fifty-six

EXO-K's Fangirl Housemate.

Tagalog |한국(Korean)|"Conversation"|*Thoughts*


 
 
 
Heart break part II
 
 

Nagpipigil ka lang ng luha dahil kaharap mo pa si manager at ayaw mong makita ka niyang umiiyak.

"Hindi ko pa rin tanggap na naloko mo ko, pero dahil trainee ka ng SM sagot ka pa rin namin, kung pinopoblema mo ang titirhan mo, pede kang mag stay sa bahay nila Jooyeon, yung stylist ng EXO panigurado papatirahin ka nun kasi SM din naman ang sumasagot sa pinagtitirahan namin, sa ngayon, bibigyan na lang kita ng dalawang araw para makapag-paalam sa EXO-K"
Pinilit mo paring hindi pumatak ang luha mo "S-sasabihin ko na din po ba sakanilang lahat na isa kong fangirl?"
"Kahit hindi na, ang i-dahilan mo kaya aalis ka na eh para makapag concentrate sa training, at hindi mo yun desisyon kungdi desisyon ni Mr.Sooman. Yun ang sabihin mo sakanila para hindi ka na nila mapigilan kung sakali man tsk, mukang napamahal na nga ata sila sayo eh, sayang lang at sinungaling ka"
pagkasabi ni manager nun lumabas na siya ng office niya


Ikaw ilang minuto paglabas ni manager dumeretso ka sa CR at umiyak ng umiyak.

 

- - - - - - 
 

 

"Ganito ang plano Hyungjun, Pumunta ka sa Hanbyu Restaurant, pagkatapos tawagan mo si Minhee, tapos sabihin mo may nangyaring masama sayo! Naku panigurado pupuntahan ka nun!" 
"Hindi kaya magalit sakin yun pag punta niya tapos wala naman palang nangyari sakin?"
"Sus kolokoy yun! Panigurado pag nakita ka nun na okay lang, tatawanan ka lang nun! Promise! Sayang oppurtunity malay mo maunahan ka pa ng ibang lalaki para sa kanya! Ikaw rin"

"hayy..sana talaga maging successful to...salamat Yoonji ah"
"Walang anu man basta ipangako mo...dapat mapapunta mo si Minhee sa Restaurant na yun...okay ba?"
"Oo pangako"
sabi ni Hyungjun at nginitian si Yoonji,



flashback.

Si Hyungjun kanina lumapit kay Yoonji para humingi ng tulong.
Dahil nadedevelop na sayo si lalake, gusto ka na niyang ligawan.
Ngayon hindi niya alam kung pano gagawin kaya humingi siya ng tulong kay Yoonji dahil alam niyang malapit kayo sa isa't isa kuno.

Pagrinig ni Yoonji nun, nung una ayaw niya kasi wala naman siyang pakielam sa inyong dalawa ni Hyungjun, pero nung naalala niya na boyfriend mo nga pala si D.O nakaisip siya ng masamang balak.
Plano niya na habang nasa resto kayo pipicturan niya kayo at isesend to kay D.O at sasabihing may ka-date kang ibang lalaki, para mag away kayo.

 

 

- - - - - - 

 

 

Nung medyo tumahan ka na, nagpahinga ka muna konti para hindi masyadong halata na umiyak ka.

Nung okay na biglang may tumawag sa cellphone mo.

"Yeobosaeyo?"
" t-tulungan mo ko.."
"Hello!? Sino to?"
"H-hyungjun.."
"Hyungjun? Anung nangyari? Okay ka lang ba?"
"..."
"Hello? hello hyungjun!? hyungjun nasan ka?"
"H-haan b-byu.."
"Hanbyu? Hanbyu restaurant? Papunta na ko!"
sabi mo at binaba ang cellphone.

Hindi kayo close ni Hyungjun pero kaibigan mo siya at malaki rin ang naitulong niya sayo dati nung dance training niyo.
At dahil isa siyang kaibigan, kahit hindi kayo close kung ano man yung nangyari sa kanya tutulungan mo siya dahil ikaw yan eh ikaw si Jung Minhee ang super hero ng bayan lol

Papalabas ka na ng SM Building nung may tumawag ulit sa cellphone mo.

"Yeob--"
"Nasan ka na ba!? Kanina pa ko naghihintay!! Sabi mo maaga ka uuwi!?"
rinig mong galit ni Kyungsoo
"S-sorry D.O"
"Okay lang, okay lang~ Kung hindi lang kita mahal tsk haha nasan ka na ba?"
"Nandito pa ko sa SM Building..."
"Pa-uwi ka na ba?" 
"O--"
sasagutin mo na sana siya ng oo nung naalala mo si Hyungjun.

Gusto mo sana sabihing may nangyaring masama kay Hyungjun kaso lalo niyang ikakagalit yun dahil galit siya kay hyungjun, kaya ang ginawa mo nagsinungaling ka na lang. "H-hindi pa yeobo eh, inextend nila yung training...b-baka gabihin pa ko"

Mula sa cellphone narinig mong huminga ng malalim si D.O "Okay lang~ Basta ingat ka jan ah I love you~~"
"I love you too bye~" sabi mo at binaba na ang phone at dali-daling lumabas para makabyahe na papunta sa Resto.

Meanwhile si D.O kanina pa nasalabas ng SM Building.
Na-aatat na siya sa pag uwi mo kaya gusto ka niyang i-surprise at sunduin galing training.

Papaalis na sana siya dahil sinabi mo na gagabihin ka nung nakita ka niyang lumabas.
Hahabulin ka na sana niya kaso pinigilan siya ni Yoonji.

"Oh D.O oppa nandito ka pala" kahit natatakot si Yoonji kay D.O kinausap niya parin to dahil naka-isip siya ng bagong plano.
"Anu naman sayo wala kang pakielam"
"O-oppa si unnie ba hinahanap mo?"
"Sinabi kong wala kang pakielam umalis ka sa harap ko!"
sabi ni Kyungsoo at tinulak pa gilid si Yoonji at nagpatuloy sa pagsunod sayo kaso hindi ka na niya nakita.
Tapos bigla nangharang ulit si Yoonji "Oppa wag mo siyang sundan"
"ANU BANG PROBLEMA MO!?" sigaw ni Kyungsoo
"b-bat mo ko sinisigawan oppa...concern lang naman ako..."
"Concern?? Yoonji naririnig mo ba yung mga pinagsasasabi mo? Concern pano--"

"Oppa may date sila ni Hyungjun ngayon!!!" sigaw ni Yoonji sabay takip sa bibig niya.
"Anong sinabi mo"
"W-wala" 
"ANUNG SINABI MO!"
sigaw ni Kyungsoo sabay hawak ng mahigpit sa braso ni Yoonji.
"O-oppa masakit...sasabihin ko na, sasabihin ko na......pero sabi kasi ni unnie secret lang daw to eh..."
"Diretsuhin mo na ko Yoonji!"
"Makikipag date daw siya ngayon"
"Date? sinong niloko mo"

"Edi wag ka maniwala, tinatanong mo ko tapos--"
"Kilala kita Yoonji masama ang ugali mo"

"TSK! BAHALA KA! IKAW NA NGA TINUTULUNGAN EH!" sigaw ni Yoonji at naglakad na paalis, pero bago siya umalis ng tuluyan...
"Kung gusto mo talaga malaman ang katotohanan....Hanbyu Restaurant! Dun sila magkikita" sabi ni Yoonji at umalis na ng tuluyan

Masayang masaya dahil sa change of plan niya na mas siguradong sisira sayo. 

 

 

- - - - - - -

 

 

Pagdating mo sa restaurant napansin mong parang wala namang kung ano.

"Anu ba talagang nangyari sa kanya?" inisip mo ng malakas habang hinahap siya.
 

Meanwhile si D.O nasalabas na ng restaurant.
Hindi naman sa wala siyang tiwala sayo or whut, uto-uto lang talaga siya kay Yoonji.

Hindi siya pumasok sa restaurant at nag stay lang sa di kalayuan, at tutal hindi naman tinted yung salamin, kitang kita niya ang nasaloob.

Nagstay lang siya dun ng matagal pero di ka niya na-aaninag " Wala naman si Minhee eh! Bakit ba ko nag pa-uto kay Yoonji aisshh!!! ang tanga ko talag--" natigilan si Kyungsoo nung nakita ka niya sa loob.

"t-totoo nga...nandito siya..." sabi niya ng mahina.

Meanwhile sa loob, nag stay ka dun sa may dulo part yung bintana part para matignan mo ng maigi lahat ng tao.

Tapos maya-maya may kumalabit sayo kaya tumalikod ka.
"Oh Hyungjun anu bang nangyari?" sabi mo at nginitian ka niya na parang okay na okay lang ang lahat.

Meanwhile sa labas si D.O sumikip ang dibdib.  

May date sila ngayon!!!

Nagpintig ang tenga ni D.O nung naalala niya yung mga sinabi ni Yoonji.

At ang susunod na mga nangyari ay ang nagpa-close fist sa kanya na tipong gusto niya nang pumatay ng wala sa oras.

Si Hyungjun kasi bigla kang niyakap at bumulong na "Concern ka pala sakin" Eh yung pag bulong niya parang nagkiss sa view ni D.O. 
 

Nanghina ang buong katawan ni D.O
Sinuntok niya ang poste sa tabi niya at wala na siyang pakeilam kung nagdudugo ito,  
Biglang siyang tumakbo papalayo habang pinipigilan ang luha *b-bat mo ko nagawang lokohin minhee…bakit…*  
At di rin nagtagal tuluyan na siyang umiyak.

 

Meanwhile sa loob bigla mong tinulak si Hyungjun.

“Anong ibig sabihin neto!??” 
"Sorry nga pala at niloko kita...ang totoo wala talagang nangyari sakin--"
"ANOOO!!!???"
sa inis mo bigla mong ginulo buhok mo
"T-teka magpapaliwnag ako...Minhee...gusto kita--" PAK
Bigla mo siyang sinampal sa sobrang galit.
Hard enough na sampal para tagos hanggang skull.

“NAGSINUNGALING AKO SA BOYFRIEND KO NA NAEXTEND ANG TRAINING KO PARA LANG TULUNGAN KA DAHIL SABI MO MAY NANGYARING MASAMA SAYO...TAPOS..AAAAISHH!!! NAKAKAINIS KA HYUNGJUN NAKAKAINIS KAAA!!!!”  Hindi mo na napigilan ang galit at napaluha na sa sobrang stress na nararamdaman mo.

Si Hyungjun natameme lang sa sinabi mo “m-may boyfriend ka na?”
 “AISH!”
yun lang ang sagot mo at galit na umalis.  

Paglabas mo ng Restaurant sumakay ka na ng Taxi at umuwi na.

Pag uwi mo sa bahay dumeretso ka agad sa kwarto nila D.O. hindi pinapansin ang ibang members na nagtatanong kung anong nangyari.

Ang EXO-K alam nila na may something na nangyari dahil first time nila nakitang umiiyak si D.O. tapos nung lumapit sila sinigawan niya ang mga 'to at sinabing wag siyang kausapin.

"Yeobo..." sabi mo pag pasok.

Pagkarinig ni D.O ng boses mo pinag halong relieve at galit ang naramdaman niya.
Galit na galit siya sa mundo dahil sa nakita niya, iniisip niya na sana hindi niya na lang nakita yun.

*ang lakas parin ng loob niyang tawagin akong yeobo hindi na siya nahiya...* inisip niya at nag takip ng kumot.
"Kyungsoo..gusto kitang maka-usap.."
Hindi sumagot si D.O kaya nagpatuloy ka sa pagsasalita.

“Una sa lahat sorry...s-sorry kung hindi ko tinupad yung promise ko...yeobo sorry..." yung boses mo nag ka-crack na dahil sa pag pigil mo ng luha mo.
"May aaminin sana ako sayo tungkol kanina wag ka sana magalit kasi---”
Ikaw plano mo sanang sabihin ang lahat ng totoong nangyari simula sa pagtawag ni Hyungjun hanggang sa pagsisinungaling niya.
Kaso nung aamin ka na, finally biglang nagsalita si D.O

“Di na kailangan Minhee..alam ko na” sabi niya at bumaba sa kama at tumayo sa harap mo.

“A-alam mo na?”  tanong mo at tinitigan siya sa mata.

*na may iba kang lalake*
“Oo alam ko na talaga, kaya tapos na tayo” sabi niya at pinagbagsakan ka ng pinto paglabas niya.

 

 

 


 

[A/N]

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
AsdfghjklkjhgfdsA
bla bla bla

Comments

You must be logged in to comment
ByunKyrie48
#1
Chapter 1: tangina ialang taon na lumipas pero LT pa rin tong kwento mo hahahhaha skl
Squishysoo_12
#2
Binasa ko muna mga comment hehehehe and now mukhang maganda thank you simulan ko na hehehe
etherealkaisoo #3
Chapter 42: Kayo po admin ng EXO Tagalog Memes?
shenaya #4
Chapter 2: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
0hayannika #5
Chapter 2: when you can actually understand your own freaking language for once, bless.
ScarletZers
#6
Chapter 19: Si Minji fav ko xD
kittyongqins
#7
Chapter 62: HAHAHAHAHAHAHA!!!! ILANG BESES KO NA TONG BINABASA PUKINGINA TAWA AKO NG TAWA. DI KO ALAM KUNG BAKIT ㅠㅠㅠㅠ JUSKO JUGIGO HAHAHAHAHAH!!! BIGYAN KO NG JACKET YUNG AUTHOR. HAHAHAHA!!!
nam_ampie #8
Ok try ko to. Ngayon lang ako magbabasa ng Tagalog dito. Hahahah. Natatawa na agad ako. Feel ko talaga comedy to eh hahahha. Legit bato or talagang pang fan to idol lang?