nandito ka na pala Minhee~ Welcome~~" sabi nung babaeng dance instructor. "Shall we start?" tanong niya at nag nod ka.

Una niyo munang ginawa ay nag stretching streching shempre expertise mo yun kaya perfect mo, kaso ang mga sunod na pangyayari di mo na keri.

"Minhee mali!" sabi ng instructor pang sampung beses na.

"Sorry po" sabi mo habang pinipigilan ang tawa.
"5,6,7,8..."

 At nag sayaw ulit kayo.

Si Hyung Jun nasa pinaka-dulo, una kasi ayaw niyang lumapit sayo kasi nahihiya siya pangalawa kasi baka asarin siya ng ibang trainee sayo kasi alam nga nila diba na crush ka niya.
Tinititigan ka lang niya mula sa salamin at patagong tumatawa sa mga mali mo.

"Aishh mali ka na naman! Minhee naman eh....sorry kung harsh ang sasabihin ko pero magaling ka talagang singer aminado ko pero ang pangit mong dancer" sabi niya ng seryoso.
"Ahahaha" tumawa ka lang.
"Sinabihan na siyang pangit na dancer tumawa pa? ibang klase" sabi nung kaibigan ni Hyung Jun sa kanya.
"Alam ko po yun aminado din naman ako ahaha sorry po" dugtong mo.
"Kakaiba ka talagang bata ka...teka sino sa inyo gustong turuan si Minhee?" 
Nagsitalikuran ang mga trainee..
"HYUNG JUN!!!" sigaw nung ibang trainee at tinuro siya
Ang ibang babae naman nag "yieeeeee"

Si Hyung Jun tumibok na naman ang puso at nag blush. "Huy wag ako wag ako!!!" sabi niya at nag tago sa likod ng isang trainee.
"ANU BA!! ANG INGAY NIYO AH!" sigaw ng Trainor kaya tumahimik sila.
"Halika dito Hyung Jun ikaw ang favorite kong dancer diba? First time ata na nag stay ka jan sa likod? Anong meron?"
"YIEEEEEEEEEEEEEEEEE~~~" muli silang nang-asar

"POCHA IPAPAKAIN KO SA INYO SAPATOS KO!" sigaw ng trainor.
Ikaw palihim na tumawa.

Lumapit si Hyung Jun.
"Hyung Jun turuan mo si Minhee"
"A-ako po?"

"Oo at wag na wag kang titigil hangga't hindi niya na kukuha...maliwanag?"
"O-Opo..
" *tuturuan kong sumayaw crush ko!! Maliban sa kanya na maganda ano pang mas gaganda sa araw na to!! safdsgsfg*
"O sige na dun kayo sa gilid at mag papatuloy na kami"

Sumunod kayo sa trainee at pumunta nga sa dulo.
"Pagpasensyahan mo na ko ah wala kasi akong talent dito hahaha"
"O-Okay lang..."
"Game start na tayo I'm readyy wohoo!" 


Nag start na nga kayo at onti onti mo nang natututunan dahil magaling mag turo si Hyung Jun. 

Meanwhile nung onti na lang papatapos na kayo ang EXO-K nandun sa labas ng pinto.

"Anong nangyayari jan Chanyeol hyung?" tanong ni D.O

Dahil si Chanyeol ang pinakamatangkad siya lang ang nakaka-abot sa silipan ng pintuan na mataas.

"May kasama siyang lalaki"
"ANO!?" sigaw ni D.O
"nandun sila sa dulo" 
Nag init ang dugo ni D.O. "ANOOO!!???"
"Parang nag one-on-one dance lesson ata sila nung dancer na trainee haha kalma ka lang D.O"
"Gusto kong makita Gusto kong makitaaa!!!!!! buhatin niyo ko!!! pleaseee" makaawa ni D.O
"Sige ba isang grupo kaya tayo wala tayong iwanan!" sabi ni Suho oppar.

Ang EXO-K nagtulungan para buhatin si D.O na parang cheering squad.

Kaso saktong pag-abot niya sa taas tapos na sila. 

Biglang may nag bukas ng pinto kaya kinabahan ang EXO-K at nabitawan si D.O
"Woaah!!"
boog
at nalaglag si D.O

Ang EXO-K maliban kay D.O ay tumakbo bago pa sila makita ng ibang trainee na may kung anong ginagawa dun.
"HYUNG SORRY!" "D.O SORYY!" sigaw nila pagkatakbo palayo.
 "Walang hiya kayo kala ko ba walang iwanan!! Oyy!!!!" sabi ni D.O habang nakahawak sa pwet niya na masakit.
"Oh! D.O Oppa!!"
"D.O Sunbae anong ginagawa mo jan?"
"Oppa bat ka naka upo sa sahig?"

"Ahhh..wala wala"
sabi niya at pinilit makatayo.

Nung makakatayo ka na sana siya bigla siyang na out of balance pero buti na lang may naka salo.
"Sunbae-nim okay ka lang?" Tanong ni Hyung Jun
"Kyungsoo!! Anong nangyari?" sabi mo na alalang alala pagkakita mo.
Si D.O naman nginitian ka lang.
"Dalhin na kita sa clinic sunbae" 

Dinala nga ni Hyung Jun si D.O sa clinic at sumama ka, ang ibang trainee hindi na naki-ochoso.

Naiwan na lang sa clinic ay ikaw at si D.O dahil may gagawin pa si Hyung Jun.

"Ano bang ginagawa mo dun D.O?"
"W-wala"
"Tsk mag ingat ka na sa susunod"
sabi mo at hinawakan ang kamay niya.
"Pasabi nga pala dun sa trainee na nagdala sakin dito thank you"
"O sige~"
"S-sino nga pala yung...nagtuturo daw sayo one-on-one sa loob?"
"Pano mo nalaman? Sumisilip ka ba sa loob?"
"Sagutin mo na lang"
"Si Hyung Jun yun siya din yung nag dala sayo dito kanina"
"Siya!?"
"Oo bakit?"
"AY!! Binabawi ko na thank you ko!!"
"Hahaha selos ka na naman ba? Wala lang yun nu ka ba! edi hindi na kita sinagot kung maghahanap lang din pala ako ng iba"
panigurado mo sa kanya at kiniss sa noo. "Wag mo ng pagselosan yung mga ganung simpleng bagay" dugtong mo.
Si D.O nag nod lang.

Meanwhile may tao pala sa pinto kanina pa.

Guess who?

Clue: she's a beach.

Boracay ba to? hahaha

Of course she's the one and only.

Ang dyosa ng kalawakan Kang Yoon Ji 
 

 


 

 

 


[A/N]


Yung mga nagsasabing favorite nila tong storya..

I,..I just...kennot..guys...
whatever let's danceu

And..thaa fuuu winnie the foooh
EXO is 

BAEK!!!!!

Wooohoo!!! May joke ako teka...
Alam niyo kung pano tumahol ang wolf?

 

Pano?




ULF! ULF!

 

Your reaction:

hahahakap magbigti na ba ko? XDD


 

#fangirlhousemate 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?