twenty-seven

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 

Pagkakita nila sayo, si Kai pinasa ang bowl ng mainit na soup kay Sehun at tumakbo papunta sayo.
"Minhee! Okay ka lang!?" 
"O-okay lang hihi" sabi mo at pinilit makatayo.
Inabot ni Kai ang kamay niya para tulungan ka, pero tinanggihan mo to. "Okay lang talaga--" at dahil nagmamatigas ka pa, bigla kang binuhat ni Kai.
"Wag mong pilitin di mo pa kaya" sabi niya at ihiniga ka.

Ikaw kilig balls ka dahil sa ginawa ni Kai kaya nagtakip ka ng kumot sa muka "s-salamat" sabi mo mula sa ilalim ng kumot *anubeeee fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuta! aweee ahahaha*

"Noona kain ka muna~" sabi ni Sehun at kinalabit ka.
Unti-unti, sumisilip ka sa labas ng kumot *sniff sniff* "anu yan?" tanong mo.

"Soup to noona luto namin ni Kai" sabi ni Sehun. Si Kai biglang napakunot ang kilay "ehem" clear throat niya.

Biglang napakamot ng ulo si Sehun. 
"este luto lang pala ni Kai" bawi niya kaya kalma na ang kilay ni Kai.

*ding dong*

"Kai anjan na sila paki bukas nung pinto"
"Ha bat' ako?"

"Pinahawak mo lang naman sakin to" sabi ni Sehun at ipinakita ang soup bowl
"Ay oo nga no sorry nakalimutan ko" sabi ni Kai at biglang kinuha ang bowl.
"Yan ako na ang may hawak, buksan mo na"
"p-pero.."
*dingdong* *lagi na lang nila akong inilalayo kay noona..* inisip ni Sehun at lumabas ng nakasimangot.

Si Kai ngumiti dahil sa nakamit niyang tagumpay, masolo ka na niya ng kahit saglit lang.
Nakita mo ang buong pangyayari at naawa ka sa dongsaeng bebe mo.
"Nung..hindi pa ba ko nagtatrabaho dito..bibully niyo na ba si Sehun?" tanong mo.
"B-bully!?" *bully ba yon? bully na ba ang kagustuhang makasama ka mag-isa!?*
"kawawa naman si Sehun.." duktong mo.
*AAHHH!! Sehun! Sehun! lagi na lang Sehunn!! urgh!* sa inis ni Kai bigla na lang siyang nag walk-out, nakasalubong niya si Sehun pero dahil badtrip siya dinedma niya to kaya kay Suho na nasa likod ni Sehun niya na lang iniabot ang soup bowl.

Kai's bitter mode: On

meanwhile sa loob ng kwarto mo..

*san pupunta yun? may nasabi ba kong masama? adasafafafa halaa..*

 "Minhee gising ka na pala..kamusta?" sabi ni Suho pagpasok.
"Okay na--"
"MINHEE!!" sigaw ni Chanyeol habang tumatakbo papasok "Ano okay ka na!?? san masakit? dito ba?" hawak niya sa kamay mo "dito?" hawak niya sa paa mo  "dit--" biglang nanlaki ang mata niyong dalawa. "YAA!" sigaw ni Sehun ang pinalo ang mahiwagang kamay ni Chanyeol na kasalukuyang nakahawak sa legs mo.

*Simpleng chansing si CHANNIIEEEE WAHHAHAHA me likey~~~~* inisip mo.

"Ah--ahh sorryy!!!" sabi ni Chanyer at tinago ang likod sa kamay.

Dirediretso kayo ng basa no? basahin niyo ulit! pano itatago ang likod sa kamay? wahahha watdafork.

"Okay lang..okay na ko wag na kayong mag-alala"
"Teka noona..Bat parang ang bilis mo naman gumaling? Sabi ng doctor mga isang linggo ka pa daw bago gumaling ng tuluyan pero bat isang gabi pa lang ang nakalipas parang di ka nagkasakit?"


Ang totoo di ka pa talaga magaling, pinipilit mo lang magingmalakas dahil ayaw mong mag alala sila.

"Di naman ganun kalala sakit ko~~ duun worry~~keke" palusot mo at nginitian lang sila

----------

Mga 2:00 na ng hapon naka-uwi sina D.O at Baekhyun.

"kamusta na siya?" tanong ni Baekhyun kay Sehun na nasa sala. "Okay na siya hyung kailangan niya lang magpahinga"
Si D.O dumeretso sa kwarto mo at sinilip kung buhay ka pa..este kung ano na ang lagay mo.

*nagpapahinga na siya.* inisip ni D.O at sinara na ang pinto para di maka-istorbo. 

Ikaw gising na gising at tinitiis ang sakit..pag umuubo ka nagtatakip ka ng unan sa muka para walang makarinig. 

Oras-oras dinadalaw ka nila sa kwarto mo at tinitignan kung okay ka pa rin.
*binigyan ko lang sila ng problema..* inisip mo at pumikit.

kinagabihan..

Dahil sa kaharutan mo kanina, nabinat ka.

"Wag na kayong mag-alala okay na ko matulog na tayo" sabi mo sa kanila at nagkunwaring matutulog na para lumabas na sila.

Pagkalabas nila, nilabas mo rin and thermometer sa kili-kili mo sabay sininghot "ew" sabi mo at inilayo ito sa ilong mo.
*..pano ba tignan to? whahha*  at dahil di mo alam..you don't know.

*Ayoko ng magpabigat..katulong lang ako tapos pinag-aalala ko mga amo ko haay*  kaya bigla mong naisip mo na magpagaling na lang muna sa inyo bago mag trabaho ulit.

----------------
next day..

Gumising silang lahat ng maaga for the first time sa kadahilanang gusto nilang tignan lagay mo.
Pagkabukas ni D.O ng pinto laking gulat niya dahil unan at maimis na kumot na lang ang nasa kama mo "Minhee!!!" sigaw niya at pumasok para hanapin ka, sumunod ang iba "Nasan siya?" tanong ni Suho "MINHEE!!!" sigaw ni Baekhyun tapos ang iba lumabas ng kwarto para hanapin ka sa mga singit-singit ng dingding. 

chos.

"Minhee!!!" sigaw ni Kai.

Si Sehun tulala lang at di alam ang gagawin, umupo siya sa kama at may naupuan siya.

*anu to?*  
tinignan niya yung naupuan niya and nakita niya ang iniwan mong sulat.

Fr: Minhee
To: EXO-K


"Mga hyung!! May iniwang sulat si noona!!!!" sigaw niya at agad namang nagsilapit ang iba.
"Basahin mo" sabi ni Suho at pinunit ni Sehun ang balot.


Dear kung sino ka man na nagbabasa,
        Sorry nga pala sa inyo kung di ako nakapagpaalam ng personal~~~Mianhe~~
Mag lileave lang ako ng mga ilang araw keke bibisitahin ko lang mga pamilya ko. Sana
maintindihan niyo~~ay nasabi ko na rin pala to kay manager at sabi niya magpapadala
daw muna ng kapalit ko ^^, mamimiss ko kayoo~~again sorry ulit~ peace be with you 

and also with you and with them and with the peanut note not knot . 

                                                                                                      Love, Minhee  

Wala na silang ibang nasabi, gusto man nilang pigilan ka na umalis wala na silang magagawa dahil naka alis ka na at dahil miss mo na ang pamilya mo.

"Teka diba di pa magaling si Minhee? pano siya nakaalis?" alala ni Chanyeol.
"Oo nga no? teka tanungin natin si manager"

-------------------------- 

"Manager hyung alam mo ba kung nasaan si Minhee?"  
"Nagleave, di niyo alam?"
"Alam po pero bat niyo pinayagan manager may sakit yun pano siya uuwi?"
"Kaya nga siya nag leave dahil malala na ang pakiramdam niya! Umma niya ang nakausap ko kahapon sila ang sumundo kay Minhee"
"T-talaga??"
"Oo yung lang ba ang itatanong mo? busy ako D.O sige na bye"
sabi ni manager at binaba ang phone.

"Sabi ko na di pa siya okay eh!"
"Ibig sabihin hindi umalis si Minhee para magbakasyon...magpagaling pala siya AISSHH!! kala ko pa naman magaling na talga siya!"
"ginawa niya siguro yun para di tayo mag-alala"
"haaaaay.."

"naiiyak na ko...ngayon pa lang miss ko na si noona.." sabi ni Sehun at yumuko, pag yuko niya may napansin pa siyang nakasulat sa likod kaya binasa niya to.

"PS: Kai ndi nmn galit u dba? txt bck."

 





[A/N

SHORT UPDATE WALOLOL XD
Dahil short lang ang update ko short lang din ang Author's naawt ko mehehehe
k yung lang bye :*


Cyber Crime Law OTL

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?