Saranghamnida

I am dating a KPOP STAR

DAY 2

Halos hindi ako nakatulog dahil sa nangyari. Isang araw pa lang ako dito pero muntikan na kong kunin ni Lord! Hindi rin ako makatulog dahil naiisip ko yung last na sinabi ni Chanyeol. Hindi iiwan? E pagtapos ng isang linggo, balik na naman sya sa dati. Makakalimutan nya na uli ako.

At isa pang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog.... dahil katabi ko syang matulog. Hindi magkayakap o ano. Gusto nya lang talaga akong bantayan. May naka gitnang unan sa pagitan namin pero sapat na ang distansya para titigan ko sya. Ang dami sigurong babae na baliw na baliw sa mokong na to? Mabait na, gwapo pa! San ka pa?! "Siguro ang saya saya mo na dahil natupad mo ang pangarap mong maging Kpop star?" bulong ko.

"Hindi ako masaya dahil hindi kita kasama nang matupad ko yun." sagot nya habang nakapikit pa rin. Sht. Gising pala! Tinanggal nya ang unan sa pagitan namin at niyakap ako. "Cha... chanyeol ssi" Pinipilit kong pumiglas pero very very light lang kasi pabor din naman sakin yung ginagawa nya. Hihihi! "Bat... kasi hindi mo ko hinayaang samahan ka?" tanong kong muli.

Niyakap nya ko ng mahigpit. Mas mahigpit kumpara sa unang yakap nya. Nararamdaman ko na tibok ng puso nya, mabilis. Kinakabahan ba sya?

 

"Gusto kitang isurprise noon na nakapasa ako bilang trainee ng Sment. Alam ko kasi na magiging masaya ka para sakin at nakita ko kung paano mo ko suportahan. Mas excited ka pa nga sakin, diba? Ang weird ng ideang naisip ko. Walang text, tawag at pagkikita. Papaalam ko sana sayo pag isang linggo na kong nagtetraining dahil kasabay din nun yung paghahanda kong pag propose sayo bilang maging boyfriend mo. Pero wala akong kamalay malay na sinugod ka na pala sa hospital nung unang araw ng training ko. Kaya pala wala akong makitang tao sa bahay nyo noon. Nung saktong isang linggo na akong nagtetraining, naka set na lahat. Kinuha ko ang cellphone ko para buksan dahil gusto na kitang tawagan, pero bago ko pa mabuksan nakita ko sa Han Gyong hyung na pinipigilan ng mga guards ng Sm building. Kitang kita sa mukha nya yung galit sakin at sinuntok nya ko. Hindi ako nakapalag, ayokong patulan yung kapatid ng pinakamamahal kong babae, kaya hinayaan ko syang saktan ako." *sniffs* tumingala ako, sabay tulo ng luha nya sa noo ko. Nagpatuloy sya kahit nanginginig ang boses nya, "Tanda ko pa mga sinabi ni hyung noon,

'Yung kapatid ko, pwede nang mamatay ano mang oras sa hospital! Ayaw tumanggap ng gamot dahil sayoPero ikawmas inunamo pa yang pipitsuging pangarap moPag may nangyaring masama sa kapatid ko, ako mismo tatapos ng buhay mo!' Mas masakit pa sa suntok at sipa nya ang narinig ko. Dinala kami sa Police station at nagpaliwanag ako sa kanya na hindi ko alam ang mga nangyayari, pero sobra ang galit nya sa akin at hindi ako pinaniwalaan.

Ilang beses akong nagtangkang dumalaw sayo nun, Haru. Pero lagi na lang ako natetyempuhan ni hyung hanggang sa ipinagbawal na kong papasukin sa hospital. Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay mo noong mga panahong yun. Gusto kong sabihin na nandito ako para sayo, na hindi kita iiwan."

Naiiyak na rin ako sa mga sinasabi nyang rebelasyon. All this time, siya lang ang sinisi ko dahil sa paglala ng karamdaman ko. Kala ko tinalikuran nya ko para lang sa pangarap nya. "Hindi ko na nabalitaan ang pagkamatay ng appa mo dahil agad agad na kaming lumipat ng bahay dahil sa takot ni Umma kay Han gyong hyung."

Tumingin ako sakanya at nagpasensya. "Wala yun, wala na samin yun. Ako ang dapat mag sorry sayo. Hinayaan kitang mag isa sa panahon na kailangan na kailangan mo ko." Hinalikan nya ang noo ko, "Haru ya, mianhe." at may malupit pang kasunod, "Saranghamnida" Nasaan na nga ba uli yung inhaler ko?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet